Ang Kalagayan ng Pag-iisip Ko sa Isang Tungkulin sa Likod ng mga Eksena

Oktubre 24, 2022

Ni Wu Yan, Tsina

Noong huling bahagi ng Hunyo 2021, dahil kaliwa’t kanang inaaresto ng Partido Komunista ang mga Kristiyano, ang tinitirhan ko ay minamanmanan. Agad akong lumipat, pero malamang na binabatanyan din ako ng mga pulis, kaya kinailangan kong magtago sa bahay para gumawa. Responsable ako para sa gawain ng ilang grupo nang panahong iyon. Dumadami ang gawain ko at may mga bagay na hindi nadadaan sa pagsusulat lang, at hindi ito kasing epektibo ng pakikipag-usap nang harapan. Kaya, alinsunod sa mga pangangailangan ng gawain, itinalaga si Sister Wang bilang kapareha ko.

Hindi niya masyadong kilala ang mga kapatid noong una, kaya bago ang bawat pagtitipon kinukumusta ko siya tungkol sa mga isyung kailangang tugunan para matulungan siyang mas maging epektibo. Tapos nalaman ko na si Sister Li, isang miyembro ng grupo, ay palaging nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Hindi siya nagbago pagkatapos ng maraming sesyon ng pagbabahagi at inaantala nito ang aming gawain. Batay sa mga prinsipyo, kailangan siyang matanggal kaagad. Kung kaya, gumawa ako ng isang dokumentong nagpapaliwanag sa sitwasyon at ang mga prinsipyo ng pagtatanggal ng tao para masuri ni Sister Wang at ibinahagi ko ang opinyon ko sa kanya kung bakit kailangang tanggalin si Sister Li, para talagang maging puspusan ang maging pagbabahagi niya sa kanya para makinabang si Sister Li sa pagninilay at pagkilala sa kanyang sarili. Tinanggal siya ni Sister Wang kinabukasan. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari nung umuwi siya sa bahay nung araw na iyon, pero kahit isang beses ay hindi niya ako binanggit sa buong bagay na iyon o sinabi na tinulungan ko siyang magkamit ng pagkakilala o ayusin ang problema. Medyo nadismaya ako. Pakiramdam ko, walang ibang nakakaalam kung anong ginagawa ko sa likod ng eksena. iniisip ko kung iisipin nilang naunawaan agad ni Sister Wang ang kalagayan ni Sister Li, na mas nakakakilala siya kaysa sa akin. Ang isipin kung gaano karami ang ginawa ko nang walang nakakaalam at siyang nagpamukhang magaling kay Sister Wang ay medyo nakakainis para sa akin.

Makalipas ang ilang araw, sa isang talakayan tungkol sa gawain kasama si Sister Wang napag-usapan na palala nang palala ang isang grupo. Hindi ko makita ang ugat ng problema, at binanggit niya sa akin na baka may problema sa lider ng grupo. Habang isinasaalang-alang iyon at iniisip ang tungkol sa pangkalahatang pag-uugali ng lider ng grupo, nakita ko na tanging katayuan ang pinrotektahan niya at ginawa niya lang ang mga gawain na magpapabida sa kanya, pero hindi siya kailanman gumawa ng praktikal na gawain, at talagang nakakaantala ito sa mga bagay-bagay. Batay sa mga prinsipyo, kailangan siyang tanggalin. Alam kong hindi ko kayang lutasin ang problema nang nang mag-isa, at na dapat kong ibahagi ang pag-unawa ko kay Sister Wang para makapagbahagi siya nang maayos sa iba, tulungan silang magkamit ng pag-unawa, at makakuha agad ng isang bagong lider na papalit. Pero nung maalala ko ang pagkakatanggal ni Sister Li, kung paano ako naghanap ng mga prinsipyo at nagtipon ng mga dokumento, at kung paano ako nagbahagi nang husto kay Sister Wang pero wala namang nakakaalam, pakiramdam ko, kapag ibinahagi ko sa kanya ang lahat ng naiisip ko ngayon at tinanggal niya ang lider ng grupong iyon, tiyak na iisipin ng iba na siya lahat ang gumawa noon. Iisipin nila na pagkatapos lang ng saglit na panahon sa trabaho nakakilala na siya ng dalawang taong hindi karapat-dapat na hindi ko tinanggal matapos hawakan ang responsibilidad na iyon nang napakatagal na panahon. Iisipin nilang may mas maayos siyang pagkilala at pag-unawa sa katotohanan. Nagpasya akong sarilinin na lang ang mga pananaw ko para hindi maging malinaw ang pagbabahagi ni Sister Wang, hindi siya hahangaan ng iba, at hindi ako masyadong magmumukhang masama. Medyo nakonsensya ako nang panahong iyon. Kung ‘di malinaw ang kanyang pagbabahagi at hindi naunawaan ng lider ng grupo ang kanyang sariling isyu, baka magkamali siya ng intindi at maging negatibo, tapos ay hindi lang nito maapektuhan ang kanyang pagninilay-nilay sa sarili, maapektuhan din nito ang kanyang tungkulin kalaunan. At saka, tiyak na kasusuklaman ng Diyos ang pagiging di-seryoso gaya ganito. Nang maisip ko iyon, ibinihagi ko ang lahat ng naunawaan ko kay Sister Wang, pero naghinanakit ako pagkaalis na pagkaalis ni Sister Wang para asikasuhin ang mga bagay-bagay. Bakit hindi ako makalabas para pangalagaan ang gawaing ito? Nakita ng lahat na tinatanggal at nakikilala ni Sister Wang ang mga tao, pero sino ang nakakita ng lahat ng pagsusumikap ko sa likod ng lahat ng iyon? Hindi ako masyadong nasiyahan nang maisip ko kung paanong ang lahat ng ginagawa ko ay nagpapabango lang kay Sister Wang at nakakabuti sa kanyang reputasyon sa mga mata ng iba. Nagreklamo pa nga ako sa Diyos dahil sa paglalagay sa akin sa gano’ng kasamang sitwasyon. Bakit bigla na lang Niya akong hiyaan na subaybayan? Nagkataon lang na nagsusulat sa amin ang ilang kapatid tungkol sa mga isyu noon sa gawain, at partikular na hiniling ng ilan na si Sister Wang ang mamahala sa kanila. Mas lalo pa nga akong nalungkot tungkol doon. Pakiramdam ko, si Sister Wang na lang ang nakikita ng lahat, pero hindi nila nakikita ang ginagawa ko sa isang sulok. Kapag nagpatuloy ito, hindi ba’t sasabihin ng lahat na isa lang akong walang kwentang palamuti? Pakiramdam ko, kahit na palabas-labas si Sister Wang, hindi rin madali para sa akin ang nasa bahay. Walang nakakakita sa lahat ng pagsusumikap ko. Hindi ako masaya rito at gusto kong mag-isip ng isang paraan para baguhin ang mga bagay-bagay. Kahit hindi ako makaalis para makita ang mga kapatid nang personal, pwede akong magsulat para magsaayos ng mga gawain para patunayan na marami akong ginagawa, at na mahalaga ang posisyon ko. Patitibayin nito ang imahe ko sa isip ng ibang tao. Saktong nakatanggap kami ng mga liham mula sa ilang grupo tungkol sa ilang karaniwang mga usapin sa iglesia na kailangang ayusin. Sumulat ako pabalik tungkol sa mga detalye para ayusin ang mga ito at malinaw na isinulat kung kailan pupunta si Sister Wang para malaman ng lahat na ako ang nagsasaayos ng lahat ng ito, na ako ang nagpapasya. Isang araw, gusto kong sumulat sa isang sister, gusto kong kumustahin siya, pero matapos kong magsulat, inisip ko kung malalaman kaya niyang ako ang nagsulat noon. Kung hindi ako mag-iiwan ng ilang palatandaan, baka isipin niyang si Sister Wang ang nag-aalala sa kanya. Hindi ‘yon pwede. Kailangan kong makasiguro na alam ng sister na iyon na ako ang nagsulat. Pero kapag tahasan kong sinabi ‘yon, magiging sobrang halata. Tapos, bigla kong naalala na kamakailan, nagrekomenda ako ng isang himno sa sister na iyon, kaya pwede ko siyang tanungin kung natutuhan niya ito at sa ganitong paraan, malalaman niyang ako ‘yon. Nang maisip ko iyon, mabilis kong tinapos ang sulat at ipinadala ito. Nakita ko mula sa tugon ng sister na alam niyang ako ang nagsulat noon at tuwang-tuwa ako. Pakiramdam ko, kaya ko pa ring pagandahin ang imahe ko kahit mula sa likod ng mga eksena at ipakita sa iba na may mga reyalidad ako at nagawa kong lutasin ang mga problema. Kaya sa ganitong paraan, hindi ko talaga kailanman nakita na wala ako sa tamang kalagayan. Ang pagkukwento sa akin ng isang sister tungkol sa sarili niyang kalagayan ay isang babala sa akin. Talagang stress na stress niyang sinabi sa akin na ang ilang dokumento ng pag-aaral na talagang pinagsumikapan niya ay ipinadala ng kanyang kapareha, kaya pakiramdam niya, ninakaw sa kanya ng kapareha niya ang papuri para sa kanyang gawain, at nawalan siya ng gana sa kanyang tungkulin. Talagang nagulat ako nang marinig ito. Hindi ba’t namumuhay ako sa ganoon mismong kalagayan nitong huli? Hindi rin ako naghahanap ng katotohanan para lutasin ito. Kaya, naghanap ako ng mga salita mula sa Diyos para lutasin ang kalagayang mayroon ako. Nabasa ko ang siping ito. “Kapag kumikilos ang mga anticristo, ginagawa nila iyon nang may layunin. Ang kanilang pananalita, mga kilos at pati mga salita na pinipili nila ay pawang masyadong sadya. Hindi sila panandaliang naglalantad ng kanilang katiwalian, na may maliit na tayog, o mga mangmang at hangal na taong bumubulalas ng walang katuturan saanman sila magtungo. Hindi ganyan ang gayong mga tao. Kung titingnan natin ang kanilang mga pamamaraan, mga paraan nila ng paggawa ng mga bagay-bagay, at mga salitang pinili nila, makikita natin na ang mga anticristo ay tuso at masama. Alang-alang sa kanilang sariling katayuan, para makamit ang kanilang mithiing kontrolin ang mga tao, ipinagmamarangya ng mga anticristo ang kanilang sarili tuwing nakakakita sila ng pagkakataon, nang hinding-hindi hinahayaan na makalagpas sa kanila ni isang pagkakataon. Sa palagay ba ninyo ilalantad ng gayong mga tao ang ganitong mga pag-uugali sa Aking harapan? (Oo.) Bakit ninyo sinasabi na oo? (Ang kanilang likas na pagkatao at diwa ay ang ipagmarangya ang kanilang sarili.) Ipinagmamarangya lamang ba ng mga anticristo ang kanilang sarili? Ano ang mithiin nila sa pagmamarangya ng kanilang sarili? Nanghihingi sila ng katayuan. Ang ibig nilang sabihin ay, ‘Hindi Mo ba ako kilala? Tingnan Mo ang mga bagay na nagawa ko, ginawa ko ang mabuting bagay na ito, at gumawa ako ng mga makabuluhang kontribusyon sa sambahayan ng Diyos. Dahil nababatid Mo ito, hindi ba dapat Mo akong bigyan ng mas mahalagang gawain? Hindi ba dapat mataas ang tingin Mo sa akin? Hindi ba dapat umasa Ka sa akin sa anumang ginagawa Mo?’ Wala ba silang minimithi rito? Gustong makontrol ng mga anticristo ang lahat, sinuman sila. Ano ang isa pang paraan ng paglalarawan sa pagkontrol? Ito ay pagmamanipula sa iba at panloloko sa mga tao, na sinisikap na kontrolin ang ginagawa nila. Halimbawa, kapag pinuri ng mga kapatid ang isang bagay na nagawa nang maayos, agad sinasabi ng mga anticristo na sila ang gumawa niyon, kaya pinasasalamatan sila ng lahat. Gagawin ba ito ng isang tunay na makatwirang tao? Siguradong hindi. Kapag gumagawa ang mga anticristo ng kahit pinakamaliit na mabuting gawa, sinisikap nilang ipaalam iyon sa lahat, upang tingalain sila at purihin ng lahat. Ito ang nakakasiya sa kanila(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililinlang, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na palaging nagyayabang ang mga anticristo. Lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay para lang makuha ang paghanga ng iba, at isang palihim na pagtatangka para magkamit ng katayuan. Kung isasaalang-alang ang mga salita ng Diyos at sa pagninilay-nilay tungkol disposisyong inilantad ko, hindi ba’t tulad ako ng isang anticristo? Pakiramdam ko, agrabyado ako nung tinanggal ni Sister Wang ‘yong dalawang kapatid nang hindi man lang ako binabanggit. Pakiramdam ko, ako naman talaga ang nakakilala sa kanila, pero ang lahat ng kapurihan ay napunta kay Sister Wang sa huli. Siya lang ‘yong nagpakita sa publiko at kahit anong gawin ko, walang makakakita nito. Walang makakaalam nito kung patuloy kong tahimik na gagawin ang mga bagay-bagay, na sobrang nakakainis. Sobra akong nag-iisip at nagsusumikap para magpakitang gilas, nang sa gayon ay hangaan ako ng mga kapatid at magkaroon ako ng katayuan sa kanilang mga paningin. Mukha lang akong nagsusulat para magsaayos ng gawain, pero sa totoo, palihim kong sinusubukang paalalahanan ang lahat na huwag akong kalimutan, at na si Sister Wang ay gumagawa lang ng ilang gawain sa ngalan ko, pero ako talaga ang pangunahing responsable. Sa pagkukunwari na tinutulungan ang isang sister sa kanyang kalagayan, umasta ako na parang nagmamalasakit ako sa kanya, para ipaalala sa kanya na nandito ako at makamit ang kanyang paghanga nang hindi ipinapakita sa kanya ang mga sarili kong kasuklam-suklam na motibo. Mayroon akong napakatusong disposisyon! Ang totoo, kung wala ang pahayag ng Diyos at ang Kanyang mga salita, hindi ko kailanman malalaman na ang dalawang sister na iyon ay hindi angkop sa kanilang mga tungkulin. At isa pa, marami nang pinsalang nangyari sa gawain nang matanggal sila. Totoong-totoo ito para sa lider ng grupo na iyon. Kung hindi ito binanggit ni Sister Wang, hindi ko ito makikilala at hindi sana siya matatanggal. Hindi ko ginagawa nang maayos ang gawain ko, at hindi lang ako kulang sa konsensya, walang akong kahihiyan na humihingi ng papuri at gumagamit ng mga kasuklam-suklam na paraan para magpasikat at magkamit ng katayuan, para tingalain ako ng lahat. Talagang sobra akong kahiya-hiya!

Tapos, may nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Yaong mga may kakayahang magsagawa ng katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, naitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, laging nais makuha ang papuri at paghanga ng iba, ngunit hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, kung gayon, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang paggalang sa Diyos. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, o katayuan. Kailangan mo munang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung ikaw ba ay naging hindi dalisay sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging matapat, natupad ang iyong mga pananagutan, at naibigay ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo nang naisaisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Isipin mong madalas ang mga ito at intindihin ang mga ito, at magiging mas madali sa iyong gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Sobrang tama ang mga salita ng Diyos. Ang pagtanggap sa pagsusuri ng Diyos ay ang susi sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi natin intindihin ang iniisip ng mga tao, sa halip ay isipin na lang ang pagpapalugod sa Diyos at pagsasagawa ng ating tungkulin. Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng isang landas ng pagsasagawa, kaya sa mga huli kong sulat at pagbabahagi sa iba, palagi akong nagsusumikap na magkaroon ng mga tamang motibo at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa halip na gamitin ang mga sulat para makamit ang paghanga ng iba at makakuha ng lugar sa kanilang mga puso. Naisip ko ang lahat ng mga sulat na iyon na isinulat ni Pablo sa mga iglesia. Hindi niya kailanman itinaas o pinatotohanan ang Panginoong Jesus sa kanila at hindi niya hinikayat ang mga mananampalataya na sundin ang mga salita ng Panginoong Jesus. Itinaas at pinatotohanan lang niya ang kanyang sarili, sinasabi kung gaano karami ang kanyang ginawa, kung gaano siya nagdusa. Sabi niya, “Sapagka’t inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol” (2 Mga Taga-Corinto 11:5), at dinala ang mga tao sa harap niya, sa isang landas na laban sa Diyos. Ang mga sulat na isinusulat ko sa mga kapatid ay hindi rin nagtataas o nagpapatotoo sa Diyos, sa halip, ako ay pasimpleng nagpapasikat. Hindi ba’t parang ginagawa ko na rin ang ginawa ni Paul? Alam ko na kapag hindi ako nagsisi, palalayasin at parurusahan ako sa huli gaya niya. Nang matanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, masyado akong nag-aalala sa katayuan ko. Ayokong makontrol ako nito at makagawa ng isang bagay na makakapinsala sa gawain ng iglesia. Mapansin man ako o hindi, gusto ko lang na matatag kong magawa ang tungkulin ko.”

Sa mga sumunod na araw, itinama ko ang mga motibo ko, madalas na pinaalalahanan ang sarili na ang mga interes ng iglesia ang pinakamahalaga, at ang gawin nang maayos ang tungkulin ko. Tapos isang araw, nakatanggap kami ng isang sulat ng pagbibitiw mula kay Brother Chen sinasabing gusto niya nang huminto dahil hindi niya kasundo ang kapareha niya. Kakaunti lang ang nalalaman namin tungkol sa problema niya dati. Karaniwan ay masyado siyang arogante at matigas ang ulo niya, kaya hindi siya masyadong kasundo ng iba. Ilang beses nang nagbahagi sa kanya si Sister Wang pero hindi siya nagbago. Nang bigla siyang nagbitiw sa ganitong paraan, mukhang magiging mahirap para samin na lutasin ang problemang ito. Nang talakayin namin ni Sister Wang ang mga problema niya, ibinahagi ko ang sarili kong pananaw at nakahanap ako ng ilang kaugnay na sipi ng mga salita ng Diyos. Naramdaman din ni Sister Wang na ito’y angkop na pagbabahagi. Sa puntong iyon, napagtanto ko na gaano man kapaki-pakinabang ang pagbabahagi ko, siya naman ang talagang kakausap sa kanya. Sino ang makakaalam na ako ang nagsumikap sa likod ng mga ito at ako ang namumuno? Dahil do’n ay parang gusto ko nang tumigil sa pagbabahagi kay Sister Wang, pero dahil alam ko na sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng mga iniisip at ideya ko, medyo nabagabag ako. Bakita ba palagi kong gustong protektahan ang sarili kong pangalan at katayuan? May nabasa akong isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang mga kahihinatnan ng paghabol sa katayuan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang sundin o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng katanyagan at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba sila upang maisulong ito? Malinaw na hadlang sila; hindi nila ito napapasulong. Ang ilang tao ay nagsusulong ng paggawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang katanyagan at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagampanan ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa totoo lang, ay nakakagambala, nakakaantala, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng katayuan at katanyagan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan sila nitong pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay pagbuwag, paggambala at pagpinsala. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa katanyagan at katayuan. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)). Palagi kong iniisip dati na ang paghahanap sa pangalan at katayuan ay nakakaapekto lamang sa pagpasok sa buhay ng isang tao at basta’t hindi tayo gumagawa ng malalaking kasamaan, hindi natin magagambala ang gawain ng iglesia. Hindi ko naunawaan kung bakit labis na kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos ang paghahanap ng pangalan at katayuan. Ipinakita sa akin ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos na ang paghahangad ng personal na katayuan sa aking tungkulin, at hindi pagprotekta sa mga interes ng iglesia ay tiyak na magpapahamak sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid sa huli. Hahadlangan at gagambalain nito ang gawain ng iglesia, at ito ay kinokondena ng Diyos. Nung tinatalakay namin ang problema ni Brother Chen, ayoko nang magbahagi sa kanya dahil hindi ako ang sentro ng atensyon. Mukhang hindi ito isang malaking bagay, pero ang totoo’y malala ito. Kung ipagpapaliban namin ang pagbabahagi kay Brother Chen tungkol sa kanyang mga isyu, hindi lang nito maapektuhan ang kanyang pagpasok sa buhay, maaapektuhan din nito ang gawain ng pagdidilig sa mga baguhan. Bilang may hawak ng responsibilad, tinulungan ko dapat kaagad ang isang taong nahihirapan sa kanilang tungkulin para panatilihing nasa ayos ang gawain ng iglesia. Partikular sa Partido Komunista na gumagawa ng napakaraming pag-aresto, nanganganib na maaresto si Sister Wang sa tuwing lumalabas siya para sa isang pagtitipon. Kung hindi sapat ang kahandaan niya, hindi niya malulutas ang mga isyu sa mga pagtitipon, na mangangahulugang baka hindi siya epektibo sa gawain sa kabila ng panganib na kanyang tinatahak. Hindi ba’t magiging napakasama noon para sa kanya? Hindi ko iniisip kung paano lulutasin ang mga problema sa lalong madaling panahon o ang tungkol sa kaligtasan ni Sister Wang. Ang tanging iniisip ko lang ay ang posibilidad na agawan niya ako ng atensyon. Napakamakasarili ko at walang pagkatao. May responsibilidad ako pero hindi ako gumagawa ng praktikal na gawain. Pinoprotektahan ko pa nga ang sarili kong katayuan kahit mapahamak ang gawain ng iglesia. ‘Yon ay paglaban sa Diyos, at ako ay nasa landas ng isang anticristo. Ako lang ang tanging responsable noon, at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko gaano man ito kahirap o nakakapagod. Pero dahil sa mga pag-aresto ng Partido, hindi na ako makalabas—nakakapagtrabaho na lang ako nang palihim. Nag-aatubili akong gawin ang tungkulin ko, palaging gustong makipaglaban kay Sister Wang para sa kasikatan. Napagtanto ko noon na lahat ng kasiglahan ko sa tungkulin ko dati ay para lang lahat sa pangalan at katayuan. Ibinubunyag ng sitwasyong iyon ang mga mali kong motibo at paghahanap. Ito’y ganap na kaligtasan at pagmamahal ng Diyos para sa akin.

