Ang Pagdanas na Maging Isang Tapat na Tao

Pebrero 28, 2021

Ni Yongsui, South Korea

Isang araw, sa isang pagtitipon sa katapusan ng Marso, isang lider ang nagsalita tungkol sa isang kapatid na inaresto at brutal na pinahirapan. Sa sandali ng matinding kahinaan, ipinagkanulo niya ang dalawang iba pang miyembro ng iglesia. Napuno siya ng pagsisisi, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng paghatol at pahayag ng Diyos, nakita niya ang ugat ng kanyang kabiguan at tunay na nagsisi. Tinanong kami ng lider kung ano ang palagay namin tungkol sa karanasang iyon at kung masasabi ba na isa itong tunay na patotoo. Hiniling niya rin sa aming lahat na ibahagi ang aming mga saloobin. Talagang ninerbyos ako dahil dito at nagsimula akong mag-isip: Bakit gusto niyang pag-usapan namin ito? Ito ba’y upang subukin kung nakita namin ang problema nang tama? Naisip ko, “Ipinagkanulo ng kapatid na iyon ang iba dahil lang sa sandali ng kahinaan. Isa iyong paglabag. Pero nakilala niya ang kanyang sarili at tunay na nagsisi, kaya ang kanyang karanasan ay dapat na ituring na isang patotoo.” Pero, naisip ko nang hindi nakatitiyak, “Titingnan ko muna ang sasabihin ng iba para hindi ako magkamali o magsabi ng isang bagay na masyadong malabo at maging hindi maganda ang tingin sa akin.” Ang iba’y nagsimulang magsabi ng kanilang mga iniisip. Upang magsimula, may sinabi ang isang kapatid na babae na medyo malapit sa naisip ko, kaya naramdaman kong tama ako. Pero pagkatapos noon, isa pang kapatid na babae ang nagsabi na naging Judas ang kapatid na iyon, pinagtataksilan ang Diyos, kaya hindi iyon isang uri ng patotoo na maaaring sumaksi sa Diyos. At ang ilang iba pa ay buong tiwalang nagsabi na ang kanyang karanasan ay hindi maituturing bilang isang patotoo. Matapos makitang maraming tao ang sumang-ayon at sumuporta sa pananaw na iyon, nag-alinlangan ako, at hindi ko alam kung ano ang iisipin. Pagkatapos nito, sinabi ng lider, “Kung sa tingin ninyo ay hindi ito isang patotoo, itaas ang inyong kamay.” Ilang mga tao ang nagtaas ng kanilang mga kamay, pero hindi ako tiyak kaya hindi ako nagtaas. Nag-isip ako, “Hindi ko maaaring itaas ang kamay ko sa maling pagkakataon. Hindi ba ipapakita noon na nagkukulang ako sa kakayahan at pagkaunawa?” Habang iniisip ko ito, tinanong ako ng lider, “Bakit hindi ka nagtaas ng kamay mo?” Naisip ko sa sarili ko, “Naku, bakit niya ako tinatanong? Dapat ba ay itinaas ko ang kamay ko?” Itinaas ko ang aking kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko—bigla akong hindi mapakali. Tama ba na itaas ko ang kamay ko o hindi? Naramdaman ko sa puso ko na maaari itong maging isang patotoo, pero itinaas ko ang kamay ko na hindi ito talaga pinag-iisipan. Naisip ko itinaas ko na ang kamay ko, kaya nagsimula akong makinig sa mga ideya ng lahat. Lahat sila ay nagbabahagi ng kanilang iniisip, kaya sinimulan kong pag-isipan ito nang kalmado. Ang kapatid na iyon ay tunay na nagsisi, kaya dapat na tumayong patotoo ang kanyang patotoo. Naramdaman ko na hindi ko dapat itinaas ang kamay ko. Gusto kong ibahagi ang talagang iniisip ko noon, pero naisip ko na wala akong kumpletong pagkaunawa, kaya ayos lang kung tama ako. Pero kung hindi, ano ang iisipin sa akin ng lider? Sasabihin ba niya na wala akong kakayahan o anumang lalim sa aking karanasan? Kapag nakita ito sa akin ng lider, iisipin niya na hindi ako nararapat na sanayin, at wala akong magiging kinabukasan sa sambahayan ng Diyos. Higit pa rito, maraming mga kapatid doon, kaya nakakahiya talaga na magkamali. Paurong-sulong ako at gustong magsalita ng maraming beses, pero sa huli ay nanatili akong tahimik.

