Kung Bakit Ako Naging Sobrang Mapagmataas at Mapagmagaling
Noong 2017, isinaayos ng iglesia na diligan ko ang mga dayuhang baguhan. Dahil may kaunti akong kadalubhasaan sa mga wikang banyaga, at nakapagdilig na ako ng mga baguhan dati, hindi ko naisip na masyadong mahirap ang trabahong ito. Pero alam ko naman na ang paggawa ng tungkulin ko sa iglesia ay hindi lang basta tungkol sa pagkakaroon ng mga espesyal na kasanayan. Kailangan ko ring maunawaan ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kaya, nung una, medyo mapagpakumbaba ako. Palagi kong pinapaalalahanan ang sarili ko na mas magdasal at umasa sa Diyos kapag may mga nangyayari, at kapag hindi ko nauunawaan ang mga bagay, sumasangguni at lumalapit ako sa iba. Makalipas ang ilang panahon, may nakita akong ilang resulta sa aking gawain. ‘Yong ilang baguhan na hindi regular na pumupunta sa mga pagtitipon ay aktibo nang dumadalo, at handang gampanan ang kanilang mga tungkulin. Nagsanay rin ako ng ilang baguhan na naging mga lider ng iglesia at lider ng grupo. Masayang-masaya ako dahil dito, at pakiramdam ko, may ilan akong talento sa gawaing ito. Kalaunan, lahat ng nagkakaroon ng mahihirap na problema ay pumupunta para kausapin ako, at ang mga pananaw na inihahain ko ang madalas na ginagawa. Unti-unti, sinimulan kong pahalagahan ang sarili ko. Naramdaman ko na pagdating sa wikang banyaga at sa pagdidilig, ako ang pinaka may kakayahan sa grupo. ‘Di naglaon, napili ako bilang isang superbisor, na dahilan para mas isipin ko pang mayro’n akong pambihirang kakayahan ng isip at abilidad sa gawain. Nagsimula akong maging mapagmataas nang hindi ko namamalayan. Anuman ang mga problemang dumarating, pakiramdam ko, simple lang ang mga ito, at direkta kong ginagawa kung ano sa palagay ko ang pinakamabuti. Hindi ako nagdarasal at naghahanap, at hindi ako sumasangguni sa iba. Minsan, may isang problema sa aming gawain, at sinabi ng kapareha kong sister na gusto niyang maghanap ng mga prinsipyo. Sobra akong nanghamak, at nakasimangot kong sinabi sa sister, “Napakasimpleng problema nito. Kailangan mo lang mag-isip nang kaunti at malulutas mo ito. Ang paghahanap ng mga prinsipyo ay ‘di na kinakailangan, hindi ba?” Pagkatapos nun, maingat na maingat niya akong kinausap. Nung panahong iyon, sinabi rin ng ilang kapatid na masyado akong mapagmataas, pero wala akong pakialam. Naramdaman ko na medyo mapagmataas ako, pero lahat naman ay may mga problema. Isa pa, paanong hindi magiging mapagmataas ang isang taong may kaunting kakayahan ng isip? Hindi ko naisip na isa itong malaking problema. Minsan, gusto kong magsagawa ang isang baguhan bilang isang lider ng grupo. Pakiramdam ng lider ko, napakaiksing panahon pa lamang na nananalig ang baguhan na ito, wala itong pundasyon, at hindi kayang gawin ang gawain. Sobrang labag sa loob ko na marinig ito, at naisip ko, “Hindi mahalaga na ikaw ang lider, hindi mo nauunawaan ‘yung baguhan nang gaya ko. Kung marami akong inaalala gaya mo, kailan natin matatapos ang pagsasanay ng mga baguhan?” Naghanap ako ng lahat ng klase ng katwiran para pabulaanan ang iniisip ng lider. Pagkatapos nun, direktang na-promote ang baguhan bilang isang lider ng grupo. Hindi nagtagal, naramdaman niyang masyadong nakaka-stress ang gawain, naging negatibo siya, at muntik nang magbitiw sa kanyang tungkulin. Nung panahong iyon, malungkot na malungkot din ako. Nagsisi ako na hindi ako nakinig sa payo ng lider ko. Pero naisip ko, “Walang perpekto, sino bang gumagawa ng kanyang tungkulin nang hindi nalilihis? Susubukan ko na lang gumawa nang mas mabuti sa susunod.” Pagkatapos, inilantad at iwinasto rin ako ng lider ko sa pagiging sobrang mapagmataas, sinasabing delikado na magpatuloy ako nang ganito. Nung panahong iyon, medyo hindi ako komportable na marinig ito, pero hindi ko kilala ang sarili ko.
Kalaunan, magkasama kaming gumawa ni Sister Ye para pangasiwaan ang gawain ng iglesia. Mas maingat at mas seryoso siya sa kanyang gawain, at nakatuon sa paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan. Kapag nagtatalakayan at nagdedesisyon kami tungkol sa gawain, paulit-ulit niyang sinisiyasat at kinukumpirma ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Gayunpaman, naisip ko na hindi pa siya masyadong magaling, kaya sinimulan ko siyang hamakin. Pagkatapos nun, gumawa ako ng maraming desisyon nang mag-isa, at hindi ko talaga siya sineryoso. Minsan, kinailangang bumili ng iglesia ng ilang bagay, at dahil may sangkot na paggastos ng mga handog dito, paulit-ulit na sinabi sa akin ng lider ko na talakayin ito sa kapareha ko. Nangako akong gagawin ito, pero naisip ko, “Hindi masyadong mahirap ang mga bagay na ito, nagawa ko na ito dati. Kaya ko itong gawin nang mag-isa. Bakit ko pa kailangan ang kapareha ko?” Nung magpadala ng mensahe sa akin ang kapareha ko, nagtatanong ng ilang detalye tungkol sa mga bibilhin ko, sumagot ako, nang hindi nag-iisip, na gumawa na ako ng mga pagsasaayos at wala siyang dapat ipag-alala rito. Ang resulta, hindi pasado sa pamantayan ang mga bagay na binili ko, at ang mga handog ay nasayang. Nung panahong iyon, natataranta ako. Napagtanto ko na ang pag-aaksaya sa mga handog ay isang malaking paglabag. Pakiramdam ko, may mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko, kaya hindi ako makahinga. Madalas akong umiiyak nang palihim, at ang bawat araw ay lubhang nakakapanlumo at napakasakit. Palala nang palala ang kalagayan ko, pahirap nang pahirap ang tungkulin ko, at maraming problema ang hindi ko makita nang malinaw.
Kalaunan, nagbahagi sa akin ang lider, at ibinunyag at iwinasto ako, sinasabing masyadong mapagmataas at mapagmagaling ang disposisyon ko, na basta-basta akong umasta sa tungkulin ko, na hindi ako nakipagtulungan sa iba o nakinig sa mga mungkahi ng ibang tao, at na hindi ako akma na maging isang superbisor. Matapos matanggal, naging miserable ako. Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganito kalalang sitwasyon. Alam kong may kalooban Mo sa likod ng aking pagkakatanggal, pero hindi ko alam ang sanhi ng kabiguan ko. Pakiusap, bigyan Mo ako ng kaliwanagan at tulungan akong pagnilayan nang tama ang aking sarili.” Sa aking mga debosyonal, nakapanood ako ng isang video ng mga salita ng Diyos. “Hindi kailanman naghahanap ng katotohanan ang ilang mga tao habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ginagawa lamang nila kung anong gusto nila, kumikilos ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon, at laging di-makatwiran at padalos-dalos, at hindi talaga sila tumatahak sa landas ng pagsasagawa ng katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng pagiging ‘pabasta-basta at padalos-dalos’? Nangangahulugan ito na kapag nakakaharap ka ng isang usapin, ang kumilos sa paanong tingin mong naaangkop, nang hindi pinag-iisipan, o walang anumang proseso para sa paghahanap. Walang masasabi ang sinumang iba pa na makakaantig sa puso mo o magpapabago ng isip mo. Ni hindi mo matanggap kapag ibinabahagi sa iyo ang katotohanan, kumakapit ka sa sarili mong mga opinyon, hindi ka nakikinig kapag may sinasabing anumang tama ang ibang mga tao, naniniwala ka na ikaw ang tama, at kumakapit ka sa sarili mong mga ideya. Kahit tama ang iniisip mo, dapat mo ring isaalang-alang ang mga opinyon ng ibang mga tao, hindi ba? At kung hindi mo talaga gagawin ito, hindi ba ito pagiging masyadong mapagmagaling? Hindi madali para sa mga taong masyadong mapagmagaling at masuwayin na tanggapin ang katotohanan. … Kung ang iyong saloobin ay matigas na magpumilit, itatwa ang katotohanan, tanggihan ang mga mungkahi ng sinumang iba pa, hindi hanapin ang katotohanan, magtiwala lamang sa iyong sarili, at gawin lamang kung ano ang gusto mo—kung ito ang iyong saloobin anuman ang gawin o hingin ng Diyos, ano ang reaksyon ng Diyos? Hindi ka pinapansin ng Diyos, isinasantabi ka Niya. Hindi ka ba suwail? Hindi ka ba mayabang? Hindi mo ba palaging iniisip na tama ka? Kung hindi ka masunurin, kung hindi ka kailanman naghahanap, kung ang puso mo ay lubusang sarado at palaban sa Diyos, hindi ka papansinin ng Diyos. Bakit hindi ka pinapansin ng Diyos? Dahil kung sarado ang puso mo sa Diyos, matatanggap mo ba ang kaliwanagan ng Diyos? Madarama mo ba kapag kinagagalitan ka ng Diyos? Kapag nagmamatigas ang mga tao, kapag umiiral ang kanilang sataniko at malupit na kalikasan, hindi nila nadarama ang anumang ginagawa ng Diyos, lahat ng iyon ay walang saysay—kaya hindi gumagawa ang Diyos ng gawaing walang silbi. Kung ganito katigas ang uri ng iyong pagiging palaban, ang tanging ginagawa ng Diyos ay manatiling tago mula sa iyo, hindi gagawa ang Diyos ng mga bagay na hindi kailangan. Kapag ganito katigas ang iyong pagiging palaban, at ganito ka kasarado, hindi pipilitin ng Diyos kailanman na gumawa ng anumang bagay sa iyo, o ipipilit sa iyo ang anumang bagay, hindi Niya kailanman patuloy na sisikaping antigin ka at bigyan ka ng kaliwanagan, nang paulit-ulit—hindi ganyang kumilos ang Diyos. Bakit hindi ganoon kumilos ang Diyos? Dahil higit sa lahat ay nakita na ng Diyos ang isang partikular na uri ng disposisyon sa iyo, isang pagiging halimaw na nayayamot sa katotohanan at hindi tinatablan ng katwiran. At sa palagay mo ba ay makokontrol ng mga tao ang isang mabangis na hayop kapag umiiral ang pagiging halimaw nito? May nagagawa ba ang pagsigaw at paghiyaw rito? May silbi ba ang pangangatwiran o pag-aliw rito? Nangangahas ba ang mga tao na lapitan ito? May isang magandang paraan ng paglalarawan dito: Hindi ito tinatablan ng katwiran. Kapag umiiral ang pagiging halimaw ng mga tao at hindi sila tinatablan ng katwiran, ano ang ginagawa ng Diyos? Hindi sila pinapansin ng Diyos. Ano pa ang masasabi sa iyo ng Diyos kapag hindi ka tinatablan ng katwiran? Walang silbing magsalita pa ng anuman. At kapag hindi ka pinapansin ng Diyos, pinagpapala ka ba, o nagdurusa? Nagkakamit ka ba ng kaunting pakinabang, o nawawalan? Walang dudang mawawalan ka. At sino ang nagsanhi nito? (Tayo.) Ikaw ang nagsanhi nito. Walang namilit sa iyo na kumilos nang ganito, subalit naiinis ka pa rin. Hindi ba ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo? Hindi ka pinapansin ng Diyos, hindi mo nadarama ang Diyos, may kadiliman sa puso mo, nakokompromiso ang buhay mo—at ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo, ito ang nararapat sa iyo!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ibinunyag ng salita ng Diyos ang kalagayan ko, lalo na doon sa sinabi nitong, “Hindi ka ba suwail? Hindi ka ba mayabang? Hindi mo ba palaging iniisip na tama ka? Kung hindi ka masunurin, kung hindi ka kailanman naghahanap, kung ang puso mo ay lubusang sarado at palaban sa Diyos, hindi ka papansinin ng Diyos.” “Hindi ka pinapansin ng Diyos, hindi mo nadarama ang Diyos, may kadiliman sa puso mo, nakokompromiso ang buhay mo—at ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo, ito ang nararapat sa iyo!” Naantig ako nang mabasa ito, na para bang harap-harapan akong inilalantad ng Diyos. Masyadong mapagmataas at pabasta-basta kong ginawa ang tungkulin ko. Dahil nakakaunawa ako ng wikang banyaga at kahit papaano ay epektibo sa tungkuling ito, naramdaman kong may mahusay akong kakayahan at mga abilidad. Nung mapili ako bilang isang superbisor, naramdaman kong kayang-kaya ko ito, kaya sinimulan kong maliitin at hamakin ang iba, at hindi ko sineryoso ang ibang tao. Kapag nagkakaroon ako ng problema sa gawain ko, bihira kong tinatalakay ang mga ito sa iba at ginagawa ko ang anumang gusto ko. Kapag nagsasabi ng iba’t ibang mungkahi