Tanging ang Pagmamahal ng Diyos ang Tunay
Sinabi ng Diyos, “Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawat dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa lugar na gayong kahigpit ang pagkakasara at nahawaan-ng-mikrobyo. Ang mga pagkatao ng mga tao, mga kaugalian, paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, lahat ng inihahayag nila sa kanilang mga buhay at kanilang mga ugnayan sa kapwa tao ay di-kapani-paniwalang sirang lahat …” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 6). Ang pagbubunyag sa mga salita ng Diyos ay nagpakita sa akin kung paano ginagawang abnormal ang lahat ng mga relasyon sa pagitan ng mga tao ng katiwalian ni Satanas, dahil lahat ay batay sa pilosopiya sa buhay ni Satanas, na hindi naglalaman ng kahit na isang katiting ng katotohanan. Kung walang pagliligtas ng Diyos, ang aking mga mata ay nakatakip pa rin at mabibitag pa rin ako ng mga emosyon, ngunit ipinaintindi sa akin ng pagdaranas ng gawain ng Diyos ang pinakadiwa ng kung ano ang ibig sabihin ng “magtulungan sa isa’t isa” at ipinakita sa akin ang katotohanan ng pakikipagkaibigan, pag-ibig, at pampamilyang pagmamahal. Nakita ko na tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at na tanging sa pagsasabuhay lamang ng mga salita ng Diyos tayo makakatakas sa impluwensiya ni Satanas, at na tanging sa pamamagitan ng sariling pag-aasal nang ayon sa katotohanan maaaring maisabuhay ang isang makabuluhang buhay.
Ang aking mga magulang ay kapwa mga Kristiyano, at sa panahong iyon ang aming pananampalataya kay Jesus ay nagdala sa amin ng napakalaking biyaya. Lalung-lalo na sa negosyo, kami ay biniyayaan ng Diyos nang napakarami sa pamamagitan ng mga materyal na kaginhawaan. Karamihan sa aking mga kamag-anak ay hindi kasing-yaman ng aking pamilya, at ang aking mga magulang ay inalagaan silang mabuti sa pampinansiyal at pangmateryal. Ang aking mga kamag-anak ay may malaking paggalang para sa aking mga magulang, at natural na ako ay tinitingnan nila nang may kaparehong pagtingin. Ganoong uri ng pagiging kapaki-pakinabang na kapaligiran ako lumaki. Akala ko ang aking mga kaibigan at kamag-anak ay kamangha-mangha, at maging ano pa man ang kailangan ng aming pamilya, sila ay nakahandang tumulong.
Noong 1998, tinanggap ng aking buong pamilya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at dahil ito ay isang mahirap na larangan, inihinto namin ang negosyo ng aming pamilya. Sa panahong iyon, hindi ko naunawaan ang katotohanan, kaya ang puso ko ay nananabik pa rin sa mundong ito. Nagpalipas ako ng aking mga araw sa pagkain, pag-inom, at paglalasing na kasama ng aking malalapit na kaibigan at mga kamag-anak, at dahil ako ay bukas-palad na gumastos, nagkaroon ako ng mas maraming mga kaibigan, at mas maraming mga muling pagsasama-sama ng aking mga kamag-aral, mga party, mga kaarawan at kasalan ng mga kamag-aral at kaibigan, at iba pang mga okasyon na hindi maidaos nang hindi ako inaaanyayahan, dahil ako ay “napakahalaga.” Bukod pa diyan, tuwing Linggo kailangan kong sunduin at ihatid ang aking nobya, at madalas kaming lumalabas na magkasama. Noong panahong iyon, kahit na hindi ako nagmimintis kailanman kahit isa sa aking tatlong mga pagpupulong sa isang linggo sa simbahan, ako ay lubos pa ring walang pag-unawa sa mga salita ng Diyos, ang aking puso ay naglalayag pa rin sa mundo sa labas, at ang aking paniniwala sa Diyos ay parang isang pamatok ng mga panuntunan. Subalit ginamit ng Diyos ang mga kapaligiran upang ipaunawa sa akin ang katotohanan. Ipinakita niya sa akin na ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao ay batay sa walang anuman maliban sa kapwa interes, at na walang gayong bagay tulad ng tunay na damdamin o pag-ibig sa kanila.
Pagkahinto ng negosyo, kinumpuni ng aking mga magulang ang aming tahanan at kailangang magbayad para sa matrikula ko at ng aking kapatid na babae, kung kaya ang mga ipon ng aming pamilya ay halos ubos na pagkaraan ng ilang taon. Gaya ng inilalarawan ng kasanihang “Natutuyo ang mga sapa kapag humihina ang agos ng gitna ng ilog.” Dahil ako ay umasa sa kanila para sa aking kita, nagkaroon ng pagbabawas sa aking paggasta. Ako ay umiwas sa mga kasalan at mga pagtitipon, malaki o maliit, kapag makakaya ko, kaya ang sirkulo ng aking mga kaibigan ay nagsimulang lumiit, at ang katayuan ko sa mga mata ng aking mga kaibigan ay bumaba nang bumaba. Habang ang mga kapalaran ng aking mas mahihirap na kaibigan at kamag-anak ay bumuti, nabawasan na rin ang kanilang pakikipag-ugnay sa amin. Ang panahong ito ay nagpapapino para sa akin, dahil naramdaman ko na ako ay walang katayuan sa mga puso ng iba. Lalo na ang aking nobya, na naging mas malayo dahil hindi na ako kasing galanteng gumasta ng pera na tulad noong nakaraan, at sa huli ay iniwanan ako para sa iba noong 2001. Nang malaman ko ito, hindi ko matanggap na ito ay totoo. Hindi ko ito ipinakita sa labas, ngunit ang kaalaman ay parang isang kutsilyo sa aking puso. Ako ay matapat sa kanya, ang aking mga pagsisikap para sa kanya ay taos-puso, kaya bakit ginantihan niya ako ng pagtataksil? Ganoon nagwakas ang aming limang-taong relasyon. Hindi ko alam kung paano siya lilimutin, kaya ang tangi ko lang magawa ay ang ilibing ang sakit sa aking puso. Pagkatapos noon, kinamumuhian ko kapag binabanggit ng iba ang insidente sa akin. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari ang ganitong bagay sa akin. Tapos isang araw, nakita ko ang siping ito ng salita ng Diyos, “Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawat pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawat paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. Kaya’t ginugugol ng mga tao ang kanilang buong buhay sa kalituhan, hindi nila kailanman natatamasa ang magagandang bagay na naihanda ng Diyos para sa kanila, bagkus ay nasisira ni Satanas at naiiwang gula-gulanit. Ngayon sila ay naging napakahina at walang-sigla kaya’t wala nang ganang pansinin man lamang ang gawain ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 1). Ang pagbubunyag sa mga salita ng Diyos ay isang tunay na paglalarawan ng buhay ng tao. Kapag inaalala ko kung paano ko ginugol ang aking mga araw sa paglulunod ng karamdaman sa pag-ibig, ako ay nabubuhay sa isang kathang-isip na mundo ng “romantikong pag-ibig.” Ako ay nabitag na hindi malulusutan, at ako ay wala man lang ideya na ang mga ito ay mga pakana ni Satanas upang lokohin ang mga tao, panlalalang upang bitagin ang mga tao at hayaan silang mabuhay nang walang mga layunin at hindi nakahilig sa pagbibigay pansin sa gawain ng Diyos. Kahit na tinatawag ko ang aking sarili na isang mananampalataya sa Diyos, ginugol ko ang aking mga araw sa pag-aalala at pagtatrabaho sa pagkakaibigan at pag-ibig, at kung ang mga kalagayan ay hindi nagbago para sa akin, ako ay maniniwala pa rin doon sa mga “pangako ng walang hanggang pag-ibig” at mga “matapat na kaibigan,” at hindi ko matatakasan ito. Dahil sa paghihiwalay namin ng aking nobya, pinutol ko ang lahat ng aking mga relasyon sa aking mga kamag-aral; sa kawalan ng gayong maingay na kapaligiran maaari kong patahimikin ang aking puso at ideboto ang aking sarili sa paniniwala sa Diyos. Sa mga pulong, sa pamamagitan ng pagbabahagi sa aking mga kapatid na lalaki at babae tungkol sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang ilan sa katotohanan at natamo ang ilang pagdanas sa pagmamahal at pagkakaibigan, at napagtanto na sa pamamagitan lamang ng paghahangad at pagkaunawa sa katotohanan, na maaaring mabago ang mga pananaw ng isang tao sa mga bagy-bagay, at hindi nila kailanman maloloko si Satanas. Dahan-dahan, ang nasugatan kong puso ay nagsimulang gumaling. Aking naramdaman ang matagal nang nakalimutang ligaya, hindi na ligaw o nabubuhay sa aking sakit. Dahil walang mga pagkaantala mula sa mundo sa labas, nagawa kong patahimikin ang aking isip at magtuon sa mga pagpupulong. Ako ay naging mas interesado sa paniniwala sa Diyos, at mula noon nagsimula ako sa pagtutupad ng aking mga tungkulin.
