Pang-araw-araw na pagbabasa ng Bibliya: Anong Babala ang Ibinigay ng Panginoong Jesus sa Atin sa Hindi Pangingilin sa Araw ng Sabbath?

Hunyo 3, 2019

Ni Li Qing, China

Isang umaga, habang ako ay nagdedebosyon, nakita ko ito na nakasulat sa Bibliya: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. Datatuwa’t pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya. Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath. Datapuwa’t sinabi niya sa kanila…Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Dapatuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath(Mateo 12:1–3, 6–8). Pagkatapos kong basahin ang talatang ito, napaisip ako nang malalim: “Sa Panahon ng Batas, inatasan ni Jehovah ang mga karaniwang tao na ipangilin ang Sabbath. Sa araw ng Sabbath, dapat tumigil sa paggawa ang mga karaniwang tao; kapag hindi sila tumigil, iyan ay isang kasalanan, at kailangan nilang harapin ito. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi na Niya ipinangilin ang araw ng Sabbath, sa halip, pinangunahan Niya ang kanyang mga alagad na magtungo sa iba’t ibang lugar upang mangaral ng Ebanghelyo at gumawa. Bakit ganito ito? Anong babala para sa atin ang ipinapakita ng Panginoong Jesus? Pinag-isipan ko ito nang mahabang panahon, nguni’t hindi ko pa rin naunawaan.

Pagkaraan ng ilang araw, nabalitaan ko na ang kamanggagawang si Xue ay nagbalik mula sa isang paglalakbay upang makinig ng mga sermon, kaya’t binisita ko siya sa bahay. Masayang ibinahagi niya sa akin ang kanyang nakuha mula sa pakikinig sa mga sarmon at kinuha niya ang isang aklat. Sinabi niya na ang aklat ay nagpapahayag nang maraming katotohanan at misyeryo na hindi pa kailan man naririnig. Sinabi niya na marami na siyang nabasa sa aklat, at habang parami nang parami ang nababasa niya, mas napupuno din ng liwanag ang kanyang puso, at naunawaan niya ang maraming katotohanan na hindi niya dati naunawaan. Pagkatapos kong makinig sa kamanggagawa na si Xue, paulit-ulit akong nagpasalamat nang buong puso sa mga paghahanda ng Diyos, at hindi ko napigil ang sarili ko na sabihin sa kanya ang bagay na gumugulo sa akin nang mga ilang araw na. Nakangiti niyang sinabi sa akin, “Magpasalamat ka sa Panginoon. Ang aklat na ito ay nagpapaliwanag nang malinaw tungkol sa isyu kung bakit gumawa ang Panginoong Jesus sa araw ng Sabbath. Sabay nating tingnan ito.” Habang sinasabi niya ito, binuksan niya ang aklat at ipinabasa siya sa akin: “Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang mga praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa pagkakapiit sa araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga panuntunan mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong anyo, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga alituntunin sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya aalalahanin o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong anyo, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan nang upang makita ng mga tao ang ibat-ibang mga aspeto ng Kanyang Disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na, totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa tao ay pawang buhay at kaliwanagan, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain. … Kaya, ang Panginoong Jesus ay malayang makalalabas at makagagawa sa panahon ng Sabbath sapagkat sa Kanyang puso ay walang mga patakaran, walang kaalaman o doktrina na nagmula sa sangkatauhan. Ang mayroon Siya ay ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang daan, at ang Kanyang gawain ay ang paraan para mapalaya ang sangkatauhan, upang mapakawalan sila, upang tulutan silang umiral sa kaliwanagan, at upang tulutan silang mabuhay(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III).

Naunawaan ko ng kaunti pagkatapos kong basahin ang talatang ito, at sinabi ko sa kamanggagawang si Xue: “Kaya’t noong dumating ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi Niya ipinangilin ang araw ng Sabbath, nguni’t pinangunahan Niya ang Kanyang mga alagad na magtungo sa iba’t ibang lugar upang ipangaral ang ebanghelyo at gumawa, at ginawa Niya ito upang sabihin sa mga tao noong panahon na iyon na iniwan na ng Diyos ang mga batas at gumagawa na Siya ng bagong gawain. Nais Niyang dalhin ang mga tao sa bagong panahon. Tila ang kalooban ng Diyos ay nasa likod ng bawat gawain ng Diyos!”

Sinabi ng kamanggagawang si Xue sa akin, “Oo, ang talatang ito ang nagpapahayag nang malinaw kung bakit gumawa ang Panginoong Jesus sa araw ng Sabbath. Kapag gumawa ang Diyos, hindi Siya nananatili sa lumang paraan ng paggawa ng mga bagay at hindi siya naglalakbay sa mga lumang daan. Palaging mas bago at mas mataas ang gawa ng Diyos ayon sa pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Kapag gumawa Siya ng bagong gawain, hindi na Siya nananatili sa mga dating gawain, at kapag nanatili ang mga tao sa lumang pamamaraan, sila, kung gayon, ay nakakapit sa mga panuntunan. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtalikod sa mga lumang panuntunan at mga gawi at ang pagsunod nang mabuti sa mga yapak ng mga gawain ng Diyos matatamo ng mga tao ang Kanyang kaligtasan. Halimbawa, sa Panahon ng Batas, sa pamamagitan ni Moses, inihayag ng Diyos ang mga batas at kautusan upang maging gabay sa buhay ng sangkatauhan sa mundo, at ipinag-utos Niyang sumunod ang tao sa mga batas at kautusan at dapat nilang ipangilin ang araw ng Sabbath. Ito’y dahil sa hindi alam ng mga tao noon kung paano mamuhay at wala silang alam tungkol sa kung ano ang pagsamba sa Diyos, kung paano sasambahin ang Diyos o kung kailan gagawa, at iba pa. Hindi nais ng Diyos na makita ang tao na abala sa buong araw, nagtatrabaho mula bukang liwayway hanggang paglubog ng araw, na nabubuhay lamang para sa pagkain, damit at bahay at pagpapalaki ng kanilang pamilya. Kaya’t inihayag Niya ang mga batas at kautusan upang sundin ng tao, at ginawa Niya ang araw ng Sabbath para sa tao, inatasan silang gumawa sa loob ng anim na araw at huminto sa paggawa sa ika-pitong araw upang magsama-sama sa harapan ng Diyos at magpuri sa Kanya. Nguni’t nang matapos ang Panahon ng Batas, naging mas tiwali ang sangkatauhan dahil kay Satanas, at kahit na tila ipinangingilin naman nila ang Sabbath, hindi naman sila tunay na sumasamba sa Diyos sa kanilang mga puso. Kahit na ipinangilin nila ang araw ng Sabbath, isa pa rin itong uri ng panuntunan o ritwal na walang kahulugan at ano pa man. Kung kaya’t nang dumating si Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, ipinahayag Niya ang paraan ng pagsisisi ayon sa mga pangangailangan ng tao at hindi na Niya iniutos sa mga taong ipangilin ang mga panuntunan at mga gawi ng Sabbath. Sa halip, pinangunahan Niya ang mga tao na iwanan na ang mga batas at ang araw ng Sabbath, at nagpanukala Siya ng bagong mga kakailanganin ng tao: Ang sambahin ang Diyos sa espiritu at katotohanan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay magkakaroon ng mas bago, mas mataas na landas ng pagsasagawa, at sa pamamagitan lamang ng pag-iwan sa mga dating panuntunan at mga gawi at pagsasabuhay ayon sa mga kakailanganin ng Diyos nila matatamasa ang kapayapaan at kagalakan na kaloob ng Panginoon at mamuhay sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Kung titingnan sa panlabas, tila pinabayaan na ng Panginoong Jesus ang mga batas sa pamamagitan ng hindi na ipangilin ang araw ng Sabbath; nguni’t ang totoo, tinutupad Niya ang mga batas, at hinahayaan Niya ang mga taong magpatuloy mula sa mga panuntunan at mga ritwal sa pagsamba sa Diyos sa espiritu at katotohanan. Ito ang mas malalim na pagsasagawa at pagpasok sa pagsamba sa Diyos na tumutulong upang ang mga tao ay maging mas matalik at mas malapit sa puso ng Diyos. Kung hindi pesonal na pinangunahan ng Panginoon ang mga alagad na iwan na ang araw ng Sabbath, wala ni isa man ang makakalampas mula sa pagpipigil ng mga batas. Sa pamamagitan ng Diyos mismo na patuloy na gumagawa ng bagong gawain, magkakaroon ang mga tao ng bagong daan sa pagsasabuhay at pagtamo ng kalayaan at paglaya sa espiritu. Mula sa gawain ng Diyos, makikita natin na ang Diyos ang tunay at buhay na Diyos, at sa Diyos, walang mga panuntunan at walang mga bawal. Hindi limitado ang Diyos ng mga batas at panuntunan kapag nagsasagawa Siya ng isang bagong gawain, at hindi Siya nakakapit sa lumang gawain. Laging bago ang Diyos at hindi nalilipasan, at palaging pinangungunahan ang tao sa mas bago, mas mataas na antas. Kapag nagsagawa ang Diyos ng Kanyang bagong gawain, hindi Siya kumakapit sa mga lumang panuntunan o pagsasabuhay; Gumagawa Siya kasama ng mga tao ng talagang bagong pamamaraan, na siyang nagiging daan upang magkaroon sila ng panibagong daan ng pagsasabuhay, at sa huli, iniligtas Niya ang mga tao sa mga batas at hinayaan silang mamuhay ng may kalayaan, at matamo ang Kanyang kaligtasan.

Pagkatapos kong makinig sa pagbabahagi ng kamanggagawang si Xue, sinabi ko nang may katuwaan: “Napakalinaw ng puso ko ngayon! Ang gawain ng Diyos ay napaka praktikal at ni hindi siya nakakapit sa lumang paraan ng paggawa ng mga bagay. Lagi Siyang gumagawa ng bagong gawain ayon sa ating mga pangangailangan; ipinapakita Niya sa atin ang mga bagong daan ng pagsasabuhay, at tinutulungan Niya tayong makalapit sa Kanya upang sambahin Siya at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Kung hindi gumawa ng isang bagong gawain ang Diyos at hindi ginabayan ang tao mula sa araw ng Sabbath, mananatiling nakagapos ang mga tao sa mga batas, sasambahin nila ang Diyos sa mga panuntunan at mga ritwal at maaaring mahatulan at maparusahan sa paglabag sa mga batas. Tunay ngang mahal tayo ng Diyos!

Tumango ang kamanggagawang si Xue at masayang nagsabi, “Tunay nga. Ang bawat bagay na sabihin ng Diyos ay may malalim na kahulugan, at lahat ng ito’y puno ng pagmamahal ng Diyos para sa sanlibutan! Kung kaya, kapag nagsagawa ang Diyos ng isang bagong gawain, umayon man o hindi ang gawain ng Diyos sa ating maling pakahulugan at mga palagay, o naintindihan man natin ito o hindi, dapat nating hanapin muna ang kalooban ng Diyos at sikaping alamin ang Kanyang gawain kasama ang ating puso na may paggalang sa Kanya, dahil sa pamamagitan lamang nito mas mas makasusunod tayo sa mga yapak ng Diyos at makamit ang Kanyang kaligtasan. Kung tayo ay mapagmataas at makasarili, at hindi natin hinahanap o inaalam ang bagong gawain ng Diyos, malamang na mas mabilis tayong magrebelde laban sa Diyos at kumalaban sa Kanya, at mawawala natin ang kaligtasan ng Diyos—ayaw kong isipin kung ano ang kahihinatnan! Halimbawa, ang mga punong saserdote, mga manunulat, at mga Fariseo noon, ay nakakita nang malinaw na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, nguni’t hindi nila hinanap ang katotohanan na may bukas na isipan, o hindi nila inalam ang gawain ng Diyos. Sa halip, kumapit sila sa mga batas at panuntunan at ginamit nila ang mga ito upang hatulan ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na lumampas pa sa Lumang Tipan, at hinatulan nila ang Panginoong Jesus na lumabag sa mga batas dahil sa hindi Niya ipinangilin ang araw ng Sabbath. At ikinumpara nila ang gawain ng Panginoong Jesus sa gawain ni Jehovah sa lahat ng sulok, at hangga’t hindi umaayon sa kanilang sariling mga kuro-kuro, mga palagay, mga salita at gawain ng Panginoon, hinatulan nila ito at nilapastangan pa ang Panginoong Jesus. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa mga awtoridad sa Roma upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, kung kaya’t sila ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Ang aral sa kabiguan ng mga Fariseo ay dapat na maging babala sa atin na kahit saan pa magpakita ang Diyos o kahit anong paraan pa Siya gumawa, hindi tayo dapat na umasa sa ating mga maling kuro-kuro o palagay at gamitin ang Kanyang mga dating gawain upang limitahan ang Kanyang bagong gawain. Ang kaalaman ng Diyos ay kamangha-mangha at hindi maarok; ano man ang gawin ng Diyos, ginagawa Niya ito para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at sa likod nito makikita ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang maingat na pagpupunyagi. Tayong--mga tiwaling sangkatauhan—ay hindi kailan man maaarok ang gawain ng Diyos. Ang tanging magagawa lang natin ay ang hanapin at tanggapin ang gawain ng Diyos nang may pusong gumagalang, dahil tanging sa paraang ito lang natin matatanggap ang pagpapatibay at pagpapala ng Diyos.

Tumango ako at sinabi ko sa kamanggagawa na si Xue, “Oo! Napakamaalam ng Diyos, napakamakapangyarihan, paano nating mga tao maaarok ang Kanyang gawain? Katulad ng sinasabi sa Bibliya: ‘Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! Oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan! Sapagka’t sino ang nakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? O sino ang kaniyang naging kasangguni?’ (Roma 11:33-34). Sa ating paglapit sa bagong gawain ng Diyos, dapat nating hanapin at pag-aralan pa ito nang may pusong gumagalang sa Diyos, at tanging sa pamamagitan niyan makakamit natin ang kaligtasan ng Diyos! Pasalamatan ang Diyos! Ang pagbabahaginan ngayong araw ay tunay na nakabuti sa akin!”

“Pasalamatan ang Panginoon!”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

What is the meaning of rapture in Tagalog?

Ano ang meaning of rapture in Tagalog? Nangangahulugan ba talaga ito ng pagiging nadala sa isang ulap upang makatagpo ang Panginoon? Basahin ang artikulong ito para malaman ang tunay na kahulugan ng rapture.