ang mga kapatid ko, hindi ko tinatanggap ang mga ito mula sa Diyos. Sa halip, ang saloobin ko ay, “Ikaw ba ang mas nakakaunawa nito, o ako?” Kahit na tama ang sinasabi ng iba, hindi ko tinatanggap ito. Sa halip, nilalabanan, tinatanggihan, at pinapabulaanan ko ang mga ito gamit ang lahat ng uri ng mga dahilan. Bilang resulta, ako ang nasunod sa lahat, na nangangahulugan na napigilan ang mga kapatid. Palagi silang nag-aalala kung anong iisipin ko at hindi nila ako makasundo nang normal. Pero kahit gano’n, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Nung ako ang namamahala sa gawain ng iglesia, kumilos ako nang basta-basta at walang mga prinsipyo, na naging dahilan para masayang ang mga handog. Masyadong mapagmataas ang disposisyon ko. Anuman ang sabihin ng iba, hindi ako nakikinig. Sobrang tigas ng ulo ko na wala ako sa katwiran. Ang pag-uugali at saloobin ko ay kasuklam-suklam sa Diyos, at hindi ko man lang makuha ang gawain ng Banal na Espiritu. Lahat ng ginawa ko ay nagdulot ng kaguluhan at pagkagambala. Nang makita ko ang kasamaang ginawa ko, hindi ko maiwasang gustuhing sampalin ang sarili ko. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil labis akong mapagmagaling. Bakit hindi ko magawang makinig sa payo ng ibang tao? Ngayon, narito na ang mga kahihinatnan, at wala nang saysay na pagsisihan ito.
Kalaunan, sinimulan kong pagtuunan ang pagninilay sa mga problema ko. Habang naghahanap, nakabasa ako ng ilang salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng isang bagong pagkaunawa sa aking sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kayabangan at pagmamagaling ang pinakahalatang satanikong disposisyon ng mga tao, at kung hindi nila tatanggapin ang katotohanan, walang paraan para malinis sila. Ang mga tao ay may mayabang at mapagmagaling na mga disposisyon, lagi silang naniniwala na tama sila, at sa lahat ng kanilang iniisip, sinasabi, at binibigyan ng opinyon, lagi silang naniniwala na tama ang sarili nilang pananaw at pag-iisip, na wala sa anumang sinasabi ng ibang tao ang kasinghusay at kasingtama ng sinasabi nila. Lagi silang nakakapit sa sarili nilang mga opinyon, at hindi nakikinig sa anumang sinasabi ng iba; kahit tama ang sinasabi ng ibang mga tao, at naaayon sa katotohanan, hindi nila iyon tinatanggap, mukha lamang silang nakikinig, ngunit wala silang naiintindihan. Kapag oras na para kumilos, ginagawa pa rin nila ang gusto nila; lagi nilang iniisip na tama sila at may katwiran. Maaaring tama ka, at may katwiran, o maaaring tama ang ginagawa mo, walang mga isyu, ngunit ano ang disposisyong ibinubunyag mo? Hindi ba kayabangan at pagmamagaling? Kung hindi mo maalis ang mayabang at mapagmagaling na disposisyong ito, makakaapekto ba ito sa pagganap mo sa iyong tungkulin? Makakaapekto ba ito sa kakayahan mong isagawa ang katotohanan? Kung hindi mo malutas ang ganitong klase ng mayabang at mapagmagaling na disposisyon, malamang bang makaranas ka ng malalaking balakid sa hinaharap? Walang dudang oo, hindi maiiwasan ito. Nakikita ba ng Diyos ang mga bagay na ito na namamalas sa mga tao? Kitang-kita Niya ito; hindi lamang sinusuri ng Diyos ang kaibuturan ng tao, kundi palagi ring minamasdan ang bawat binibigkas at ikinikilos niya. At ano ang sasabihin ng Diyos kapag nakita niya ang mga bagay na ito na namamalas sa iyo? Sasabihin ng Diyos, ‘Napakatigas ng ulo mo! Madaling unawain kung ayaw mong makipagkompromiso kapag hindi mo alam na mali ka, ngunit kung ayaw mo pa ring makipagkompromiso kapag alam na alam mo na mali ka, at ayaw mong magsisi, napakatigas ng ulo mo, at nanganganib ka. Kung, kaninumang mungkahi iyon, tumutugon ka nang negatibo at pagalit, at hindi mo talaga tinatanggap ang katotohanan—kung, sa puso mo, walang iba kundi galit, saradong isip, pagtanggi—katawa-tawa ka, isa kang kakatwang hangal! Napakahirap mong pakitunguhan.’ Anong mayroon sa iyo na napakahirap pakitunguhan? Ang problema sa iyo ay na ang pag-uugali mo ay hindi isang maling paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay o isang maling uri ng asal, kundi ibinubunyag nito ang isang partikular na uri ng disposisyon. Anong uri ng disposisyon ang ibinubunyag nito? Nayayamot ka sa katotohanan at napopoot sa katotohanan. Sa sandaling matukoy ka na napopoot sa katotohanan, sa paningin ng Diyos, mapapahamak ka; itataboy ka ng Diyos, at hindi ka papansinin. … Ang isang taong napopoot sa katotohanan ay mapopoot sa Diyos sa kanyang puso. Bakit Ko sinasabing napopoot siya sa Diyos? Isinumpa ba ng taong ito ang Diyos? Harap-harapan ba Siyang nilabanan nito? Hinusgahan o kinondena ba Siya nito habang nakatalikod Siya? Hindi tiyak na ganoon nga. Kaya bakit sinasabing ang magbunyag ng ganoong disposisyon—isang disposisyon ng pagkapoot sa katotohanan—ay pagkapoot sa Diyos? Hindi ito pagmamalabis; totoo ito. Tulad ng mapagpaimbabaw na mga Pariseo na ipinako sa krus ang Panginoong Jesus dahil kinapootan nila ang katotohanan, kakila-kilabot ang kahihinatnan kapag ito ang nangyari. Ibig sabihin, kapag ang isang tao ay may disposisyon ng pagkayamot sa katotohanan at galit sa katotohanan, may kakayahan siyang ibunyag ang ganitong disposisyon anumang oras at sa anumang lugar, at kung patuloy siyang mamumuhay sa kalagayang umaasa rito, kakalabanin ba niya ang Diyos o hindi? Kapag may nakakaharap siyang isyung may kinalaman sa katotohanan, may kinalaman sa mga pasyang kailangan niyang gawin, kung hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan kundi ay patuloy pa ring namumuhay sa kalagayang umaasa sa kanyang tiwaling disposisyon, likas niyang kakalabanin ang Diyos at pagtataksilan Siya. Iyon ay dahil ang ganitong uri ng tiwaling disposisyon ay walang iba kundi isang disposisyong napopoot sa Diyos, at sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos saka ko lang napagtanto na ang aking disposisyon ay hindi lang mapagmataas, ang mas malala pa, napapagod ako sa katotohanan, namumuhi ako sa katotohanan at sa Diyos. Napakaraming kapatid ang nagbigay sa akin ng payo, at tinabasan at iwinasto ako ng lider ko, pero nagbingi-bingihan ako at ni hindi pinagnilayan ang aking sarili. Maraming beses na ipinakita sa akin ng mga katunayan na mali ang ipinipilit ko. Wala akong ginawa kundi guluhin at gambalain ang gawain, pero hindi ko pa rin pinagnilayan ang sarili ko at nagsarili ako. Minsan, kapag pinapayuhan ako ng mga kapatid, malinaw kong nararamdaman na tama ito at naaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, pero sumusuway at tumatanggi pa rin ako, at talagang napakatigas ng ulo ko. Hindi ba’t ito ang satanikong disposisyon ng pagkapagod sa katotohanan at pagkamuhi sa katotohanan? Sabi ng Diyos, “Sa sandaling matukoy ka na napopoot sa katotohanan, sa paningin ng Diyos, mapapahamak ka.” “Ang isang taong napopoot sa katotohanan ay mapopoot sa Diyos sa kanyang puso.” Mas lalo itong nakakabahala para sa’kin. Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at ang saloobin ng Diyos sa mga tao ay base sa ating saloobin sa katotohanan at sa Diyos. Ang katotohanan ay pagpapahayag ng Diyos, pero ang ipinahayag ko ay ang disposisyon ng pagkapagod at pagkamuhi sa katotohanan. Hindi ba’t pagkamuhi ito sa Diyos? Anuman ang tiwaling disposisyon ng tao, hangga’t kaya nilang tanggapin ang katotohanan, walang bagay na imposibleng maayos, at lahat sila ay may pagkakataon para magbago at mailigtas ng Diyos. Pero kung ang diwa ng kalikasan ng isang tao ay ang mapagod at mamuhi sa katotohanan, siya ay kaaway ng Diyos. Paano maliligtas ang mga kaaway ng Diyos? Naisip ko ang lahat ng anticristong napatalsik sa iglesia. Ito’y dahil kinamumuhian at hindi nila tinatanggap ang katotohanan, at sa wakas ay nabunyag at napaalis sila.
