Natuto Mula sa Pagtitiwalag ng Isang Masamang Tao

Enero 26, 2022

Ni Kaitlyn, Nederland

Noong Marso 2021, naglingkod ako bilang isang lider sa iglesia. Nang sabihan ko ang superbisor sa pagdidilig na suriin ang gawain, natuklasan ko na minamanduhan lang ng ilan sa mga lider ng grupo ang mga kapatid at hinihimok silang gawin ang kanilang tungkulin, habang sila naman ay walang ginagawa at hindi nila diniligan ang mga baguhan. Hindi nila sinikap na maunawaan ang aktwal na mga paghihirap na kinaharap ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, kaya ang patnubay nila sa gawain ay pagbibigay lamang ng walang-kabuluhang mga pananalita at pagpapatupad ng mga tuntunin, sa halip na pagbabahagi ng isang praktikal na landas. Ibinahagi namin ng superbisor sa kanila na ang pamumuno sa isang grupo ay hindi lamang pagsasabi sa mga tao kung ano ang gagawin, kailangan din nilang magbigay ng praktikal na pagdidilig sa mga baguhan, upang matuklasan nila ang mga problema at paghihirap na umiiral sa gawain. Pero pagkaraan ng ilang araw ng pagbabahagi, hindi pa rin sila gumagawa ng anumang tunay na aksyon. Siniyasat ko iyon at natuklasan ko na ang isang lider ng team na si Kinsley ay ginagambala at hinahadlangan noon ang mga bagay-bagay. Siya mismo ay hindi nagsagawa, pero inudyukan niya ang iba pang lider ng grupo, na sinasabing, “Pinadidiligan sa amin ng lider ng iglesia at ng superbisor ang mga baguhan. Dahil dito ay wala na akong panahong subaybayan ang gawain ng grupo—ibig sabihin ba niyan ay hindi na namin kailangang gawin iyon? Kung gayon ay ano ang trabaho ng lider ng grupo?” Tapos ay sinabi niya, “Alam mo bang baguhan ang superbisor na ito? Paano tuturuan ng isang baguhan ang mga propesyunal na magawa nang maayos ang trabaho?” Nang siyasatin ng superbisor ang gawain ng mga lider ng grupo at makakita ng mga problema, nagsalita siya nang mas mabagsik, at saka nahinuha ni Kinsley na buong yabang silang pinagagalitan noon ng superbisor, at ipinagsabi pa niya ito sa mga kapatid. Hinusgahan din nito nang hindi inuunawa na pumili na ang nakatataas na mga lider ng isang tao nang hindi alinsunod sa prinsipyo. Pero sa katunayan, naitaas na ng ranggo at nalinang ang superbisor ayon sa prinsipyo. Bagama’t wala siyang gaanong karanasan sa pagdidilig sa mga baguhan, may mahusay siyang kakayahan, maaasahan siya at bumabalikat ng pasanin sa kanyang tungkulin, at maaari siyang linangin. Kaya rin niyang makita ang mga problema at gabayan ang gawain, at pagkaraan ng ilang panahon ng pagdidilig sa mga baguhan ay nagkaroon siya ng kaunting progreso. Pero inatake ni Kinsley, na nagkunwari na “hindi puwedeng turuan ng mga baguhan ang mga propesyonal,” ang superbisor at iginiit na hindi siya akma para sa posisyon. Nagpakalat din siya ng mga tsismis na naghirang ang nakatataas na mga lider ng mga taong walang prinsipyo, na naging dahilan para magkaroon ng mga di-makatwirang opinyon ang mga kapatid laban sa mga lider at superbisor at tumangging isakatuparan ang gawain. Nakagambala ito sa mga tungkulin ng mga lider at manggagawang iyon, at sa gawain ng iglesia. Hindi lang ito, sa mga pagtitipon ay ginamit ni Kinsley ang pagbabahagi, para panlabas na kilalanin ang kanyang sarili, para hamakin nang walang katuturan at atakihin ang mga lider at superbisor. Halimbawa, sinabi niya na nagbigay siya ng mga mungkahi sa nakatataas na mga lider at superbisor, pero hindi nila naunawaan ang gawain at hindi tinanggap ang kanyang mga mungkahi. Sabi ni Kinsley, ayaw niyang mamilit, pero sa huli ay natuklasan na tama ang payo nito. Sa katunayan, hindi talaga totoo ang kanyang sinabi. Sinadya niyang palabuin ang kanyang pagbabahagi, para magmukhang hindi naunawaan ng pamunuan ang gawain at pinipigilan siya, ayaw nilang tanggapin ang payo niya, at na pinipigilan siya sa pagtataguyod ng mga interes ng iglesia, para magkaroon ng simpatiya ang lahat sa kanya at pumanig sa kanya.

Palaging hinamak at hinusgahan ni Kinsley ang mga lider at manggagawa, at napaalalahanan na siya ng mga kapatid tungkol dito at ibinahagi iyon sa kanya nang maraming beses, pero hindi talaga siya nagsisi kailanman. Hindi ito tungkol sa pagpapakita ng kaunting panandaliang katiwalian, isang problema ito ng kanyang kalikasangdiwa. Naisip ko ang mga salita ng Diyos tungkol sa paglalantad ng gayong klaseng tao. Sabi ng Diyos: “Ang usapin ng pakikipagkumpitensya para sa katayuan ay isang isyu na madalas lumilitaw sa buhay-iglesia at ito ay isang bagay na hindi bihirang makita. Anong mga kalagayan, pag-uugali, at pagpapamalas ang nabibilang sa pagsasagawa ng pakikipagkumpitensya para sa katayuan? Anong mga pagpapamalas ng pakikipagkumpitensya para sa katayuan ang masasabing bahagi ng isyu ng pagkagambala at panggugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng mga iglesia? Anuman ang artikulo o kategoryang pinagbabahaginan natin, dapat itong tumukoy sa ipinapahayag sa artikulo labingdalawa, tungkol sa ‘iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng mga iglesia.’ Dapat itong umabot sa antas ng pagkagambala at panggugulo, at dapat nauugnay ito sa kalikasang ito upang maging karapat-dapat sa pagbabahagi at pagsusuri. Anong mga pagpapamalas ng pakikipagkumpitensya para sa katayuan ang nauugnay sa pagkagambala at panggugulo sa gawain ng sambahayan ng Diyos sa kalikasan? Ang pinakakaraniwan ay ang pakikipagkumpitensya sa mga lider ng iglesia para sa kanilang katayuan, na pangunahing namamalas sa pagsasamantala sa mga kasalanan at kamalianng mga lider para siraan at kondenahin sila, at sa sadyang ilantad ang kanilang mga pagpapakita ng katiwalian at mga kabiguan at kakulangan sa kanilang pagkatao at kakayahan, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang mga paglihis at pagkakamaling nagawa nila sa kanilang gawain o kapag iwinawasto nila ang mga tao. Ito ang pinakakaraniwang nakikita, at pinakalantarang pagpapamalas ng pakikipagkumpitensya sa mga lider ng iglesia para sa katayuan. Dagdag pa rito, gaano man kahusay ginagawa ng mga lider ng iglesia ang kanilang gawain, kumikilos man sila nang naaayon sa mga prinsipyo o hindi, o kung may mga isyu man o wala sa kanilang pagkatao, wala silang pakialam sa mga bagay na ito; sadyang hindi lang nila sinusunod ang mga lider ng iglesia. Bakit hindi nila sinusunod ang mga ito? Dahil gusto rin nilang maging lider ng iglesia, ito ang ambisyon nila, ang ninanasa nila, kaya ayaw nilang sumunod. Paano man pangasiwaan o harapin ng lider ng iglesia ang mga problema, palagi nilang sinasamantala ang mga kapintasan nito, hinuhusgahan at kinokondena ito, at humahantong pa nga sila sa pagpapalala sa mga bagay-bagay, pagbaluktot sa mga katunayan, at pagpapalaki sa maliliit na bagay. Hindi nila ginagamit ang mga pamantayan na hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa upang sukatin kung naaayon ba sa prinsipyo ang ginagawa ng lider na ito, kung siya ba ay isang taong matuwid, kung isa ba siyang taong naghahangad ng katotohanan, kung may konsensya at katinuan ba siya. Hindi sila gumagawa ng mga paghusga ayon sa mga prinsipyong ito. Sa halip, ayon sa sarili nilang mga intensiyon at pakay, palagi silang naghahanap ng mali at nagbubusisi, naghahanap ng mga bagay na gagamitin laban sa mga lider o manggagawa, nagpapakalat ng mga impormasyon lingid sa kaalaman ng mga ito tungkol sa mga bagay na ginagawa ng mga ito na hindi naaayon sa katotohanan, o binabanggit nila ng mga pagkukulang ng mga ito. Halimbawa, maaaring sabihin nila, ‘Ang lider na si ganito-at-ganyan, ay nakagawa ng ganitong pagkakamali minsan at iwinasto siya ng Itaas, at walang nakakaalam sa inyo ng tungkol dito—ganoon siya kahusay magpanggap.’ Binabalewala at hindi nila pinagtutuunan ng pansin kung sinasanay ba ng sambahayan ng Diyos ang lider o manggagawang ito, at kung kwalipikado ba siyang lider o manggagawa, bagkus ay hinuhusgahan lang nila ito, binabaluktot ang mga katunayan, at pinagpaplanuhan ng masama kapag nakatalikod ito. At sa anong layunin at ginagawa nila ang mga bagay na ito? Ito ay dahil nakikipagkumpitensya sila para sa katayuan, hindi ba? May layunin sa lahat ng bagay na sinasabi at ginagawa nila. Hindi nila iniisip ang gawain ng iglesia, at ang pagsusuri nila sa mga lider at manggagawa ay hindi nakabatay sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan, lalong hindi ito nakabatay sa mga gawaing pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos o sa prinsipyong hinihingi ng Diyos sa tao, kundi sa sarili nilang mga intensiyon at pakay(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 14). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na kung hindi titingnan ng isang tao kung ang mga lider at manggagawa ba ay mga tamang tao, kung sila ba ay angkop sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para maglinang ng mga tao, kundi sa halip ay naghahanap lang sila ng mali at nagtatangkang akusahan sila, at sadyang hinuhusgahan at hinahamak sila habang nakatalikod sila, tinatangkang udyukan ang mga kapatid na atakihin at kondenahin sila, tapos ay ginagambala nila ang gawain ng iglesia. Ang gayong tao ay dapat ilantad at pigilan, at, sa mga seryosong kaso, alisin sa iglesia. Patungkol sa ugali ni Kinsley, hindi niya tinitingnan kung nakakakuha ba ng mga resulta ang superbisor sa kanyang tungkulin, kung nakikinabang ba ang iglesia sa kanyang gawain, o kung karapat-dapat siyang linangin. Sinamantala lang ni Kinsley ang katotohanan na walang gaanong mga kasanayan ang superbisor kumpara sa kanya, at dahil dito ay ipinagkalat niya ang ideya na hindi kaya ng mga baguhan na gabayan ang mga propesyonal. Hinusgahan at inatake, at pinag-away-away, at hinayaan niya ang mga kapatid na magkaroon ng pagkiling laban sa mga lider at manggawawa, at tumangging isagawa ang gawaing isinaayos namin. Nakahadlang ito sa aming progreso sa gawain ng pagdidilig. Hindi ito pagpapakita ni Kinsley ng panandaliang katiwalian, palaging ganito ang ugali niya. Matindi na niyang nagambala ang buhay-iglesia, at hindi siya akmang gawin ang kanyang tungkulin. Dapat ko siyang tanggalin kaagad ayon sa prinsipyo. Kung hindi pa rin siya nagsisi sa puntong iyon, dapat siyang alisin mula sa iglesia. Pero nang pag-isipan ko ang pag-aalis kay Kinsley, nag-alangan ako, iniisip na matagal-tagal na siyang lider ng grupo, at mahusay siyang aktor. Walang gaanong pagkakilala ang mga kapatid sa kanya, at tiningala siya ng ilan. Pakiramdam nila ay mabigat ang kanyang tungkulin, na siya ay mapagmahal at makatarungan. Kung tinanggal ko siya noong kasasapi ko sa iglesia, iisipin ba ng mga kapatid na wala akong puso at malupit? Na mahilig akong magparusa? Sasang-ayunan ba nila ang aking pamumuno pagkatapos nito? Bukod pa riyan, talagang masama ang pagkatao ni Kinsley, at marami siyang pamamaraan sa pagpapalaki ng apoy at pagpapasimula ng alitan nang palihim. Kung napasama ko ang loob niya at inakusahan niya ako, at hinusgahan ako ng mga kapatid, na ginugulo ang relasyon ko sa kanila, magiging mas mahirap gawin ang aking gawain. Naisip ko na hindi ako dapat magmadaling tanggalin siya, kundi pungusan muna siya at iwasto, ilantad at suriin ang diwa at mga kinahinatnan ng kanyang mga kilos. Kung tanggapin niya iyon at magbago siya, magkakaroon pa rin siya ng isang pagkakataon. Kung hindi, at patuloy niyang huhusgahan ang mga lider at manggagawa, hindi pa huli ang lahat para palitan siya.

Kalaunan, hinanap namin ng aming nakatataas na lider na si Juliette si Kinsley at ang ilang iba pang mga lider ng grupo, at ibinahagi sa kanila ang mga prinsipyo sa pagpili ng mga tao sa sambahayan ng Diyos, at ang dahilan kaya itinaas ng ranggo ng superbisor. Patungkol sa kanilang ugali sa panahong ito, inilantad ko at sinuring mabuti na ang kanilang mga kilos ay maituturing na pagbubuo ng isang pangkat, na nanghuhusga at umaatake sa mga lider at manggagawa, at ginagambala ang gawain ng iglesia. Kung hindi sila magbago, at patuloy silang magkakalat ng mga tsismis at gagambalin nila ang gawain, tatanggalin sila. Kayang tanggapin ito ng ilang lider ng grupo at pinagnilayan nila ang kanilang sarili, at sinabi nila na gusto nilang makipagtulungan sa superbisor at magkakasamang tapusin ang gawain. Si Kinsley lang ang hindi nagbigay ng malinaw na pahayag. Sa gulat ko, ilang araw pagkaraan, sinabi ni Kinsley sa isang sister na ang superbisor ay isang baguhan na namumuno sa mga propesyonal, at na nagkaroon ng problema ang nakatataas na mga lider sa pagpili ng mga tao. Hindi nalinlang ang sister na iyon, kundi sa halip ay binahaginan siya tungkol sa ilang prinsipyo. Nakikitang hindi nakikiayon ang sister, tumigil sa pagsasalita si Kinsley. Tapos niyon, nagpadala siya ng mensahe sa ilang iba pang lider ng team para akitin sila at iligaw, na sinasabing, “Ipinagtanggol ko ang sarili ko matapos ang pagbabahagi ng mga lider noong makalawa, sa takot na baka tanggalin ako. Ganoon din ba ang pakiramdam ninyo? Ni hindi nga ako nangangahas na magsalita ngayon. Parang hindi man lang tayo puwedeng magmungkahi, hindi puwedeng magkaroon ng ibang mga opinyon, at kapag nagsalita tayo, tatanggalin tayo at patatalsikin sa iglesia. Sino ang mangangahas na magmungkahing muli?” Tapos ay sinabi niya na ang mabagal na pagsulong ng gawain ay may kaugnayan sa mga lider na hindi naghihirang ng mga tao ayon sa mga prinsipyo. Hindi lang iyon, nagpunta rin siya sa isang brother na responsable sa gawaing iyon, gamit ang dahilan na hinahangad niya ang mga prinsipyong iyon para ipagkalat ang ideya na hindi karapat-dapat ang kasalukuyang superbisor. Nakipagbahaginan sa kanya ang brother na iyon tungkol sa mga prinsipyo ng pagpili ng mga tao sa sambahayan ng Diyos at sa sitwasyon ng superbisor. Pagkatapos ng pagbabahaginang iyon, sinabi niya na naunawaan niya, na wala na siyang pagkiling laban sa superbisor, at na makikipagtulungan siya nang maayos sa superbisor para maisagawa ang kanilang mga tungkulin. Pero kalaunan, palihim niyang ipinagkalat na hindi siya kuntento sa mga lider at manggagawa, na nangangatwiran na, “Ang katotohanan na lahat ng kapatid ay nagsalita para sa superbisor ay malamang na dahil ipinilit ng nakatataas na lider na si Juliette na magkasundu-sundo sila. May kapangyarihan si Juliette, at takot ang iba pa sa kanya. Nag-aalala ako na kung patuloy kong iuulat ang problema ng superbisor, baka magsimula siyang tratuhin ako na parang isang anticristo.” Ang kahulugan talaga niyon ay itinatago noon ni Juliette ang katotohanan mula sa iba sa iglesia, pinipigilan ang pag-uulat ng mga problema. Nang marinig ko ang mga ipinapakitang ito ni Kinsley, nabigla ako. Hindi ko inakala kailanman na napakatalas at napakatuso niya. Napakaraming taong nagbahagi sa kanya tungkol sa mga prinsipyo, pero ayaw niyang tanggapin iyon. Wala siyang pag-unawa o pagsisisi sa kanyang ugaling manghusga sa mga lider at manggagawa, sa halip ay lalo niyang pinatindi ang kanyang mga pagsisikap na linlangin