Isang Di-maiiwasang Tungkulin
Noong Setyembre ng 2020, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos nun, madalas akong dumadalo sa mga pagtitipon at nagtatanong sa mga kapatid tungkol sa anumang hindi ko naiintindihan. Aktibo ko ring ibinahagi ang aking pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at hinikayat ang iba na magbahagi rin. Isang beses, sinabi sa akin ng lider ng grupo: “Napakahusay mong magbahagi sa mga pagtitipon at magaling kang umunawa, papayag ka bang mag-host ng mga pagtitipon?” Hindi ako makapaniwala: Gusto niya akong mag-host ng mga pagtitipon? Matagal ko nang inaasam ito. Nang manalig ako sa Panginoon, palagi akong naiinggit sa mga nakakapaglibot para mangaral. Gusto ko pa ngang maging pastor para isang araw ay makatayo ako sa pulpito at makapangaral ng mga sermon gaya nila, nakukuha ang paghanga at papuri ng iba. Hindi ako makapaniwalang sa wakas ay natupad na ang pangarap ko. Ako lang ang napiling mag-host sa mga nakakatipon ko at pakiramdam ko’y ibig sabihin nun ay mas magaling ako kaysa sa iba. Tingin ko’y napakaswerte ko at tinanggap ko ang alok nang walang ni katiting na pag-aalinlangan. Nagpasya akong maghanda nang maaga para sa mga pagtitipon, lutasin kaagad ang mga isyu ng mga kapatid pagkalitaw pa lang ng mga ito, at kung hindi ko malutas ang mga ito, humingi ng tulong sa lider ng grupo. Pagkaraan ng ilang panahon, sinabi sa akin ng lider ng grupo na magaling ako sa pagho-host at mas nagkaroon siya ng tiwala sa akin. Nakaramdam ako ng matinding pagmamalaki. Kalaunan, dahil sa ilang pangangailangan ng gawain, inatasan ako ng lider ng iglesia na si Sister Ivy, na magbahagi ng ebanghelyo. Ang pangunahing responsibilidad ko ay mag-anyaya ng mga tao na makinig sa mga sermon. Hindi ko ito matanggap dahil pakiramdam ko, ang katayuan ng isang tagapagbahagi ng ebanghelyo ay mas mababa kaysa sa isang host. Ang mga host ay itinuturing na mga lider—tinutulutan ako ng posisyong ito na pamunuan ang iba at maitangi ang aking sarili, samantalang ang pag-iimbita ng mga tao na makinig sa mga sermon ay isang di-nahahalatang trabaho at hindi ito mapapansin ng iba. Nagreklamo ako sa loob-loob ko: “Bakit ako itinalaga sa gawaing ito? Hindi ba sapat ang galing ko?” Hindi ko talaga maintindihan. Nagkaroon pa ako ng pagkiling laban sa lider, pinaniniwalaang minamaliit niya ako. Nagbahagi siya sa akin kung paanong ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay atas ng Diyos at isang tungkulin na dapat gampanan ng lahat. Noon lang ako nagpasakop nang may pag-aatubili. Ngunit wala talaga akong gana habang nagbabahagi ng ebanghelyo at lagi kong gustong bumalik sa pagho-host ng mga pagtitipon. Naisip ko pa nga na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay hindi ang tamang trabaho para sa akin, at mas marami akong magagawa bilang isang host ng pagtitipon.
Pero sa gulat ko, isang araw, sinabi sa akin ng isang nakatataas na lider: “May magandang balita ako, napili ka bilang lider ng iglesia.” Nabigla ako. Hindi ko pa nauunawaan ang katotohanan, paano ko magagampanan ang ganoon kahalagang papel? Pero alam kong pagtataas ito ng Diyos, kaya tinanggap ko ito. Kalaunan, sinabi sa akin ng lider na ako ang magiging pangunahing responsable sa gawain ng ebanghelyo. Sa sandaling marinig ko ang “gawain ng ebanghelyo,” ang una ko pa ring naisip ay na hindi ito gaanong mahalagang tungkulin. May kinalaman lang ito sa pagbabahagi sa mga naghahanap ng katotohanan, hindi ito makakatulong sa akin na maging tanyag. Nagsimula akong magreklamo sa loob-loob ko at muling tumutol. Ayokong mamahala sa gawain ng ebanghelyo. Kalaunan, habang ginagawa ang aking tungkulin, tumuon lang ako sa pagho-host ng mga pagtitipon at hindi gaanong binigyang-pansin ang gawain ng ebanghelyo. Nang magtanong ang isang nakatataas na lider tungkol sa gawain ng ebanghelyo, wala akong mabuting pagkaunawa at wala akong masabi. Alam ko na ang dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng magagandang resulta ang iglesia sa gawain ng ebanghelyo at hindi marunong magbahagi ng ebanghelyo ang mga kapatid ay dahil sa kapabayaan ko. Sumama talaga ang pakiramdam ko. Nang maglaon, nagtapat ako sa mga lider tungkol sa kalagayan ko at nagbahagi sila at tinalakay nila sa’kin kung paano lutasin ang sitwasyon. Hiniling din nila sa akin na higit na tumutok sa gawain ng ebanghelyo mula noon. Nakonsensya talaga ako. Bilang isang lider, dapat nagdala ako ng pasanin sa gawain ng ebanghelyo, pero nabigo akong umako ng responsibilidad sa aking tungkulin at, dahil dito, hindi magaganda ang resulta ng gawain ng ebanghelyo. Nang matanto ko ang lahat ng ito, sumama talaga ang pakiramdam ko.
Sa isang pagtitipon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na magkaroon ng kaunting pagkaunawa sa sarili ko: Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang saloobin na dapat mayroon ka sa iyong tungkulin, na matatawag na tama at naaayon sa kalooban ng Diyos? Una, hindi mo puwedeng suriing mabuti kung sino ang nagplano nito, kung ano ang antas ng pamumuno ng nagtalaga nito—dapat mo itong tanggapin mula sa Diyos. Hindi mo ito maaaring suriin, dapat mong tanggapin ito mula sa Diyos. Ito ay isang kondisyon. Bukod pa riyan, anuman ang tungkulin mo, huwag kang mamili kung ano ang mataas at mababa. Ipagpalagay na sinasabi mo, ‘Bagama’t ang gawaing ito ay isang atas mula sa Diyos at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gagawin ko ito, baka maging mababa ang tingin ng mga tao sa akin. Ang iba ay may gawain na tinutulutan silang mamukod-tangi. Ibinigay sa akin ang gawaing ito, na hindi ako hinahayaang mamukod-tangi kundi pinapagugol ako ng sarili ko nang hindi nakikita, hindi ito patas! Hindi ko gagawin ang tungkuling ito. Ang tungkulin ko ay dapat akong mamukod-tangi sa iba at tinutulutan akong magkapangalan—at kahit na hindi ako magkapangalan o mamukod-tangi, dapat pa rin akong makinabang dito at maging pisikal na maginhawa.’ Ito ba ay katanggap-tanggap na saloobin? Ang pagiging maselan ay hindi pagtanggap sa kung ano ang nanggagaling sa Diyos; ito ay pagpili ayon sa iyong mga sariling kagustuhan. Hindi ito pagtanggap ng iyong tungkulin; ito ay pagtanggi sa iyong tungkulin, isang pagpapamalas ng iyong pagrerebelde. Ang ganoong pagkamaselan ay nahahaluan ng mga pansarili mong kagustuhan at pagnanais; kapag isinasaalang-alang mo ang iyong sariling pakinabang, ang iyong reputasyon, at iba pa, ang saloobin mo sa iyong tungkulin ay hindi mapagpasakop. Anong saloobin ang dapat mayroon ka sa iyong tungkulin? Una, hindi mo ito dapat suriin, o isipin kung sino ang nagtalaga nito sa iyo; sa halip, dapat mo itong tanggapin mula sa Diyos, bilang isang tungkuling ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, at dapat mong sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos, at tanggapin ang iyong tungkulin mula sa Diyos. Ikalawa, huwag kang mamili kung ano ang mataas at mababa, at huwag mong abalahin ang sarili mo tungkol sa kalikasan nito, kung ito man ay tinutulutan kang mamukod-tangi o hindi, kung ito man ay ginagawa sa harap ng publiko o nang hindi nakikita. Huwag mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Mayroon pang ibang saloobin: pagsunod at aktibong pakikipagtulungan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, natanto ko na walang mas importante o hindi gaanong importante na mga tungkulin. Sa mga mata ng Diyos, anuman ang ating gawain sa iglesia, lahat tayo ay tumutupad sa ating mga tungkulin bilang mga nilikha. Hindi natin dapat tukuyin na mas importante o hindi gaanong importante ang mga tungkulin at hindi natin dapat tingnan ang mga ito na mula sa kung sinong tao. Ito ay mga responsibilidad na dapat nating gampanan. Sa pagninilay-nilay sa sarili ko, nakita ko na lagi kong inuuna ang sarili kong mga kagustuhan, pumipili lang ng mga trabaho na magpapabukod-tangi sa akin. Sa tuwing hindi ko gusto ang trabaho at hindi ito nakakatulong sa akin na mamukod-tangi, hindi ko ito tinatanggap at sa loob-loob ko ay tumututol at nagrereklamo ako. Noong inatasan ako ng lider na mag-host ng mga pagtitipon, dahil gusto ko ang trabahong iyon, natugunan nito ang mga pagnanais ko at naitangi ko ang sarili ko, masaya ako at nagsumikap sa tungkulin. Pero nang italaga ako ng lider na magbahagi ng ebanghelyo, nainis ako sa kanya dahil hindi makakatulong sa akin ang tungkulin na mamukod-tangi, at naniwala akong minamaliit niya ako, kaya nadismaya ako, nalungkot at nagkaroon pa ng pagkiling laban sa kanya. Mapili ako sa tinatanggap kong mga tungkulin, hindi ko tinatanggap ang mga ito na mula sa Diyos at hindi ako tunay na nagpapasakop. Dahil mayroon akong maling palagay sa aking tungkulin, naging pabasta-basta ako sa aking gawain ng ebanghelyo at hindi ito gaanong pinagtuunan. Dahil dito, hindi magagandang resulta ang nakuha namin at direktang naantala ang gawain ng ebanghelyo. Napagtanto ko ang mga pagkakamali ko. Anuman ang tungkuling itinalaga sa akin at magustuhan ko man ‘yon o hindi, hangga’t kinakailangan ito para sa gawain ng iglesia, dapat akong magpasakop at gawin ang aking makakaya. Ito ang dapat na una kong isinasaalang-alang, ngunit palagi kong iniisip ang tungkol sa mga tungkulin ayon sa sarili kong mga kagustuhan. Tunay akong masuwayin at hindi tapat. Salamat sa Diyos! Tuwang-tuwa ako na nakilala ko ang aking katiwalian sa pamamagitan ng pagbabasa ng siping ito ng mga salita ng Diyos. Nagpasya ako: Anuman ang tungkuling italaga sa akin, magpapasakop ako rito.
Pinayapa ko ang isipan ko at tinanong ang sarili: Bakit kaya kung ang isang tungkulin ay natutugunan ang aking mga kagustuhan at pagnanais at tinutulutan akong mamukod-tangi, nagpapasalamat ako sa Diyos, pero kung hindi ko gusto ang tungkulin, ayaw kong gawin ito at nagrereklamo pa nga at hindi nagagawang magpasakop? Natagpuan ko ang sagot sa mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang katayuan at reputasyon ay higit pa sa mga normal na tao, at nasa loob ng kanilang disposisyon at diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng isang anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at wala nang iba. Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanyang buhay, at ang kanyang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanyang ginagawa, ang una niyang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanyang iniisip, na sapat na patunay na mayroon siyang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi niya isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ay hindi ilang karagdagang pangangailangan, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng katayuan o reputasyon; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang katayuan at reputasyon ay malapit na konektado sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila ito kayang isantabi. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa” (Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)). Sa mga salita ng Diyos, nakita ko kung paanong talagang ninanais ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Gusto nilang lagi silang nakahihigit sa iba at magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao. Anuman ang kalagayan, ang una nilang isinasaalang-alang ay palaging kung makukuha ba nila ang paghanga at papuri ng iba. Ang mga normal na tao ay maaaring medyo nalulungkot kung hindi sila nakakakuha ng reputasyon at katayuan, pero para sa mga anticristo, literal na hindi sila makakilos at napakatinding paghihirap nito para sa kanila, hanggang sa puntong halos hindi na sila makapagpatuloy sa buhay. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay. Ganoon din ang disposisyon ko: palaging gustong makakuha ng reputasyon, katayuan at papuri ng iba. Sa aming magkakapatid, gusto ko na palaging ako ang paborito ng mga magulang ko. Sa aming magkakaibigan, gusto kong ako ang pinakasikat. Sa paaralan, gusto kong makuha ang pagsang-ayon ng aking mga guro at bilang isang mananampalataya sa Panginoon, gusto kong maging katulad ng mga mangangaral, na nagbibigay ng mga sermon sa harap ng maraming tao at umaani ng paghanga ng lahat. Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hinahangad ko pa rin ang parehong bagay: Naisip ko na sa pamamagitan ng pagho-host ng mga pagtitipon ay mapapatunayan ko ang aking sarili, makukuha ang papuri ng iba at lubos akong pahahalagahan ng mga lider. Kaya noong naatasan akong mag-host ng mga pagtitipon, napakasaya ko at gusto ko ang pakiramdam ng iginagalang at pinupuri ng lahat. Pero ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay isang hindi nahahalatang tungkulin na hindi mapapansin ng sinuman. Kahit na binigyan pa ako ng titulong “lider”, hindi ko pa rin ito matanggap, iniisip na isa itong hindi mahalagang trabaho, at palagi ko lang iniisip kung kailan ako makakabalik sa pagho-host ng mga pagtitipon. Nang hindi natugunan ang mga pagnanais ko, nagsimula akong kumilos nang pabasta-basta sa trabaho ko, humahantong sa hindi magagandang resulta sa gawain ng ebanghelyo. Noon, lahat ng panalangin ko tungkol sa pagnanais na gawin ang aking makakaya sa tungkulin ko ay hindi totoo at matapat na mga salita— Nililinlang ko ang Diyos! Ginagawa ko lang ang tungkulin ko para mapanatili ang aking katayuan at reputasyon, at makuha ang paghanga ng mga kapatid, hindi para palugurin ang Diyos. Ipinapakita ko ang aking anticristong disposisyon at tinatahak ang landas ng paglaban sa Diyos. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, natakot talaga ako. Napakamapanganib! Tahimik akong nanalangin sa Diyos: “Mahal kong Diyos, ako ay nasa isang napakamapanganib na lugar— hinahangad ko ang reputasyon at katayuan at napunta na ako sa maling landas. Handa na po akong magsisi at manalangin para sa Iyong kaligtasan.”
Nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos sa isang pagtitipon na nakatulong na maitama ang aking maling pananaw sa gawain ng ebanghelyo. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Binabalaan Ko ang lahat ng mga tao at ipinapaalam sa kanilang lahat na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay hindi natatanging bokasyon ng iisang uri o grupo ng mga tao; ito ay bokasyon ng bawat tao na sumusunod sa Diyos. Bakit dapat Kong ipaunawa sa mga tao ang aspetong ito ng katotohanan? At bakit kailangan nilang malaman ang tungkol dito? Dahil ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ang misyon at bokasyon na dapat tanggapin ng bawat nilalang at bawat tagasunod ng Diyos, matanda man o bata, lalaki man o babae. Kapag dumating sa iyo ang misyong ito at kinakailangan mong gugulin ang iyong sarili, magbayad ng halaga, at ialay pa nga ang iyong buhay, ano ang dapat mong gawin? Dapat mo itong tanggapin, dahil nakatali ka sa tungkulin na gawin ito. Ito ang katotohanan, at ito ang dapat mong maunawaan. Hindi ito isang simpleng kakarampot na doktrina; ito ang katotohanan. At paano ito nagiging katotohanan? Ito ay dahil, sa kabila ng paglipas ng panahon, o kung paano nagbabago ang kapanahunan, o kung paano nagbabago ang heograpiya at lugar, isang walang-hanggang positibong bagay ang pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo para sa Diyos; ang kahulugan at ang halaga nito ay hindi nagbabago. Hindi ito nagbabago sa paglipas ng panahon o sa pangheograpiyang lokasyon. Umiiral ito nang walang hanggan, at ito ang dapat tanggapin at isagawa ng bawat nilalang. Ito ang walang hanggang katotohanan. Sinasabi ng ilang tao, ‘Hindi ko ginagampanan ang tungkuling ipalaganap ang ebanghelyo.’ Kahit na ganoon, ang katotohanan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Dahil ito ay isang katotohanan sa mundo ng mga pangitain, lahat ng nananampalataya sa Diyos ay dapat maunawaan ito; ito ay isang bagay na pinag-uugatan ng pananampalataya ng isang tao sa Diyos, at may pakinabang ito sa pagpasok sa buhay ng isang tao. Bukod pa riyan, makakaharap mo ang mga hindi nananalig, anuman ang iyong tungkulin, kaya may responsibilidad kang ipalaganap ang ebanghelyo. Kapag naunawaan mo na ang katotohanan tungkol sa pagpapalaganap sa ebanghelyo, malalaman mo sa iyong puso: ‘Ang pangangaral ng bagong gawain ng Diyos at pangangaral ng ebanghelyo ng Kanyang gawain upang maligtas ang mga tao ay aking bokasyon; anumang lugar o panahon, anuman ang aking posisyon o gampanin o tungkuling kasalukuyan kong ginagampanan, mayroon akong obligasyon na humayo at ipalaganap ang mabuting balita ng bagong gawain ng Diyos. Utang na loob ko ang tungkuling ipasa ito sa tuwing mayroon akong pagkakataon o bakanteng oras.’ Ang mga ito ba ang kasalukuyang saloobin ng karamihan sa mga tao? (Hindi.) Ano ang iniisip ng karamihan sa mga tao? ‘Sa kasalukuyan, mayroon akong pirmihang tungkulin; ako ay nag-aaral at naghahanap na mabuti ng isang pirmihang propesyon at kadalubhasaan, kaya’t walang kinalaman sa akin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo.’ Anong uri ng saloobin ito? Ito ay saloobin ng pag-iwas sa responsibilidad at misyon ng isang tao, isang negatibong saloobin, at ang gayong tao ay walang pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos at hindi masunurin sa Kanya. Kung ikaw, maging sino ka man, ay walang pasanin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, hindi ka ba nagpapakita ng kawalan ng konsensya at katwiran? Kung hindi ka masigasig o maagap sa pakikipagtulungan, pag-ako ng responsibilidad, at pagpapasakop, nagiging negatibo ka lamang at walang ginagawa. Ito ang saloobing hindi mo dapat taglayin. Anumang tungkulin ang iyong ginagawa, at anumang propesyon o kadalubhasaan ang sangkot sa iyong tungkulin, ang isa sa pinakamahahalagang aspeto ng lahat ng bunga ng iyong gawain ay ang maipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng gawain ng Diyos sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Ito ang pinakamaliit na magagawa ng isang nilalang” (Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagsimula akong umiyak—labis akong nakonsensya. Malinaw na ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay atas ng Diyos at hindi maiiwasang tungkulin at misyon ng lahat. Sa iglesia, anuman ang tungkuling ginagampanan natin, iisa ang ating tunay na layon: ang ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos. Samantalang ako, hindi ko nagustuhan ang pagbabahagi ng ebanghelyo at mali ko pang inakala na wala akong parteng dapat gampanan sa gawain ng ebanghelyo. Naisip ko na hangga’t nagho-host ako ng mga pagtitipon at nagdidilig ng mga kapatid, ginagawa ko na ang aking tungkulin at napapalugod ang Diyos. Hindi ko talaga naintindihan kung gaano kahalaga ang gawain ng ebanghelyo. Noon ko lang napagtanto na ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay ang apurahang layunin ng Diyos. Ang gawain ng ebanghelyo ay gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, pagbibigay ng direktang patotoo sa Diyos, pagbibigay-daan sa mga tao na maunawaan ang gawain ng Diyos at makabalik sa harapan Niya para maligtas. Ito ay tunay na makabuluhang gawain. Pero wala sa isip ko na magpatotoo sa Diyos at hindi ako nagdala ng kahit katiting na pasanin sa aking tungkulin. Noong inatasan ako ng lider na magbahagi ng ebanghelyo, tumutol pa nga ako, tinanggihan at iniwasan ang responsibilidad ko. Wala talaga akong konsensya at katwiran! Kung walang nag-anyaya sa akin na makinig sa mga sermon, nagbahagi sa akin ng ebanghelyo at nagpatotoo sa Diyos, hindi ko sana kailanman maririnig ang tinig ng Diyos at hindi sana ako magkakaroon ng pagkakataong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Kung hindi ko magagawa ang parte ko sa pagbabahagi ng ebanghelyo at iraraos lang ang tungkulin, hindi ako ituturing ng Diyos na Kanyang mananampalataya at tagasunod, iisipin Niyang wala akong konsensya at pagkatao. Iniwasan at tinanggihan ko ang mga responsibilidad ko sa pagbabahagi ng ebanghelyo at ninais ko pa nga na pabayaan ang gawain ng ebanghelyo para tumuon sa pagho-host ng mga pagtitipon. Kung gugunitain, isang malaking pagkakamali iyon. Naalala ko ang kwento ni Noe: Hindi nagkaroon ng mga pag-aalinlangan si Noe nang marinig niya ang mga salita ng Diyos at hindi niya inisip ang kanyang sariling mga interes. Nais lamang niyang palugurin ang Diyos, sundin ang Kanyang kalooban at itayo ang arka ayon sa mga utos ng Diyos. Ginawa rin niya ang kanyang makakaya para ibahagi ang ebanghelyo. Naramdaman kong labis na nagbibigay-motibasyon ang karanasan ni Noe. Gusto kong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at gawin nang mabuti ang aking tungkulin tulad ni Noe. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos sa pagtulong sa akin na maunawaan ang aspetong ito ng katotohanan at makilala ang aking katiwalian. Handa akong magsisi at kahit anong gawain pa ang italaga sa akin, ibabahagi ko ang ebanghelyo!
Pagkatapos nun, nagsimula akong tumuon sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Wala akong gaanong karanasan, at naging hamon para sa akin na magbahagi sa iba’t ibang uri ng tao. Baka ayawan nila ako o baka maranasan ko ang lahat ng uri ng paghihirap, pero hindi ako pwedeng sumuko. Naisip ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Anumang tungkulin ang iyong ginagawa, at anumang propesyon o kadalubhasaan ang sangkot sa iyong tungkulin, ang isa sa pinakamahahalagang aspeto ng lahat ng bunga ng iyong gawain ay ang maipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng gawain ng Diyos sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Ito ang pinakamaliit na magagawa ng isang nilalang” (Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Talagang nagbigay sa akin ng motibasyon ang siping ito. Ang tungkuling ipinapagawa sa akin ay isang responsibilidad. Handa na akong magpasakop. Maaaring may mga paghihirap, pero alam ko na hangga’t taos-puso akong nananalangin sa Diyos, gagabayan Niya ako. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.