Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China
Ang China ang lupain kung saan naninirahan ang malaking pulang dragon, at ang lugar na lumaban at sumumpa sa Diyos nang pinakamatindi sa buong kasaysayan. Ang China ay parang kuta ng mga demonyo at isang bilangguang kontrolado ng diyablo, hindi mapapasok at hindi matatablan. Bukod pa riyan, ang rehimen ng malaking pulang dragon ay nagbabantay sa lahat ng antas at nagtalaga ng mga tanggulan sa bawat sambahayan. Bunga nito, wala saanman ang mas mahirap ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos. Nang mamuno ang Chinese Communist Party noong 1949, ganap na nasugpo at ipinagbawal ang paniniwala sa relihiyon sa Mainland China. Milyun-milyong Kristiyano ang pinahiya at pinahirapan sa publiko, at ibinilanggo. Ang lahat ng iglesia ay ganap na ipinasara at pinaalis. Kahit ang mga pagpupulong sa bahay ay ipinagbawal. Kung mahuli ang sinuman na nakikibahagi sa isang pagpupulong, ibibilanggo sila at maaari pang pugutan ng ulo. Noong panahong iyon, halos naglaho nang walang bakas ang mga relihiyosong aktibidad. Maliit na bilang lamang ng mga Kristiyano ang patuloy na nanalig sa Diyos, ngunit tahimik lang silang nagdarasal sa Diyos at kumakanta ng mga himno ng papuri sa Diyos sa kanilang puso, na nagsusumamo sa Diyos na muling buhayin ang iglesia. Sa wakas, noong 1981, talagang muling nabuhay ang iglesia, at nagsimulang magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu sa China. Nagsulputan ang mga iglesia na parang mga usbong ng kawayan matapos ang isang ulan sa tagsibol, at dumami nang dumami ang mga tao na nagsimulang manalig sa Diyos. Noong 1983, nang umabot sa sukdulan ang muling pagbuhay sa iglesia, nagsimula ng bagong malupit na paniniil ang Chinese Communist Party. Milyun-milyong tao ang inaresto, idinetena, at tinuruan sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ang rehimen ng malaking pulang dragon ay tinulutan lang ang mga nananalig sa Diyos na sumapi sa Three-Self Patriotic Church na binuo ng pamahalaan. Binuo ng pamahalaang CCP ang Three-Self Patriotic Church sa pagtatangkang lubusang itigil ang lihim na bahay-iglesia at lubos na kontrolin ng pamahalaan ang mga nananalig sa Panginoon. Pinaniniwalaan na ito lang ang paraan para makamtan ang pakay nitong ipagbawal ang pananampalataya at gawing lupaing walang Diyos ang China. Ngunit patuloy na nagtrabaho ang Banal na Espiritu sa bahay-iglesia at sa mga tunay na naniwala sa Diyos, na hindi mapatigil ng pamahalaang CCP. Sa panahong iyon, sa bahay-iglesia kung saan nagtatrabaho ang Banal na Espiritu, lihim na nagpakita si Cristo ng mga huling araw para magtrabaho, at nagsimulang magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.
Sa pagsisimula ng Pebrero 1991, may isang tao sa iglesia ang tila tumanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at nagsimulang magsalita, na nagpapatotoo sa pangalan ng Diyos at sa pagparito ng Diyos. Ang mga salitang ito ay ipinahatid sa mga iglesia, at matapos basahin ang mga ito, lahat ay lubhang nasabik, silang lahat ay lubhang natuwa, at naniwalang tiyak na ito ang kaliwanagan at mga salita ng Banal na Espiritu. Mula noon, nagsimula nang mangusap si Cristo. Kung minsa’y bumigkas si Cristo ng isang talata sa isang araw, kung minsa’y isa kada dalawang araw, at ang mga pagbigkas ay dumalas nang dumalas. Ipinasa ito ng lahat sa paligid at sabik na sabik sila, ang mga pulong ay puno ng kagalakan, at lahat ay masayang-masaya. Sa pagpahayag ni Cristo ng mas maraming salita, lahat ng tao ay nakinig at nasiyahan sa mga salita ng Diyos, at ang kanilang mga puso ay lubos na naakit sa mga salita ng Diyos. Kaya nga, sa mga pagpupulong, pormal silang nagsimulang magalak sa kasalukuyang mga salita ng Banal na Espiritu. Sa panahong iyon, kailangan pang matanto ng mga tao na nagkatawang-tao ang Diyos at ito ang pagpapakita ni Cristo. Itinuring lang nila ang pahayag ni Cristo na kaliwanagan ng Banal na Espiritu na natanggap ng isang karaniwang tao, dahil sa pahayag ni Cristo, hindi pa Siya pormal na nagpatotoo sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Walang nakaunawa kung tungkol saan ang pagkakatawang-tao, at alam lang nila na ang mga salitang ito ay kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kung gayon, tinrato pa rin nila si Cristo na isang karaniwang tao. Nang umabot sa sukdulan ang mga pagbigkas ni Cristo, saka lang sinimulan ng Diyos na patotohanan ang pagkakatawang-tao ng Diyos, na ipinaliliwanag ang mga pagkakaiba ng pagbaba ng Banal na Espiritu sa tao at ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao at pagbubunyag ng hiwaga ng kaganapan ng Espiritu sa laman. Noon lamang nalaman ng mga tao na ang karaniwang taong ito na nakapiling nila at nagpahayag ng mga salita upang patnubayan at tustusan ang mga iglesia, ay ang Diyos na nagkatawang-tao, si Cristo, at ang Diyos na nagpakita. Nang matanto ito, kinamuhian nilang lahat ang kanilang pagiging bulag, tanga, at mangmang, at nagpatirapa sila sa harapan ni Cristo, na humahagulgol at nagsisisi, durog ang kanilang puso dahil sa matinding kalungkutan, ang kanilang mga hagulgol ay dinig sa lahat ng dako. Sa panahong iyon, ang puso ng mga tao ay puspos ng magkakahalong damdamin ng pighati at galak, na hindi kayang ilarawan. Nang mamasdan nila si Cristo, ang alam lang nila ay magpatirapa sa lupa; kung hindi nila ginawa iyon, hindi napalagay ang kanilang kalooban. Nang magpatira sila sa harapan ni Cristo, nasiyahan sila at nadama nila na talagang nanumbalik sila sa Diyos at sila ang pag-aari ng Diyos. Matapos magpakita si Cristo, nagpahayag Siya ng mas marami pang salita, at unti-unting pumasok sa tamang landas ng gawain ng Diyos at nag-umpisa sa paghatol simula sa bahay ng Diyos. Lubos na nilupig ng mga salita ng Diyos ang mga tao. Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ni Cristo sa kahulugan ng pangalan ng Diyos, naihayag ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Kaya tuwirang nagdasal ang mga tao sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, at sa mga oras ng pagpupulong nasiyahan sila sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay dahil sa ang mga salitang ito (ibig sabihin, lahat ng salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) ang kasalukuyang gawain ng Diyos, ang mga salita ng Diyos sa bagong kapanahunan, at ang kasalukuyang kailangan ng mga tao. Dahil may bagong gawain at mga salita ng Diyos, natural na naging lipas na sa panahon ang Biblia, at natural na walang nakinig sa iba’t ibang mga kasabihan at teoriya ng Kapanahunan ng Biyaya. Lahat sila ay napangibabawan ng kasalukuyang mga salita ng Diyos, na para bang nakita nilang nabuksan ang langit. Ito ay dahil sa ibinunyag ng Diyos ang lahat ng uri ng hiwaga, nabuksan ang mga mata ng mga tao, at nakita nila na halos lahat ng kasabihan na dating pinaniwalaan ng mga tao noong Kapanahunan ng Biyaya ay mga haka-haka, at may lihis at maling mga bagay. Salamat sa pagpapakita ng Diyos, tumahak ang mga tao sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Matapos mangibabaw ang mga salita ng Diyos sa mga tao, saka lang nila nalaman na ang karaniwan at normal na taong ito na nagpahayag ng mga salita ng Diyos ay si Cristo, at ang Diyos na nagkatawang-tao.
Si Cristo ay isinilang sa isang karaniwang pamilya sa hilagang China. Mula sa pagkabata, naniwala na Siya sa Diyos nang buong puso. Unti-unti Siyang lumaki na tulad ng isang karaniwang tao. Noong 1989, habang malawakang nagtatrabaho ang Banal na Espiritu sa bahay-iglesia, tumigil si Cristo sa Kanyang pag-aaral at pormal na pumasok sa bahay-iglesia. Noong panahong iyon, taimtim ang puso ni Cristo at nasabik Siyang maglingkod sa Diyos at gampanan ang Kanyang tungkulin. Makalipas ang dalawang taon, nagsimulang magpahayag ng mga salita si Cristo, na isinusulat ang mga salitang nasa puso Niya at ibinibigay ang mga ito sa mga iglesia. Pagkatapos, nang magpahayag si Cristo ng mas maraming katotohanan, naakit ang mga tao sa mga salita ni Cristo, at nagutom silang mabasa ang Kanyang ipinahayag. Partikular dito, ang Kanyang mga salitang naghayag at humatol sa buong likas na katangian ng tiwaling sangkatauhan, at ng malademonyong disposisyon ng tiwaling sangkatauhan, ay tumimo sa puso ng mga tao na parang espadang magkabila ang talim. Noon lamang sila ganap na nilupig ng mga salita ng Diyos, at lumuhod sila sa harapan ng Diyos, noon lamang tinanggap, nakilala, at dinakila ng mga tao si Cristo, at naging praktikal na Diyos na sinamba, minahal, at iginalang ng sangkatauhan. Parehong taglay ni Cristo ang normal na pagkatao at lubos na pagka-Diyos. Maipapahayag Niya ang katotohanan kailanman at saanman, at maisisiwalat ang buong katiwalian ng sangkatauhan. Ang Kanyang mga salita at pananaw ay puno ng katotohanan at karunungan, tulad ng Panginoong Jesus. Ang sinasabi ni Cristo at anumang mayroon Siya ay hindi Niya natutunan mula sa mga aklat, kundi nagmumulang lahat sa banal na katangiang taglay Niya. Si Cristo ay bugtong na anak ng Diyos. Sa Kanyang buhay nakikita ng mga tao ang Kanyang lubos na normal na pagkatao. Mula sa Kanyang gawain at Kanyang pagtitiis sa sangkatauhan, nakikita ng mga tao ang Kanyang banal na katangian at Kanyang disposisyon na hindi nagpaparaya sa kasalanan ng tao. Bagama’t, gaya ng Panginoong Jesus, may mga kahinaan ng tao si Cristo, mayroon din Siyang katangian ng pagsunod sa Espiritu ng Diyos. Siya ay puspos ng katotohanan at karunungan, na nagbibigay-inspirasyon sa matibay na paniniwala sa puso at mga salita ng mga tao. Si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, sa pangalan at sa katotohanan! Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang hamak na tao, at nagtatrabaho nang lihim at mapagpakumbaba sa gitna ng mga tao, na nilulupig ang sangkatauhan at tinatalo ang mga kaaway sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Matagal na Siyang lubos na nagtagumpay, at pinatotohanan at ipinahayag. Ito ang lubos na kapangyarihan, karunungan, at kaluwalhatian ng Diyos. Dahil sa pagpapakita at gawain ni Cristo, nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ay nagsimulang magpatotoo ang mga kapatid na lalaki at babae sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa gawain ng Diyos, at sinimulan nila ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ni Cristo. Ito ang maikling pambungad sa pangyayari sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang Kanyang lihim na pagparito para magtrabaho. Sa madaling salita, si Cristo na nagkatawang-tao ay dumating sa lupain kung saan nakatira ang malaking pulang dragon, at ipinahayag ang mga salita ng paghatol at pagkastigo, at nilupig at iniligtas ang mga piling tao ng Diyos sa China. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nilalabanan si Satanas sa lungga ng malaking pulang dragon, at ibinigay na ang lahat para gisingin ang sangkatauhan, at maging dahilan upang marinig at makilala ng sangkatauhan ang tinig ng Diyos, at sa gayon ay makabalik sila sa harapan ng Diyos at mailigtas ng Diyos. Ito ay isang bagay na bihirang mangyari, at napakalalim ng kahulugan. Sa pagkakatawang-taong ito nagtatrabaho ang Diyos para iligtas ang tao, na ibig sabihin ay naparito ang Diyos upang isaayos ang patutunguhan ng sangkatauhan at wakasan ang kapanahunang ito. Naparito ang Diyos sa Mainland China, ang lupaing tinitirhan ng malaking pulang dragon, at lihim na dumating upang magtrabaho, na nilulupig at inililigtas ang napakatiwaling sangkatauhan at ginagawang perpekto ang isang grupo ng mga tao upang maging mga nagtagumpay. Napasimulan nito ang paghatol ng malaking luklukang maputi sa mga huling araw, at nagbukas ito ng daan para sa pagpapakita ng Diyos sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo sa susunod na hakbang.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.