Kung Paano Nagbago ang Aking Mayabang na Disposisyon

Enero 26, 2022

Ni Xiaofan, Tsina

Noong Agosto ng 2019, napili akong mamahala sa gawain ng paggawa ng video. Noong panahong iyon, ako ang pinakabaguhan sa larangang ito kumpara sa ilang kapatid. Alam kong ang mahirang na mamahala ay biyaya at pagtataas ng Diyos, kaya nangako ako sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para magampanan ang tungkuling ito.

Sa simula, nakita ko na napakaraming trabaho at propesyonal na kaalamang kailangang matutuhan at kabisaduhin, at pakiramdam ko’y napakarami kong hindi alam. Madalas akong magtanong sa mga sister na mga partner ko, at nagawa kong mapagpakumbabang tanggapin ang kanilang mga mungkahi. Hindi nagtagal, naging pamilyar ako sa trabaho at kabisado ko na ang mga propesyonal na kasanayan. Nagawa kong tuklasin ang mga problema kapag nagrerepaso ako ng mga video. Nang magkaroon ng mga teknikal na problema ang aking mga kapatid, nagawa ko ring lutasin ang mga iyon. Nang magkaroon ng mga problema ang mga partner ko na hindi nila makita nang malinaw, humingi sila ng payo sa akin. Hindi lang ako nagkaroon ng kakaibang mga kabatiran, madalas ko ring nalutas ang kanilang mga paghihirap. Sabi ng mga kapatid ko, napakabilis kong natuto at mahirap paniwalaan na isa akong baguhan. Kapag nasa masamang kalagayan ang aking mga kapatid, natutulungan ko silang lutasin ang kanilang kalagayan. Kung minsa’y sinasabi pa nila, “Kung hindi sa pagbabahagi mo, talagang hindi namin malalaman kung paano lutasin ang problemang ito.” Nang marinig ko ito, nasiyahan ako nang husto, at naisip ko sa sarili ko: “Mas matagal na sa paggawa ng video ang ibang mga kapatid kaysa sa akin, pero ngayo’y ang baguhang ito ang nagtuturo sa kanila. Parang mas mahusay ako at may kakayahan sa gawain kaysa sa kanila.” Mahigit isang buwan ko nang ginagampanan ang tungkuling ito, pero nakasulong na ako sa mga propesyonal na aspeto at nakagawa ng napakaraming resulta. Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong nadarama na walang makakapalit sa talento ko. Unti-unti, nagsimulang magbago ang pag-uugali ko. Hindi na ako tulad ng dati na mapagpakumbaba, at hindi ko namalayan na nagsimula na akong ituring ang sarili ko na mahalaga sa team. Akala ko mas mahusay ako at mas may kakahayan kaysa kaninuman. Kapag tinanong ako ng mga kapatid tungkol sa mga teknikal na bagay, karaniwa’y tinatalakay ko ito at nakikipag-usap ako sa mga partner ko, pero sa panahong iyon, direkta akong nag-alok ng mga sagot nang hindi man lang sila kinokonsulta. Kapag tinatalakay namin ang gawain at nagbigay ng ilang ibang mungkahi ang mga partner ko, tinatanggihan ko ang bawat isa sa mga iyon nang hindi naghahanap at pinilit kong gawin nila ang mga bagay-bagay ayon sa sarili kong mungkahi. Isinaayos ko rin ang mga gagawin nang hindi tinatalakay sa kanila ang mga bagay-bagay. Akala ko dahil nakapaglingkod na ako bilang lider at mayroon na akong karanasan, puwede kong direktang isaayos ang mga bagay-bagay. Kung minsa’y nalalaman lang ng mga partner ko ang mga pagsasaayos ko kapag nagawa na ang mga iyon. Noong panahong iyon, pinuna ako ng isang sister, at sinabi na masyado akong mayabang, na kumilos ako ayon sa gusto ko nang hindi tinatalakay sa kanila ang mga bagay-bagay, at na madaling magkamali sa pagsasagawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan. Nagkunwari akong sumang-ayon, pero sa loob-loob ko’y naisip ko, “Mas maganda ang mga pananaw ko kaysa sa inyo, at kapag tinalakay natin ang mga bagay-bagay, gagawin din naman ninyo ang mga ito ayon sa paraan ko. Bakit pa mag-aaksaya ng oras sa prosesong ito?” At ganyan lang, tinanggihan kong tanggapin ang payo at tulong ng partner ko at ginawa ko ang mga bagay-bagay kung paano ko gusto. Sa paglipas ng panahon, dahil patuloy kong tinanggihan ang mga mungkahi ng mga partner ko, kadalasan, sa huli ay ako na mismo ang gumagawa ng lahat ng pagsasaayos sa gawain, at kapag tinalakay namin ang gawain, walang nagpapahayag ng kanilang mga opinyon. Ang pakiramdam ng dalawang sister na nakipagtulungan sa akin ay hindi nila kayang gawin ang kanilang tungkulin at naging negatibo, at maraming beses na ibinunyag na ayaw nilang makapartner ako. Ilang beses, pagkagaling sa mga pagtitipon, sinabi pa nga nila, “Sana hindi ko na kinailangang bumalik. Nakakapagod magpunta roon. …” Sa oras na iyon, hindi ko pinagnilayan ang aking sarili. Sinabi ko sa nanunuyang tono, “Napakahina ninyong dalawa. Talagang marupok kayo!” Dahil palaging akin ang huling salita at hindi ko tinalakay ang mga bagay-bagay sa mga kapatid ko, hindi nagtagal ay naging napakanegatibo ng dalawang sister na iyon kaya gusto na nilang magbitiw. Nagsimulang dumami nang dumami ang mga problemang lumilitaw sa aking mga tungkulin: hindi ko napansin ang mga problema sa aming mga video; ilang beses akong nagbigay ng maling propesyonal na patnubay, na nauwi sa paulit-ulit na gawain; maraming nakaligtaan sa pagsasaayos ko ng ibang gawain. Nabawasan nang nabawasan ang pagiging epektibo ng gawain, at gaano ko man pagsikapan, hindi ko ito mabago. Labis akong pinahirapan ng aking suliranin, hanggang sa punto na gusto ko nang magbitiw. Pero sakto sa oras, tinabasan at iwinasto ako.

Matapos malaman ng aking lider ang tungkol sa aking pagganap, sumulat siya ng isang istriktong liham para ilantad at punahin ako, “Isinumbong ng karamihan sa iyong mga kapatid na napakayabang mo at mapagmagaling sa iyong mga tungkulin, hindi ka nakikipagtulungan sa mga partner mo sa iyong tungkulin, hindi mo tinatanggap ang mga mungkahi ng iyong mga kapatid, dinedesisyunan mo ang lahat ng bagay nang mag-isa, at ikaw ang nasusunod sa lahat. Mga pagpapamalas ito ng pagdomina at pagiging hindi makatwiran ng isang anticristo. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili sa lalong madaling panahon, malubha ang mga kahihinatnan nito. …” Nang mabasa ko ang mga salita ng aking lider, umuugong ang ulo ko, na para bang nasampal ako. Mayroon ding isang sipi ng salita ng Diyos sa sulat: “Ang unang pagpapamalas ng kung paano hinihingi ng mga anticristo na sa kanila lang sumunod ang mga tao, sa halip na sa katotohanan at sa Diyos, ay ang kawalan nila ng kakayahang gumawa na kasama ang iba. … Sa tingin, maaaring parang may mga katulong at katuwang ang ilang anticristo, subalit kapag talagang may nangyayari, gaano man katama ang iba, hindi kailanman nakikinig ang mga anticristo sa sasabihin ng mga ito. Ni hindi nila ito isinasaalang-alang, lalong hindi nila tinatalakay o pinagbabahaginan ang tungkol dito. Hindi nila ito pinag-uukulan ng anumang atensyon, na para bang wala roon ang iba. Kapag nakikinig ang mga anticristo sa sasabihin ng iba, wala sa loob lang nila iyong ginagawa o nagpapakitang-tao lang sila para masaksihan ng iba. Ang huling desisyon ng anticristo ang dapat pa ring masunod; balewala lang ang mga salita ng iba, talagang walang bisa ang mga iyon. Halimbawa, kapag may dalawang taong nananagot sa isang bagay, at ang isa sa kanila ay may diwa ng isang anticristo, ano ang naipapakita ng taong ito? Anuman ito, siya at siya lamang ang nagpapatakbo ng mga bagay-bagay, ang nagtatanong, ang nag-aayos ng mga bagay-bagay, at ang nakakaisip ng solusyon. At kadalasan, inililingid niya ang mga bagay-bagay sa kanyang kasama. Ano ang turing niya sa kanyang kasama? Hindi bilang kanyang katuwang, kundi palamuti lamang. Sa paningin ng anticristo, hindi talaga niya itinuturing na kapareha ang mga kapareha niya. Sa tuwing may problema, pinag-iisipan itong mabuti ng anticristo, at sa sandaling napagdesisyunan na niya kung ano ang gagawin, ipinapaalam niya sa lahat na ganito ito dapat gawin, at walang sinumang pinapayagang kwestyunin ito. Ano ang diwa ng kanyang pakikipagtulungan sa iba? Ang pinakabatayan ay para mapasakanya ang huling salita, hindi kailanman tinatalakay ang