Ang Nasa Likod ng Pagkanegatibo at Pagpapakatamad sa mga Tungkulin

Marso 28, 2023

Ni Dong Xun, Tsina

Isang araw noong 2021, ipinangasiwa sa akin ng lider ang pagtitipon ng ilang grupo. Pagkatapos ng ilang pagsasagawa, naunawaan ko ang ilang prinsipyo at natutong makakilatis ng ilang kalagayang pinagdadaanan ng mga tao. Pakiramdam ko ay nakakatulong sa akin ang tungkuling ito na matuto ng maraming katotohanan at mabilis na makausad. Pero kalaunan ay sinimulang sundan ng pulisya ang diyakono ng pangkalahatang gawain at hindi na siya maaaring makipag-ugnayan sa iba, kaya isinaayos ng lider na pangasiwaan ko ang pangkalahatang gawain. Noong panahong iyon, sunud-sunod na inaresto ang mga kapatid. Maraming bagay ang dapat asikasuhin, tulad ng paglilipat ng mga libro, paghahanap ng mga bagong bahay-tuluyan na masisilungan ng mga kapatid, at iba pa. Halos araw-araw akong napakaabala sa labas, isinasaayos ang lahat ng bagay na ito. Pagtagal-tagal, hindi ko maiwasang maging sumpungin at mayamutin. Pakiramdam ko ay paroo’t parito ako, at sa paggugol ng lahat ng oras ko sa pagiging masyadong abala sa labas, hindi ko makakamit ang katotohanan. Maliligtas ba ako kung magpapatuloy iyon? Tumindi ang pagtutol ko sa pangkalahatang gawain at ayaw ko nang gawin ito.

Maraming beses kong nakitang nagbabahaginan ang mga kapatid sa pagtitipon kapag naghahatid ako ng mga gamit sa bahay ng mga host. Pakiramdam ko ay talagang naagrabyado ako at nagalit pa nga sa lider. Bakit sa akin niya ipinangasiwa ang pangkalahatang gawain? Sama-sama silang nagbabahaginan sa katotohanan, napakarami nilang natututunan at mabilis silang lumalago, pero taga-asikaso lang ako ng mga bagay-bagay—paano ko makakamit ang katotohanan? Kung wala ang katotohanan, hindi ako magkakaroon ng buhay, at hindi ako maliligtas. Hindi ba’t nadedehado ako? Mas lalong sumasama ang loob ko habang naiisip ito, at wala na akong gana sa tungkulin ko. Isang beses nalaman kong may panganib sa seguridad sa bahay ng isang sister, at kailangang ilipat sa isang ligtas na lugar ang mga aklat doon sa lalong madaling panahon. Napaisip ako, “Bakit napakaraming pangkalahatang gampanin? Mangangailangan ito ng oras at lakas, pero hindi ko makakamit ang katotohanan. Hindi ba’t ginagawa ko ang lahat ng ito para lang sa wala?” Ayaw kong gawin iyon kapag ganoon ang naiisip ko. Pero apurahan ang sitwasyon, kaya kailangan kong tumulong sa paglipat ng mga libro. Sa hindi inaasahan, pagkatapos na pagkatapos namin doon, may nangyari sa isa pang tahanan kung saan nakaimbak ang mga libro. Habang inililipat ko ang mga librong iyon, parehong proseso iyon ng pag-aayos at pag-iimpakeng muli, at pagkatapos ng isang buong araw na trabaho, nag-uumapaw ang mga reklamo ko. Nang makauwi na ako at sobrang pagod, nasa kalagitnaan ng isang talakayan sa gawain ang lider at ang diyakono ng pagdidilig. Tinanong ako ng lider, “Hindi ba’t kahahatid mo lang sa isang sister sa bagong bahay-tuluyan? Bakit inabot ito ng buong araw?” Talagang pakiramdam ko ay naagrabyado ako nang marinig ko ang sinabi niya. Sama-sama silang lahat na nagbabahaginan sa katotohanan at mga prinsipyo samantalang napakaabala ko sa labas. Ano ang mapapala ko sa pag-aasikaso lang sa pangkalahatang gawain? Gaano man karami ang gawin ko, hindi ba’t hindi ako hihigit pa sa isang tagapagserbisyo lang? Kung magagawa kong manatili sa loob nang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa lahat, nakikipagtalakayan sa gawain, hindi ba’t napakaganda niyon? Magiging mas madali iyon at maaari kong makamit ang katotohanan, para maligtas ako sa hinaharap. Mas lalo akong naiinis habang naiisip ko iyon, at nanlumo ako at pagod na pagod. Reklamo ako nang reklamo tungkol dito: Bakit ako ang namamahala sa pangkalahatang gawain? Nais ba ng Diyos na maging tagapagserbisyo ako? Kung magpapatuloy ito, pag-aasikaso lang ba sa mga bagay-bagay ang silbi ko? Ano ang makakamit ko?

Kinabukasan, maraming pangkalahatang gawain na kinailangang asikasuhin, at hindi na ako makapagtimpi sa mga reklamo ko. Napansin ng lider na wala ako sa mabuting kalagayan at pinaalalahanan niya ako na magnilay sa sarili at matuto mula rito. Medyo namulat ako roon. Noong panahong iyon ng pamamahala sa pangkalahatang gawain, ginagawa ko ang trabaho, pero labag ito sa kalooban ko. Hindi ako nasisiyahan, gusto kong mamili ng tungkulin ko. Naisip ko pa nga na hindi nagiging patas ang Diyos sa akin. Napagtanto ko na nasa mapanganib na kalagayan ako. Hindi ako pwedeng patuloy na maging mapanlaban. Kailangan kong hanapin ang katotohanan at magsisi sa Diyos.

May nabasa ako sa mga salita ng Diyos. “Magkapareho ang mga prinsipyong kailangan mong maunawaan at ang mga katotohanang kailangan mong isagawa anuman ang tungkuling iyong ginagampanan. Hinilingan ka mang maging isang lider o manggagawa, o nagluluto ka man ng mga putahe bilang punong-abala, o kung hinilingan ka mang asikasuhin ang ilang panlabas na usapin o gumawa ng pisikal na gawain, ang mga prinsipyo ng katotohanan na dapat sundin sa pagganap ng iba’t ibang tungkuling ito ay magkakapareho, dahil kailangang nakabatay ang mga ito sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Magagampanan nang Mabuti ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin). “Hindi maliwanag sa maraming tao ang ibig sabihin ng maligtas. Naniniwala ang ilang tao na habang lalong nadaragdagan ang mga taon na naniniwala sila sa Diyos, mas malamang na maligtas sila. Iniisip ng ilang tao na habang lalong dumarami ang nauunawaan nilang espirituwal na doktrina, mas malamang na maligtas sila, o iniisip ng ilan na tiyak na maliligtas ang mga lider at manggagawa. Ang lahat ng ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Ang susi rito ay na dapat maunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng kaligtasan. Ang maligtas ay nangangahulugang, unang-una, na makalaya mula sa kasalanan, makalaya mula sa impluwensiya ni Satanas, at tunay na bumaling sa Diyos at sumunod sa Diyos. Ano ang dapat ninyong taglayin para makalaya mula sa kasalanan at mula sa impluwensiya ni Satanas? Ang katotohanan. Kung hangad ng mga taong matamo ang katotohanan, dapat silang masangkapan ng marami sa mga salita ng Diyos, dapat magawa nilang maranasan at maisagawa ang mga ito, nang sa gayon ay maunawaan nila ang katotohanan at makapasok sa realidad ng katotohanan. Saka lamang sila maaaring maligtas. Kung maliligtas man o hindi ang isang tao ay walang kinalaman sa kung gaano katagal naniwala ang isang tao sa Diyos, kung gaano karaming kaalaman ang mayroon siya, kung nagtataglay siya ng mga kaloob o mahuhusay na katangian, o kung gaano siya nagdurusa. Ang tanging bagay na may direktang kaugnayan sa kaligtasan ay kung kaya bang matamo ng isang tao ang katotohanan o hindi. Kaya ngayon, gaano karaming katotohanan ang tunay na naunawaan mo? At gaano karami sa mga salita ng Diyos ang isinabuhay mo? Sa lahat ng hinihingi ng Diyos, alin ang nakamit mo ang pagpasok? Sa mga taon ng paniniwala mo sa Diyos, gaano karaming pagpasok sa realidad ng salita ng Diyos ang nakamit mo? Kung hindi mo alam, o kung hindi mo nakamit ang pagpasok sa anumang realidad ng salita ng Diyos, kung gayon ay sa totoo lang, wala kang pag-asa sa kaligtasan. Imposibleng maligtas ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapahalaga sa mga Salita ng Diyos ang Pundasyon ng Pananalig sa Diyos). Mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakita ko na gawain man ito ng pagdidilig o pangkalahatang gawain sa iglesia, ito ay mga tungkulin na dapat nating gawin. Inaasahan ng Diyos na habang ginagawa natin ang ating tungkulin, hinahanap natin ang katotohanan at nagkakaroon ng kaunting pagpasok sa buhay. Kahit na magkaiba ang ating mga tungkulin, pareho ang mga prinsipyo ng katotohanan na isinasagawa natin sa ating mga tungkulin. Lahat tayo ay nagpapakita ng katiwalian, anuman ang tungkulin natin. Hangga’t hinahanap natin ang katotohanan kapag nagpapakita tayo ng katiwalian, pagkatapos ay nagsisisi at nagbabago, makakausad tayo sa buhay. Pagkatapos ay makakamit natin ang katotohanan at maliligtas. Pero kung hindi tayo natututo ng mga aral kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, o kung ang ginagawa natin ay hindi nauugnay sa pagsasagawa ng katotohanan o pagbabago ng ating disposisyon, itinuturing ito ng Diyos bilang trabaho lamang, at hindi natin makakamit ang katotohanan, lalo na ang pagliligtas ng Diyos. Pero nagkamali ako sa paniniwalang hindi ko makakamit ang katotohanan sa pamamagitan ng pangangasiwa sa pangkalahatang gawain, at na kahit gaano man karami ang gawin ko, hindi ako hihigit pa sa isang tagapagserbisyo. Inakala ko na sa pamamagitan ng pagiging lider o lider ng grupo, pagbabahagi sa katotohanan at pagsuporta sa iba, pagbabasa at pagbabahagi sa mga salita ng Diyos araw-araw, mabilis kang uusad sa buhay, at makakamit mo ang katotohanan at maliligtas. Hindi ba’t katawa-tawa ako niyon? Sa katunayan, ang isang taong talagang naghahangad sa katotohanan ay maaaring matuto sa mga bagay na kinakaharap niya, anuman ang tungkulin niya, at magkaroon ng tunay at praktikal na mga pakinabang pagkatapos. Katulad ito sa mga video ng patotoo na napanood ko. Ang ilang kapatid ay nangangasiwa sa pangkalahatang gawain, pero nagagawa nilang isagawa ang mga salita ng Diyos, naghahanap sa katotohanan at nilulutas ang katiwalian matapos itong maihayag. Kaya nilang magbago pagkatapos ng isang karanasan, at nakakapagbahagi ng sarili nilang tunay na patotoo. At may ilang lider na madalas na nagbabasa ng mga salita ng Diyos para sa iba at tumutulong sa paglutas ng kanilang mga problema, pero hindi naman talaga nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral, nagdodoktrina lang, at sa huli ay inilalantad at pinalalayas sila. Nangyayari talaga ang mga bagay na ito, hindi ba? Hindi nagpapakita ng paboritismo ang Diyos dahil gumagawa ang mga tao ng iba’t ibang tungkulin. Ang mga hindi naghahangad sa katotohanan ay ang mga nagbibigay ng serbisyo lamang. Ang taong naghahangad sa katotohanan ay aani ng gantimpala mula sa anumang tungkulin. Ang Diyos ay matuwid at hindi pinapaboran ang sinuman. Pero naipit ako sa mga maling ideya ko, at ginustong mamili ng mga tungkulin. Tutol ako sa pangangasiwa ng pangkalahatang gawain—ayaw kong gawin ito. Nagsimula pa akong magalit sa lider, naiinis na itinalaga niya ako sa ganoong uri ng gawain. Hindi ko hinahangad ang katotohanan. Nagpakita ako ng katiwalian pero hindi ako nagnilay-nilay sa sarili o nilutas ito. At naging negatibo pa ako, nagrereklamo, at sinisisi ang lahat ng ito sa iba. Akala ko pinapagawa lang ako ng Diyos ng serbisyo. Mali ang pagkaunawa ko sa Kanya. Ako ay nasa isang napakapraktikal na kapaligiran, pero hindi ako natuto ng aral. Puro lang ako reklamo. Masyado akong di-makatwiran. Kung nagpatuloy ako nang ganoon, hindi man lang nagkakamit ng katotohanan, naging totoong tagapagserbisyo sana ako. Dumating sa akin ang ilang pangkalahatang gawain, at hindi ko ito nagawang tanggapin mula sa Diyos at magpasakop. Hindi ko kayang ayusin ang sarili kong mga problema, lalo na ang ayusin ang mga problema ng iba pang mga kapatid. At ginusto kong gumawa ng gawain ng pagdidilig sa ganoong kondisyon! Hindi ba’t hindi iyon makatwiran? Naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “Sa huli, kung ang mga tao ay magtatamo ng kaligtasan ay hindi nakasalalay sa kung anong tungkulin ang tinutupad nila, kundi kung kaya ba nilang maunawaan at makamit ang katotohanan, at kung, sa huli, ay kaya ba nilang lubos na magpasakop sa Diyos, magpasakop sa Kanyang pagsasaayos, hindi isaalang-alang ang kanilang hinaharap at tadhana, at maging isang karapat-dapat na nilikha. Matuwid at banal ang Diyos, at ito ang pamantayan na ginagamit Niya upang sukatin ang buong sangkatauhan. Hindi nababago ang pamantayang ito, at dapat mo itong tandaan. Ikintal mo ang pamantayan na ito sa iyong isipan, at huwag mong isipin na maghanap ng iba pang landas sa paghahangad ng ilang bagay na hindi totoo. Ang mga hinihingi at pamantayan ng Diyos para sa lahat ng nais na matamo ang kaligtasan ay hindi nagbabago magpakailanman. Nananatiling pareho ang mga iyon maging sino ka man(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na nangangasiwa man ang isang tao sa pangkalahatang gawain o nagsisilbi bilang isang lider, ang susi ay ang hangarin ang katotohanan habang isinasakatuparan niya ang kanyang tungkulin. Ang mga taong maaaring maligtas ay ang mga taong kayang hanapin ang katotohanan sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, at kayang maunawaan ang kanilang sarili, magsisi at magbago. Sumigla ang puso ko nang maunawaan ko ito.

Kalaunan, pinag-isipan kong muli ang mga bagay-bagay. Bakit ba masyadong masama ang loob ko at ayaw kong gumawa kapag inaatasan ako ng pangkalahatang gawain? Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na isinasagawa ng tao ang kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos subalit hindi pinapansin ang pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay nasa kung paanong ang tao, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sambahin Siya, ay bumubuo ng sarili niyang mainam na hantungan at nagpaplano kung paano matatanggap ang pinakamalaking pagpapala at pinakamagandang hantungan. Kahit nauunawaan ng isang tao kung gaano siya kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, ilan ang madaling makakatalikod sa kanyang mga mithiin at inaasam? At sino ang nagagawang pahintuin ang sarili niyang mga hakbang at patigilin ang pag-iisip lamang sa kanyang sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang husto sa Kanya upang tapusin ang Kanyang pamamahala. Kailangan Niya yaong mga magpapasakop sa Kanya sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang buong isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala. Hindi Niya kailangan ang mga taong maglalahad ng kanilang mga kamay para mamalimos sa Kanya araw-araw, lalong hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay ng kaunti at pagkatapos ay naghihintay na magantimpalaan. Kinamumuhian ng Diyos yaong mga gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga sa kanilang mga tagumpay. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang damdamin na minamasama ang gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagtatamo ng mga pagpapala. Higit pa ang pagkasuklam Niya sa mga nagsasamantala sa pagkakataong hatid ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil hindi kailanman nagmalasakit ang mga taong ito sa nais ng Diyos na makamit at makuha sa pamamagitan ng gawain ng Kanyang pamamahala. Ang inaalala lamang nila ay kung paano nila magagamit ang pagkakataong laan ng gawain ng Diyos upang magtamo ng mga pagpapala. Wala silang malasakit sa puso ng Diyos, dahil lubos silang abala sa sarili nilang mga inaasam at kapalaran. Yaong mga minamasama ang gawain ng pamamahala ng Diyos at wala ni katiting na interes kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban ay ginagawa lamang kung ano ang ikinasisiya nila sa isang paraan na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang pag-uugali ay hindi natatandaan ni inaaprubahan ng Diyos—lalong hindi pinapaboran ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang sarili kong kalagayan. Nag-aatubili akong pangasiwaan ang pangkalahatang gawain dahil wala akong tamang motibasyon sa aking tungkulin. Ginagawa ko ito para pagpalain ako, palaging nagkakalkula ng mga pakinabang at kawalan sa puso ko. Sabik akong nagbabayad ng halaga kapag kapaki-pakinabang sa akin ang isang bagay, pero sa sandaling nakita kong itinalaga ako sa pangkalahatang gawain at maaaring maging isang tagapagserbisyo lang, pakiramdam ko ay isa iyong malaking kawalan. Sumimangot ako at nagreklamo, at bagamat gumawa ako ng ilang gawain, hindi ako nasisiyahan dito. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Palaging mauna,” at “Wag tumulong kung walang kapalit.” Ang “gantimpala” ay palaging nauuna, at kahit na ang paggugol sa sarili ko para sa Diyos ay pakikipagtransaksyon sa Kanya. Mula sa simula hanggang sa katapusan, hindi ko iniisip kung paano gawin nang maayos ang tungkulin ko. Kahit sa mahirap na mga kondisyong iyon, ang una kong isinasaalang-alang ay hindi ang protektahan ang mga kapatid at pag-aari ng iglesia, ilipat ang mga ito sa ligtas na lugar sa lalong madaling panahon, kundi sa halip ay kung sulit ba ang gawaing iyon, kung magiging kapaki-pakinabang ba ito sa hantungan ko. Nakita ko kung paanong ginawa akong tiwali ni Satanas na maging napakamakasarili at ubod ng sama, nang walang anumang konsensya o katwiran. Napakawalang-puso ko, sarili ko lang iniisip ko. Miyembro ako ng iglesia, kaya kahit anong proyekto ang kinailangang gawin, dapat nakipagtulungan ako para protektahan ang mga interes ng iglesia. Pero talagang nakatuon ako sa layon sa lahat ng ginawa ko. Pakiramdam ko ay talagang mawawalan ako kung hindi ako pagpapalain pagkatapos magsikap nang husto. Puno ang isipan ko ng kung paano ako pwedeng pagpalain at manguna. Ipinakita sa akin ng mga katunayan na ang motibasyon ko sa mga taon ko ng pagsisikap sa pananampalataya ay pagnanais lang sa mga pagpapala. Ipinaalala niyon sa akin ang sinabi ng Diyos: “Kahit ang mga taong nagpapakita ng kabaitan sa iba ay sinusuklian, subalit si Cristo, na nakagawa ng gayong gawain sa inyo, ay hindi natanggap ang pagmamahal ng tao ni ang kanyang kabayaran at pagpapasakop. Hindi ba ito nakakadurog ng puso?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Lalo akong nagsisisi at nababalisa sa harap ng mga salita ng Diyos. Kumain at uminom ako ng napakaraming salita ng Diyos, nagtamasa ng labis na biyaya at pagpapala ng Diyos, pero hindi ko kailanman naisip na suklian ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa nang maayos sa tungkulin ko. Nakatuon lang ako sa pagtanggap. Walang sawa akong humihingi sa Diyos ng mga pagpapala, gustong bigyan Niya ako ng magandang hantungan. Nayamot ako nang hindi ko makuha iyon, at puro reklamo ako kapag ginagawa ko ang pinakamaliit na tungkulin. Naging masyado nang manhid ang konsensya at katwiran ko, at talagang nakakasakit ito sa Diyos. Habang iniisip ko ito, mas lalo akong nakakaramdam ng pagkakautang at pagkakonsensya. Kinamumuhian ko ang sarili ko dahil sa pagiging walang konsensya at pagkatao.

May iba pa akong nabasa sa mga salita ng Diyos kalaunan. “Sa sambahayan ng Diyos, sa tuwing may isinasaayos na gawin mo, mahirap man ito o nakapapagod na gawain, at gusto mo man ito o hindi, tungkulin mo ito. Kung maituturing mo itong isang atas at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Diyos, sa gayon ay may kabuluhan ka sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. At kung ang ginagawa mo at ang tungkuling ginagampanan mo ay may kabuluhan sa gawain ng Diyos ng pagliligtas ng tao, at kaya mong taimtim at taos-pusong tanggapin ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, paano ka Niya ituturing? Ituturing ka Niya bilang isang miyembro ng Kanyang pamilya. Isa ba iyong pagpapala o isang sumpa? (Isang pagpapala.) Isa itong malaking pagpapala(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Talagang nakakaantig para sa akin ang siping ito. Hangga’t handang gawin ng isang tao ang isang tungkulin, bibigyan siya ng Diyos ng pagkakataon. Lahat ng trabaho sa iglesia ay makabuluhan, kahit na iyong mga tila hindi kahanga-hanga. Dapat tanggapin ang lahat ng ito at ituring bilang sarili mong tungkulin at responsibilidad. Kung sisikapin mong hanapin ang katotohanan sa iyong tungkulin, at gawin ito nang tama nang naaayon sa hinihingi ng Diyos, magkakaroon ka ng pagkakataon sa kaligtasan. Kung tinatrato mo ang tungkulin mo bilang isang transaksyon, na parang kapital upang ipagpalit sa mga pagpapala o pases sa kaharian ng Diyos, gaano ka man magsikap, hinding-hindi ka makakapasok sa katotohanan, dahil mali ang mga pananaw mo ukol sa paghahangad at ang landas na tinatahak mo. Ang pagkakaroon ng pagkakataong gumawa ng isang tungkulin, at makapaglingkod sa gawain ng Diyos, ay pagtataas ng Diyos at isang napakalaking pagpapala. Kaya paanong mapili pa ako sa tungkulin ko? Dapat ay tinanggap ko ito at nagpasakop. Iyon dapat ang ginawa ko bilang isang nilikha. Pero naging bulag ako sa mga biyayang nakapalibot sa akin, at hindi pinahahalagahan ang pagkakataon ko na hangarin ang katotohanan sa pamamagitan ng tungkuling ito. Itinuturing ko ang tungkulin ko na isang mahirap na trabaho, bilang isang bentaha sa pakikipagtransaksyon sa Diyos. Nagkamali rin ako ng pag-unawa sa Diyos at sinisi Siya. Napakabulag ko. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ako naging tutol pa sa pangangasiwa ng pangkalahatang gawain. Talagang tunay akong nasiyahan na tanggapin ito at gawin nang maayos ang tungkuling iyon.

May nabasa pa akong isang sipi. “Sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin, ginagamit ng mga tao ang paghahangad sa katotohanan para maranasan ang gawain ng Diyos, unti-unting maunawaan at matanggap ang katotohanan, at pagkatapos ay maisagawa ang katotohanan. Pagkatapos ay nararating nila ang isang kalagayan kung saan iwinawaksi nila ang kanilang tiwaling disposisyon, tinatanggal ang mga gapos at pagkontrol ng tiwaling disposisyon ni Satanas, at sa gayon ay nagiging isang tao sila na may realidad ng katotohanan at isang taong may normal na pagkatao. Kapag mayroon kang normal na pagkatao, saka lamang magpapasigla sa mga tao at magpapalugod sa Diyos ang pagganap mo sa iyong tungkulin. At kapag pinupuri ng Diyos ang mga tao para sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, saka lamang sila magiging katanggap-tanggap na nilalang ng Diyos. Kaya tungkol sa pagganap sa inyong tungkulin, bagaman ang iginugugol at ipinapakita ninyo sa debosyon ngayon ay ang iba’t ibang kasanayan at natutuhan at kaalaman na inyong natamo, ang mga ito mismo ang nagbibigay ng pamamaraan para maunawaan ninyo ang katotohanan habang ginagampanan ang inyong tungkulin, at malaman kung ano ang ibig sabihin ng pagganap sa tungkulin, kung ano ang ibig sabihin ng paglapit sa Diyos, ano ang ibig sabihin ng buong-pusong paggugol para sa Diyos. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, malalaman ninyo kung paano iwawaksi ang inyong tiwaling disposisyon, at kung paano tatalikdan ang inyong mga sarili, na huwag maging mapagmataas at mapagmatuwid, at na sundin ang katotohanan at sundin ang Diyos. Sa gayong paraan lamang ninyo makakamit ang pagliligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao mula sa mga Tao, Usapin, at Bagay sa Malapit). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang daan tungo sa pagbabago ng disposisyon at pagkakamit ng katotohanan ay ang paggawa ng isang tungkulin. Wala itong kinalaman sa pagiging pinagpapala o pagkakamit ng mga pakinabang. Anuman ang iyong tungkulin, ang paghahangad sa katotohanan at pagtuon sa pagbabago ng disposisyon ang tanging tamang landas. Ang dahilan kung bakit wala akong natututunan mula sa pangkalahatang gawain ay dahil hindi ko hinahangad ang katotohanan o pinagbubuti ang pagpasok sa buhay. Wala itong kinalaman sa kung anong tungkulin ang ginagawa ko. Inakala ko na mabigat na gawain lang ang pangkalahatang gawain. Kapag nagpapakita ako ng katiwalian, hindi ako tumutuon sa paghahanap sa katotohanan at paglulutas nito. Nagsasawalang-bahala ako at nagpapakatamad sa aking tungkulin, at kahit na ginagawa ko ang trabaho, wala akong nakakamit, at hindi man lang nagbabago ang disposisyon ko. Imposibleng maliligtas ako kung nagpatuloy iyon. Nabigyan ako ng landas ng pagsasagawa nang mapagtanto ko iyon. Pangangasiwa man ito sa pangkalahatang gawain o pagdidilig at pagsuporta sa mga kapatid, hindi ko pwedeng patuloy na ituring ito na parang isang gampanin. Kailangan kong tumuon sa pagdarasal at paghahanap sa mga prinsipyo ng katotohanan, at kapag nagpapakita ako ng katiwalian, kailangan akong magnilay-nilay sa sarili ko at hanapin ang katotohanan para malutas ito. Pagkatapos magsagawa nang ganito sa loob ng ilang panahon, bago ko pa namalayan, mas naunawaan ko na ang sarili ko at nagkaroon ako ng mas praktikal na pagkaunawa sa katotohanan.

Naaalala ko na may isang sister na palaging humihiling sa akin na sumali sa anumang pinaplano niya. Hiniling pa nga niya sa akin na tumulong sa mga simpleng bagay na kaya naman niyang gawin nang mag-isa. Nang tanungin niya ako muli, itinama ko na ang pag-iisip ko, at hindi na ako tumutol dahil sa dami ng trabahong kailangan kong gawin. Habang nagtutulungan kami, napansin kong hindi siya nagdadala ng tunay na pasanin sa kanyang tungkulin, at sakim siya sa kaginhawaan. Gusto kong ipaalam iyon sa kanya, pero natatakot ako na baka maramdaman niyang mahirap akong pakisamahan, kaya isinaalang-alang ko ang kanyang laman. Naisip ko na maaaring ako na lang ang gumawa—wala akong binanggit o binahagi sa kanya. Kalaunan, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang sarili ko, napagtanto ko na nagiging mapagpalugod ako ng tao. Mukha itong nagiging maalalahanin at maunawain ako, pero ang totoo, mayroon akong sariling motibo, at iyon ay ang magkaroon siya ng magandang impresyon sa akin. Hindi iyon makakabuti sa buhay niya at magiging dahilan iyon para palagi siyang umasa sa akin. Sa puntong iyon, nagtapat ako sa kanya at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa katiwalian ko, at binanggit ko rin ang sarili niyang mga isyu. Gumawa siya ng ilang pagbabago pagkatapos niyon, nagiging mas aktibo sa kanyang tungkulin at hindi na gaanong umaasa sa akin. Itinuro sa akin ng mga karanasang ito na maaari mong malaman ang katotohanan at pasukin ito kahit anong uri pa man ng tungkulin ang ginagawa mo. Talagang hindi nagpapakita ng paboritismo ang Diyos sa sinuman. Napagtanto ko rin na anuman ang trabaho ko o anumang sitwasyon ang kinakaharap ko, ang mahalaga ay ang kakayahang hanapin ang katotohanan at isagawa ito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Walang Hanggang Pagdurusa

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng kaluluwang ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng nasasakupan ni Satanas....

Ano ang Kahulugan ng Tunay na Pagbabago?

Inihahalintulad ko ang mga doktrinang tinaglay ko bilang aking sariling kapital, ngunit hindi binigyang pansin ang pag-unawa sa sarili, sa paghahanap ng pagpasok, sa pagkakamit ng katotohanan. At paano kaya ako magkakaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay? Ang praktikal na gawain at mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lahat ng katotohanan na kailangan natin at nais Niyang maunawaan natin ang katotohanang iyon

Ang Lunas sa Pagmamataas

Isinilang ako sa kanayunan. Dahil mahirap ang aking pamilya at tapat ang aking mga magulang, madalas silang dinadaya. Simula nang bata pa ako, minamaliit na ako ng mga tao, at ang pambubugbog at pang-aapi ay naging isang pangkaraniwang pangyayari. Lagi ako nitong pinapalungkot hanggang sa puntong ako’y umiyak.