ang mga tao at atakihin ang mga lider at manggagawa. Nang-udyok siya ng hidwaan sa pagitan ng mga kapatid at ng mga lider, palaging ginagambala ang gawain ng iglesia. Hindi ba siya kumikilos bilang isang kampon ni Satanas? Nakadama ako ng malaking pagsisisi. Bakit ba hindi ko siya pinaalis kaagad sa simula pa lang? Bakit ako nag-alangan sa buong panahong iyon, na binibigyan siya ng mas maraming pagkakataong manloko ng mga tao? Alam kong hinamak at hinusgahan palagi ni Kinsley ang mga lider at manggagawa at ginulo ang kanilang mga tungkulin, kaya dapat ay tinanggal ko na siya kaagad. Pero natakot ako sa iisipin sa akin ng iba, kaya ginusto kong ibahagi muna ang katotohanan at pungusan at iwasto siya, tapos ay alisin siya kung hindi pa rin siya magsisi. Akala ko magiging ganap na makatwiran ito, at na makukumbinsi ko ang mga kapatid, at hindi nila ako pag-iisipan ng masama. Para protektahan ang aking karangalan at katayuan, hindi ko lang hindi binantayan si Kinsley, binigyan ko pa siya ng layang patuloy na gambalain ang gawain ng iglesia. Hindi ba may bahagi ako sa kanyang kasamaan? Talagang mahirap para sa akin ang pag-isipan ang aking nagawa. Pakiramdam ko hindi ko natupad ang aking mga responsibilidad bilang isang lider o pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Kinamuhian iyon ng Diyos. Kaya nagdasal ako, na hinihiling sa Diyos na gabayan ako sa pagninilay at pagkilala sa aking sarili.

Sa mga debosyonal ko kinabukasan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo na higit na ipinaunawa sa akin ang aking sarili. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Pinag-iisipang mabuti ng mga anticristo kung paano tatratuhin ang mga katotohanang prinsipyo, ang mga atas ng Diyos, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, o kung paano haharapin ang mga bagay na kaharap nila. Hindi nila isinasaalang-alang kung paano tuparin ang kalooban ng Diyos, kung paano iingatang huwag mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung paano mapapalugod ang Diyos, o kung paano makikinabang ang mga kapatid; hindi ang mga ito ang isinasaalang-alang nila. Ano ang isinasaalang-alang ng mga anticristo? Kung maaapektuhan ba ang sarili nilang katayuan at reputasyon, at kung bababa ba ang kanilang katanyagan. Kung ang paggawa ng isang bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, subalit magdurusa naman ang sarili nilang reputasyon at mapagtatanto sa maraming tao ang kanilang tunay na tayog at malalaman kung anong uri ng kalikasang diwa ang mayroon sila, kung gayon, tiyak na hindi sila kikilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Kung ang paggawa ng praktikal na gawain ay magiging sanhi para maging mataas ang tingin sa kanila, tingalain sila at hangaan sila ng mas maraming tao, tulutan silang magkaroon ng mas higit pang katanyagan, o magkaroon ng awtoridad ang kanilang mga salita at mas maraming tao pa ang magpasakop sa kanila, kung gayon ay pipiliin nilang gawin ito sa ganoong paraan; kung hindi naman, hinding-hindi nila pipiliin na isantabi ang sarili nilang mga interes para ikonsidera ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ng mga kapatid. Ganito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Hindi ba makasarili at napakasama nito?