Takot na takot ako, at sa loob ng mahabang panahon pagkatapos nun, namuhay ako sa kalagayan ng paninisi sa sarili. Sa tuwing naiisip ko ang pinsalang naidulot ko sa gawain, parang sinasaksak ang puso ko sa sakit, kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, napakasakit para sa akin ng kabiguang ito, pero kung wala ang ganitong kabiguan, hindi ko malalaman na sobrang lala na ng aking tiwaling disposisyon, at mas lalong ‘di ko mamamalayan na nasa bingit na ako ng kapahamakan. Ayoko nang mamuhay ayon sa tiwali kong disposisyon. Pakiusap, gabayan Mo ako sa pagiging isang taong tinatanggap ang katotohanan at kayang pagtuunan ang pagsasagawa ng katotohanan sa aking tungkulin sa hinaharap.”
Kalaunan, madalas kong mapaisip, “Ano kaya ‘yong nagpapayabang sa akin? Paano ko malulutas ang tiwaling disposisyong ito?” Sa aking mga debosyonal, nakakita ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos na biglang nagbigay ng kaliwanagan sa akin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Iniisip ng mga taong may kaloob at may espesyal na mga talento na napakatalino nila, na nauunawaan nila ang lahat ng bagay—ngunit hindi nila alam na ang mga kaloob at espesyal na talento ay hindi kumakatawan sa katotohanan, na ang mga bagay na ito ay walang koneksyon sa katotohanan. Ang mga ideya at opinyon ng mga tao na ang ugali ay natutukoy sa kanilang mga kaloob at imahinasyon ay kadalasang sumasalungat sa katotohanan—ngunit hindi nila ito nakikita, iniisip pa rin nila, ‘Tingnan ninyo kung gaano ako katalino; napakatalino nang nagawa kong mga pagpapasya! Napakatalinong mga desisyon! Hindi ako kayang pantayan ng sinuman sa inyo.’ Magpakailanman silang nabubuhay sa kalagayan ng narcisismo at pagpapahalaga-sa-sarili. Nahihirapan silang patahimikin ang kanilang puso at magmuni-muni sa hinihingi sa kanila ng Diyos, kung ano ang katotohanan, at kung ano ang mga prinsipyo ng katotohanan. Nahihirapan silang maunawaan ang katotohanan, at kahit na gumaganap sila ng isang tungkulin, hindi nila nagagawang isagawa ang katotohanan, kaya napakahirap din para sa kanila na pumasok sa realidad ng katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay?). “Masasabi ba ninyo na mahirap tuparin nang sapat ang tungkulin ng isang tao? Sa totoo lang, hindi; kailangan lamang magawa ng mga tao na magpakumbaba, magtaglay ng kaunting katinuan, at tumanggap ng angkop na posisyon. Gaano ka man kaedukado, anumang mga gantimpala ang natamo mo, o gaano man kalaki ang nakamtan mo, at gaano man kataas ang iyong katayuan at ranggo, dapat mong talikdan ang lahat ng bagay na ito, dapat kang bumaba sa mataas na kinalalagyan mo—lahat ng ito ay walang halaga. Sa sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang mga karangalang ito, hindi maaaring maging mas mataas ang mga ito kaysa sa katotohanan, sapagkat ang mga paimbabaw na bagay na ito ay hindi ang katotohanan, at hindi makakapalit sa lugar nito. Dapat maging malinaw sa iyo ang isyung ito. Kung sinasabi mong, ‘Napakatalino ko, napakatalas ng isip ko, mabilis akong kumilos, mabilis akong matuto, at napakagaling ng memorya ko, kaya karapat-dapat akong gumawa ng huling desisyon,’ kung palagi mong gagamiting kapital ang mga bagay na ito, at ituturing na mahalaga ang mga ito, at positibo, problema ito. Kung puno ng mga bagay na ito ang puso mo, kung nag-ugat na ang mga ito sa puso mo, mahihirapan kang tanggapin ang katotohanan—at nakakatakot isipin ang mga kahihinatnan niyan. Sa gayon, dapat mo munang iwanan at tanggihan ang mga bagay na iyon na minamahal mo, na tila maganda, na mahalaga sa iyo. Ang mga bagay na iyon ay hindi ang katotohanan; bagkus, maaaring makahadlang ang mga ito sa pagpasok mo sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Sapat na Pagtupad ng Tungkulin?). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos na masyado akong mapagmataas at hindi matanggap ang katotohanan dahil sa isa pang dahilan, na palagi akong namumuhay ayon sa aking mga kaloob. Dahil may alam akong wikang banyaga at may ilang karanasan sa gawain, at sa panlabas ay may kaunti akong kakayahan ng isip, at kayang pamahalaan ang ilang problema sa gawain, itinuring ko ang mga kaloob na ito bilang kapital, hindi kailanman hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan at ang kalooban ng Diyos, tinrato ang mga kapatid ko nang may panghahamak at pangmamata, at hindi kailanman pinakinggan ang kanilang mga mungkahi. Pinahalagahan ko ang mga kaloob nang higit sa lahat, namuhay ako sa kalagayan ng pagpapahalaga sa sarili, yumabang ako nang yumabang, at wala sa katwirang naniwala sa sarili ko, na para bang hindi ako kailanman nagkamali, pero paulit-ulit na nabunyag na ang mga ideya ko ay ni hindi umaayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Mali lahat ito. Samantala, ang ilang kapatid ay ordinaryo sa panlabas at walang mga kaloob, pero sa kanilang tungkulin ay nagawa nilang hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan sa praktikal na paraan, makikita sa kanila ang patnubay ng Diyos, at kaya nilang magkamit ng magagandang resulta sa kanilang tungkulin. Ipinakita sa akin ng mga katunayan na ang pagkakaroon ng mga kaloob ay hindi nangangahulugan ng pagkaunawa sa katotohanan. Kung ginagawa natin ang ating tungkulin nang hindi hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan, at namumuhay tayo gamit lamang ang ating mga kaloob, maaari lamang tayong yumabang nang yumabang, mawawalan tayo ng lahat ng pagkatao at katwiran, at di-sinasadyang lalabanan ang Diyos. Para malutas talaga ang isang mapagmataas na disposisyon, kailangan nating bitawan ang kapital na ito, at pagkatapos ay matutong itatwa ang ating mga sarili at hanapin ang katotohanan.
Pagkatapos nun, pinagtuunan ko ang pagsasagawa nang ganito, pero nung nagkaroon ako ng mga problema at gusto kong humingi ng tulong sa mga kapatid ko, may pagtatalo pa rin sa kalooban ko. Pakiramdam ko, sobrang akma ang mga ideya ko, at ‘di na kailangang magtanong pa sa lahat. Nag-alala akong hahamakin ako ng iba dahil ‘di ko man lang makayanan ang isang simpleng gawain, pero nung naisip ko ang mga paglabag na nagawa ko dahil masyado akong bilib sa sarili ko, medyo natakot ako, at hindi na nagtangkang kumapit sa mga sarili kong ideya. Nagawa kong talikdan ang sarili ko at talakayin ito sa lahat. ‘Di nagtagal, nakita ng aking mga kapatid na mayroon na akong kaunting pagkaunawa sa sarili ko at ilang pagbabago, at naihalal ako na pamunuang muli ang iglesia. Minsan, kinulang sa diyakono ng ebanghelyo ang iglesia. Nakita ko na si Sister Li ay maagap sa pangangaral ng ebanghelyo at aktibong nagbabahagi sa mga pagtitipon, kaya sa puso ko, nagpasya ako na si Sister Li ang pinakaakmang kandidato. Nung panahong iyon, pinaalalahanan ako ng kapareha kong sister na ang pagpili sa diyakono ng iglesia ay hindi isang maliit na bagay, at na dapat kong hingin ang tulong ng lider ko. Nang makita ko ang nag-aalangan na reaksyon ng sister ko, naisip ko, “Palagi namang aktibo si Sister Li sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Bukod kay Sister Li, mayroon pa bang mas naaangkop na kandidato? Isa pa, ang promosyon naman ay isang pagkakataon lang para magsagawa, kung hindi siya akma, pwede namin siyang ilipat. Bakit ko pa kailangan na payuhan ako ng lider?” Habang lumalaban ako, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Kahit tama ang iniisip mo, dapat mo ring isaalang-alang ang mga opinyon ng ibang mga tao, hindi ba? At kung hindi mo talaga gagawin ito, hindi ba ito pagiging masyadong mapagmagaling?” Oo, dahil hindi sigurado ang sister ko, dapat akong maghanap. Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos, “Kung, tuwing mayroon kang ideya o opinyon, basta-basta mong iginigiit na tama iyon, at na iyon ang dapat gawin, nagyayabang ka at nagmamagaling. Kung mayroon kang ideya o opinyon na pakiramdam mo ay tama, ngunit wala kang ganap na tiwala sa iyong sarili, at matitiyak mo sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pakikipagbahaginan, hindi ito pagmamagaling. Ang paghingi ng pahintulot at pagsang-ayon ng lahat bago ito isagawa ang makatwirang paraan ng pagkilos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). Ipinaunawa sa akin ng salita ng Diyos na kahit pa sa tingin mo ay tama ka, dapat mong matutuhan na pakawalan ang iyong sarili at hanapin ang katotohanan. Tanging sa ganitong pag-uugali mo makakamit ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at mas gagaling nang gagaling sa iyong tungkulin. Kung mapagmataas kang kakapit sa iyong sarili at mamatahin ang mga paalala ng iba, kung hindi mo pakakawalan ang iyong sarili at hahanapin ang katotohanan, hindi mo matatanggap ang patnubay ng Banal na Espiritu. Nang maisip ko ito, unti-unting nawala ang paglaban sa puso ko. Pagkatapos nun, nagdasal ako at ipinagkatiwala ang bagay na ito sa Diyos. Kasabay nito, hinanap ko rin ang mga prinsipyo ng pagpili at pagpo-promote ng mga tao. Makalipas ang ilang araw, nalaman ko mula sa isang taong nakakakilala sa kanya na kahit na mukhang napakaagap ni Sister Li, ginagawa niya lang ang mga bagay-bagay para magmukhang kaaya-aya, at madalas na tamad at tuso siya, iniraraos lang ang gawain, umaatras kapag nagkakaroon ng mga paghihirap, kaya naman hanggang ngayon ay wala pa ring pagpasok. Ayon sa mga prinsipyo, hindi siya angkop na maging isang diyakono ng ebanghelyo. Nang marinig ko ito, masaya ako na hindi ko ipinilit ang pananaw ko. Kung hindi, ang paggamit sa isang taong hindi angkop ay tiyak na makakahadlang sa gawain ng ebanghelyo. Ito ay talagang proteksyon ng Diyos. Lubos akong nagpapasalamat sa patnubay ng salita ng Diyos. Nakita ko na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan at pagtanggap sa payo ng iba, maiiwasan ko ang mga problema at paglihis sa aking tungkulin, at mapapanatag din ang puso ko. Ngayon, hiyang-hiya ako kapag naiisip ko ang kayabangan ko dati. Kung wala ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, at kung wala ang matinding pagtatabas at pagwawasto, hindi ko kailanman mapagninilayan ang sarili ko, at hinding-hindi ko itatatwa ang sarili ko at tatanggapin ang payo ng iba. Ngayon, mas mapagpakumbaba na ako, at kaya ko nang makipagtalakayan at maghanap kasama ang aking mga kapatid kapag may mga problema ako. Ang kaunting pagbabagong ito ay resulta ng mga salita at gawain ng Diyos. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa puso ko.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.