Pagtatamo ng Pagpapala sa Pamamagitan ng Kasawian
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag nililingon ng isang tao ang daan na kanyang tinahak, kapag ginugunita niya ang bawat yugto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na sa bawat hakbang, nakakapagod man o magaan ang kanyang paglalakbay, ang Diyos ay gumagabay sa landas ng isang tao at pinaplano ito. Ang maingat na mga pagsasaayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang umakay sa tao, nang hindi niya nalalaman, tungo sa ngayon. Ang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha at tanggapin ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan iyon! … Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit sa damdamin at di-maibsang pagdurusa, hanggang sa hindi na siya makalingon sa nakaraan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng isang tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at paghahanap sa tunay na buhay ng tao siya unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, at maiibsan ng lahat ng kahungkagan sa buhay” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Talagang naantig ako ng mga salitang ito ng Diyos dahil eksakto nitong nailarawan ang buhay ko.
Pinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa probinsya at buong buhay ‘kong minamaliit ng mga tao. Mahirap ang pamilya ko, kaya’t minsan ‘di ko alam kung saan manggagaling ang susunod naming kakainin, at lagi nang tagasalo ako ng mga pinaglumaan ng kapatid ko. Kinakain ako ng mga damit sa laki ng mga ito. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko at ayaw nilang makihalubilo sa ‘kin. Napakasakit ang aking kabataan. Mula no’n, nagpasya ako: ‘Pag laki ko, talagang kikita ako ng maraming pera, mamumuhay ako nang marangya, at wala nang sinumang hahamak sa ‘kin. Dahil walang-wala ang pamilya ko, kinailangan kong tumigil sa pag-aaral bago pa ‘ko nakapagtapos ng junior high para magtrabaho sa pabrika ng gamot ng lalawigan. Madalas akong mag-overtime hanggang alas-diyes ng gabi para kumita nang mas malaki. Kinalaunan, narinig kong kayang kitain ng ate ko ang isang buwan kong sahod sa loob lang ng limang araw na pagtitinda ng mga gulay. Agad akong nagbitiw sa trabaho ko sa pabrika ng gamot para magtinda ng mga gulay. Nang mag-asawa ako, nagbukas kami ng asawa ko ng isang restawran. Inisip ko na kikita ako ng mas maraming pera sa pagpapatakbo ng isang restawran, at makakapamuhay ako nang marangal, kaiinggitan at titingalain ng iba. Pero matindi ang kumpetisyon sa negosyong ‘yon at kumuha lang kami ng isang serbidor para makatipid. Lahat ginawa ko, takbo sa kusina at sa kainan. Minsan sa sobrang pagod ko hindi na ‘ko makatayo. May ilang opisyal ng gobyerno na pumupunta at kumakain pero hindi sila nagbabayad, at nand’yan pa ang iba’t ibang multa at buwis na kailangang bayaran. Minsan gumagawa sila ng kung anu-anong dahilan para pagmultahin kami at kinukuha nila ang buong araw naming kita. Sobrang galit talaga ako dito pero wala kang magagawa sa bagay na ‘yan sa China. Kailangan mo lang umiwas sa gulo. Sa kabila ng pagtatrabaho namin nang husto, ‘di kami kumikita ng malaki. Nagsimula akong mag-alala nang tumagal-tagal na ang negosyo namin, iniisip na, “Kelan ako magkakaroon ng magandang buhay na may maraming pera?”
Noong 2008, isang kaibigan ang nagsabi sa akin na ang isang araw na pagtatrabaho sa Japan ay katumbas ng kikitain mo sa sampung araw na pagtatrabaho sa China. Labis akong natuwa nang marinig ko ‘to. Naisip kong sa wakas nakatagpo ako ng magandang pagkakataon para kumita ng pera. Sobrang mahal ang singil ng ahente sa pagpunta sa Japan, pero naisip ko, “Walang hirap, walang sarap. Basta makahanap kami ng trabaho sa Japan, mabilis din naming mababawi ang perang yon.” Nagdesisyon kaming mag-asawa na agad na pumunta sa Japan para tuparin ang aming pangarap. Pagdating namin doon, kinailangan naming magtrabaho sa loob ng 13-14 oras araw-araw. Sobrang pagod kami. Pagkatapos ng trabaho, gusto na lang namin mahiga at magpahinga. Ayaw na naming kumain. Sumasakit na palagi ang likod ko sa bandang ibaba at wala akong pera para pumunta sa doktor, kaya’t umiinom na lang ako ng pampawala ng sakit para makayanan ko. Hindi lang ako dumaranas ng sakit, napapagalitan pa ako ng boss ko at inaapi ng mga kasamahan ko sa trabaho. Isang beses noong bago pa ako sa trabaho, nakagawa ako ng maliit na kamalian. Talagang pinagalitan ako ng boss ko nang matindi at napaiyak ako sa sama ng loob. Pero ano ang magagawa ko? Kinailangan kong pigilin ang damdamin ko para patuloy na kumita ng pera. Paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili ko, “Mahirap ngayon, pero ‘pag kumita na ‘ko ng kaunting pera, makakatayo na ako nang tuwid at matitingnan sa mata ang mga tao. Kailangan kong magtiis.” At kaya naman, patuloy akong nagtrabaho araw-araw tulad ng isang makinang gumagawa ng pera Sa ‘di inaasahan, noong 2015, nagkasakit ako dahil sa matinding pagod sa trabaho. Nagpunta ako sa ospital para magpa check-up at sinabi sa ‘kin ng doktor na may slipped lumbar disc ako na dumidiin sa aking nerve, at kapag nagpatuloy akong magtrabaho, mararatay ako sa higaan at hindi ko na maaalagaan ang sarili ko. Para akong kinuryente, at biglang nanghina ang buo kong katawan. Gumaganda na ang buhay ko at malapit ko nang maabot ang pangarap ko. Pero sa halip, nagkasakit ako. ‘Di ko ‘to matanggap, at naisip ko: “Bata pa ‘ko. Kung tiim-bagang kong haharapin ‘to, malalagpasan ko ‘to. Pag di ako kumita ng pera ngayon at bumalik sa China nang walang-wala, hindi ba’t kahihiyan ‘yan?” Kaya, tiim-bagang kong kinaladkad ang katawan kong may pinsala para magtrabaho. ‘Pag sobrang sakit na tinatapalan ko lang ng medicated patch at patuloy ang laban. Buong araw akong nagtatrabaho, kaya’t sobrang sakit sa gabi na hindi ako nakakatulog. Hindi man lang ako makapihit. Pagkaraan ng ilang araw, sobrang sama ng pakiramdam ko na ni hindi ako makabangon sa higaan.
Sa pagkakahiga ko naramdaman kong wala akong magawa at nag-iisa ako, at naisip ko, “Paano akong napunta sa kalagayang ito gayong bata pa ako? Talaga bang mararatay na ako sa kama?” Nakaramdam ako ng isang uri ng kalungkutan na hindi ko maipahayag, at may agam-agam na naisip ko, “Ano ba ang dahilan ng tao para mabuhay? Talaga bang para lang kumita ng pera at mamukod-tangi? Talaga bang kapag may pera ay may kaligayahan? Sulit ba talaga ang magpakapagod sa trabaho para lang sa pera?” Sa loob ng mahigit tatlumpung taon ng matinding pagtatrabaho ko, nagtrabaho ako sa pabrika, nagtinda ng mga gulay, nagpatakbo ng isang restawran, at nagpunta sa Japan para magtrabaho. Kumita ako ng pera, pero sobrang dusa ang dinanas ko. Noong una, akala ko maaabot ko ang aking pangarap sa pagpunta sa Japan, na yayaman ako sa magdamag lang at mamumuhay ng buhay na kaiinggitan. Sa halip, naratay ako sa higaan, at baka gugulin ko pa ang natitira kong buhay nang naka-wheelchair. Nang maisip ko ‘yon, pinagsisihan ko lalo na na inabuso ko ang sarili ko para kumita ng pera at umangat sa iba. Pakiramdam ko api ako, miserable, at malungkot. ‘Di ko mapigilang umiyak. Tumawag ako sa puso ko: “Langit, iligtas mo ako! Bakit sobrang nakakapagod at napakahirap ng buhay ko?”
At nang ako’y wala nang magawa at nakakaranas ng sakit, dumating sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Nagkataon na nakilala ko ang dalawang kapatid na naniniwala sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos kasama nila at pakikinig sa kanilang mga pagbabahagi tungkol sa katotohanan, naintindihan ko na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, na pinamumunuan ng Diyos ang buong sansinukob, na ang kapalaran ng lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, na buong panahon nang ginabayan at inalalayan ng Diyos ang sangkatauhan, at na palagi Niyang inaalagaan at pinoprotektahan ang sangkatauhan. Pero nalilito pa rin ako sa isang bagay. Kontrolado ng Diyos ang ating kapalaran, at mula pa noon, pinangungunahan na tayo ng Diyos at pinoprotektahan, kaya dapat masaya tayo. Kung gayon bakit dumaranas pa rin tayo ng karamdaman at sakit? Bakit napakahirap ng buhay? Saan ba nanggagaling ang lahat ng sakit na ‘to? Tinanong ko ang mga kapatid ukol dito.
Binasa sa ‘kin ni Sister Qin ang ilang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pinagmulan ng habambuhay na paghihirap mula sa kapanganakan, kamatayan, karamdaman, at pagtanda na tinitiis ng mga tao? Ano ang naging dahilan para magkaroon ng mga bagay na ito ang mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, hindi ba? Saan, kung gayon, nagmula ang mga bagay na ito? Umiral ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang pananakit ng pantaong laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay dumating lamang matapos nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, sinimulan nitong pahirapan sila. Kaya naman, mas lalo silang naging masama. Ang mga karamdaman ng sangkatauhan ay lalo pang lumubha, at ang kanilang pagdurusa ay lalo pang lumala. Higit at higit, nadama ng mga tao ang kahungkagan at trahedya ng mundo ng tao, gayon din ang kanilang kawalan ng kakayahang patuloy na mabuhay roon, at mas lalong nabawasan ang kanilang pag-asa para sa mundo. Sa gayon, ang pagdurusang ito ay ibinagsak ni Satanas sa mga tao” (“Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Pagkatapos ay binanggit niya ang pagbabahagi na ito: “Nang nilikha ng Diyos ang tao, sinamahan sila, inalagaan, at pinrotektahan ng Diyos. Noon ay walang kapanganakan, pagtanda, sakit o kamatayan, at walang pag-aalala o pagkayamot. Nabuhay ang tao nang walang alalahanin sa Halamanan ng Eden, tinatamasa ang lahat ng bagay na maaaring matamasa na ipinagkaloob ng Diyos. Nabuhay silang masaya at maligaya sa patnubay ng Diyos. Ngunit ang tao ay nalinlang at ginawang tiwali ni Satanas. Naniwala sila sa mga kasinungalingan nito, nagkasala at nagtaksil sa Diyos, at nawalan ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Simula noon ay nabuhay tayong sakop ni Satanas at nahulog sa kadiliman. Nabubuhay tayo nang may paghihirap, pag-aalala, sakit at kalungkutan. Libu-libong taon nang patuloy na ginagamit ni Satanas ang mga heresiya at mga kamalian tulad ng materyalismo, ateismo, at ebolusyon, at mga kawikaan na ipinapalaganap ng mga sikat at mga dakilang tao upang linlangin at ipahamak ang mga tao, katulad ng ‘Walang Diyos sa mundo,’ ‘Ang kapalaran ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay,’ ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,’ ‘Maging katangi-tangi, at magdala ng karangalan sa iyong mga ninuno,’ at ‘Mamamatay ang tao para sa pera,’ ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo,’ at iba pa. Pagkatapos na tanggapin ang mga makademonyong kamalian na ito, itinatanggi na ng mga tao ang pag-iral at pamamahala ng Diyos, lumalayo sila sa Diyos at nagtataksil sa Kanya. Sila’y naging mas mapagmataas at palalo, mas makasarili, tuso, at malisyoso. Ang mga tao ay nagsasabwatan, nag-aaway, at pumapatay alang-alang sa katanyagan, katayuan, at kayamanan. Ang mga mag-asawa at magkakaibigan ay niloloko at pinagtataksilan ang bawat isa kahit ang mga mag-ama ay nag-aawayan at ang mga magkakapatid na lalaki ay kinakalaban ang isa’t isa Talagang nawala na sa atin ang wastong pagkatao at nabubuhay tayong tulad ng hayop sa halip na tao. Ang mga kamalian ni Satanas ay nagpahamak sa napakaraming tao. Sa pag-aakalang maaari nilang kontrolin o baguhin ito, kinakalaban nila ang kanilang sariling kapalaran. Buong buhay silang nakikipaglaban, at hindi lamang sila nabibigong baguhin ang kanilang kapalaran, kundi sinisira pa nila ang sarili nila sa pagtatangka. Ang sangkatauhan ay nalinlang at ginawang tiwali ni Satanas. Buong araw tayong nagpapagod, pinahihirapan sa katawan at isip. Lahat ng uri ng sakit at pagdurusa ay dumarami. Ang mga pagdurusa at pagkabalisang ito ay nagpaparamdam sa atin na ang buhay ng tao sa mundong ito ay napakahirap at nakakapagod. Ang lahat ng ito ay dumating pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, si Satanas ang nagpapahamak sa atin, at ito rin ang mapait na bunga ng pagtatwa at pagtataksil ng sangkatauhan sa Diyos.”