Nang malaman ng aking mga kamag-anak na ako ay naniwala sa Diyos, walang katapusan ang kanilang mga pang-iistorbo. Inisip nila na ako ay hindi maaaring maniwala sa Diyos sa gayong kabatang edad. Ang aking tiyahin sa ina ay madalas na humingi sa akin ng mga pabor, ang aking tiyahin sa ama ay humiling na ako ay makipagnegosyo sa kanya, at maging ang aking ina-inahan ay pinagtulakan akong mag-asawa, na sinasabing siya ang mag-aalaga sa aking anak pagkapanganak nito ( dahil siya ay walang sariling anak na lalaki), at umiyak ang aking lola, na sinasabing, “Wala akong lubos na pagtutol sa paniniwala ng iyong mga magulang sa Diyos, dahil kalahati ng kanilang buhay ay ginugol sa pagtatrabaho at ibinigay ang lahat upang magbigay daan para sa inyo, kaya panahon na upang pagpahingahin sila. Ikaw ay dapat na magtuon sa pagsisimula ng isang pamilya at karera.” Pagkatapos ay nagpatuloy siyang ilarawan kung paano lumaki ang aking ama sa kahirapan, kung paano siya nagsimula sa wala, kung gaano siya nagdusa, kung gaano katindi siyang nagtrabaho, at sinabi na ako ay nasa isang mabuting kapaligiran, at na ako ay walang mga ideyal. Ang kanilang biglaang “pag-aalala” para sa akin ay masyadong nakakapagbigay-puri. Ako ay nalito, dahil parang bawat isang sinasabi nila ay tama, na lahat sila ay nais ang pinakamabuti para sa akin, at dahil sila ang pinakamalapit kong mga kamag-anak, siyempre hindi nila ako sasaktan. Ako ay nabubuhay sa pagpipino, at kahit na alam kong ito ay isang ispiritwal na digmaan, ako ay wala nang lakas na lumaban pa. Sa isang pagpupulong, ipinakita sa akin ng isang pinuno ang siping ito mula sa salita ng Diyos, “Sa loob ng libu-libong taon, namuhay ang mga Tsino bilang mga alipin, at lubhang nasikil nito ang kanilang mga kaisipan, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na hindi nag-iwan kahit kaunting kalayaan sa kanila. Nanlupaypay sa loob ng ilang libong taon ng kasaysayan ang mahahalagang tao na nagtataglay ng espiritu at sila’y naging parang mga bangkay na walang espiritu. Marami yaong mga namumuhay sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas…. Sa panlabas, ang mga tao ay mukhang nakatataas na mga ‘hayop’; sa katunayan, namumuhay at naninirahan sila kasama ng maruruming demonyo. Walang sinumang nag-aalaga sa kanila, namumuhay ang mga tao sa loob ng pananambang ni Satanas, nahuli sa mga pagpapagal dito na walang daan ng pagtakas. Sa halip na sabihing nagsasama-sama sila ng kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at matagumpay na mga buhay, dapat na sabihin ng isa na ang mga tao ay nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikisama sa mga diyablo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 5). Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng salita ng Diyos at pagbabahagi sa aking mga kapatid, aking natanto na habang sila ay mukhang mga kamag-anak ko mula sa labas, at ang kanilang mga salita ay naaayon sa mga pangangailangan ng aking laman, ang kanilang mga saloobin, mga konsepto, buhay, wika, asal, at mga kilos ay napipigilan dahil sa katiwalian ni Satanas. Silang lahat ay mga hindi naniniwala, lahat ng kanilang mga pananaw at lahat ng kanilang pag-uusap ay nagmumula kay Satanas, at ang kanilang sinusunod ay lahat ng masasamang pagnanais ng laman, na wala ni isang naaayon sa katotohanan. Kung pakikinggan ko sila, mahuhulog ako sa mga pakana ni Satanas. Wala ako ng katotohanan at walang mabuting pagkawari, at ang karagdagang pakikipag-ugnayan sa kanila ay gagawin lamang akong mas masama. Wala akong mapapala mula dito, sila ay maaari lamang magdala sa akin sa pagkasira. Noong panahong iyon, mayroon akong kaunting pag-unawa sa mga salita ng Diyos “Lahat ng yaong hindi naniniwala, gayundin ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo!” ngunit hindi ko pa ito lubos na maunawaan. Sa kalaunan, inayos ng Diyos ang mga pangyayari na nagpakita sa akin ng tunay na diwa ng relasyon ng pamilya.
Ang aming pamilya ang laging punong-abala na pamilya, at isang araw noong 2005, salamat sa ulat ng isang masamang tao, ang aking mga magulang at ilang mga kapatid ay inaresto ng pulisya ng CCP. Ang aking kapatid na babae sa kapanganakan ay sa kabutihang-palad nakaligtas sa halos pagkalunod habang siya ay tumatakas, naitakas lamang ang kanyang buhay dahil siya ay pinangalagaan ng Diyos. Ang aking mga magulang at mga kapatid na nasa bahay ng aking pamilya ay dinetena at minultahan, at lahat ay pinahirapan, lahat ay lumabas nang may mga pinsala. Nang aking narinig ang balita, hindi ko mapigil ang aking mga emosyon. Wala akong lakas ng loob na tuparin ang aking mga tungkulin. Naisip ko, “Sa isang panahong tulad nito ako ay dapat na umuwi kahit ano pa man. Pinalaki ako ng aking mga magulang, at ngayong sila ay nasa kagipitan, kahit na wala akong magagawa, ako ay dapat man lamang na naroon upang tingnan ang kanilang kalagayan at bigyan sila ng kaginhawahan.” Kaya, ako ay sumakay sa tren pauwi at diretsong pumunta sa bahay ng aking tiyahin sa ama (na naniniwala rin sa Diyos) upang makita ang aking mga magulang. Sa oras na iyon nakita ko na ang kanilang mga sugat ay hindi pa gumagaling, ako ay nakadama ng pangingilabot sa loob, at tumulo ang aking mga luha. Parang pakiramdam ko ang aking mga magulang ay napahiya. Noon sinabi sa akin ng aking mga magulang: Sa panahon ng pagtakas mula sa pulisya, ang aking kapatid na babae sa kapanganakan ay tumalon sa ilog (ito ay nangyari noong Disyembre, pagdilim). Ang tubig ay hanggang sa leeg niya, at ang agos ng ilog ay napakalakas, ang mga ligaw na halaman ay natagpuang sumabit sa kanyang binti, ang kanyang mga sapatos ay lumubog sa putik, at siya ay hindi marunong lumangoy, kaya ito ay isang lubos na misteryo kung paano siya nakarating sa kabilang panig. Siya ay maaaring milagrosong pinangalagaan ng Diyos, o ang mga resulta ay masyadong kahila-hilakbot na pag-isipan (ang malalim na tubig at malakas na mga agos ay nagtangay sa buhay ng isang lalaki na nasa halos 40 taon nang ilang araw na nauna). Maya-maya, ang aking kapatid na babae sa kapanganakan ay nagtago sa bahay ng isang nakatatandang kapatid na nagbigay sa aking kapatid ng mga pampalit na damit habang umiiyak habang kanyang tinutuyo ang kanyang basang mga damit sa ibabaw ng apoy, at sa ibang paraan ay inalagaan siya nang napakabuti. Ilang araw pagkatapos nito nalaman niya na ang bahay ng nakatatandang kapatid na ito ay hindi na ligtas, kaya ang aking kapatid sa kapanganakan ay nagtungo sa bahay ng aking tiyahin sa ina upang magtago. Siya ay lumabas sa araw upang dalhin ang sulat sa ating simbahan na ipinaaalam sa ating pinuno ang tungkol sa sitwasyon ng aking pamilya ngunit nang siya ay bumalik, ang mas batang anak na babae ng aking tiyahin sa ina ay nagsabi sa kanya na, “Hoy pinsan, bakit ka bumalik? Akala ko umalis ka na. Tiniklop na namin ang kama.” Natanto ng aking kapatid na babae na ang aking tiyahin sa ina ay natatakot na masangkot at hindi siya nais na manatili roon, kaya umiiyak, nilisan niya ang kanilang bahay, at ipinagsapalaran na maaresto upang makauwi sa bahay dahil wala na siyang mapupuntahan. Pagkatapos na pakawalan ang aking mga magulang, nang malaman nila ang muntik nang pagkalunod ng aking kapatid na babae at kung paano siya pinaalis ng aking tiyahin sa ina, sila ay galit na galit, ngunit ang aking tiyahin sa ina, sa isang tonong kumbinsido na siya ay tama, ay sumagot ng, “Iyon ay tama, kami ay natatakot na masangkot. Kayo ang nagdulot ng mga pag-aarestong ito sa inyong mga sarili. Kayo ay may isang perpektong mabuting buhay dati, pero kailangan ninyong gawin at sirain ito, at ngayon muntik ninyo nang maipapatay ang isang tao!” Hindi ko maubos maisip na ang aking mga pinakamalapit na kamag-anak, ang mga taong pinakamalapit sa akin noong nakaraan, sa panahon kung kailan ang CCP ay inaaresto ang aking pamilya at ang kanilang mga buhay ay nanganganib, sa panahon kung kailan ang kaginhawaan ay pinaka-kinakailangan sa lahat, ay magsasabi talaga ng gayong hindi makataong mga salita o gumawa ng gayong malulupit na mga bagay. Sa pagkaalam na magagawa nila ito ay labis na nagpalungkot sa akin. Wala sa mga taong tinulungan namin nang lubos noong nakaraan ay dumating upang tingnan ang aming kalagayan o bigyan kami ng kahit kaunting kaginhawahan. Iyong mga taong may pinakamabuting relasyon sa amin ay hindi lamang na hindi nakipag-usap sa aking mga magulang kung magkasalubong sila sa kalye, sila ay umiwas sa landas ng aking mga magulang. Ang mga ilan na dati ay tumatango at nangangamusta sa amin ay tinatalikuran na kami ngayon at itsinitsismis. Tanging ang mga kapatid lamang ang pumunta upang bumisita sa amin at makipagbahagi sa gabi. Hindi ko mapaniwalaan na ang aking pamilya ay dadating sa ganitong napakababang kalagayan. Ako ay nabitag muli sa hinanakit, na may mga pag-iisip na itatuwa ang Diyos na nabubuo sa aking puso. Kinalaunan, pagkatapos na makatanggap ng isang pagbubunyag mula sa Diyos, aking naranasan ang tungkol sa binabahagi ng aking mga kapatid, “Ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao ay walang pinagbabatayan kundi kapwa interes, ang mga pamilya at mga kaibigan ay basta nagtutulungan sa isa’t isa sa isang pundasyon ng paggamit sa isa’t isa.” Naalala ko rin ang sinabi ng aking mga magulang tungkol sa kung ano ang kanilang nakamit mula sa kanilang karanasan ng pagkaaresto, halimbawa: nang ang pulisya ay gumamit ng isang katad na balat upang hagupitin ang aking ama, sinabi niya na wala siya masyadong sakit na naramdaman, at ang sinturon ay nadurog nang pira-piraso habang hinahagupit siya. Sinabi ng aking kapatid na babae na wala man lang siyang naramdamang takot sa panahon ng kanyang karanasan, at kahit na iyon ay Disyembre, sinabi niya na hindi siya nakaramdam ng ginaw na nagmumula sa tubig. Binigyan siya ng Diyos ng dagdag na lakas at kumpiyansa. Ang pag-aresto ng CCP ay sa katotohanan mas nagpatibay sa kanilang pananampalataya. Ito ay mas nagpalakas sa kanila. Sinabi ng aking ama na hindi siya naniwala sa mga salita ng Diyos patungkol sa kung paano inilalantad ng Diyos ang masama at pagkapoot sa katotohanan ng CCP noong nakaraan, at na siya ay isang tagahanga ng hari ng mga diyablo, ngunit ang pangyayaring ito ay nagpakita sa kanya na ang CCP ay isang grupo lamang ng mga mambubutang, mga bandido na mangangamkam ng anumang makukuha sa aming bahay na may halagang pera at mas gugustuhing arestuhin ang mga sumusunod sa batas na naniniwala sa Diyos kaysa sa mga mamamatay-tao at mga arsonista. Ako ay napapahiya nang aking naunawaan na lahat tayo ay nabubuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, lahat ng ating nararanasan ay bahagi ng dakilang kapangyarihan at pag-aayos ng Diyos, walang taong may kapangyarihan upang tumulong sa ibang tao, ang pagmamahal sa pamilya ay magtutulak lamang sa ating papalayo mula sa Diyos, at ang mga bagay na maaaring itulong ng mga tao sa isa’t isa ay naaayon lamang sa laman, hindi sa katotohanan. Ang mga saloobin na tulad ng “hindi pagnanais na magdusa ang laman ng aking mga magulang” ay hindi lamang hindi nagbibigay ng benepisyo sa kanilang buhay, sila din ay hindi nagdadala ng benepisyo sa kanilang kaligtasan. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung anong mga kailangan ng tao, at pinakamamahal ng Diyos ang tao. Nakakita ako ng sipi ng salita ng Diyos na nagsabi na, “Magmula noong nilikha Niya ang mundo, marami nang nagawang gawain ang Diyos na may kinalaman sa sigla ng buhay, marami nang nagawang gawain na nagbibigay-buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang magkamit ng buhay ang tao. Ito ay sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan kung saan muling binuhay ang tao. Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pag-iral ng tao, at isang mayamang lagak para sa pag-iral ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-daan siyang isabuhay nang masigasig ang bawat papel niya. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, kung saan sa kabuuan nito ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at kung saan binayaran ng Diyos ang isang halagang wala pang isang karaniwang tao ang nakapagbayad. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, bukod-tangi ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikhang nilalang o puwersa ng kaaway ang Kanyang buhay na puwersa. Umiiral ang buhay na puwersa ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag nang hindi alintana ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng mga bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral. Nanggaling sa Diyos ang buhay ng tao, dahil sa Diyos ang pag-iral ng kalangitan, at nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pag-iral ng mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang nasasakupan ng pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi alintana kung sino sila, dapat magpasakop ang lahat sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng utos ng Diyos, at walang sinuman ang makatatakas mula sa Kanyang mga kamay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Sa pamamagitan ng mga salita at realidad ng Diyos, nakita ko ang sobrang pagkapambihira at kadakilaan ng puwersa ng buhay ng Diyos, na Siya ay nabubuhay sa mga tao sa lahat ng oras, sa lahat ng oras ay ginagabayan ang sangkatauhan at ipinapakita ang Kanyang kapangyarihan, at na ang bawat tao ay nabubuhay sa mga pag-aayos na binalak ng Diyos. Sa pagharap sa salita ng Diyos, aking nakita kung gaano kaliit ako at kung gaanong walang halaga ang mga emosyonal na relasyon. Ano ang maaari kong nagawa laban sa mga paghihirap na hinarap ng aking pamilya? Hindi ba Diyos ang nagprotekta sa kanila, nag-alaga sa kanila, at inakay sila upang makaalpas sa krisis? Maaari ba na ang pagmamahal ng isang tao para sa isa pang tao ay mas higit kaysa sa pagmamahal ng Diyos para sa tao? Kasabay nito, hinatulan ako ng mga salita ng Diyos, “Sino sa gitna ninyo ang tunay na makakagugol nang buo para sa Akin at makakapaghandog ng lahat sa kanila para sa Akin? Lahat kayo ay mahina ang loob, nagpapaikut-ikot ang inyong mga isip, iniisip ang tahanan, ang mundo sa labas, pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak at mga magulang sa tahanan. Lahat ba ng ito ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipagkatiwala ang lahat ng ito sa Aking mga kamay? Hindi ka ba naniniwala sa Akin nang sapat? O ito ba’y dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga di-karapat-dapat na mga pagsasaayos para sa iyo? Bakit ka laging nasasabik sa iyong tahanan? At nasasabik sa ibang tao! Sinasakop Ko ba ang isang tiyak na katayuan sa puso mo? At nagsasalita pa rin tungkol sa pagpapaubaya sa Aking magkaroon ng kapamahalaan sa loob mo at sakupin ang iyong buong pagkatao—lahat ng ito ay mapanlinlang na mga kasinungalingan! Ilan sa inyo ay para sa iglesia nang inyong buong puso? At sino sa inyo ang hindi nag-iisip tungkol sa mga sarili ninyo, kundi para sa kaharian ngayon? Pag-isipan nang buong ingat ang tungkol dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Nakita ko na ang aking pinangangalagaan sa aking puso ay ang pamilya ko pa rin, dahil wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos, hindi ko pa rin sila maipagkatiwala nang lubos sa mga kamay ng Diyos; nakita ko na ako ay hindi nabubuhay sa katotohanan, at kahit na tinutupad ko ang aking mga tungkulin sa bahay ng Diyos, ako ay madalas na nag-aalala sa aking pamilya, at hindi hinahayaan ang Diyos na sakupin ang aking puso. Hindi ko kayang galangin ang Diyos nang higit sa lahat at matapat na tupadin ang aking mga tungkulin. Ako ay nalinlang at pinahirapan ni Satanas. Kung hindi dahil sa mga “kapus-palad” na mga bagay na nangyayari sa akin, hindi ko kailanman makikita ang mga bagay nang maliwanag. Ito ay tulad lamang ng sinasaad ng himno ng salita ng Diyos na, “Pagdating sa kalagayan ng buhay ng tao, hindi pa natatagpuan ng tao ang tunay na buhay, hindi pa niya natatalos ang kawalan ng katarungan, lagim, at mga nakahahapis na kalagayan ng mundo—at kaya naman, kung hindi dahil sa pagsapit ng sakuna, yayakapin pa rin ng karamihan ng mga tao ang Inang Kalikasan, at magiging abala pa rin ang mga sarili nila sa mga sangkap ng ‘buhay.’ Hindi ba ito ang realidad ng mundo? Hindi ba ito ang tinig ng kaligtasan na sinasabi Ko sa tao? Bakit, sa gitna ng sangkatauhan, wala pang tunay na nagmahal sa Akin? Bakit minamahal lamang Ako ng tao kapag nasa kalagitnaan ng pagkastigo at mga pagsubok, subalit walang sinumang nagmamahal sa Akin habang nasa ilalim ng pangangalaga Ko?” (“Hindi Alam ng mga Tao ang Pagliligtas ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Kung hindi dahil sa mga ibinunyag sa akin ng pangyayaring ito, hindi ko kailanman tunay na mauunawaan ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao, at ako ay kokontrolin pa rin ng mga relasyon sa pamilya, pag-ibig, at pagkakaibigan, na nabitag na hindi malulusutan sa paghahabol sa ganitong mga bagay, nalinlang at pinahirapan ng mga ito, masaya sa aking kamangmangan; bukod dito, hindi ko kailanman matatanggap ang katotohanan, hindi kailanman tatahakin ang tamang landas ng buhay, at ang kaligtasan ng Diyos ang siyang nagpahintulot sa akin na hindi na kailanman lasapin ang “buhay” na muli. Nang maintindihan kong lahat ito, ako ay nagpasya na ako ay buong-pusong maniniwala sa Diyos at maghahabol sa katotohanan upang mabayaran ang pagmamahal ng Diyos para sa akin.
Akin nang ginamapanan ang mga tungkulin ko sa pamilya ng Diyos nang ilang taon, at sa pamilya ng Diyos ay naranasan ko ang pagmamahal ng Diyos. Kahit saan ko man gamapanan ang aking mga tungkulin, ang Diyos ay laging nandoon upang alagaan ako. Nakakasundo ko ang aking mga kapatid na para bang sila ay pamilya, hindi namin ginagamit ang isa’t isa, at walang pagpapalitan ng mga benepisyo. Ang aking mga kapatid ay napakatapat na kahit na lumalabas ang aming mga katiwalian sa isa’t isa paminsan-minsan, sa pamamagitan ng pagbubukas ng aming mga puso at pag-uusap tungkol sa aming pagkakaunawa sa aming mga sarili, walang mga samaan ng loob o pagiging maingat. Tinutulungan namin ang isa’t isa at naghahandog ng pagmamahal sa isa’t isa, ang lahat ay tinitingnan nang pantay-pantay, at walang tinatrato nang naiiba dahil sila ay mahirap o mayaman. Ako ay may mga suliranin sa kalusugan, kaya madalas akong magkasakit, ngunit ang aking mga kapatid ay napakamaalalahanin at inaalagaan ako nang napakabuti, na nakapagparanas sa akin na kahit na walang relasyon sa dugo sa pagitan naming magkakapatid, sila ay maaaring maging mas malapit pa kaysa sa mga kamag-anak. Nakakasundo kong mabuti ang aking mga kapatid, at sa pagpapatnubay ng Diyos, kaming lahat ay naghahabol sa katotohanan at nagsisikap na gampanan ang aming mga tungkulin.
Ang aking mga karanasan sa mga nakaraang taong ito ay nakatulong sa akin na unti-unting maunawaan ang kalooban ng Diyos, pati na rin makita na ang trabahong ginawa ng Diyos sa akin ay trabaho ng kaligtasan at pagmamahal, ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay ang katotohanan, ngunit mas higit pa na ang mga ito ay mga salitang nagliligtas ng ating mga buhay. Ang mga katotohanang ito ay naging pinakamabuting pangangalaga at proteksiyon ng Diyos para sa akin. Kapag nilisan ko ang mga salitang ito o hindi tiningnan ang mga bagay mula sa batayan na ibinibigay ng mga salitang ito, sisirain ko ang aking sarili. Ako ay lubhang ginawang tiwali ni Satanas at hindi nakayang direktang maunawaan ang kahulugan ng mga salita ng Diyos, kaya inayos ng Diyos ang maraming iba’t-ibang mga pangyayari, mga tao, mga usapin, at mga bagay, na dinisenyo para sa aking mga pangangailangan, upang mapabuti at gawing perpekto ako, upang tulungan akong maintindihan ang Kanyang mga salita. Sa gitna ng aking mga paghihirap at mga pagsubok, hindi ko sinasadyang makita na ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay lahat katotohanan, na ang mga ito ay mga salitang kinakailangan ng sangkatauhan. Hindi lamang sila nagbibigay ng buhay sa sangkatauhan at pinapahintulutan silang isabuhay ang buhay ng normal na tao, sila din ay nagtuturo ng tamang landas sa buhay, dahil ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang mga salita ng Diyos ang nagdala sa akin hanggang sa araw na ito. Handa kong tuparin ang Kanyang mga salita bilang aking pamatnubay, palatandaan sa landas upang patuloy na sumulong, at gabay sa pagkilos. Kahit na napakarami ng katotohanan na hindi ko maintindihan, sa pamamagitan ng aking patuloy na paghahabol ng katotohanan at pagtupad ng aking mga tungkulin, bibigyan ako ng Diyos ng pagliliwanag at pagpapalinaw upang aking maintindihan ang Kanyang mga salita. Mayroon pang napakaraming katiwalian sa akin na dapat dalisayin, at kailangan kong danasin nang mas higit pa ang gawain ng Diyos pati na rin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang mga kasamang paghihirap at pagpipino. Magsisikap akong mabuti na hangarin ang katotohanan, Anuman ang sumapit na mga pagdurusa o kahirapan sa akin sa hinaharap, susunod ako sa Diyos hanggang sa katapusan!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.