Ang mga Kahihinatnan ng Labis na Emosyonal na Koneksyon

Pebrero 24, 2024

Ni Su Xing, Tsina

Noong taong nanungkulan ako bilang isang diyakono, iniutos ng sambahayan ng Diyos ang paglilinis ng iglesia para alisin ang lahat ng hindi mananampalataya, masasama, at anticristo mula sa hanay ng aming mga miyembro. Sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng gayong paglilinis matitiyak ang normal na buhay-iglesia ng mga hinirang ng Diyos. Hindi nagtagal, sinimulan ng iglesia namin ang pagsisiyasat sa tatlong uri ng mga taong ito.

Isang araw, hinanap ako ni Brother Wang Zhicheng na isang lider ng iglesia, at sinabi sa akin: “Madalas na binabaluktot ng asawa mo ang mga katunayan at hinuhusgahan ang mga lider at manggagawa sa mga pagtitipon. Ngunit nang tinukoy ng dalawang diyakono ang problemang ito, bukod sa hindi niya ito tinanggap, nagtanim din siya ng sama ng loob sa kanila at nagsimulang siraan sila nang patalikod. Ito ang nagbunsod sa ilan nating mga kapatid na magkaroon ng mga pagkiling sa mga lider at manggagawa at lubhang naapektuhan ang buhay-iglesia. Nagbahagi at tumulong kami sa kanya, iwinasto at tinabas siya, pero hindi pa rin niya nakita ang pagkakamali sa kanyang mga gawi at nabigong magsisi at magkamit ng pagbabago.” Nais ding malaman ni Zhicheng ang iba pa tungkol sa kanyang pag-uugali sa pangkalahatan, kaya hiniling niya sa akin na magsulat ng isang pagtatasa na makakatulong sa pagbuo ng desisyon kung dapat siyang alisin o hindi. Sa oras na iyon, medyo nalungkot ako. Totoo ang sinabi ni Zhicheng—totoong madalas na hinuhusgahan ng asawa ko ang mga lider at manggagawa, at sinasabi niyang sila ay iresponsable at hindi gumagawa ng praktikal na gawain. Sa katunayan, nakapagkamit ng resulta ang mga lider sa kanilang gawain at nakalutas sila ng ilang praktikal na isyu, pero pinupuna ng asawa ko ang pinakamaliliit na isyu at hinahanapan ng kamalian ang lahat ng ginagawa ng lider. Nakipagbahaginan na ako sa kanya dati tungkol sa isyung ito, pero ayaw lang talaga niyang baguhin ang kanyang mga gawi at nagpatuloy siya sa pagpapahayag ng kanyang panghuhusga sa mga lider sa kanyang grupo ng pagtitipon. Nang sabihin sa kanya ng lider ng kanyang grupo na si Brother Yang Yanyi na hindi siya dapat manghusga sa mga lider at manggagawa sa panahon ng mga pagtitipon dahil nakakagambala ito sa buhay-iglesia, nagsimula siyang siraan ito. Sabi niya, nagsabi lang siya ng mga salita at doktrina at wala siyang katotohanang realidad. Sinabi pa niya na sinasayang nito ang oras ng mga kapatid sa panahon ng pagtitipon, kung saan, sa katunayan, halos praktikal ang karamihan sa pagbabahagi ni Yanyi. Nakakagambala sa buhay-iglesia ang inaasal ng asawa ko at kung, sa takbo ng pagsisiyasat ng iglesia, natukoy na siya ay isang masamang tao, siya ay ititiwalag sa iglesia. Noong panahong iyon, naisip ko: “Kung ititiwalag siya, hindi ba’t nangangahulugan iyon na hindi niya makakamit ang kaligtasan?” Nang matanto ito, sinabi ko sa lider: “Ang dahilan kung bakit naging sanhi ng mga kaguluhan at pagkagambala ang asawa ko ay dahil mahigit dalawang taon pa lang ang nakalilipas nang tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at hindi pa niya nauunawaan ang katotohanan. Sisiguraduhin kong makipagbahaginan sa kanya pag-uwi ko at titingnan ko kung mapagsisisi ko siya. Tungkol sa pagtatasa, pwede ba nating ipagpaliban iyon sa ngayon?” Nakipagbahaginan sa akin si Zhicheng, sinasabing ang sambahayan ng Diyos ay palaging binibigyang-diin na ang masasamang tao at hindi mananampalataya na gumagambala sa gawain ng iglesia ay dapat alisin para mapigilan silang makaapekto sa normal na buhay-iglesia. Hiniling niya sa akin na kumpletuhin ang aking pagtatasa sa lalong madaling panahon at tiniyak sa akin na gagawa ng isang patas na paghatol ang iglesia alinsunod sa prinsipyo batay sa kanyang pangkalahatang pag-uugali. Alam kong tama si Zhicheng, ngunit pagdating sa pagsusulat ng pagsusuri sa aking asawa, ang sama ng pakiramdam ko. Marami kaming pinagdusahan ng asawa ko mula nang pumasok kami sa pananampalataya. Kinukutya at sinisiraan na nga kami ng mga kapitbahay namin, pero pati na ang aming malalapit na kaibigan at kapamilya, lahat sila’y inabandona kami—naranasan namin ang ilang napakahirap na panahon nang magkasama. Kung isusulat ko ang lahat ng kanyang masasamang pag-uugali at sa huli ay ititiwalag siya, hindi ba’t magiging walang kabuluhan ang lahat ng kanyang pagdurusa? Higit pa rito, kung malalaman niya na ang pagtatasa ko ang naglantad sa lahat ng kanyang masasamang pag-uugali, hindi ba niya sasabihin na kinalimutan ko ang pagsasamahan naming mag-asawa at naging malupit ako sa kanya? Naisip ko sa sarili ko: “Kalimutan mo na ito. Hindi ko dapat isulat ito.” Pero muli ko itong isinaalang-alang, iniisip na: “Alam na alam kong ginagambala ng asawa ko ang buhay-iglesia. Kung hindi ko kaagad iuulat ang mga pag-uugali ng asawa ko sa iglesia, hindi ba’t itinatago ko ang katotohanan at pinagtatakpan siya? Iyon ay pagkakasala sa Diyos!” Nang mapagtanto ang lahat ng ito, nakaramdam ako ng paghihirap at pagkabalisa. Hindi ko mabitawan ang aking emosyonal na koneksyon sa asawa ko at hindi ko alam kung ano ang pinakamabuting gawin. Sa mga sumunod na araw, sa tuwing umuuwi ako, nakikipagbahaginan ako sa asawa ko at hinihimok ko siyang magsisi. Basta-basta naman siyang pumapayag, pero kapag pinipilit ko pa siya, nayayamot siya at tumatangging tanggapin ang pagbabahagi ko. Nang makitang hindi siya bumuti kahit kaunti, labis akong nahirapan na halos hindi ako makakain o makatulog nang maayos.

Kalaunan, sa isang pulong ng magkakatrabaho, napansin ng isang lider kung paano ako kinokontrol ng aking mga emosyonal na koneksyon at hindi ko pa rin naisulat ang pagtatasa, at kaya nagbahagi siya sa akin. Sabi niya: “Ang katotohanan ay naghahari sa sambahayan ng Diyos. Walang taong gumagawa ng kasamaan ang maliligtas, at walang mabuting tao ang maling naakusahan. Bilang diyakono ng iglesiang ito, dapat kang manguna sa pagsasagawa ng katotohanan para mapangalagaan ang gawain ng iglesia.” Medyo napahiya ako matapos marinig ang pagbabahagi ng lider. Sa katunayan, bilang isang diyakono ng iglesia, kung nais ng iglesia na maunawaan ang higit pa tungkol sa sitwasyon ng aking asawa, dapat akong aktibong makipagtulungan. Sa halip, patuloy kong inaantala ang pagsusulat ng pagtatasa at, sa paggawa nito, nabigo akong mapanatili ang gawain ng iglesia. Sa totoo lang, isa itong pangmulat para sa asawa ko at isang pagkakataon para sa kanya na mapagtanto na siya ay nagkakaroon ng ilang isyu. Kung siya ay tatanggap sa katotohanan at magsisisi at agad na magbabago, maaaring magkaroon ng positibong resulta. Pag-uwi ko, habang naghahanda akong isulat ang aking pagtatasa, nakita ko ang asawa ko na masigasig na inaabala ang sarili sa mga gawain sa buong bahay at nagsimula akong mag-alinlangan. Nagmadali akong nagdasal sa Diyos, hinihiling na gabayan Niya ako na bitawan ang damdamin ng aking laman at isagawa ang katotohanan para mapanatili ang gawain ng iglesia. Pagkatapos magdasal, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ano ang mga damdamin, sa diwa? Ang mga ito ay uri ng tiwaling disposisyon. Ang mga pagpapamalas ng mga damdamin ay mailalarawan gamit ang ilang salita: paboritismo, pagprotekta sa iba nang walang prinsipyo, pagpapanatili ng mga pisikal na relasyon, at pagkiling; ito ang mga damdamin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Realidad ng Katotohanan?). “Anong mga isyu ang may kaugnayan sa mga emosyon? Una ay kung paano mo kinikilatis ang sarili mong pamilya, at kung ano ang nagiging reaksyon mo sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kasama sa ‘mga bagay na kanilang ginagawa’ ang kapag ginagambala at ginugulo nila ang gawain ng iglesia, kapag mapanghusga sila sa mga tao kapag nakatalikod ang mga ito, kapag ginagawa nila ang mga bagay na ginagawa ng mga walang pananampalataya, at iba pa. Magagawa mo bang hindi kilingan ang mga bagay na ito na ginagawa ng iyong pamilya? Kung pasusulatin ka ng ebalwasyon tungkol sa pamilya mo, gagawin mo kaya ito nang walang halong damdamin at patas, na isinasantabi ang sarili mong mga emosyon? Nauugnay ito sa kung paano mo dapat harapin ang mga kapamilya. Sentimental ka ba sa mga taong nakapalagayan mo ng loob o tumulong sa iyo noon? Magiging walang pinapanigan, walang kinikilingan at mahigpit ka kaya tungkol sa kanilang mga kilos at pag-uugali? Iuulat o ilalantad mo ba sila agad kung madiskubre mong ginagambala at ginugulo nila ang gawain ng iglesia? Higit pa rito, sentimental ka ba sa mga taong malalapit sa iyo, o kapareho mo ng mga interes? Wala kayang kikilingan at walang papanigan ang iyong ebalwasyon, pakahulugan, at tugon sa kanilang mga kilos at pag-uugali? At ano kaya ang magiging reaksyon mo kung idinikta ng prinsipyo na kailangang gumawa ng kaukulang hakbang ang iglesia laban sa isang taong may emosyonal kang koneksyon, at salungat ang mga hakbang na ito sa sarili mong mga kuru-kuro? Susunod ka kaya? Patuloy ka bang palihim na makikipag-ugnayan sa kanila, magpapalinlang ka pa rin ba sa kanila, masusulsulan ka pa rin ba nilang magdahilan para sa kanila, na mangatwiran at ipagtanggol sila? Ilalagay mo kaya ang iyong sarili sa alanganin upang tulungan ang mga naging mabait sa iyo, nang nang walang kamalayan sa mga katotohanang prinsipyo at walang pakialam sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? May kinalaman sa lahat ng ito ang iba’t ibang isyung may kaugnayan sa mga emosyon, hindi ba?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 2). Inihayag ng mga salita ng Diyos kung paanong ang mga may masidhing emosyonal na koneksyon ay hindi kumikilos nang may prinsipyo, at lalong hindi sila kumikilos nang patas. Sa halip, may pinapaboran sila at pinananatili ang kanilang mga relasyon sa laman nang wala ni katiting na pagsasaalang-alang para sa mga interes ng iglesia. Habang sinusukat ang sarili ko sa mga salita ng Diyos, nalaman kong mayroon akong masidhing emosyonal na koneksyon. Dahil alam na alam ko na hanggang ngayon, ang asawa ko ay madalas na binabaluktot ang mga katunayan, hinuhusgahan ang mga lider at manggagawa, at ginagambala ang buhay-iglesia, dapat kong isagawa ang katotohanan at ilantad ang kanyang masasamang pag-uugali. Sa paggawa nito ko lang maiingatan ang kalooban ng Diyos at mapangalagaan ang gawain ng iglesia. Gayunpaman, dahil hindi ko kayang talikdan ang buklod ng pamilya, natakot ako na mawalan ang asawa ko ng pagkakataon na makamit ang kaligtasan at nag-alala na sumama ang loob niya sa akin, nanatili ako sa panig niya, pinagtakpan ko siya, ipinagpaliban ang pagsulat ng kanyang pagtatasa at pinahintulutan siyang ipagpatuloy na gambalain ang iglesia. Habang pinagtatakpan ko siya, hindi ako naglaan ng kahit katiting na pagsasaalang-alang para sa gawain ng iglesia, ni hindi ko naisip kung paano ito pwedeng makapinsala sa buhay ng mga kapatid. Talagang kasuklam-suklam ako! Nang mapagtanto ang lahat ng ito, naisip ko: “Hindi ko na pwedeng patuloy na labanan ang konsensya ko at magkasala sa Diyos. Dapat kong isagawa ang katotohanan, talikdan ang mga emosyon ng aking laman at ilantad ang kanyang masasamang pag-uugali.” Habang naiisip iyon, kinuha ko ang bolpen at isinulat ang bawat isa sa masasamang pag-uugali na naobserbahan ko sa asawa ko. Pagkalipas ng ilang araw, nagpasya ang mga lider at manggagawa batay sa prinsipyo na ang asawa ko ay may masamang pagkatao, maraming beses nang ginambala ang buhay-iglesia, at dapat na itiwalag, ngunit dahil katatanggap lamang niya ng gawain ng Diyos sa mga huling araw sa maikling panahon, mabibigyan siya ng isa pang pagkakataong magsisi. Siya ay tatabasan, iwawasto, at paaalalahanan, pero kung hindi pa rin siya magsisisi, siya ay ititiwalag. Nakahinga ako nang maluwag nang mabalitaan ko ito, nalalaman na may pagkakataon pa siyang baguhin ang mga bagay-bagay. Nagpasiya akong magsikap at talagang tulungan ang asawa ko na makilala ang kanyang masasamang pag-uugali at magsisi sa Diyos. Kung makapagsisisi siya at makapagbabago, hindi siya aalisin. Kung ganoon ang mangyari, may pag-asa pa ring makamit niya ang kaligtasan. Pag-uwi ko sa bahay, tinukoy ko ang lahat ng isyu ng asawa ko at hinimok siyang pahalagahan ang pagkakataong ito na magsisi. Noong panahong iyon, pumayag siya sa kahilingan ko. Pagkatapos noon, hindi na siya nakikipagtalo sa mga kapatid at hindi na hinuhusgahan ang mga lider at manggagawa sa mga pagtitipon. Bukal sa loob niyang tinanggap ang pagpapatuloy sa mga kapatid nang italaga ito sa kanya ng iglesia at tila mas pinipigilan na niya ang sarili, kahit sa panlabas man lang. Masayang-masaya ako para sa kanya, pero habang lumilipas ang panahon, muling lumitaw ang tunay niyang kalikasan.

Minsan, sa isang pagtitipon, tinanong ng isang lider ng grupo na si Sister Liu Yi kung paano dapat magsagawa ang isang tao at pumasok sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Nang marinig ito, pinintasan ng asawa ko si Liu Yi. Sabi niya: “Inilantad mo ako noon, sinasabing hinuhusgahan ko ang mga lider at manggagawa at gumagawa ako ng kasamaan, pero hindi mo man lang naiintindihan ang katotohanan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan! Bakit ka pa naging lider ng grupong ito? Anong kwalipikasyong mayroon ka para punahin ako?” Nagpatuloy siya sa pag-atake at pambabatikos kay Liu Yi, tumatangging huminto nang pagsabihan siya ng iba. Sa bandang huli, naging napakalakas ng kanyang pagsiyaw na dumating ang isang kapitbahay para magtanong kung ano ang nangyayari at kailangang ihinto ang pagtitipon dahil sa pag-aalala para sa kaligtasan. Nang malaman ko ang nangyari, iwinasto ko siya at sinabi sa kanya na ang kanyang paninira ay nakagambala at nakaabala sa buhay-iglesia, pero ayaw niyang tanggapin ito at sinubukan pa niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Pagkatapos, nanatili siyang galit sa akin at hindi na naging mabait sa akin. Tunay na nakakasira ng loob na makita siyang pinakikitunguhan ako nang ganito. Pagkatapos niyon, dahil medyo kilala ako sa mga mananampalataya sa bayan ko at dahil din sa isang masamang tao na nag-ulat sa akin dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, napilitan kaming mag-asawa na tumakas at tuparin ang mga tungkulin namin sa malayong lugar, sa isang bagong iglesia. Minsan, sa isang pagtitipon, medyo malayo ang pag-unawa ng asawa ko sa isang sipi ng mga salita ng Diyos at tinukoy ng ibang mga kapatid ang kanyang pagkakamali, sinasabi sa kanyang hindi ito ang tamang interpretasyon ng mga salita ng Diyos. Pero ayaw itong tanggapin ng asawa ko at nagpatuloy sa katatalak tungkol sa punto niya hanggang sa naabala nito ang buong daloy ng pagtitipon. Sa isa pang pagkakataon, ipinagtanggol niya ang isang masamang tao na inihandang itiwalag ng iglesia at lubhang ginambala ang gawain ng iglesia. Nang malaman ko ang tungkol dito, iwinasto ko siya at inilantad, pero ayaw niyang tanggapin ang punto ko at inisip pa ngang siya ang tama. Sa isa pang pagkakataon, nabalitaan ng asawa ko mula sa kung saan na ang lider ng iglesia ay nasa panganib kaya hinadlangan niya ang lider sa pagdalo sa pagtitipon, sinasabing ilalagay niya sa panganib ang iba pang mga makikilahok. Sinabi pa niyang tumutulong siya sa pagprotekta sa gawain ng iglesia, at nagtanim siya ng takot sa mga kapatid, pinapayuhan silang huwag makipag-ugnayan sa lider. Talagang wala siyang alam kung ano ang pinagsasabi niya at ginawa ang lahat ng uri ng kakatwang mga pahayag at kilos na direktang nakagambala sa buhay-iglesia. Nagalit ako at nabalisa nang marinig ko ang nangyari at nakipagpahaginan sa kanya, sinasabing: “Pinigilan mo ang lider sa pagdalo sa pagtitipon, nagtanim ka ng takot sa mga kapatid, pinigilan ang mga tao na makipag-ugnayan sa lider at hinadlangan ang kakayahan ng lider na gampanan ang kanyang tungkulin. Hindi ba’t gumagawa ka ng kasamaan at ginagambala ang buhay-iglesia? Noon, hindi ka inalis ng iglesia nang ginawa mo ang lahat ng kasamaang iyon dahil maikling panahon ka pa lamang na naging mananampalataya. Binigyan ka nila ng pagkakataong magsisi, pero hindi ka man lang nagsisi at nagpatuloy pa rin sa paggawa ng masama. Kung magpapatuloy ka nang ganito, tiyak na matitiwalag ka. Paano mo makakamit ang kaligtasan kung magkagayon?” Iniyuko lamang niya ang ulo niya at hindi sumagot. Wala siyang anumang kamalayan sa sarili at nabigo siyang itama ang kanyang pag-uugali kalaunan. Hindi niya tinanggap ang sinabi ko sa kanya habang iwinawasto siya at seryosong inilalantad at wala ni katiting na intensyon na magsisi. Tungkol sa mga kilos ng asawa ko, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Yaong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga utusan ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang itiwalag at alisin. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, kung wala silang sumusunod-sa-Diyos na puso, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumagambala sa Kanyang gawain at sumusuway sa Kanya. Ang paniniwala sa Diyos ngunit hindi sumusunod o natatakot sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at pag-uugali ng mga mananampalataya na tulad ng mga hindi mananampalataya, mas masama pa sila kaysa mga hindi mananampalataya; sila ay napakatipikal na mga demonyo. Yaong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at malisyosong pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at iginugrupu-grupo ang mga kapatid—dapat ay natiwalag na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, hinihigpitan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang palalayasin sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. Ang ilan ay walang anumang taglay kundi mga tiwaling disposisyon, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi napakamalisyoso rin ng kanilang likas na pagkatao. Hindi lamang nahahayag sa kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod dito, ang totoong diyablong si Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas; hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga utusang ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Ang mga kilos ng asawa ko ay katulad ng mga inilarawan ng Diyos. Dati, madalas niyang baluktutin ang katotohanan at husgahan ang mga lider at manggagawa at nag-uudyok pa nga ng alitan sa pagitan ng mga kapatid at ng mga lider at manggagawa. Ngayon, muli na naman niyang ginagawa ang masasamang bagay gaya ng dati, kumikilos nang walang ingat, humahadlang sa lider sa pagtupad ng kanyang tungkulin at nakaaapekto nang matindi sa gawain ng iglesia. Nasuri ng lider namin sa dating iglesia ang kanyang masasamang pag-uugali, pero wala pa rin siyang kamalayan sa sarili at hindi nagsisisi. Nagalit pa siya sa mga nagtangkang tumulong sa kanya at sinusungitan sila tuwing may pagkakataon. Malinaw na hindi niya tinanggap ang katotohanan at kinamuhian at kinasuklaman pa nga ang katotohanan. Ang mga pag-uugaling ito ay hindi lamang mga normal na pagpapamalas ng katiwalian o bibihirang mga paglabag, kinakatawan nito ang isang kalakaran ng panggagambala at panggugulo at wala sa mga payo o panghihikayat na iniaalok sa kanya ang makapagbago sa kanyang mga gawi. Ito ay pagpapahayag ng isang malisyosong kalikasan! Ang diwa ng mga taong gumagawa ng kasamaan ay ang kasuklaman at kamuhian ang katotohanan at mabigong tunay na magsisi kahit pagkatapos ng ilang taon ng pananampalataya. Habang pinagninilayan ang paghahayag ng mga salita ng Diyos, natanto ko na ang aking asawa ay isang taong gumagawa ng kasamaan at, sa malao’t madali, siya ay ititiwalag sa iglesia. Pero hindi ko pa rin makaya na makita siyang itiwalag pagkatapos ng lahat ng mga taong ito sa pananampalataya—ang pag-iisip lamang tungkol dito ay labis na nagpahirap sa akin. Kahit na alam kong ang di-maiiwasang pagtitiwalag sa kanya ay bunga ng sarili niyang kasamaan at na siya mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa pagkabigo, hindi ko pa rin kayang makitang mangyari iyon at ginusto kong protektahan siya. Noong panahong iyon, hiniling sa akin ng lider ng iglesia na sumulat ng pagsusuri sa asawa ko. Naisip ko noon: “Marahil ay isusulat ko na lang ang tungkol sa masasamang ginawa niya na alam na ng mga kapatid sa iglesiang ito at hindi ko na isasama ang mga pangyayari sa dating iglesia na hindi alam ng mga tao rito. Baka sakaling magkaroon siya ng pagkakataong manatili sa iglesia.” Kaya’t nagsulat na lang ako ng isang pabasta-bastang buod ng ilan sa kanyang kasalukuyang mga maling gawain at ipinasa ito. Pagkalipas ng ilang araw, sinabi sa akin ng lider: “Napakasimple ng pagsusuring isinulat mo. Iniulat mo ba ang lahat ng maling gawain ng asawa mo? Sa ating mga inaasal, dapat nating tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Hindi natin dapat itago ang mga katunayan at realidad dahil sa ating mga pansariling emosyonal na koneksyon.” Nagtalo ang kalooban ko dahil sa mga sinabi ng lider. Totoong hindi ko iniulat ang lahat ng maling gawain ng asawa ko, dahil kung gagawin ko iyon, batay sa kanyang pangkalahatang kalakaran ng pag-uugali, matutukoy siya bilang isang taong gumagawa ng kasamaan at agad na ititiwalag. Dahil lubos siyang lumalaban, kung talagang ititiwalag siya at nalaman na ako nakapag-ambag ako ng ebidensya, makikipagtalo siya sa akin nang walang katapusan. Isa pa, kung malalaman ng mga anak ko ang nangyari, hindi ba nila sasabihing tinrato ko ang sarili kong asawa na parang ibang tao? At muli, kung hindi ako magbibigay ng makatotohanang salaysay sa aking pagsusuri, itinatago ko ang mga katunayan at realidad at pinagtatakpan ang isang taong gumagawa ng kasamaan, hinahayaan siyang magpatuloy sa paggawa ng kasamaan at paggambala sa gawain ng iglesia. Labis akong nahirapan at naguluhan, hindi makapagdesisyon.

Pagkauwi ko, nakita ko ang mga sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat mong isantabi ang iyong mga emosyon sa lalong madaling panahon; hindi Ako kumikilos nang ayon sa emosyon, sa halip ay isinasakatuparan Ko ang katuwiran. Kung ang iyong mga magulang ay gumagawa ng anumang hindi kapaki-pakinabang sa iglesia, hindi sila makakatakas. Ang Aking mga intensyon ay naihayag na sa iyo, at hindi mo maaaring ipagwalang-bahala ang mga ito. Sa halip, dapat mong ituon ang lahat ng iyong pansin sa mga ito, at isantabi ang lahat upang sumunod nang buong puso. Palagi Kitang iingatan sa Aking mga kamay. Huwag kang palaging maging mahiyain at kontrolado ng iyong asawa; dapat mong tulutan na maisakatuparan ang Aking kalooban(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9). “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong masuwayin sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at nag-uukol ng budhi at pagmamahal sa kanila, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung hindi pa rin magawa ng mga tao sa mga araw na ito na makita ang kaibhan ng mabuti at masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang layon na hangarin ang kalooban ng Diyos o magawang kupkupin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa kahulugan ng pagiging matuwid? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba masuwayin sa gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon? Yaong mga tao na naniniwala lamang kay Jesus at hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, gayundin yaong mga pasalitang inaangkin na naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama, ay pawang anticristo, kahit hindi pa banggitin yaong mga hindi man lamang naniniwala sa Diyos. Magiging mga pakay ng pagwasak ang lahat ng taong ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ang paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos ay nakakadurog ng puso. Alam na alam ko na ang asawa ko ay may diwa ng isang masamang tao at dapat na itiwalag, pero dahil sa emosyonal na koneksyon ko sa kanya, hindi ko kayang makita siyang itiwalag at mawala ang pagkakataon niyang magkamit ng kaligtasan. Nag-alala rin ako na baka sabihin ng asawa at mga anak ko na wala akong puso at hindi tapat sa pamilya kapag nalaman nilang nagbigay ako ng pagsusuri. Itinago ko ang mga katunayan at gumawa lamang ng isang maikli at pabasta-bastang paglalarawan ng mga pag-uugali ng asawa ko sa pagsisikap na dayain at linlangin ang Diyos at ang mga kapatid. Alam na alam kong ipagpapatuloy lamang ng asawa ko ang panggagambala sa buhay-iglesia kung mananatili siya roon, pero nagpatuloy pa rin ako at pinagtakpan ang kanyang mga maling gawain nang hindi iniisip ni kaunti kung anong pinsala ang idudulot nito sa gawain ng iglesia. Hindi ba’t pinagtatakpan ko ang isang taong gumagawa ng kasamaan, nilalabanan ang Diyos at pinipinsala ang iglesia, at ang mga kapatid? Hindi ko matukoy ang pagkakaiba ng mabuti at masama at nagpapatangay ako sa aking sentimental at mapagmahal na damdamin sa taong ito na gumagawa ng kasamaan. Ang tanga ko no’n! Pinagnilayan ko kung paanong ang dahilan kaya ipinagpatuloy kong paboran ang emosyonal kong koneksyon kaysa sa pagsasagawa ng katotohanan ay dahil sa malalalim na nakaugat na satanikong lason gaya ng “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” at “Kapag ang isang lalaki at babae ay ikinasal, ang kanilang pagmamahalan ay malalim” ay naging sanhi ng labis kong pagpapahalaga sa aking mga emosyonal na ugnayan at inisip na sa buhay na ito, ang isang tao ay dapat na maging mapagmahal at tapat. Naisip ko ang mga satanikong pilosopiyang ito bilang mga positibong bagay at, bunga nito, hindi ko nakilala ang kaibahan ng mabuti at masama, tama at mali, nawalan ako ng prinsipyo sa inaasal ko, pinanatili ang emosyonal na ugnayan, pinagtakpan ang isang taong gumagawa ng kasamaan, at pinahintulutan siyang gambalain ang buhay-iglesia at hadlangan ang gawain ng iglesia. Hindi ba’t kusang-loob akong nakilahok sa mga maling gawain ng taong gumagawa ng kasamaan? Medyo natakot ako nang matanto ko ito at lubos na nahiya at nanghinayang. Kung isinagawa ko ang katotohanan at inilantad ang mga maling gawain ng asawa ko para magkaroon ng pagkakilala ang mga kapatid sa kanya at agad siyang itiwalag sa iglesia, naiwasan sana ang pagkagambala sa buhay-iglesia. Binalikan ko ang lahat ng maling pag-uugali ng asawa ko—maaaring nagkaroon siya ng kaunting sigasig, pero hindi talaga niya tinanggap ang katotohanan at nagsilbi lang para maabala ang iglesia. Binigyan siya ng iglesia ng maraming pagkakataon na magsisi at nakipagbahaginan kaming mga kapatid sa kanya nang maraming beses at iwinasto pa nga siya at tinabasan, binibigyan siya ng ilang paalala, pero hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan, hindi nagsisi. Bagkus, hinahatulan at inaatake niya ang mga kapatid. Napagtanto ko na kinamumuhian at kinasusuklaman niya ang katotohanan at katulad lang ng mga damong inilantad ng Diyos sa Kanyang gawain ng mga huling araw. Naisip ko ang isang sipi mula sa Pahayag, na nagsasabing: “Ang liko, ay hayaang magpakaliko pa: at ang marumi, ay hayaang magpakarumi pa: at ang matuwid, ay hayaang magpakatuwid pa: at ang banal, ay hayaang magpakabanal pa(Pahayag 22:11). Tunay ngang ang minsang gumagawa ng masama ay palaging gagawa ng masama. Hinding-hindi siya magbabago, anuman ang sitwasyon.

Kalaunan, natagpuan ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Natutukoy ang kalalabasan ng lahat ayon sa diwang nagmumula sa kanilang asal, at palagi itong angkop na natutukoy. Walang sinumang makapapasan sa mga kasalanan ng iba; higit pa, walang sinumang makatatanggap ng kaparusahan na nauukol sa iba. Ito ay lubos. … Sa huli, ang mga gumagawa ng pagkamatuwid ay mga gumagawa ng pagkamatuwid, at ang mga tagagawa ng masama ay mga tagagawa ng masama. Tutulutang makaligtas sa kalaunan ang mga matuwid, samantalang wawasakin ang mga tagagawa ng masama. Ang mga banal ay mga banal; hindi sila madumi. Ang madudumi ay madudumi, at walang isa mang bahagi nila ang banal. Ang mga taong wawasakin ay ang lahat ng mga buktot, at ang mga makaliligtas ay ang lahat ng mga matuwid—kahit pa gumaganap ng mga matuwid na gawa ang mga anak ng mga buktot, at kahit pa gumagawa ng masasamang gawa ang mga magulang ng mga matuwid. Walang ugnayan sa pagitan ng isang naniniwalang esposo at ng hindi naniniwalang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga naniniwalang anak at mga di-naniniwalang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, may pisikal na mga kamag-anak ang isang tao, ngunit sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang isang tao, wala na siyang anumang pisikal na mga kamag-anak na masasabi. Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin ay mga kaaway ng mga yaong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin; yaong mga nagmamahal sa Diyos at yaong mga napopoot sa Kanya ay magkasalungat sa isa’t isa. Yaong mga papasok sa pamamahinga at yaong mga nawasak na ay dalawang di-magkaayong uri ng mga nilalang. Ang mga nilalang na tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magagawang makaligtas, habang yaong mga hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magiging mga pakay ng pagkawasak; higit pa rito, magtatagal ito hanggang sa kawalang-hanggan. … May mga pisikal na ugnayang umiiral sa pagitan ng mga tao ng ngayon, gayundin ang mga pagkakaugnay sa dugo, ngunit sa hinaharap, babasagin ang lahat ng ito. Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga di-mananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa. Yaong mga nasa pamamahinga ay maniniwala na may Diyos at magpapasakop sa Diyos, samantalang yaong mga masuwayin sa Diyos ay pawang mawawasak. Hindi na iiral sa lupa ang mga pamilya; paano pa magkakaroon ng mga magulang o mga anak o mga ugnayan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagkakatugma ng paniniwala at kawalang-paniniwala ay lubos na papatid sa gayong mga pisikal na ugnayan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na tinutukoy ng Diyos ang mga kahihinatnan ng mga tao batay sa kanilang diwa. Hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong gumagawa ng kasamaan, inililigtas Niya ang mga kayang tumanggap ng katotohanan at tunay na magsisi, habang pinapalayas ang mga hindi makatanggap na kinasusuklaman at kinamumuhian pa ang katotohanan. Sa kanyang diwa, ang asawa ko ay isang taong gumagawa ng kasamaan at hindi maililigtas ng Diyos. Kahit na manatili siya sa iglesia, sa huli ay palalayasin siya at magtitiis lamang ng mas matinding parusa sa patuloy na paggawa ng kasamaan. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, iniisip lamang kung paano pangangalagaan ang aking emosyonal na mga ugnayan bilang tao, hindi isinasagawa ang katotohanan at pinaniniwalaang hangga’t itinatago ko ang mga maling gawain ng asawa ko, pwede siyang manatili sa iglesia at iraraos lang ang gawain patungo sa kaharian ng Diyos. Napakakatawa-tawang mga kuru-kuro ang mayroon ako! Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng “pagbubukod-bukod ng bawat isa ayon sa kanilang uri.” Tinutukoy Niya ang patutunguhan at kalalabasan ng bawat tao batay sa kanilang mga kilos at kalikasang diwa. Ang mabuti ay isasama sa mabuti, at ang masama sa masama. Kailangang tanggapin ng asawa ko ang mga kahihinatnan ng kanyang mga maling gawain dahil ito ang idinidikta ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Natagpuan ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumagawa sa Aking kalooban?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Lalo akong nagsisi at napahiya nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos. Pinahintulutan ko ang aking emosyonal na koneksyon na magdikta sa mga kilos ko, dayain at linlangin ang Diyos, pinsalain ang mga kapatid at hadlangan ang normal na pagsulong ng gawain ng paglilinis. Hindi na ako pwedeng kumilos ayon sa mga emosyon, kailangan kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, umasal ayon sa prinsipyo, ilantad ang lahat ng mga maling gawain ng asawa ko, at pigilan siya sa panggagambala sa gawain ng iglesia. Isinulat ko ang lahat ng masasamang gawain at pangkalahatang kalakaran ng pag-uugali na naobserbahan ko sa asawa ko sa buong panahon namin sa iglesia at ipinasa ang pagsusuri ko sa lider. Hindi nagtagal, natukoy ng mga lider at manggagawa ng iglesia na ang asawa ko ay isang taong gumagawa ng kasamaan batay sa kanyang pangkalahatang asal at napagpasyahan sa pagboto ng buong iglesia na siya ay ititiwalag. Pagkatapos ng kanyang pagkatiwalag, bumalik sa normal ang buhay-iglesia. Tunay kong nasaksihan ang pagkamatuwid ng Diyos at masaya ako na nagampanan ko ang parte ko sa paglalantad at pagtitiwalag ng isang masamang tao sa iglesia. Bilang resulta, mas lalo akong naging payapa at nasa katwiran. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagawa kong labanan ang mga hadlang ng emosyonal na koneksyon, ilantad ang mga maling gawain ng asawa ko, at gawin ang parte ko sa pagprotekta sa gawain ng iglesia. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman