Pagbabalik sa Tamang Daan

Hulyo 28, 2020

Ni Chen Guang, USA

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabubuting layunin, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong naiisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan Niya; gumagawa ka nang ganap na naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Maaari ba itong matawag na paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, mas lalong magiging matigas ang ulo mo dahil sa iyong paglilingkod sa Diyos, na magpapalalim ng iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin ukol sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at ang mga karanasang nakuha mo mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong ganito ay maaaring mapabilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at anticristo ang mga ito na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang binanggit noon na mga huwad na Cristo at anticristo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon). Nang basahin ko ang parteng ito: “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas,” sobrang naantig ako. Naranasan ko nang mabigo dati. Noong panahong iyon, ginampanan ko ang aking tungkulin batay sa mapagmataas na disposisyon ko at puno ako ng yabang. Nagpasikat ako, para lang tingalain ako ng iba. Hindi ko namalayan, nagsimula na pala akong labanan ang Diyos. Kalaunan, sa pamamagitan ng paghatol ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko ang pinagmulan ng aking makademonyong likas at paglaban, at nagsimulang magsisi.

Noong 2013, napili akong maging isang pinuno ng iglesia. Talagang masigasig ako noon. Kapag mayroong may problema sa iglesia, nagbabahagi ako sa kanila tungkol sa mga salita ng Diyos. Kapag nalutas na ang problema nila, ginagampanan nila ang mga tungkulin nila gaya ng dati. Makalipas ang ilang buwan, sinabi ng pinuno ko sa akin, “Maraming kakasali pa lang na miyembro sa isang iglesia. Sabi ng iba, dapat kang maging isang pinuno doon.” Tinanggap kong may kumpiyansa. Inisip ko lang na kailangan kong diligan ang mga baguhang iyon, para malaman nila agad ang katotohanan at mailagay ang sarili nila sa tunay na daan. Pagdating ko sa iglesia, naunawaan ko ang pangkalahatang kalagayan, at tinandaan ko ang mga paghihirap ng mga kapatid. Plano kong tulungan sila pagkatapos sa pamamagitan ng mga nauugnay na salita ng Diyos. Ramdam ko na dahil bago lang ako sa eksena, hindi ako kilala ng maraming kapatid, kaya dapat akong magsikap at mas magbahagi sa kanila. Kung magagawa ko nang maayos ang gawain ng iglesia sa maikling panahon, mararamdaman nila na taglay ko ang realidad ng katotohanan, at may kakayahan ako, pagkatapos magiging mataas din ang tingin sa akin ng mga pinuno. Naglabas ang iglesia ng paunawa ng mga katototahanang papasukin sa yugtong iyon, at kailangan namin ng mga nauugnay na salita ng Diyos. Natuwa ako. Pagkakataon ko itong patunayan ang sarili ko. Humanap ako ng ilang salita ng Diyos na may kinalaman sa mga aspetong ito ng katotohanan, at maingat na inayos ang mga ito, habang iniisip sa buong panahong iyon, “Bukas, magtitipon ang mga katrabaho. Makikita ng mga katrabaho ko na magdamag akong naghanap ng mga salitang ito ng Diyos, at sasabihin nilang responsable ako sa tungkulin ko.” Noong gabing iyon, halos bukang-liwayway na bago ako natapos magtrabaho. Totoo nga, sa dami ng mga salita ng Diyos na hinanap ko, pinuri ako ng mga katrabaho ko. May nagsabi, “Ang sipag-sipag ni Brother Chen. Buong gabi niya hinanap ang mga nauugnay na siping ito.” Sabi ng iba, “Oo. Lagi sigurong nagbabasa ng mga salita ng Diyos si Brother Chen.” May pag-aalalang sinabi ng isa pang kapatid, “Brother Chen, hanggang anong oras ka nagpuyat sa paghahanap ng lahat ng nauugnay na siping ito ng mga salita ng Diyos?” Ang saya-saya ko nang marinig iyon. Hindi nasayang ang pagpupuyat ko, at nakikita ng iba ang laki ng pagsisikap ko. Habang tinatago ang tuwang nararamdaman ko, sinabi ko, “Halos bukang-liwayway na nang natapos ako. Madalas akong magpuyat sa tungkulin ko, gaya ng dapat gawin ng isang tao. Walang dapat ipagyabang d’on. Kailangan kong masiguro na mayroon tayong maibabahagi ngayon.” Pagkatapos sinabi niya na masipag ako sa tungkulin ko, nagpupuyat at nagtitiis. Napuno ng galak ang puso ko. Magsisipag pa ako para sabihin ng lahat na mahusay akong pinuno.

Kalaunan, habang patuloy kaming nagpapalaganap ng ebanghelyo, nagtatag kami ng ilan pang iglesia. Nagtrabaho ako mula umaga hanggang gabi araw-araw, dinidiligan ang mga kapatid ko. Binasahan ko ng mga salita ng Diyos ang sinumang may problema, at matiyagang nagbahagi para tulungan sila, at lalo pang tumaas ang tingin ng mga tao sa akin. Minsan, nagkaproblema ang ilang kapatid habang nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naging negatibo sila, kaya lumapit sila sa akin. Nagbahagi ako ng mga karanasan ko sa pagpapalaganap ng ebanghelyo dati. Sabi ko, “Ayaw itong tanggapin ng marami sa mga nakausap ko. Pinaalis pa ako ng ilan. Noon, akala ko sobrang hirap talaga noon, kaya nanalangin ako sa Diyos. Nagpuyat ako sa paghahanap ng mga nauugnay na salita ng Diyos, at bumalik para magbahagi sa kanila. Gusto ko silang mapagkalooban ng Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Gaano man kahirap iyon, tumanggi akong sumuko. Sa huli, napasali ko silang lahat sa atin….” Nang tapos na ako, humahangang sinabi ng isang kapatid, “Nagtiis ng malaking hirap si Brother Chen; matibay siya.” Sabi ng isa, “Dapat tayong magpalaganap ng ebanghelyo gaya ni Brother Chen.” Nang makita ko ang mataas nilang tingin sa akin, para bang nasa langit ako. Pagkatapos niyon, sa akin lumalapit ang iba pang nahihirapan sa tungkulin nila, at hindi sa kasamahan ko. Sa kanilang tungkulin, ginagawa ng mga kapatid anuman ang ipagawa ko sa kanila. Dahil nakikita ko kung gaano kataas ang tingin nila sa akin, nagsimula akong pahalagahan ang sarili ko. Pakiramdam ko para akong haligi ng iglesia.

Sa isang pagtitipon, nagsalita ako nang nagsalita tungkol sa laki ng hirap at mga sakripisyo ko para sa aking tungkulin, at mga resultang nakamit ko. Biglang sinabi ng isang kapatid sa akin, “Brother Chen, marami kang sinasabi tungkol sa hirap mo sa tungkulin mo, pero hindi ka pa nakapagsalita tungkol sa mga kahinaan o mga tiwaling disposisyon mo, kung anong natutuhan mo tungkol sa iyong sarili, kung paano mo hinanap ang katotohanan para lutasin ang mga bagay-bagay. Parang wala kang anumang katiwalian….” Pagkatapos niyang sabihin ito, tumingin lang sa akin ang iba pa. Natigilan talaga ako. Para bang nakuwestiyon ako, at namula ang mukha ko. Naisip ko, “Nagmukha akong masama sa harap ng lahat dahil sa sinabi mo. Ano nang iisipin nila sa akin?” Para iligtas ang dangal ko, sinabi ko, “Sister, tama ka. Tinatanggap ko iyan. Pero ngayon negatibo ang ating mga kapatid sa mga tungkulin nila. Hindi lang tayo dapat magtuon sa katiwalian, kundi sa mga positibong gawi; ito lang ang paraan para mahanap ng mga kapatid ang kanilang pananampalataya….” Kalaunan, sinabi ng iba pang mga kapatid sa akin na kapag nagsasalita ako tungkol sa mga karanasan ko, nilalaktawan ko ang karamihan sa katiwaliang nabunyag sa akin, at dahil marami na ang sinabi ko tungkol sa laki ng hirap ko sa tungkulin ko, nagmukha akong bihasa sa pagsasagawa ng katotohanan. Nang sinabi nila sa akin ang mga ito, naging medyo hindi ako komportable at inisip ko, “Hindi ba akma ang mga sinabi ko? Inaamin ko naman minsan na naging makasarili ako. At higit pa rito, magagandang resulta ang parating nakakamit ko sa tungkulin ko, at hindi ko napigilan ang gawain ng iglesia. Hindi ba ibig sabihin noon tama naman ang pagbabahagi ko?” At kaya, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko.

Kalaunan, dahil sa pangangailangan ng gawain ng iglesia, inilipat ako sa isa pang iglesia para ipagpatuloy ang gawain ko. Sa isang pagtitipon, seryosong sinabi ni Brother Zhang sa akin, “Brother Chen, mula nang umalis ka sa iglesiang iyon, nawalan na ng interes sa tungkulin nila ang ibang kapatid. Kapag nahihirapan sila, hindi sila nagbabasa ng mga salita ng Diyos o naghahanap ng katotohanan; gusto lang nilang ayusin mo iyon. Ayaw nga ng ilan na dumalo sa mga pagtitipon. Pinapakita nito na hindi mo dinadakila ang Diyos o nagpapatotoo sa Kanya sa tungkulin mo. Nagpapasikat ka lang para isipin ng iba na magaling ka. Masama ito. Dapat mong pagnilayan ang sarili mo.” Gulat na gulat ako pagkarinig nito, at inisip ko, “Paanong nangyari ito? Hinahangaan ako nilang lahat? Malaking problema iyon!” Nabahala ako. Pagkatapos niyon, hindi ako makapagtuon sa kahit anong binabahagi. Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ito. Pagkauwi ko, pinag-isipan ko ang sinabi ni Brother Zhang. Noong umpisa, akala ko ay nagbunga ng mga resulta ang tungkulin ko at kaya kong lutasin ang ilang problema sa pamamagitan ng katotohanan. Hindi ko kailanman inakala na magiging ganito ang kahihinatnan nito. Nabalisa talaga ako dahil dito. Sobrang balisa. Wala akong magawa, at nanalangin ako sa Diyos. Sabi ko, “Diyos ko, nawa’y liwanagan Mo ako para malutas ko ang problema ko at maunawaan ang sarili ko.”

Kinalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos, “Lahat ng pababa ay itinataas ang kanilang sarili at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Naglilibot sila at ipinagmamalaki at pinupuri ang kanilang sarili, at ni hindi man lang nila isinasapuso ang Diyos. Naranasan na ba ninyo ang sinasabi ko? Maraming tao ang palaging nagpapatotoo sa kanilang sarili: ‘Nagdusa na ako sa ganito at ganoong paraan; nagawa ko na ang ganito at ganoong gawain; pinakitunguhan na ako ng Diyos sa ganito at ganoong paraan; ipinagawa Niya sa aking ang ganito at ganoon; mataas ang tingin Niya sa akin; ngayon ay ay ganito at ganoon na ako.’ Sadya silang nagsasalita sa isang partikular na tono at umaasta sa mga partikular na tindig. Sa huli, iniisip ng ilang tao na ang mga taong ito ang Diyos. Kapag umabot na sila sa puntong iyon, matagal na silang pinabayaan ng Banal na Espiritu. Bagama’t, sa ngayon, hindi sila pinapansin, at hindi itinitiwalag, nakatakda na ang kanilang kapalaran, at ang tanging magagawa nila ay hintayin ang parusa sa kanila(“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Ginagamit ng ilang tao ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, labis na itaas ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at kontrolin sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos upang maaari silang tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila ay naging tiwali na—na sila rin ay tiwali at mayabang, na huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa kadakilaan ng Diyos at ginagawa lamang nila ang nararapat nilang gawin. Bakit hindi nila sinasabi ang mga bagay na ito? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nila ay hindi kailanman dumakila sa Diyos at hindi kailanman sumaksi tungkol sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Pagkabasa nito, nabalisa ako. Noong nagnilay ako, nakita ko na sa panlabas ay pinagmukha kong naghirap ako, at nagbahagi tungkol sa mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema ng iba, pero ginagawa ko lang iyon para magmukha akong magaling para tumaas ang tingin ng iba sa akin. Noong pinili akong maging isang pinuno sa iglesia na may mga bagong miyembro, ang inisip ko lang ay ang magkamit ng tagumpay na magpapataas ng tingin ng mga kapatid ko sa akin. Para rito, nagtrabaho ako nang lampas sa oras, nagpupuyat sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagpaplano ng aming mga pagtitipon. Noong nagkaproblema ang mga kapatid sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, hindi ako nagbahagi sa kanila tungkol sa kalooban ng Diyos at mga prinsipyo ng katotohanan, at sa halip ay nagyabang at nagpasikat ako tungkol sa kung gaano ako naghirap habang nagpapalaganap ng ebanghelyo. Dahil humusay ang gawain ko, pinuri ako ng mga kapatid ko. Kinasiyahan ko ito, at sinarili ko ang papuri para sa mga resultang nakamit ng gawain ng Banal na Espiritu, walang-kahihiyang ipinangalandakan ang mga ito bilang sarili kong tagumpay. Habang nagbabahagi sa mga pagtitipon, ginagawa ko ang sarili ko na sentro ng atensiyon, nagsasabi lang ng mga positibong bagay, hindi nagsasalita tungkol sa katiwaliang taglay ko. Kung napag-uusapan iyon, pinagtatakpan ko lang. Tungkol naman sa masasama kong motibo sa tungkulin ko, ayokong suriin ang mga ito. Paulit-ulit na ginamit ng Diyos ang aking mga kapatid para banggitin ang mga problema ko, pero para maprotektahan ang posisyon at imahe ko, sinasabi ko lang na tinatanggap ko, nang hindi talaga pinagninilayan ang sarili ko. Sa mga pagbabahagi, maringal ako sa pagsasalita para linlangin ang lahat. Sa ganitong paraan, naniwala akong responsable ako sa tungkulin ko at kayang magtiis ng hirap. Kahit anong maging hirap ng iglesia, o ng mga kapatid ko, hindi ako umuurong, kundi tinutulungan sila. Nang malantad ng mga katotohanan, nakita ko na sa paggawa ng tungkulin ko, hindi ko isinasagawa ang katotohanan o isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Sinamantala ko ang oportunidad na ibinigay ng tungkulin ko para magpasikat, at matupad ang pagnanais kong magkaroon ng posisyon. Sa paggawa ko nito, hindi ko nadala ang aking mga kapatid sa harap ng Diyos. Nagawa ko silang sambahin ako. Nakikipaglaban ako sa Diyos para sa posisyon. Napagtanto ko pagkatapos na nasa landas ako ng paglaban sa Diyos at gumagawa ng seryosong paglabag. Takot na takot ako at ramdam ko ring nagkasala ako. Tinanong ko ang sarili ko: Paano ako, nang hindi ko namamalayan, napunta sa landas ng paglaban sa Diyos?

Kalaunan, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Dahil ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, nagsimulang magbago ang kanilang kalikasan at unti-unting nawala ang kanilang pangangatwiran na taglay ng mga pangkaraniwang tao. Hindi na sila kumikilos bilang mga tao sa kalagayan ng tao; bagkus, nais nilang lagpasan ang katayuan ng tao, at ninanasa nila ang bagay na mas mataas at higit na dakila. At ano itong bagay na mas mataas? Nais nilang lagpasan ang Diyos, lagpasan ang mga kalangitan, at lagpasan ang lahat ng iba pa. Ano ang ugat kung bakit naging ganito ang mga tao? Pagkatapos ng lahat, labis na mapagmataas ang kalikasan ng tao. … Kapag naging mayabang ang kalikasan at diwa ng mga tao, nagkakaroon sila ng kakayahang gawin ang mga bagay na sumusuway at lumalaban sa Diyos, mga bagay na hindi umaayon sa Kanyang mga salita, mga bagay na bumubuo ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, mga bagay na naghihimagsik laban sa Kanya, at mga bagay na dumadakila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Sinasabi mo na hindi ka mayabang, ngunit ipagpalagay nang binigyan ka ng ilang iglesia at tinulutan kang pamunuan ang mga ito; ipagpalagay nang hindi Kita pinakitunguhan, at na wala ni isa sa pamilya ng Diyos ang tumabas sa iyo: Matapos mo silang pamunuan sandali, aakayin mo sila sa iyong mga paa at pasusunurin sila sa iyo. At bakit mo gagawin iyan? Ito ay natutukoy sa iyong kalikasan; ito ay walang iba kundi isang likas na paghahayag. Hindi mo kailangang magpakahirap para malaman ito, ni hindi mo kailangang magpaturo sa iba. Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ito nang sadya. Likas na nangyayari sa iyo ang ganitong klaseng sitwasyon: Hinihikayat mo ang mga tao na magpasakop sa iyo, sambahin ka, dakilain ka, magpatotoo tungkol sa iyo, at makinig sa iyo sa lahat ng bagay, at hindi mo sila tinutulutang gumawa ng anuman nang walang pahintulot mo. Sa ilalim ng iyong pamumuno, likas na nangyayari ang gayong mga sitwasyon. At paano nangyayari ang ganitong mga sitwasyon? Natutukoy ang mga ito sa aroganteng kalikasan ng tao(“Likas na Kayabangan ng Tao ang Ugat ng Kanyang Pagkontra sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Dahil sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit gusto kong pasiyahin ang Diyos sa aking tungkulin pero hindi ko sinasadyang sinimulang lumaban sa Diyos. Nagmula ito sa mapagmataas at makademonyong likas sa loob ko. Sa ilalim ng kontrol ng likas na ito, naging mataas ang tingin ko sa sarili ko, at sinubukan kong magpasikat sa mga kilos at pananalita ko para purihin at hangaan ako ng iba. Kapag nagkakaproblema ang iba sa pagtupad ng kanilang tungkulin, hindi ako nagbabahagi ng katotohanan para tulungan silang makahanap ng landas sa pagsasagawa. Nagsasabi lang ako ng mga hungkag na salita para magmukha akong magaling, at ginagamit ko ang sarili kong naranasang hirap at paggawa para magpasikat. Dahil dito, tiningala ako ng mga kapatid ko at naniwala silang nauunawaan ko ang katotohanan at kaya silang tulungan. Kapag may mga problema sila, lumalapit sila sa akin, samantalang dapat silang lumapit sa Diyos at hanapin ang katotohanan. Walang puwang para sa Diyos ang mga puso nila. At noong inilipat ako, tumigil ang iba sa kanila na dumalo sa mga pagtitipon. Paano iyon naging pagtupad sa tungkulin ko? Masama kong nilalabanan ang Diyos! Nagawa ko iyon dahil sa kapalaluan at pagmamataas ko. Labis kong itinaas ang sarili ko, iniingatan ang sarili kong imahe, ginagawa ang iba na hangaan ako at ilagay ako sa sentro. Nag-imbot ako ng katayuan. Nakita ko na sa kaloob-looban ko, wala akong paggalang sa Diyos. Kapag namumuhay ang mga tao nang may mapagmataas na likas, natural na nangyayari ang paglaban sa Diyos. Napakamapanganib nito. Naisip ko ang mga pastor sa mundo ng relihiyon. Hindi sila nagpapatotoo sa Diyos, o tumutulong sa mga mananampalataya na isagawa ang Kanyang mga salita. Kundi tinatalakay lang nila ang kaalaman at teorya mula sa Biblia para linlangin ang mga mananampalataya, at nagpapasikat sila nang todo tungkol sa laki ng dinanas nilang hirap sa buhay, kung gaano karaming tao ang nakumberte nila at ilang simbahan na ang itinatag nila. Dahil dito, tinitingala sila ng mga mananampalataya, ginagawa ang anumang sabihin nila, at sinasamba pa sila. Nabasa ng ilan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at narinig ang tinig ng Diyos, pero pumupunta sa mga pastor at isinasangguni ang mga ito sa kanila. Kung walang pahintulot ng pastor, hindi nila sinusunod ang Makapangyarihang Diyos. Mahigpit na kinokontrol ng mga pastor sa mundo ng relihiyon ang mga tao. Tinatahak nila ang landas ng paglaban sa Diyos ng anticristo upang lumikha ng sarili nilang kaharian. Sinubukan kong magpasikat sa tungkulin ko para hangaan ng iba. Ano’ng pinagkaiba ko sa mga pastor at mga matatanda sa iglesia na iyon? Naisip ko ang mga bagong miyembrong iyon sa iglesia: nalaman nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at marami pa silang hindi alam. Binigyan ako ng Diyos ng tungkuling pamunuan ang iglesia, kaya dapat ay nagbahagi ako sa kanila nang higit pa tungkol sa mga salita at gawain ng Diyos, para mas marami silang malaman tungkol sa katotohanan, at maglatag ng mga pundasyon sa tunay na daan. Pero sa halip, ano’ng nakamit ng mga pagtatangka ko sa tungkulin? Ginawa ko silang sambahin ako, sa halip na magkaroon ng kaalaman sa Diyos. Pininsala ko ang aking mga kapatid, at inabala ang gawain ng iglesia. Tinatahak ko ang landas na lumalaban sa Diyos ng anticristo. Habang mas lalo ko itong iniisip, lalong bumibigat ang loob ko. Nakita ko kung gaano ako naging mapagmataas at walang paggalang sa Diyos, at nagkakasala sa disposisyon ng Diyos. Kung hindi Niya ginamit ang mga kapatid ko para pakitunguhan ako nang ganoon, hindi ako magninilay tungkol dito. Kung nagpatuloy ako, baka kung anong kasamaan na ang nagawa ko na pupukaw sa poot ng Diyos. Sa takot ko, lumuhod ako sa harap ng Diyos at nanalangin. Sabi ko, “Diyos ko! Naging mapagmataas ako. Parati akong nagpapasikat sa tungkulin ko, at dahil dito, hinangaan ako ng iba, sa halip na ilagay Ka sa kanilang mga puso. Lumaban ako sa Iyo. Dapat akong parusahan. Diyos ko! Gusto kong magsisi, hanapin ang katotohanan, at magsimulang muli.”

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos na ito: “Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at kumilos nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging dakila, o maging superman, o mataas sa lahat, o maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). “Anuman ang hinahanap o hinahangad ng mga tao, yaon lamang mga nagbabalik sa harap ng Lumikha at tapat na ginagampanan at kinukumpleto ang nararapat nilang gawin, at ang naipagkatiwala sa kanila, ang mabubuhay nang may malinis na konsiyensya at sa paraang tama at angkop, nang hindi nagdurusa. Ito ang kahulugan at halaga ng pamumuhay(“Sa pamamagitan lamang ng Maayos na Pagganap sa Tungkulin ng Isang Nilalang Nagkakaroon ng Halaga ang Buhay ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na Siya ang Panginoon ng nilikha, at natural lang—dapat Siyang sambahin ng mga tao at magpasakop sila sa Kanya. Bukod pa rito, alam kong isa lang akong tiwaling tao, isang maliit na nilalang. Ang likas ko ay makademonyo, mapagmataas, mapanlinlang, at masama. Gayunman, parati kong sinusubukang magpasikat at magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao. Mapagmataas ako na wala na sa katinuan. Wala akong kahihiyan. Lalu’t lalo akong nahiya. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa hindi ko pagkakilala sa Diyos. Hindi ko kilala kung sino ako. Nagagawa ko ang tungkulin ko ngayon dahil sa biyaya ng Diyos. Dapat akong lumugar bilang isang nilikha, at maging isang tapat na tao na nakatuon sa katotohanan, nagpapatotoo sa Diyos, at tumutupad ng kanyang tungkulin. Saka lang ako magkakaroon ng konsensya na dapat mayroon ako.

Kalaunan, naghanap ako ng landas sa pagpasok sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sinabi ng mga salitang ito ng Diyos, “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ring magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat sumaksi para sa Diyos at suklian Siya dahil sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng substansya ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong pag-usapan ang mga hungkag na teorya. Magsalita kayo nang mas makatotohanan; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at walang-lamang teorya para magyabang; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso, at magsalita mula sa puso; ito ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iba, at pinaka-nararapat na makita nila(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos basahin ito, naunawaan ko nang kaunti kung paano ko dapat dakilain ang Diyos sa tungkulin ko. Sa pagpapatotoo sa Diyos, dapat akong magsalita nang higit pa tungkol sa Kanyang gawain, sa mga tiwaling disposisyong mayroon ako, paano ako naghimagsik at lumaban sa Kanya, paano ko pinagnilayan ang sarili ko, ikinumpara ang sarili ko sa Kanyang mga salita, at nagsisi at nagbago. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa katotohanan, dapat kong tulungan ang mga taong maunawaan ang mga hinihingi ng Diyos, ang gawain Niya ng pagliligtas, at ang Kanyang disposisyon, igalang at magpasakop sa Diyos at tuparin ang mga tungkulin gaya ng dapat nating gawin. Sa ganitong paraan, makapagpapatotoo ako sa Diyos. Inisip kong muli ang pagbabahagi ko. Kadalasan nagsasalita lang ako tungkol sa sakripisyo ko, at kung paano ako napagkalooban ng mga pagpapala ng Diyos. Pagdating sa pagsusuri sa mga tiwaling disposisyon o mga sarili kong masasamang motibo, pinagtatakpan ko lang ang mga iyon o walang sinasabing anuman. Nag-alala ako na kung makikita ng iba ang aking katiwalian, mapapahiya ako. Talagang mapanlinlang ang likas ko. Nang mapagtanto ko ito, hinanap ko si Brother Zhang at sinabi sa kanya ang tungkol sa masasamang gawa ko ng panlilinlang ng mga tao. Pinapunta ko rin siya sa dati kong iglesia at pinasabi sa lahat ng naroon kung anong ginawa ko, para may matutuhan sila mula roon. Sa pagtitipon, nagtapat ako sa lahat tungkol sa masamang ugali ko, nagpatotoo sa katuwiran ng Diyos, at sinabi sa kanilang matuto mula sa akin para hindi tahakin ng iba ang landas na tinahak ko.

Sa aking tungkulin matapos iyon, sadya akong nagpuri at nagpatotoo sa Diyos at nagbahagi sa Kanyang kalooban, Kanyang mga hinihiling at Kanyang pagmamahal para sa tao. Inilantad ko ang sarili kong katiwalian, ang aking kapangitan, at ang mga motibo sa likod ng aking mga kilos. Nagtapat ako at nagbahagi sa kung paano ako ginabayan ng mga salita ng Diyos na makilala ang aking sarili at magsagawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan, malalaman ng aking mga kapatid na ginawa rin akong tiwali. Sa paglutas sa mga problema ng iba, minsan gusto ko pa ring magyabang tungkol sa mga nakaraan kong nagawa, ngunit agad akong magdarasal sa Diyos at tatalikdan ang aking sarili. Hahanapin ko ang katotohanan kasama nila at magbabahagi sa mga prinsipyo ng pagsasagawa. Ang uri ng pagsasagawang ito ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan sa aking puso. Masarap sa pakiramdam ang pagkilos alinsunod sa mga salita ng Diyos. Ang kakayahang magbago at makabalik sa tamang landas ay dahil sa paghatol, pagkastigo, at pagtabas at pagwawasto ng Diyos. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pasakit Ng Pagsisinungaling

Ni Ni Qiang, Myanmar No’ng Oktubre 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa mga pagtitipon, nakita...