mga problema sa sinumang iba pa, inaako ang lahat ng responsibilidad para sa gawain, at ginagawang palamuti lamang ang kanyang mga kapareha. Lagi siyang kumikilos nang mag-isa at hindi nakikipagtulungan kahit kanino. Hinding-hindi niya tinatalakay o binabanggit ang kanyang gawain sa sinumang iba pa, madalas siyang magdesisyon nang mag-isa at humarap sa mga isyu nang mag-isa, at sa maraming bagay, nalalaman lang ng ibang mga tao kung paano natapos o naasikaso ang mga bagay-bagay kapag tapos na iyong gawin. Sinasabi ng ibang mga tao sa kanya, ‘Kailangang talakayin ang lahat ng problema nang kasama kami. Kailan mo hinarap ang taong iyon? Paano mo siya inasikaso? Paanong hindi namin nalaman ang tungkol dito?’ Hindi siya nagbibigay ng paliwanag ni nagbibigay ng anumang pansin; para sa kanya, wala talagang silbi ang kanyang mga kapareha, at mga palamuti lamang o pampaganda. Kapag may nangyayari, pinag-iisipan niya ito, nagpapasya siya, at kumikilos batay sa kung ano ang tingin niya ay mabuti. Kahit gaano pa karaming tao ang nasa paligid niya, para bang wala roon ang mga taong iyon. Para sa anticristo, wala silang ipinagkaiba sa hangin. Sa ganitong kaso, may bagay bang totoo sa kanyang pakikipagtambal sa iba? Wala talaga, iniraraos lang niya ang gawain at nagkukunwari. Sinasabi sa kanya ng iba, ‘Bakit hindi ka nakikipagbahaginan sa iba kapag may nakakaharap kang problema?’ Sumasagot siya ng, ‘Ano ba ang alam nila? Ako ang lider ng grupo, ako ang siyang magdedesisyon.’ Sinasabi naman ng iba, ‘At bakit hindi ka nakipagbahagian sa iyong kasama?’ Tugon niya, ‘Sinabi ko sa kanya pero wala siyang opinyon.’ Ginagamit niyang mga dahilan ang kawalan ng opinyon ng kanyang kapareha o ang kawalan nito ng kakayahang mag-isip para sa kanyang sarili upang pagtakpan ang katunayan na umaasta siya na siya mismo ang batas. At hindi ito nasusundan ng bahagya mang pagsisiyasat sa sarili, lalo na ng pagtanggap sa katotohanan—na imposibleng mangyari. Isa itong problema sa kalikasan ng anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Napahiya ako dahil sa pagbubunyag ng Diyos sa mga anticristo. Hindi ba pagpapamalas ng mga anticristong binanggit sa mga salita ng Diyos ang pag-uugali ko noong panahong iyon? Matapos makagawa ng kaunting pagsulong sa gawain, akala ko’y mahusay ako at may kakayahan, at mas magaling kaysa sa dalawang partner ko. Sa pangalan, kapartner ko ang dalawang sister na ito sa aking mga tungkulin, pero ang totoo, nagawa ko silang walang silbi. Pakiramdam ko mas masahol pa ang mga opinyon nila kaysa sa akin at hindi nararapat isaalang-alang. Kaya hindi ko sila kinausap nang gawin ko ang mga pagsasaayos sa gawain. Ginawa ko ang inakala kong tama. Sa ilang bagay, kahit pinag-usapan namin ang mga ito, para lang mairaos iyon dahil napagdesisyunan ko na kung ano ang gagawin bago pa kami mag-usap. Samakatuwid, kapag nagbigay ng mga mungkahi ang mga partner ko na iba kaysa sa akin, tinatanggihan ko agad ang mga iyon nang hindi nagsisiyasat at ipinagagawa ko sa kanila ang mga bagay-bagay sa paraang gusto ko talaga. Isinaayos ng iglesia na magtulungan kami sa pagsasagawa ng aming mga tungkulin, pero kumilos ako na parang diktador, ipinilit ko na akin ang huling salita sa lahat ng bagay, ganap kong hindi isinali ang aking mga sister, at inangkin ko ang buong kapangyarihan sa sarili ko. Hindi ba kapareho iyon ng diktadura ng malaking pulang dragon? Inisip ko kung paano ko pinigilan ang aking mga sister, na naging dahilan para maging negatibo sila at tinangka pang magbitiw, at kung paanong maraming nakaligtaan sa gawain. Hindi ko tinutupad ang aking tungkulin, ginagambala ko ang gawain ng iglesia. Nang matanto ko ito, takot na takot ako. Nagambala at nagulo ko ang gawain ng iglesia, at nasaktan at nahirapan ang aking mga kapatid dahil sa akin. Palalayasin at parurusahan ba ako sa ginawa ko? Kaya namuhay ako sa pagiging negatibo at may maling pagkaunawa.

Isang araw, hindi sinasadyang nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Dahil lubhang ginawang tiwali ni Satanas ang tao, lahat ng kanyang kilos at gawa at lahat ng kanyang ibinubunyag ay disposisyon ni Satanas, at lahat ng iyon ay salungat sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Hindi akmang tamasahin ng tao ang dakilang pagmamahal ng Diyos. Subalit nag-aalala pa rin nang husto ang Diyos sa tao, binibiyayaan Niya ito bawat araw, at isinasaayos para dito ang lahat ng uri ng mga tao, kaganapan, at bagay para subukin at pinuhin ito, upang magkaroon ito ng pagbabago. Ibinubunyag ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng lahat ng uri ng sitwasyon, at hinihikayat itong magnilay-nilay at kilalanin ang kanyang sarili at maunawaan ang katotohanan at magtamo ng buhay. Mahal na mahal ng Diyos ang tao, at totoong-totoo ang Kanyang pagmamahal na anupa’t nakikita at nararamdaman ito ng tao. Kung naranasan mo na ang lahat ng ito, madarama mo na lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, at na ito ang pinakatunay na pagmamahal. Kung hindi pa ginawa ng Diyos ang gayong praktikal na gawain, walang makapagsasabi kung gaano kalalim ang bagsak ng tao! Subalit maraming taong hindi nakakakita sa tunay na pagmamahal ng Diyos, na naghahangad pa ring magtamo ng reputasyon at katayuan, na nagsusumikap na maging angat kaysa iba, na laging nagnanais na linlangin at kontrolin ang iba. Hindi ba sila nakikipagkumpitensya sa Diyos? Kung magpapatuloy sila pababa sa landas na iyon, hindi madadalumat ang mga kahihinatnan nito! Ang Diyos, sa Kanyang gawain ng paghatol, ay inilalantad ang katiwalian ng tao upang malaman niya iyon. Pinipigilan Niya ang mga maling hangarin ng tao. Magaling ang ginagawa ng Diyos! Bagama’t ang ginagawa ng Diyos ay inilalantad at hinahatulan ang tao, inililigtas din siya nito. Ito ang tunay na pagmamahal(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang makita ko ang siping ito, nag-init ang puso ko, na para bang katabi ko ang Diyos, pinapanatag ako at pinalalakas ang loob ko. Naunawaan ko na ang pagpupungos at pagwawastong naranasan ko ay pagmamahal ng Diyos. Pinigilan ako nito sa paggawa ng mas maraming kasamaan at napamulat ako sa aking satanikong disposisyon at ang maling landas na tinahak ko. Kung nagpatuloy akong ganito, matindi ang mga kahihinatnan nito. Naisip ko ang pagpapahayag ni Jonas sa mga tao ng Ninive sa Bibliya, “Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak(Jonas 3:4). Isinugo ng Diyos si Jonas para ipahayag ito, hindi dahil layon Niyang puksain sila kaagad, kundi para paalalahanan at balaan sila, at bigyan sila ng pagkakataong magsisi. Matuwid at maharlika ang disposisyon ng Diyos, pero mapagmahal din at maawain. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Napagtanto ko na ang layunin ng Diyos sa pagpapahintulot na mapungusan at maiwasto ako ay hindi upang palayasin ako, kundi para gisingin ako at pagsisihin. Nang matanto ko ang mga bagay na ito, lumiwanag ang puso ko, at hindi na ako gaanong miserable. Alam ko na kinailangan kong magsisi sa Diyos kaagad. Nagdasal ako sa Diyos, na humihiling ng patnubay sa kanya sa pagninilay at pagtatamo ng kaalaman tungkol sa aking sarili.

Isang araw, sa aking mga debosyonal, nakita ko ang isang sipi ng salita ng Diyos. “Maraming uri ng mga tiwaling disposisyon na kabilang sa disposisyon ni Satanas, pero ang isa na pinakahalatang-halata at pinakanamumukod-tangi ay ang mapagmataas na disposisyon. Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mapagmataas ang mga tao, mas hindi sila makatwiran, at kapag mas hindi sila makatwiran, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong may mapagmataas na disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos, at wala silang takot sa Diyos sa kanilang mga puso. Bagama’t maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mapagmataas na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—maliit na bagay iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mapagmataas na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos para magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong tao ay hindi iginagalang ang Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang mapagmataas, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at pinaparangalan pa nila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos at talagang walang takot sa Diyos. Kung nais nilang umabot kung saan iginagalang nila ang Diyos, kailangan nilang lutasin muna ang mapagmataas nilang disposisyon. Habang mas ganap mong nilulutas ang mapagmataas mong disposisyon, mas magpipitagan ka sa Diyos, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at makakapagtamo ng katotohanan at makikilala Siya. Ang mga nagkakamit lamang ng katotohanan ang siyang tunay na tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos kong basahin ang salita ng Diyos, naunawaan ko na kumilos ako nang wala sa katwiran at hindi ko kayang makipagtulungan sa iba dahil labis-labis ang aking likas na kayabangan. Dahil ako ang hinirang na mamahala, kinabisado ko ang maraming propesyonal na kaalaman, nagkaroon ako ng ilang resulta sa aking mga tungkulin, at kaya kong lutasin ang ilang problema, naging mayabang ako, inisip kong matalino ako, at napakataas ng tingin ko sa aking sarili. Inakala ko na walang sinumang kasinggaling ko. Para bang walang sinumang mas mahusay o mas may kakayahan sa gawaing ito, kaya pinangibabawan ko ang iba at dinomina sila. Sa aking mga tungkulin, ginawa ko ang anumang gusto ko at hindi man lang ako nakipagtalakayan o nakipag-usap sa iba. Hindi ako nakinig sa mga mungkahi ng mga partner ko. Anuman ang sabihin nila, inisip ko na ang mga opinyon ko ang pinakamaganda. Kinasuklaman ko sila sa puso ko at tinrato ko ang mga partner ko na mga palamuti lang. Naisip ko kung paano naging mayabang ang arkanghel. Wala itong takot sa Diyos sa puso nito. Nilikha ng Diyos ang mga tao, pero gusto nitong pamahalaan ang mga tao, at gusto nitong maging kapantay ng Diyos. Ang kayabangan at pagmamagaling ay mga klasikong satanikong disposisyon! Sa ganitong uri ng kayabangan, at kawalan ng katwiran, paano ako matatakot o susunod sa Diyos? Paano ko isasagawa ang katotohanan o ipamumuhay ang normal na pagkatao? Dito ko natanto na ang paglutas sa aking mayabang na disposisyon ang susi sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon. Ang kayabangan ko rin ang ugat kaya hindi ko kayang makipagtulungan sa mga partner ko.

Kalaunan, naalala ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos. “Kapag hinihingi ng Diyos na tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin nang maayos, hindi Niya hinihingi sa kanila na tapusin ang ilang partikular na gawain, o isakatuparan ang anumang matinding pagsusumikap, ni ang gampanan ang anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, at hindi rin Niya kailangan na magsagawa ka ng anumang mga himala, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang matimtiman kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, gawin mo ang naunawaan mo, isakatuparan mo ang naintindihan mo, tandaan mo ang narinig mo, at pagkatapos, kapag dumating na ang oras para magsagawa, magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, upang ang mga salita ng Diyos ay maaaring maging ang buhay mo, ang mga realidad mo, at ang isinasabuhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos. Palagi kang naghahangad ng kadakilaan, karangalan, at katayuan; palagi kang naghahangad ng pagpaparangal. Anong nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ito? Kinamumuhian Niya ito, at lalayo Siya sa iyo. Habang lalo kang naghahangad ng mga bagay gaya ng kadakilaan, karangalan, at pagiging mas mataas kaysa iba, kilala, katangi-tangi, at kapansin-pansin, lalo kang kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili at magsisisi, kamumuhian ka ng Diyos at tatalikdan ka Niya. Tiyaking hindi ka magiging isang taong kasuklam-suklam para sa Diyos; maging isang taong minamahal ng Diyos. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Sa pamamagitan ng masunuring pagtanggap sa katotohanan, pagtayo sa posisyon ng isang nilalang, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos nang nakatapak ang mga paa sa lupa, pagganap sa mga tungkulin nang maayos, pagsisikap na maging isang matapat na tao, at pagsasabuhay ng wangis ng isang tao. Sapat na ito, masisiyahan na ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi tumitingin ang Diyos sa dami ng ating nakakamit o gawaing ating ginagawa, ni hindi Siya tumitingin sa ating likas na mga kaloob at kakayahan. Tinitingnan ng Diyos kung kaya ba nating makinig sa Kanyang mga salita, sundin Siya, mamuhay nang may normal na pagkatao batay sa Kanyang mga hinihingi, at tuparin ang ating mga tungkulin. Pero hindi ko naunawaan ang mga hinihingi ng Diyos. Mayroon akong ilang kakayahan at kaloob, at kaya kong gawin ang ilang gawain, kaya naging mayabang ako, inisip ko na marami akong talento, pakiramdam ko’y mas magaling ako kaysa kaninuman, pinangibabaw ko ang sarili ko sa lahat, at inutusan silang makinig sa akin. Walang-wala talaga akong katwiran. Naisip ko ang disipulong si Pablo. Mayroon siyang kakayahan at mga kaloob, labis na nagdusa dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, gumawa ng maraming gawain, at hinikayat ang iba na hangaan at tingalain siya, pero sa lahat ng taon ng kanyang pagtatrabaho, wala siyang nagawang pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay, itinaas niya ang kanyang sarili at nagpasikat, at sa huli ay binigkas niya ang kanyang pinakamayabang na mga salita, “Sapagkat sa akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Filipos 1:21). Dahil sa lahat ng ito, nabigo si Pablo sa huli na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos at pinarusahan ng Diyos magpakailanman. Anumang mga kaloob o kakayahan ang taglay ng tao o gaano man kataas ang kanilang katayuan o reputasyon sa mga tao, kung hindi nila hahangarin ang katotohanan o babaguhin ang kanilang disposisyon, wala itong saysay. Ang mga kakayahan at kaloob ay hindi ang katotohanan. Hindi inililigtas o ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao batay sa mga bagay na ito. Pakiramdam ko’y mayroon akong kakayahan, mga kaloob, at talento, pero hindi ko kayang isabuhay kahit ang pinakapangunahing normal na pagkatao, wala akong karaniwang paggalang sa aking mga kapatid, at hindi ko kayang tumanggap ng tamang payo. Hindi ako nagpapakita ng kahit katiting na pagbabago sa aking disposisyon. Maraming beses akong pinaalalahanan at tinulungan ng aking mga kapatid, at inusig at dinisiplina ako ng Diyos, pero hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Kinailangan pa akong pungusan at iwasto nang matindi para pagnilayan ko ang sarili ko. Napakamanhid ko! Napakapangit ng kakayahan ko! Ang taong may mahusay na kakayahan ay hahanapin ang katotohanan kapag nangyayari ang mga bagay-bagay at pinagninilayan ang kanilang sarili, nagagawang unawain ang kalooban ng Diyos sa mga sitwasyong Kanyang isinasaayos, at natututo ng mga aral mula sa lahat ng bagay. Nang tingnan ko ang sarili ko, nakita ko na bulag ako at napakayabang. Wala man lang akong katwiran. Naisip ko rin na mas matagal nang ginagawa ng dalawang partner ko ang tungkuling ito kaysa sa akin, pero hindi ko sila nakita kailanman na nagyayabang tungkol sa kanilang mga kwalipikasyon. Tinatalakay nila sa akin kapag may mga problema sila, at noong hinamak ko sila, lagi silang mapagparaya at mapagpasensya, at tinulungan nila ako. Nang makita ko ang pagkataong isinabuhay nila, nakonsiyensya ako at nahiya. Natanto ko na napakapangit ng katwiran at pagkatao ko. Wala man lang akong kamalayan sa sarili! Nagdulot ako ng napakalaking pinsala at hadlang sa gawain ng iglesia, at ng napakalaking kapahamakan sa mga partner ko. Dahil sa mga ikinilos ko, hindi ako naging karapat-dapat na mamahala sa gayon kahalagang gawain. Nang matanto ko ito, sinisi ko ang sarili ko. Isinumpa ko sa sarili ko na matanggal man ako o ano man ang kahinatnan ko sa hinaharap, hahanapin ko ang katotohanan, lulutasin ang aking tiwaling disposisyon, at hindi na ako magiging mayabang at hindi makatwiran.

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang maayos na pagtutulungan ay kinasasangkutan ng maraming bagay. Kahit paano, ang isa sa maraming bagay na ito ay ang tulutan ang iba na magsalita at magbigay ng ibang mga mungkahi. Kung tunay kang makatwiran, anumang uri ng gawain ang ginagawa mo, kailangan mo munang matutuhang hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan, at dapat ka ring magkusang hingin ang mga opinyon ng iba. Basta’t sineseryoso mo ang bawat mungkahi, at pagkatapos ay sama-sama ninyong nilulutas ang mga problema, talagang makapagtutulungan kayo nang maayos. Sa ganitong paraan, daranas ka ng mas kaunting paghihirap sa iyong tungkulin. Anumang mga problema ang lumitaw, magiging madaling lutasin at harapin ang mga iyon. Ito ang epekto ng maayos na pagtutulungan. Kung minsan ay may mga pagtatalo tungkol sa mga walang kuwentang bagay, ngunit basta’t hindi nito naaapektuhan ang gawain, hindi magiging problema ang mga iyon. Gayunman, sa mahahalaga at malalaking bagay na kinasasangkutan ng gawain ng iglesia, kailangan ninyong magkasundo at hanapin ang katotohanan para malutas ang mga iyon. Bilang isang lider o isang manggagawa, kung lagi mong iniisip na mataas ka kaysa sa iba, at nagpapakasaya sa iyong tungkulin tulad ng ilang opisyal ng gobyerno, laging nagpapakasasa sa mga pakinabang ng iyong posisyon, laging gumagawa ng sarili mong mga plano, laging iniisip at tinatamasa ang sarili mong katanyagan at katayuan, laging nagpapatakbo ng sarili mong operasyon, at laging naghahangad na magtamo ng mas mataas na katayuan, na mapamahalaan at makontrol ang mas maraming tao, at mapalawak ang saklaw ng iyong kapangyarihan, problema ito. Mapanganib na tratuhin ang isang mahalagang tungkulin bilang isang pagkakataong tamasahin ang iyong posisyon na para bang isa kang opisyal ng gobyerno. Kung lagi kang kikilos nang ganito, na ayaw mong makatrabaho ang iba, ayaw mong bawasan ang iyong kapangyarihan at ipamahagi iyon sa iba, ayaw mong magkaroon ng higit na kapangyarihan ang iba, na maagaw ang katanyagan, kung gusto mo lamang tamasahing mag-isa ang kapangyarihan, isa kang anticristo. Ngunit kung madalas mong hinahanap ang katotohanan, isinasantabi ang laman, tinatalikdan ang sarili mong mga motibasyon at plano, at nagagawa mong kusang makipagtulungan sa iba, buksan ang puso mo para sumangguni at maghanap sa iba, makinig nang mabuti sa mga ideya at mungkahi ng iba, at tumanggap ng payo na tama at naaayon sa katotohanan, kanino man iyon manggaling, nagsasagawa ka sa isang matalino at tamang paraan, at nagagawa mong iwasang tumahak sa maling landas, na proteksyon para sa iyo. Dapat mong talikuran ang mga titulo ng pagiging lider, talikuran ang maruming hangin ng katayuan, tratuhin ang sarili mo bilang isang ordinaryong tao, tumayo na kapantay ng iba, at maging responsable sa iyong tungkulin. Kung lagi mong tatratuhin ang iyong tungkulin bilang isang opisyal na titulo at katayuan, o bilang isang uri ng pagkilala, at iisipin mo na naroon ang iba para pagsilbihan ka sa iyong posisyon, problema ito, at hahamakin at kasusuklaman ka ng Diyos. Kung naniniwala ka na kapantay ka ng iba, mayroon ka lamang kaunti pang atas at responsibilidad mula sa Diyos, kung matututo kang ipantay ang sarili mo sa kanila, at makakapagpakumbaba pa para tanungin kung ano ang iniisip ng ibang mga tao, at kung kaya mong pakinggan nang taimtim, masinsinan, at mabuti ang sinasabi nila, makakapagtrabaho ka nang maayos kasama ang iba. Ano ang epektong makakamtan ng maayos na pagtutulungang ito? Malaki ang epekto. Magkakamit ka ng mga bagay na hindi mo pa nakakamit dati, iyon ay ang liwanag ng katotohanan at mga realidad ng buhay; matutuklasan mo ang mabubuting katangian ng iba at matututo ka mula sa kanilang mga kalakasan. Mayroon pang iba: Ang tingin mo sa ibang mga tao ay walang alam, mahina ang utak, hangal, mas mababa sa iyo, ngunit kapag nakinig ka sa kanilang mga opinyon, o nagtapat sa iyo ang ibang mga tao, matutuklasan mo nang hindi sinasadya na walang sinumang kasing-ordinaryo na tulad ng iniisip mo, na lahat ay maaaring magbigay ng ibang mga kaisipan at ideya, at na lahat ay may mga bagay na maituturo sa iyo. Sa ganitong paraan, higit pa sa pagtulong lamang sa iyo na matuto mula sa mga kalakasan ng iba, maaaring ilantad nito ang iyong kayabangan at pagmamagaling, at pigilan kang isipin na matalino ka. Kapag hindi mo na itinuturing na mas matalino ka at mas magaling kaysa sa lahat ng iba pa, titigil ka na sa sobrang pagpapahalaga sa sarili at pagpuri sa iyong sarili. At mapoprotektahan ka niyan, hindi ba? Iyan ang aral na dapat mong matutuhan at mapakinabangan sa pakikipagtulungan sa iba(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na walang sinumang perpekto at walang sinumang nakakakita sa mga problema nang napakalinaw. Hindi maiiwasan ang mga pagkakamali at paglihis sa ating mga tungkulin, pero hangga’t natututo tayong makipagtulungan sa iba at natututo tayo mula sa mga kalakasan ng isa’t isa, maiiwasan natin ang mga problemang ito, at bubuti ang ating mga tungkulin. Kapag lalo tayong nakikipagtulungan sa mga partner natin, lalo nating matutuklasan ang mga kalakasan ng iba, tatratuhin nang patas at makatarungan ang lahat, hindi mamaliitin o hahamakin ang iba. Pinipigilan din tayo nitong mamuhay sa kayabangan at pagmamagaling, kumilos na parang diktador, gumawa ng mga bagay na hindi makatwiran, o tumahak sa landas ng mga anticristo. Natanto ko ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa aking mga kapatid!

Kalaunan, nagtapat ako sa mga partner ko. Sinabi ko sa kanila kung gaano ako naging mayabang at mapagmagaling sa aking tungkulin, ang kapinsalaang idinulot ko sa kanila, at ang lahat ng problemang nakita ko matapos akong magnilay-nilay. Humingi rin ako ng tawad sa kanila at hiniling ko ang kanilang paggabay. Sinabi ko sa kanila na kung napansin nila na nagyayabang o nagmamagaling ako, o hindi ko tinatanggap ang kanilang mga mungkahi, dapat nila akong bahaginan at punahin iyon, at maaari nila akong pungusan at iwasto o isumbong kung hindi ko iyon tinanggap. Kailangan ng taong mayabang at mapagmagaling na katulad ko ang ganitong uri ng natatanging pagtrato. Araw-araw, inilapit ko ang mga problema ko sa Diyos at ipinagdasal ko na protektahan Niya ako at disiplinahin, para maiwasan kong gumawa ng gayong mga bagay na hindi makatwiran. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, lalo akong tumatag, na parang isang pasyenteng may kanser na sa wakas ay nakatagpo ng gamot. Nang hindi ko namamalayan, nadama kong nagiging mas malapit sa Diyos ang puso ko, at kumikilos na ako sa mas makatwirang paraan. Bago kumilos, masigasig akong nakipagtalakayan at nakipag-usap sa mga partner ko, at kapag nagbigay sila ng magkakaibang opinyon, sa halip na pikit-matang tanggihan ang mga ito, maaari akong maghanap at mag-isip-isip para makita kung ang mga pananaw nila ay naaayon sa mga prinsipyo at kung ano ang mga pakinabang, na siya ring pumigil sa akin na ipilit na sa akin ang huling salita.

Naalala ko na minsan, tinatalakay namin ang paglilipat ng mga tauhan. Iminungkahi kong ilipat ang isang sister para gumanap ng mga tungkulin sa ibang grupo, pero hindi ipinayo ng mga partner ko ang sobra-sobrang paglilipat-lipat ng mga tao. Sinabi nila na kailangan naming itaas ng ranggo at sanayin ang bagong mga tao. Nang marinig ko ang magkakaibang opinyon ng mga partner ko, ginusto kong bigyang-diin na tama ang pananaw ko, pero natanto ko na muntik na akong kumilos ayon sa aking mayabang na disposisyon. Agad akong nagdasal nang taos-puso sa Diyos, na hinihiling sa Kanya na tulungan akong tanggihan at talikdan ang sarili ko. Pagkatapos kong magdasal, naisip ko na yamang tumutol ang mga partner ko, kailangan kong pag-isipan iyon, at huwag masyadong ipagpilitan ang pananaw ko. Paano kung may problema pala ang pananaw ko tungkol sa usapin? Ano ang maganda sa kanilang mungkahi? Ano ang mga pakinabang ng kanilang mungkahi sa gawain ng iglesia? Nang isipin ko iyon sa gayong paraan, natanto ko na talagang mas kapaki-pakinabang ang kanilang mungkahi sa aming gawain. Ang paglilinang ng bagong talento ay nagpapagaan sa ugat ng problema sa kakulangan ng tauhan. Kung ikukumpara, medyo may kinikilingan ang pananaw ko. Sa huli, ipinatupad namin ang kanilang mungkahi. Napayapa ako. Naisip ko na sa wakas ay naging makatwiran akong tao kahit minsan, itinatwa ko ang sarili ko at sinunod ang katotohanan. Napakasarap sa pakiramdam na maging ganoon.

Makalipas ang kaunting panahon ng pakikipagtulungan sa mga partner ko, nalaman ko na isinasaalang-alang ng dalawang sister ko ang mga problema nang mas malawakan kaysa sa akin. Talagang hindi angkop ang marami sa aking mga ideya, pero pinunan ng kanilang payo ang mga pagkukulang ko. Kapag nakikipagtulungan tayo sa mga partner natin, dapat tayong matuto mula sa mga kalakasan ng isa’t isa, at tulungan, gabayan, at pigilan ang isa’t isa, na siyang paraan para mas lalo tayong maging magaling sa ating mga tungkulin. Natanto ko rin na walang sinuman sa atin ang mas magaling kaysa sa iba. Bawat isa sa atin ay may sariling mga kalakasan at kahinaan, at walang sinumang makakagawa nang maayos ng kanilang tungkulin nang mag-isa. Kailangan nating makipagtulungan sa ating mga partner at punan ang pagkukulang ng isa’t isa. Iyon lang ang paraan para magawa nang napakahusay ang ating mga tungkulin at maiwasang tahakin ang maling landas. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman