Ngayon Ko Lang Napagtanto Na Wala Akong Katotohanang Realidad

Abril 25, 2024

Ni Guangchun, Tsina

Noong Agosto ng 2022, ginawan ng video at in-upload online ang isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na isinulat ko. Lubos akong nagulat at nasabik, kaya agad kong pinuntahan ang isa sa mga sister na kilalang-kilala ko upang ibalita ito sa kanya. Noong panahong iyon, hindi ko ito ikinuwento sa maraming tao, sapagkat alam kong dahil ito sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos at na hindi ako dapat magmagaling. Makalipas ang ilang buwan, ang dalawa pang isinulat ko na patotoong batay sa karanasan ay ginawan din ng video at in-upload. Sa pagkakataong ito, hindi ko na mapigilan ang aking pagkasabik, at naisip ko, “Tatlo sa aking mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan ang napili para gawan ng mga video. Ito na ang pinakamataas na bilang sa aming iglesia, na nagpapatunay na mayroon akong ilang praktikal na karanasan, na alam ko kung paano kilalanin ang aking sarili, at na kaya kong magbahagi ng patotoong batay sa karanasan. Mukhang malapit ko nang makamit ang kaligtasan.” Noong panahong iyon, nagkataong nakikipagtipon ako kasama ang ilang sister, at naisip ko, “Kung malalaman nila na ginawan ng mga video at in-upload online ang mga artikulo ko ng patotoong batay sa karanasan, tiyak na kaiinggitan at hahangaan nila ako. Iisipin nila na isa akong taong naghahangad sa katotohanan at mayroong buhay pagpasok.” Naisip ko ang sinabi ni Sister Xiaoxiao noong ikinukuwento niya, ilang araw na ang nakalipas, ang tungkol sa kanyang kalagayan. Sa kanyang puso, may pagtutol siya sa taong nakatalaga sa pangangasiwa at pagsusuri sa kanyang gawain, at hindi niya alam kung paano lutasin ang gayong kalagayan. Kaya sinabi ko, “Ang isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na isinulat ko ay tumatalakay sa kalagayan na pareho ng kay Xiaoxiao. Tungkol ito sa pagiging ayaw tumanggap ng pangangasiwa ng aking lider kapag ginagawa ko ang aking tungkulin. Maaari nating lahat na tingnan ito nang sama-sama.” Pagkatapos, ipinadala ko ang video sa mga kapatid, at detalyadong sinuri kung paanong, sa karanasang ito, nagawa kong tutukan ang aking kalagayan at suriin at kilalanin ito. Pagkatapos mapanood ni Xiaoxiao ang video, bumakas ang inggit sa kanyang mukha. Sinabi ng isa pang sister na nagngangalang Li Qi, “Hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang aking mga katiwalian at pagnilayan at kilalanin ang sarili ko tulad ng ginagawa mo, o kung paano hanapin ang mga nauugnay na katotohanan para malutas ang mga ito. Kaunti lang ang pagkaunawa ko sa aking kalagayan. Ngayon, sa pagbabahaginan nang ganito, nauunawaan ko na nang kaunti ang tungkol sa landas tungo sa buhay pagpasok. Talagang ang dami kong kakulangan.” Masayang-masaya ako, at naisip ko, “Talagang nauunawaan ko ang katotohanan at mayroon akong buhay pagpasok, at maaari kong lutasin ang mga kalagayan ninyo. Maaari ko ring talakayin ang tungkol sa mga landas sa pagsasagawa.” Inisip ko na mas mahusay ako kaysa sa lahat ng naroroon, at puno ako ng kumpiyansa sa sarili. Dati, namumuhay si Li Qi sa isang negatibong kalagayan, at ayaw niyang lumabas at makipagtipon, kaya sinadya kong tanungin siya, “Handa ka bang sumali sa susunod na pagtitipon?” Masayang sumagot si Li Qi, “Oo, handa ako, sasali ako basta’t nandoon ka. Noon, hindi ko alam kung paano tumuon sa buhay pagpasok, at ngayon, mayroon na akong kaunting pagkaunawa. Sobrang kapaki-pakinabang ang pagdalo sa mga pagtitipon!” Nang makita ang nasisiyahang mukha ni Li Qi, nakaramdam ako ng malaking tagumpay, at naisip ko na isa akong napakahusay na lider. Bukod sa kaya kong lutasin ang mga problemang kaugnay sa gawain, kaya ko ring gabayan ang mga kapatid na hangarin ang buhay pagpasok. Noong panahong iyon, madalas akong mamuhay sa isang kalagayan ng paghanga sa sarili. Akala ko ay kahanga-hanga ako, at saanman ako magpunta, palagi kong iniisip na ako ang taong may pinakamaraming karanasan, pinakamaraming buhay pagpasok, at pinakamaraming katotohanang realidad.

Sa isang pagtitipon, hiniling sa akin ni Sister Yi Ran na ibahagi kung paano ko ginawa ang aking gawain. Nang marinig ko ito, hindi ko maiwasang matuwa nang kaunti. Naisip ko, “Nakikita ko na hindi ninyo alam lahat kung paano gumawa. Maghintay lang kayo, sasabihin ko sa inyo ang lahat tungkol sa kung paano ko ginagawa ang aking gawain at ipapakita ko sa inyo na mayroon akong mga abilidad sa paggawa.” Sa simula, mapagpakumbaba kong sinabi, “Noong una kong sinimulan ang tungkuling ito, hindi ko rin alam kung paano gumawa, at hindi ko alam kung paano ayusin ang aking mga prayoridad.” Pagkatapos, nagsalita ako nang nagsalita tungkol sa kung paano ko ginawa ang aking gawain. Nakita ko na ang lahat ng mga kapatid ay masigasig na nakikinig sa aking pagbabahagi, at tinitingnan ako nang may inggit. Naisip ko na napakagaling ng pagbabahagi ko, at sobrang masaya ako. Pagkatapos niyon, pumunta ako sa pagtitipon ng ibang grupo. Habang nagbabahagi ako, nagnilay ako, “Paano ako magbabahagi para makita ng mga kapatid na mayroon akong mga abilidad sa paggawa?” Naisip ko na nagbunga ng ilang resulta ang gawain ng ebanghelyo na pinangangasiwaan ko, at kaya binigyang-diin ko kung paano ko pinangasiwaan ang gawaing ito ng ebanghelyo. Sabi ko, “Una, dapat isaayos nang wasto ng isang tao ang kanyang mga tauhan. Inayos ko ang mga tungkulin ng mga kapatid ayon sa kanilang iba’t ibang kakayahan at espesyalidad. At saka, medyo nakatuon ako sa paglutas sa mga kalagayan at isyu ng mga tauhan na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Nang isapuso ko ang gawain ng ebanghelyo, dumami ang mga taong nakakamit kada buwan. Pinuri ako ng mga kapatid, sinasabing mataas ang kakayahan ko at mayroon akong mga abilidad sa paggawa.” Nang makitang lahat sila ay nakikinig nang mabuti, masaya ako, pero nanghihinayang din. Dahil sa oras na iyon, tatlong tao lamang ang nakikinig sa aking pagbabahagi. Naisip ko, “Maganda sana kung mas maraming makikinig at makakaalam tungkol sa aking mga abilidad sa paggawa.” Pagkatapos ng pagtitipon, hindi mapalagay ang puso ko. Medyo may pakiramdam ako na itinataas at pinatototohanan ko ang aking sarili. Pero muli kong pinag-isipan ito, at inisip ko na karanasan ko lamang ito, at na ang lahat ng sinabi ko ay isang katunayan. Hindi ito katumbas ng pagtataas at pagpapatotoo sa aking sarili. Habang nagbubunyi ako sa aking kasiyahan, bigla akong nakatanggap ng sulat mula sa isang sister. Sa sulat niya, tinukoy at inilantad niya ang problema ko: “Kapag nagbabahagi ka sa mga pagtitipon, palagi kang nagpapakitang-gilas, ikinukuwento kung paano mo ginagawa ang iyong gawain, kung ano ang mga resultang nakamit mo sa huli, at kung paano ka hinahangaan ng iba. Tinatalakay mo ito nang napakadetalyado, pero wala akong naririnig tungkol sa kung paano ka nagpapatotoo sa Diyos. Sa pakikinig sa iyong pagbabahagi, hinangaan din kita, at naisip ko na napakabata mo pa pero napakagaling mo na sa iyong gawain, at na hinahangad mo ang katotohanan. Nang ganoon-ganoon lang, nagkaroon ka ng puwang sa puso ko, at labis ka ring hinangaan ng iba pang kapatid. Dinala mo ang lahat sa harapan mo at hinikayat silang hangaan at sambahin ka. Mapanganib ang magpatuloy nang ganito; ito ang landas ng mga anticristo.” Nang mabasa ko ang sulat, kinilabutan ako. Pero inamin ko lang na tinatahak ko ang maling landas at hindi ko talaga seryosong pinagnilayan ang aking sarili.

Pagkatapos, nakaramdam ako ng matinding kadiliman sa puso ko. Kapag may nangyayari sa akin, hindi ako tumutuon sa pagninilay-nilay sa sarili, at kapag may nakikita akong hindi ko gusto, hindi ko mapigilan ang aking galit. Sa lahat ng bagay, iniisip ko na tama ako, at na mali ang mga kapatid. Halimbawa, nang magbunga ng hindi magagandang resulta ang gawaing pinangangasiwaan ko, hindi ko pinagnilayan kung nakagawa ba ako ng praktikal na gawain, sa halip ay ipinasa ko ang responsabilidad sa mga kapatid ko, sinasabi na dahil sa mahinang kakayahan ng mga kapatid kaya walang naging mga resulta. Ang mga taong pinili ko ay hindi rin naaangkop, at pinaalalahanan ako ng sister na nakapareha ko na pumili ng mga tao ayon sa mga prinsipyo. Tumutol ako at hindi ko ito tinanggap sa puso ko. Negatibo ako at salungat, sinasabi na mahihina ang abilidad ko sa paggawa at hindi ko kayang gumawa ng praktikal na gawain. Nang suriin namin ni Sister Yang Ting ang gawain ng ebanghelyo, nakita ko na walang naging pag-unlad, at nang walang dahilan, iwinasto ko siya, sinasabi na wala siyang dinadalang pasanin at hindi gumagawa ng praktikal na gawain. Lubhang naapektuhan si Yang Ting dito. Namalayan ko na nasa masamang kalagayan ako, at naramdaman kong wala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa lahat ng bagay na ito na nangyayari sa akin, ni minsan ay hindi ko sinubukang kilalanin ang sarili ko, at kumilos din ako nang walang mga prinsipyo. Wala akong ibang idinulot sa mga kapatid kundi pagpigil at pinsala. Nang maisip ito, kinilabutan ako. Naghangad ako ng kasikatan at katayuan, at madalas kong itinataas at pinatototohanan ang aking sarili. Noong may nangyari sa akin, hindi ko tinanggap ang katotohanan at wala akong idinudulot na mga pakinabang sa sinuman. Hindi nagtagal, pinalitan na ako. Sa panahong ito, pakiramdam ko ay parating na ang sakuna. Sa puso ko, alam na alam ko na sumapit na sa akin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Lubha akong nalungkot at nanghinayang ako na hindi ako nakapagsisi sa tamang oras. Tahimik akong nagdasal sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko! Itinaas at pinatotohanan ko ang aking sarili habang ginagawa ang aking tungkulin, at ako ay pinalitan. Alam ko na ito ang paraan Mo ng pagmamahal at pagpoprotekta sa akin. O Diyos! Pakiusap, bigyang-liwanag Mo po ako, gabayan ako, at tulungan akong tunay na makilala ang sarili ko.”

Pagkatapos nito, nagnilay-nilay ako at sinubukan kong kilalanin ang aking sarili batay sa mga isyung tinukoy ng mga kapatid, at sa isang espirituwal na debosyon, nabasa ko itong mga salita ng Diyos: “Dinadakila at pinapatotohanan ang mga sarili nila, ibinibida ang mga sarili nila, sinisikap na tingalain at sambahin sila ng mga tao—may kakayahan sa mga bagay na ito ang tiwaling sangkatauhan. Ganito ang likas na reaksyon ng mga tao kapag pinamamahalaan sila ng mga satanikong kalikasan nila, at karaniwan ito sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Paano karaniwang dinadakila at pinatototohanan ng mga tao ang mga sarili nila? Paano nila natatamo ang layunin na tingalain at sambahin sila ng mga tao? Nagpapatotoo sila sa kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, kung gaano sila nagdusa, kung gaano nila ginugol ang mga sarili nila, at kung anong halaga ang binayaran nila. Ginagamit nila ang mga bagay na ito bilang kapital kung saan dinadakila nila ang mga sarili nila, na nagbibigay sa kanila ng mas mataas, mas matatag, mas ligtas na lugar sa pag-iisip ng mga tao, upang mas maraming tao ang magpapahalaga, titingala, hahanga, sasamba, gagalang, at susunod sa kanila. Upang matamo ang layong ito, maraming bagay na ginagawa ang mga tao na nagpapatotoo sa Diyos sa panlabas, pero sa totoo lang ay nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Makatwiran bang kumilos nang ganoon? Lampas sila sa saklaw ng pagkamakatwiran at wala silang kahihiyan, ibig sabihin, walang kahihiyan silang nagpapatotoo sa nagawa nila para sa Diyos at kung gaano sila nagdusa para sa Kanya. Ibinibida pa nga nila ang kanilang mga kaloob, mga talento, karanasan, mga natatanging kasanayan, malulupit na diskarte sa mga makamundong transaksyon, ang mga paraang ginagamit nila upang paglaruan ang mga tao, at iba pa. Ang kaparaanan nila ng pagdadakila at pagpapatotoo sa sarili nila ay upang ipangalandakan ang sarili nila at maliitin ang iba. Nagbabalatkayo at nagpapanggap din sila, ikinukubli ang mga kahinaan, mga kakulangan, at mga kapintasan nila sa mga tao upang ang tanging nakikita ng mga ito ay ang kanilang luningning. Hindi man lamang sila nangangahas na sabihin sa ibang tao kapag nakararamdam sila ng pagkanegatibo; salat sila sa tapang na magtapat at makipagbahaginan sa mga ito, at kapag may ginawa silang anumang mali, ginagawa nila ang lahat-lahat upang ikubli at pagtakpan ito. Hindi nila kailanman binabanggit ang pinsalang naidulot nila sa gawain ng iglesia sa takbo ng paggawa ng tungkulin nila. Kapag may nagawa silang maliit na ambag o natamong ilang maliit na tagumpay, gayunman, mabilis sila sa pagpapakitang-gilas nito. Hindi sila makapaghintay na ipaalam sa buong daigdig kung gaano sila may kakayahan, kung gaano kataas ang kakayahan nila, kung gaano sila katangi-tangi, at kung gaano sila mas magaling kaysa sa mga normal na tao. Hindi ba’t isa itong paraan ng pagdadakila at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ang pagdadakila at pagpapatotoo ba sa sarili ay isang bagay na ginagawa ng isang taong may konsensiya at katwiran? Hindi. Kaya kapag ginagawa ito ng mga tao, anong disposisyon ang karaniwang