Naalala ko ang ilang salita ng Diyos kalaunan na nagbigay sa akin ng higit na kalinawan sa isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kailangan kayong magkaisa sa pagtutulungan para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at upang hikayating sumulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, na bawat isa’y sinususugan ang iba at humahantong sa mas magandang resulta ng gawain, upang maalagaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at ang mga gumagawa lamang nito ang magtatamo ng tunay na pagpasok(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita). “Ano ang dapat gawin ng isang tao para magampanan niya nang mabuti ang kanyang tungkulin? Dapat niya itong magampanan nang buong puso at buong lakas. Ang ibig sabihin ng paggamit ng buong puso at buong lakas ng isang tao ay pagtuon ng buong isip niya sa pagganap sa kanyang tungkulin at hindi pagpapahintulot na maging abala siya sa ibang bagay, at pagkatapos ay paggamit sa lakas na taglay niya, paggugol sa buong lakas niya, at pagdadala ng kakayahan, mga kaloob, mga kalakasan niya, at ng mga bagay na kanyang naunawaan para gamitin sa gawain. Kung ikaw ay nakauunawa at tumatanggap at mayroong magandang ideya, dapat mong kausapin ang iba tungkol doon. Ito ang ibig sabihin ng maayos na pakikipagtulungan. Ganito mo magagampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, ganito mo makakamit ang katanggap-tanggap na pagganap ng iyong tungkulin. Kung nais mo palaging akuin ang lahat ng bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging gumawa ng malalaking bagay nang mag-isa, kung gusto mo palaging nasa iyo ang atensyon at hindi sa iba, ginagampanan mo ba ang iyong tungkulin? Ang ginagawa mo ay tinatawag na paghahari-harian; pagpapakitang-gilas iyon. Satanikong pag-uugali iyon, hindi pagganap sa tungkulin. Walang sinuman, anuman ang kanyang mga kalakasan, mga kaloob, o espesyal na mga talento, ang kayang umako sa lahat ng gawain nang mag-isa; dapat siyang matutong makipagtulungan nang maayos kung nais niyang magawa nang mabuti ang gawain ng iglesia. Iyon ang dahilan kung bakit ang maayos na pakikipagtulungan ay isang prinsipyo ng pagsasagawa ng pagganap sa tungkulin ng isang tao. Basta’t ginagamit mo ang iyong buong puso at buong lakas at buong katapatan, at inaalay ang lahat ng kaya mong gawin, ginagampanan mo nang mabuti ang iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na para gawin nang maayos ang ating mga tungkulin, dapat nating isaalang-alang ang puso ng Diyos at makipagtulungan sa ating mga kapatid. Kailangan nating ibigay ang lahat ng ating makakaya rito at gamitin ang ating mga lakas para mapunan ang kahinaan ng isa’t isa. Ganito natin makakamit ang mga pagpapala ng Diyos at makukuha ang magagandang resulta sa ating gawain. Nakita ko rin na hindi mahalaga kung sino sa amin ang personal na nakalutas ng mga problema. Hangga’t pwedeng lutasin ang mga katayuan at paghihirap ng iba, kahit na ang pagsisikap ko ay hindi nakikita at pribado, ang paggawa ng aking tungkulin at ang pagpapalugod sa Diyos ay magdadala sa akin ng kasiguruhan at kapayapaan. Pagkatapos noon, pinag-isipan ko kung anong mga katotohanan ang dapat kong ibahagi para sa kalagayan ni Brother Chen at nakahanap ako ng ilang nauugnay na salita ng Diyos para suriin ni Sister Wang. Nakahanap din siya ng ilang sipi na talagang akma sa kalagayan ni Brother Chen na hindi ko naisip. Mas naging komprehensibo ang mga siping ito kapag pinagsama. Naisip ko kung paanong hindi makapagsalita si Moses, at si Aaron naman ay napakagaling magsalita, pero magkasama nilang isinagawa ang atas ng Diyos, inaakay ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Hindi ako makalabas para sa gawain, pero kaya kong malinaw na magbahagi kay Sister Wang tungkol sa lahat ng nakita at naisip ko. Sa magkasamang paggawa, nagkaroon kami ng mas komprehensibong pananaw sa mga isyu, kaya mas maayos naming nalutas ang mga ito. Hindi ba’t mas kapaki-pakinabang ito sa gawain ng iglesia? Pumunta si Sister Wang para magbahagi kay Brother Chen matapos naming talakayin ang lahat.

Tapos isang araw, nakatanggap kami ng sulat mula sa ilang kapatid. Isinasaad ng sulat na sa pamamagitan ng pagbabahagi ni Sister Wang, nagawa nilang itama ang ilang pagkakamali at naging mas mahusay sa kanilang mga gawain. Medyo nadismaya ako matapos kong mabasa ‘yon. Pakiramdam ko, ako ang nakadiskubre ng mga pagkakamali at isyung iyon, pero ang nakita lang ng lahat ay ang ginawa ni Sister Wang. Walang nakakita sa ginawa ko sa likod ng mga ito. Tapos, napagtanto ko na nakikipagpaligsahan na naman ako para sa pangalan at pakinabang, kaya nagdasal ako at tinalikuran ang sarili. Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos sa isang sanaysay na talagang nakakaantig para sa akin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Maaaring hindi ka gaanong malakas, ngunit kung may kakayahan kang makipagtulungan sa iba, at nagagawa mong tumanggap ng angkop na mga mungkahi, at kung tama ang iyong mga motibasyon, at napoprotektahan mo ang gawain ng sambahayan ng Diyos, isa kang tamang tao. Kung minsan, sa iisang pangungusap, nalulutas mo ang isang problema at nakikinabang ang lahat; kung minsan, matapos kang magbahagi sa iisang pahayag ng katotohanan, lahat ay nagkakaroon ng isang landas ng pagsasagawa, at nagagawang sama-samang magtulungan nang maayos, at lahat ay nagpupunyagi sa iisang mithiin, at magkakapareho ng mga pananaw at opinyon, kaya partikular na epektibo ang gawain. Kahit marahil ay walang makaalala na ikaw ang gumanap sa papel na ito, at hindi mo marahil maramdaman na gumawa ka ng malaking pagsisikap, makikita ng Diyos na ikaw ay taong nagsasagawa ng katotohanan, isang taong kumikilos ayon sa mga prinsipyo. Aalalahanin ng Diyos ang paggawa mo nito. Tinatawag itong matapat na pagtupad sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Totoo ito. Kahit na walang nakakakita sa ginagawa ko sa likod ng mga gawain, isinasakatuparan ko ang mga responsibilidad ko sa harap ng Diyos. Hindi mahalaga kung alam ito ng ibang tao. Ang mahalaga ay ang pagsasagawa ng katotohanan at nalulugod ang Diyos. Bilang isang superbisor, tungkulin ko at nararapat na kausapin ko ang iba kapag nakakapansin ako ng mga pagkakamali at problema. Ito’y isang bagay na hindi ako dapat bigyan ng pagkilala. Dati, palagi akong nagpapasikat sa harap ng iba, pero ngayon, nakakagawa na lang ako nang palihim. Iyon ay pagsasaayos ng Diyos, at ito ang kinakailangan ko. Kailangan kong magpasakop dito, gawing kapaki-pakinabang ang sarili ko, pagtuunan ang pagsasagawa ng katotohanan sa tungkulin ko, at magsumikap na gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Kapag nakakapansin ako ng mga problema sa aming gawain pagkatapos noon, nagkukusa akong lumapit kay Sister Wang. Minsan, nang sumulat ako sa mga kapatid tungkol sa mga isyu, gusto kong ipahiwatig na ako ang nagsusulat, pero dahil napagtanto kong palihim kong itinataas ang sarili ko at nagpapasikat ako, nagdasal ako at binitawan ang mga mali kong motibo. Pinakalma ko ang sarili ko at inisip kung anong pwede kong isulat na makakatulong sa iba at kung papaano ko magagampanan ang mga sarili kong responsibilidad. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay talagang nagpasaya sa puso ko at talagang nagpagaan sa loob ko. Napakagandang paraan nito para pangasiwaan ang sarili ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pag-Iwan sa Pag-aaral Ko

Ni Lin Ran, Tsina Simula noong bata ako, sinabi sa akin ng mga magulang ko na dahil wala silang anak na lalaki, kami lang dalawa ng kapatid...