Ang Hiwaga ng Mga Pangalan ng Diyos
“Bagaman ang Jehova, Jesus, at ang Mesiyas ay kumakatawang lahat sa Espiritu ng Diyos, ang mga pangalang ito ay tumutukoy lamang sa iba’t ibang mga kapanahunan sa plano ng pamamahala ng Diyos, at hindi kumakatawan sa Kanya sa Kanyang kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Diyos ng mga tao sa lupa ay hindi nakakapagpaliwanag nang malinaw ng Kanyang buong disposisyon at ng lahat-lahat ng kung ano Siya. Ang mga iyon ay iba’t ibang mga pangalan lamang na itinatawag sa Diyos sa iba’t ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang pangalan ng Diyos ay magbabagong muli. Hindi Siya tatawaging Jehova, o Jesus, lalo nang hindi Mesiyas, kundi tatawagin Siyang ang Makapangyarihang Diyos Mismo, kundi tatawagin Siyang ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito wawakasan Niya ang buong kapanahunan, at sa ilalim ng pangalang ito wawakasan Niya ang buong kapanahunan” (“Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ipinakita sa’kin ng awit ng mga salita ng Diyos na ito na, may kahulugan sa likod ng pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan. Hindi ganap na kumakatawan ang isang pangalan sa disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Kumakatawan lang ang isang pangalan sa disposisyong ipinapahayag Niya sa kapanahunang ’yon. Kung ano ang Diyos ay sumasaklaw sa lahat, at sagana. Hindi puwedeng limitahan ng tao ang Diyos at idikta na ’di nagbabago ang pangalan Niya. Noon, hindi ko talaga makuha ang kahulugan ng pangalang ginagamit ng Diyos sa bawat kapanahunan, kaya sigurado akong ’di puwedeng magbago ang ngalan Niya. Pinanghahawakan ko ang pangalan ng Panginoong Jesus at ayokong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Muntik nang mawala ang tsansa kong tanggapin ang Panginoon.
Dinala ako ng lola ko sa simbahan noong maliit pa ’ko, at binanggit ng pastor ang mga talatang ito. “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8). “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). Nakumbinsi akong ang Panginoong Jesus lang ang tunay na Diyos, at basta’t pinanghahawakan ko ang Kanyang pangalan at daan, kapag bumalik Siya, makakapasok ako sa langit.
Noong 2017, tinanggap ng asawa ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. At gusto n’yang marinig ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kaya nagdala siya ng kapatid para magbahagi, at nakinig ako. Pero nung sinabi niyang bumalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos. Ayoko nang makarinig ng isa pang salita. Nalaman kong sinusundan ng asawa ko ang Makapangyarihang Diyos, kaya hinadlangan ko siya. Sabi ko, “Walang ibang pangalan na sukat natin ikaliligtas. Kailangang manatili tayong totoo sa pangalan ng Panginoong Jesus. Mas alam mo dapat ito, dahil ang tagal mo nang nananampalataya.” Sinagot n’ya ko ng, “Niligtas tayo ng pangalan ng Panginoong Jesus. ibig sabihin, pinatawad ang mga kasalanan natin, kaya hindi tayo nahatulan, pero nabubuhay pa rin tayo sa pagkakasala at pagkukumpisal. Hindi tayo malaya sa kasalanan. Nakabalik na ang Panginoong Jesus at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian gamit ang pangalang Makapangyarihang Diyos. Tinutupad niya ang gawain ng paghatol. Nagpapahayag siya ng mga katotohanan para ibunyag ang mga satanikong kalikasang sumasalungat sa Diyos, hinahatulan ang mga kasalanan ng sangkatauhan at nagbibigay sa’tin ng landas para lutasin ang ating makasalanang kalikasan. Kailangang tanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw para makapasok sa kaharian ng Diyos.” Pero puno ako ng mga pagkaunawa at ’di ko inintindi ang sinabi niya. Alam kong lagi s’yang nakikinig sa mga magulang niya kaya hiningi ko ang tulong nila para pigilan siya, pero pinilit niyang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at hinimok pa nga kaming pag-aralan ’to.
Sinubukan kong pigilan ang pananampalataya niya sa Makapangyarihang Diyos. Pag may oras, sinasaliksik ko ang Biblia at naghahanap sa Internet ng mga sermon mula sa mga kilalang pastor na dina-download ko at pinapakinig ko sa kanya. Akala ko, magbabago ang isip niya. Pero sa halip, siya pa nga ang nangaral sa’kin. Nagalit ako dahil d’on, pero wala akong magawa. Nagpatuloy lang kami sa pagsasagawa ng kanya-kanyang pananampalataya namin. Kaya siniguro kong makokontra ko siya. Binabasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at Biblia naman ang binabasa ko. Pinapatugtog niya ang mga awit ng iglesia niya, at pinupuri ko naman ang Panginoon. Kapag nakikinig siya sa mga sermon ng iglesia niya, nakikinig naman ako sa mga pastor. Madalas kaming magtalo tungkol sa Biblia, at kung dati’y di niya ’ko mapantayan sa husay sa pagsasalita, ngayon napakalalim na ng mga sinasabi niya. Matimbang ang mga salita niya, at wala akong masabi sa mga sagot niya. Hindi ko magawang maliitin siya. Naisip ko na dahil ’di ko siya mapantayan gamit ang alam ko ngayon sa Biblia, kailangan kong pag-aralan ang Biblia para manalo ako.
Isang araw, nakita ko ’to sa Kabanata 3 ng Exodus: “At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi” (Exodo 3:15). At napaisip ako, dahil malinaw na sinasaad ng salita ng Diyos na Jehova ang pangalan Niya magpakailanman, bakit Siya tinawag na Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya? Sinasabi sa Lumang Tipan na: “Ako, sa makatuwid baga’y ako, Jehova; at liban sa akin ay walang tagapagligtas” (Isaias 43:11). Sa Bagong Tipan naman: “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas” (Mga Gawa 4:12). What did it all mean? Paulit-ulit kong binasa ang mga talatang ito, pero lalo lang akong nalito. “’Di ba’t ang Panginoong Jesus ang Tagapagligtas natin? Dahil si Jehova at Jesus ay iisang Diyos, bakit magkaiba ang Kanilang mga pangalan? Totoo kayang nagbabago ang pangalan ng Diyos, gaya ng sabi ng asawa ko?” Napagtanto ko sa aming mga debate na lumago ang kaisipan ng asawa ko simula nang maniwala siya sa Makapangyarihang Diyos. Makabuluhan ang mga salita niya. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, walang sinumang makakaabot sa gan’on, sa sarili lang nila. Nagsimula akong tanungin ang sarili ko, “Ako kaya ang mali? Ang Makapangyarihang Diyos nga kaya ang nagbalik na Panginoon? Ang Kidlat ng Silanganan ba ang tunay na daan? Kung ito ang tunay na daan, at pinipigilan ko ang asawa ko, hindi ba’t nilalabanan ko ang Diyos?” Mahirap ang kinatatayuan ko. Gusto kong maintindihan ’to, pero ayokong magpakumbaba.
Para maunawaan ko ’to, nag-subscribe ako at bumisita sa YouTube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at tinignan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Isang araw, Nakita ko ang sipi ng mga salita ng Diyos na tinatawag na “Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’” Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Inulit-ulit ko ’to sa isip ko. Malinaw na malinaw ang paliwanag ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kahalagahan ng mga pangalang Jehova at Jesus. Nalaman kong ang pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan ay kumakatawan lang sa kapanahunang ’yon. “Jehova” ang gamit na pangalan ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, na nagpakita ng Kanyang disposisyon ng awa at sumpa. “Jesus” ang pangalan ng Diyos para sa Kapanahunan ng Biyaya, na nagpapakita ng Kanyang mapagmahal na disposisyon Naunawaan ko sa wakas na puwedeng magbago ang pangalan ng Diyos. Bagong pangalan, sa bagong yugto ng gawain ng Diyos. Kaya kapag bumalik ang Panginoon sa mga huling araw, iba na ang pangalan Niya.
Tapos, nakita ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos. “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”). May awtoridad ang mga salitang ito. Niyanig ng bawat salita ang kaibuturan ng kaluluwa ko. Talagang sariling salita ng Diyos ’yon. Sino pa’ng makakapagbunyag ng hiwaga ng mga salita ng Diyos? Habang mas nauunawaan ko, lalo kong nararamdaman na boses ’yon ng Diyos. Tapos, naalala ko ang John 16:13: “Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang Sarili; kundi ang anumang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.” Kaya ang Siyang makakapagsabi ng mga katotohanang ito ay walang iba kundi Diyos, ’di ba? Ang dami kong napakinggang sermon ng mga pastor pero walang nakapagpaliwanag ng kahulugan ng mga pangalan ng Diyos na Jehova sa Lumang Tipan, at Jesus sa Bagong Tipan. Lumalabas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Panginoong Jesus! Hiyang-hiya ako nang maisip ko ang mga panahong ikinaila ko ang Makapangyarihang Diyos at tinangka ko pang idamay ang asawa ko. Pinagsisihan kong hinusgahan ko ang gawain ng Diyos nang ’di ’to pinag-aaralan. Ang ignorante ko. Noong panahong kinokondena ng mga Pariseo ang gawain ng Panginoong Jesus base sa kanilang pagkaunawa at literal na kahulugan ng Kasulatan. Hindi ba’t pinarusahan silang lahat ng Diyos? At kaya dapat kong matutuhan ang leksiyong ’to, at pag-aralan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ayokong maging makabagong Pariseo.
Tapos n’on, kapag may oras, binabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pinapanood ang mga pelikula ng iglesia. Naantig ako, lalo na sa Ang Hiwaga ng Kabanalan, at sa Pananampalataya sa Diyos. Totoo ang mga karanasan nila at malinaw na malinaw ang pagbabahagi nila. Naunawaan kong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon. Kaya nagdesisyon ako na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at gusto kong ipaalam ’to sa asawa ko, pero nahihiya ako. Isang araw, tinanong ko siya pagkauwi niya, “Ano nga palang ibinahagi mo ngayong araw?” Mukhang gulat na gulat siya, “Gusto mo ba ng kaunting pagbabahagi kaya ka nagtatanong? Puwede akong magsama ng taga-iglesia para magsalita. Gusto mo ba?” Tuwang-tuwa ako nung sinabi n’ya yun, pero nahihiya pa rin. Sabi ko, “O sige, kung gusto mo.”
Dumating ang dalawang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya ibinahagi ko ang problema ko. “Nagbabasa ako sa Internet ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ngayo’y nauunawaan kong nagbabago ang pangalan ng Diyos kapag nagbabago ang kapanahunan, pero kahit gan’on, parang may hindi nagtutugma. Sinasabi sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13:8). ‘At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas’ (Mga Gawa 4:12). Sinasaad sa Biblia na hindi puwedeng magbago ang pangalan ng Panginoong Jesus, kaya bakit tinatawag Siyang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at hindi Jesus?” Kaya binasa nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain ay palaging kumikilos nang pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan ay nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan ay gumagawa Siya ng bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilalang ang bago Niyang kalooban at bagong disposisyon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Sabi ng ilan, ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago. Kung gayon, bakit naging Jesus ang pangalan ni Jehova? Ipinropesiya na darating ang Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang taong nagngangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba matagal nang isinagawa ang gawaing iyon? Maaari bang hindi makagawa ang Diyos ng mas bagong gawain ngayon? Ang gawain ng kahapon ay maaaring baguhin, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula roon kay Jehova. Kung gayon, hindi ba maaaring sundan ng ibang gawain ang gawain ni Jesus? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring palitan ng Jesus, hindi ba maaaring palitan din ang pangalan ni Jesus? Walang kakaiba rito; kaya lang napakakitid ng isipan ng mga tao. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Paano man magbago ang Kanyang gawain, at paano man maaaring magbago ang Kanyang pangalan, hindi magbabago ang Kanyang disposisyon at karunungan kailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalang Jesus, napakalimitado ng iyong kaalaman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). “Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).
Tapos, binahagi ito sa’kin ng isa sa kanila: “Ang tinutukoy sa ’di nagbabago ang Diyos ay ang Kanyang diwa at Kanyang disposisyon, hindi sa Kanyang pangalan. Laging sumusulong ang gawain ng Diyos. Binabago Niya ang Kanyang pangalan ayon sa pagbabago ng kapanahunan. Bawat salita ay kumakatawan sa isang kapanahunan at isang yugto ng gawain ng Diyos. Ibig sabihin ng ’di nagbabago ang pangalan ng Diyos, ’di magbabago ’to sa haba ng kapanahunang ’yon at mananatili ’yon hanggang sa matapos ang gawain Niya sa kapanahunang ’yon. Pero kapag nagsimula na ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan, binabago Niya ang Kanyang pangalan kasabay ng Kanyang bagong gawain. Sa umpisa ng bagong kapanahunan, kumakatawan ang pangalan ng Diyos sa Kanyang gawain at Kanyang disposisyon sa kapanahunang ’yon. Jehova ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at kaya kumikilos Siya gamit ang pangalang ’yon. Naglabas siya ng batas at mga utos para gabayan ang sangkatauhan, upang malaman nila kung ano ang kasalanan, at kung paano sambahin si Jehova, panatilihin ang batas at mga utos, at pagpalain ng Diyos. Sinumang lumabag sa batas ay parurusahan. Kumakatawan ang pangalang Jehovah sa kamahalan, sumpa, awa, at galit ng disposisyon ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa wakas ng kapanahunang ’yon, lalong nagiging tiwali ang mga tao, at hindi nila magawang sundin ang batas. Lagi silang nalalagay sa panganib sa paglabag ng batas. Nagkatawang-tao ang Diyos ayon sa Kanyang plano ng gawain at mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sinimulan niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, gamit ang ‘Jesus’. Tinubos niya ang sangkatauhan, at binigyan tayo ng daan ng pagsisisi, ipinakita ang mapagmahal na disposisyon ng Diyos at nagkaloob ng saganang biyaya sa tao. Sa huli, ipinako Siya sa krus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Mula noon, nananalangin tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus para mapatawad ang ating mga kasalanan, at tamasahin ang saganang biyaya ng Diyos. Kumakatawan ang pangalang Jesus sa pagtubos, at nangangahulugan itong handog para sa kasalanan na tumutubos sa tiwaling sangkatauhan gamit ang pagmamahal at awa. May kahulugan sa likod ng pangalang ginagamit ng Diyos para sa bawat kapanahunan. Kumakatawan ang bawat pangalan sa Kanyang disposisyon at gawain sa kapanahunang ’yon. Laging pasulong ang gawain ng Diyos, at nagbabago ang pangalan Niya sa bawat yugto ng Kanyang gawain. Sa Kapanahunan ng Biyaya, kung pinanatili ng Diyos ang pangalang Jehova nang dumating Siya sa Lupa, mananatili ang gawain Niya sa Kapanahunan ng Kautusan at hindi matatamo ng sangkatauhan ang pagtutubos ng Diyos. Hahantong sila sa kaparusahan sa paglabag sa batas. Kung patuloy na ’Jesus’ ang tawag sa Panginoon sa pagbabalik Niya, hindi makakausad ang sangkatauhan mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi tayo mapapalaya mula sa kasalanan, ganap na maliligtas, at makakapasok sa kaharian ng Diyos.”
At nagpatuloy ang isa pang kapatid: “Bagaman pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, likas pa rin tayong makasalanan. Tayo’y mapagmataas, kamuhi-muhi, makasarili at sakim rin. Malalim na nakaugat sa’tin ang ating katiwalian, at dahil dito’y nilalabanan natin ang Diyos sa kasalanan. Nabubuhay tayo sa patuloy na pagkakasala at pagkukumpisal. Hindi pa tayo makakapasok sa Kanyang kaharian. Dahil sa kabanalan ng Diyos, hindi tayo nararapat pumasok sa kaharian Niya. Bumalik ang Diyos sa mga huling araw gamit ang pangalang Makapangyarihang Diyos, at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian upang iligtas ang sangkatauhan mula sa katiwalian.” Sinabi niyang tinatawag ang Panginoon ngayon na Makapangyarihang Diyos, na tumutupad sa mga propesiyang: “Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:12). “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat” (Pahayag 1:8). Revelation 11:17: “Pinasasalamatan Ka namin, Oh Panginoong Diyos, na Makapangyarihan sa lahat, na Ikaw ngayon, at naging Ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari.” “Naghahatol ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagsasabi siya ng katotohanan para ilantad ang katiwalian ng sangkatauhan upang maunawaan natin ang ugat ng lahat ng ’to, makita ang realidad ng ating katiwaliang dulot ni Satanas, at malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kaya nagagawa na nating talikuran ang ating mga sarili, isagawa ang mga salita ng Diyos, at matakot sa Diyos at iwaksi ang masama. Tayo’y unti-unting mapapalaya mula sa ating mga satanikong disposisyon, malilinis, at ganap na maliligtas. Hinihiwalay rin ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng gawaing paghatol Niya, na nagpapakita ng Kanyang matuwid at maringal na disposisyon na hindi pinapahintulutan ang pagkakasala. Sa huli, sisirain Niya ang lumang mundong ito, na magtatapos sa Kanyang 6000 taon na plano ng pamamahala. Ang lahat ng tumatanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, na sumasailalim sa paghatol at nalilinis, ay dadalhin sa kaharian ng Diyos. Ang mga namumuhi sa katotohanan, lumalaban at tumutuligsa sa Makapangyarihang Diyos ay palalayasin at parurusahan sa malalaking delubyo. Dito magtatapos ang gawain ng pamamahala ng Diyos. Tapos nito’y ’di magkakaroon ang Diyos ng partikular na pangalan, pero manunumbalik ang Kanyang orihinal na pagkakakilanlan—ang Lumikha. Gan’ong gan’on ang sinabi ng Diyos: ‘Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Jesus, o ang Mesiyas—Siya ay tatawagin na lamang na Lumikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay nagtapos na, pagkatapos nito, wala na Siyang pangalan. Kapag ang lahat ng bagay ay napasailalim na sa pamamahala ng Lumikha, bakit Niya kakailanganing magkaroon ng labis na naaangkop ngunit hindi ganap na pangalan? Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Nangangahas ka pa rin bang sabihin na ang Diyos ay matatawag lang na Jesus? Matitiis mo ba ang kasalanan ng paglapastangan sa Diyos?’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).” Naantig ako sa pagbabahagi ng mga kapatid. Nakita ko ang kahulugan sa likod ng mga pangalan ng Diyos. Bilang Lumikha, hindi Niya kailangan ng pangalan. Pero iba-ibang pangalan ang ginamit Niya para iligtas ang sangkatauhan. Iisang lang ang Jehova, Jesus, at Makapangyarihang Diyos. Gumawa siya sa tatlong yugto sa tatlong iba’t ibang kapanahunan, at bawat pangalan ay may kanya-kanyang kahalagahan. Kumakatawan ang mga ito sa disposisyon at gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan. Sa wakas ay tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Kapag iniisip ko ’to, naiinis ako na naging hangal at bulag ako. Literal ang pag-unawa ko sa Kasulatan at inisip kong hindi magbabago ang pangalan ng Diyos, na lagi Siyang tatawaging Jesus. Kung hindi ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan ng Kanyang gawain, panghahawakan ko ang Biblia, at hindi ko mauunawaan ang kahulugan ng mga pangalan ng Diyos, lalo na ang gawain ng Diyos. Lalabanan ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at mapapaalis ako. Laki ng pasalamat ko sa patnubay ng diyos. Hinayaan Niya akong marinig ang boses Niya at humarap sa Kanya. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.