Pagkatapos noon, ibinahagi ng lider na iyon ay tumayong isang ganap na patotoo, na ang magtaksil sa Diyos sa sandali ng kahinaan, pagkatapos ay makaranas ng paghatol at pagkastigo, at tunay na magsisi ay isang dakilang patotoo. Ito ay nakapagpalakas ng loob ng marami pang iba at nagpakita na nagbibigay ang Diyos ng dakilang awa sa kanila na may tunay na pananampalataya. Batid ng Diyos kung gaano tayo katiwali, kaya hangga’t nakakaramdam tayo ng tunay na pagsisisi at bumalik sa Kanya, ibibigay Niya sa atin ang pagkakataon na magsisi, at ang gayong uri ng patotoo ay niluluwalhati ang Diyos at ipinapahiya si Satanas higit sa lahat. Nagpatuloy ang lider sa pagpapaliwanag na ang aming mga pang-unawa ay marumi at sinabi na kami ay mga mandaraya at hindi tapat, na hindi namin ibinatay ang aming mga pananaw sa mga salita ng Diyos. Pagkakita na dapat naming pag-usapan ang isyu, ipinagpalagay namin na may mali sa karanasan ng kapatid na iyon. Sinubukan naming hulaan kung ano ang iniisip ng lider at hindi nagsabi ng kahit isang tapat na salita. Matiyagang nagbahagi sa amin ang lider na kailangan naming magkaroon ng sariling pag-iisip at magkaroon ng sariling pananaw sa lahat ng bagay at dapat naming sabihin ang katotohanan, tama man kami o mali. Iyon ang pinakapunto sa ating pag-uugali. Pagkarinig sa mga salitang “pinakapunto” ay hindi ako naging komportable. Naisip ko, “Tama siya. Ang pagbabahagi ng tunay kong mga saloobin, kahit na mali ako, ay mas mabuti kaysa sumunod sa nakararami. Kahit paano, iyon ay sarili kong pananaw, at magiging tapat ako.” Nagalit ako sa sarili ko dahil sa hindi ko pagsasabi ng talagang iniisip ko. Sa loob lang ng maikling sampung minuto kung kailan ay dapat na ibinahagi ko ang panig ko, naging mapanlinlang ako at hindi isinagawa ang katotohanan, hindi ko man lang naaabot ang pinakapunto sa pag-uugali ng tao. Hindi lang ako nagsabi ng maling bagay at gumawa ng maling bagay, ngunit nabigo akong kumilos ng maayos.

Sa mga debosyonal ko pagkatapos ng pagtitipon, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Sa pananampalataya nila sa Diyos at sa kanilang pag-uugali, dapat tahakin ng mga tao ang tamang landas, huwag gumamit ng mga liku-liko at masasamang pamamaraan. Ano ang mga liku-liko at masasamang pamamaraan? Ang mga ito ay pananampalataya sa Diyos na laging nakabatay sa hindi mahahalagang katalinuhan, at mga malikhaing panlilinlang, at mga mabababang uri ng pandaraya. Sinisikap ikubli ng mga ito ang katiwalian mo, at ang ikinukubli ay mga suliraning katulad ng iyong mga kakulangan, kapintasan, at mahihinang kakayahan. Palagi nilang pinangangasiwaan ang mga bagay gamit ang mga satanikong pilosopiya, sinusubukang magpalakas sa Diyos at sa mga pinuno ng iglesia tungkol sa mga nakikitang usapin, ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, hindi pinangangasiwaan ang mga bagay batay sa prinsipyo, at laging pinagtutuunan ng masusing pansin ang mga tao upang magpakasipsip sa kanila. Itinatanong nila, ‘Kumusta ang nagawa ko kamakailan? Sumusuporta ba kayong lahat sa akin? Alam ba ng Diyos ang tungkol sa mabubuting bagay na nagawa ko? At kung alam Niya, pupurihin ba Niya ako? Ano ang kinalalagyan ko sa puso ng Diyos? Mayroon ba kong kahit na ano man lang na halaga sa Diyos?’ Ang talagang itinatanong nila ay kung pagpapalain ba sila sa paniniwala nila sa Diyos. Ang palagian bang pag-iisip sa ganitong mga bagay ay hindi mga pamamaraang liku-liko at masasama? Hindi ito ang tamang landas. Kung ganon, ano ang tamang landas? Ang tamang landas ay kung tinutugis ng mga tao ang katotohanan sa pananampalataya nila, kapag nagagawa nilang makamit ang katotohanan, at matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon(“Anim na Pahiwatig ng Pag-unlad sa Buhay” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ito ang Diyos na nagpapaalala at nagbababala sa atin na tahakin ang tamang landas sa ating pag-uugali at bilang mga mananampalataya. Kailangan nating hangarin at isagawa ang katotohanan. Kung hindi tayo magsisikap sa paggawa ng mga positibong bagay na ito, kung abala tayo sa pagtatakip ng ating mga pagkakamali, pagyayabang, pagpapabango sa mga lider, pagkakaroon ng posisyon sa iglesia, at masyado nating inaalala kung ano talaga ang iniisip ng Diyos at ng mga lider sa atin, ito ay paglakad sa landas ng kasamaan. Nakita ko na ang ginagawa ko ay ang mismong inihayag ng Diyos. Hindi ako tiyak kung ang karanasan ng kapatid na iyon ay tunay na patotoo o hindi, pero hindi ako nagsalita mula sa puso. Sa halip, nag-obserba ako sa silid, nagmarunong ako, at hinulaan kung ano ang maaaring iniisip ng iba. Noong tinanong ako ng lider kung bakit hindi ako nagtaas ng kamay, inakala ko na mali ang naging kilos ko, at nang karamihan sa mga tao ay nag-akala na ang karanasan ng kapatid na iyon ay hindi maituturing na isang patotoo, nagmadali akong sumunod sa karamihan. Naging makitid ang isip ko, inaalam muna kung ano ang opinyon ng iba. Wala akong ipinakita kundi ang isang mapandayang satanikong disposisyon. Nagtaka ako kung bakit sobrang hirap gumawa ng isang tunay na pahayag. Ito ay dahil takot ako na maipahiya ang sarili ko sa pagsasabi ng maling bagay, mas bababa ang tingin sa akin ng lider, at hindi ako pahahalagahan o sasanayin, at maaaring tanggalin ako mula sa aking tungkulin kung patuloy na mangyayari ang ganoon. Gusto ko lang protektahan ang sarili kong reputasyon at ingatan ang aking posisyon, upang itago ang mahinang kakayahan ko at gawin ang lahat ng makakaya ko upang magpakitang gilas. Gusto kong kumilos gaya ng isang taong may mataas na kakayahan na nauunawaan ang katotohanan at may magandang pananaw sa mga bagay-bagay. Palagi kong ninanais na magkaroon ng tamang sagot sa anumang tanong na tugma sa iniisip ng lider para mas gumanda ang tingin niya sa akin at makapagbigay ako ng mabuting impresyon. Kung magkagayon ay aaprubahan at titingalain ako ng mga kapatid. Nakita ko ang pandaraya at mga pakana sa aking paraan. Hindi ko kayang maging direkta kahit sa isang bagay na napakasimple. Hirap akong magsabi ng kahit na isang tapat at taos-pusong salita. Palagi akong mapanlinlang na nag-oobserba sa lahat para ingatan ang posisyon ko sa sambahayan ng Diyos. Tinatahak ko ang landas ng kasamaan, hindi ang tamang landas. Nalaman ko ang lahat ng ito pero hindi ako gumawa ng anumang malalim na pagsisiyasat ng aking sarili.

Pagkalipas ng tatlong buwan, nakinig ako sa pagbabahaging ito na mula sa Diyos. Sinabi ng Diyos: “Itinuturing ng mga anticristo si Cristo kung paano rin nila itinuturing ang mga tao, kumukuha ng mga hudyat mula kay Cristo sa lahat ng sinasabi at ginagawa nila, nakikinig sa tono Niya, at nakikinig para sa kahulugan ng Kanyang mga salita. Kapag nagsasalita sila, wala ni isa mang salita ang totoo o matapat. Ang alam lamang nila ay ang magsalita ng mga walang kabuluhang mga salita at doktrina. Sinusubukan nilang linlangin at dayain ang taong ito, na sa kanilang mga mata, ay isang karaniwang tao lamang. Nagsasalita sila na parang isang gumagapang na ahas, ang galaw ay paliku-liko at hindi tuwiran. Ang paraan at gawi ng mga salita nila ay tulad ng isang baging ng melon na umaakyat sa isang poste. Kapag sinasabi Mong ang isang tao ay may mahusay na kakayahan at maaaring itaguyod, kaagad silang nagsasalita tungkol sa kung gaano sila kahusay, at kung ano ang nakikita at naihahayag sa kanila. At kung sasabihin Mong ang isang tao ay masama, mabilis sila sa pagsasalita kung gaano ito kasama at kamakasalanan, kung paano niya ginagambala at inaabala ang iglesia. Kapag ninanais Mong malaman ang katotohanan tungkol sa isang bagay, wala silang masasabi. Nagpapaliguy-ligoy sila, naghihintay na gumawa Ka ng pasya, nakikinig para sa kahulugan ng mga salita Mo, sinusubukang alamin ang mga layunin Mo. Ang lahat ng sinasabi nila ay pangbobola, pagpapakasipsip, at pagbibigay ng labis na papuri. Wala kahit isang salitang may katotohanan ang lumalabas sa kanilang mga bibig(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (20)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Mabilis akong sinaksak ng mga salitang ito na mula sa Diyos. Sa lahat ng mga oras na iyon ay hindi ako naging tapat at ibinatay ang mga kilos ko sa kung ano ang gusto ng iba. Wala man akong direktang ugnayan kay Cristo, hindi ko tinatanggap ang pagsusuri ng Diyos sa kapaligirang inhinanda Niya. Gusto ko lang magyabang at magustuhan ng lider, kaya tinimbang ko ang mga salita ko at sinabi kung ano ang gusto niyang marinig nang walang katiting na katapatan. Lahat ng ito ay pandaraya. Ang paraan ko ng pagsasalita at pagkilos ay gaya sa isang ahas, at kamuhi-muhi ito sa Diyos. Akala ko na ang gawin ito nang walang paghahanda ay makakadaya sa lider, at naisip kong magiging maganda ang impresyon niya sa akin kung magmumukha akong magaling sa pagsagot ko sa tanong, kung magkagayon ay masisiguro ko ang aking posisyon at kinabukasan sa sambahayan ng Diyos. Talagang napakahangal ko, at ang totoo ay sinusubukan kong lokohin ang Diyos. Hindi ako talaga naniwala na sinusuring mabuti ng Diyos ang lahat ng bagay. Ang aking kakayahan, tayog, at mga saloobin, at ang pag-uugali ko at mga pananaw sa bawat sitwasyon—nakikita Niya ang lahat ng mga bagay na iyon nang may ganap na kalinawan. Kahit na maloko ko ang mga tao sa paligid ko, hindi ko kailanman maaaring lokohin ang Diyos. Sa katunayan, ang Diyos ay hindi tumitingin sa kung ano ang sinasabi o ginagawa ko sa harap ng iba, kundi sa kung paano ko hinaharap ang katotohanan. Tinitingnan Niya kung ano ang isinasagawa at isinasabuhay ko araw-araw, at kung paano ako kumilos sa aking tungkulin. Sinisiyasat lalo ng Diyos ang bawat maliit na bagay na gaya nito. Tinitingnan Niya kung minamahal ko at isinasagawa ang katotohanan, at hindi Siya talaga maaaring malinlang ng pagpapanggap kong iyon. At sa huli ay napagtanto ko na hindi lang ako nagiging masama, kundi itinatatwa ko ang pagiging matuwid ng Diyos at ang katotohanan na inoobserbahan Niya ang lahat ng bagay. Kumikilos ako na gaya ng isang hindi mananampalataya. Noon, nang narinig ko ang pagsusuri ng Diyos sa anticristo na nililibak si Cristo at pinupuri Siya ng labis upang mabigyan ng pabor, hindi ko naisip na may kinalaman ito sa akin. Hindi ko kailanman nakaharap ng personal si Cristo, kaya naisip ko na hindi ako magpapakita ng gayong uri ng satanikong disposisyon. Sa huli ay napagtanto ko na mali ako, na hindi mo kailangang magkaroon ng ugnayan kay Cristo upang maihayag ang ganoong satanikong disposisyon. Sinubukan kong sumipsip at magpalakas sa lider, at handa akong gumawa ng mga bagay na tulad noon upang ingatan ang posisyon ko sa sambahayan ng Diyos. Nagpapakita ako ng mismong satanikong disposisyong iyon. Kung sakaling makaharap ko si Cristo, siguradong iyon ay mas magiging kapansin-pansin. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na subukang lokohin at labanan ang Diyos.

Sa loob ng ilang araw, patuloy kong pinag-iisipan kung paanong kahit na nagbigay kami ng maling sagot, hindi kami tinabas at iwinasto ng lider gaya ng inisip ko, at hindi siya nagsabi na ang kakayahan namin ay nagkukulang, paaalisin kami o tumangging sanayin kami. Hiniling niya lang na ibahagi namin ang aming mga iniisip nang sa gayon ay maunawaan niya ang aming mga pagkukulang bago magbahagi ng katotohanan at magbigay ng gabay sa amin sa mga prinsipyo. Ibinunyag din niya ang aming mga tiwaling disposition at sinabi sa amin na pagnilayan namin ang aming mga sarili. Ang lahat ng ginawa niya ay upang tulungan at suportahan kami. Hindi na kailangang gumawa ng mga palagay sa sambahayan ng Diyos, at sa mga kapatid. Pinaisip sa akin noon ang mga salita ng Diyos: “Sa diwa, matapat ang Diyos, at kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos yaong mga lubos na tapat sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Ang mga salita at mga gawa ng Diyos ay labis na karapat-dapat sa ating pagtitiwala, at pinapakitunguhan Niya tayo nang may buong katapatan. Noong nilalang ng Diyos ang tao, sinabi Niya sa kanila kung anong bunga ang maaari at hindi nila maaaring kainin sa hardin. Nagsalita Siya nang simple at direkta—walang panghuhula ang kinailangan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, madalas na sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo.” At sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, mararamdaman natin kung gaano katapat at katotoo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Karamihan dito ay labis na taos-pusong mga salita na nakagiginhawa at mabait, at kahit na ang mga bahagi na nagbubunyag ng ating mga tiwaling disposisyon ay mukhang marahas, lahat ng iyon ay batay sa realidad, at lahat ng iyon ay upang dalisayin at iligtas tayo. Tapat at walang inililihim ang Diyos sa atin. Walang anumang pagkukunwari. Pero nananantya at nagpapakana ako sa gayong sitwayon na walang bahid ng katapatan. Naramdaman ko na talagang sobrang mapandaya at kamuhi-muhi ako.

Pagkatapos ay naalala ko ang ilang salitang mula sa Diyos: “Kinalulugdan Ko yaong mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko yaong mga agarang tumatanggap ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng mga tao at mga bagay, at sa gayon, ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Hindi ko naunawaan dati kung bakit sinabi ng Diyos na ang taong hindi nagdududa sa iba at agad tinatanggap ang katotohanan ay tapat sa paningin ng Diyos. Pero ngayon, sa pagninilay sa Kanyang mga salita, nagsimula akong makaunawa. Ang mga tapat na tao ay hindi naghihinala sa Diyos o sa tao; sila’y inosente. Hindi nila sinusubukang lutasin ang mga bagay gamit ang sarili nilang pag-iisip, ngunit sa halip ay lumalapit sila sa Diyos upang hanapin ang katotohanan. Tinatanggap at isinasagawa nila ang kaya nilang maunawaan at ginagawa nila kung ano ang sinasabi ng Diyos. Hinaharap nila ang katotohanan nang may tapat na puso, at ang gayong uri ng puso ay napakahalaga. Ito ang ibig sabihin ng maging parang bata. Pinagpapala sila ng Diyos; ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanila, at ginagabayan at nililiwanagan sila. Pagkatapos ay mas madali nilang nauunawaan at nakakamit ang katotohanan. Pero, kahit pa may isang tao na makapagsasabi ng mga totoong bagay at makagagawa ng kanilang tungkulin nang bahagya, kung sa panloob naman sila ay tila isang palaisipan, laging naghihinala at nakabantay sa sarili, at naghihinala maging sa kaibig-ibig at mabuting Diyos, kung gayon sila ang pinakamandaraya at di-tapat na uri ng tao. Sa puntong iyon, nagsimula kong maunawaan kung bakit sinasabi ng Diyos na ang mga mapanlinlang na tao ay hindi maililigtas. Bahagi nito ay dahil ang Diyos ay labis na totoo, kinamumuhian Niya ang mga mapanlinlang na tao at hindi sila ililigtas. Ang isa pang bahagi ay may kinalaman sa ating pansariling hangarin. Ang mga mandarayang tao ay sobrang kumplikado. Lagi silang nanghuhula, nagsusuri, at nagbabantay laban sa mga tao, mga bagay, at sa Diyos. Alam din nila kung paano basahin ang mga tao. Ang mga isipan nila ay nalulunod sa mga bagay na ito at hindi nila talaga hinahanap ang katotohanan. Hindi maaaring gumawa ng anumang gawain ang Banal na Espiritu sa kanila. Kaya nga hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan. Gaya ng sinasabi ng Diyos, “Hindi pineperpekto ng Diyos yaong mga mapanlinlang. Kung ang puso mo ay hindi tapat—kung hindi ka isang tapat na tao—kung gayon hindi ka kailanman makakamit ng Diyos. Hindi mo rin makakamit ang katotohanan, at hindi rin makakayang makamit ang Diyos(“Anim na Pahiwatig ng Pag-unlad sa Buhay” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Kaya sa puntong iyon, muli kong tiningnan nang mabuti ang sarili ko. Sa pagharap sa isang isyu, hindi ako lumapit sa Diyos upang hanapin ang katotohanan nang may tapat na puso, sa halip ay masyado akong tutok sa pagkalkula sa mga palagay ng iba. Ganyang-ganyan ako kahit sa mga karaniwang diskusyon kasama ang mga kapatid. Minsan hindi ko lubos na naunawaan ang isang bagay, pero nakikisang-ayon na lang ako sa kung anumang pagkaunawa na mayroon ang karamihan. Minsan ay may sarili akong opinyon, pero natatakot akong magsabi ng maling bagay, kaya pinipigilan ko ang sarili ko at pinapakinggan muna ang iba at magsasalita lang ako kapag alam ko na tama ako. Kung hindi, iniisip ko na hindi ko kailangang magsalita ng anumang bagay para hindi ako mapahiya. Nakita ko kung gaano ako kadaya at paligoy-ligoy. Sumunod lang ako sa maraming tao kapag hindi ko naunawaan ang isang bagay at nagmasid at nakisang-ayon sa kung ano ang ginawa ng iba. Pinigilan ako nitong tunay na maunawaan ang katotohanan. Pero walang nakakatakot sa kakulangan sa kakayahan o hindi pagkaalam sa katotohanan. Ang nakakatakot ay kapag ang mga tao ay laging pinagtatakpan ang hindi nila nauunawaan. Kung magkagayon, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan. Naramdaman ko na mapanganib na magpatuloy sa gayong daan at napakahalaga na maging tapat.

Nagsimula akong maghanap kung paano maging tapat kapag naharap ako sa mga bagay-bagay sa hinaharap, at kung anong mga prinsipyo ang dapat kong panghawakan. Binasa ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Upang maging bukas-puso sa Diyos, dapat mo munang isantabi ang iyong mga pansariling pagnanasa. Sa halip na magtuon ng pansin sa kung paano ka itinuturing ng Diyos, sabihin mo kung ano ang nasa puso mo, at huwag pag-isipan o isaalang-alang kung ano ang mga magiging kahihinatnan ng mga salita mo, sabihin kung anuman ang iniisip mo, isantabi ang mga motibo mo, at huwag subukang gumamit ng mga salita upang makamtan ang ilang layunin. ‘Dapat ko itong sabihin, hindi sa dapat akong mag-ingat tungkol sa aking sasabihin, kailangan kong makamtan ang layunin ko’—may mga pansariling motibo bang nasasangkot dito? Sa mga isip nila, nagpaikut-ikot na ang mga taong ito bago pa man nabanggit ang mga salita, pinag-isipan na nila nang maraming beses kung ano ang sasabihin nila, at sinala ito nang maraming beses sa kanilang isipan. Sa paglabas sa kanilang mga bibig, ang mga salitang ito ay nagdadala ng mga mapanlinlang na plano ni Satanas. Hindi ito isang bukas-pusong paraan ng pagkilos tungo sa Diyos(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (20)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Sa lahat ng mga bagay, dapat kang maging bukas sa Diyos at dapat kang maging bukas-puso—ito ang tanging kundisyon at kalagayan na dapat panatilihin sa harap ng Diyos. Kahit pa hindi ka bukas, bukas ka sa harap ng Diyos. Alam ng Diyos, kung bukas ka man o hindi. Hindi ba’t ikaw ay mangmang kung hindi mo ito nakikita? Kaya paano ka magiging maalam? Alam mong sinisiyasat nang mabuti at nalalaman ng Diyos ang lahat-lahat, kaya huwag mong isiping maaaring hindi Niya alam. Dahil may katiyakan na lihim na nakikita ng Diyos ang pag-iisip ng mga tao, magiging katalinuhan para sa kanila ang maging mas bahagyang bukas-puso, mas bahagyang dalisay, at maging matapat—iyan ang may katalinuhang bagay na dapat gawin. … Kapag nagsisimula na ang mga tao na mag-ukol ng pansin sa anyo, kapag pumapasok na ito sa utak nila, kapag bahagya na nila itong napag-isipan, ito ay magiging isang magulong bagay. Sa kanilang isipan, palagi nilang iniisip, ‘Ano ang masasabi ko upang tumaas ang pagtingin ng Diyos sa akin, at hindi mapansin ang iniisip ko sa aking kalooban? Ano ang tamang dapat sabihin? Dapat ko pang mas itago ang aking sarili, dapat akong maging mas magaling makitungo, dapat akong magkaroon ng isang kaparaanan. Sa oras na iyon, marahil ay tataas na ang pagtingin ng Diyos sa akin.’ Iniisip mo ba na hindi malalaman ng Diyos kung palagi kang nag-iisip ng ganyan? Alam ng Diyos ang anumang iniisip mo. Nakapapagod mag-isip nang ganyan. Higit na mas madali ang magsalita nang tapat at tunay, at ginagawa nitong mas madali ang iyong buhay. Sasabihin ng Diyos na ikaw ay tapat at dalisay, na bukas ang iyong puso—at iyan ay isang kahalagahang walang hanggan. Kung mayroon kang bukas na puso at isang tapat na saloobin, kahit pa may mga pagkakataong mapapalayo ka, at kikilos nang may pagkahangal, sa Diyos, hindi ito isang paglabag. Mas mabuti ito kaysa sa mga walang kahulugan mong pandaraya, at mas mabuti kaysa sa palagiang pag-iisip at pagpoproseso(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (9)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Sinasabi sa mga salita ng Diyos na ang pinakamahalaga at pinakapangunahin sa kung paano natin haharapin ang Diyos at ang mga sitwasyon na inihanda Niya ay ang pagiging bukas ang puso. Kailangan nating buksan ang ating puso sa Diyos nang walang pagtatago o pagbabalatkayo, nang hindi sinusubukang pag-aralan o pag-isipan ang mga bagay-bagay. Tayo ay hindi dapat magtago ng mga motibo sa likod ng ating mga salita o gumawa ng anumang mga pakana, ngunit ibahagi lamang ang ating mga saloobin nang may diwa ng katotohanan. Kailangan nating tanggapin na hindi natin mauunawaan ang mga bagay na hindi natin kayang maarok, at pagkatapos ay lumapit sa Diyos upang hanapin ang katotohanan nang may inosente at tapat na puso. Iyon ay pagiging matalino. Nakikita ng Diyos ang lahat at kilala Niya tayo. Ang kakayahan ko, kung gaano karaming katotohanan ang nauunawaan ko, ang lalim ng karanasan ko, at kung may nauunawaan ako ay mga bagay na alam ng Diyos. Ako ay lantad sa harapan ng Diyos. Ano ang silbi ng pagtatakip ko sa aking mga kasalanan at pagkukunwaring nauunawaan ko ang lahat? Sa katunayan, ang palagi kong pagiging tuso, pagmamasid sa iba, at panghuhula sa kung ano ang iniisip nila at ang pag-iisip ko nang mabuti kung ano ang sasabihin ay parehong nakakapagod sa pag-iisip at emosyon, at kinamumuhian ito ng Diyos. Doon ko sa wakas nakita kung gaano kahalaga ang maging inosente at may taos-pusong katapatan. Pinapahalagahan iyon ng Diyos, at iyon din ay mas malaya at nakakaluwag sa loob na paraan upang mabuhay. Nakita ko rin na hindi lang tinitingnan ng Diyos ang kakayahan ng mga tao o kung tama ang opinyon nila. Tinitingnan Niya ang mga puso natin, ang ating pag-uugali ukol sa katotohanan, at kung anong mga disposisyon ang ating ipinapahayag sa pagpapatuloy. Kahit na mali tayo minsan, kung tayo ay bukas at tapat, hindi papansinin ng Diyos kung mga hangal tayo o nagkukulang sa kakayahan, at hindi Niya tayo parurusahan dahil dito. Sa kabaligtaran, ang pagiging laging madaya ay ang nakikita ng Diyos na kasuklam-suklam at nakapopoot. Sa puntong iyon, nagpasya ako na isasagawa ko ang katotohanan at magiging tapat na tao ako. Sa pagiging bukas sa Diyos sa sitwasyon na Kanyang ginagawa, pagiging tapat sa pakikitungo sa iba, pagsasalita mula sa puso at pagsasabi tungkol sa aking nauunawaan, maaari ko nang unti-unting malutas ang aking mapagpaimbabaw at mapanlinlang na tiwaling disposisyon.

Naalala ko minsan noong nilapitan namin ang lider tungkol sa isang himno ng iglesia na may ilang mga linya na parang mababaw sa amin. Wala siyang sinabing anuman tungkol sa mga linyang iyon, pero sinabi niya na ang himno ay walang halaga, na hindi ito maganda. Ang salitang “Oo” ay bigla na lang lumabas sa bibig ko. Napagtanto ko agad na nagiging mandaraya uli ako. Hindi ko nakita ang mga problema na nakita niya rito. Nagiging taong pala-oo ako, nagkukunwaring naunawaan ko. Nainis ako sa kung paanoong ang isang kasinungalingan ay lumabas sa sandaling binuksan ko ang aking bibig at ayokong mandaya ng isang tao. Kung hindi ko naintindihan ito, kung ganoon, hindi ko ito naintindihan. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa mga kilos at mga salita mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Alam ko na dapat kong baguhin ang kasinungalingang sinabi ko, at maging tapat. Kaya sinabi ko sa lider, “Naisip ko na may problema sa dalawa sa mga linya. Hindi ko napagtanto na ang himnong ito ay walang halaga.” Matiyaga siyang nagbahagi sa amin ukol sa mga problema sa himno at binuksan nito ang aking mga mata nang bahagya ukol sa kanta. Nakaramdam ako ng kapayapaan. Ang katotohanan ay hindi natin kailangang pagandahin ang ating mga salita, mga kilos, o mga pananaw, ngunit maaari lang tayong maging tapat na tao na praktikal at makatotohanan. Sinimulan ko ring isagawa ang katapatan noong ang mga kapatid sa grupo namin ay nagtatalakay ng mga isyu. Tama man ako o mali, ibinahagi ko lang ang tunay kong opinyon. Naging prangka ako tungkol sa anumang bagay na hindi ko naunawaan at kung mali ako, itinama ko ang aking mga mali. Binigyan ako noon ng labis na kapayapaan. Di ko pa naaabot ang pamantayan ng isang tunay na tapat na tao, pero talagang naramdaman ko ang halaga ng pagiging tapat at alam ko na iyon ang tanging paraan upang maligtas ng Diyos. Talagang inaasam ko na maging tapat na tao at nais kong patuloy na magsikap para doon, na hangarin iyon. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kwento ni Joy

Ni Joy, Pilipinas Noon, palagi kong tinatrato ang mga tao batay sa emosyon. Basta mabait sa akin ang mga tao, mabait din ako sa kanila....

Maging Mahigpit sa Sarili Upang Madisiplina ang Iba

Kapag may mga bagay na nangyari dapat alamin natin muna ang ating mga sarili, at gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga kaguluhan sa loob natin. Sa pagpapabuti ng ating kalagayan, nilulutas natin ang ating mga suliranin, at sa ganoon ay maaari nating lutasin ang mga suliranin ng ibang tao. Nguni’t hindi ko kailanman inalam ang sarili kapag may naganap, at itinutok ang mga mata ko sa iba, naghahanap ng kamalian sa kanila kailanma’t maaari.