Ang Mainit na Liwanag Pagkaraan ng Madilim na Lagusan

Marso 20, 2020

Ni Wang Yuping, Tsina

Tulad ng lahat ng iba pang mga kapatid na uhaw sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, palaging nananabik din ako noon pa man na bumalik ang ating Panginoon sa lalong madaling panahon, upang tanggapin tayo sa kaharian ng langit upang matamasa natin ang mga pagpapala nito. Pagkatapos isang araw noong Nobyembre ng 2006, sa wakas ay narinig ko ang balita ng pagbabalik ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at ng pagbabahagi at pagpapatotoo ng mga kapatid tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, tinanggap ko na rin na ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ang nagbalik na Panginoong Jesus. Dahil doon, masayang-masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Ang Mainit na Liwanag Pagkaraan ng Madilim na Lagusan

Minsan sa isang pagtitipon, ibinahagi ito sa akin ni Sister Yang sa isang napakaseryosong tono: “Kamakailan, maraming kapatid ang, naharap sa kaunting paggambala at panunukso ni Satanas matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang ilan ay nalilinlang ng mga kasinungalingan ng gobyernong CCP, ang ilan ay ginulo at binantaan ng mga pastor at elder, ang ilan ay pinupuwersa o hinahadlangan ng kanilang pamilya, at ang ilan ay may mga kapamilya na nagkakasakit o napapahamak. Lahat ng ito ay mga panloloko ni Satanas para pigilin tayong bumalik sa Diyos. Nauunawaan na nating lahat na nagsisimula ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos mula sa bahay ng Diyos, at ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ang lahat para iligtas ang tao, at isinasagawa ni Satanas ang sarili nitong mga panloloko at panggugulo sa atin upang hadlangan tayo sa paglapit sa Diyos at pagtanggap ng Kanyang pagliligtas. Sa ngayon ay patindi nang patindi ang labanang nangyayari sa espirituwal na daigdig, kaya agaran ang pangangailangan na masangkapan tayo ng katotohanan at matuto tayong makahiwatig upang hindi tayo malinlang tuwing sumasapit sa atin ang mga panloloko ni Satanas, kundi sa halip, maaari tayong tumayong saksi para sa Diyos. Basahin natin ang isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Kaya kinuha ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at taimtim na binasa ang sumusunod na sipi: “Habang gumagawa ang Diyos, nanggagambala si Satanas. Sa mga huling araw, ang mga paggambala nito ay matatapos; matatapos din ang gawain ng Diyos, at ang uri ng mga taong nais gawing ganap ng Diyos ay makukumpleto. Pinapatnubayan ng Diyos ang mga tao nang positibo; ang Kanyang buhay ay tubig na buhay, hindi masusukat at walang hangganan. Nagawang tiwali ni Satanas ang tao kahit paano; sa huli, gagawing ganap ng tubig na buhay ng buhay ang tao, at magiging imposibleng makialam at magsagawa si Satanas ng gawain nito. Sa gayon, lubos na maaangkin ng Diyos ang mga taong ito. Kahit ngayon, ayaw pa rin itong tanggapin ni Satanas; patuloy nitong inilalaban ang sarili sa Diyos, ngunit hindi Niya ito pinapansin. Sabi ng Diyos, ‘Magiging matagumpay Ako laban sa lahat ng puwersa ng kadiliman ni Satanas at laban sa lahat ng impluwensya ng kadiliman.’ … Mas matalino ang Diyos kaysa kay Satanas, at ang Kanyang gawain ay higit pa kaysa rito. Kaya nga, isinaad Ko na dati, ‘Ang gawaing Aking ginagawa ay isinasagawa bilang tugon sa mga pandaraya ni Satanas; sa huli, ipapakita Ko ang Aking pagiging makapangyarihan sa lahat at ang kawalan ng kapangyarihan ni Satanas.’ Gagawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa unahan, samantalang bubuntot naman si Satanas sa likuran, hanggang ito, sa huli, ay tuluyang mawasak—ni hindi nito malalaman kung ano ang tumama rito! Matatanto lamang nito ang katotohanan kapag nadurog at nadikdik na ito, at sa oras na iyon, nasunog na ito sa lawa ng apoy. Hindi ba lubos na itong makukumbinsi sa oras na iyon? Sapagkat wala nang magagamit na mga pakana si Satanas sa oras na iyon!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw). Mahinahong sinabi sa akin ni Sister Yang: “Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na nakasunod palagi sa malapit si Satanas sa bawat hakbang ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Nasa harapan ang Diyos at nagsisikap na iligtas ang tao habang nasa likod si Satanas at nanggugulo at naninira. Patuloy itong nakikipaglaban sa Diyos para sa tao, at totoo ito lalo na sa huling yugto ng gawain ng Diyos na lubos na iligtas ang tao. At ngayon sa mas matindi pang paraan, ginagawa ni Satanas ang lahat ng nasa kapangyarihan nito, pinagsasamantalahan ang lahat ng uri ng tao at bagay para guluhin at hadlangan tayo mula sa pagtanggap at pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Kasuklam-suklam ang layunin ni Satanas na ilayo ang tao mula sa Diyos, na mahikayat tayong tanggihan at pagtaksilan ang Diyos, at dahil doon ay mawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit isinasakatuparan ang karunungan ng Diyos bilang tugon sa panloloko ni Satanas. Ginagamit Niya ang mga paggambala ni Satanas upang ipaunawa sa atin ang Kanyang gawain, Kanyang karunungan, at Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat, at upang tulutan din tayong makita nang malinaw ang kasamaan at kapangitan ni Satanas. Kaya, anuman ang maranasan natin kalaunan, kailangang magdasal at umasa tayong lahat sa Diyos, at hangarin natin ang katotohanan. Kailangan din nating malaman ang panloloko ni Satanas upang makatayo tayong saksi sa Diyos. Kapareho lamang ito ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Job. Tumayo siyang saksi sa Diyos at umurong si Satanas sa kahihiyan.” Nakinig ako sa pagbabahagi ni Sister Yang at tumugon ako nang may lubos na tiwala: “Oo, nananalig kami sa tunay na Diyos. Kung umaasa kami sa Diyos, wala kaming dapat ikatakot; kung tutuksuhin ako ni Satanas, siguradong maninindigan ako sa panig ng Diyos.”

Hindi nagtagal isang araw pagkatapos niyon, habang papalapit ako sa aking pintuan sa harapan pagkaraan ng isang maghapong pagbabahagi ng ebanghelyo, nagmamadaling lumapit sa akin ang aking kapitbahay habang kumakaway at sinabi: “Bakit ka ginabi? May nangyaring teribleng aksidente! Kanina lang ay dumating si Liu na kaibigan ng anak mo para hiramin ang trak mo, pero nahirapan siyang paandarin iyon, kaya kinuha niya ang traktora para hilahin ito at paandarin, pero pagkaraan ng ilang pagsubok ay ayaw pa ring umandar nito. Naroon din pala si Hu, kaya sumakay siya sa traktora at inilagay kaagad ito sa ikalimang kambiyo. Nagpagewang-gewang ang traktora at biglang nalagot ang kableng bakal na nakakabit sa trak, at—whoosh!—tinamaan ng kable si Hu sa sentido. Nagsimulang bumuhos kaagad ang dugo. Dinala na siya sa ospital.” Biglang nablangko ang utak ko. Nagmadali akong pumasok at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko! Hindi ko alam kung ano ang kalooban Mo. Bakit biglang nangyari ito sa akin? Liwanagan Mo sana ako.” Matapos magdasal naisip ko ang ibinahagi ni Sister Yang tungkol sa mga katotohanan hinggil sa espirituwal na pakikibaka, at pagkatapos ay naunawaan ko. Ang mga bagay na ito ay panunukso at paggambala lamang ni Satanas sa akin. Gusto lang akong gamitin ni Satanas sa masasamang pangyayaring ito upang atakihin ako para pagdudahan, sisihin, at tanggihan ko ang Diyos. Napagtanto ko na talagang isa itong espirituwal na pakikibaka! Noon mismo ay pumasok sa aking isipan ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Nagagawa mong tumayo sa panig ng Diyos kapag nakikipaglaban Siya kay Satanas, at hindi ka bumabalik kay Satanas, nakamit mo na ang pag-ibig sa Diyos, at nakapanindigan ka na sa iyong patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Napuspos ako ng malaking pananampalataya sa mga salita ng Diyos at naisip ko sa sarili ko: “Satanas, gaano mo man ako guluhin, hindi ako patatangay sa mga panloloko mo; hindi ko sisisihin o pagdududahan ang Diyos, kundi maninindigan ako sa Kanyang panig. Susundin ko ang Makapangyarihang Diyos tulad ng dapat kong gawin.” Nang maunawaan ko na ang kalooban ng Diyos, mas tumatag ang puso ko.

Ngunit ayaw tumanggap ng pagkatalo si Satanas—hindi ito tumigil sa kampanya nitong guluhin ako sa pamamagitan ng mga tao at mga bagay-bagay. Habang nasa ospital si Hu, ibinigay ng kanyang pamilya ang lahat ng responsibilidad sa aking pamilya; gusto nilang bayaran namin ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot. Patuloy kong sinubukang makipag-areglo sa kanila, at sinabi ko sa kanila na handa akong bayaran ang kalahati, pero patuloy lang silang tumanggi. Pagkaraan ng mga dalawang linggo, gumaling na si Hu, pero hindi pa rin siya pinalabas ng ospital. Sinadya ito para mahuthutan ng pera ang pamilya ko. Pagkatapos isang araw ay sinabi ni Hu: “Iyo ang trak, kaya dapat lang na ikaw ang magbayad ng lahat ng gastusin.” Tumayo rin ang asawa ni Hu at sumigaw, “Tama ’yan! Dahil trak mo ang sangkot sa aksidente, ikaw dapat ang magbayad ng lahat.” Nakatayo ako roon habang binubuwisit nila ako nang walang humpay unti-unti akong nagalit nang husto. Hindi ko ginustong masangkot sa bagay na ito. Talagang nasaktan ako at labis akong naguluhan. Ayaw ko na silang kausapin pa, kaya lumabas na lang ako ng silid sa ospital na iyon, na mainit ang ulo. Habang pababa ako ng hagdan, naisip ko sa sarili ko: “Nananalig ako sa Diyos, kaya kapag nangyayari ang mga ganitong bagay sa akin, hindi ako dapat magalit nang husto, kundi dapat kong ipagkatiwala ang bagay na ito sa mga kamay ng Diyos. Kailangan kong umasa sa Diyos.” Pagkauwi ko, binuksan ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos at nabasa ko ito: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Habang binabasa ko ang mga salitang ito, nagunita ko kung gaano ako nagyabang sa harap ni Sister Yang noong araw na iyon na siguradong maninindigan ako sa panig ng Diyos tuwing tutuksuhin ako ni Satanas. Hindi ko inakala na nang paulit-ulit akong buwisitin ni Satanas, hindi ko magagawang mahinahong lumapit sa Diyos at alamin ang Kanyang kalooban, kundi laging magiging abala ang aking isipan. Sumama ang pakiramdam ko tungkol dito—hindi ba pagkahulog ito sa mga panloloko ni Satanas? Naunawaan ko lang sa huli kung gaano talaga kasama si Satanas nang mapagnilayan ko ang buong detalye ng bagay na ito. Nagamit nito ang isyung ito para guluhin ako, galitin ako tungkol sa aking mga makamundong interes; higit pa rito, gusto nitong hikayatin ako na tanggihan at pagtaksilan ang Makapangyarihang Diyos. Alam ko na hindi ako matatangay ng mga panloloko ni Satanas, pero handa akong umasa sa Diyos at ipabahala ang bagay na ito sa Kanya. Naniwala ako na palabasin man o hindi si Hu mula sa ospital at magkano man ang perang kailangan kong ibayad sa huli ay pawang isinaayos sa mga kamay ng Diyos, at magpapasakop ako sa kalalabasan nito, anuman ito. Nang maunawaan ko na ang kalooban ng Diyos at handa na akong tumayong saksi sa Kanya, nagulat ako nang kinabukasan, nasaksihan ko ang isa sa nakamamanghang mga gawa ng Diyos. Binigyang-inspirasyon ng Diyos ang isang binata na pumunta sa silid ni Hu sa ospital at pangaralan siya: “Hindi ako maaaring tumayo lang at tingnan ang isang taong katulad mo, isang tao na nang-aapi ng mabubuting tao, naghuhuthot ng pera sa iba. Kung ako iyon, hindi kita bibigyan ni isang sentimo.” Nakisali rin sa usapan ang ibang mga pasyente: “Tama ’yan, kusa siyang sumakay sa traktorang iyon at ngayo’y gusto niyang kunin ang pera ng taong ito. Walang-wala naman sa katwiran!” “Oo nga! Dapat ding magbayad ang taong humiram sa trak! Hindi nila dapat pagbayarin ang may-ari ng trak sa lahat!” Nang marinig ito, yumuko si Hu at hindi umimik. Makalipas ang tatlong araw lumabas na ng ospital si Hu. Alam ko sa kaibuturan ng puso ko na ang Diyos ang nasa likod ng lahat ng ito, na Siya ang nagbukas ng daang ito para sa akin.

Matapos pagdaanan ito, nakikita ko ang kasamaan at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas. Ginamit nito ang mga tao at bagay sa aking paligid para guluhin at atakihin ako sa pagtatangkang mahikayat ako na magreklamo sa Diyos, sisihin Siya at lumayo sa Kanya dahil mawawalan ako ng pera. Gusto nitong mabuhay ako sa pagdurusa. Kasabay nito, nakikita ko rin na nang tumigil ako sa pag-iisip tungkol sa mga kapakinabangan at kapinsalaan ng aking katawan, nang umasa ako sa Diyos sa aking pananampalataya, nang manindigan ako sa panig ng Diyos, ginamit Niya ang mga salita ng mga hindi mananampalataya upang magbukas ng daan para makaalpas ako, na nagpuwersa kay Satanas na umurong sa kahihiyan. Tinulutan ako nito na makita ang awtoridad ng Diyos na pakilusin ang anumang bagay at maghari sa lahat. Katulad lamang ito ng nasusulat sa mga salita ng Diyos: “Pakikilusin Ko ang lahat para paglingkuran Ako, at higit pa, ibubunyag Ko ang Aking kapangyarihan, nang makita ng bawat tao na sa buong mundo ng sansinukob, wala ni isang bagay ang wala sa ating mga kamay, wala ni isang tao ang hindi naglilingkod sa atin, at wala ni isang bagay ang hindi para sa ating pagsasatupad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 119). Habang lalo kong binabasa ang mga salita ng Diyos, lalo kong nakikita ang pagka-makapangyarihan ng Diyos sa lahat at Kanyang pagiging kamangha-mangha. Dahil nakikita ko na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat ng bagay, lumakas ang pananampalataya ko sa Diyos at naging handa akong maranasan ang iba pa Niyang gawain anuman ang susunod na mangyayari, at umasa sa Diyos na madaig ang mga tukso ni Satanas.

Makalipas ang isang buwan muli akong tinukso ni Satanas. Isang araw, umuwi ang aking anak na babae na kailan lang ikinasal para bumisita, ngunit bigla siyang hinimatay sa harapan mismo ng pintuan namin. Itinayo siya ng aking kapitbahay at tinulungan siyang makapasok sa bahay. Noong una akala ko ay karaniwang sipon lang iyon at hindi ko ito gaanong inisip, pero tinitiyak ko na hindi ko inasahan na bigla siyang manginginig sa hatinggabi mula ulo hanggang paa. Takot na takot ako at wala akong ideya kung ano ang gagawin, pero dali-dali ko lang siyang sinunggaban at niyakap sa dibdib ko, at pagkaraan ng ilang sandali ay tila medyo maayos na siya. Kinaumagahan, sabi niya, “Inay, humayo ka at gampanan mo ang iyong mga tungkulin, magiging maayos ako.” Tahimik akong nagdasal sa Diyos: “Diyos ko! Lahat ng bagay ay nasa Iyong mga kamay, kaya ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang anak kong babae.” Pagkatapos ay nilingon ko ang aking anak at sinabi ko: “Jing, kailangan mong magdasal pang lalo sa Diyos at umasa sa Kanya, dahil Siya ang matibay na suporta natin.” Matapos siyang payuhan tungkol dito humayo na ako para gampanan ang aking mga tungkulin. Sa gulat ko, nang bumalik ako pagkaraan ng dalawang araw, nakahiga na sa kama sa isang ospital ang anak ko, at walang malay. Bumaling sa akin ang manugang kong babae at malungkot na sinabi: “Inay, pagkaalis mo, nagsimulang lumala ang lagay ni Jing. Nang suriin siya ng doktor, sabi nito may cerebral hemorrhage daw siya at kailangan niyang ma-craniotomy. Pero dahil wala rito ang kanyang asawa nitong huling ilang araw at kahit ikaw, walang nakapag-asikaso sa kanya. Nawalan na tayo ng oras para sa operasyon. Narinig ko ring sinabi ng doktor sa biyenang babae ni Jing na hindi na siya gagaling sa kanyang karamdaman at magising man siya, para na siyang lantang gulay.” Nang marinig ko ito, parang kutsilyo ito na umiikot sa puso ko, at nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko talaga matatanggap na ito ang katotohanan. Habang nakakapit sa katiting na pag-asa, kinausap ko ang isang espesyalista, pero umiling-iling siya habang sinasabing: “Ginawa na namin ang lahat, sinubukan na namin ang makakaya namin, pero ang pinakamagandang posibleng kalalabasan ay na magkakamalay siya pero nasa kalagayang para na siyang gulay.” Matapos marinig ito, parang binagsakan ako ng langit. Nabubuhay ako sa walang-katapusang pagdurusa. Nang makita kalaunan ng aking manugang na lalaki ang kalagayan ng aking anak na babae, hindi lamang niya ipinagwalang-bahala kung mabubuhay siya o mamamatay, kundi humarap pa nga siya sa akin at, habang nagpapakita ng ganap na kawalan ng pagkamakatao, pinasauli pa niya ang perang naibigay niya sa amin nang ikasal sila. Parang napakatagal ng pag-uwi namin mula sa ospital nang araw na iyon; isa akong nawawalang kaluluwa na pagala-gala sa daang iyon. Parang naglalakad ako sa isang mahaba at madilim na lagusan at wala akong makitang anumang liwanag sa harap ko.

Nang makauwi ako, nanghihinang binuksan ko ang aking aklat ng mga salita ng Diyos at nabasa ko ito: “Sa lupa, lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-tigil sa paggala sa paghahanap ng mapagpapahingahan, at walang-hinto sa paghahanap ng mga bangkay ng mga tao na maaaring lamunin. Aking mga tao! Kailangan kayong manatili sa loob ng Aking pangangalaga at proteksyon. Huwag magpakasama kailanman! Huwag kumilos nang walang-ingat kailanman! Dapat mong ialay ang iyong katapatan sa Aking sambahayan, at sa katapatan mo lamang malalabanan ang panlalansi ng diyablo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10). “Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, na mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi ito hinahayaang maging marupok o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangan kang magpasakop sa Kanyang plano at maging handang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Habang binabasa ko ang mga salitang ito mula sa Diyos, ginunita ko ang mga pangyayaring katatapos lang maganap, at talagang nakita ko ang pagiging kasuklam-suklam, kasamaan, at kabangisan ni Satanas. Sa pagsisikap nitong ilayo ako mula sa mga kamay ng Diyos, para lamunin ang aking kaluluwa, isinagawa nito ang mga tusong pakana nito laban sa akin sa buong paligid upang guluhin at atakihin ako. Una, hinuthutan ako ng isang tao at nagdusa ako sa inaasahang pagkawala ng perang iyon; sa pagkakataong ito, ginamit ni Satanas ang aking mahal na anak para tuksuhin akong muli, at sinubukang gamitin ang karamdaman ng aking anak para mahikayat akong magreklamo sa Diyos, tanggihan at pagtaksilan Siya, upang mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Lahat ng ito ay mga tusong pakana ni Satanas. Katulad lamang ito ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Job noong kanyang panahon. May nangyayaring pakikibaka sa likod ng lahat ng iyon—gusto ni Satanas na talikuran at tanggihan ni Job ang Diyos sa pamamagitan ng pagkawala ng kanyang kayamanan at kanyang mga anak, ngunit hindi sinisi ni Job ang Diyos kailanman. Sa halip, pinuri niya ang pangalan ng Diyos, na naging sanhi para umurong si Satanas sa kahihiyan; nagbigay siya ng maganda at tumataginting na patotoo sa Diyos. Bagama’t mahina ang aking laman, alam ko na dapat ko ring makita ang mga tusong pakana ni Satanas at manindigan sa panig ng Diyos. Sabi ng Diyos: “At sa katapatan mo lamang malalabanan ang panlalansi ng diyablo.” “Kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya.” Ginagamit noon ng Diyos ang mga pag-atake ni Satanas upang gawing perpekto ang aking pananampalataya at aking katapatan sa Kanya. Ang buhay at kamatayan ng tao ay parehong nasa mga kamay ng Diyos, kaya handa akong ilagay ang aking anak sa Kanyang mga kamay. Habang iniisip ko ito, lumuhod ako sa sahig habang tumutulo ang mapapait na luha sa aking mukha, at nagdasal ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Nakasalalay ang kapalaran ng mga tao sa Iyong mga kamay. Kung hindi Mo tutulutang mangyari ito, hindi mamamatay ang aking anak hangga’t may isang hiningang natitira sa kanyang katawan. At kung tama ang mga doktor at magiging gulay siya, siguradong hindi Kita sisisihin, kundi patuloy kitang susundan.”

Ang Mainit na Liwanag Pagkaraan ng Madilim na Lagusan

Noong maghahatinggabi, nakaupo ako sa kama ng aking anak sa ospital at nakatulog yata ako. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang aking anak na sinasabing, “Inay, Inay, kailangan ko ng tubig.” Nang marinig ko ang boses ng aking anak, lumukso ang puso ko, at napatayo ako. Kinusot ko ang aking mga mata at tinitigan ko siya. Talagang gumagalaw ang mga kamay niya nakamulat ang kanyang mga mata. Magkakahalong emosyon kaagad ang nadama ko kaya hindi ko alam ang sasabihin ko, at ang tanging nagawa ko ay patuloy na bumulalas ng: “Diyos ko! Diyos ko!” Manghang sinabi rin ng isa pang tao sa silid na iyon: “Ah! Isang himala ito! Paano siya bumuti nang basta-basta?” Tuwang-tuwa ako kaya ang laki ng ngiti ko. Talagang nakita ko na parehong nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ng tao; lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos. Ang Diyos ang nagligtas sa aking anak. Makalipas ang tatlong araw, himalang gumaling ang aking anak sa kanyang karamdaman, at tila katulad na siyang muli ng normal na tao. Matapos maranasan ang dagok na ito sa mga kamay ni Satanas, nakita ko na kung gaano katindi ang labanang nangyayari sa espirituwal na daigdig, at nakita ko nang malinaw ang masamang kaimbihan at kalupitan ni Satanas. Kasabay nito, mas naunawaan ko rin ang kalooban ng Diyos. Tinulutan na ng Diyos ang mga pagsubok na ito sa akin para mas madali Niya akong mailigtas at magawang perpekto. Tinulutan nito na makilala ko ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos. Tinulutan din ako nitong makita ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ginawang perpekto nito ang aking pananampalataya, katapatan, at pagiging masunurin sa Diyos; sinagip ako nito mula sa impluwensya ni Satanas, na nagtutulot sa akin na lumago sa aking buhay. Tunay ngang kaibig-ibig ang Diyos!

Kalaunan ay binasa ko ang siping ito mula sa mga salita ng Diyos: “Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos). Ang mga salitang ito ng Diyos ang nagbigay sa akin ng mas mabuting pag-unawa sa kalooban ng Diyos. Nakikita ko na lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagliligtas at pagmamahal sa sangkatauhan. Nang gunitain ko ang sunud-sunod na pagsubok na naranasan ko, bagama’t nagtiis na ako ng ilang paghihirap, napakarami kong natutuhan. Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, nakita ko kung paano ginagamit palagi ni Satanas ang mga tao at bagay sa aking paligid upang ligaligin ako, pero lagi ko palang katabi ang Diyos, na ginagamit ang Kanyang mga salita upang liwanagan at gabayan ako, upang mas makahiwatig ako. Binibigyan Niya ako noon ng isang landas na susundan, binibigyan ako ng pananampalataya at lakas, upang maging matibay ako sa mga oras ng pagsasawalang-kibo at kahinaan. Sa bawat hakbang sa landas ay nagawa kong kumawala sa masamang impluwensya ni Satanas at masaksihan ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos. Tumino ang pag-iisip ko at naging mas matatag ako sa buhay sa pamamagitan ng mga karanasang ito. Matapos kong maranasan ang lahat ng ito, nadama ko na hindi ko na kailangang katakutan ang mga pagkagambala at pagpapahirap ni Satanas, dahil katabi ko ang Diyos. Basta’t umaasa tayo sa Diyos at hindi tayo lumalayo mula sa Kanyang mga salita, basta’t mayroon tayong pananampalataya sa Diyos, gagabayan Niya tayo tungo sa tagumpay laban sa mga tukso at pag-atake ni Satanas, at mabubuhay tayong protektado sa ilalim ng mapagmatiyag na mata ng Diyos. Ngayon ay mas kumbinsido pa ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ang aking Panginoon, ang aking Diyos! Kinikilala ko rin na tayo ay mga nilikha, at nagtatamasa man tayo ng mga biyaya o nagdaranas ng mga paghihirap, dapat nating sundin at sambahin palagi ang Diyos. Matatag na ang aking pasiya: Nakahanda na ang puso ko sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos hanggang sa dulo ng landas!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...

Leave a Reply