nabubunyag? Kayabangan. Ito ang isa sa mga pangunahing disposisyon na nabubunyag, na sinusundan ng panlilinlang, na kinasasangkutan ng paggawa ng lahat ng maaari upang gawing mataas ang pagpapahalaga sa kanila ng ibang mga tao. Hindi mabubutasan ang kanilang mga salita at malinaw na naglalaman ng mga motibasyon at pakana; nagpapakitang-gilas sila, gayunpaman ay nais nilang itago ang katunayang ito. Ang kalalabasan ng kung ano ang sinasabi nila ay na pinararamdam sa mga tao na mas mahusay sila kaysa sa iba, na wala silang sinumang kapantay, na ang lahat ng iba ay nakabababa sa kanila. At ang kalalabasang ito ay hindi ba natatamo sa pamamagitan ng mga pakubling paraan? Anong disposisyon ang nasa likod ng gayong mga paraan? At mayroon bang anumang mga sangkap ng kabuktutan? (Mayroon.) Isa itong uri ng buktot na disposisyon. Makikita na ang mga kaparaanang ginagamit nila ay udyok ng isang mapanlinlang na disposisyon—kaya bakit Ko sinasabi na masama ito? Ano ang koneksyon nito sa kasamaan? Ano sa palagay ninyo: Kaya ba nilang maging tapat tungkol sa kanilang mga layon na dakilain at patotohanan ang kanilang sarili? Hindi nila kaya. Ngunit laging may hangarin sa kaibuturan ng kanilang puso, at ang sinasabi at ginagawa nila ay para makatulong sa hangaring iyon, at ang mga layon at motibo ng sinasabi at ginagawa nila ay lubos nilang inililihim. Halimbawa, gagamit sila ng panlilihis o ilang patagong kahina-hinalang taktika para makamtan ang mga layon na ito. Hindi ba’t likas na tuso ang gayong paglilihim? At hindi ba’t matatawag na masama ang gayong pagkatuso? (Oo.) Maaari nga itong tawaging masama, at mas malalim iyon kaysa panlilinlang(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Tumpak ang mga salita ng Diyos at inilalantad ng mga ito ang ating mga intensyon at layon sa pagtataas at pagpapatotoo sa ating sarili. Ang lahat ng ito ay upang hangaan at sambahin tayo ng mga tao, at para magkaroon tayo ng puwang sa puso nila. Sa pagbabalik-tanaw, ang pagtataas at pagpapakitang-gilas ko ay upang hangaan at tingalain ako ng mga tao. Nang makita kong ginawan ng mga video at in-upload online ang aking mga artikulo, hindi ako nagpapatotoo sa mga resulta na nakamit ng Diyos mula sa paggawa Niya sa akin, bagkus ay ginagamit ko ang mga ito para ipagmalaki ang aking sarili at hangaan ako ng iba. Sa pagtitipong iyon, nang marinig kong pareho sa aking karanasan ang kalagayan ni Xiaoxiao, hindi ako nagbahagi tungkol sa aking kaalaman sa mga salita ng Diyos batay sa sarili kong karanasan para tulungan siyang maunawaan ang katotohanan at subukang makilala ang sarili niyang tiwaling disposisyon, sa halip ay ipinagmalaki ko ang aking sarili at sadyang sinuri ang aking mga artikulo nang napakadetalyado upang mas maipakita sa aking mga kapatid na mayroon akong mahusay na kakayahan, may buhay pagpasok, at isa akong taong naghahangad sa katotohanan. Pagkatapos, hahangaan at sasambahin nila ako. Lalo na noong tinanong ako ni Sister Yi Ran kung paano ko ginawa ang aking gawain, hindi ko ibinahagi kung paano magpakadalubhasa sa mga prinsipyo ng paggawa, kundi nagsalita lang ako nang nagsalita tungkol sa kung gaano ako kahusay sa pagsasaayos ng gawain, nang sa gayon ay iisipin ng lahat na mayroon akong mga abilidad sa paggawa at pagkatapos ay hahangaan at sasambahin nila ako. Nang pumunta ako sa ibang grupo para makipagtipon, ganoon din ang nangyari. Nang magbahagi ako, partikular kong pinili ang aking pinakamatagumpay na karanasan para magpasikat at ipakita sa kanila na hindi ako ordinaryo, upang magkaroon sila ng magandang impresyon sa akin. Sa totoo lang, noong una kong sinimulan ang aking tungkulin, maraming bagay ang hindi ko naunawaan, at naranasan ko ang maraming kabiguan. Ang patnubay ng mga salita ng Diyos at ang pagbabahaginan at tulong ng aking mga kapatid ang nagbigay-daan sa akin na maarok ang ilang prinsipyo. Pero hindi ko tinalakay ang tungkol sa aking mga katiwalian o kung ano ang kulang sa akin, at partikular kong ipinakita ang aking pinakamaganda at pinakamahusay na katangian upang makita ng mga kapatid na mayroon akong mahusay na kakayahan, na hinangad ko ang katotohanan, na mayroon akong mga abilidad sa paggawa, na ako ay may talento, at na dapat maging mas maganda ang tingin sa akin ng lahat. Ang intensiyon ko sa pagbabahagi sa mga pagtitipon ay upang magpakitang-gilas, para ipakita sa mga tao na alam ko kung paano dumanas at gumawa, para hahangaan at titingalain nila ako. Nagpapatotoo ako sa aking sarili, nagpapakitang-gilas, at nililihis ang iba. Sa pakikipagbahaginan sa aking mga kapatid nang may gayong mga intensyon, tunay akong napakakasuklam-suklam at napakabuktot na tao! Naisip ko kung ano ang sinabi sa sampung atas administratibo na dapat sundin ng mga hinirang ng Diyos: “1. Hindi dapat ipagmalaki ng tao ang kanyang sarili, ni itaas ang kanyang sarili. Dapat niyang sambahin at dakilain ang Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). At sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang lahat ng tumatahak sa landas ng mga anticristo ay dinadakila at pinatototohanan ang kanilang sarili, itinataguyod ang kanilang sarili at ipinangangalandakan ang kanilang sarili kahit saan, at wala talagang pakialam sa Diyos. Naranasan na ba ninyo ang mga bagay na ito na sinasabi Ko? Maraming tao ang patuloy na nagpapatotoo para sa kanilang sarili, nagsasalita tungkol sa kung paano nila pinagdurusahan ang ganito at ganoon, kung paano sila gumagawa, kung paano sila pinahahalagahan ng Diyos, at ipinagkakatiwala sa kanila ang ganoong gawain, at kung ano sila, na sadyang gumagamit ng mga partikular na tono habang nagsasalita, at nagpapakita ng ilang partikular na asal, hanggang sa kalaunan ay malamang na may ilang taong magsisimulang isipin na sila ay Diyos. Matagal nang tinalikuran ng Banal na Espiritu ang mga umabot sa antas na ito, at bagamat hindi pa sila napapaalis o naititiwalag, at sa halip ay pinanatili upang magserbisyo, napagpasyahan na ang kanilang kapalaran at hinihintay na lamang nila ang kanilang kaparusahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman ko na hindi dapat labagin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang pinakakinasusuklaman ng Diyos ay ang mga taong nagtataas sa kanilang sarili at nagpapakitang-gilas, at madaling mawawala ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga taong gumagawa niyon. Kung hindi sila magsisisi, sila ay mahaharap sa kaparusahan sa huli. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagising ako sa realidad. Inalala ko kung paanong sa buong panahong ito, upang hangaan ako ng mga tao, nasabik akong ipaalam sa kanila na sumulat ako ng ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan. Ang mga resulta ng gawain at patnubay ng Banal na Espiritu ay ginawa kong sarili kong dakilang tagumpay na ipinakalat ko kung saan-saan. Kapag nakikipagtipon ako sa mga kapatid o nagtatalakay ng gawain, sa tuwing may nakikita akong isang tao, sinusunggaban ko ang pagkakataon para walang-kahihiyan na ipagkalat ang aking karanasan upang makita ng mga kapatid na mahusay ang kakayahan ko at may mga abilidad ako sa paggawa, at na isa akong taong naghahangad sa katotohanan, na humahantong sa kanilang paghanga at pagsamba sa akin. Walang pakundangan akong nagpapakitang-gilas at inaakit ang puso ng iba. Ito ay paglabag sa disposisyon ng Diyos. Napagtanto ko noong panahong iyon, nang mawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu, nang masadlak ako sa kadiliman, at sa huli ay pinalitan ako, na ito ang pagsapit sa akin ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Lubos na kinasuklaman ng Diyos ang ginawa ko, at ikinubli Niya sa akin ang Kanyang mukha. Ang Diyos ay matuwid at banal, at ang Kanyang disposisyon ay hindi dapat malabag, pero wala akong kahihiyan, at walang pakundangan kong ninakaw ang kaluwalhatian ng Diyos. Pinuri ko ang aking sarili para sa mga resulta ng gawain ng Diyos at ipinagmayabang ang aking mga kalakasan. Tunay na wala akong may-takot-sa-Diyos na puso, at tumatahak ako sa landas ng mga anticristo. Gumagawa ako ng kasamaan. Nang maisip ko ang mga ito, nanikip ang dibdib ko sa sakit. Nakikita ko na bagamat natugunan ko ang aking pagnanais para sa katayuan sa pamamagitan ng pagtataas at pagpapatotoo sa aking sarili, ang nakuha ko bilang kapalit nito ay ang pagkapoot ng Diyos at pagkawala sa akin ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung magpapatuloy ako nang ganito, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Ngayon, napalitan na ako. Isa itong babala mula sa Diyos. Kailangan kong pagnilayan nang maayos ang aking sarili at magsisi.

Nag-isip-isip ako, “Bakit ko nagawang itaas at patotohanan ang aking sarili at tumahak sa maling landas na ito? Aling tiwaling disposisyon ang kumokontrol sa akin?” Nagdasal din ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako. Sa isang espirituwal na debosyon, nabasa ko itong mga salita ng Diyos: “Kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “May kakayahan ang mga taong may mapagmataas na kalikasan na suwayin ang Diyos, labanan Siya, at makagawa ng mga bagay na humahatol sa Kanya at nagtataksil sa Kanya, at gumawa ng mga bagay na nagtataas sa kanilang sarili at na isang pagtatangkang magtatag ng kani-kanilang nagsasariling kaharian. Ipagpalagay nang may sampu-sampung libong tao sa isang bansa ang tumanggap sa gawain ng Diyos, at ipinadala ka roon ng sambahayan ng Diyos para pamunuan at ipastol ang mga hinirang ng Diyos. At ipagpalagay nang ibinigay sa iyo ng sambahayan ng Diyos ang awtoridad at pinayagan kang gumawa nang mag-isa, nang walang pagsubaybay Ko o ng sinuman. Pagkaraan ng ilang buwan, magiging parang kataas-taasang hari ka, mapapasakamay mo ang lahat ng kapangyarihan, ikaw ang magdedesisyon, igagalang ka, sasambahin ka, susundin ka ng lahat ng hinirang na para bang ikaw ang Diyos, inaawit sa bawat salita ang iyong mga papuri, sinasabing nangangaral ka ng may malinaw na pagkaunawa, at ipinagpipilitan na ang iyong mga pagpapahayag ang siya nilang kailangan, na ikaw ang makapagtutustos sa kanila at makagagabay sa kanila, at na hindi magkakaroon ng puwang sa puso nila ang Diyos. Hindi ba’t magiging problematiko ang ganitong uri ng gawain? Paano mo sana ito nagawa? Para magawa ng mga taong ito ang gayong reaksyon, patutunayan nito na ang gawaing ginagawa mo ay hindi man lamang kinasangkutan ng pagbibigay patotoo sa Diyos; manapa’y nagpatotoo lamang ito sa iyong sarili at ipinakitang-gilas lamang nito ang iyong sarili. Paano ka makapagkakamit ng gayong kahihinatnan? Sinasabi ng ilang tao na, ‘Ang ibinabahagi ko ay ang katotohanan; tiyak na hindi ko kailanman pinatotohanan ang aking sarili!’ Ang saloobin mong iyan—ang asal mong iyan—ay sumusubok makapagbahagi sa mga tao mula sa posisyon ng Diyos, at hindi ito katulad ng pagtayo sa posisyon ng isang tiwaling tao. Lahat ng sinasabi mo ay mabulaklak na mga pananalita at panghihingi sa iba; wala man lamang kinalaman ito sa iyong sarili. Samakatuwid, ang kahihinatnang makakamit mo ay ang mapasamba mo ang mga tao sa iyo at kainggitan ka nila hanggang, sa huli, silang lahat ay nagpapasakop sa iyo, nagpapatotoo sa iyo, pinupuri ka, at binobola ka nang husto. Kapag nangyari iyon, magiging katapusan mo na; mabibigo ka! Hindi ba ito ang landas na kinaroroonan ninyong lahat ngayon? Kung pinakiusapan kang mamuno ng ilang libo o ng ilang sampung libong katao, makararamdam ka ng kasiyahan. Bibigyang-daan mong umusbong ang kayabangan at magsisimula kang subukang okupahin ang posisyon ng Diyos, nagsasalita at nagmumuwestra, at hindi mo malalaman kung anong susuotin, anong kakainin, o kung paano maglakad. Ikasisiya mo ang mga kaginhawaan ng buhay at itataas ang iyong sarili, hindi minamarapat na makipagkita sa mga ordinaryong kapatid. Ikaw ay lubusang sasama—at mailalantad at palalayasin, pababagsakin na gaya ng arkanghel. May kakayahan kayong gawin ito, hindi ba? Kaya, ano ang dapat ninyong gawin? Kung isang araw ay isinaayos na maging responsable kayo para sa gawain ng ebanghelyo sa bawat bansa, at kaya ninyong tahakin ang landas ng isang anticristo, paano mapapalawak ang gawain kung gayon? Hindi ba ito magiging magulo? Sino, kung gayon, ang mangangahas na payagan kang lumabas doon? Matapos kang ipadala roon, hinding-hindi ka na babalik; hindi ka na magbibigay ng atensyon sa anumang sinabi ng Diyos, at patuloy ka na lamang magpapakitang-gilas at magpapatotoo sa iyong sarili, na parang ikaw ang nagdadala ng kaligtasan sa mga tao, ang gumagawa ng gawain ng Diyos, at ipinararamdam sa mga tao na para bang lumitaw ang Diyos at naritong gumagawa—at habang sinasamba ka ng mga tao, labis kang magagalak, at sasang-ayon ka pa nga kung itinuring ka nilang parang Diyos. Sa sandaling naabot mo ang yugtong iyon, katapusan mo na; mababasura ka. Ang ganitong uri ng mapagmataas na kalikasan ang siyang magiging pagkawasak mo sa huli nang hindi mo namamalayan. Isang halimbawa ito ng taong lumalakad sa landas ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag itinataas at pinatototohanan ko ang aking sarili, kinokontrol ako ng isang mapagmataas na kalikasan. Dahil tatlo sa aking mga artikulo ang ginawan ng mga video at in-upload online, masyado kong hinangaan ang aking sarili, at inakala ko na isa akong taong mayroong katotohanang realidad at na maliligtas ako. Pinuri ko rin ang aking sarili dahil nagawa kong lutasin ang mga problema ng mga kapatid at dahil ako ang pinakaangkop na lider. Tinatalakay man ng mga kapatid ang kanilang mga kalagayan, o pinag-uusapan man namin ang tungkol sa gawain, ginagamit ko ang bawat pagkakataon para ipakita sa kanila ang aking mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan at suriin kung paano ako nagtamo ng kaalaman at karanasan, nang sa gayon ay makita nila na mayroon akong katotohanang realidad at hahangaan at sasambahin nila ako. Sa sobrang yabang ko, nawalan na ako ng katwiran at hindi ko na alam kung sino ba talaga ako. Ibibigay ng bawat tao na may kaunting katwiran at may-takot-sa-Diyos na puso ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos kapag nakikita nila ang mga resultang natatamo ng Kanyang gawain. Samantala, wala man lang akong anumang katwiran. Sumulat ako ng ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan at inakala ko na mayroon akong katotohanang realidad, at kaya, nagsimula akong patotohanan ang aking sarili. Tunay ngang wala akong kahihiyan. Naisip ko si Pablo, na ang likas na katangian ay sobrang mayabang at may labis na pagtingin sa sarili. Inakala niya na mas nakakaunawa siya kaysa sa iba at na mas nakahihigit siya kaysa sa grupo ng mga apostol. Hindi niya kailanman sinuri o sinubukang kilalanin ang kanyang sarili, hindi rin niya tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kapag nakakakita ng ilang resulta si Pablo sa kanyang gawain, ipinangangalandakan niya ang kanyang sarili kahit saan, ipinapakita na mahusay siya sa paggawa at pangangaral. Nagpapatotoo siya tungkol sa kung gaano karaming pagdurusa ang kanyang tiniis at kung gaano kalaking halaga ang ibinayad niya, at nilihis niya ang ilang mananampalataya. Pinaniwala niya ang mga tao na mayroon siyang katotohanang realidad, at na tratuhin ang kanyang mga salita bilang ang mga salita ng Diyos. Sa huli, nilabag niya ang disposisyon ng Diyos at natamo niya ang kaparusahan ng Diyos. Ang disposisyong ibinunyag ko ay hindi naiiba kay Pablo. Sobra din akong mayabang at may labis na pagtingin sa sarili. Sumulat ako ng ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan at ibinida ang aking sarili bilang isang taong may katotohanang realidad. Palagi kong ginagamit ang mga artikulong ito para magpakitang-gilas, kaya sinamba ako ng mga kapatid. Nililihis ko ang mga tao gaya ng ginawa ni Pablo. Ang Diyos lamang ang katotohanan, at tanging ang mga salita ng Diyos ang makakalutas sa mga kalagayan at paghihirap ng mga tao. At tanging ang mga salita ng Diyos ang naaangkop na ipalaganap sa lahat ng tao. Ang Diyos lamang ang karapat-dapat sambahin at hangaan ng mga tao. Isa lamang akong tiwaling tao, pero palagi kong hinahangad na hangaan at sambahin ako ng mga tao. Tinatahak ko ang landas ng paglaban sa Diyos. Kung hindi ako magsisisi, malalabag ko ang Kanyang disposisyon at mawawasak ako. Sa loob-loob ko, nanginginig ako sa takot; para bang anumang oras ay maaaring pakawalan sa akin ang poot ng Diyos. Sa puso ko, paulit-ulit kong sinabi sa Diyos, “Diyos ko! Nagkamali ako. Ako ay walang iba kundi isang tiwaling tao. Mayabang ang disposisyon ko, ninakaw ko ang Iyong kaluwalhatian, at nawala sa akin ang gawain ng Banal na Espiritu. Ito ang Iyong pagiging matuwid. Masyado akong hindi makatwiran, at dapat talaga akong parusahan. Diyos ko! Takot na takot po ako na aabandonahin Mo ako, at handa po akong humarap sa Iyo at magsisi.”

Kalaunan, nagninilay-nilay rin ako sa aking sarili, at napagtanto ko na palagi kong inaakala na ang pagsusulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan ay nangangahulugan na mayroon akong katotohanang realidad at na mahusay ako. Umaayon ba sa katotohanan ang gayong pananaw? Binasa ko ang mga salita ng Diyos at nahanap ko ang sagot sa katanungang ito. Sabi ng Diyos: “Napakabagal ng pag-usad ng buhay ng mga tao, dahil ang katotohanang nauunawaan ng mga tao ay may kinalaman sa kalikasang diwa ng mga tao, sa pag-iral ng mga tao, at sa mga bagay na ipinamumuhay ng mga tao, at kasama na rito ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao pati na rin ang mga pagbabago sa kanyang buhay. Paanong napakadaling magbago ang iyong buhay tungo sa ibang buhay? Sa isang aspekto, kinakailangan nito ang gawain ng Diyos, at kasabay nito, kinakailangan din nito na aktibong makipagtulungan ang mga tao; dagdag pa roon, nariyan din ang mga pagsubok sa panlabas na kapaligiran, pati na ang iyong personal na paghahangad; dagdag pa rito, dapat mayroon kang sapat na kakayahan at abilidad na umunawa, at pagkatapos ay bibigyan ka ng Diyos ng karagdagang kaliwanagan at patnubay; higit pa roon, magpapataw ang Diyos ng ilang pagkastigo, paghatol, pagtatabas at pagwawasto sa iyo, at pupunahin ka ng iyong mga kapatid, at kailangan mo pa ring hangaring umangat, upang maalis ang mga bagay na iyon na kay Satanas—at saka lamang unti-unting makapapasok ang mga positibong bagay na nabibilang sa katotohanan. … Huwag mong isipin na dahil marami ka nang napakinggang sermon, naging buhay mo na ang katotohanan, at natamo mo na ang katotohanan. Malayo ka pa roon! Huwag mong isipin na dahil lang sa nakapagsulat ka ng isang artikulo ng patotoo o nagkaroon ng gayong karanasan, ikaw ay ligtas na. Wala ka pa roon! Isa lang iyong maliit na piraso sa iyong mahabang karanasan sa buhay. Ang pirasong ito ay maaaring isang panandaliang lagay ng loob lamang, isang panandaliang damdamin, isang panandaliang kahilingan o ambisyon, at wala nang iba pa. Isang araw, kapag ikaw ay mahina at nagbalik-tanaw ka at nakinig sa mga patotoong minsan mong ibinahagi, sa mga panunumpang minsan mong sinambit, at sa mga pagkaunawang minsan mong nakuha, magiging hindi pamilyar ang mga ito sa iyo, at sasabihin mo na, ‘Ako ba iyon? Ganoon ba kataas ang naging tayog ko? Bakit hindi ko alam? Siguradong hindi ako iyon, hindi ba?’ Sa puntong ito, mapagtatanto mo na hindi pa rin nagbago ang iyong buhay. Ano ang ipinahihiwatig nito kung hindi pa nagbago ang iyong buhay? Ibig sabihin nito ay hindi pa rin nagbago ang iyong disposisyon. Ano ang mararamdaman mo kapag natuklasan mo na—sa kabila ng pagbigay mo ng mga patotoo at sa kabila ng inakala mo noon na mayroon ka nang malaking tayog—maaari ka pa ring maging negatibo tulad ngayon? Hindi ba’t iisipin mo na masyadong mahirap baguhin ang sariling disposisyon? Ang katotohanan ay hindi isang bagay na maaaring agad-agad na taglayin ng mga tao. Kung talagang makakamit ng mga tao ang katotohanan bilang kanilang buhay, sila ay pagpapalain, at magbabago ang buhay nila. Hindi na sila magiging katulad ng kung ano sila ngayon, na madalas na nagpapakita ng mga tiwaling disposisyon, bagkus ay magagawa nilang magpasakop nang lubos sa Diyos at magawa nang tapat ang kanilang tungkulin, at sila ay ganap na magbabago(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). “Ang karamihan sa mga patotoong batay sa karanasan ng mga tao ay tungkol sa pagdanas ng isang sitwasyon na pumipilit sa kanila na gumawa ng isang bagay, sa pagkamit ng ‘pagpapasakop sa Diyos’ sa kanilang mga kilos, at sa pagkaramdam ng kasiyahan sa kanilang puso, iniisip na malaki ang kanilang naiambag. Kahit na nakapagsulat ka na ng isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan, ang totoo ay ipinangangalandakan, pinatototohanan, at itinatatag mo ang iyong sarili, iniisip na, ‘Tingnan ninyo, mayroon akong patotoo—hindi ko binigo ang Diyos. Natupad ko ang aking tungkulin sa sitwasyong ito!’ Ang ilan ay maaaring dumaan sa malalim na pagninilay-nilay sa sarili kapag nahaharap sila sa pagtatabas at pagwawasto, napagtatanto nila na, ‘Kumikilos lang ako nang pabasta-basta at hindi ko binigyang-kasiyahan ang Diyos, kaya magbabago na ako!’ Anong mga aspekto ang babaguhin mo? Ang iyong mga pamamaraan, pag-iisip, at pananaw at saloobin sa paggawa sa bagay na ito ay magbabago. Gayunpaman, magbabago ba ang iyong tiwaling disposisyon? Hindi, lingid sa kaalaman ng iba, mananatili kang mayabang at walang pakundangan. Ang iyong perspektiba, paninindigan, at pananaw sa kung paano mo tingnan at pangasiwaan ang mga tao at bagay ay hindi talaga batay sa mga salita ng Diyos. Kaya, kahit ngayon ay hindi pa rin nagsimulang magbago ang iyong tiwaling disposisyon! Kung gayon, ano nga ba ang diumano’y pagbabago sa iyo? Ito ay pagbabago lamang sa iyong pag-uugali at pamumuhay, at maaaring magbago nang kaunti ang iyong tono, intonasyon, at istilo sa pagharap sa mga tao at bagay. Mas lumakas ang iyong determinasyon, at matapos ang iba’t ibang sitwasyon at pagtatabas at pagwawasto, kasama ang inspirasyon mula sa pakikinig sa maraming patotoong batay sa karanasan, mas naging matatag ang iyong determinasyon na manampalataya sa Diyos at kapasyahang sundin Siya—ito ang mga pagbabagong nangyari. Ang mga pagbabagong ito, sa isang antas, ay nagbibigay-daan sa iyo na maging mas marangal, matuwid, at determinado, at ang iyong saloobin sa katotohanan at pagtamo ng kaligtasan ay nagiging medyo mas positibo, aktibo, puno ng pag-asa, at optimistiko. … Ang masama lang ay na ang inyong naipakita at naipamalas sa ngayon ay pagbabago lamang sa pag-uugali at ideolohiya. Mayroon ding mga palatandaan na napupukaw ang ilang medyo positibo, aktibo, at optimistikong elemento sa inyong kalooban, ngunit ang mga palatandaang ito ay hindi nangangahulugan na nagsimula nang magbago ang inyong tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan II. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong napahiya. Noon, inakala ko na kung susulat ako ng ilang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na gagawan ng mga video at ia-upload online, magtataglay ako ng katotohanang realidad at magiging mas mahusay ako kaysa sa iba, at malalapit pa nga sa kaligtasan. Ayon sa mga salita ng Diyos, mali ang pananaw ko at hindi ito naaayon sa katotohanan. Bagamat nagnilay ako sa aking sarili at may kaalaman sa isang bagay, at kaya ako sumulat ng isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan, nangangahulugan lamang ito na nakakuha ako ng ilang gantimpala at kaalaman sa yugtong ito, hindi ibig sabihin na naiwaksi ko na ang aking tiwaling disposisyon at na isa akong taong may realidad at may buhay. Sa katunayan, lubos akong nagawang tiwali ni Satanas; malalim na nakatanim sa akin ang mga satanikong disposisyon, at marami rin akong satanikong lason sa loob ko. Hindi totoo na kung mayroon akong kaunting pagkaunawa sa katotohanan o kung kaya ko minsan na isagawa ang katotohanan tungkol sa isang partikular na bagay, ganap na magbabago ang aking mga satanikong disposisyon. Sa panahong ito, namumuhay ako sa aking mayabang na disposisyon, iniisip na nakatataas at mas mahusay ako kaysa sa lahat at walang kahihiyang itinataas at ipinangangalandakan ang aking sarili, bulag ko ring pinakikitunguhan ang mga kapatid gamit ang aking mayabang na disposisyon at pagkamainitin ng ulo. Marami pa rin akong tiwaling disposisyon na hindi ko pa nalutas, at talagang hindi ko taglay ang mga salita ng Diyos bilang buhay ko. Napagtanto ko rin na ang mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan na isinulat ko ay nangangahulugan lamang na mayroon akong kaunting pagkaunawa sa isang partikular na aspekto ng aking mga tiwaling disposisyon o maling pananaw at pansamantala kong naisagawa ang kaunting katotohanan, pero hindi pa ako tuluyang namuhi at naghimagsik laban sa sarili kong kalikasang diwa. Kapag naharap sa parehong sitwasyon, magagapos pa rin ako ng aking mga tiwaling disposisyon at hindi ko maisasagawa ang katotohanan. Kagaya ng dati, noong sinulat ko ang tungkol sa aking karanasan bilang isang mapagpalugod ng tao at napagtantong kontrolado ako ng ideyang “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” at na makasarili ako at kasuklam-suklam, pinoprotektahan ang sarili kong mga interes. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas naging mapagkilatis ako sa ganoong pananaw, subalit pagkatapos, nang maharap ako sa parehong sitwasyon, naging kontrolado pa rin ako ng aking makasarili, mapanlinlang na kalikasan at hindi ko ganap na maisagawa ang katotohanan. Kinailangan ko pa ring tanggapin ang higit pang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at unti-unting iwaksi ang aking tiwaling disposisyon. Ang mga taong may tunay na pagbabago ng disposisyon at may katotohanang realidad ay tumitingin sa bagay-bagay nang batay sa mga salita ng Diyos kahit ano man ang mangyari sa kanila, at hindi sila namumuhay ayon sa kanilang satanikong tiwaling disposisyon at mga satanikong pananaw. Kaya nilang manindigan sa kanilang posisyon bilang nilikha, magpatotoo sa Diyos, at magsabuhay ng normal na wangis ng tao. Pero madalas pa rin akong pinamamahalaan ng aking mga tiwaling disposisyon, at ang isinabuhay ko ay hindi naglalaman ng anumang bahagi ng pagpapatotoo para sa Diyos. Walang pakundangan ko ring itinataas at pinatototohanan ang aking sarili at namumuhay ako sa imahe ni Satanas. Binibigyang-kahihiyan ko ang Diyos; anong katotohanang realidad ang mayroon ako? Napakalayo ko pa para maligtas. Sa pagkakataong ito ko lamang nakita nang malinaw ang tunay kong tayog: Isa akong tiwaling tao, likas na hindi karapat-dapat na hangaan at purihin ng iba. Kapag mayroon akong ilang resulta sa paggawa ng aking tungkulin, ito ay nakamit sa pamamagitan ng mga salita at gawain ng Diyos at ng kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung hindi dahil sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos, tuluyan akong magiging isang hangal na walang nauunawaan, walang halaga, at hindi mas mahusay kaysa sa iba. Nang mapagtanto ito, medyo nasuklam ako sa aking sarili. Napakarami ko pa ring katiwalian at kakulangan, pero hindi ko man lang kilala ang sarili ko at inisip ko pa rin na taglay ko ang katotohanang realidad. Napakayabang ko at walang katwiran, at talagang kinasusuklaman ako ng Diyos.

Makalipas ang mahigit isang buwan, itinalaga ako na gawing muli ang aking tungkulin. Takot na takot akong maulit ang parehong mga pagkakamali, at madalas akong magdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako na isagawa ang katotohanan. Isang beses, nakipagtipon ako sa ilang lider, at narinig kong binanggit ni Zhang Ying na napansin niya ang mga problema ng mga kapatid ngunit hindi siya naglakas-loob na turuan ang mga ito, at naisip ko na isa itong pagpapamalas ng mga mapagpalugod ng tao. Naisip ko, “Marami-rami ang mga taong nandito; ipakita ko kaya sa kanila ang aking artikulo ng patotoong batay sa karanasan tungkol dito? Sa ganitong paraan, tiyak na hahangaan nila ako, at nang ganoon-ganoon lang, maitatatag ko ang aking imahe sa mga kapatid.” Sa oras na ito, napagtanto ko na gusto ko na namang magpakitang-gilas. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Para maiwasang magawa ang mga dating pagkakamali, dapat munang mabatid ng mga tao na hindi pa nila natatamo ang katotohanan, na wala pang nagiging pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at kahit na naniniwala sila sa Diyos, namumuhay pa rin sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi pa naliligtas; malamang na pagtaksilan nila ang Diyos at lumihis sa Diyos sa anumang oras. Kung may nararamdaman silang ganitong krisis sa kanilang puso—kung, gaya nga ng madalas sabihin ng mga tao, handa sila sa panganib sa panahon ng kapayapaan—magagawa nila kahit papaano na kontrolin ang kanilang sarili, at sakali mang may mangyari sa kanila, mananalangin sila sa Diyos at aasa sa Kanya, at magagawa nilang maiwasang gawin ang gayon ding mga pagkakamali. … May tatlong pinakamahahalagang punto na dapat tandaan: Una, hindi mo pa rin kilala ang Diyos; pangalawa, walang naging anumang pagbabago sa iyong disposisyon; at pangatlo, hindi mo pa naisasabuhay ang tunay na wangis ng tao. Nakaayon sa mga katunayan ang tatlong bagay na ito, totoo ang mga ito, at dapat maging malinaw ang mga ito sa iyo. Dapat may kamalayan ka sa sarili mo. Kung bukal sa loob mong ayusin ang problemang ito, dapat kang pumili ng sarili mong kasabihan: Halimbawa, ‘Ako ang dumi sa lupa,’ o ‘Ako ang diyablo,’ o ‘Madalas akong bumalik sa dati kong mga gawi,’ o ‘Lagi akong nasa panganib.’ Angkop na maging pansarili mong kasabihan ang alinman sa mga ito, at makakatulong kung lagi mo itong ipinapaalala sa iyong sarili sa lahat ng oras. Ulit-ulitin mo ito sa iyong sarili, pagnilay-nilayan ito, at baka sakaling mabawasan ang mga nagagawa mong pagkakamali, o matigil na sa paggawa ng mga pagkakamali. Anu’t anuman, ang pinakamahalaga ay ang gumugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at ang maunawaan ang katotohanan, ang maunawaan ang sarili mong kalikasan at matakasan ang iyong tiwaling disposisyon. Saka ka lamang magiging ligtas. Ang isa pang bagay ay ang huwag kailanman lumagay sa posisyon ng ‘isang saksi ng Diyos,’ at huwag kailanman tawagin ang iyong sarili na saksi ng Diyos. Maaari ka lamang magsalita tungkol sa personal mong karanasan. Maaari ninyong sabihin kung paano kayo iniligtas ng Diyos, ibahagi kung paano kayo nilupig ng Diyos, at talakayin kung anong biyaya ang ipinagkaloob Niya sa inyo. Huwag kalimutan kailanman na kayo ang mga taong pinakalubhang nagawang tiwali; kayo ay dumi at basura. Ang magawang tanggapin ang gawain ng Diyos ngayon ay ganap na dahil sa Kanyang pag-aangat sa inyo. Ito ay dahil lang sa kayo ang mga pinakatiwali at pinakamarumi kaya nailigtas kayo ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya napagkalooban Niya kayo ng napakalaking biyaya. Samakatuwid ay wala kayong anumang nararapat na ipagmayabang, at ang nararapat lamang ay ang purihin at pasalamatang ninyo ang Diyos. Ang inyong kaligtasan ay dahil lamang sa biyaya ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Sa puso ko, malinaw sa akin na hindi ko pwedeng patuloy na hangarin na hangaan ako ng mga tao; kailangan kong bitiwan ang maling intensyong ito. Ang Diyos ang pinagmumulan ng katotohanan, at tanging ang mga salita ng Diyos ang makakalutas sa mga kalagayan ng mga tao. Kailangan kong higit na magbahagi at magpatotoo sa mga salita ng Diyos sa aking mga kapatid at tulungan silang matuto kung paano magnilay sa kanilang sarili at kilalanin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at hanapin ang landas ng pagsasagawa. Naisip ko rin ang aking kabiguan sa panahong ito at napagtanto ko na hindi ako pwedeng patuloy na magpakitang-gilas tulad ng dati, kaya nagdasal ako sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko! Alam kong mali ang mga intensyon ko, at muli ay gusto kong magpakitang-gilas at hangaring hangaan ako ng mga tao. Diyos ko! Handa po akong bitiwan ang aking mga intensyon at pagnanais sa kalooban ko; ayaw ko na pong tahakin ang landas ng kabiguan. Nais ko lamang na gampanan nang maayos ang aking tungkulin; pakiusap, gabayan Mo po ako na maisagawa ko ang katotohanan.” Pagkatapos magdasal, kinalma ko ang aking sarili at narinig ko ang mga detalye ng problema ni Zhang Ying, at inisip ko kung aling aspekto ng katotohanan ang dapat kong ibahagi upang magkamit ng mga resulta. Nang makinig akong mabuti, noon ko lang nalaman na naiiba ang kanyang kalagayan at mga pananaw sa sarili kong karanasan. Pagkatapos, nakahanap ako ng ilang salita ng Diyos na nakatuon sa kalagayan ni Zhang Ying at nagbahagi ako sa mga ito, at tinukoy ko rin ang mga problema ni Zhang Ying ayon sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos magbahagi, nagkaroon ng kaalaman si Zhang Ying ukol sa kanyang kalagayan at naging handa siyang magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos at pangalagaan ang mga interes ng iglesia. Nang makitang nagawa niyang magnilay sa sarili at magkamit ng kaunting kaalaman, labis akong natuwa. Naranasan ko mismo ang katiwasayan ng pag-iisip na nagmumula sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Sa isang pagtitipon, nagtapat ako at ikinuwento ko sa aking mga kapatid ang tungkol sa aking dating karanasan sa pagkabigo, sinusuri ang aking sarili at ibinabahagi ang kaalaman sa aking tiwaling disposisyon, at pinatotohanan ko na ang paghatol at paglalantad ng mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng kaunting kaalaman tungkol sa aking mayabang na kalikasan. At napagtanto ko rin na tinatalakay man natin ang ating karanasan o nilulutas ang mga paghihirap at problema ng mga kapatid, dapat nating higit na suriin ang ating sarili, unawaing mas mabuti ang ating sariling katiwalian at kakulangan, higit na magpatotoo sa mga salita ng Diyos at sa Kanyang gawain at patnubay. Saka lamang natin magagawang dakilain at patotohanan ang Diyos.

Matapos mapalitan noong panahong iyon, natutunan ko na ito ang pagliligtas sa akin ng Diyos. Masyadong mayabang ang aking kalikasan, at bagamat alam kong nagpapakita ako ng isang tiwaling disposisyon, hindi sinasadya na itinataas at pinatototohanan ko pa rin ang aking sarili. Tinatahak ko ang landas ng mga anticristo at hindi ko magawang magbago. Nang mapalitan ako, natigil ang aking masasamang gawa, ito ang nagbigay-daan sa akin na magnilay-nilay at subukang kilalanin ang aking sarili, at maging handa na magsisi at magbago. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng mahalagang pagkakataong ito na maranasan ang Kanyang gawain, na nagbibigay-daan sa akin na magpasakop, magnilay-nilay at subukang kilalanin ang aking sarili, at hanapin ang landas ng pagsasagawa. Alam ko na kung paano ko dapat dakilain at patotohanan ang Diyos sa paggampan ko sa aking tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Pagbabago Matapos Maiwasto

Ni Yong Zhi, Timog Korea Nung Marso, namahala ako sa paggawa ng video ng iglesia. ‘Di ko nauunawaan nang lubos ang marami sa mga prinsipyo...

Ang Muling Pagsilang

Lubos na bunga ito ng paghatol at pagkastigo ng Diyos kung saan nagawa kong magkaroon ngayon ng pag-unawa at pagbabago. Bagaman ang pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nangailangan sa aking sumailalim sa sakit ng kapinuhan, nakakuha ako ng pag-unawa sa praktikal na gawain ng Diyos, sa Kanyang mabait na diwa, at sa Kanyang disposisyon ng katuwiran at kabanalan.