Mga Sanga-sangang Daan

Marso 28, 2022

Ni Wang Xin, South Korea

Dati akong may masayang pamilya, at ang asawa ko ay napakabuti sa akin. Nagbukas kami ng isang restawran na pang-pamilya at maganda ang takbo nito. Lahat ng aming kaibigan at kamag-anak ay humahanga sa amin. Pero nakalilito, na palaging hungkag ang pakiramdam ko sa loob ko. Pakiramdam ko ang bawat araw ay gaya lang nang nauna, na parang walang kahulugan ang buhay, pero wala akong ideya kung ano ba ang tamang paraan para mabuhay. Tapos sa huling bahagi ng 2010, nagkaroon ako ng mahirap na panganganak na nauwi sa pagdurugo. Sabi ng mga doktor nasa kritikal na kondisyon ako. Ang aking mama, na takot na takot, ay bumulong sa aking tainga, “Mahal, manalangin ka sa Makapangyarihang Diyos!” Agad akong kumapit do’n na parang isang taling makasasalba ng buhay at sa puso ko ay tumawag sa Makapangyarihang Diyos para iligtas ako. Hindi nagtagal, tumigil ang pagdurugo. Alam ko na binigyan ako ng Diyos ng ikalawang pagkakataon sa buhay, at mula sa puso ay nagpasalamat ako sa Kanya. Mula noon ay nagsimula na akong magbasa ng mga salita ng Diyos araw-araw at palaging nakikipagtipon at nagbabahagian kasama ang mga kapatid. Sa paglipas ng panahon, natutunan ko na nilikha ng Diyos ang tao at ang lahat ng mayroon ang tao ay galing sa Diyos. Kailangan nating magkaroon ng pananampalataya, sambahin ang Diyos, at gawin ang tungkulin ng isang nilalang na hanapin ang kahulugan sa buhay. Ginawa ko ang tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at ang bawat araw ay naging talagang kasiya-siya. Hindi tinanggap ng pamilya ko ang Makapangyarihang Diyos, pero hindi sila kontra sa aking pananampalataya.

Sa huling bahagi ng 2012. Nagsisimula nang maging mabangis ang Partido Komunista sa kanilang pagsupil at pag-aresto sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nag-iimbento sila ng lahat ng uri ng sabi-sabi para siraan ang Iglesia. Maraming istasyon ng radyo at telebisyon ang nagpapakalat ng mga kasinungaliang ito. Simula noon, nababakas ang pagka-inis sa mukha ng asawa ko at nagmamaktol siya sa tuwing babalik ako mula sa isang pagtitipon. Isang araw bandang tanghalian, nagpunta ako sa restawran matapos ang isang pagtitipon at nakitang nakasimangot siya. Sa sandaling makita niya ako, agad niya akong hinaltak at kinaladkad papalapit sa TV, at sinabing: “Tingnan mo ang Diyos na ’to na pinaniniwalaan mo!” Nakita ko na ipinapalabas nila ang lahat ng uri ng paninirang-puri at sabi-sabi na gawa ng Partido Komunista tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na lubos na walang basehan at kabaligtaran ng katotohanan. Talagang nagalit ako, humarap sa kanya at sinabing, “Puro kasinungalingan ang mga balita. Mga sabi-sabi lang iyan na gawa-gawa ng Partido. Kinamumuhian nila ang Diyos at nilalabanan Siya nang higit sa anupaman, at malupit nilang inuusig ang mga relihiyosong paniniwala mula nang magkaroon sila ng kapangyarihan. Paano mong paniniwalaan ang anumang sinasabi nila laban sa Iglesia? Marami na tayong nakita sa loob ng maraming taon nang pagnenegosyo, kaya’t para namang hindi mo alam kung anong klase ang pamahalaang ito, ang partidong ito. Ang Partido Komunista ay gumawa ng lahat ng uri ng huwad at ’di makatarungang kaso, at nagpeke ng mga ulat. Hindi pa kasali ang Rebolusyong Pang-Kultura dito, kundi sa mga kalilipas pa lang na taon, nariyan ang Insidente sa Tiananmen Square, ang malupit na pagsupil sa mga protesta ng mga taga-Tibet, at iba pa. Ang palagi nilang ginagawa ay nagsisismula sila sa paggawa ng mga kasinungalingan, binabaluktot ang katotohanan para pagmukhaing masama ang isang grupo, at magpasimuno ng kaguluhan, tapos susunod ang isang marahas na pagtugis. Pareho ito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihan Diyos. Ito ang karaniwang taktika ng Partido para puksain ang pagtutol. Bukod diyan, ang mga kapatid ay nagsagawa na ng mga pagtitipon sa ating tahanan habang naroon ka. Alam mo na nagtitipon lang kami at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagbabahagi sa katotohanan, at umaawit ng mga himno. Katulad ba iyon ng sinasabi ng Partido?” Lubos silang napaniwala sa mga kasinungalingan ng Partido Komunista, kaya naging bingi sila sa sinasabi ko. Lagi nila akong pinagagalitan, sinasabing dapat na lang akong mamuhay ng isang magandang buhay sa halip na nagpupumilit na manampalataya, at na kung sinasabi ng pamahalaan na hindi ka puwedeng magkaroon ng pananampalataya, dapat ay isuko na lang ito. Sinabi ng asawa ko na kung magpapatuloy ako sa pagpunta sa mga pagtitipon, wawasakin niya ang aking electric scooter para mawalan ako ng paraan na makapunta roon. Gusto niya rin na manatili na lang akong nakakulong sa loob ng bahay.

Hindi ako gaanong nabahala noong una. Akala ko pansamantala lang silang nalilinlang ng mga kasinungalingang ’yon at galit sila dahil nag-aalala sila sa akin, na lilipas din ang lahat ng ito makaraan ang ilang araw. Pero hindi gano’n kasimple ang mga bagay. Parami nang parami ang mga kasinungalingan na ineere sa TV at sa internet na umaatake at naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at maraming ulat ng mga mananampalataya na inaaresto. Lalo pa akong hinigpitan ng aking pamilya nang makita nila ito. Sa pagtatangkang pilitin akong isuko ang aking pananampalataya, pinunit ng asawa ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos, at binasag ang MP3 player na ginagamit ko sa pakikinig sa mga himno. Inulit din niya ang lahat ng kasinungalingan ng Partido Komunista sa aming mga kapitbahay para hindi ako makapagbahagi ng ebanghelyo sa kanila. Naniwala rin sila sa mga kasinungalingan, at tinrato ako na parang isang ketongin. Talagang nakagugulat para sa akin ang inasal ng asawa ko. Napakabait niya noon sa akin—paano siya nagbago nang husto, nang sobra-sobra? Makaraan ang mga taon ng aming pagsasama, paano siya naging lubos na walang pang-unawa at respeto? Lumipas ang panahon, at lagi niya akong pinipintasan, isinisisi pa ang lahat ng naging mali sa bahay namin sa aking pananampalataya. Nang humina ang negosyo, sinisi niya ang aking pananampalataya at hindi niya ako pinapapasok sa restawran, na sinasabing nagdadala ako ng malas. Ang mga magulang niya ay laging sumisimangot at pinagagalitan ako, at hinahampas ang mga bagay sa paligid sa galit. Pinigilan nila akong lumabas, at sa sandaling humakbang ako palabas, tatawagin nila ako, tatanungin kung nasaan ako at kung sino ang kasama ko. Isinailalim nila ako sa kanilang pagbabantay ng panahong iyon. Hindi ako makapagbasa ng mga salita ng Diyos o makapag-ugnayan sa mga kapatid. Wala akong anumang personal na kalayaan. Talagang napakahirap nito para sa akin, at nagtataka ako kung bahit napakahirap na magkaroon ng pananampalataya, kung bakit ito isang pakikibaka, at kung kailan kaya hindi ko na kakailanganing mamuhay sa ganoong paraan. Minsan naisip ko na puwede akong tumigil na lang pansamantala sa pagpunta sa mga pagtitipon at sa paggawa sa aking tungkulin, pero pakiramdam ko’y hindi iyon naaayon sa kalooban ng Diyos. Ramdam ang sakit, agad akong umusal ng isang panalangin at hiniling sa Diyos na gabayan ako. Isang sipi ng mga salita ng Diyos ang sumagi sa isip ko: “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at ang kanilang hinaharap ay malabo. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! … Sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Talagang naantig ako habang pinag-iisipan ito. Napagtanto ko na hindi kalooban ng Diyos na ako’y magdusa, kundi para gawing perpekto ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng pang-aapi at paghihirap na ito para magkaroon ako ng pagkakataon na magpatotoo sa Diyos. Hindi ako puwedeng sumuko kay Satanas dahil natatakot akong magdusa, kundi dapat akong magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at manatili sa landas gaano man ito kahirap, at maging isang malakas at matunog na saksi.

Nang araw na iyon nang umuwi ako mula sa isang pagtitipon, sinugod niya ako, nagsusumigaw, “Ano ang ginagawa mong pangangaral sa mga bisita sa restawran? Lahat ng tao’y pinag-uusapan ang pagiging mananampalataya mo. Paano mo nagawang ipahiya ako nang ganito? Nakita mo kung ano ang sinasabi nila sa TV. Kung magpapatuloy ka nang ganito, aarestuhin ka!” Nakita ko na lalo lang siyang nababalisa, kaya’t hindi na ako nagsalita, at pumasok na lang sa aking silid. Natulala ako sa nakita ko roon. Pinunit niya ang aking aklat ng mga salita ng Diyos, at ang sahig ay napuno ng papel. Dumating din noon ang aking biyenang lalaki, at pagkapasok na pagkapasok niya, sinabi niya, “Ginusto namin na mag-asawa ang aming anak para magkaroon ng magandang buhay. Ang pamilyang ito ay masisira kung maaaresto ka dahil pananampalataya mo. Alin sa dalawa, isuko mo ang iyong pananampalataya o agad na makipagdiborsyo.” Tapos nagsimula siyang magsabi ng mga kalapastanganan. Nang makita ko ang mukha niya na puno ng matinding galit, hindi ko na napigilan ang sarili kong galit, at pinutol ang kanyang pagsasalita: “Papa! Simula nang makapangasawa ako sa inyong pamilya, wala akong ipinakita sa inyo kundi paggalang. Ni minsan hindi ako nagalit o nakipagtalo sa inyo. Kung hindi ko nagampanan ang aking tungkulin sa pamilyang ito, may karapatan kayong pagsabihan ako, pero walang anumang mali sa aking pananampalataya, hindi niyo ako dapat hadlangan o lapastanganin ang Diyos.” Bago pa ako natapos, nagdilim ang kanyang mukha at sumigaw, “Anong masama sa pagsasabi ng gusto ko tungkol sa iyong Diyos? Hindi ako naniniwalang hindi kita kayang pakitunguhan.” Sinimulan niyang hatakin ang damit ko, sinisikap na kaladkarin ako papunta sa istasyon ng pulis, pero nagpumiglas ako’t nakawala. Nang makita kung gaano ako kadeterminado at hindi ako bibigay, galit siyang umalis. Kasunod noon may marinig akong kalabog, nang papalingon na ako, nakita ko ang asawa kong sumusugod sa akin, at hinampas niya ako sa mukha, na nagpabagsak sa akin sa sahig. Nahilo ako, umugong ang aking mga tainga, at ang mukha ko ay humapdi sa sakit. Blankong-blanko ang isip ko. Sobra akong nagulat na nagawa niya iyon. Halos sampung taon na kaming nagsasama at ni hindi kami nagtalo, pero hinampas niya ako no’ng araw na iyon dahil sa aking pananamapalataya. Nang tingnan ko siya, pakiramdam ko’y isa siyang estranghero. Para siyang nabaliw, puwersahan niya akong kinaladkad mula sa sahig, isinalya sa pader at marahas na sinabi, “Sinasabi ko sa iyo, tatapusin na natin ito ngayon. Isuko mo ang iyong pananampalataya, kung hindi’y magdidiborsyo tayo agad. Sabihin mo sa akin, ang Diyos mo, o ako? Gusto mo ba ang pananampalataya mo, o ang pamilyang ito?” Habang nagsasalita, parang baliw na iniuuntog niya ako sa pader. Nang nakita ko ang mukhang kilalang-kilala ko na naging mala-demonyo kalmado akong sumagot, “Pinipili ko ang aking pananampalataya.” Lalong nagalit, kinaladkad niya ako papunta sa kama at mahigpit na sinakal ang leeg ko. Hindi ako makahinga, at gusto kong makatakas, pero napakalakas niya. Walang paraan na malalabanan ko siya. Habang nagpupumiglas ako para magkaroon ng hangin, nagsimula na talaga akong matakot at naisip ko, “Siguro sa ganitong paraan na ako mamamatay ngayon.” Noon din, biglang nagising ang aking tatlong-taong gulang na anak. Tumayo siya at nagsimulang tumawag, “Mama! Mama!” Nang nakita niyang sinasakal ako ng asawa ko, sinimulan niya itong paluin at itulak, tapos ay nagpumilit sumiksik sa aking mga bisig. Nang nakita ito, binitiwan ako ng asawa ko at marahas na sinabi, “Kung hindi dahil sa anak natin, namatay ka na sa mga kamay ko ngayon.”

Umalis siya, at muli kong binalikan sa isip ang kagaganap lang na pangyayari. Nakakatakot ito. Napanghimasukan ng pananampalataya ko ang kanyang personal na interes, kaya’t, nakagigimbal man, ay handa siyang manakit, at sakalin ako hanggang mamatay. Hindi ba mala-demonyo iyon? Habang lalo niya akong sinasaktan, mas nakita ko kung anong klaseng tao siya at lalo kong ginusto na sumunod sa Diyos hanggang sa wakas. Dumating kinabukasan ang aking biyenang babae at sinabi niya agad pagkapasok niya, “Puwede bang tumigil ka na lang sa paniniwala sa Diyos? Alam kong isang mabuting bagay ang pagkakaroon ng pananampalataya, pero nangangahulugan iyon na aarestuhin ka ng Partido at gagawan ng masasamang bagay. Anong masasabi mo?” Sabi ko, “Mama, alam mo kung gaano kahirap ang aking panganganak, at sinabi ng mga doktor na ito’y kritikal. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa akin at sa anak ko. Bakit sa palagay mo nananatili ako sa aking pananampalataya kahit pa maaresto ako? Dahil ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, at Siya ang Tagapagligtas na bumalik upang iligtas ang sangkatauhan. Ang mga sakuna ay palaki nang palaki, at ang Diyos lang ang makapagliligtas sa mga tao. Lumalakad akong kasama ang Diyos, at kung ako man ay arestuhin at magdusa, magiging pansamantala lang ito. Mas mabuti iyon kaysa mapunta sa impiyerno kasama ni Satanas.” Sumagot siya, “Naiintindihan ko ang sinasabi mo, ngunit bilang isang babae, dapat mong alagaan ang iyong anak at alalahanin ang iyong asawa. Napakaliit pa ng anak mo. Makakayanan mo ba talaga siyang iisantabi nang gano’n na lang?” Nang marinig kong sabihin niya iyon, talagang gusto ko nang umiyak, pero walang luhang dumating. Inisip ko, “Ako ba ang nag-iisantabi sa kanya? Ang Partido Komunista ang umaaresto at umuusig sa mga mananampalataya. Ang anak mo ang naniniwala sa mga kasinungalingan ng Partido at iginigiit ang diborsyo at pinaghihiwalay ang pamilyang ito. Paano mo nagagawang isisi ito sa aking pananampalataya?” Pero habang tinitingnan ko siya, na may ulo na puno ng puting buhok at may nasasaktang ekspresyon sa kanyang mukha, at habang naiisip ko ang aking anak na ilalayo sa kanyang ina sa napakamurang edad, lalong naging miserable ang pakiramdam ko. Nagsimula akong manghina nang kaunti. Tahimik akong tumawag sa Diyos, hinihiling sa kanya na patnubayan ako. Isang sipi ng Kanyang mga salita ang pumasok sa aking isip. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Naisip ko ang mga salita ng Diyos, at nakita na sa panlabas, ang lahat ng nangyayari’y mistulang mga tao ang humahadlang sa akin, pero mga panlalansi ni Satanas ang nasa likod ng lahat ng ito. Ginagamit ni Satanas ang aking pamilya para hadlangan ako, para guluhin ako, ginagamit ang damdamin ko para sa aking anak at kapamilya para pagbantaan ako, sinisikap akong kumbinsihing pagtaksilan ang Diyos at mawala ang pagkakataon ko sa kaligtasan. Alam kong hindi ako dapat mahulog sa mga panlansi ni Satanas, kundi dapat akong magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, tumayong saksi, at ipahiya si Satanas. Kaya, sinabi ko sa aking biyenan, “Ang tao ay nilikha ng Diyos, kaya dapat tayong magkaroon ng pananampalataya at sambahin Siya. Bukod do’n, ang buhay ko ay ibinigay ng Diyos, kaya anuman ang mangyari, susunod ako sa Diyos hanggang sa huli. Huwag na kayong magsayang ng lakas na subukan akong kumbinsihin.” Umiling siya, tapos tumalikod at lumakad paalis.

Nang gabing iyon, nalaman ng asawa ko na nagbabasa pa rin ako ng mga salita ng Diyos at nagalit siya nang husto. Sinabi niya, “May lakas ka pa ng loob na gawin ito? Hindi mo ba alam na makukulong ka dahil dito? Wala ka bang pakialam kung mabuhay ka o mamatay? Kung wala kang pakialam ayos lang, pero huwag mo kaming idamay ng anak mo rito. Kung alam ko lang na magiging mananampalataya ka, hindi na sana kita pinakasalan pa!” Tapos itinulak niya ako palabas ng pintuan at namumuhing sinabi, “Kung magpapatuloy ka sa mga bagay na patungkol sa Diyos, hindi ka na tatanggapin sa tahanan ko!” Tapos ibinalibag niya pasara ang pinto at kinandado ito. Nang nakita ko ang asawa kong naging napakawalang-puso at nang narinig ko ang aking anak na balisang tinatawag ako, halos mabiyak na ang aking puso. Gabi na noon, lampas alas dos ng madaling araw, at wala akong dalang kahit anong pera. Napaisip ako kung sa pagkakataong iyon ay totoong aalis na ako ng bahay at iiwanan talaga ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin, at napakalungkot ng pakiramdam ko habang iniisip ito. Napagtanto ko na dala ko ang cellphone ko, kaya’t tinawagan ko ang mama ko. Sa sandaling narinig ko ang kanyang tinig, tuloy-tuloy nang dumaloy sa aking mukha ang mga luha, at ang sakit at mga sama ng loob na matagal ko nang kinikimkim ay lumabas nang lahat. Pinipigil ang sarili niyang pag-iyak, sinabi niya, “Mahal, kumalma ka. Hindi ka Niya dadalhin nang ganito kalayo para lang iwanan ka. Maniwala ka lang sa Kanya at sumandig sa Kanya.” Sa pang-aaliw at pagbibigay ng lakas ng loob sa akin ng mama ko, na sinasabi sa akin na maniwala ako sa Diyos at magtiwala sa Kanya, naramdaman kong bumalik ang aking pananampalataya. Kinabukasan, nilalamig at nagugutom, naglalakad ako nang walang direksyon sa mga lansangan nang nakabunggo ko ang isang sister. Iniuwi niya ako sa kanyang bahay, at binasahan ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos upang tulungan akong maunawaan ang aking pinagdaraanan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao nang walang pakundangan, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Sinusuklian nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, wala silang konsensya, at tinutukso nila ang mga walang-muwang upang mawalan ng katwiran. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinutugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). “Gigisingin ng Diyos ang mga taong ito, na labis na pinabibigatan ng pagdurusa, upang gisingin sila hanggang sila’y maging lubos na gising, at upang palakarin silang palabas ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Gigising sila mula sa kanilang panaginip, makikilala ang diwa ng malaking pulang dragon, magagawang ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, aahon mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang makakamit ng Diyos ang kaluwalhatian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 6). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na ang Diyos ay naging tao at pumarito sa lupa sa mga huling araw, gumagawa at nagpapahayag ng katotohanan upang linisin at iligtas ang tao. Ang Partido Komunista ay natatakot na ang lahat ng tao ay tatanggapin ang katotohanan at susunod sa Diyos, tapos ay maililigtas Niya, at sila’y makakalaya sa kontrol at pinsala ng Partido. Kaya’t hibang nilang sinusupil at inaaresto ang mga mananampalataya, at gumagawa ng lahat ng uri ng kasinungalingan para kondenahin at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nililinlang at inuudyukan ang mga tao, para itatwa at labanan nila ang Diyos kasama nito. Kasuklam-suklam ito! Tinatrato lang ako nang ganoon ng pamilya ko dahil naloko sila ng Partido Komunista. Ginagamit ng Partido ang lahat ng kasinungalingang ito upang linlangin ang mga tao para ang lahat ay lumaban sa Diyos kasama nito, at humantong sa impiyerno, naparusahan. Iyon ang pandaraya ni Satanas. Sa puntong iyon, naging napakalinaw sa akin na ang Partido Komunista ay isa lang kawan ng mga demonyo na lumalaban sa Diyos, pumipinsala ng mga tao, at lumulunok sa kanila nang buo. Alam kong hindi ako dapat mahulog sa kanilang mga panlalansi, at anuman ang ginawa ng pamilya ko sa akin, hindi ko puwedeng pagtaksilan ang Diyos kailanman, kundi kailangan kong patuloy na sumunod sa Kanya at gawin ang aking tungkulin.

Tinawagan niya ang ilang kamag-anak at kaibigan ko mula sa bayang kinalakhan ko, at sila naman ay tumawag sa akin, pinagpasa-pasahan ang telephono at isa-isa nila akong ginisa. Sabi ng kapatid ko, “Bata ka pa, puwede mong gawin ang kahit na anong bagay. Bakit kailangang paniniwala pa sa Diyos? Isa kang maybahay, kaya’t ang pagkakaroon ng mga anak at pangangalaga sa iyong pamilya ang tungkulin mo. Bakit mo pinagkakaabalahan ang paniniwala sa Diyos? Kapag ginawa mo ito, aarestuhin ka ng Partido at itatapon ka sa kulungan. Mga ordinaryong tao lang tayo—paano natin lalabanan ito?” Kinuha ng tiyahin ko ang telepono at sinabing, “Nasisiraan ka na ba? Ang isang perpektong magandang tahanan ay hindi dapat masira ng iyong pananampalataya. Wala ka bang pakialam sa pamilya mo? Napakatigas ng ulo mo!” Sinigawan ako ng isa pang tiyahin, “Hindi ka pa nagtatagal na may asawa at ang anak mo ay napakaliit pa. Kung ikaw ay makukulong, ano ang mangyayari sa kanya? Sundin mo na lang ang payo ko—para sa kabutihan mo ito.” Tapos inagaw ng kuya ko ang telepono at idinagdag, “Kapag nagpumilit ka rito, hihiwalayan ka niya, at ni huwag mong isipin na bumalik dito sa bahay. Puputulin namin ang ugnayan sa iyo!” Maging ang walumpung-taong gulang kong lola ay umiiyak na sinabi sa telepono, “Hindi mo puwedeng gawin ito. Paano kung arestuhin ka? Makinig ka sa akin. Gusto lang namin ang pinakamabuti para sa iyo.” Matapos maibaba ang telephono, ang sama-sama ng pakiramdam ko. Napakarami kong gustong sabihin sa kanila. Sabi niyo para sa kabutihan ko ito, pero ’yan ba ang totoong kaso? Namatay na sana ako noon pa kung hindi ako iniligtas ng Makapangyarihang Diyos, kaya narito pa ba sana ako ngayon? Sino ba talaga ang sumisira sa napakaayos na tahanan na ito? Sino ba talaga ang pinaghihiwalay ang pamilyang ito? Ito’y ang Partido Komunista, hindi ako. Inaaresto at inuusig ng Partido Komunista ang mga mananampalataya, pero sa halip na kamuhian ang Partido, kinakampihan pa nila ito, ginigipit ako at pinipilit na pagtaksilan ko ang Diyos, pinagbabantaan pang puputulin ang lahat ng ugnayan sa akin at itatakwil ako. Paanong hindi nila alam ang tama sa mali? Gusto ba talaga nila ang pinakamabuti para sa akin? Anong klaseng pamilya sila? Ang buhay ko’y ipinagkaloob ng Diyos, kaya ano ang mali sa paggawa ko sa aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos? Anong mali sa pagkakaroon ng pananampalataya at pagtahak sa tamang daan sa buhay? Sa loob ng ilang araw, walang tigil akong tinatawagan at pinagsasalitaan nang masama ng pamilya ko. Lubos ang paghihirap ko, kaya’t nagmamadali akong nanalangin sa Diyos at hiniling sa Kanya na bantayan ang aking puso. Sa huli, nagpatuloy ako sa pagpunta sa mga pagtitipon at sa paggawa ng aking tungkulin.

Binigyan ako ng asawa ko ng kasunduan ng pagdidiborsyo na siya mismo ang sumulat at sinabing, “Kung mananatili ka sa iyong pananampalataya, magdiborsyo na tayo. Hindi mo maaaring makita ang anak natin matapos tayong maghiwalay. Kung handa kang tumigil sa pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, kikilos ako na parang walang anumang nangyari.” Dinampot ko ang kasunduan at tiningnan. Walang matitira sa akin na anumang ari-arian, walang bahagi ng aming negosyo, walang bahagi ng aming pagmamay-ari, at siya ang magkakaroon ng kustodiya sa aming anak. Aalis ako nang walang-wala. Pero kung hindi ako papayag sa diborsyo, dadalhin niya kami ng mama ko sa mga pulis, isusuplong na kami ay mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na matagal na niyang pinagplanuhan ito, palihim na inililipat ang lahat ng pagmamay-ari namin, para kung kami ay magdiborsyo, wala kaming pagsasaluhang ari-arian. Habang tinitingnan ang kasunduan ng pagdidiborsyo sa aking mga kamay, nasa isang krisis na naman ako. Kapag nilagdaan ko ang papel na iyon, mangangahulugan na lilisanin ko ang tahanang iyon at hindi na muling makikita ang anak ko. Napakaliit pa niya—hindi ko kayang mawalay sa kanya. Lubos akong nagdurusa. Desperado akong tumawag sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako upang manatili akong matatag. Tapos, naisip ko ito na mula sa mga salita ng Diyos: “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. … Sa iyong karanasan, anumang pagpipino ang pinagdaraanan mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, sa madaling salita, ay ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). “Dapat kang magdusa ng kahirapan alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at katapatan ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Ang mga salitang ito mula sa Diyos ang nagpaginhawa at nagbigay ng lakas ng loob sa akin, at binigyan ako ng mga ito ng landas ng pagsasagawa. Napagtanto ko na ang pagbabanta ng diborsyo ng asawa ko ay isang bagay na pinahintulutan ng Diyos na mangyari. Naisip ko noong si Job ay sinusubok. Lahat ng kanyang pagmamay-ari ay kinuha sa kanya at lahat ng kanyang anak ay namatay sa loob ng magdamag. Nakaupo siya sa tumpok ng abo, puno ng mga pigsa. Maging ang kanyang asawa ay tinanggihan siya at ang mga kaibigan niya’y kinutya at hinusgahan siya. Pero sa harap ng lahat ng paghihirap na ito, pinuri pa rin niya ang Diyos, sinasabing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Iyon lang ang tunay na pananampalataya. Ako naman, taimtim akong nanumpa, matatag na sinasabi sa Diyos na kahit ano ang mangyari, susunod ako sa Kanya hanggang sa huli. Pero nahaharap sa pagbabanta ng diborsyo ng asawa ko, natigil ako sa pagiging negatibo at sa kahinaan. Hindi iyon tunay na pananampalataya sa Diyos. Naisip ko rin kung paanong, simula nang narinig niya ang mga kasinungalingan ng Partido, hindi lang niya pinunit ang aking aklat ng mga salita ng Diyos, kundi naging bayolente siya sa akin, at halos iwanan akong patay. Takot na madamay dahil sa aking pananampalataya, hindi lang niya gustong makipagdiborsyo ngayon, kundi gusto rin niyang iwanan akong wala ni isang kusing at ilayo ako sa aking anak. Dadalhin niya ako sa pulis kung hindi ako papayag. Anong klaseng asawa iyon? Hindi ba’t mas mukha siyang isang demonyo? Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Nakita kong pinagbabantaan ako ng diborsyo ng asawa ko dahil nakinig siya sa Partido Komunista at kinamumuhian niya ang Diyos. Kaya kahit na kami ay mag-asawa, sinusunod niya ang Partido, nasa isang landas patungo sa impiyerno na hindi maka-Diyos. Ako ay nasa landas ng pagsunod sa Diyos upang makamit ang katotohanan at ang buhay na walang hanggan. Ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay nasa magkaibang landas. Alam kong hindi ko na siya puwedeng hayaan na pigilan pa ako. Habang mas ginigipit niya ako, mas naging determinado ako na sumunod sa Diyos, tumayong saksi, at ipahiya si Satanas. Kaya’t sinabi ko sa kanya, na payag ako sa diborsyo.

Hanggang sa araw na nagpunta kami sa Civil Affairs Bureau para isa-pinal ang diborsyo, hindi ko naiwasang mabalisa nang kaunti na walang matitira sa akin pagkatapos ng diborsyo. Paano ako makakaraos pagkatapos no’n? Habang iniisip kung paano ako nagsumikap para sa aming tahanan at sa aming negosyo sa loob ng mga taon, na mauuwi lang sa wala akong kahit ano, talagang napakahirap tanggapin niyon. Tapos naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Alang-alang sa Akin, kaya mo bang hindi magsaalang-alang, magplano, o maghanda para sa iyong landas ng pananatiling buhay sa hinaharap?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2). Napahiya talaga ako sa tanong na ito ng Diyos. Sinasabi ng lahat na sinusubok ng paghihirap ang sinseridad, at nang naharap ako sa kaunting paghihirap, inisip ko lang ang aking mga pansariling interes. Iyon ba’y tunay na pananampalataya sa Diyos? Lubos akong nasa mga kamay ng Diyos, kaya determinado akong ibigay ng buo ang aking sarili sa Kanya at tumigil nang mag-alala sa aking daan palabas. Handa akong magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos. Matapos naming lagdaan ang lahat ng papeles, tinanong ko siya, “Bakit ka nakatuon at determinadong makipagdiborsyo?” Sabi niya, “Sinabi sa akin ng pinsan ko na ang pamahalaan ay nagpalabas ng mga sikretong dokumento na nagsasabing ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay mga kriminal na may mataas na prayoridad at ang sinumang miyembro ng Partido na matatagpuang may mananampalataya sa kanilang pamilya ay agarang patatalsikin sa Partido, sinumang kawani ng gobyerno ay sisisantehin, ang kanilang mga anak ay hindi makapapasok sa unibersidad, kakanselahin ang pensyon ng kanilang mga magulang, at ang mga ari-arian ng pamilya ay kukumpiskahin. Dati-rati ang pamilya ng isang kriminal ay idinadamay nang hanggang ika-siyam na henerasyon, at ngayon, ang lahat ng kamag-anak ng isang mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay idadamay. Kaya’t kailangan kitang pakawalan para protektahan ang lahat nang iba pa. Kung hindi, ang kuya ko’y patatalsikin sa Partido.” Galit na galit ako nang marinig kong sabihin niya ’yon. Dumating na ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, na isang napakagandang bagay at isang pagpapala para sa lahat ng sangkatauhan. Pero ang Partido Komunista ay hibang na nilalabanan ang Diyos at kinamumuhian ang Diyos. Ginagamit nito ang lahat ng nakamumuhing paraan upang gambalain at wasakin ang gawain ng Diyos, at hindi ito titigil sa harap ng anuman. Sila’y isang kawan ng mga pumapatay at walang habag na mga demonyo! Nakita ko talaga ang tunay na mukha ng malaking pulang dragon at hindi na naloko pa n’on. Nagpasya akong gawin nang mabuti ang aking tungkulin para suklian ang pag-ibig ng Diyos, at bigyang kahihiyan si Satanas. Pagkatapos n’on, nilisan ko ang aking tahanan at nagpatuloy sa paggawa ng aking tungkulin ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagtatanggal ng Maskara

Ni Tinghua, France Noong nakaraang Hunyo, nung kasisimula ko pa lang na tuparin ang tungkulin ko bilang isang lider. Sa simula, dahil...