Pagkilala Kung Paano Ginagawa ng Iisang Diyos ang Tatlong Yugto ng Gawain
Ngayon, ang paksa ng ating pagbabahaginan ay “Pagkilala Kung Paano Ginagawa ng Iisang Diyos ang Tatlong Yugto ng Gawain.” Ang paksang ito ay mahalaga, at tuwirang nauugnay sa ating wakas at hantungan. Tuwiran din itong nauugnay sa kung makakapasok nga ba tayo sa kaharian ng langit. Kung naniniwala tayo sa Diyos ngunit hindi natin alam ang gawain ng Diyos, maaaring lubhang mapanganib ito. Maaaring madaling mawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos, na humahantong sa kapahamakan. Kaya, bakit natin sinasabi ito? Alam natin, dalawang libong taon na ang nakararaan, pumarito ang Panginoong Jesus upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi Niya, “Mangagsisi kayo: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ang Panginoong Jesus ay nagpahayag ng maraming katotohanan at nagsagawa ng maraming himala, na nagpapatunay na ang Panginoong Jesus ang Mesiyas. Ngunit sa Judaismo, ang pangalan ng Panginoong Jesus ay hindi Mesiyas, ni hindi Siya isinilang sa isang maharlikang palasyo, ni hindi Niya sila pinalaya sa pamumuno ng mga Romano, kaya siguradong hindi Siya ang Mesiyas. Kaya, gaano man karaming katotohanan ang ipinahayag ng Panginoong Jesus o gaano man karaming himala ang Kanyang isinagawa, walang tumanggap na ang Panginoong Jesus ang Diyos, at lahat ay sumunod sa mga lider ng Judaismo sa pagpapako sa Kanya sa krus. Ano ang naging resulta? Napuksa ang Israel sa loob halos ng dalawang libong taon. Paano nangyari ang masakit na aral na ito? Hindi hinangad ng mga tao na malaman ang gawain ng Diyos, pinanindigan nila ang kanilang mga haka-haka at ideya, at nilabanan at tinuligsa ang gawain ng Diyos. Ngayon, nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos. Nagpahayag Siya ng milyun-milyong salita ng katotohanan, at ngayo’y gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw upang lubos na mapadalisay at mailigtas ang sangkatauhan. Ngunit paano naman ang mundo ng mga relihiyon? Kapag nakita nila na hindi Jesus ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, ni hindi Siya pumaparito sakay ng mga ulap, ayaw nilang tanggapin na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at sumusunod sila sa mga pastor at elder sa pagkukumahog na labanan at tuligsain ang Makapangyarihang Diyos, na katumbas sa pagpapakong muli ng Diyos sa krus. Maaaring itanong ng ilang tao, “Bakit tuwing nagpapakita ang Diyos para gumawa at iligtas ang sangkatauhan, lagi Siyang tinutuligsa at tinatanggihan ng mga naniniwala sa Kanya at naghihintay sa Kanyang pagpapakita?” Ito’y dahil labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kaya nasusuklam at galit sila sa katotohanan, at likas sa kanila ang labanan ang Diyos. Ang isa pang dahilan ay hindi alam ng mga tao ang gawain ng Diyos, at puno sila ng mga haka-haka at ideya tungkol sa gawain ng Diyos. Nang matapos ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, naniwala ang mga kasapi ng Judaismo na tapos na ang gawain ng Diyos, at wala na Siyang iba pang gagawin. Hinintay nila ang Mesiyas na sasagip sa kanila mula sa rehimeng Romano, ngunit hindi nila tinanggap ang gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at dahil dito, nawala sa kanila ang pagliligtas ng Panginoon. Nang matapos ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, inakala ng mga mananampalataya ng lahat ng denominasyon na dahil tinubos ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan, tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, wala nang iba pang gagawin, at nang bumalik ang Panginoon, tuwiran Niya tayong dadalhin sa kaharian ng langit. Ngayon, sa pagdating ng malaking kalamidad, marami pa ring taong naghihintay sa pagdating ng Panginoon sakay ng mga ulap, at ayaw nilang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos, at dahil dito, bigo silang tanggapin ang Tagapagligtas at nasadlak sila sa kalamidad. Iniisip nilang lahat na nang matapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at wala nang iba pang gagawin. Kaya pag-isipan natin ito. Talaga bang kasing simple ng iniisip ng mga tao ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Sa mga huling araw, inihayag na ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga ng gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Nakita nating lahat na matapos gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, nagsimula ang Diyos ng isang tatlong-yugtong plano para iligtas tayo. Una, ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan sa ilalim ng pangalang Jehova, pagkatapos ay pumarito Siya na nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus at ginawa ang gawin ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa mga huling araw, muling naparito ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalang Makapangyarihang Diyos. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ang buong plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t ang mga pangalang Jehova, Panginoong Jesus, at Makapangyarihang Diyos ay magkakaiba, at ang gawaing ginawa nila sa bawat kapanahunan ay magkakaiba, malapit ang kaugnayan ng tatlong yugtong ito, bawat isa’y nakabatay sa nauna, at sa huli’y nauuwi sa lubos na pagliligtas sa sangkatauhan at pagdadala sa kanila sa isang bagong panahon. Ito ang patunay na may iisang Diyos na gumagawa ng iba’t ibang gawain sa bawat kapanahunan. Kaya, paano natin makikilala na iisang Diyos ang gumagawa ng tatlong yugtong ito ng gawain? Ang pag-unawa sa aspetong ito ng katotohanan ay mahalaga sa pagkakamit ng kaligtasan at pagpasok sa kaharian. Ang kasunod ay magbahaginan tayo tungkol sa isyung ito batay sa mga salita ng Diyos.
Una, babasahin ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay mailigtas ang buong lahi ng tao, na nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, at ibunyag ang di-mabatang pagiging kakila-kilabot ni Satanas; higit pa riyan, ito ay upang tulutan ang mga nilalang na makilala kung alin ang mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang tiwali, ang siyang masama, at upang masabi nila, nang may lubos na katiyakan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at ano ang hamak. Sa gayon ay makakaya ng mangmang na sangkatauhan na magpatotoo sa Akin na hindi Ako ang nagtitiwali sa sangkatauhan, at Ako lamang—ang Lumikha—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang maaaring magkaloob sa tao ng mga bagay na makasisiya sa kanila; at malalaman nila na Ako ang Pinuno ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa mga nilalang na Aking nilikha at na paglaon ay kinalaban Ako. Ang Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto, at nagsisikap Akong makamit ang epekto ng pagbibigay-kakayahan sa Aking mga nilalang na magpatotoo sa Akin, at maunawaan ang Aking kalooban, at malaman na Ako ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos). Nakikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Ang una ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Diyos na si Jehova mahigit 3,000 taon na ang nakararaan, ang pangalawa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya na ginawa ng Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakararaan, at ang pangatlong yugto ay ngayon—ang gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatapos ng mga huling araw. Bagama’t ang nilalaman ng tatlong yugtong ito ay magkakaiba, bawat yugto ay nagpapatuloy mula sa huli at pinalalalim ang gawain. Mahigpit na magkakaugnay ang mga yugtong ito, at sa huli ay naisasakatuparan ang lubos na kaligtasan ng sangkatauhan. Winakasan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian, at ang yugtong ito ng gawain ang nagpapasiya sa kapalaran ng sangkatauhan. Kung hindi natin nauunawaan ang gawain ng Diyos, madaling mapalagpas ang huling pagkakataong maligtas at maperpekto ng Diyos, na habambuhay nating pagsisisihan.
Ang ibig sabihin nito ay mas kailangan pang ipaliwanag kung ano talaga ang tatlong yugto ng gawain. Isipin natin, “Bakit naging unang hakbang ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan ang gawin ang gawain ng paglalabas ng kautusan?” Dahil noong una, parang mga sanggol ang mga tao. Hindi nila alam kung paano sambahin ang Diyos, hindi nila alam kung paano mamuhay, at maging ang mga pangunahing prinsipyo ng moralidad, tulad ng ang pagpaslang at pagnanakaw ay kasalanan, ay hindi nila naunawaan. Naglabas ng mga batas at kautusan ang Diyos na si Jehova para turuan ang mga tao kung paano mamuhay sa lupa, at sinabihan ang mga tao na huwag pumatay, magnakaw, mangalunya, at iba pa, kaya nagkaroon ang mga tao ng pangunahing konsepto ng kasalanan, natutuhan nila kung ano ang dapat at hindi dapat gawin, natutuhan nilang sundin ang kautusan at ang Sabbath. Ang mga sumunod sa kautusan ay pinagpala ng Diyos, at ang mga lumabag doon ay isinumpa at kinailangang maghandog para sa kasalanan bilang pagbabayad-sala. Nang labagin ng mga tao ang ilang kautusan at regulasyon, dumating ang poot at parusa ni Jehova, at sila ay binato o sinunog ng apoy mula sa langit. Natikman ng mga tao ng Israel ang pagiging maharlika at poot ng Diyos, gayundin ang Kanyang malasakit at awa, at nakumbinsi sila na ang Diyos na si Jehova ang iisang tunay na Diyos na lumikha sa kalangitan at sa lupa. Samakatwid, natakot silang lahat kay Jehova at sumunod sa Kanyang kautusan, namuhay nang normal at sumamba sa Diyos sa lupa, at nakapamuhay sa presensya ng Diyos. Ito ang resultang nakamtan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Kaya, ang ibig sabihin ba ng pagwawakas ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay tapos na ang Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan? Siyempre hindi. Bagama’t alam ng mga tao sa Kapanahunan ng Kautusan kung ano ang mga kasalanan, kung paano magsakripisyo at magbayad-sala, at kung paano sambahin ang Diyos, dahil sa pagtitiwali ni Satanas, kadalasa’y bigo ang mga tao na sundin ang kautusan. Lalo na sa bandang huli ng Kapanahunan ng Kautusan, padalas nang padalas ang pagkakasala ng mga tao, at wala na silang sapat na handog para sa kasalanan upang magbayad-sala para sa mga iyon. Kung tumigil na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, kokondenahin at ipapapatay sana ang mga tao ayon sa kautusan para sa lahat ng kanilang mga kasalanan, at malilipol ang sangkatauhan. Samakatwid, ginamit ng Diyos na si Jehova ang mga propeta para sabihin sa mga Israelita na darating ang Mesiyas bilang handog para sa kasalanan upang tubusin ang sangkatauhan. Sinabi sa mga propesiya, “Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa Kanyang balikat: at ang Kanyang pangalan ay tatawaging Kamangha-mangha, Tagapayo, Ang makapangyarihang Diyos, Ang walang-hanggang Ama, Ang Prinsipe ng Kapayapaan” (Isaias 9:6). “At ipinapasan sa Kanya ni Jehova ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). “Ginawa ginawa Mong handog para sa kasalanan ang Kanyang kaluluwa” (Isaias 53:10). Pagkatapos niyon, tulad ng ipinangako Niya, naparito ang Diyos na nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus upang gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Nang mamuhay Siya sa piling ng mga tao, ipinahayag ng Panginoong Jesus ang maraming katotohanan, tinuruan ang mga tao na ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at magsisi, mahalin ang Panginoon nang kanilang buong puso, kaluluwa, at isipan, mahalin ang kanilang kapwa tulad sa kanilang sarili, sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ay lubos na pinerpekto ang kautusan at binigyan ang mga tao ng bagong landas ng pagsasagawa. Nagpagaling din Siya ng maysakit, nagpalayas ng mga demonyo, nagpatawad ng mga kasalanan ng mga tao, nagkaloob ng mga pagpapala at biyaya, at sa huli ay ipinako sa krus bilang tao na walang kasalanan. Pinasan Niya ang mga kasalanan ng lahat at tinubos ang sangkatauhan. Pagkatapos niyon, hindi na kinailangan ng mga tao na mag-alay ng mga sakripisyo kapag nagkasala sila. Basta’t nananalangin at nangungumpisal sila, pinatatawad sila at nagtatamasa sila ng mga pagpapala at biyaya ng Diyos. Dinanas ng mga tao ang maawain at mapagmahal na disposisyon ng Diyos, at naging mas malapit pa ang relasyon sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Malinaw na lubos na tinupad ng gawain ng Panginoong Jesus ang mga propesiya sa Lumang Tipan. Iniligtas nito ang mga tao mula sa mga gapos ng kautusan, winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, at dinala ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Patunay ito na ang Panginoong Jesus ang Tagapagligtas at ang pagdating ng Mesiyas. Ang katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus at ang Kanyang gawain ng pagtubos ay ang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at ng lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos, at ganap na naghahayag ng natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, na nagpapatunay na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao at na ang Panginoong Jesus at si Jehova ay iisang Espiritu at iisang Diyos. Tulad lang ito ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin” (Juan 14:10). “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30). Ang gawain ng pagtubos at ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay dalawang magkaibang yugto ng gawain na ginawa ng iisang Diyos sa magkakaibang kapanahunan. Tulad lang ng sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para naman sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. … Mismong dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova at, bukod pa riyan, isinagawa ang Kanyang sariling gawain, na isang bagong gawain, ito ay nagpapatunay na isa itong bagong kapanahunan, at na si Jesus ang Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng dalawang malinaw na magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa pa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang gabayan ang pamumuhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa pa ay upang mag-alay ng handog para sa kasalanan. Ang dalawang yugtong ito ng gawain ay malinaw na magkaiba; ito ang humahati sa bagong kapanahunan mula sa luma, at ganap na tamang sabihin na ang mga ito ay dalawang magkaibang kapanahunan. Ang lokasyon ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga kapanahunan. … Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil iba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay iba, ang kapanahunan ay iba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagdating, ang Diyos ay tinatawag sa isang pangalan, kumakatawan Siya sa isang kapanahunan, at nagbubukas ng isang bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at na ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Ang Kapanahunan ng Biyaya ay nagtagal ng dalawang libong taon, at inakala ng halos lahat ng mananampalataya na nang ipako ang Panginoong Jesus sa krus upang tubusin ang sangkatauhan, tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, tuwiran Niyang iaakyat sa langit ang matatapat. Kaya, ganito nga ba ang mangyayari? Totoo na napatawad ang mga mananampalataya sa kanilang mga kasalanan, ngunit hindi pa rin nalulutas ang pagiging likas na makasalanan ng mga tao. Kontrolado pa rin tayo ng ating pagiging likas na makasalanan, madalas tayong nagsisinungaling at nagkakasala nang hindi natin sinasadya, nakikipaglaban tayo para sa katanyagan at pakinabang, mainggitin tayo, mayabang, mapagmagaling, at matigas ang ulo, hindi tayo mapagparaya, hindi natin magawang mahalin ang ating kapwa tulad sa ating sarili, at mas mahirap pang mahalin at sundin ang Panginoon. Sa loob ng dalawang libong taon, nabitag ang mga mananampalataya sa pamumuhay sa paulit-ulit na pagkakasala sa araw at pangungumpisal sa gabi, at matindi nating nararanasan ang sakit at pagdurusa ng pamumuhay sa kasalanan. Hindi mapapabulaanan ang katotohanang ito. Iniligtas ba ang ganitong mga tao na namumuhay sa kasalanan? Makakapasok ba sila sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal” (Levitico 11:45). “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Ang Diyos ay matuwid at banal. Paano Niya papayagan ang mga taong madalas magkasala at lumalaban sa Kanya na pumasok sa Kanyang kaharian? Kaya, nang matapos ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, sinabi Niya na paparito Siyang muli para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang lubos na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, at dalhin ang mga tao sa kaharian. Tulad lang ito ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). “Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Sa mga huling araw, nagbalik na nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus tulad ng ipinangako Niya bilang Makapangyarihang Diyos upang ipahayag ang lahat ng katotohanang kinakailangan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, na ganap na lumulutas sa pagiging likas na makasalanan ng mga tao at tinutulutan silang lubos na mailigtas ng Diyos. Ipinapakita nito sa atin na ang Makapangyarihang Diyos ay “ang Espiritu ng katotohanan,” at Siya ang Panginoong Jesus na nagpapakita at gumagawa sa mga huling araw.
Tingnan natin ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para mas mapalinaw ang mga bagay-bagay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sinusundan ang gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayaring mag-isa; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangang maghatid ito ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng patnubay ng Diyos. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Ang totoo, ang yugtong ito ay panlulupig at ang pangalawang yugto rin ng gawain ng pagliligtas” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
“Naisulong na ng gawain ngayon ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; ibig sabihin, nakasulong na ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Bagama’t natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon na ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit Ko ba sinasabi nang paulit-ulit na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kautusan? Dahil ang gawain ng panahong ito ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at isang pag-unlad doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay, na bawat kawing sa kadena ay nakarugtong na mabuti sa kasunod. Bakit Ko ba sinasabi rin na ang yugtong ito ng gawain ay batay sa ginawa ni Jesus? Ipagpalagay nang ang yugtong ito ay hindi batay sa gawaing ginawa ni Jesus, kakailanganing maganap ang isa pang pagpapapako sa krus sa yugtong ito, at ang gawain ng pagtubos ng naunang yugto ay kakailanganing uliting muli. Magiging walang saysay ito. Kaya nga hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas na nang mas mataas kaysa dati. Masasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nakabatay sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at nakasalig sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ng Diyos ay itinatatag nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong simula. Ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain lamang ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng mga tao, ngunit hindi nito inalis ang pagiging likas na makasalanan ng mga tao o ganap na iniligtas ang mga tao mula sa kasalanan, kaya hindi pa tapos ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang nagbukas ng daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ang gawain ng paghatol, pagdadalisay, at pagliligtas sa sangkatauhan na ginawa ng Makapangyarihang Diyos ang huling yugto ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ito rin ang pinakakritikal na yugto. Napakaraming ipinapahayag na katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, na naghahayag ng lahat ng hiwaga sa Biblia at maging ng lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, pati na ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang katotohanang nakapaloob sa tatlong yugto ng gawain, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol upang dalisayin at iligtas ang mga tao, ang wakas at hantungan ng lahat ng uri ng mga tao, paano maitatatag ang kaharian ni Cristo sa lupa, at iba pa. Inihahayag at hinahatulan din ng Makapangyarihang Diyos ang ugat na dahilan ng pagkakasala at paglaban ng mga tao sa Diyos, at ito ay ang likas na kademonyohan at mga satanikong disposisyon ng mga tao. Ipinapahayag din Niya ang lahat ng aspeto ng katotohanan na kailangang isagawa ng mga tao at pasukin sa paniniwala sa Diyos, gaya ng mga wastong pagtingin sa paniniwala sa Diyos, paano magkaroon ng normal na relasyon sa Diyos, paano maging isang matapat na tao, paano matakot sa Diyos at iwaksi ang kasamaan, at paano matututong sundin ang Diyos, mahalin ang Diyos, atbp. Kailangang pumasok ang mga tao sa mga realidad ng lahat ng katotohanang ito upang maitakwil ang katiwalian at ganap na mailigtas ng Diyos. Ang paghatol, pagkastigo, pagpupungos, pagwawasto, mga pagsubok, at pagpipino sa salita ng Diyos, para sa maraming hinirang ng Diyos, ay nagpahintulot sa kanila na unti-unting maunawaan at kamuhian ang sarili nilang mga satanikong disposisyon at kalikasan, upang matanto na ang disposisyon ng Diyos ay banal, matuwid, at hindi maaaring labagin, upang magkaroon ng takot sa Diyos sa kanilang puso at tunay na pagsisisi, upang maging dalisay at magbago ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at matuto silang tunay na sumunod sa Diyos. Anumang pag-uusig, hirap, mga pagsubok, o pagpipino ang kanilang nararanasan, maaari nilang matatag na sundin ang Makapangyarihang Diyos, ipalaganap at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, at magkaroon ng maraming magagandang patotoo ng tagumpay laban kay Satanas. Ang mga patotoo tungkol sa kanilang karanasan ay nakalathala online, at nagpapatotoo sa buong mundo tungkol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ay mga mananagumpay na kinukumpleto ng Diyos bago sumapit ang malaking kalamidad, at sila ang mga unang bunga, na ganap na tumutupad sa propesiya sa Pahayag, “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero” (Pahayag 14:4). At katulad din ito ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. “Kapag nagwakas na ang tatlong yugto ng gawain, magkakaroon ng isang grupo ng mga nagpapatotoo sa Diyos, isang grupo ng mga nakakakilala sa Diyos. Makikilala ng lahat ng taong ito ang Diyos at maisasagawa nila ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman nilang lahat ang tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawaing matutupad sa huli, at ang mga taong ito ang nabuo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong mga maaaring magpatotoo sa Diyos ay makatatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging grupong mananatili sa pinakahuli, ang grupong nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagpapatotoo sa Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos). Ang Makapangyarihang Diyos ay napakarami nang ipinahayag na katotohanan at nagsagawa na ng napakadakilang gawain, na lubos na naghahayag ng natatanging awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at patunay ito na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Espiritu at iisang Diyos. Kaya, sa puntong ito, tumigil tayo at isipin natin: Maliban sa Diyos, sino ang maaaring magpahayag ng napakaraming katotohanan at magbunyag ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos? Sino ang maaaring maglantad ng ugat na dahilan ng kasalanan at paglaban ng mga tao sa Diyos? Maliban sa Diyos, sino ang maaaring humatol sa katiwalian ng mga tao at ganap na magligtas sa sangkatauhan mula sa kasalanan? Sino ang maaaring magpahayag sa banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa pagkakasala? Pinatutunayan ng mga katotohanan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, ang nag-iisang tunay na Diyos na Siyang simula at wakas ng lahat ng bagay!
Kaya, malinaw na bang nauunawaan ngayon ng lahat? Ang tatlong yugto ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian ay tatlong magkakaibang yugto ng gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa magkakaibang kapanahunan. Ang gawain ng kautusan ay nagturo sa tao kung ano ang kasalanan, na ang gawain ng pagtubos ay tumubos sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain ng paghatol ay nagpapahintulot sa kanila na alisin ang kasalanan. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay mahigpit na magkakaugnay, bawat isa ay nakabatay sa huli, at sa huli, ganap na inililigtas ang mga tao mula sa impluwensya ni Satanas at dinadala sa kaharian ng Diyos. Ito ang buong proseso kung paano pinamamahalaan at inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Mula simula hanggang wakas, isinagawa ito ng iisang Diyos. Bagama’t iba ang pangalan ng Diyos, at iba ang Kanyang mga pamamaraan at gawain, gayon pa rin ang diwa ng Diyos, kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at ang disposisyon ng Diyos, at hinding-hindi nagbabago ang mga ito. Kung titingnan natin ang mga salitang sinambit ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, lahat ng salitang ito ay katotohanan. Ang mga ito ay pagpapahayag at paghahayag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, iisa ang pinagmumulan ng mga iyon, at ang mga ito ang tinig at mga salita ng iisang Espiritu. Ito ay patunay na ang tatlong yugto ng gawain ay ginagawa ng iisang Diyos. Tulad lang ito ng sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Siya ang Diyos, puno ng awa at mapagmahal na kabaitan; Siya ang handog dahil sa kasalanan para sa tao at ang pastol ng tao; ngunit Siya rin ang paghatol, pagkastigo, at sumpa ng tao. Maaakay Niya ang tao na mabuhay sa lupa sa loob ng dalawang libong taon, at matutubos din Niya ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan. Ngayon, nagagawa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, na hindi nakakakilala sa Kanya, at mapagpapatirapa sila sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan, upang lahat ay lubusang magpasakop sa Kanya. Sa huli, susunugin Niya ang lahat ng marumi at di-matuwid sa kalooban ng mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang isang Diyos ng karunungan at mga himala, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.