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inihahayag ng Diyos na masyadong pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan, at lahat ng ginagawa nila ay para doon. Ginagawa lang nila ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang karangalan at katayuan; kung sa tingin nila ay mapapahamak ang kanilang mga interes, magbubulag-bulagan sila sa mga problema. Mas gusto pa nilang makitang mapahamak ang mga interes ng iglesia para maprotektahan ang sarili nilang mga interes. Hindi ba’t katulad ng sa isang anticristo ang sarili kong pag-uugali? Alam na alam ko na ang paglilinis sa iglesia ang kinakailangan ng sambahayan ng Diyos, at maraming beses nang sinabi ng Diyos na kapag ginagambala ng isang masamang tao ang iglesia, dapat siyang harapin agad ng mga lider at manggagawa—ilantad, limitahan, o alisin siya. Ang pag-uugali ni Kinsley ay nakagambala na sa gawain ng iglesia, kaya dapat ay hinarap ko na siya kaagad. Pero nag-alala ako na baka pag-isipan ako ng hindi maganda ng mga kapatid, at hindi ako suportahan bilang lider. Para maprotektahan ang sarili kong karangalan at katayuan, iwinasto ko lang siya at inilantad. Alam kong hindi niya iyon tinanggap, pero hindi ko siya pinigilan o inalis, kaya nagpatuloy siyang magpasimula ng alitan, at guluhin ang gawain ng iglesia. Handa akong isakripisyo ang mga interes ng iglesia para maprotektahan ang aking sarili. Napakatuso ko, makasarili at kasuklam-suklam! Hindi ko hinarap si Kinsley ayon sa prinsipyo, ni ginabayan ang mga kapatid na maunawaan ang katotohanan at magkaroon ng pagkakilala. Dahil dito, ang ilan ay nailigaw niya at pumanig sa kanya, na nakagulo at nakahadlang sa gawain ng iglesia. Labis akong nakonsensya, at napuno ng pagsisisi. Pakiramdam ko hindi talaga ako nararapat na maging isang lider. Nagdasal ako, “Diyos ko, isang nakakagulong masamang tao ang lumitaw sa iglesia, pero pinrotektahan ko ang sarili kong karangalan at katayuan sa halip na ang gawain ng iglesia. Napakamakasarili ko! Ayaw ko nang patuloy na mabuhay sa ganoong kasuklam-suklam na paraan. Gusto kong tunay na magsisi sa Iyo.”

Tapos ay hinanap ko ang ilang kapatid na pamilyar kay Kinsley, para mas malaman ko ang tungkol sa kanyang pangkalahatang pag-uugali. Habang sinisiyasat iyon, nakita ko na walang pagkakilala sa kanya ang ilan sa kanila, akala nila ay makatarungan siya, at kaya niyang protektahan ang gawain ng iglesia. Alam ng ilan na nagkamali siya, pero inakala nila na dahil lang iyon sa hindi niya naunawaan ang mga katotohanang prinsipyo. Nakipagbahaginan ako sa kanila tungkol sa mga katotohanang may kaugnayan sa kung ano ang pagiging makatarungan, at kung ano ang kayabangan at pag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at ang kaibhan ng panandaliang paglabag sa isang banda at ng kalikasang diwa ng isang tao sa kabilang banda. Nakatulong ito sa kanila na magkaroon ng higit na pagkakilala Kinsley, at handa na silang tumayo at ilantad siya. Pero nang hanapin ko si Brandon para maunawaan ang pag-uugali ni Kinsley, masidhi niya itong ipinagtanggol, at sinagot ako, at sinabing, “Bakit mo siya gustong siyasatin? Nagbigay lang naman siya ng ilang mungkahi. Bakit ninyo siya kinokondena? Bakit pinipigilan ninyong mga lider at manggagawa ang sinumang may ideya, at pinahihirapan siya? Sino ang mangangahas na magbigay ng mga mungkahi? Natatakot akong magkaroon kailanman ng naiibang opinyon dahil sa pagsisiyasat ninyong ito. Para kayong mga anticristo, hindi nila pinapayagan ang ibang mga opinyon.” Nagulat akong marinig ang lahat ng ito. Hindi ko inakala kailanman na magkakaroon siya ng ganoon katinding reaksyon at magsasabi na hindi kami naging patas kay Kinsley. Bilang pasimula, matiyaga akong nagbahagi sa kanya, pero ayaw niyang makinig, at naniwala pa rin siya sa mga salita ni Kinsley, iniisip na nasa mga lider ang problema. Gusto ko na talagang sumuko noon. Pakiramdam ko mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan at wala akong karanasan sa pagharap sa mga bagay na katulad nito. Kung patuloy kong pangangasiwaan ito, baka magkaroon ng pagkiling ang iba laban sa akin. Tapos natanto ko na sinisimulan ko na namang isipin ang sarili kong mga interes, kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos at humiling sa Kanya ng pananalig at lakas. Naalala ko ang siping ito ng Kanyang mga salita: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay nagkaroon ng debosyon, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na hindi natin puwedeng isaalang-alang ang ating reputasyon o personal na kapakinabangan sa ating tungkulin. Dapat nating unahin ang mga interes ng iglesia, tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, at ialay ang ating buong puso. Iyon lang ang paraan para sang-ayunan ng Diyos ang ating tungkulin. Hindi ko puwedeng itigil ang pagsasagawa ng katotohanan sa takot na mapasama ko ang loob ng iba, o sa takot na magkaroon sila ng pagkiling laban sa akin. Noon lang ako naharap sa gayong bagay, pero kailangan kong manatiling tapat man lang sa aking tungkulin at gawin ang makakaya ko para magbahagi sa mga kapatid tungkol sa pagkakaroon ng pagkakilala. Nalinlang ni Kinsley si Brandon, at nagsasalita si Brandon para dito, dahil nalito si Kinsley sa iba’t ibang konsepto at pinalabas niya na ang wala sa katwirang paghusga at ang pagkakalat ng mga maling paniniwala ay “pagsasabi ng katotohanan.” Itinuring ni Kinsley ang paglalantad at pagpapabulaan ng mga lider sa kanyang mga maling paniniwala, at ang paghadlang nila sa kanya na husgahan at kondenahin ang mga tao, bilang “pagbabawal na magbigay ng mga mungkahi at naiibang opinyon.” Talagang nakalilinlang ang mga kasinungalingang ito na mukhang totoo. Nabaluktot ni Kinsley ang mga katotohanan, at palihim niyang hinusgahan na ang mga lider ay pumipili ng mga tao nang walang mga prinsipyo. Nakipagbahaginan na sa kanya ang mga lider at manggagawa at ang mga kapatid tungkol sa mga prinsipyo sa pagpili ng mga tao—hindi lang siya tumangging tanggapin ito, patuloy pa niyang binaluktot ang mga katotohanan, at sinabing pinipigilan siya ng mga lider, hindi siya pinapayagang magmungkahi, at ipinagbabawal ang lahat ng naiibang opinyon. Hindi ba’t pagbabaligtad iyon ng mga katotohanan at pagdidiin sa iba? Sabi niya, “Natatakot ako na baka matiwalag ako sa iglesia. At sino ang mangangahas na magmungkahing muli?” Mukhang nagmula sa puso ang mga salitang iyon, pero itinatago ng mga ito ang kanyang masasamang layunin, ang kanyang mga pag-atake at panghuhusga. Gusto niyang lituhin ang mga kapatid at hikayatin silang pumanig sa kanya sa pakikipagharap sa mga lider, at hindi makipagtulungan sa gawain ng mga lider at manggagawa. Ginugulo niya ang gawain ng iglesia. Walang pagkakilala si Brandon at nalinlang siya ng mga pahayag ni Kinsley. Dapat ay nabigyan ko siya ng mapagmahal na tulong at suporta. Sa pamamagitan ng pagbabahagi, nagkaroon siya kalaunan ng pagkakilala kay Kinsley. Natanto niya na hindi niya hinanap ang katotohanan at wala siyang pagkakilala, kung kaya’t pinrotektahan niya si Kinsley, at pumanig sa isang masamang tao at ipinagtanggol ito. Nakita rin niya kung gaano siya kahabag-habag na walang pagkaunawa sa katotohanan, at kung gaano kadali para sa kanya na makagawa ng masama. Masayang-masaya akong makita ang kanyang pagbabago.

Kalaunan, nagtipon kami ng ilang kapwa-manggagawa at nakipagbahaginan kami sa mga kapatid tungkol sa kung paano makikilala ang masasamang tao, at sinuri naming mabuti ang buong pag-uugali ni Kinsley. Nagkaroon ng pagkakilala sa kanya ang lahat, at bumoto kami, at halos walang tumutol, na tanggalin siya mula sa iglesia. Noong botohan, napansin nila ang ilan sa kaalamang natamo nila. Nagsalita sila ng mga bagay na gaya ng, “Magaling si Kinsley lalo na sa paggawa ng mga kasinungalingan at pagbabaligtad ng katotohanan, at sa pagkukunwaring pinoprotektahan niya ang mga interes ng iglesia ay ipinalaganap niya ang pagkiling niya laban sa mga lider at manggagawa sa lahat ng dako. Dahil dito, nauwi sa malaking kaguluhan ang gawain ng iglesia. Paano man siya inilantad at pinungusan at iwinasto ng mga lider, hindi niya ito pinanghinayangan at hindi siya nagsisi ni bahagya. Masama ang kanyang diwa.” Sabi ng iba, “Mukhang napakahinhin ni Kinsley, pero nakalilinlang, masama at makamandag ang kanyang mga salita. Kung hindi dahil sa pagbabahaginan at pagsusuring ito, wala pa rin akong pagkakilala sa kanya. Nakita ko na kung gaano kahalagang maunawaan ang katotohanan at magkaroon ng pagkakilala sa iba.” Sabi ng ilan ay nalinlang na niya sila dati, at inakala nilang pinoprotektahan nito ang gawain ng iglesia, hindi namamalayan na palihim itong gumagawa ng napakaraming kasamaan. Wala silang pagkakilala rito, kaya pinanigan nila ito at nagsalita sila ng mga bagay-bagay na hindi umaayon sa katotohanan. Kailangan nilang magnilay-nilay at magsisi. Nakita rin nila ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa pagkakasala—ang masasamang taong gumagambala sa gawain ng iglesia sa malao’t madali ay ibubunyag at ititiwalag. Labis akong sumaya nang marinig ko ang pagbabahagi ng aking mga kapatid.

Itinuro sa akin ng karanasang ito na, kapag lumitaw ang isang masamang tao sa iglesia at ginulo at ginambala ang gawain ng iglesia, kung hindi isinasagawa ng mga lider at manggagawa ang katotohanan at hinaharap ang mga ito ayon sa mga prinsipyo, sa halip ay pinoprotektahan ang kanilang personal na mga interes, para na rin nilang hinahayaang isabotahe ni Satanas ang gawain ng iglesia, kumikilos sila bilang kampon nito, gumagawa ng kasamaan at kinakalaban ang Diyos. Kapag lang agad na pinaaalis ang masasamang tao mula sa iglesia, at inaakay ang mga kapatid na matutunan ang katotohanan at magtamo ng pagkakilala, saka mapoprotektahan ang gawain ng iglesia, at matutupad ang mga responsibilidad ng isang lider o manggagawa.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Ngayon ko lamang ito napagtanto, bagama't may oras na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao, ito ay totoo, may prinsipyo sa likod ng gawain ng Banal na Espiritu sa tao. Ang tao mismo ay dapat na magkaroon ng nagnanasang, naghahanap na puso upang maging positibo at aktibong makasama sa gawain ang Diyos. Pagkatapos lamang magagawa ng Banal na Espiritu na kumilos sa tao at liwanagin at palinawin ang pag-unawa ng tao sa kalooban ng Diyos, upang maunawaan nila ang katotohanan sa Kanyang mga salita.