Ipinakita sa akin ng pagbabahagi ni Sister Qin na ang mga karamdaman ng tao ay nagmula kay Satanas. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, nawala sa atin ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, na nagdulot ng lahat ng uri ng karamdaman at sakit. Pagkatapos, sinabi ito ni sister “Hindi matiis ng Diyos na makitang pinaglalaruan at pinahihirapan ni Satanas ang sangkatauhan. Dalawang beses Siyang nagkatawang-tao upang tubusin at mailigtas ang sangkatauhan. Noong unang beses, nagkatawang-tao Siya bilang ang Panginoong Jesus, na ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, upang tubusin tayo mula sa kasalanan. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan ay pinatawad ngunit nananatili ang ating makasalanang kalikasan at hindi pa rin tayo ganap na wala nang kasalanan. Ang Diyos ay muling nagkatawang-tao sa kalipunan ng tao sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis upang tayo ay ganap na mailigtas mula kay Satanas, itakwil ang kasalanan, at maging malinis, hanggang sa wakas tayo ay maihatid sa kaharian ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagbabasa pa ng mga salita ng Diyos, mauunawaan natin ang katotohanan at magkakaroon tayo ng pagkilatis. Mauunawaan natin kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao at mahihiwatigan natin ang masamang diwa nito. Maaari na nating tanggihan si Satanas at makawala sa impluwensya nito, sa gayon, hindi na tayo mapaglalaruan at maipapahamak nito.” Nasiyahan akong marinig na ang Diyos ay personal na dumating upang iligtas tayo. Hindi ko talaga gusto na magpatuloy si Satanas na ipahamak ako nang ganoon ngunit hindi ko lubos na naunawaan kung paano ako nito ipinapahamak, kaya tinanong ko ang mga kapatid na babae: “Nagpakahirap ako para maging mas mahusay sa iba at mamukod-tangi, pero nagdulot ito sa akin ng di-mabatang sakit. Si Satanas ba ang gumawa nito sa akin?”
Binasa ni Sister Zhang ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nauugnay sa aking tanong. “Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘katanyagan’ at ‘pakinabang’. Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang matuwid, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI).
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi siya tungkol sa katotohanan kung paano ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang gawing tiwali ang tao. Doon ko lang napagtanto kung gaano nakakamuhi si Satanas! Ginagamit ni Satanas ang pormal na edukasyon at mga impluwensiya ng lipunan upang itanim sa isip natin ang mga patakaran nito sa buhay, katulad ng “Kung walang hirap, walang sarap,” “Kung gusto mong magmukhang marangal sa harap ng mga tao, kailangan mong magdusa kapag nakatalikod sila,” at “Pera ang nagpapaikot sa mundo.” Dahil nalinlang ng mga patakarang ito sa buhay, pakiramdam ng mga tao ay hindi sila mabubuhay kung walang pera, na sa sandaling yumaman sila, titingalain sila ng iba at magkakaroon sila ng dangal, at na mas mababa ang halaga ng isang tao kapag mahirap siya. Kaya buong buhay na nagsusumikap ang mga tao para sa pera, katanyagan at pakinabang, at ginagawa ang anuman para makamit ang mga ito, kahit na ano pa ang maging kahihinatnan. Nagiging mas tiwali ang mga tao at napupuno ng pasakit ang mga buhay nila. Ito ang kadena ni Satanas na buhat-buhat natin, at ito rin ang bitag ni Satanas para gawin tayong tiwali. Sa paghahangad na maging magaling, na kumita ng mas malaki para tingalain ako ng iba, paggawa lang ng pera ang inatupag ko. Tumindi ang mga pagnanasa ko, hindi ako nakuntento kailanman, at napilitan lamang akong tumigil nang bumagsak na ang kalusugan ko dahil sa mga pinaggagagawa ko. Naging alipin ako ng pera, katanyagan at pakinabang. Dahil sa paghahangad ko ng katanyagan at pakinabang, naging napakahirap at nakakapagod ang buhay ko! Sa paghahangad nun sa mga taon na nakalipas, Nalugmok ako sa sakit at napahamak sa huli. Lahat ng paghihirap na ‘yon ay nanggaling sa pamiminsala at pagtiwali ni Satanas! Kung ‘di sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos di ko malalaman na ginagamit ni Satanas ang pera, katanyagan at pakinabang upang gawing tiwali ang mga tao, lalo pa na ang katanyagan at pakinabang ay mga kadena ni Satanas sa tao.
Madalas na lumapit sa akin si Sister Qin para magbahagi matapos niyon. Unti-unti, nagsimula kong makita ang mga taktika na ginagamit ni Satanas upang matiwali ang tao. Naintindihan ko rin kung ano ang pinakamahalaga: ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, paghahanap sa katotohanan, at pagsunod sa pamamahala at pagsasaayos ng Diyos. Yon ang pinakamakabuluhan at masayang uri ng pamumuhay, at ang tanging pamamaraan na pinupuri ng Diyos!
Isang araw, nalaman ko na meron akong isang kasamahan na pumunta sa Japan kasama ang asawa niya para kumita ng pera. Bagaman kumita sila ng kaunting pera, lumala naman kinalaunan ang kalusugan ng kanyang asawa at kinailangan nitong bumalik sa China para magpagamot. Kalaunan nadiagnose siya na may late-stage na kanser. Namuhay sa pangamba at pighati ang kanilang pamilya. Dahil sa kasawian niya, lubos kong nadama ang karupukan natin at ang kahalagahan ng buhay. Kung walang buhay, anong silbi ng karagdagang pera? Mabibili ba ng pera ang buhay? Pagkatapos, nabasa ko ito sa salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Tinulutan ako ng mga salita ng Diyos na mas malinaw na makita na kung ‘di tayo naniniwala sa Diyos o nauunawaan ang katotohanan, ‘di natin malinaw na makikita ang mga pakana ni Satanas, at ‘di natin makikita na ginagamit ni Satanas ang pera at katanyagan upang gawing tiwali ang mga tao. Hindi tayo makawala sa pagkahigop ng ipu-ipong ito. Nalilinlang at napipinsala tayo ni Satanas kahit ayaw natin, at nasisira pa nga ang mga buhay natin. Kalunos-lunos. Salamat sa aking pananampalataya at pagbabasa ng napakaraming salita ng Diyos, naunawaan ko na rin sa wakas ang mga bagay na ito. Kung wala akong pananampalataya o ‘di ako nagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana maiwawaksi ang katiwalian ni Satanas. Makikipagbuno lang ako sa kadiliman at sakit nang walang malalabasan.
Habang may sakit ako, maraming beses akong dinalaw ng mga sister mula sa iglesia at tumulong na maibsan ang aking sakit. Ginawa din nila ang gawaing-bahay at binantayan ako na parang tunay nila akong kapamilya. Habang nasa ibang bansa, naantig ako nang sobra sa kung paano ako maingat na inalagaan ng mga sister. Higit akong nagpasalamat sa Makapangyarihang Diyos. Sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, bumuti ang kalagayan ko nang ‘di ko namamalayan.
Nabasa ko ito sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos kalaunan: “Kapag nililingon ng isang tao ang daan na kanyang tinahak, kapag ginugunita niya ang bawat yugto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na sa bawat hakbang, nakakapagod man o magaan ang kanyang paglalakbay, ang Diyos ay gumagabay sa landas ng isang tao at pinaplano ito. Ang maingat na mga pagsasaayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang umakay sa tao, nang hindi niya nalalaman, tungo sa ngayon. Ang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha at tanggapin ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan iyon! Kapag negatibo ang saloobin ng isang tao sa kapalaran, pinapatunayan nito na siya ay tumututol sa lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanya, na siya ay walang nagpapasakop na saloobin. Kapag ang saloobin ng isang tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay positibo, kapag nagbalik-tanaw siya sa sarili niyang paglalakbay, kapag tunay niyang nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, mas marubdob niyang nanaisin na magpasakop sa lahat ng isinasaayos ng Diyos, magkakaroon ng mas matibay na determinasyon at pagtitiwala na hayaan ang Diyos na isaayos ang kanyang kapalaran, at huminto sa pagrerebelde laban sa Diyos. Sapagkat nakikita ng isang tao na kapag hindi niya naiintindihan ang kapalaran, kapag hindi niya nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kapag nangangapa siya nang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray sa kalituhan, ang paglalakbay ay napakahirap at masyadong nakakasakit ng damdamin. Kaya kapag nakikilala ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ito, na magpaalam sa masasakit na araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang mga kamay, na tigilan ang pakikipagbuno laban sa kapalaran at ang paghahangad ng kanilang tinatawag na ‘mga layunin sa buhay’ sa sarili nilang kaparaanan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit sa damdamin at di-maibsang pagdurusa, hanggang sa hindi na siya makalingon sa nakaraan. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng isang tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at paghahanap sa tunay na buhay ng tao siya unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, at maiibsan ng lahat ng kahungkagan sa buhay” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napakapraktikal ng salita ng Diyos, bawat pangungusap ay tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Nauunawaan ko sa salita ng Diyos na ang Diyos ang Lumikha at tayo ay Kanyang mga nilikha. Ang buhay ng bawat tao ay nasa mga kamay ng Diyos, nasa ilalim ng Kanyang pamamahala at pagsasaayos. Ang lahat ng nakakamtan natin sa buhay ay nasa ilalim ng pamamahala at itinakda ng Diyos. Ang pagpapagal paroo’t parito ay tiyak na hindi konsiderasyon sa pagpapasya. Kung gaano karami ang ipinagkakaloob ng Diyos sa atin ay ang ating matatamo. Kung ‘di magkakaloob ang Diyos ng anuman sa atin, gaano man tayo magpagod ay wala itong kabuluhan. Tulad ito ng kasabihang “Tao ang nagtatanim ng buto, nguni’t Langit ang nagpapasya sa ani” at “Tao ang nagmumungkahi, Diyos ang nagtatalaga.” Dapat tayong magpasakop sa pamamahala at pagsasaayos ng Lumikha sa ating buhay Ito ang sikreto ng masayang buhay! Napagtanto ko rin na ang pera at katayuan ay mga makamundong pag-aari. Sa pagtutuon ng iyong sarili sa paghahabol ng katanyagan at pakinabang, ang matatamo mo lamang sa huli ay kahungkagan at sakit. Sa huli ay nalamon ka na ni Satanas Naalala ko noon kung paano ako namuhay sa mga pilosopiya ni Satanas gaya ng “Kung walang hirap, walang sarap,” at naghabol sa pera at katanyagan. Inisip ko na magkakaroon ako ng masayang buhay, at titingalain at kaiinggitan ng iba, nguni’t di ko inasahan na ang matatamo ko sa halip ay sakit at kapaitan, ‘di ako nagkaroon ng kapayapaan o kasiyahan. Ngayong nabasa ko na ang mga salita ng Diyos, nauunawaan ko na ang kalooban ng Diyos. Ayoko nang makipagbuno sa kapalaran ko, at talagang ayoko nang maghabol ng katanyagan at pakinabang. Hindi na ‘yon ang buhay na nais ko. Nagpasya akong magkaroon ng ibang paraan ng pamumuhay, at ang gusto ko lang ay ilagak ang natitira kong buhay sa mga kamay ng Diyos upang Kanyang isaayos, pagsikapang sundin ang Diyos at isagawa ang aking tungkulin.
Upang magkaroon ng mas maraming oras para sa aking pananampalataya at makadalo sa mga pagtitipon, iniwan ko ang aking dating trabaho at naghanap ako ng bago at mas madaling trabaho. Madalas kong binabasa ang salita ng Diyos sa t’wing wala akong trabaho, at habang lalo akong nagbabasa, lalong nagliliwanag ang puso ko. Natutunan ko rin ang pinagmulan ng pagkakasala ng tao, nauunawaan ko kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan nang paisa-isang hakbang, kung ano ang dapat maging dahilan ng tao para mabuhay, at kung paano siya dapat mamuhay ng isang makabuluhang buhay. Madalas akong nakikipagtipon sa mga kapatid upang magbahagi ng aming mga karanasan at pag-aralang awitin ang mga himno ng mga salita ng Diyos. Sobrang saya na ng buhay ko ngayon. ‘Di na ako kumikita nang malaki tulad noon, nguni’t nadarama ko ang kapayapaan at katatagan na wala ako noon. Sa pagbabalik-tanaw dito ngayon, nagtamo ako ng biyaya sa pamamagitan ng kasawian! Ito talaga ang Kanyang pagliligtas sa akin.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.