Hindi Na Isang Pasikat

Disyembre 28, 2020

Ni Mo Wen, Spain

Naalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing iyon. Nakita ko ang mga pagkakamali ng aking mga kapatid sa kanilang mga tungkulin at nalulutas ang mga ito sa pagbabahagi, kaya kuntento ang lahat sa akin, nakakaramdam ako ng tagumpay. Nagsimula akong labis na malugod sa aking sarili, at maramdaman na mas magaling ako kaysa sa iba. Hindi ko rin maiwasang magpasikat. Naisip ko, “Nagmumungkahi ako’t lumulutas ng problema ng mga tao, at maganda ang impresyon ng lahat sa akin. Kung mas tutulungan ko sila, tiyak na mas magmumukha akong maabilidad kaysa sa kanila. At mas tataas ang tingin nila sa akin.” Sa isang pagtitipon, sinabi ni Brother Lu na may nakasalamuha siyang relihiyosong kasamahan. Higit 20 taon nang mangangaral ang lalaki, at isang tunay na mananampalataya, pero may mga relihiyosong kuru-kuro siya. Binigyan siya ng pagbabahagi ni Brother Lu, pero ayaw niyang tanggapin ang ebanghelyo, hindi na alam ni Brother Lu ang gagawin. Naisip ko na, “Siya’y mananampalataya at gustong marinig ang pagbabahagi. Pero hindi ka malinaw na nagbahagi. Naranasan ko na ito dati, kaya pagkakataon ko nang sabihin ang lahat ng tungkol dito.” Sinabi ko sa kanila, “Wala akong nakikitang problema rito. Pagtuunan ninyo ang mga pangunahing punto at magbahagi nang malinaw. Kung handa siyang makinig at nalutas mo ang mga isyu niya, paanong hindi niya iyon matatanggap? Si Brother Zhang ay dating may maraming mga kuru-kuro kaya pinabulaanan ko ang kuru-kuro niya sa tulong ng pagbabahagi at pagkatapos ay lumipat sa susunod. Tinanggap din niya ang ebanghelyo. Magbahagi ka nang malinaw kapag nagpapatotoo sa gawain ng Diyos.” At sinabi ko sa kanila ang tungkol sa mga naging problema ng mga taong pinangaralan ko, kung paanong nilutas iyon ng pagbabahagi ko at ang pagtanggap nila sa ebanghelyo. Detalyado kong binalikan ang mga karanasang ito, na tinitiyak na isama ang lahat, para makita nila kung gaano ako kahusay. Pagkatapos, pinuri ako ng lahat at sinabi ng isang kapatid, “Talagang natumbok mo ito. Bakit hindi ko ito nakita?” Sinabi ko na ang lahat ng iyon ay dahil sa patnubay ng Diyos, pero sa loob ko, sobra akong nasiyahan. Minsan kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa gawain, iisipin ko kung anong sasabihin para isipin ng lahat na isinasaalang-alang ko ang bawat detalye, na may kakayahan ako, matalino, at mas magaling sa iba. Noong ako naman ang nagkokomento, dire-diretso akong magsalita at palaging bukambibig ko ang “ako.” “Ako ang nag-isip nito” atsaka “Nilutas ko mismo iyan!” Puro “Ako…Ako…Ako” Isusulat ko ang mga palagay at ideya at detalyado kong susuriin ang mga ito. Sa paglipas ng panahon, nagsimulang dumepende sa akin ang iba, kaya hindi nila alam kung paano hanapin ang mga prinsipyo. Kapag pinag-uusapan ang gawain, pagsasalitain muna nila ako bago sila magsalita. Minsan, may sasagi na lang sa isip ko, “Kung magpapatuloy ako nang ganito, iidolohin ba ako ng mga tao?” Pero maiisip ko, “Wala akong pinupwersa para makinig sa akin. Sinasabi ko lang ang mga pananaw ko. Gayon pa man, ang pagiging maagap ay isang positibo at responsableng diskarte.” Hindi ko na iyon masyadong inisip pa, at nagpatuloy na lang.

Kalauna’y nakaranas kami ng mga paghihirap sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at bahagyang nasiraan ng loob ang mga kapatid ko. At ganoon din ang naramdaman ko. Noong mga panahong iyon, gusto kong sabihin sa lahat kung anong nararamdaman ko, pero ako ang namamahala, kaya kung madali akong naging negatibo, hindi ba’t magmumukha akong mahina? Ano’ng iisipin ng iba kung alam nilang napakaliit ng katayugan ko? Hindi ba’t masisira ang maganda nilang impresyon sa akin? Naisip ko pa, “Kung positibong pagpasok ang sasabihin ko at aakayin ang lahat sa positibong paraan, hindi ba’t maeengganyo noon ang lahat?” Kaya sa bawat pagbabahagi nakatuon ako sa kung paano ko positibong hinaharap ang mga problema ko, kung paano ako umaasa sa Diyos sa kagipitan at kung paano ako bumangon para harapin ito. Akala ng lahat, matayog ako at kaya ko ang mga bagay. Hinangaan nila akong lahat. Minsan, kapag pinag-uusapan ang gawain kasama ang iba, ibubunyag ko na ako’y nahihirapan sa aking mga tungkulin, na sa sobrang abala ko’y hindi na ako makakain nang sa gayo’y alam nila kung gaano ako naghihirap. Sa mga pagtitipon, hindi ko pinagninilayan ang mga salita ng Diyos o ang sarili ko, kundi iniisip ko lang kung paano magmumukhang malalim at matimbang sa lahat ang mga pagbabahagi ko. Hindi ko namamalayan, matayog na ang mga dinodoktrina ko, at talagang nasisiyahan akong makita ang pagsang-ayon ng iba sa mga sinasabi ko. Sa paglipas ng panahon, may ilang nagsimulang tanungin muna ako kapag may problema sila sa tungkulin. Kahit kaya naman nilang lutasin iyon sa sarili nila kung pag-iisipan lang nang kaunti, kinukuha pa rin muna nila ang opinyon ko. Sasabihin nila sa akin ang kanilang mga kalagayan at malalalim na isipin, at labis akong nasisiyahan na malaman na pinagkakatiwalaan nila ako. Sa paglipas ng panahon, nagmukha akong sobrang abala pero wala akong maramdamang kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu kapag nagbabasa ng mga salita Niya. Kapag pinag-uusapan ang gawain kasama ang iba, ang lahat ng mungkahi ko’y walang kwenta at hindi ko makita kahit na ang mga pinakahalatang problema sa aming gawain. Napagtanto ko sa wakas na ako ay nasa masamang kalagayan. Nawala ang lahat ng kayabangan ko. Akala ko dati, kahanga-hanga ako, pero bigla kong naramdamang para akong isang hangal na walang anumang pwedeng ipagyabang. May malaking kadiliman at sakit sa espiritu ko.

Isang araw, kausap ko ang dalawang kapatid nang sabihin ni Brother Su, “Matagal-tagal na kitang kilala, palagi mong itinataas ang sarili mo at nagpapasikat. Halos hindi mo mabanggit ang iyong mga katiwalian o kamalian pero madalas ibinibida mo ang magagandang punto mo, na nagtulak sa aking isipin na magaling ka at tingalain ka. Kapag may mga problema sa gawain ko, hindi ka nagbabahagi sa mga prinsipyo ng katotohanan, ang sinasabi mo lang ay kung ano’ng ginawa mo at kung paano mo nalutas ang mga problema, kaya naisip kong kamangha-mangha ka at mas magaling kaysa sa amin. …” Hindi ko lubos na matanggap ito mula kay Brother Su, lalo na nang sinabi niyang palagi kong itinataas ang sarili ko at nagyayabang din ako. Umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang ito. Kahit na hindi ako nakipagtalo, sobrang laban ako sa mga sinabi niya. “Hindi ko hiniling na idolohin mo ako. Ganyan ba ako kasama sa iyo?” Isip ko. Hindi ko ito basta matanggap, kaya tinanong ko ang isa pang kapatid. Sa gulat ko, sinabi niya sa akin, “Hindi mo binabanggit ang mga katiwalian o pagkakamali mo. Sadyang hindi na kita maintindihan.” Mas sumama ang loob ko dahil dito. “Paano niya nasasabing hindi na niya talaga ako maintindihan? Mahirap na ba akong intindihin?” Gusto kong magsabi ng kahit ano para mabawi ko man lang ang dignidad ko, pero ang makita silang dalawa na tumatabas at nakikitungo sa akin nang ganoon, alam ko sa sarili ko na may dahilan iyon. Kung totoo ang sinabi nila, may problema nga talaga ako.

Naghanap ako ng mga salita ng Diyos na naglalantad ng mga taong dinadakila ang mga sarili nila. Kaya naman nabasa ko ito: “Dinadakila at pinapatotohanan ang mga sarili nila, ipinagmamarangya ang mga sarili nila, sinisikap na gawing mataas ang pag-iisip sa kanila ng mga tao—may kakayahan sa mga bagay na ito ang tiwaling sangkatauhan. Ganito ang likas na pagtatauli ng mga tao kapag pinamamahalaan sila ng mga satanikong kalikasan nila, at karaniwan ito sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Paano karaniwang dumadakila at nagpapatotoo ang mga tao sa mga sarili nila? Paano nila matatamo ang ganitong layunin? Ang isang paraan ay ang magpatotoo sa kung gaano sila nagdusa, kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, at kung gaano nila ginugol ang mga sarili nila. Iyon ay, ginagamit nila ang mga bagay na ito bilang salapi kung saan dinadakila nila ang mga sarili nila, na nagbibigay sa kanila ng mas mataas, mas matatag, mas ligtas na lunan sa pag-iisip ng mga tao, upang mas maraming mga tao ang papahalagahan, hahangaan, gagalangin, at maging ipipitagan, idadambana, at susundan sila. Iyan ang sukdulang bisa. Makatwiran ba ang mga bagay na ginagawa nila upang matamo ang pakay na ito—ang lahat ng pagdadakila at pagpapatotoo nila sa mga sarili nila? Hindi. Lampas sila sa saklaw ng pagkamakatwiran. Walang kahihiyan ang mga taong ito: Walang kahihiyan silang nagpapatotoo sa nagawa nila para sa Diyos at kung gaano sila nagdusa para sa Kanya. Ipinagmamarangya pa nga nila ang kanilang mga kaloob, mga talino, karanasan, at mga natatanging kasanayan, o ang mga matatalas na kapamaraanan para sa pag-asal sa mga sarili nila at ang mga paraang ginagamit nila upang paglaruan ang mga tao. Ang kaparaanan nila ng pagdadakila at pagpapatotoo sa mga sarili nila ay upang ipagmarangya ang mga sarili nila at maliitin ang iba. Nagkukunwari rin sila at nagbabalatkayo sa mga sarili nila, ikinukubli ang mga kahinaan, mga kakulangan, at mga kabiguan nila sa mga tao upang ang tanging nakikita nila ay ang kanilang luningning. Hindi man lamang sila nangangahas na sabihin sa ibang tao kapag nakararamdam sila ng negatibo; salat sila sa tapang na magbukas at makipagsalamuha sa kanila, at kapag may ginawa silang anumang mali, ginagawa nila ang sukdulan nila upang ikubli at pagtakpan ito. Hindi nila kailanman binabanggit ang pinsalang naidulot nila sa tahanan ng Diyos sa takbo ng paggawa ng tungkulin nila. Kapag may nagawa silang maliit na ambag o natamong ilang maliit na tagumpay, gayunman, mabilis sila sa pagpaparangya nito. Hindi sila makapaghintay na ipaalam sa buong daigdig kung gaano sila may kakayahan, kung gaano kataas ang kakayahan nila, kung gaano sila katangi-tangi, at kung gaano sila mas magaling kaysa sa mga normal na tao. Hindi ba ito isang paraan ng pagdadakila at pagpapatotoo sa mga sarili nila? Ang pagdadakila at pagpapatotoo ba sa iyong sarili ay nakapaloob sa mga makatwirang hangganan ng normal na pagkatao? Hindi. Kaya kapag ginagawa ito ng mga tao, anong disposisyon ang karaniwang nabubunyag? Isa ang kayabangan sa mga pangunahing pagpapakita, sinusundan ng panlilinlang, na kinasasangkutan ng paggawa ng lahat ng maaari upang gawing mataas ang pagpapahalaga sa kanila ng ibang mga tao. Ganap na walang kapintasan ang mga kuwento nila; malinaw na naglalaman ng mga pangganyak at mga pakana ang mga salita nila, at may nakita silang paraan upang itago ang katotohanang nagpapakitang-gilas sila, ngunit ang kalalabasan ng kung ano ang sinasabi nila ay na pinararamdam pa rin sa mga tao na mas mahusay sila kaysa sa iba, na wala silang sinumang kapantay, na ang lahat ng iba ay nakabababa sa kanila. At ang kalalabasang ito ay hindi ba natatamo sa pamamagitan ng mga pakubling paraan? Anong disposisyon ang nasa puso ng gayong mga paraan? At mayroon bang anumang mga sangkap ng kabuktutan? Isa itong uri ng buktot na disposisyon. Makikita na itong mga paraang ginagamit nila ay pinangangasiwaan ng isang mapanlinlang na disposisyon—kaya bakit ko sinasabing buktot ito? Ano ang kaugnayang mayroon ito sa kabuktutan? Ano ang sa palagay ninyo: Maaari bang bukas sila tungkol sa mga layunin nila ng pagdadakila at pagpapatotoo sa mga sarili nila? (Hindi.) Palaging may pagnanasa sa kaibuturan ng mga puso nila, at kung ano ang sinasabi at ginagawa nila ay bilang tulong sa pagnanasang iyan, at kaya ang mga pakay at mga pangganyak sa kaibuturan ng mga puso nila ng kung ano ang sinasabi at ginagawa nila ay itinatagong napakalihim. Gagamit sila, halimbawa, ng pangliligaw o ilang kahina-hinalang kaparaanan upang matamo ang mga pakay na ito. Hindi ba likas na tuso ang gayong pagkamalihim? At hindi ba matatawag na buktot ang gayong pagkatuso? Talagang matatawag itong buktot, at nararamdaman ito nang mas malalim kaysa sa panlilinlang(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (2)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Naisip ko kung paano ako kumikilos sa aking tungkulin: Kapag nagkakaproblema ang mga kapatid, umaarte akong parang nagbabahagi at tinutulungan ko sila, ikinukwento ko kung paano ko nalutas ang mga problema para ibida ang aking galing sa gawain at isipin nilang mas mahusay ako sa kanila. Kapag pinag-uusapan ang gawain, ang unang lalabas sa bibig ko ay “Ako,” para ipagyabang ang sarili ko, para isipin nilang alam ko ang lahat at idolohin nila ako. Itinago ko ang pagiging negatibo at katiwalian ko mula sa iba. Hindi ko tinalakay ang paghihirap ko, at hindi sinuri ang tiwali kong disposisyon. Puro positibo ang sinasabi ko para itago ang kamalian ko, at isipin ng ibang may katayuan ako at tingalain nila ako. Lagi kong sinasabi ang tungkol sa kung gaano ako naghirap sa tungkulin ko at kung gaano kahirap ito, para makita nila kung gaano ako katapat sa tungkulin. At sa mga pagtitipon, malinaw na wala akong pang-unawa sa mga salita ng Diyos o kaya’y sa aking sarili, pero patuloy lang akong nagsasalita, hinahabi ang kathang-isip na alam ko para mas tingalain ako ng ibang tao. Para patuloy kong tamasahin ang kanilang pagpapahalaga’t paghanga, Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng mga bagay na mukhang tama pero ang totoo’y ipinagyayabang ko ang sarili ko, dahilan para lumayo ang loob ng iba sa Diyos. Hindi ba’t ang pag-uugali ko’y sanhi ng masamang disposisyong nabunyag sa mga salita ng Diyos? Anumang gawin ko o paano ko man ginugol ang sarili ko, ang layunin ko’y hindi para gawin nang maayos ang tungkulin ko. Ginawa ko ang lahat para patibayin ang posisyon ko, kinukuha ang loob ng iba para idolohin ako. Nilalakaran ko ang landas ng anticristo. Napagtanto ko sa wakas ang sarili kong panganib kaya nagdasal ako sa Diyos, hangad na magsisi.

Ang mga salitang ito ng Diyos ay biglang sumagi sa isip ko: “Kung isasabuhay ng isang tao ang normal na pagkatao, paano niya dapat bubuksan ang sarili niya at ilalantad ang sarili niya? Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng sarili at malinaw na pagpapakita sa iba ng mga totoong damdamin sa kailaliman ng puso ng isang tao, sa pamamagitan ng nagagawang isagawa ang katotohanan, payak at dalisay. Kung ibubunyag ng isang tao ang katiwalian niya, dapat nagagawa niyang mabatid ang diwa ng suliranin at kapootan at kamuhian ang sarili niya mula sa kaibuturan ng puso niya. Kapag inilantad nila ang mga sarili nila, hindi nila pagtatangkaang bigyang-katwiran ang mga pag-uugali nila, ni hindi nila susubukang ipagsanggalang ang mga ito. … Una, dapat maunawaan ng isang tao ang mga suliranin niya sa isang mahalagang antas, himayin ang sarili niya, at ilantad ang sarili niya. Dapat silang magkaroon ng isang tapat na puso at taimtim na saloobin, at magsalita ng kung ano ang nauunawaan niya sa mga suliranin sa disposisyon niya. Ikalawa, sakaling nararamdaman ng isang tao na labis na malubha ang disposisyon niya, dapat niyang sabihin sa lahat, ‘Kung muli kong ibubunyag ang gayong tiwaling disposisyon, bumangon, lahat kayo—pakitunguhan ako, at ipunto ito sa akin. Huwag mag-aatubili. Maaaring hindi ko ito kakayanin sa oras na iyan, ngunit huwag iyan bigyan ng anumang pansin. Gumawa kayong sama-sama upang bantayan ako. Kung sumiklab nang matindi ang tiwaling disposisyong ito, bumangon, lahat, upang ilantad ako at pakitunguhan ako. Taos-puso akong umaasa na babantayan ako ng lahat, tutulungan ako, at ilalayo ako mula sa pagkaligaw.’ Gayon ang saloobin kung saan isinasagawa ng isang tao ang katotohanan(“Tungkol sa Matiwasay na Pakikipag-ugnayan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang direksyon ko. Gaano ko man naunawaan ang aking mga problema, alam kong hindi ko kayang magpatuloy nang ganoon. Kailangan kong maging tapat at ibunyag ang sarili ko upang ipakita sa lahat ang mga motibo ko sa likod ng mga kilos ko para makita nilang itinataas ko ang sarili ko, at naglalakad sa landas ng mga anticristo. Ito ang pinakaimportante.

Sa sumunod na pagtitipon, lubusan akong naging tapat sa harap ng mga kapatid at hiningi ang kanilang mga tulong at payo. Matapos lubusang maging tapat, talagang gumaan ang pakiramdam ko. Ang iba’y ginugol ang mga sumunod na araw sa pagpapadala sa akin ng mga mensahe, sinasabing, “Lagi kang nagpapasikat sa iyong tungkulin. Ayoko nang hanapin ang mga prinsipyo sa tungkulin ko, nakadepende na lang ako sa iyo. Akala ko’y alam mo na ang lahat at mas madaling tanungin ka.” May ilan sa kanilang nagsabing, “Wala akong ibang natutunan tungkol sa Diyos kamakailan, natuto lang akong mas idolohin ka, iniisip na pareho kang mahusay sa gawain at responsable sa tungkulin mo. Tinitingala kita.” Sumama talaga ang loob ko nang marinig ko ito. Hindi ko mapaniwalaan na ito ang kinalabasan ng paggawa ko ng aking mga tungkulin. Labis akong namimighati at nalulungkot, inisiip na kinamumuhian ako ng Diyos. Lumubog ako sa pagiging negatibo. Pero dahil sa patuloy na pagdarasal sa Diyos at sa tulong at suporta ng iba, napagtanto ko na hindi ito ginagawa ng Diyos upang alisin ako kundi para linisin at baguhin ako. Kung hindi nangyari ito, hindi ko makikita na nasa maling landas ako. Ito ang dakilang kaligtasan ng Diyos para sa akin! Nang maintindihan ko ang kalooban ng Diyos, nagpasya akong magnilay at totoong magsisi.

Binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Masyadong iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Pag-aralan natin ang kanilang likas na pagkatao mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Ni hindi man lang nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang likas na pagkatao ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan!(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin nitong mga salita ng Diyos na ang mayabang kong likas ang nagtulak sa akin para hangarin ang mataas na katayuan sa puso ng iba at nilalabanan ko ang Diyos. Kontrolado ng mayabang na likas na ito, nagsimula akong makaramdam ng pagkalugod sa sarili ko, itinaas ko ang sarili ko at nagpapasikat sa anumang paraang kaya ko. Nagsalita’t kumilos lang ako para mamukod-tangi, ipakita ang aking mga talento at kakayahan. Ipinagyabang ko kung gaano ako nahirapan sa tungkulin ko, gaano ito nakakapagod, at paano ko nalutas ang mga problema, para isipin ng iba na mas mahusay ako, at mas katangi-tangi ako sa kanila. Kinailangan ko lang na tingalain at sambahin ako. Hindi ba’t isa itong anticristong disposisyon? Katulad ko lang din si Pablo. Patuloy niyang ipinapakita ang karunungan at mga talento niya sa pangangaral at gawain, nagpapasikat para hangaan siya. Lagi siyang nagsusulat ng liham sa mga iglesia nagpapasikat tungkol sa kung gaano siya gumawa at naghirap para sa Panginoon para makuha ang loob ng mga tao. Nagtrabaho siya at naghirap hindi para gawin nang mabuti ang tungkulin niya o magpatotoo sa Cristong nagkatawang-tao, kundi para sa mga ambisyon at hangarin niya. Gaano man siya nagtrabaho o naghirap, o gaano man karaming tao ang umidolo sa kanya, dahil hindi niya hinanap ang katotohanan at lumaki lang nang lumaki ang kanyang ulo, sa huli’y walang pakundangan niyang pinatotohanan na siya mismo si Cristo. Nagkasala ito sa disposisyon ng Diyos at pinarusahan siya ng Diyos. Pareho lang kami ng likas ni Pablo. Napaka-mapagmataas at mayabang ko, itinataas ang sarili ko at nagpapasikat para idolohin ako ng lahat, mawalan ng lugar ang Diyos sa mga puso nila at hindi sila umasa sa Diyos o maghanap ng katotohanan kapag may problema. Nilalabanan ko ang Diyos at ipinapahamak ang mga kapatid sa ganitong paggawa ko. Hindi ko naisip na ang ganoong kasamaan at paglaban sa Diyos ay magmumula sa mayabang kong likas. Kapag hindi ako nagsisi, mapupukaw ko ang galit ng Diyos at mapaparusahan. Kung wala ang pagdidisiplina ng Diyos, at tulong at suporta ng mga kapatid, hindi ko mapagninilayan ang sarili ko. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos at dakilang kaligtasan ang nagdulot na malantad ako nang ganoon.

Sa isip-isip ko, noong nakamit ko ang mga bagay sa tungkulin ko at natuklasan ang mga problema, mula iyon sa kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, wala akong maiintindihan. Wala akong realidad ng katotohanan, pero talagang napaka-arogante at napakayabang ko. Napakahangal ko! Hindi ako nagbahagi ng katotohanan o nagpatotoo sa Diyos sa tungkulin ko, kundi nagpasikat lang at nagligaw ng tao—isang napakasamang gawain ito! Talagang nagsimula akong kamuhian ang sarili ko noon. Ayokong magpatuloy sa ganoong paraan, kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, lubhang nagkamali ako! Nakita ko kung gaano ako kayabang at kahangal. Salamat sa pagbibigay Mo ng pagkakataong magsisi. Taimtim kong isasagawa ang katotohanan mula ngayon at tatahakin ang tamang landas. Pakiusap, gabayan Mo ako.”

Tapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ano ang dapat gawin ng isang tao upang hindi dakilain at patotohanan ang sarili? Patungkol sa parehong bagay, mayroong pagpapakitang-gilas upang makamit ang layuning purihin at patotohanan ang iyong sarili at pumukaw ng paggalang sa iba, taliwas sa pagbubukas at paglalantad ng iyong tunay na sarili—magkakaiba ang mga ito sa diwa. Hindi ba mga detalye ang mga ito? Halimbawa, upang buksan at ilantad ang iyong mga motibo at saloobin, ano ang mga pananalita, ang mga ekspresyon na nagpapakita ng kaalaman sa sarili? Anong uri ng pagpapakita na nagdudulot ng labis na pagpuri ng iba ang bumubuo sa pagdadakila at pagpapatotoo sa sarili? Ang pagsasalaysay kung paano ka nanalangin at naghanap ng katotohanan at tumayong saksi sa mga pagsubok ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos. Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay hindi pagpupuri at pagpapatotoo sa iyong sarili. Kinasasangkutan ng pangganyak ang paglalantad sa sarili: Kung ang pangganyak ng isang tao ay upang ipakita sa lahat ang katiwalian niya sa halip na pagdakila sa mga sarili niya, ang mga salita niya ay magiging taimtim, tunay, at batay sa katotohanan; kung ang motibasyon nila ay upang gawing ang ibang mga tao na magbigay ng pagpipitagan sa kanila, upang linlangin ang iba, at ikubli sa kanila ang tunay nilang mukha, upang ihinto ang pagbubunyag sa iba ng kanilang katiwalian o ang mga kahinaan at ang pagiging negatibo, ang kanilang paraan ng pagsasalita ay mapanlinlang at nakakaligaw. Wala bang konkretong pagkakaiba rito?(“Para sa mga Lider at Manggagawa, ang Pagpili ng Isang Landas ang Pinakamahalaga (2)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ring magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat sumaksi para sa Diyos at suklian Siya dahil sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng substansya ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong pag-usapan ang mga hungkag na teorya. Magsalita kayo nang mas makatotohanan; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at walang-lamang teorya para magyabang; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan na totoo at mula sa puso, at magsalita mula sa puso; ito ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iba, at pinaka-nararapat na makita nila(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng Diyos na kailangan kong pagtuunan ang pagninilay at pagkilala sa sarili ko sa tulong ng mga karanasan ko para ayusin ang problema ko sa pagpapasikat. Kailangan kong itama ang mga layunin ko kapag nagbibigay ng mga pagbabahagi at mas talakayin ang tungkol sa mga katiwaliang ipinahayag ko, suriin ang mga layunin at karumihan ko, talakayin ang karanasan kong mahatulan ng mga salita ng Diyos, ano ang naunawaan ko tungkol sa sarili ko, ano’ng naunawaan ko sa disposisyon ng Diyos at Kanyang pagmamahal, at gamitin ang karanasan ko para dakilain at patotohanan ang Diyos. Iyon ang tunay na paggawa ng tungkulin ko. Kaya naman sa susunod na pagtitipon, sinadya kong suriin kung paano ako nagbalak at nagpasikat alang-alang sa katayuan, at kung paano nagsaayos ang Diyos ng sitwasyon para makita ko ang aking kapangitan. Sinabi sa akin ng isang kapatid, “Ipinakita sa akin ng karanasan mo na kahit may tiwaling disposisyon tayo, tanggapin lang natin ang paghatol at pakikitungo ng mga salita ng Diyos, isagawa ang katotohanan at talikdan ang ating laman, tayo’y mababago. Nakita ko rin na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para iligtas ang tao.” Napuno ako ng pasasalamat sa Diyos nang marinig ko ito. Ang pagkakaroon ng pag-unawang ito sa sarili ko’y dahil lahat sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Pagkatapos noon ay sinimulan kong isaisip ito sa tungkulin ko. Kapag may nadidiskubre akong mga pagkakamali sa tungkulin ng iba, magdadasal ako sa Diyos, itatama ang mga layunin ko at ipapahayag ang mga pananaw ko. Hindi na ako nagyayabang tulad nang dati. Maghahanap din ako ng ilang prinsipyo ng katotohanan na pwedeng ibahagi sa mga kapatid. Sa mga pagtitipon, susuriin ko ang mga layunin at bahid sa mga kilos ko at sa mga tiwaling disposisyong ibinunyag ko para makilala ng iba ang tunay na ako. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko at bumalik sa normal ang relasyon ko sa Diyos. Kinalaunan, naramdaman kong maayos akong tinatrato ng iba at hindi na nila ako tinitingala tulad ng dati. Kapag nagsasabi o kumikilos ako nang salungat sa mga prinsipyo ng katotohanan, pinupuna nila ito para maitama ko ang mga bagay. Ang pakikipag-ugnayan sa iba sa ganitong paraan ay talagang nakakapagpalaya. Salamat sa Diyos sa pagsasaayos Niya ng sitwasyong ito para linisin at baguhin ako!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman