Hindi Ko Na Inirereklamo ang Masamang Kapalaran Ko
Ni Su Qing, TsinaIpinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa probinsya. Noong hayskul ako, hindi kayang bayaran ng mga magulang ko ang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong singkwenta anyos ako, tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ni sa panaginip, hindi ko inakala na sa tanang buhay ko ay maririnig ko ang mismong mga pagbigkas ng Diyos at masasalubong ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang makita ang pag-asa na makapasok sa kaharian ng langit ay nagbigay sa akin ng tunay na pakay. Araw-araw, maaga akong bumabangon at gabing-gabi nang natutulog para magbasa ng mga salita ng Diyos, at tinanggap ko at nagpasakop ako sa anumang tungkuling isinaayos ng iglesia. Sa isip-isip ko, “Basta’t magpursige lang ako sa tungkulin ko, maliligtas ako at makapapasok sa kaharian ng langit.” Pagsapit ng 2023, umabot na ako sa edad na 75. Matanda na ako, mahina na ang memorya ko, mahina ang pandinig at malabo ang paningin, at hindi na rin ako gaanong matatag tumayo. Isinaayos ng iglesia na gawin ko ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ayon sa kondisyon ko. Naisip ko kung paanong tumatanda na ako at kung paanong lumalala ang kalusugan ko. Palagi kong nakalilimutan ang mga bagay-bagay dahil sa mahina kong memorya, at kung minsan ay magulo ang mga alaala ko. Ilang taon pa, kung magiging ulyanin na ako at hindi ko na magagawa ang tungkulin ko, hindi ba’t mawawalan na ako ng silbi? Maliligtas pa kaya ako? Isang beses, kalilipat ko lang ng bahay at naligaw ako sa paghahanap ng daan pabalik. Nang malaman ng isang sister, kaswal niyang sinabi, “Nalilito ka na ba?” Mabilis kong sinabi, “Hindi ako nalilito.” Sa isip-isip ko, “Sana naman huwag nilang isipin na nalilito na ako at patigilin ako sa paggawa ng tungkulin ko. Kung wala na akong tungkuling gagawin, hindi ba’t katapusan ko na? Paano pa ako maliligtas kung ganoon?” Pero nang pag-isipan ko ulit kalaunan, napagtanto ko na madalas kong makalimutang maglagay ng asin o dahon ng sibuyas kapag nagluluto, at kung minsan naliligaw ako sa kalye at hindi na makauwi. Nagsimula na akong matakot. Naisip ko, “Talaga bang nalilito na ako? Magagamit pa kaya ako ng iglesia para gumawa ng tungkulin? Kung hindi ako makagagawa ng tungkulin, maliligtas pa kaya ako?” Nagsimula akong maglunoy sa pag-aalala at pagkabahala.
Noong Hunyo 2023, nag-host ako ng isang pagtitipon para sa mga kapatid. Noong panahong iyon, ipinapaayos ang apartment sa itaas, at may palagiang kalampagan araw-araw. Pagkatapos niyon, matagal-tagal kong hindi nakita ang mga kapatid na pumunta sa mga pagtitipon, at nagtaka ako, “Bakit hindi na sila pumupunta nitong mga nakaraan? Hindi na ba nila ako ginagamit bilang host? Sa edad kong ito, ang kaya ko na lang gawin ay ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay. Kung kahit ang mga tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay hindi ko na magagawa, hindi ba’t mawawala na ang pagkakataon kong maligtas?” Labis akong nabalisa at sabik na umasang pupunta silang muli. Isang gabi, may kumatok na sister, at ang manugang kong babae ang nagbukas ng pinto. Sabi ng sister, tatlo o apat na beses na silang nagpunta sa bahay pero walang sumasagot. Nakonsensiya ako. Naisip ko, “Hindi ba’t dahil matanda na ako at mahina na ang pandinig kaya hindi ko sila narinig? Hindi ko magawa nang maayos ang tungkulin ko. Ngayon, mahina na ang pandinig ko, malabo ang paningin, mabagal tumugon, at hindi na matatag tumayo. Talagang wala na akong magawang maayos! Kahit ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay hindi ko magawa nang maayos! Talagang nagiging wala kang silbi kapag tumatanda ka na!” Sobra akong nainggit sa mga kabataan kung gaano sila kabilis matuto at kung paano nila nagagawa ang anumang tungkulin. Pakiramdam ko ay gusto ng Diyos ang mga kabataan, at na tiyak na maliligtas sila sa huli. Naisip ko na kung sana ay maibabalik ko lang ang kahit sampung taon, makagagawa pa rin ako ng ilang tungkulin sa sesenta anyos ko. Unti-unti, lumala ang kalagayan ko, at araw-araw akong naglulunoy sa pagkabalisa at pagkabahala. Hindi na normal ang mga panalangin ko, at walang liwanag o kaliwanagang dala ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Palayo nang palayo ang puso ko sa Diyos. Isang araw habang naglalakad, nadapa ako at nabanat ang litid sa binti ko. Bagama’t hindi nito naantala ang mga pagtitipon, lalo pa akong nag-alala. Bagama’t sa pagkakataong ito, hindi naantala ng pagkadapa ko ang mga pagtitipon, kung isang araw ay magkakasakit ako, baka hindi na ako makadalo sa mga pagtitipon o makagawa ng tungkulin. Kalaunan, talagang nagkasakit ako at kinailangang maospital. Sobrang negatibo ako noong mga oras na iyon. Naisip ko, “Sa pagkakataong ito, talagang katapusan ko na—ni hindi na ako makadadalo man lang sa mga pagtitipon, lalo na ang gumawa ng anumang uri ng tungkulin. Hindi ba’t talagang wala na akong silbi niyan?” Pagkalabas sa ospital, nanatiling masama ang kalagayan ko. Nag-alala ako kung maliligtas pa ba ako kung kahit ang mga tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay ay hindi ko na magawa. Hindi ba’t mangangahulugan iyon na nasayang lang ang lahat ng taon ko ng pananalig? Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong namimighati at nababalisa. Kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng kaliwanagan at tanglawan ako para makaahon ako sa negatibong kalagayan ko.
Isang araw, nabasa ko ang isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na isinulat ng isang matandang sister, at isinasalamin nito ang mismong kalagayan ko. Isang sipi ng mga salita ng Diyos na sinipi roon ang labis na nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Mayroon ding mga kapatid na matatanda na ang edad ay 60 hanggang bandang 80 o 90, at dahil sa kanilang katandaan, nakakaranas din sila ng ilang paghihirap. Sa kabila ng kanilang edad, hindi palaging tama o makatwiran ang kanilang pag-iisip, at ang kanilang mga ideya at pananaw ay hindi palaging naaayon sa katotohanan. May mga problema rin ang mga matatandang ito, at palagi silang nag-aalala, ‘Hindi na masyadong mabuti ang kalusugan ko at may mga limitasyon na sa kung anong tungkulin ang aking magagampanan. Kung gagampanan ko lamang itong maliit na tungkulin na ito, tatandaan kaya ako ng Diyos? Minsan ay nagkakasakit ako, at kailangan ko ng mag-aalaga sa akin. Kapag walang nag-aalaga sa akin, hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kaya ano ang magagawa ko? Matanda na ako at hindi ko na naaalala ang mga salita ng Diyos kapag binabasa ko ang mga ito at nahihirapan akong maunawaan ang katotohanan. Kapag nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, magulo at hindi lohikal ang pagsasalita ko, at wala akong anumang karanasan na karapat-dapat na ibahagi. Matanda na ako at hindi na sapat ang enerhiya ko, malabo na ang aking paningin at hindi na ako malakas. Ang lahat ay mahirap na para sa akin. Hindi lang sa hindi ko magampanan ang aking tungkulin, kundi madali rin akong makalimot ng mga bagay-bagay at magkamali. Minsan ay nalilito ako at nagdudulot ako ng problema sa iglesia at sa aking mga kapatid. Napakahirap para sa akin na hangarin ang katotohanan at magkamit ng kaligtasan. Ano ang puwede kong gawin?’ Kapag iniisip nila ang mga ito, nagsisimula silang mabahala, iniisip na, ‘Bakit ba kung kailan matanda na ako ay saka lang ako sumampalataya sa Diyos? Bakit ba hindi ako nagsimulang manampalataya noong mga edad 20 o 30 pa lang ako gaya ng ginawa ng iba? Maayos pa nga kung nakapagsimula na akong manampalataya noong mga 40 0 50 anyos na ako! Bakit ba natagpuan ko lang ang gawain ng Diyos kung kailan napakatanda ko na? Hindi naman sa masama ang aking kapalaran; kahit papaano ngayon ay natagpuan ko na ang gawain ng Diyos. Maganda ang kapalaran ko, at naging mabuti ang Diyos sa akin! May isang bagay lang na hindi ako nasisiyahan, at iyon ay ang masyado na akong matanda. Hindi na matalas ang aking memorya, at hindi na rin gaanong mabuti ang kalusugan ko, ngunit matatag ang kalooban ko. Kaya lang ay hindi na ako sinusunod ng katawan ko, at inaantok ako pagkatapos kong makinig nang matagal-tagal sa mga pagtitipon. Minsan ay pumipikit ako upang magdasal at nakakatulog ako. Lumilipad ang isip ko kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos magbasa nang kaunti, inaantok ako at nakakatulog, at hindi tumatatak sa isip ko ang mga salita. Ano ang magagawa ko? Nang may ganitong mga praktikal na suliranin, mahahangad at mauunawaan ko pa ba ang katotohanan? Kung hindi, at kung hindi ako makapagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng aking pananalig? Hindi ba’t mabibigo akong makamtan ang kaligtasan? Ano ang puwede kong gawin? Nag-aalala ako nang husto! Sa ganitong edad, wala nang mahalaga pa. Ngayong nananampalataya na ako sa Diyos, wala na akong mga inaalala o ikinababalisa, at malalaki na ang aking mga anak at hindi na nila ako kailangan para alagaan o itaguyod sila, ang pinakadakilang mithiin ko sa buhay ay ang hangarin ang katotohanan, gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, at sa huli ay kamtin ang kaligtasan sa mga taon na natitira sa akin. Gayumpaman, kung titingnan ngayon ang aking aktuwal na sitwasyon, malabo ang mata dahil sa katandaan at magulo ang isip, mahina ang kalusugan, hindi magampanan nang maayos ang aking tungkulin, at minsan ay nagdudulot ng mga problema kapag sinusubukan kong gawin ang lahat ng aking makakaya, tila ba hindi magiging madali para sa akin na makamit ang kaligtasan.’ Paulit-ulit nilang iniisip ang mga bagay na ito at nababalisa sila, at pagkatapos ay iniisip nila, ‘Tila ba ang magagandang bagay ay nangyayari lamang sa mga kabataan at hindi sa matatanda. Mukhang kahit gaano pa kaganda ang mga bagay, hindi ko na matatamasa pa ang mga ito.’ Habang lalo nilang iniisip ang mga bagay na ito, lalo silang nababahala at lalo silang nababalisa. Hindi lamang nila inaalala ang kanilang sarili, kundi nasasaktan din sila. Kung umiyak sila, nararamdaman nilang hindi ito karapat-dapat na iyakan, at kung hindi sila umiyak, palagi nilang nadarama ang kirot at ang sakit. Kaya ano ang dapat nilang gawin? … Posible nga talaga kayang wala silang daan pasulong? May solusyon ba? (Dapat pa ring magampanan ng matatanda ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.) Katanggap-tanggap naman na gampanan ng matatanda ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, tama ba? Hindi na ba mahahangad ng matatanda ang katotohanan dahil sa kanilang edad? Wala na ba silang kakayahan na maunawaan ang katotohanan? (Kaya nila.) Kaya bang unawain ng matatanda ang katotohanan? Maaari nilang maunawaan ang ilan, at maging ang mga kabataan ay hindi rin naman maunawaan ang lahat ng ito. Ang matatanda ay palaging may maling akala, iniisip nilang malilituhin na sila, na mahina na ang kanilang memorya, kaya hindi nila maunawaan ang katotohanan. Isa ba itong katunayan? (Hindi.) Bagaman higit na mas marami ang enerhiya ng mga kabataan kaysa sa matatanda, at mas malakas ang kanilang katawan, ang totoo, ang kanilang kakayahan na makaunawa, makaintindi, at makaalam ay katulad lamang ng sa matatanda. Hindi ba’t minsan ding naging kabataan ang matatanda? Hindi sila ipinanganak na matanda, at darating din ang araw na ang mga kabataan ay tatanda rin. Hindi dapat palaging isipin ng matatanda na dahil sila ay matanda na, mahina ang katawan, hindi maayos ang kalusugan, at mahina ang memorya, ay naiiba na sila sa mga kabataan. Ang totoo, wala namang pagkakaiba. Ano ang ibig Kong sabihin na walang pagkakaiba? Bata man o matanda ang isang tao, pare-pareho ang kanilang mga tiwaling disposisyon, pare-pareho ang kanilang mga saloobin at opinyon sa lahat ng bagay, at pare-pareho ang kanilang mga perspektiba at paninindigan sa lahat ng bagay. … hindi totoo na wala nang magagawa ang matatanda, o hindi na nila kayang gampanan ang kanilang mga tungkulin, at lalong hindi totoo na hindi nila kayang hangarin ang katotohanan—marami silang dapat gawin. Ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling kaisipan na naipon mo sa buong buhay mo, pati na rin ang iba’t ibang tradisyonal na ideya at kuru-kuro, mga bagay na mangmang at suwail, mga bagay na konserbatibo, mga bagay na hindi makatwiran, at mga bagay na baluktot na naipon mo ay nagkapatong-patong na sa puso mo, at dapat kang gumugol ng mas maraming oras kaysa sa mga kabataan upang hukayin, himayin, at kilalanin ang mga bagay na ito. Hindi totoo na wala kang magagawa, o na dapat kang palagiang mabagabag, mabalisa, at mag-alala—hindi ito ang iyong gampanin o responsabilidad. Una sa lahat, dapat magkaroon ng tamang pag-iisip ang matatanda. Bagama’t tumatanda ka na at medyo tumatanda na rin ang iyong katawan, dapat ay pangkabataan pa rin ang iyong pag-iisip. Bagama’t tumatanda ka na, ang iyong pag-iisip ay bumabagal na at ang iyong memorya ay humihina na, kung nakikilala mo pa rin ang iyong sarili, nauunawaan pa rin ang mga salitang sinasabi Ko, at nauunawaan pa rin ang katotohanan, pinatutunayan niyon na hindi ka pa matanda at sapat pa ang iyong kakayahan. Kung ang isang tao ay nasa 70 na ngunit hindi pa rin niya nauunawaan ang katotohanan, ipinapakita nito na napakababa ng kanyang tayog at hindi niya kaya ang gampanin. Samakatwid, walang kinalaman ang edad pagdating sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Ilang beses kong binasa ang siping ito ng mga salita ng Diyos, at habang lalo ko itong binabasa, mas lalong nagliliwanag ang puso ko. Talagang sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Hindi ba’t direktang tungkol sa akin ang mga salitang ito? Nag-alala ako dahil matanda na ako, mahina ang kalusugan, mahina na ang pandinig, malabo ang paningin, at mahina na ang memorya ko. Natakot ako na sa pagtanda ko, hindi ko na magagawa ang tungkulin ko, at na mawawala na ang pagkakataon kong maligtas. Ginugol ko ang mga araw ko na naglulunoy sa pagkabalisa at pagkabahala. Pagkatapos basahin ang siping iyon ng mga salita ng Diyos, biglang lumaya ang puso ko. Alam ng Diyos ang mga paghihirap ng matatanda, at ipinahayag Niya ang mga salitang ito para maunawaan ng matatanda ang Kanyang layunin. Bata man o matanda, binibigyan ng Diyos ang lahat ng pagkakataong hangarin ang katotohanan at maligtas, at nakita ko na ang Diyos ay matuwid. Mula sa mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Kahit matanda na ako, kaya ko pa ring arukin ang mga salita ng Diyos, at dapat kong hanapin ang katotohanan sa mga bagay na nangyayari sa akin, at kilalanin ang sarili kong katiwalian at mga pagkukulang. Dapat ko ring hangarin ang katotohanan at magkamit ng pagsisisi at pagbabago dahil ang tiwaling disposisyon ng matatanda ay hindi mas kakaunti kaysa sa mga kabataan. Halimbawa, mayroon akong seryosong mapagmataas na disposisyon, at kung minsan kapag tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema ko, ayaw kong tanggapin ito. Sa pang-araw-araw na buhay pampamilya, kapag hindi nakikinig sa akin ang manugang kong babae, nagagalit ako at minamaliit ko siya nang may ere ng pagiging mas mataas. Lahat ng ito ay mga pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon, at kinailangan kong hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito, kaya hindi naman sa wala akong magagawa. Ngayon, marami na akong oras araw-araw para magbasa pa ng mga salita ng Diyos sa bahay, para hanapin ang katotohanan sa mga tao, bagay, at pangyayaring nakahaharap ko, at para lutasin ang tiwaling disposisyon ko. Maaari din akong manood ng mga video ng patotoong batay sa karanasan at matuto ng mga aral mula sa mga karanasan ng mga kapatid. Maaari din akong magsulat ng mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, isinusulat ang mga tunay kong karanasan para magpatotoo sa Diyos. Lahat ng ito ay mga bagay na dapat kong ginagawa. Ngayong naunawaan ko na ang layunin ng Diyos, hindi na ako nagkamali pa ng pagkaunawa sa Kanya o naglunoy pa sa isang negatibong kalagayan, at hindi na ako nag-alala pa kung makagagawa ba ako ng tungkulin o hindi. Nagpasya ako na magsaayos man ang iglesia ng tungkulin para sa akin o hindi, magpapasakop ako sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Mula noon, nagawa kong mahinahong maupo araw-araw at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at kapag may nangyayari sa akin, kaya kong manalangin at hanapin ang mga layunin ng Diyos.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Tinutukoy Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, o dami ng pagdurusa, lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Ang nais ng Diyos ay magawang perpekto ang bawat tao, sa kahuli-hulihan ay makamit Niya, ganap na malinis Niya, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong abandonahin kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang maaabandona. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod dito; kung sinasabi mong hindi mo magagawa ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, ito man ay pangangaral ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pag-aasikaso sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pagmamahal sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon, sa gayon ay gagawin siyang perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo sa bagay na iyan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi tinutukoy ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao batay sa kanyang edad, katandaan, o kung gaano siya nagdusa, kundi sa kung taglay ba niya ang katotohanan. Inakala kong matanda na ako at wala nang silbi, kaya natakot akong itiwalag ng Diyos— ipinakita nito na hindi ko nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao o ang Kanyang hinihinging pamantayan para sa pagtukoy ng mga kalalabasan ng mga tao. Ang pagliligtas at pagpeperpekto ng Diyos sa mga tao ay hindi batay sa kanilang edad o kakayahan, kundi sa kung hinahangad ba nila ang katotohanan. Kung kayang tanggapin ng isang tao ang katotohanan at tapat siya sa Diyos, at nagpapasakop siya sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, hindi siya aabandonahin ng Diyos. Itinuring ko ang sambahayan ng Diyos na kapareho ng mundong walang pananampalataya. Sa lipunan, ang matatanda ay hindi pinapansin at binabalewala, at inakala kong gayundin sa sambahayan ng Diyos—na kapag matanda ka na, ayaw na sa iyo ng Diyos. Ito ay maling pagkaunawa sa Diyos at isang kalapastanganan sa Diyos. Ang mundo ay pinamumunuan ni Satanas, at ginagamit ng diyablong si Satanas ang mga tao para magtrabaho para dito. Kapag tumanda na ang mga tao at hindi na makapagtrabaho, itinatapon na sila. Pero sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang may kapangyarihan. Binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong gawin ang kanilang tungkulin at hangarin ang katotohanan; sa paggawa ng kanilang tungkulin, nakikilala at nababago ng mga tao ang kanilang mga sarili, at naiwawaksi ang kanilang mga satanikong tiwaling disposisyon. Naisip ko kung gaano na ako katanda, pero hindi inalis ng Diyos ang pagkakataon kong kumain at uminom ng Kanyang mga salita o hangarin ang katotohanan. Patuloy na nagpapahayag ang Diyos ng mga salita para diligan at tustusan tayo. Ginamit din Niya ang Kanyang mga salita para bigyang-liwanag at gabayan ako nang may mga nangyari sa akin, at ako ang hindi nakaunawa sa layunin ng Diyos. Inakala ko na dahil matanda na ako at nalilito, hindi ako ililigtas ng Diyos. Pero ang totoo, hangga’t taos-pusong nananampalataya sa Diyos ang isang tao at handang hangarin ang katotohanan, kahit dumating ang araw na hindi na niya magawa ang tungkulin, hindi siya paaalisin o ititiwalag ng sambahayan ng Diyos. Maraming matatandang kapatid sa paligid ko na halos kasing-edad ko. Bagama’t hindi na sila makagawa ng maraming tungkulin ngayon, nagpapatuloy sila sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pamumuhay sa buhay iglesia, at hindi sila pinaalis ng iglesia. Samantalang may ilang kabataan na patuloy na gumagawa ng mga tungkulin, pero dahil hindi nila hinahangad ang katotohanan at nananatiling malubha at hindi nagbabago ang kanilang mga tiwaling disposisyon, sa huli ay gumagawa sila ng maraming kasamaan at pinaaalis sa iglesia. Mula rito, nakita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi inililigtas ng Diyos ang mga tao batay sa kung sila ay bata o matanda, kundi sa pagtingin sa kanilang mga puso at sa kung hinahangad ba nila ang katotohanan. Mula noon, may tungkulin man ako o wala, nagpasya akong taimtim na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, maranasan ang gawain ng Diyos, kilalanin ang aking mga pagkukulang at kakulangan, unawain ang aking tiwaling disposisyon, at hindi na muling magkamali ng pagkaunawa o magreklamo laban sa Diyos.
Sa isang pagtitipon, matapos malaman ng isang sister ang kalagayan ko, pinabasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang bokasyong mula sa langit, at dapat niya itong gampanan nang hindi naghahanap ng gantimpala, at nang walang mga kondisyon o dahilan. Ito lang ang matatawag na paggampan sa tungkulin ng isang tao. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa mga pagpapalang natatamasa ng isang tao kapag siya ay ginawang perpekto matapos makaranas ng paghatol. Ang pagdurusa sa kasawian ay tumutukoy sa kaparusahang natatanggap ng isang tao kapag ang kanyang disposisyon ay hindi nagbago matapos siyang sumailalim sa pagkastigo at paghatol—ibig sabihin, kapag hindi siya ginagawang perpekto. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gampanan ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging gumampan ng tungkulin mo dahil sa takot na magdusa ng kasawian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang Lumikha, at ang tao ay isang nilikha; ganap na likas at may katwiran para sa tao na gawin ang kanyang tungkulin. Ito ang responsabilidad at obligasyon ng tao, at wala itong kinalaman sa pagtanggap ng mga pagpapala o pagdanas ng kasawian. Sa pagdanas lamang ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos habang ginagawa ang tungkulin at pagtatamo ng pagbabago sa disposisyon, matatanggap ng isang tao ang mga pagpapala ng Diyos. Pero naniwala ako na hangga’t ginagawa ko ang aking tungkulin, pagpapalain ako ng Diyos, at palagi kong iniisip na ang paggawa ng tungkulin ay nangangahulugang pagpapalain ako. Ito ay pawang mga kuru-kuro at imahinasyon ko lamang. Sa pagbabalik-tanaw, marami-rami na rin akong nagawang tungkulin, pero hindi ko hinangad ang katotohanan sa aking tungkulin at palaging kumikilos ayon sa gusto ko, at bihirang-bihira akong manalangin para hanapin ang mga layunin ng Diyos o ang katotohanan, kaya bilang resulta, hanggang sa puntong ito, halos hindi nagbago ang disposisyon ko. Gaano man karaming tungkulin ang gawin ko sa ganitong paraan, hindi ko pa rin makukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Nasayang ko ang maraming taon sa hindi paghahangad sa katotohanan. Mula ngayon, kailangan kong hanapin ang mga layunin ng Diyos kapag may nangyayari sa akin, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, at hangarin ang katotohanan para magtamo ng pagbabago sa disposisyon. Kahit na sa huli ay hindi ako maligtas, ito ay magiging dahil sa hindi nagbago ang disposisyon ko, at hindi dahil matanda na ako at ayaw na sa akin ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, nauunawaan ko na po ang Inyong layunin. Handa po akong magpasakop sa Inyong mga pamamatnugot at pagsasaayos at hindi na po muling magkakamali ng pagkaunawa o magrereklamo laban sa Inyo. Anuman ang tungkuling gawin ko, gusto ko itong gawin nang buong puso’t isipan para palugurin Kayo.”
Kalaunan, nakahanap ang sister ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kalagayan ko. Sabi ng Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at ninanais na magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay palaging hindi matitinag. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung aalisin ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Marahil, habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin o ipinamumuhay ang buhay ng iglesia, nararamdaman nilang nagagawa nilang talikdan ang kanilang mga pamilya at masayang gugulin ang kanilang sarili para sa Diyos, at na mayroon na silang kaalaman ngayon tungkol sa kanilang motibasyon na tumanggap ng mga pagpapala, at naisantabi na nila ang motibasyong ito, at hindi na sila napamumunuan o nalilimitahan nito. Pagkatapos, iniisip nilang wala na silang motibasyon pa na mapagpala, pero kabaligtaran ang pinaniniwalaan ng Diyos. Mababaw lang kung tingnan ng mga tao ang mga bagay-bagay. Kapag walang mga pagsubok, maganda ang pakiramdam nila sa kanilang sarili. Basta’t hindi sila umaalis sa iglesia o hindi itinatatwa ang pangalan ng Diyos, at nagpupursigi silang gumugol para sa Diyos, naniniwala silang nagbago na sila. Pakiramdam nila ay hindi na personal na kasiglahan o pabugso-bugsong damdamin ang nagtutulak sa kanila sa pagganap ng kanilang tungkulin. Sa halip, naniniwala silang kaya na nilang hangarin ang katotohanan, at kaya na nilang patuloy na hanapin at isagawa ang katotohanan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, nang sa gayon ay nadadalisay ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nakakamit nila ang ilang tunay na pagbabago. Gayumpaman, kapag may mga nangyayari na tuwirang may kinalaman sa hantungan at kalalabasan ng mga tao, paano sila umaasal? Nahahayag ang katotohanan sa kabuuan nito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Inilantad ng Diyos ang nakatagong intensyon sa loob ng mga tao na magkamit ng mga pagpapala. Nananampalataya ang mga tao sa Diyos hindi para palugurin Siya, kundi para magkamit ng mga pagpapala at pakinabang. Kahit na kaya nilang talikuran ang kanilang mga pamilya at karera para gawin ang isang tungkulin, ang lahat ng ito ay para lang subukang makipagkasundo sa Diyos. Sa pagbabalik-tanaw noong una kong natagpuan ang Diyos, naramdaman kong may pag-asa akong makapasok sa kaharian ng langit kaya masigasig kong ginugol ang aking sarili. Nagpasakop ako sa anumang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin, at hindi ako nauubusan ng lakas araw-araw. Pero habang tumatanda ako at paunti na nang paunti ang mga tungkuling kaya kong gawin, nagsimula akong mag-alala na hindi ako makatatanggap ng mga pagpapala, kaya naging negatibo ako. Huminto na rin ako sa pagtutok sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Hindi ko na hinanap ang mga layunin ng Diyos kapag may nangyayari sa akin, at ginugol ko ang mga araw ko sa paglulunoy sa pagkabalisa at pagkabahala. Nakita ko na sa lahat ng taon na ito, ginagawa ko ang aking tungkulin sa paghahangad ng mga pagpapala at pagpasok sa kaharian ng langit—hindi para palugurin ang Diyos. Ang pananampalataya ko sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan ay pagtatangka kong makipagkasundo at malinlang ang Diyos. Talagang kulang ako sa pagkatao! Sa pagninilay-nilay sa mga taon na ito, naunawaan ko ang ilang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking satanikong kalikasan. Naunawaan ko rin nang kaunti ang masisidhing layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Napakarami ko nang natanggap mula sa Diyos, pero sinusubukan ko pa ring makipagkasundo sa Kanya. Sa sandaling maramdaman kong hindi ako makatatanggap ng mga pagpapala, nagiging negatibo ako at ayaw ko nang magsumikap. Talagang wala akong konsensiya o katwiran! Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako! Tiningnan ko iyong mga kaedad ko na hindi nananampalataya sa Diyos— ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pagkain, pag-inom, at paghahanap ng kasiyahan, at kung hindi sila nagtsitsismisan, naglalaro sila ng baraha o mahjong. Wala silang ideya kung ano ang kahulugan ng buhay, at ang ginagawa lang nila araw-araw ay umupo lang at hintayin ang kamatayan. Sa mga taon ko ng pananampalataya sa Diyos, naunawaan ko kung ano ang isang makabuluhang buhay, at hindi ko na hinangad ang mga makamundong kalayawan kundi sa halip ay ginusto kong hangarin ang katotohanan, gawin nang maayos ang tungkulin ko, at palugurin ang Diyos. Natagpuan ko ang layon ng buhay. Naging kontento at panatag ako, at kahit mamatay ako sa puntong ito, naging sulit na ang buhay ko. Hindi ko na dapat subukang makipagkasundo pa sa Diyos, o maghangad para lang mapagpala.
Hindi nagtagal, lumapit ang sister para hilingin sa akin na pasimulan uli ang aking tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay. Masayang-masaya ako. Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataong gumawa ng tungkulin, at gusto ko itong pahalagahan nang maayos. Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Bukod sa kakayahan nilang gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, marami pa silang magagawa. Maliban na lamang kung ikaw ay hangal, may problema sa isip, at hindi nakakaunawa sa katotohanan, at maliban na lamang kung hindi mo na kayang alagaan ang iyong sarili, marami kang dapat gawin. Katulad mismo ng mga kabataan, maaari mong hangarin ang katotohanan, maaari mong hanapin ang katotohanan, at maaari kang madalas na lumapit sa Diyos upang manalangin, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, sikaping tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan. Ito ang landas na dapat mong tahakin, at hindi ka dapat mabagabag, mabalisa, at mag-alala dahil matanda ka na, dahil marami kang sakit, o dahil tumatanda na ang iyong katawan. Ang pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala ay hindi ang tamang gawin—ito ay mga hindi makatwiran na pagpapamalas. … Yamang ang matatanda ay may mga tiwaling disposisyon gaya lang din ng mga kabataan, at madalas silang naghahayag ng kanilang tiwaling disposisyon sa buhay at sa paggampan ng kanilang mga tungkulin gaya lang din ng mga kabataan, bakit hindi ginagawa ng matatanda kung ano ang tama, at sa halip ay palagi silang nababagabag, nababalisa, at nag-aalala tungkol sa kanilang katandaan at sa mangyayari sa kanila pagkatapos mamatay? Bakit hindi nila ginagampanan ang kanilang mga tungkulin gaya ng ginagawa ng mga kabataan? Bakit hindi nila hinahangad ang katotohanan gaya ng ginagawa ng mga kabataan? Ibinigay sa iyo ang pagkakataong ito, kaya kung hindi mo ito susunggaban, at talagang tatanda ka nang husto na hindi ka na makarinig o makakita o hindi mo na maalagaan ang iyong sarili, pagsisisihan mo ito, at ang iyong buhay ay lilipas nang ganito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi ako dapat maglunoy sa pagkabalisa o pagkabahala tungkol sa kung maliligtas ba ako, ni hindi ko dapat ipagpatuloy ang maling pagkaunawa at pagrereklamo laban sa Diyos gaya ng dati. Ang kailangan kong gawin ay hangarin ang katotohanan para malutas ang aking tiwaling disposisyon, at hindi ko dapat hintayin hanggang sa ako ay maging tunay na magulo ang isipan at hindi na makagalaw, dahil huli na para magsisi sa hindi paghahangad ng katotohanan sa panahong iyon. Gusto kong samantalahin ang huling yugtong ito ng panahon para hangarin ang katotohanan at magtamo ng pagbabago sa disposisyon. Sa pagbabalik-tanaw, palagi kong binabasa nang pahapyaw ang mga salita ng Diyos nang hindi lubusang nauunawaan ang mga ito, at hindi ko naunawaan ang mga layunin ng Diyos. Ngayong matanda na ako, wala na akong memorya ng isang kabataan, pero kaya kong basahin nang paulit-ulit ang mga salita ng Diyos at pagnilayan ang mga ito nang higit pa, at kapag may nangyayari, kaya kong hanapin ang mga layunin ng Diyos at humanap ng landas ng pagsasagawa sa Kanyang mga salita. Gaya ng sinasabi ng Diyos: “… sikaping tingnan ang mga tao at bagay, at umasal at kumilos nang ganap na ayon sa mga salita ng Diyos, na ang pamantayan ay ang katotohanan.” Dapat akong magsikap na maabot ang mga hinihingi ng Diyos at tumutok sa aking buhay pagpasok, at hindi ko maaaring patuloy na pabayaan ang aking wastong gawain. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa paggabay sa akin palabas sa pagkabalisa!
Pagkatapos, sa aking mga tungkulin man o pakikisalamuha sa pamilya, kapag may nangyayari sa akin, natutunan kong tanggapin ang mga ito mula sa Diyos, at hinanap ko ang mga layunin ng Diyos at nagsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Ang aking mapagmataas na disposisyon ay nagsimulang magbago nang paunti-unti, at sinabi ng anak kong lalaki na hindi na ako kasingdominante gaya ng dati. Tunay akong nagpapasalamat sa Diyos sa aking puso. Ang Diyos ang gumabay sa akin sa pagbabagong ito, at mula sa puntong ito, sa aking pang-araw-araw na buhay, naging handa akong isagawa at danasin ang mga salita ng Diyos at magpatotoo sa Diyos upang luwalhatiin Siya.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Su Qing, TsinaIpinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa probinsya. Noong hayskul ako, hindi kayang bayaran ng mga magulang ko ang...
Ni Jingxin, TsinaNoong Agosto 2022, nakipagtulungan ako kina Liu Xuan at Zhang Qi para gumawa ng mga video. Dahil bago ako sa paggawa ng...
Ni Lin Ping, TsinaNoong Hulyo 2020, nahalal ako bilang lider, at pinamahalaan ko ang gawain ng ilang iglesia. Kahahalal lamang kay Sister...
Ni Chen Shi, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dapat ninyong malamang gusto ng Diyos yaong mga tapat. Sa diwa, matapat ang Diyos, at...