Nilulupig ng Salita ang Lahat ng Kasinungalingan
Nitong Hunyo, nahalal ako na maging diyakono ng pagdidilig. Isang araw, nagdaos kami ni Sister Cheng Lin ng isang pagtitipon ng mga baguhan. Dahil kakatanggap lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, marami pa ring kuru-kuro ang mga bagong mananampalataya. Natakot ako na hindi magiging malinaw ang pagbabahagi ko at hindi malulutas ang kanilang mga problema, kaya hiniling ko muna sa lider na tulungan akong maghanap ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa kanilang mga kuru-kuro. Sa araw ng pagtitipon, habang nagbabahagi ako sa mga salita ng Diyos na maaga kong naihanda tungkol sa mga kuru-kuro ng mga bagong mananampalataya, naramdaman ko ang kaliwanagan at paggabay ng Banal na Espiritu at nalutas ang kanilang mga kuru-kuro. Nang patapos na kami, tinanong ako ni Cheng Lin, “Talagang detalyado ngayon ang mga tugon mo sa mga katanungan ng mga baguhan. Nakipagbahaginan ka ba muna sa lider?” Nang marinig ko ito, nagsimula akong mag-isip nang kung anu-ano. Dahil bago ako sa tungkuling iyon, naghinala ba siya na hindi sumasalamin sa tunay kong antas ang pagganap ko ngayong araw? Pero natakot ako na kung magiging matapat ako, makikita ni Cheng Lin ang tunay kong tayog at iisipin na hindi ako isang mahusay na manggagawa. Kung makikita niyang nakuha ko mula sa lider ang karamihan sa pagbabahagi, titingalain pa ba niya ako? Naisip ko na hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Kaya, sinabi ko, “Hindi.” Sa sandaling sinabi ko iyon, pakiramdam ko ay nilabag ko ang konsensya ko. Siyempre, nakapagbahaginan na kami ng lider tungkol dito, pero tiningnan ko siya sa mata at sinabing hindi. Hindi ba’t sadya akong nagsisinungaling? Kung darating ang lider balang araw at magtatanong si Cheng Lin tungkol dito, malalantad ang kasinungalingan ko—nakakahiya! Sasabihin nilang lahat sa akin na mapanlinlang talaga ako. Lalo akong hindi mapalagay habang mas iniisip ko iyon. Nang gabing iyon ay nakahiga ako sa kama, putol-putol ang tulog. Kinabukasan, naghanda akong magtapat sa kanya, pero umurong ang dila ko, at hindi ako makapagsalita. Natakot ako na baka maliitin ako ni Cheng Lin kung sasabihin ko sa kanya, at iisipin niya na hindi ako magaling, na masyado akong nakatuon sa pagkilala at katayuan. Baka sabihin niyang talagang manloloko ako para magsinungaling sa gayon kaliit na bagay. Hindi na ako nagsalita matapos pag-isipan ang lahat ng iyon. Naisip ko ang mga salita ng Diyos habang pauwi: “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos ang mga tapat” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Lalo akong nakonsensya. Hindi ko masabi ang ni isang matapat na bagay. Paano ako magiging isang matapat na tao na gusto ng Diyos? Pakiramdam ko ay may malaking bigat na dumudurog sa puso ko—sumama ang loob ko. Tinanong ko ang sarili ko: Alam na alam ko na napopoot ang Diyos sa mga taksil na sinungaling, kaya bakit napakahirap sabihin ang totoo?
Habang nagninilay-nilay, sumagi sa isip ko na hindi lang ako nagsinungaling sa isang bagay. Madalas ganoon din ako sa ibang bagay. Minsan, tinanong kami ng lider kung ilang baguhan ang kaya naming diligan kada buwan. Bago lang ako sa trabaho at hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mga prinsipyo para dito, kaya hindi ko kayang pangasiwaan ang napakarami. Pero kung sasabihin ko ang totoo, natatakot ako na sasabihin ng lider na nagkukulang ako, at hindi ko kaya ang trabaho. Kaya, pinalaki ko nang kaunti ang bilang ko. Mataas naman na ang bilang ko, pero hindi pa rin ako mapalagay. Natatakot ako na baka kalaunan, ipapakita nito na wala akong kamalayan sa sarili at hindi ko maayos na madiligan ang mga baguhan, at na naantala ang pagpasok nila sa buhay. Pero nasabi ko na ito, at nahihiya akong maging tapat sa lider. Kinailangan kong panindigan ito at magpatuloy. At ilang araw bago iyon, tinanong ako ng lider kung gaano katagal bago ko malutas ang problema ng isang baguhan. Hindi ko lubusang naunawaan ang kuru-kuro ng baguhang iyon sa simula, kaya ilang beses akong nagbahagi. Nang tanungin ng lider ang tungkol dito, natakot ako na kung sasabihin ko ang totoo, sasabihin ng lider na wala akong kakayahan. Ang gayon kaliit na isyu na nangangailangan ng maramihang pagbabahagi ay baka pagmukhain akong hindi magaling at walang kakayahan. Para protektahan ang imahe ko, nagsinungaling ako at sinabing nalutas ito ng isang pagbabahagi. Hindi ako mapakali pagkatapos, natatakot na isang araw ay malalantad ako. Sa pagbabalik-tanaw sa ugali ko, nakita kong nagsinungaling ako nang husto sa pagsisikap kong protektahan ang imahe ko at bigyan ang mga tao ng magandang impresyon. Namumuhay ako sa kadiliman at pasakit, napakalayo sa mga pamantayan ng Diyos sa pagiging matapat na tao. Naisip ko ang mga kapatid na nagsisikap na maging matapat na mga tao at lutasin ang mga mapanlinlang na kalikasan. Nagsulat pa nga ang ilan ng mga personal na patotoo. Pero pagkatapos ng maraming taon sa pananampalataya, labis pa rin akong nagsisinungaling, lubos na walang katapatan. Kung mananatili akong ganoon sa aking pananampalataya, siguradong palalayasin ako ng Diyos. Mabilis akong nagdasal: “Diyos ko, maraming taon na akong nananalig sa Iyo. Hanggang ngayon, nagsisinungaling at nanloloko pa rin ako kapag nasasangkot ang mga interes ko, na kinasusuklaman Mo. Ayaw kong magpatuloy nang ganito. Pakiusap, gabayan Mo po ako para malutas ang problema ko sa pagsisinungaling.”
May isang sipi akong nabasa sa aking mga debosyonal. “Sa pang-araw-araw nilang buhay, maraming sinasabi ang mga tao na walang katuturan, hindi totoo, kamangmangan, kahangalan, at pangangatwiran. Sa ugat nito, sinasabi nila ang mga bagay na ito alang-alang sa sarili nilang pagpapahalaga sa sarili, upang matugunan ang sarili nilang banidad. Ang pagbigkas nila ng mga kabulaanang ito ay ang pag-apaw ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Malilinis ang puso mo kapag nalutas ang katiwaliang ito, kaya’t lalo ka nitong gagawing dalisay at lalo pang tapat. Sa katunayan, alam ng lahat ng tao kung bakit sila nagsisinungaling: Para ito sa kapakanan ng kanilang mga interes, karangalan, banidad, at katayuan. At sa pagkukumpara ng kanilang sarili sa iba, pinalalabis nila ang kanilang kakayahan. Bunga nito, nalalantad at nahahalata ng iba ang kanilang mga kasinungalingan, na nagreresulta sa pagkapahiya, pagkawala ng pagkatao, at pagkawala ng dignidad. Ito ang bunga ng napakaraming kasinungalingan. Kapag masyado kang nagsisinungaling, bawat salitang sinasabi mo ay may halong dumi. Lahat ng iyon ay kabulaanan, at walang isa man doon ang maaaring totoo o makatotohanan. Bagama’t maaaring hindi ka napapahiya kapag nagsisinungaling ka, sa loob-loob mo ay nadarama mo nang nakakahiya ka. Madarama mo na inuusig ka ng iyong konsensya, at kamumuhian at hahamakin mo ang iyong sarili. ‘Bakit labis na kaawa-awa ang pamumuhay ko? Talaga bang napakahirap magsabi ng isang matapat na bagay? Kailangan ko bang sabihin ang mga kasinungalingang ito para lang sa karangalan? Bakit nakakapagod mamuhay nang ganito?’ Maaari kang mamuhay sa isang paraang hindi nakakapagod. Kung magsasanay kang maging matapat na tao, maaari kang mamuhay nang madali at malaya, ngunit kapag pinipili mong magsinungaling para maprotektahan ang karangalan at banidad mo, masyadong nakakapagod at masakit ang buhay mo, na ibig sabihin ay sinasaktan mo ang sarili mo. Ano ba ang karangalang napapala mo sa pagsasabi ng mga kasinungalingan? Isa itong hungkag na bagay, isang bagay na ganap na walang kabuluhan. Kapag nagsisinungaling ka, ipinagkakanulo mo ang sarili mong karakter at dignidad. Ang kapalit ng mga kasinungalingang ito ay ang dignidad ng mga tao, ang kanilang pagkatao, at namumuhi at hindi nalulugod ang Diyos sa mga ito. Sulit ba ang mga iyon? Hindi talaga. Ito ba ang tamang landas? Hindi. Ang mga madalas magsinungaling ay namumuhay na nakakulong sa kanilang mga satanikong disposisyon at nasa ilalim ng kapamahalaan ni Satanas, hindi sa liwanag o sa harap ng Diyos. Kadalasan ay kailangan mong pag-isipan kung paano magsinungaling, at pagkatapos mong magsinungaling, kailangan mong pag-isipan kung paano iyon pagtatakpan, at kung hindi mo ito maayos na mapagtatakpan ay lalabas ang kasinungalingan, kaya kailangan mong mag-isip nang husto kung paano mo iyon pagtatakpan. Hindi ba nakakapagod ang ganitong pamumuhay? Lubhang nakakapagod. Sulit ba ito? Hindi talaga. Bakit pa magpapakahirap sa pag-iisip para magsinungaling at pagtakpan ito para lamang sa banidad at katayuan? Sa huli, iisipin mo ito at sasabihin sa sarili mo, ‘Bakit ko ba inilagay ang sarili ko sa sitwasyong ito? Masyadong nakakapagod magsinungaling at pagtakpan ito. Hindi uubra ang paggawa ng mga bagay-bagay sa ganitong paraan. Mas madaling maging matapat na tao.’ Gusto mong maging matapat na tao, ngunit hindi mo mabitiwan ang iyong reputasyon, banidad, at mga interes. Kaya mo lamang magsinungaling at gumamit ng mga kasinungalingan para ipagtanggol ang mga bagay na ito. … Maaaring iniisip mo na mapoprotektahan ng paggamit ng mga kasinungalingan ang iyong hinahangad na reputasyon, katayuan, at banidad, ngunit malaking pagkakamali ito. Ang mga kasinungalingan ay hindi lamang nabibigong protektahan ang iyong banidad at personal na dignidad, kundi, mas malala pa, nagiging dahilan din para mapalampas mo ang mga pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging matapat na tao. Kahit na ipagtanggol mo ang iyong reputasyon at banidad sa oras na iyon, ang nawawala sa iyo ay ang katotohanan, at pinagtataksilan mo ang Diyos, na nangangahulugan na lubos na nawawala sa iyo ang pagkakataong mailigtas at magawang perpekto ng Diyos. Ito ang pinakamalaking kawalan at walang-hanggang pagsisisihan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagiging Matapat Lamang Makakapamuhay ang Isang Tao Bilang Isang Tunay na Tao). Inilarawan ng lahat ng salita ng Diyos ang aking aktwal na kalagayan. Palagi akong nagsisinungaling at nanlilinlang para protektahan ang aking banidad at pride. Nagpapanggap ako, na isang nakakapagod na paraan ng pamumuhay na nagsanhi sa akin na maging miserable. Noong una kong sinimulan ang pagdidilig sa mga baguhan, nakita ni Cheng Lin na ayos naman ang pagbabahagi ko at tinanong niya ako kung nakipagbahaginan na ako sa lider. Talagang normal lang na tanong iyon. Pwede ko sana itong sagutin ng simpleng “Oo.” Pero natakot ako na baka maliitin niya ako kapag sinabi ko ang totoo. Habang inaalala ko ang reputasyon ko, sadya akong nagsinungaling. At saka, nang tanungin kami ng lider kung gaano karaming baguhan ang kaya naming diligan kada buwan, hindi ako sumagot batay sa aking aktwal na kakayahan. Natakot akong sasabihin ng lider na wala akong kakayahan kung magbibigay ako ng mababang bilang, kaya sinadya kong pataasin ito. Pagkatapos ay nag-alala ako na hindi ko ito kakayanin—labis na nakakapagod ang stress sa tungkulin ko. Ganoon din ako sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya. Dahil sa mababaw kong pagkaunawa sa katotohanan, kinailangan kong magbahagi nang maraming beses para malutas ang isyu ng baguhan. Pero inaalala ko kung ano ang iisipin ng lider sa akin, kaya sinabi kong isang pakikipagbahaginan lang ang kinailangan ko. Paulit-ulit akong nagsinungaling at nanlinlang para protektahan ang aking banidad at pride, para sang-ayunan ako ng iba. Masyado akong manloloko at mapagkunwari! Inakala ko na kung hindi ko sasabihin ang totoo, hindi malalaman ng iba at ng lider ang tunay na antas ng kasanayan ko, at mapoprotektahan ko ang imahe ko. Pero nakikita ng Diyos ang lahat. Kaya kong lokohin ang ibang tao, pero hinding-hindi ang Diyos. Pagtagal-tagal, makikilala ako ng lahat. Makikita nila na isa akong taong walang realidad ng katotohanan at palagiang nagsisinungaling. Sa totoo lang, nahihirapan ang loob ko pagkatapos magsinungaling. Natatakot ako sa araw na malalantad ang aking kasinungalingan at mabubunyag kung ano ako. Hindi lang ako mapapahiya, kundi hindi na rin ako pagkakatiwalaan ng iba. Sa mahabang panahon, pinahirapan ako ng pag-aalala at pagkabalisa. Nakakapagod ito nang husto. Nasa kadiliman ako at nasasaktan. Sa patuloy na pagsisinungaling at panloloko, hindi pagsasagawa sa katotohanan o hindi pagiging matapat na tao, hindi lang nagdusa ang sarili kong buhay, kundi namumuhay rin ako nang walang anumang dignidad, na kinasusuklaman ng Diyos. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang magiging pananalita ninyo’y, ‘Oo, oo; Hindi, hindi’: sapagkat ang humigit pa rito ay buhat sa masama” (Mateo 5:37). “Kayo’y sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa no’ng una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagkat walang katotohanan sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagkat siya’y isang sinungaling, at ama nito” (Juan 8:44). Gusto ng Diyos ang matatapat na tao at kinapopootan ang mga mapanlinlang. Dapat ay nagsalita at kumilos ako ayon sa mga salita ng Diyos, sinasabi kung ano ang totoo. Ang oo ay oo, at ang hindi ay hindi. Pero paulit-ulit akong nagsinungaling para protektahan ang sarili kong imahe. Paano ito naiiba sa diyablo na si Satanas? Palaging nagsisinungaling ang diyablo—wala itong anumang sinasabing totoo. Nakapagsinungaling na rin ako nang maraming beses noon. Kung hindi ako magsisisi, siguradong palalayasin ako ng Diyos. Pinag-isipan ko nang husto ang mga kasinungalingan at pagpapanggap ko para protektahan ang imahe ko at tamasahin ang ilang agarang pakinabang. Pero bilang resulta, nasuklam ang Diyos, nayamot ang mga tao, at nagdusa ako. Naging hangal ako.
Nagpatuloy ako sa pagninilay-nilay sa sarili, at may nabasa ako sa mga salita ng Diyos. “Kapag nanlilinlang ang mga tao, ano ang mga intensyon ang nag-uugat mula rito? At ano ang pakay? Ang lahat ng ito ay para magkaroon ng katayuan at katanyagan; sa madaling sabi, ito ay alang-alang sa sarili nilang mga interes. At ano ang nasa pinakaugat ng pagsisikap para sa mga interes? Ito ay para nakikita ng mga tao na mas mahalaga ang mga pansarili nilang interes kaysa lahat ng iba pa. Nanlilinlang sila upang makinabang sila, at sa gayon ay nabubunyag ang kanilang mapanlinlang na disposisyon. Paano dapat lutasin ang problemang ito? Kailangan mo munang tukuyin at alamin kung ano ang mga interes, ano ang idinudulot ng mga ito sa mga tao, at ano ang mga kahihinatnan ng paghahangad sa mga ito. Kung hindi mo ito malutas, mas madaling sabihin na tatalikuran mo ang mga ito pero mahirap itong gawin. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala nang iba pang mas mahirap talikuran kaysa sa sarili nilang mga interes. Iyon ay dahil ang mga pilosopiya nila sa buhay ay ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba’ at ‘Pilitin mong yumaman hanggang sa mamatay ka.’ Malinaw na nabubuhay lang sila para sa sarili nilang mga interes. Iniisip ng mga tao na kung hindi sa kanilang sariling mga interes—kung mawawala ang kanilang mga interes—hindi sila mabubuhay, para bang hindi maihihiwalay ang buhay nila sa sarili nilang mga interes, kaya nga karamihan sa mga tao ay bulag sa lahat maliban sa sarili nilang mga interes. Mas mataas ang tingin nila sa mga ito kaysa sa iba pang bagay, nabubuhay lang sila para sa sarili nilang mga interes, at kapag hinikayat mo silang isuko ang sarili nilang mga interes, para mo na ring hiniling na isuko nila ang buhay nila” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). “Maaaring alam ng isang taong mapanlinlang na sila ay tuso, na mahilig silang magsinungaling at ayaw nilang sabihin ang katotohanan, at na lagi nilang sinisikap na ilihim sa ibang mga tao ang ginagawa nila, ngunit magkagayunman ay natutuwa sila rito, na iniisip sa kanilang sarili, ‘Masarap mabuhay nang ganito. Palagi kong nalilinlang ang ibang mga tao, ngunit hindi nila magagawa iyon sa akin. Halos palagi akong nasisiyahan pagdating sa sarili kong mga interes, kapalaluan, katayuan, at pagkabanidoso. Umaayon ang mga bagay-bagay sa mga plano ko, nang walang hirap, tuluy-tuloy, at walang sinumang nakakahalata.’ Handa ba ang ganoong uri ng tao na maging matapat? Hindi. Naniniwala ang taong ito na ang panlilinlang at kabuktutan ay katalinuhan at karunungan, na mga positibong bagay ang mga ito. Pinahahalagahan nila ang mga bagay na ito at hindi sila makatagal nang wala ang mga ito. ‘Ito ang perpektong paraan ng pagkilos, at ang maginhawang paraan para mabuhay,’ iniisip nila. ‘Sa ganitong paraan lamang nagkakaroon ng halaga ang buhay, at sa ganitong paraan lamang maiinggit at titingala sa akin ang iba. Kahangalan at kamangmangan ang hindi ako mamuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya. Lagi akong magdaranas ng mga kawalan—maaapi, mamaliitin, at matatratong isang utusan. Walang halaga ang gayong klaseng pamumuhay. Hinding-hindi ako magiging matapat na tao!’ Tatalikuran ba ng ganitong klaseng tao ang kanyang mapanlinlang na disposisyon at magsasagawa na maging matapat? Siguradong hindi. … Wala silang pagmamahal para sa mga positibong bagay, hindi nila pinananabikan ang liwanag, at hindi nila minamahal ang daan ng Diyos o ang katotohanan. Gusto nilang sinusunod ang mga makamundong kalakaran, nahuhumaling sila sa katayuan at katanyagan, gustong-gusto nilang nakahihigit sila sa iba, mga tagapagtaguyod sila ng katayuan at katanyagan, iginagalang nila ang mga mahuhusay at sikat, pero ang totoo, mga demonyo at si Satanas ang iginagalang nila. Sa kanilang mga puso, hindi nila hinahangad ang katotohanan, o ang mga positibong bagay, kundi itinataguyod nila ang matuto. Sa puso nila, hindi sila sang-ayon sa mga taong naghahangad ng katotohanan at nagpapatotoo sa Diyos; sa halip, sinasang-ayunan at hinahangaan nila ang mga taong may espesyal na mga talento at kaloob. Hindi sila tumatahak sa landas ng pananampalataya sa Diyos at paghahangad ng katotohanan, kundi naghahangad sila ng katayuan, pagkilala, at kapangyarihan, nagpupunyagi silang maging isang tao na misteryoso at tuso, sinisikap nilang makisalamuha sa mas mataas na antas ng lipunan para maging isang kilalang tao. Nais nilang mabati nang may paghanga at pagtanggap saanman sila magtungo; nais nilang maging idolo ng mga tao. Iyan ang klase ng taong nais nilang kahinatnan. Anong uri ng paraan ito? Ito ang paraan ng mga demonyo, ang landas ng masama. Hindi ito ang daang tinatahak ng isang mananampalataya. Para makuha ang personal na tiwala ng mga tao, para sambahin at sundin sila ng mga ito, ginagamit nila ang mga pilosopiya ni Satanas, ang lohika nito, ginagamit nila ang bawat pakana nito, bawat panlalansi, sa bawat sitwasyon. Hindi ito ang landas na dapat tahakin ng mga taong nananalig sa Diyos; hindi lamang sa hindi maliligtas ang gayong mga tao, haharapin din nila ang parusa ng Diyos—wala itong kaduda-duda” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Pagsampalataya sa Relihiyon o Pagsali sa Seremonyang Panrelihiyon). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung bakit nagawa kong magsinungaling at manlinlang nang paulit-ulit, at kung bakit hindi ako kailanman naglakas-loob na maging bukas at matapat na tao. Ito ay dahil mayroon akong mapanlinlang na kalikasan. Nayayamot ako sa katotohanan at hindi ko mahal ang mga positibong bagay. Hindi ko ginawang prayoridad ang paghahanap sa katotohanan, ang pagiging isang taong nagpapasaya sa Diyos. Sa halip, pinahalagahan ko ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha,” at “Walang mapapala ang tao nang walang sinasabing kasinungalingan,” pati na rin ang sarili kong imahe at mga interes. Noong maliit pa ako, may kamag-anak ako na kakatapos lang ng pag-aaral sa hayskul, pero sinabi niyang nagtapos siya ng kolehiyo. Kapag malinaw na wala siyang kasanayan, itinataas niya ang kanyang sarili, sinasabing pinag-aralan niya ito. Nang magsinungaling siya at magpanggap nang ganoon, hindi lang siya hindi minaliit ng mga tao, kundi tiningala at hinangaan pa nila siya. Naimpluwensyahan ako niyon. Nang hindi ko namamalayan, sinang-ayunan ko sa puso ko ang mga satanikong pamamaraang iyon. Pakiramdam ko, minsan ay talagang nalulutas ng kasinungalingan ang isang isyu. Hindi ka lang makakakuha ng paghanga, kundi maaari mo ring makuha ang gusto mo. Kaya’t nagpatuloy akong mamuhay ayon sa pananaw na ito pagkarating ko sa sambahayan ng Diyos. Kung may kinalaman sa aking imahe o mga interes, hindi ko maiwasang magsinungaling, manloko, at magpanggap. Kahit na nakokonsensya ako pagkatapos magsinungaling, hindi pa rin ako naglalakas-loob na magtapat sa lahat, natatakot na kung magiging prangka ako, makikita nila kung ano talaga ako at bababa ang tingin sa akin. Ang isiping mapapahiya ako nang ganoon—mas mabuti pang patayin mo na lang ako! Mas pinili kong mamuhay sa kadiliman at paghihirap kaysa magbigkas ng matapat na salita, lalong nagiging huwad at mapanlinlang. Ganoong-ganoon din ang Partido Komunista. Gaano man karaming kahiya-hiyang, masasamang bagay ang gawin nito, hinding-hindi nito isisiwalat ang mga iyon, bagkus lolokohin ang mundo sa mga kasinungalingan nito. Nagkukunwari itong dakila, maluwalhati, at tama para linlangin ang mga tao, para lokohin ang mga karaniwang tao. Napakakasuklam-suklam at napakasama nito. Hindi ba’t ang pagsisinungaling at panlilinlang ko ay kapareho ng sa Partido Komunista sa diwa? Ipinaalala nito sa akin ang mga salita ng Diyos: “Anong uri ng paraan ito? Ito ang paraan ng mga demonyo, ang landas ng masama. Hindi ito ang daang tinatahak ng isang mananampalataya. Para makuha ang personal na tiwala ng mga tao, para sambahin at sundin sila ng mga ito, ginagamit nila ang mga pilosopiya ni Satanas, ang lohika nito, ginagamit nila ang bawat pakana nito, bawat panlalansi, sa bawat sitwasyon. Hindi ito ang landas na dapat tahakin ng mga taong nananalig sa Diyos; hindi lamang sa hindi maliligtas ang gayong mga tao, haharapin din nila ang parusa ng Diyos—wala itong kaduda-duda.” Ang Diyos ay tapat. Hinihingi ng Diyos na maging matatapat tayo para makamit ang Kanyang pagliligtas sa huli. Pero ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng pilosopiya at maling paniniwala para linlangin at gawing tiwali ang mga tao, hinihimok tayong palagiang magsinungaling at manloko para sa sarili nating reputasyon at katayuan, lalong nagiging huwad at mapanlinlang. Sa huli, bababa tayo sa impiyerno at paparusahan kasama ni Satanas. Sa puntong iyon, malinaw kong nakita ang tuso at masamang motibo ni Satanas. Kinamumuhian ko ito mula sa kaibuturan ng puso ko at handa akong subukang maging isang matapat na tao.
May iba pa akong nabasa sa mga salita ng Diyos kalaunan. “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay Niyang kinamumuhian at hindi gusto ang mga taong mapanlinlang. Ang pag-ayaw ng Diyos sa mga taong mapanlinlang ay pag-ayaw sa kanilang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, kanilang mga disposisyon, kanilang mga layon, at kanilang mga pamamaraan ng panlilinlang; ayaw ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Kung ang mga taong mapanlinlang ay nagagawang tanggapin ang katotohanan, kilalanin ang kanilang mga mapanlinlang na disposisyon, at handa silang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, sila man ay may pag-asang maligtas, sapagkat pantay-pantay ang pagtrato ng Diyos sa lahat ng tao, at gayundin ang katotohanan. Kaya nga, kung nais nating maging yaong mga nagpapalugod sa Diyos, ang unang bagay na kailangan nating gawin ay baguhin ang ating mga prinsipyo ng pag-uugali: Hindi na tayo maaaring mamuhay pa ayon sa mga satanikong pilosopiya, hindi na tayo magraraos sa pamamagitan ng mga pagsisinungaling at panlilinlang, kailangan nating iwaksi ang lahat ng ating kasinungalingan at maging matapat na tao, sa gayon ay magbabago ang pagtingin sa atin ng Diyos. Dati-rati, laging umaasa ang mga tao sa mga pagsisinungaling, pagkukunwari, at panloloko habang namumuhay kasama ang iba, at gumagamit ng mga satanikong pilosopiya bilang batayan ng kanilang pag-iral, ng kanilang buhay, at pundasyon para sa pag-uugali ng tao. Isang bagay ito na kinasusuklaman ng Diyos. Sa mga hindi nananalig, kung prangka kang magsalita, sinasabi mo ang katotohanan, at isa kang matapat na tao, sisiraan ka, huhusgahan, at tatalikdan. Kaya sumusunod ka sa mga makamundong kalakaran, namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya, mas lalong humuhusay sa pagsisinungaling, at mas lalong nagiging mapanlinlang. Natututo ka ring gumamit ng mga tusong kaparaanan para makamtan ang iyong mga mithiin at protektahan ang iyong sarili. Mas lalo kang nagiging maunlad sa mundo ni Satanas, at dahil dito, mas lalo kang lumulubog sa kasalanan hanggang sa hindi mo na mapalaya ang iyong sarili. Kabaligtaran mismo nito ang mga bagay-bagay sa sambahayan ng Diyos. Kapag mas nagsisinungaling at nanlilinlang ka, mas mayayamot sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos at tatalikdan ka. Kung ayaw mong magsisi at nakakapit ka pa rin sa mga satanikong pilosopiya at lohika, at kung nakikipagsabwatan ka at gumagamit ng mga detalyadong pakana para magbalatkayo at magkunwari, malamang na ilantad ka at palayasin. Ito ay dahil kinamumuhian ng Diyos ang mga taong mapanlinlang. Tanging matatapat na tao ang maaaring umunlad sa sambahayan ng Diyos, at ang mga taong mapanlinlang ay tatalikdan at palalayasin sa huli. Lahat ng ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat). “Ang pagtanggap sa katotohanan at ang kilalanin ang iyong sarili ay ang landas tungo sa pag-unlad ng iyong buhay at sa kaligtasan, ito ang pagkakataon para sa iyo na lumapit sa harapan ng Diyos at tanggapin ang masusing pagsisiyasat ng Diyos at tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at matamo ang buhay at ang katotohanan. Kung susukuan mo ang paghahangad ng katotohanan dahil naghahangad ka ng katayuan at katanyagan at sarili mong mga interes, katumbas lang ito ng pagsuko sa oportunidad na tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at pagtatamo ng kaligtasan. Pinipili mo ang katayuan at katanyagan at ang sarili mong mga interes, pero ang isinusuko mo naman ay ang katotohanan, at ang mawawala sa iyo ay buhay, at ang pagkakataong maligtas. Ano ang mas mahalaga? Kung pipiliin mo ang sarili mong mga interes at tatalikuran ang katotohanan, hindi ka ba tanga? Sa madaling salita, isa itong malaking kawalan para sa isang maliit na pakinabang. Ang katanyagan, katayuan, pera, at interes ay pawang pansamantala lamang, panandalian ang lahat ng ito, samantalang ang katotohanan at ang buhay ay walang-hanggan at hindi nagbabago. Kung lulutasin ng mga tao ang kanilang tiwaling disposisyon na nagsasanhi para hangarin nila ang katayuan at katanyagan, may pag-asa silang magtamo ng kaligtasan. Bukod dito, ang katotohanang nakakamit ng mga tao ay walang hanggan; hindi ito makukuha ni Satanas mula sa kanila, o ng kahit na sino man. Tinalikuran mo ang iyong mga interes ngunit ang nakamit mo ay ang katotohanan at kaligtasan; ang mga resultang ito ay pagmamay-ari mo. Nakamit mo ang mga ito para sa iyong sarili. Kung pipiliin ng mga tao na isagawa ang katotohanan, kahit nawala na ang mga pansarili nilang interes, natatamo nila ang pagliligtas ng Diyos at ang buhay na walang hanggan. Ang mga taong iyon ang pinakamatatalino. Kung makikinabang ang mga tao kapalit ng katotohanan, ang nawawala sa kanila ay buhay at pagliligtas ng Diyos; ang mga taong iyon ang pinakahangal” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). Ipinaalala sa akin ng mga salita ng Diyos na tanging isang matapat na tao ang maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. Ang mga mapanlinlang ay ilalantad at palalayasin lang ng Diyos sa huli. Ang landas na pipiliin ng isang tao at kung anong uri siya ng tao ay direktang nakakaapekto sa kanyang huling hantungan. Pero dati akong sobrang bulag. Sa halip na mahalin ang katotohanan, nakatuon lang ako sa pagpapanatili ng imahe ko, hanggang sa paulit-ulit na ako sa pagsisinungaling at pagpapanggap. Pagkatapos ng nangyari, wala akong lakas ng loob na magtapat, at hindi ko pa rin natugunan kahit ang mga pinakapangunahing kasinungalingan. Hindi ko nabago ang disposisyon ko ni kaunti. Kung mananatili ako sa pananampalataya ko nang ganito, paano ako maliligtas ng Diyos? Nakita ko na walang halaga ang pagmamalasakit sa reputasyon at paghahangad ng personal na pakinabang. Maaaring makuha mo ang paghanga at suporta ng iba sa ganoong paraan, pero ang pagkasuklam ng Diyos sa patuloy na pagsisinungaling at pagkawala ng pagkakataon mong mailigtas ay hindi sulit.
Sa paghahanap ko ng landas para maging matapat na tao, nakita ko ito sa mga salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa pagpasok sa buhay, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, natutunan ko na upang maging isang matapat na tao at magsalita ng totoo, kapag may kinalaman ang isang bagay sa aking pride o mga interes, dapat muna akong magdasal at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Anumang mga kapintasan o pagkukulang ang mayroon ako, o anumang katiwalian ang ipinapakita ko, hindi ko ito pwedeng itago o ikubli. Tanging ang pagpapakita ng totoong ako at paghahanap sa katotohanan ang unti-unting makakalutas sa problemang ito ng pagsisinungaling. Anumang katiwalian ang ipinapakita ko, at anumang mga kapintasan at pagkukulang ang mayroon ako, nakikita nang malinaw ng Diyos, kaya hindi ko pwedeng pagtakpan ang mga ito ng mga kasinungalingan at pagkukunwari. Hindi man ako nakikilala ng ibang tao sa simula, sa paglipas ng panahon, malinaw akong makikita ng lahat. At bagamat responsable ako sa gawain ng pagdidilig, bago pa lang ako sa tungkuling iyon at marami pa akong kapintasan. Kapag hindi ko nauunawaang mabuti ang mga kuru-kuro o isyu ng isang baguhan, o hindi ako nakakapagbahagi nang malinaw sa isang katotohanang hindi ko masyadong nalalaman, ang paghingi ng tulong sa isang lider ay isang normal na pamamaraan, hindi ito nakakahiya. Kailangan kong hayagang harapin ang mga pagkukulang ko at maging matapang na sabihin ang totoo, isagawa ang katotohanan, at maging matapat na tao. Iyon ang tamang daan pasulong. Sumigla ang puso ko nang maisip ko ito. Nagdasal at nagsisi ako sa Diyos. Titigil na ako sa pagsasalita at pagkilos para sa aking reputasyon at mga interes, at sa halip ay magsasagawa ako ayon sa mga salita ng Diyos. Nakita ko si Sister Cheng Lin kalaunan at sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga isyu ko sa pagsisinungaling. Talagang naging magaan at malaya ang pakiramdam ko. Alam ko na masyado kong inaalala ang imahe ko at kung ano ang iniisip ng mga tao sa akin. Kapag nangyayari ang mga bagay-bagay, nakagawian kong protektahan ang reputasyon at mga interes ko, at hindi ko maiwasang magsinungaling. Patuloy akong nagdarasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bantayan ang puso ko, para maging mulat ako kapag malapit na akong magsinungaling, at mabilis na makapagbago ng direksyon, maging isang bukas at matapat na tao.
Minsan sa isang pagtitipon kasama ang isang lider, hiniling niya sa lahat na ibahagi ang kanilang opinyon sa isyu ng isang bagong mananampalataya. Kinabahan ako nang husto. Naroroon ang isang lider. Mas alam niya ang katotohanan at ang mga prinsipyo kaysa sa akin. Magiging malinaw sa isang iglap kung kaya kong tukuyin ang problema, kung tama ako o mali, at kung may mga paglihis. Kung hindi ko makita ang ugat ng isyu o malutas ito, ano na lang ang iisipin ng lider sa akin? Mas lalo akong kinakabahan habang iniisip ko ito, at hindi ako mapakalma at makapag-isip nang maayos. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na dapat akong maging matapat na tao, at sabihin ang totoo. Nakikita ko man o hindi ang problema o kung nagkamali ako sa anumang bagay, dapat maging prangka pa rin ako, hindi nagkukubli, nagbabalatkayo o nagkukunwari, o iniisip ang opinyon ng lider sa akin. Ang mahalaga lamang ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pagiging matapat na tao sa harap ng Diyos.” Napakalma ako ng mga isiping ito. Pagkatapos, naibahagi ko na ang aking opinyon. Pagkatapos makinig, idinagdag ng lider ang sarili niyang pagbabahagi sa mga bagay na nakaligtaan namin. Marami akong nakamit sa ganitong uri ng pakikipagtalakayan. Sa panahon ng pagdidilig pagkatapos niyon, kapag nahaharap ako sa mga problemang hindi ko maunawaan, hinahanap ko ang lider, na siyang tumutulong sa akin batay sa kung ano ang kulang ko. Napakarami ko pang natutunan mula rito.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, naramdaman ko kung gaano kasarap magsabi ng totoo, gaya ng sinasabi sa atin ng Diyos. Labis na nakakaginhawa at nakakapagpalaya ito. Hindi na ako namumuhay sa pagkabalisa at pasakit dulot ng mga kasinungalingan. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos! Kung hindi ako nalantad sa mga sitwasyong ito, o nahatulan at naibunyag ng mga salita ng Diyos, hinding-hindi ako magkakaroon ng gayong pagkaunawa at pagbabago.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.