Ang Makapangyarihang Diyos ba at ang Panginoong Jesus ay Iisang Diyos?

Oktubre 11, 2017

Noong ang sangkatauhan ay nagawang tiwali ni Satanas, sinimulan ng Diyos ang Kanyang plano ng pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Isinagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Noong Kapanahunan ng Kautusan, ibinigay ng Diyos na Jehova ang mga batas at ginabayan ang buhay ng sangkatauhan, ipinapaalam sa mga tao na dapat nilang sambahin ang Diyos, at ipinapaalam sa kanila kung ano ang kasalanan. Ngunit sa pagsapit ng mga huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, lalong tumindi ang katiwalian ng sangkatauhan, at madalas ay nilabag ng mga tao ang mga batas at nagkasala laban kay Jehova. Naharap sila sa panganib ng pagkakondena at kamatayan dahil sa kanilang mga paglabag. Dahil dito, bilang sagot sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus. Siya ay ipinako sa krus alang-alang sa sangkatauhan, at tinubos ang tao mula sa kasalanan, na nagbibigay-daan para makalapit ang mga tao sa Diyos at manalangin sa Diyos, magkumpisal at magsisi, mapatawad sa kanilang mga kasalanan, at mamuhay sa ilalim ng saganang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Ngunit dahil ang likas na pagiging makasalanan ng tao ay kailangan pang lutasin, at madalas nagkakasala pa rin sila at kinakalaban ang Diyos, sa Kapanahunan ng Kaharian ang Diyos ay minsan pang naging tao, gamit ang pangalang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang lahat ng katotohanan para sa kaligtasan at pagdadalisay ng sangkatauhan na nakasalig sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, na inaalis ang likas na pagiging makasalanan ng sangkatauhan, na nagiging sanhi upang matigil ang pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos at pagkalaban sa Diyos, na nagtutulot sa mga tao na tunay na sundin ang Diyos at sambahin ang Diyos, at sa huli ay aakayin ang sangkatauhan tungo sa isang magandang patutunguhan. Kahit na ang ginawang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian ay magkakaiba, at ang mga pangalang tinaglay Niya at ang ipinakita Niyang disposisyon ay magkakaiba, ang diwa at mga layon ng Kanyang gawain ay magkakapareho—lahat ay upang iligtas ang sangkatauhan, at ang lahat ng gawain ay ginagawa ng Diyos Mismo. Gaya ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).

Sa loob ng libu-libong taon, iilang tao ang tunay na nakakilala na ang Panginoong Jesucristo ay ang Diyos Mismo, na Siya ang pagpapakita ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ni Jehova. Sa katunayan, matagal na itong ipinropesiya nang malinaw ng Biblia. Sa Aklat ni Isaias, sinabi noon na “Gayon ma'y kinalugdan ng PANGINOON na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan (o: kapag gagawin Niya ang Kanyang sarili na pinakahandog dahil sa kasalanan)” (Isa 53:10). Mula sa talatang ito ng Biblia makikita na ang ibig sabihin ng para ang Panginoong Jesus ay magsilbing pinakahandog dahil sa kasalanan, inialay ni Jehova ang Kanyang Sarili bilang pinakahandog dahil sa kasalanan, at na ang Panginoong Jesus ay ang Jehova noon. Sinabi rin ng Panginoong Jesus na, “ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama(Juan 14:9). “ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama(Juan 10:38). “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Noong sinabi ng Panginoong Jesus na “Ako at ang Ama ay iisa,” sinasabi Niya na Siya at si Jehova ay iisang Espiritu. Ang mga salitang binigkas ng Panginoong Jesus at ang mga binigkas ni Jehova ay magkapareho—ang mga iyon ay kapwa katotohanan, ang mga iyon ay mga pagbigkas ng iisang Espiritu, at iisa ang pinagmulan ng mga iyon; ibig sabihin, ang Panginoong Jesus at si Jehova ay iisang Diyos. Gayundin, ang pinagmulan ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at yaong sa Panginoong Jesus ay magkapareho, ang mga ito ay ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, ang mga ito ay ang katotohanan, at ang mga ito ay ang tinig ng Diyos. Alam ng lahat ng mga naniniwala sa Panginoon na mas maraming bilang ng mga propesiya sa Biblia ang may kinalaman sa pagbabalik ng Panginoon at sa gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:3). “Narito, ako'y madaling pumaparito(Pahayag 22:12). “At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Lucas 21:27). “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Sa Unang Liham ni Pedro sinabi rin na, “Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pe 4:17). Binanggit nang napakalinaw sa mga banal na kasulatang ito na ang Panginoong Jesus ay magbabalik sa mga huling araw, at magpapahayag ng mga salita at gagawin ang gawain ng paghatol. Sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, gagawin Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na nakasalig sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at nagpapahayag ng lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan. Bagama’t ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay magkaiba, iisa lamang ang pinagmumulan ng mga ito—ang iisang Diyos! Ito ay ganap na katuparan ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12-13). Ang nagkatawang-tao na Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan; ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman