Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Abril 28, 2018

Qingxin, Myanmar

Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia upang dumalo ng mga gawain. Sa edad na labindalawa, dumalo ako ng isang engrandeng kampo pang-Kristiano sa Myanmar, at habang naroon ako, sinabi sa akin ng isang pastor: “Ang mabinyagan ang siyang tanging paraan upang iwasan ang kamatayan at makatuloy sa kaharian ng langit.” At kaya naman upang marating ang kaharian ng langit, nagdesisyon akong magpabinyag habang nasa kampo ako. Mula noong panahong iyon, naging isa akong tunay na Kristiano.

Pagkarating ng karampatang gulang, naging pinuno ako ng samahang pangkabataan sa aking iglesia sa loob ng maraming taon, at sa tuwing wala roon ang mga tagapangaral, pamumunuan ko ang mga kapatid sa pagdarasal, pag-aaral ng Bibliya, pagkanta ng mga himno, at pamamahagi ng mga testimonya. Matapos maikasal, naatasan akong tanggapin ang mga alay kapag Linggo at ang mga ikapu. Sa simula, nasa aming iglesia ang gawa ng Banal na Espiritu: Matatas at malinaw magsalita ang pastor, at kinaluguran ng mga kapatid ang mga sermon at naramdaman nilang pinagtibay sila ng mga iyon. Punong puno ng kumpiyansa ang lahat, at dumadalo kaming lahat sa gawain sa simbahan at pinalalaganap ang ebanghelyo saan man pwede nang may matinding kasigasigan. Ngunit sa huli, naging paulit-ulit at nakaiinip ang mga sermon ng pastor, at hindi na kayang ibigay ang aming pangangailangan. Kaya naman, nagsimulang humina ang kumpiyansa ng mga kapatid, at naging mas interesado sila sa pera at kaaliwan ng laman. Nagsimulang bumagsak ang bilang ng mga nasa kongregasyon, hanggang dumating sa puntong kinailangan ng pastor na tumawag tuwing Sabado upang subukang mapadalo ang lahat. Kahit naman magpakita ang mga kapatid, kinanta nila ang mga himno nang walang sigla at nang walang debosyon, tulog sa kasagsagan ng mga sermon, at nagsimulang tumalakay ng tungkol sa negosyo pagkatapos na pagkatapos ng mga gawain. Naging puro anyo na lamang at walang kabuhay-buhay ang mga paglilingkod. At lubha akong nabahala nito. Inisip ko sa aking sarili: “Paano naging isang tigang na pastulan ang ating iglesia?” Ngunit noon ko naalala, kung paanong sa nakalipas na tatlumpung taon, madalas kong narinig ang iba’t ibang pastor na pare-pareho ang sinasabi: “Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, kaya napatawad na ang lahat ng ating mga kasalanan.” “Nagkamit ng pagkaligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos dahil sa ating pananampalataya.” “Minsan nang naisakatuparan na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, kaya ligtas na tayong mga mananampalataya sa Panginoon at tutuloy sa kaharian ng langit.” Dahil dito, “Ligtas na ako, tutuloy ako sa kaharian ng langit” ang naging mahalagang prinsipyo ng aking pananampalataya sa Diyos. Gaano man naging malungkot ang iglesia, o gaano kahina at walang pasubali naging ang mga mananampalataya, lagi kong sinasabi sa aking sarili: “Dapat kong panatilihin ang daan ng Panginoon. Hangga’t hindi ko iniiwan ang Panginoon, kung gayon, hindi Niya ako pababayaan. Kapag bumalik ang Panginoon, dadalhin Niya ako sa kaharian ng langit.” Kahit na patuloy ako sa pagbabanta sa aking sarili sa ganitong paraan, hindi ko pa rin nagawang panatilihin ang daan ng Panginoon: Gagawa ako ng kasalanan sa umaga at aaminin ang mga kasalanan sa gabi, ngunit sa tuwing nagdadasal ako, hindi ko na maramdaman ang Panginoon sa aking tabi. Nakaramdam ng kadiliman at hungkag ang aking espiritu, at naramdaman kong palayo ako nang palayo mula sa Panginoon, na para bang pinabayaan Niya ako. Dinulutan ako nito ng matinding paghihirap, ngunit hindi ko nahanap ang pinanggagalingan ng suliranin…

Noong Pebrero 2016, nakilala ko sa internet si Kapatid na Zheng at Kapatid na Li Hui. Matapos magbahagi sa isa’t isa ng mga karanasang kaugnay ng pananampalataya sa Panginoon, sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagkabaghan ko na naging isang tigang na pastulan ang aking iglesia. Sinabi sa akin ni Kapatid na Zheng: “Hindi lamang ang inyong iglesia ang malungkot at mapanglaw: malungkot ngayon ang buong relihiyosong komunidad. Para itong mapanglaw na templo na naging lungga ng mga magnanakaw noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain. Kung mauunawan natin kung paano naging mapanglaw ang templo sa simula pa lamang, kung gayon malalaman na natin kung paano naging malungkot at mapanglaw ang relihiyosong komunidad ngayon. Noong winakasan na ng Panginoong Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, hindi isinagawa ng Banal na Espiritu ang gawa sa templo kung hindi sa mga tao na tumanggap at sumunod sa Panginoong Jesus. Hindi natamasa ng mga taong sumamba kay Jehovah ang gawa ng Banal na Espiritu dahil hindi nila kayang makasunod sa bilis ng gawa ng Diyos. Kung walang pag-iingat at pag-aalaga ng Diyos, nanirahan sila sa kasalanan, na siya ring pinapakita ng kanilang templo na naging isang lugar ng bentahan ng mga baka, tupa, at mga kalapati at palitan ng salapi. Naging isang lungga ng mga magnanakaw ang isang templo na orihinal na kuminang kasama ang luwalhati ni Jehova, sa gayon ay dinudusta ang disposisyon ng Diyos at pinabayaan Niya sa pagkasuya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit bumagsak noon sa kapanglawan ang templo.” At saka namin sinuri ang dalawang sipi mula sa Aklat ni Amos sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo(Amos 4:7). “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon(Amos 8:11). Pinadalhan din ako ni Kapatid na Zheng ng dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka't siya'y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya(“Dumating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Nguni't sa katunayan, ang gawain ng Diyos sa kanila ay matagal nang tumigil, at ang gawain ng Banal na Espiritu ay wala sa kanila. Ang gawain ng Diyos ay matagal nang inilipat sa ibang kalipunan ng mga tao, isang kalipunan kung kanino Niya hinahangad na tapusin ang Kanyang gawain. Dahil yaong mga nasa relihiyon ay walang kakayahang tanggapin ang bagong gawain ng Diyos, at nais lamang kumapit sa lumang gawain ng nakaraan, tinalikuran Niya ang mga taong ito, at ginagawa ang Kanyang bagong gawain sa mga taong tumatanggap sa bagong gawaing ito. Ang mga ito ay mga tao na siyang nakikipagtulungan sa bago Niyang gawain, at tanging sa paraang ito matutupad ang Kanyang pamamahala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Sinabi naman ni Kapatid na Zheng: “Sa ngayon, mapanglaw ang mga iglesia gaya ng templo, at dahil din ito sa gumagawa ang Diyos ng bagong gawa. Nagkatawang-tao na ngayon ang Panginoong Jesus na desperado nating hinihintay at bumabalik sa atin. Ginamit Niya ang pangalang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawa ng paghahatol, paglilinis, at pagliligtas ng tao sa mga huling araw. Dumating siya upang wakasan ang Kapanahunan ng Biyaya at simulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Iniwan na ng Banal na Espiritu ang mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya at ngayo’y inaasikaso na ang pagtanggap ng gawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lahat ng mga nangangalaga lamang ng pangalan ng Panginoong Jesus ngunit hindi naman nakasusunod sa bagong gawa ng Diyos ay hindi na kasama ang Diyos sa kanilang tabi, hindi na nagtataglay ng gawa ng Banal na Espiritu, at hindi na kailanman mabibigyan ng tubig ng buhay. Kaya naman, talagang magiging mas mapanglaw pa ang mga iglesiang ito….”

Sa pamamagitan ng pakikinig kay Kapatid na Zheng, napagtanto ko na pareho lamang ng sitwasyon ng mga templo ang kalagayan ng mga iglesia ngayong mga araw noong sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawa. Naramdaman kong mayroong isang bagong liwanag at paggabay ng Panginoon sa pagsasama-sama ni Kapatid na Zheng. Ngunit nabaghan ako nang bahagya ng sinabi niya tungkol sa Panginoong Jesus na bumabalik upang gawin ang bagong gawa ng paghahatol at paglilinis ng tao: Posibleng bumalik ang Panginoong Jesus, ngunit nailigtas na tayong mga mananampalataya kaya kapag bumalik ang Panginoon, dapat Niya tayong dalhin nang tuluyan sa kaharian ng langit, hindi magsagawa ng isa pang yugto ng gawang paghahatol at paglilinis! Ngunit napagtanto ko na isang malaking pangyayari ang pagbabalik ng Panginoon at dapat muna akong maghanap nang mabuti ng mga sagot.

Kaya naman, sinabi ko kay Kapatid na Zheng ang aking pagkabaghan at sinabi niya sa akin: “Ibinabahagi ng marami sa mga kapatid ng Panginoon ang iyong pananaw. Iniisip din nila na dahil tinanggap natin ang Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas, kung gayon, napatawad na ang ating mga kasalanan, makakamit natin ang pagkaligtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, at kapag bumalik Siya, madadala tayong lahat nang tuluyan sa kaharian ng langit. Kaya naman, tinanggihan nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Ang hindi natin pagkaunawa sa mabubuting mga resulta na dinadala ng gawain ng Panginoong Jesus at ang hindi natin pagkakaalam sa gawa ng Diyos ang siyang pangunahing dahilan para rito. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 2). ‘Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na pagtubos ng sangkatauhan ang gawa ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya. Ipinako sa krus ang Panginoong Jesus upang maging alay natin para sa ating mga kasalanan, upang tubusin tayo mula sa paghuhusga ng batas. Sa pamamagitan ng pagharap sa Panginoon, pag-amin ng ating mga kasalanan, at pagsisisi, maaari tayong mapatawad sa ating mga kasalanan. Ito ang pagkaligtas. Sa ibang sabi, ibig sabihin ng pagiging ligtas ay ang pagpapatawad ng mga kasalanan at kawalan ng paratang ng kasalanan sa ilalim ng batas, ngunit hindi ibig sabihin na nakatakas na tayo mula sa tiwaling disposisyon ni Satanas o sa ating mala-Satanas na kalikasan at hindi na muling gagawa ng kasalanan. Umiiral pa rin ang ating mala-Satanas na kalikasan kagaya ng kayabangan, panlilinlang, pagiging makasarili, at kasakiman. Dahil sa dominyon ng ating mala-Satanas na kalikasan at disposisyon ni Satanas, lagi pa rin tayong nagsisinungaling at nandaraya, umaasta sa isang mayabang at may mapaggiit sa sariling opinyong pamamaraan, at nagpapanggap na mabuti upang lokohin ang Diyos. Sadyang lagi nating pinupulaan ang gawa ng Diyos, lalo na kapag hindi ito tugma sa ating mga iniisip, inaakusahan natin ang Diyos at nilalabanan Siya. Paanong matatamo ng isang sangkatauhang kagaya nating ubod nang sama at palaban sa Diyos ang Kanyang papuri? Karapat-dapat ba tayong tumuloy sa kaharian ng langit? Kung kinuha tayo ng Diyos—isang tiwaling sangkatauhan na nilalabanan Siya at nabibilang kay Satanas—sa Kanyang kaharian, kung gayon, wala nang paraan upang mapanagutan ang pagiging matuwid at kabanalan ng Diyos. Kaya para maging karapat-dapat tayong makapasok sa kaharian, kailangan natin ang Diyos na gumawa ng isang yugto ng gawaing paglilinis at pagdadalisay upang mabago ang anyo ang ating tiwaling disposisyon at iwagwag nang mabuti ang mga kadena ng ating makasalanang kalikasan. Sa oras na napagbagong anyo ang ating mga disposisyon sa buhay, hindi na tayo magrerebelde laban sa o labanan ang Diyos at makakaya na nating tunay Siyang sundin, maging ganap na makamtan Niya, maging ganap na mailigtas Niya, at makakapasok sa kaharian ng langit upang manahin ang Kanyang ipinangako. Ito ang mga resultang dala ng gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw, at nakikita natin na ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para magbigay ng daan para sa paghatol at paglilinis ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Kung gayon, dinadala tayo ng ating pananampalataya sa Panginoon sa pagpapatawad ng ating mga kasalanan ngunit hindi ganap na pagtakas mula sa kasalanan o pagpasok sa kaharian ng langit. Kailangan nating sumailalim sa isa pang yugto ng gawang paghatol at paglilinis upang maligtas nang lubusan mula sa ating mga kasalanan. Tamang-tama ang ginagawang realidad ng gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw ang mga salitang ito mula sa Bibliya: ‘Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.’ (1 Pedro 1:5).”

Noong narinig ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang sinabi ni Kapatid na Zheng, napagtanto ko na gawain ng pagtubos ang ginawa ng Panginoong Jesus, hindi ang gawain ng tuluyang pag-aalis ng mga kasalanan. Habang nagkakasala ang mga tao, dapat silang akusahan at parusahan sa ilalim ng batas, ngunit kung haharap tayo sa Panginoong Jesus at aminin ang ating mga pagkakasala, kung gayon, mapapatawad na tayo sa ating mga kasalanan. Hindi tayo nakikita ng Diyos bilang makasalanan at pinawalang-sala Niya tayo sa kaparusahan, at pagliligtas iyon. Ngunit tiyak na hindi ibig sabihin ng pagliligtas na ito na nalinis na tayo at lubos na nailigtas. Tila hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, at kaya mayroon silang mga hindi pagkakaunawa tungkol sa kung ano ang tunay na pagliligtas. Iniisip ko na ngayon, namumuhay pa rin tayo sa mga makasalanang buhay—nagkakasala at inaamin ang mga ito araw-araw—at kaya naman kailangan natin ng isa pang yugto ng gawang pagliligtas at paglilinis ng Diyos. Kapag iniisip ko ang tungkol sa sinabi ng pastor sa kampo—“Ang pagpapabinyag ang tanging paraan para sa isang Kristiano na makaiwas sa kamatayan at makapasok sa kaharian ng langit”—Napagtanto ko na talagang napaka-di-makatotohanan ng ganitong pamamaraan ng pag-iisip. Maaari pa nga nating sabihing parang pambata ito at katawa-tawa. Noong nagkaroon na ako ng mahahabang kuwentuhan kina Kapatid na Zheng at Kapatid na Li Hui at malagom ang kanilang pagsasama-sama, naramdaman ko na mayroong katotohanan na dapat hanapin sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na napakapraktikal ng mga ito, at maaaring mapakinabangan ko ang mga ito at matulungan ako nang sobra. Ngunit isang malaking bagay ang pagbabalik ng Panginoon, at upang tratuhin ito nang seryoso at may pag-iingat, napagdesisyunan kong magsagawa ng masusing imbestigasyon ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Kaya naman, sa mga sumunod na linggo, nagsimula akong maghanap ng impormasyon sa internet tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Bago mag-internet , nagdasal ako sa Panginoon: “Panginoon, kung ang Silanganing Kidlat ay siyang ang Panginoon na sinasampalatayaan ko, nagmamakaawa ako sa Iyo na pukawin ang aking puso at hayaan akong makilala ang Iyong boses.” Walang kamalay-malay, napindot ko ang isang pook-sapot at nakita, sa aking pagkagulat, na paghatol, mga atake, at mga akusasyon ang lahat ng mga ito sa Makapangyarihang Diyos at Kanyang iglesia mula sa relihiyosong komunidad at sa CCP. Labis akong nagulantang at natakot na makipagsapalaran ako sa isang peligrosong daan. Kaya naman, ipinadala ko ang link kay Kapatid na Zheng at Kapatid na Li Hui at tinanong ko sila: “Paano ninyo maipapaliwanag ang lahat ng ito?” Dati ko pang naisip na hindi tutugon sina Kapatid na Zheng at ang iba pa sa impormasyon na ipinadala ko, at kaya naman nakakagulat noong kalmado at matigas silang tumugon: “Ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Mga alingawngaw lang at walang kwenta ang lahat ng mga bagay na ikinakalat sa internet ng relihiyosong komunidad at ng CCP at dinisenyo upang lituhin ang mga tao. Parte ito ng kanilang masamang pakana upang pigilan ang mga tao sa pagsunod sa Diyos….”

Napukaw talaga ako ng sinabi ni Kapatid na Zheng, at sa puso ko, nagsimula akong makibaka na hanapin ang saysay ng lahat ng ito. Nag-offline ako at nagdasal sa Panginoon: “Panginoon, kung ang Makapangyarihang Diyos ang talagang Iyong pagbabalik, kung gayon, nagmamakaawa ako sa Iyo na liwanagan at tanglawan ako upang maunawaan ko ang Iyong pamamaraan at hindi ko mabitawan ang pagkakataon na masaksihan ang Iyong pagbabalik. Kung mga alingawngaw lamang lahat ng mga bagay na iyon na ipinapakalat sa internet ng mga relihiyosong komunidad at ng CCP, kung gayon, gawin Mo akong bingi sa mga ito, dahil isang kakila-kilabot na bagay ang makuha ni Satanas.” Matapos magdasal, naging mas kalmado ako, at saka ko naalala ang mga panahong ako rin ay naakusahan nang mali, at isa pang pangyayari noong ang isang may-ari ng tindahan na kilala ko na may magandang negosyo ng pagtitinda ng mga produktong jade ay nasira ang reputasyon ng mga alingawngaw na ipinakalat ng isang inggiterong kalaban sa negosyo. Nagsimulang magningning ang kaunting liwanag sa aking puso at napagtanto ko kung gaano kadilim at kasama ang mundong ito at ang lahat ng nakikita sa internet—mabuti o masama—ay mga tao lamang na nagsasalita. Saka ako nag-isip nang mabuti tungkol sa mga akusasyon sa internet tungkol sa Makapangyarihang Diyos at ang Kanyang iglesia na ipinapakalat ng relihiyosong komunidad at ng CCP: Walang ebidensyang ibinigay at wala sa mga ito ang tila kapani-paniwala. Tangi pa riyan, nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikibalita sa mga kapatid ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Walang kaugnayan ang kanilang sinabi sa mga alingawngaw na ipinapakalat sa internet, at hindi nila sinubukang puwersahin ako na sumali sa kanilang iglesia. Sa ilang mga buwan ng pakikisasama sa kanila, maliban sa paggalugad ng Bibliya, pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkikisama sa akin tungkol sa mga salita ng Diyos, hindi kami nakapagtalakay ng iba pang mga paksa. Mula sa paraan ng pananalita, masasabi kong banal at kagalang-galang silang mga tao. Puno ng liwanag ang kanilang pagsasama-sama at napakalaking tulong nito sa akin, at ang kanilang iglesia ay isa ngang iglesiang nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Habang iniisip ang tungkol dito, napagtanto kong ang isang iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ay isang iglesia ng Diyos, at kaya naman talagang aatakihin at aakusahan ito ni Satanas at magkakaroon ng napakaraming negatibong paniniwalat sa paligid nito.

Sa ibang araw nabasa ko sa internet ang tungkol sa maraming masamang aksiyon ng CCP: Paano nila napaalis ng Tsina ang mga banyagang misyonaryo, sinunog ang mga Biblia, pinabagsak ang mga iglesia, at kinulong at pinatay ang mga Kristiyano…. Suklam at galit tungo sa CCP ang umusbong sa aking puso. Paano nila nakakayang maging napaka-mapang-api kagaya ng pag-usig sa mga inosente, mga walang armas na Kristiyano? Laging sinasalungat ng CCP ang Diyos sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ateismo, at nabihag at inusig ang mga Kristiyano na may ganap na kakulangan ng pagkatao at katuwiran, kaya walang paraan upang malaman kung totoo o hindi ang sinabi nila. Kaya naman, nagkusa na akong kausapin muli si Kapatid na Zheng at ang iba pa, at nagbahagi sila ng tungkol sa maraming mga katotohanan kaugnay ng gawain ng Diyos ng mga huling araw at kung paano makilala ang mga tusong pakana ni Satanas…. Matapos makinig sa kanila, naramdaman kong nagkaroon ako ng mas mabuting pagkaunawa ng gawain ng Diyos ng mga huling araw at kayang makilala paanong pawang mga walang basehang mga alingawngaw at katawa-tawang mga opinyon ang walang kwentang bagay na ipinakalat sa internet ng relihiyosong komunidad at ng CCP na bahagi ng tusong mga plano ni Satanas upang pigilan ang mga tao mula sa pagtanggap ng gawa ng Makapangyarihang Diyos. Napagpasyahan kong hindi na makinig kailanman sa anumang sasabihin ng relihiyosong komunidad at ng CCP. Nawala na ang pangamba at takot sa puso ko, kasabay niyon, nakilala ko na magkapareho ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ang gawain ng Panginoong Jesus at pareho nilang napagdaananan ang paglaban at mga akusasyon mula sa mga mala-Satanas na rehimeng pampulitika at mula sa mga relihiyosong grupo. Para sa akin, kinumpirma pa lalo nito na siyang tunay na daan nga ang gawa ng Makapangyarihang Diyos!

Isang araw, noong gumagamit ako ng Facebook, narinig ko ang isang himno na pumupuri sa Diyos, na siyang nakita ko na pinaka-nakakapukaw. Sa katunayan, tanging ang Diyos lang ang karapat-dapat sa papuri at karapat-dapat sa pagpupuri. Nagtataglay ang himnong ito ng paggabay ng Banal ng Espiritu at noong sinuri ko upang makita kung saan ito nanggaling, nadiskubre kong isa ito sa mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko mapigilang mapukaw at maiyak dahil dito, at sabik kong hinanap ang mga kapatid para sabihin sa kanila na napukaw ng Diyos ang puso ko at nadala ako…. Ngayon, lubos ko nang pinaniniwalaan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, at handa ako na sundin ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa dulo ng daan.

Ngayon ako ay dumadalo sa Iglesia of Makapangyarihang Diyos, at hindi ko lamang kinaluluguran ang mabigyan ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono, ngunit naibalik na ang aking kumpiyansa at pagmamahal. Mas mahalaga pa rito, ngayon kaya ko nang makilala ang kaibahan sa pagitan ng tama at mali, kadiliman at kaliwanagan. Alam ko kung ano ang mga katotohanan at mga alingawngaw. Nagmumula ang mga katotohanan sa Diyos, samantalang nagmumula ang mga alingawngaw kay Satanas. Kapag nakaririnig tayo ng mga alingawngaw, hindi lamang tayo dapat makisakay nang bulag-bulagan sa kanila ngunit dapat maipagkaiba nating mabuti ang katotohanan mula sa mga kasinungalingan, magdasal nang taimtim, at may buong pagpapakumbabang sumumpong at suriin ang tunay na daan. Saka lamang tayo makatatakas mula sa mga alingawngaw at makabalik sa Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.