Nagbalik Mula sa Bingit ng Kapahamakan

Enero 8, 2020

Ni Zhao Guangming, Tsina

Sa simula ng mga taong 1980, nasa edad na mga 30 ako at nagtatrabaho sa isang kumpanya ng konstruksyon. Maituturing ko ang sarili ko na bata at malusog, may respeto at tapat sa mga tao, at responsable sa aking trabaho. Napakahusay ko rin sa konstruksyon, at alam ko na malayo ang mararating ko sa kumpanya at na, kapag talagang nagtagumpay na ako sa aking karera, mamumuhay ako na parang prinsipe. Ito ang mithiin ko kaya nanatili ako sa kumpanya at masigasig na nagtrabaho nang napakaraming taon. Ngunit sa kabila ng aking magagandang katangian at propesyonal na kakayahan, tila balewala sa kumpanya ang lahat ng pagsisikap ko, na isang bagay na hindi ko kailanman naunawaan. Ang pinakamataas na suweldo sa aming kumpanya ay grade 6, pero kahit kailan hindi lumampas ng grade 3 ang suweldo ko. Nakita ko ang maraming kasamahan ko sa trabaho, na kumpara sa akin ay kulang sa kakayahan at bago pa lang sa trabaho, pero tinataasan ng suweldo, at hindi ito kailanman nangyari sa akin. Nagtaka ako at naghinanakit kung bakit tumaas ang suweldo nila samantalang ako ay hindi. Sa wakas, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho na kapalagayang-loob ko ang nagsabi sa akin ng dapat kong gawin: “Sa kumpanyang ito, ang pinaka-importanteng bagay ay suhulan ang manedyer o batiin man lang siya ng happy Chinese New Year, at gawin din ang gayon sa iba pang mga piyesta.” Nang marinig ko ito, naunawaan ko na sa wakas ang tunay na dahilan kung bakit kinaligtaan ako ng kumpanya, at ang kawalang-katarungang ito ay nagpagalit sa akin nang labis. Bagama’t kinapootan ko ang mga sipsip na ito sa kumpanya, na kaunting oras lang ang ipinagtrabaho pero nakatanggap pa rin ng malaking suweldo at promosyon sa palihim at tiwaling pamamaraan, kailangan kong patatagin ang posisyon ko sa kumpanya kaya kinailangan kong makibagay sa di-nakasulat na mga patakarang ito. Kaya nang sumapit ang Chinese New Year “ipinahayag ko ang aking taos-pusong pagbati” sa manedyer at kaagad akong na-promote bilang team leader.

Bilang team leader, lalo akong naging tapat at responsable sa aking gawain. Pumupunta ako sa mga lugar ng konstruksyon para mahigpit na mapangasiwaan at pamahalaan ang gawain upang masigurong nagagawa ito ayon sa pamantayan at natatapos sa takdang petsa ang mga proyekto. Lagi ko ring iniisip ang kaligtasan ng mga trabahador, at ang sistema ko sa pagtatrabaho at propesyonal na paggabay ay pinuri ng mga trabahador sa aking team. Ngunit balewala ang lahat ng ito pagdating sa pagpapanatili o pagsisante sa mga team leader—ang pinaka-importante ay ang halaga ng mga regalong ibinigay ng bawat team leader sa manedyer. Para hindi ako mawalan ng trabaho sa kumpanya, wala akong nagawa kundi makibagay sa batas na ito ng matira ang matibay, na labis na nagpadanas sa akin ng kalupitan at kawalang-magawa na nakapaloob sa kasabihang “matira ang matibay.”

Sa mga sumunod na taon, dahil sa mga reporma sa ekonomiya at pagbawas ng paghihigpit ng pamahalaan ay nagkar0on ng malawakang pagsulong at mga proyekto sa konstruksyon na isinasagawa sa buong Tsina. Bunga nito ipinamahagi ng aking kumpanya ang mga proyekto sa mga indibiduwal, na ibig sabihin, kailangang magkumpitensya ang mga team leader para makakuha ng kontrata. Lalo pa itong nagbunsod sa mga team leader na magpainom ng alak, magpakain at magregalo, sa hangad na madaig ang isa’t isa. Sa tuwing maririnig naming mga team leader na may ipapagawang proyekto ang isang kumpanya, mag-uunahan na kami sa paglalangis sa pamamagitan ng pagreregalo sa mahahalagang tao sa kumpanya sa lalong madaling panahon. Kaya para matugunan ang panlasa ng mga lider na ito ng yunit, kinukulta namin ang aming utak sa kakaisip ng pinakamagandang regalo at ang pinakamahusay na paraan na maibibigay sa kanila: May ilang tao na naglagay ng ginto sa mga tiyan ng isda o manok; ang ilan ay nagbigay ng pera; may ilan namang nagbigay ng gintong mga alahas o mga singsing na diyamante. Nabitag na rin ako sa kulturang ito ng panunuhol at maraming oras ang ginugol ko para makaisip ng mga regalo para masuhulan ang mga taong ito. Kalaunan, nakakuha ako ng kontrata nang sobrang pahirapan, pero hindi pa man kami gaanong nakakapagsimula ng trabaho ay dumating na ang mga opisyal mula sa Construction Bureau, Construction Design Institute, at sa Bureaus of Quality and Technical Supervision—gayundin ang lokal na mga kadre—upang “pangasiwaan at pamahalaan ang trabaho.” Sabi nila may ganito o ganoong problema sa lugar, na wala sa pamatayan ang ganoon at ganyan, at matapos ang maghapong inspeksyon hindi pa rin kami makakapagsimulang magtrabaho. Kaagad ko silang inanyayahang lahat na mananghalian at uminom sa isang mamahaling restawran, at umabot sa libu-libong yuan ang pagkain na binayaran ko. Pagkatapos naming kumain, kinailangan ko pa ring suhulan ang bawat isa sa kanila, na nagkakahalaga ng mula 2,000 hangggang 10,000 yuan. Iyon lang ang paraan para makuha ang kanilang ratipikasyon at pag-apruba para masimulan na ang trabaho. Ngunit kahit nagsimula na ang trabaho, regular pa ring nagpadala ang mga nangangasiwang ahensyang ito ng mga inspektor para inspeksyunin ang proyekto. Ang tawag nila sa mga inspeksyong ito ay “routine” ngunit ang totoo isang dahilan lamang ito para makikilan pa kami ng pera. Sa tuwing pupuntahan nila kami sa lugar ng trabaho, kaagad akong magmamadali, mag-aasikaso ng kakainin at iinumin nila para libangin sila. Ang mga direktor ng nangangasiwang ahensyang ito ay nakakita pa ng dahilan na dalhin ako sa mga shopping mall kung saan sila mamimili ng mga mamahaling damit at ako ang inaasahang magbayad niyon. Kung minsan ang lakas pa ng loob nila na magsabi sa akin na gipit sila sa pera at diretsahang hihingan ako ng perang panggastos. Para hindi mapahinto ang proyekto, mapapatiim-bagang na lang ako, lunukin ang galit ko, at maging mabait sa kanila, at tanggapin na lang ang perhuwisyong ito. Ang mas malala pa riyan, kinailangan ko pang samahan ang mga direktor na ito ng ahensya sa labas ng lungsod. Dahil sa sobrang pag-inom ng alak sa matagal na panahon at hindi maayos na pagtulog, nagkaroon ako ng sakit sa sikmura at mataas na presyon ng dugo. at lagi akong pagod na pagod. Gayundin, nang matapos na ang proyekto at nabayaran na ako, natuklasan ko na halos wala akong kinita. Talagang gusto ko nang umiyak. Dahil sa hirap na haharapin sa buhay, naisip ko sa sarili ko: “Bakit napakahirap kong kumita ng pera gamit ang kakayahan at kasipagan ko? Bakit napakatiwali ng mga lider ng bawat isang departamento sa pambansang sistema?” Pakiramdam ko ay wala na akong magawa, ngunit wala akong ibang opsyon kundi umasa na lang nang lubos sa mga opisyal na ito para kumita ako ng pera. Umasa ako noon na sa pakikisama ko sa kanila ay makapagbubuo ako ng pundasyon para mapaunlad ang propesyon ko, at hindi kailanman sumagi sa isip ko na ang tanging ginagawa ko ay lumubog nang lumubog sa maputik na hukay ng kasalanan at lumusong sa sitwasyong wala nang pag-asa.

Noong 1992, matapos ang kumplikado at mahirap na proseso, nakuha ko ang kontrata para sa isang proyekto ng konstruksyon sa lungsod, at nakalkula ko na may kikitain ako sa proyekto. Nang tuwang-tuwa na akong ibinuhos ang lahat para mapaghandaang simulan ang proyekto, sinabi sa akin ng manedyer ko na kailangan ko munang ipagtayo ng villa ang bawat isa sa 4 na opisyal ng lungsod. Sabi niya magandang oportunidad ito para lalo akong magtagumpay sa trabaho, at na kapag nagbigay ako ng pabor sa mga opisyal ng lungsod garantisadong hindi na ako mag-aalala sa pera sa hinaharap at mamumuhay nang masagana. Taglay ang pusong puno ng pag-asa, nangutang ako sa bangko, at naghiram din ng pera sa mga kaibigan at mga kamag-anak, nangalap ng pera sa lahat ng posibleng paraan, para magkaroon ng sapat na puhunan para maitayo ang 4 na villa. Ngunit nang matatapos na ang pagtatayo, ilang senior na opisyal mula sa Commission for Discipline Inspection ang dumating, at kinailangan kong gumasta pa upang maisaayos ang lahat at pagtakpan ang apat na opisyal ng lungsod. Ngunit sa bandang huli, walang nagawa ang lahat ng pagsisikap ko para matakasan nila ang batas: Dahil pinaghinalaan ang apat na opisyal na tumatanggap ng suhol at kasangkot sa katiwalian, inimbestigahan sila ng mga awtoridad ng inspeksyon. Lahat ng pinaghirapan kong magandang plano ay nauwi sa wala, at ang 4 na hindi natapos na villa ay kinumpiska ng mga awtoridad. Nagkautang ako nga halagang umabot sa ilang daang libong yuan na hindi ko kayang bayaran, at matinding kapaitan ang tila mabigat na batong nakadagan sa aking dibdib.

Dahil wala na akong magawa, ang tanging inasahan ko na lang ay makakuha ng panibagong proyekto ng konstruksyon. Para makabayad sa mga utang ko sinimulan kong gawin ang hindi ko pa nagawa sa buong buhay na pagtatrabaho ko, isang bagay na pinakaayaw kong gawin—madaliin ang trabaho at gumamit ng mahinang klase na materyales. Sa halip na gumamit ng bakal na de kalidad nagsimula akong gumamit ng mga 2nd grade na materyal, at sa halip na gumamit ng 6 na rebar sa kongkreto, gumamit na lang ako ng 4, kaya nabawasan ang gastos ko sa bakal nang mahigit 30 porsyento. Naghalo rin ako ng kongkreto na mababa ang kalidad para mas mabawasan ang kabuuang gastusin. Sa totoo lang, sa tuwing gagawin ko ito, nababagabag ako dahil natatakot ako na baka malubhang maapektuhan ang kalidad ng natapos na konstruksyon. At nang marinig ko ang ulat tungkol sa mga konstruksyon sa buong Tsina na itinayo nang mababa ang kalidad at gumuho at kumitil ng buhay, puminsala at nagpalugi sa napakaraming ordinaryong mamamayan, nababagabag ako at binabangungot. Dumating pa ako sa punto na ang tunog ng kulog ay tila pagpapabatid ng aking napipintong kapahamakan, marahil mula sa tama ng kidlat o kung anupaman. Araw-araw na nakabuntot sa akin ang takot. Dahil sa sitwasyong ito tuluyan na akong nagkasakit, at palagi na akong nakaramdam ng pagkahilo, sakit ng ulo, at hindi na ako makatulog, na lahat dulot ng pagtaas ng presyon ng aking dugo. Nawasak na ako sa pisikal at espirituwal, at para nang impiyerno ang buhay ko. Ganito napariwara ang sarili ko sa mga kalakaran ng mundo at palalim nang palalim na lumubog sa maputik na hukay ng kasalanan. Laking gulat ko na noong natapos ko na nang kalahati ang proyekto, ayaw akong bayaran sa gusaling itinatayo ko ayon sa napagkasunduan sa kontrata. Ang perang hiniram ko sa bangko ay hindi sapat na pambayad sa suweldo sa mga trabahador, kaya wala akong ibang magawa kundi umutang ng pera sa napakataas na interes. Pagkatapos ng marami pang dagok, natuklasan ko sa huli na matagal na palang may utang ang yunit na kakontrata ko at walang kakayahang tustusan ang proyekto ng konstruksyon. Isa na namang proyekto ko ang nabulilyaso, at nakulta ang utak ko sa pag-iisip kung paano ko ito malalampasan. Napapagal na ako nang husto at miserableng namumuhay. Pagkatapos ay narinig ko na isang team leader sa isa pang kumpanya na nakakuha ng kontrata sa konstruksyon ay nangutang nang napakalaki at hindi ito mabayaran, kaya tinapos niya ang buhay niya at nagbigti. Nadama ko rin na para akong nakatayo sa pintuan ng impiyerno at lumulubog na ako sa kawalang-pag-asa. Pagkatapos niyan, nagsimula nang pumunta sa bahay ko ang mga nagpautang para bawiin ang pera nila: Ilan sa kanila ang humiga sa kama ko at ayaw umalis, ang iba naman ay nagpakita ng matinding galit at pinagbantaan ako. Sinikap kong maging magalang at mapagkumbaba sa kanila sa abot ng aking makakaya, at nadama ko na mainsulto nang labis. Inisip din ng matatalik kong kaibigan at mga kamag-anak na hindi ko sila mababayaran at nagsimulang kumalaban sa akin. Sa mga araw na iyon ko talagang napagtanto kung gaano kabilis mabago ang mga ugnayan. Naalala ko na ang mga taon na iyon na pulos ingay at gulo ay hindi lamang humantong sa pagkaubos ng pera ko kundi labis na ikinapagod rin ng katawan at isipan ko, idagdag pa riyan ang ilang daang yuan na utang ko. Tumingala ako sa langit at malalim na bumuntung-hininga at sinabi, “O Diyos ko, napakahirap nito. Ayoko na talagang mabuhay pa!”

Noong halos nangangatal na akong patungo sa pintuan ng impiyerno, naulinigan ko ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “Ngayon, yamang napangunahan Ko na kayo hanggang sa puntong ito, gumawa na Ako ng angkop na mga plano, at mayroon Akong sariling mga layunin. Kung sasabihin Ko sa inyo ang mga iyon ngayon, talaga bang malalaman ninyo ang mga iyon? Alam na alam Ko ang mga iniisip ng tao at ang mga ninanais ng puso ng tao: Sino ang hindi naghanap kailanman ng daan palabas para sa kanilang sarili? Sino ang hindi nag-isip kailanman tungkol sa sarili nilang mga inaasam? Subalit kahit mayroong mayaman at malaking katalinuhan ang tao, sino ang nakahula na, pagkatapos ng mga kapanahunan, magiging ganito ang kasalukuyan? Ito ba talaga ang bunga ng iyong sariling pagsisikap? Ito ba ang kabayaran para sa iyong walang-pagod na kasipagan? Ito ba ang magandang paglalarawang nakinita ng iyong isipan? Kung hindi Ko ginabayan ang buong sangkatauhan, sino ang makakayang ihiwalay ang kanilang sarili mula sa Aking mga plano at maghanap ng ibang daan palabas? Ang mga imahinasyon at pagnanais ba ng tao ang nagdala sa kanya sa ngayon? Maraming tao ang habambuhay na hindi natutupad ang kanilang mga inaasam. Talaga bang ito ay dahil sa isang kamalian sa kanilang pag-iisip? Ang buhay ng maraming tao ay puno ng di-inaasahang kaligayahan at kasiyahan. Talaga bang ito ay dahil napakaliit ng kanilang inaasahan? Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inaalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng itinalagang tadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa sarili niyang pagpapasiya? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11). Nang mabasa ko ang mga salitang ito, lubusan akong nakumbinsi. Talagang nadama ko na wala sa mga kamay natin ang ating kapalaran. Ginunita ko ang mga nakaraang taon, tungkol sa kung paano ko naplano at nakalkula ang sarili kong kinabukasan, ngunit ni isa ay wala akong napagtagumpayan. Ibinuhos ko ang lahat sa pagkita ng pera at pamumuhay nang magarbo, ngunit hindi lamang ako nalugi, kundi nagwaldas din ako ng malaking halaga. Kahit kailan ay hindi ko naisip na ako—na dating may sinasabi—ay mahahantong sa gayong kalunus-lunos na kahirapan. Napakasipag ko namang magtrabaho para sa kinabukasan ko pero bakit sunud-sunod pa rin ang kabiguan ko? Iyon ay dahil wala sa sariling mga kamay ng bawat tao ang kanilang kapalaran kundi nasa mga kamay ng Diyos. Lahat ng bagay ay pinamamahalaan at itinatakda ng Diyos; ang magandang kapalaran at kasawiang-palad ay ibinibigay lahat ng Diyos. Mula sa kaibuturan ng aking puso madarama ko na ang mga ito ay mga salita ng Diyos, at hindi ko mapipigil na magsumamo sa Makapangyarihang Diyos: “O Diyos! Dati ay hindi Kita kilala. Pinilit kong umasa sa aking sarili at sa kapangyarihan ng tao ngunit kawalang-pag-asa pa rin ang sitwasyong kinahantungan ko. Ngayon, naunawaan ko na sa wakas na ang kapalaran, at ang buhay at kamatayan, ng bawat tao ay nasa Iyong mga kamay. Kung hindi nangyari sa akin ang sitwasyong ito, baka hindi ko nagawang lumapit sa Iyo. O Diyos! Salamat sa pagliligtas sa akin mula sa bingit ng kamatayan at sa pagbibigay sa akin ng tapang na muling harapin ang buhay. Mula ngayon, susunod ako sa Iyong mga pagsasaayos hinggil sa landas sa buhay na dapat kong sundan.”

Pagkatapos niyon, nagsimula na akong mabuhay ng buhay-iglesia. Ang kapaligiran sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na kakaiba mula sa mundo sa labas: Ang mga kapatid ay may simple at tapat na mga kaugnayan sa bawat isa, at itinuturing ang bawat isa na tapat nang walang anumang bahid ng pagkukunwari, pagtatalo o masamang balak. Lahat ay nagbabasa ng mga salita ng Diyos at kumakanta ng mga himno ng papuri sa Diyos nang magkakasama; sa mga pagtitipon, ang mga kapatid ay tapat at palagay ang loob sa isa’t isa, magbabahagi ng kanilang sariling mga karanasan, kakulangan at kahirapan, gayundin ng kanilang pang-unawa at kaalaman sa mga salita ng Diyos. Nadama ko na bawat pagtitipon na daluhan ko ay maaliwalas, bago, at puno ng sigla. Walang pagkakabukud-bukod o pagsususpetsa sa pagitan ng mga kapatid; nagkakaunawaan at nagkakakilanlan nang mabuti ang isa’t isa. Doon lamang ako nakadama ng kapanatagan at kalayaan at mas payapa at mas masaya ako kaysa noon. Kasabay nito, ginabayan ako ng Diyos upang maunawaan ko kung bakit namuhay ako ng gayong pagdurusa sa nakalipas na ilang dekada. Binasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos: “May napakalaking lihim sa iyong puso, na hindi mo kailanman namamalayan, dahil ikaw ay nabubuhay sa isang mundo na walang liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay natangay na ng masama. Ang iyong mga mata ay nalambungan na ng kadiliman, at hindi mo na nakikita ang araw sa himpapawid ni ang kumikislap na bituing yaon sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mapanlinlang na mga salita, at hindi mo naririnig ang dumadagundong na tinig ni Jehova, ni ang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa trono. Nawala sa iyo ang lahat ng dapat na pag-aari mo, lahat ng ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Nakapasok ka sa walang katapusang dagat ng kapighatian, na walang lakas upang sagipin ang iyong sarili, walang pag-asang makaligtas, at ang tanging magagawa mo ay manlaban at magmadali…. Mula sa sandaling iyon, ikaw ay itinadhana nang pahirapan ng masama, napakalayo sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi na abot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, tumatahak sa landas na wala nang pabalik. Milyon mang pagtawag ay hindi na kayang pukawin ang iyong puso at iyong espiritu. Mahimbing kang natutulog sa mga kamay ng masama, na nakaakit sa iyong pumasok sa isang walang-hangganang kinasasaklawan na walang direksyon o mga palatandaan sa daang pabalik. Simula noon, nawala na sa iyo ang kawalang-muwang at kadalisayang likas mong tinaglay, at nagsimula nang layuan ang pangangalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Sa kaibuturan ng iyong puso, ang masama na ang nagpapatakbo ng iyong buhay sa lahat ng bagay at naging iyong buhay. Hindi mo na siya kinatatakutan, iniiwasan, o pinagdududahan; sa halip itinuturing mo siya na Diyos ng iyong puso. Sinisimulan mo na siyang idambana at sambahin, at kayong dalawa ay hindi na mapaghiwalay pa na parang anino ng bawat isa, matibay ang pangakong mabubuhay at mamamatay nang magkasama. Wala kang ideya kung saan ka nagmula, kung bakit ka isinilang, o kung bakit ka mamamatay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga malademonyong salita ay naging buhay kalikasan na ng tao. Ang ‘Bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay isang sikat na satanikong kasabihan na naikintal na sa lahat at iyan ay naging buhay na ng tao. May iba pang salita ng pilosopiya para sa pamumuhay na katulad din nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura ng bawat bayan para turuan, linlangin, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog at masadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Kaya ang dahilan kung bakit pinagod ko ang aking sarili at ginawang napakamiserable ang buhay ko na namumuhay sa ingay at gulo ng mundo sa ilang dekada ay dahil namumuhay ako sa mga patakaran ng buhay mula kay Satanas, tulad ng, “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Walang natatapos ang isang tao nang walang pambobola,” at ang iba pa. Sa pagsasabuhay ng mga pilosopiyang ito ni Satanas, wala akong ideya tungkol sa pag-iral ng Diyos, at hindi ko nalaman noon na pinamamahalaan at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng lahat ng tao. Nagpatangay ako sa agos ng madilim na mundong ito, nang walang anumang direksyon sa buhay ko o mga prinsipyo ng tamang pag-uugali. Walang alinlangang hindi ko makikita na ang madilim na mundong ito ay pinamumunuan ni Satanas, at ang lipunan ng tao ay puno ng mga tukso, patibong, at pandaraya ni Satanas. Upang kumita sa madilim at masamang mundong ito, natutuhan ko kung paano bolahin at suhulan ang mga namamahalang iyon at palihim pa akong gumamit ng mga mumurahing materyales sa mga proyekto ko sa konstruksyon. Unti-unti akong nawalan ng konsensya, at walang naiwan ni katiting na integridad o dignidad. Habang mas nalulubog ako sa kasalanan mas nababawasan ang pagkatao ko. Sa huli, wala na akong kinita at baon sa utang, at dahil sa labis na kawalang-pag-asa ay muntik na akong magpakamatay. Naisip ko ang team leader na kinitil ang sariling buhay dahil sa napakalaking utang—naging isang alay ba siya na isinakripisyo kay Satanas? At sino ang nakaaalam kung gaano pa karaming trahedyang tulad nito ang nagaganap bawat araw kada taon? Sa puntong ito napagtanto ko na ang dahilan kung bakit humahantong ang mga tao sa gayong kalagayan ay bunga ng pinsalang dulot ng mga panlalason ni Satanas, at dahil sa mga kalakaran ng mundo na pinamamahalaan ng patakaran ni Satanas. Nang naisip ko ang lahat ng ito, kagyat na napuspos ng pasasalamat ang puso ko para sa Diyos at lubos ang pasasalamat ko sa awa at pagliligtas ng Diyos. Iniligtas ako ng Diyos mula sa madilim na mundo at ibinalik akong muli sa bahay ng Diyos kung saan ko matatamasa ang Kanyang pangangalaga at proteksyon.

Kalaunan, kinailangan kong haraping muli ang mga nagpautang sa akin, at labis na nabalisa ang puso ko. Nang maisip ko ang lahat ng utang na dapat ko pang bayaran, gusto kong muling kumuha ng mga proyekto ng konstruksyon. Gayunpaman, alam ko na hindi kayang tugunan ng mga kakayahan ko ang aking mga ambisyon. Muling tumaas ang presyon ng dugo ko, at talagang hindi ko na alam ang gagawin. Sa isa sa mga pagtitipon, binasa sa akin ng isa sa mga kapatid na lalaki ang ilang salita ng Diyos: “Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos ay nagbahagi ang kapatid, sinasabing, “Yamang naniniwala tayo sa Diyos dapat lamang na mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Diyos. Mula sa kaibuturan ng ating puso dapat tayong maniwala sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos na hawak ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at dapat nating ipaubaya sa Diyos ang lahat ng bagay sa ating buhay. Higit sa lahat, dapat nating matutuhang magtiwala sa Diyos, umasa sa Diyos, maranasan ang gawain ng Diyos, hangarin ang pamumuno ng Diyos, at huwag nang magkandaugaga sa pag-iisip na kaya nating gawin lahat ito sa sarili lamang natin. Ang pagbabayad ng mga utang ay bagay na ginagawa ng lahat ng tapat at responsableng tao, kaya dapat tayong maging matapang at panagutan ang ating mga utang. Dapat tayong maniwala na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat, at walang bundok na hindi natin kayang akyatin. Hinggil sa iyong mga utang, dapat kang manalangin pang lalo sa Diyos at sundin ang Kanyang kalooban.”

Sa tulong ng kapatid, may paraan na ako para isagawa ito. Nakakita ako ng trabaho sa isang kalapit na konstruksyon na hindi sagabal sa pagdalo ko sa mga pagtitipon o pagsasagawa ng aking mga tungkulin. At nagsimula akong kumita ng perang pambayad para sa mga utang ko. Hindi na ako umasa sa sarili ko lamang para makaahon. Nang puntahan ako ng mga inutangan ko para maningil, naging tapat ako at ibinigay sa kanila ang anumang mayroon ako. Nabayaran ko rin ang ibang utang ko mula sa kinita ko sa pagtitinda ng mga pananim mula sa aking bukid. Taimtim akong nangako sa lahat ng inutangan ko na babayaran kong lahat ang aking mga utang at mula noon hindi na nila pinahirapan pa ang buhay ko. Nang nagpadala ang bangko ng mga tao para puwersahin akong magbayad, nagdasal ako sa Diyos at ipinaubaya ang lahat ng ito sa Kanya. “Kung kailangan akong makulong dahil hindi ko mababayaran ang malaking utang na iyon,” naisip ko, “Susundin ko ang lahat ng pagsasaayos at pagpaplano ng Diyos.” Nang magpasakop ako sa Diyos habang dinaranas ang Kanyang gawain ay saka ko lamang nakita kung gaano kahima-himala ang Kanyang mga gawa, nang makita ko na nagbukas Siya ng daan para sa akin. Ipinabatid ng pamahalaan na lahat ng utang sa bangko na inutang bago ang taong 1993 ay hindi na kailangang bayaran, dahil wala ni isa rito ang naipasok sa computer system ng bangko at ang hindi kumpletong impormasyon ay nangangahulugan na hindi na mababayaran kailanman ang ilan sa mga utang. Salamat sa Diyos! Lahat ng utang ko ay inutang ko bago sumapit ang taong 1993 kaya ang utang ko na nagkakahalaga ng ilang daang libong yuan ay nakansela. Tuwang-tuwa akong nag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos. Naisip ko: “Kung kinailangan kong kitain ang halagang iyon marahil namatay na ako sa matinding pagod bago ko mabayaran lahat ito.” Ito ay nagtulot sa akin na maranasan mismo na ang kapalaran ng bawat tao ay nasa mga kamay ng Diyos, tulad nang inilalarawan sa mga salitang ito ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling hinaharap, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, paano man gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Ipagpalagay, bilang halimbawa, ang kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos upang magsilbi sa tao: Ang buwan, ang araw, at ang mga bituin na ginawa Niya para sa tao, ang mga hayop at mga halaman, ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig, at iba pa—ang lahat ay ginagawa para sa kapakanan ng pag-iral ng tao. At kaya, paano Niya man kinakastigo at hinahatulan ang tao, ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang kanyang makalamang mga inaasahan, ito ay para sa kapakanan ng pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay ginagawa para manatili siyang buhay. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).

Sa aking mga naranasan, mas lalo kong natiyak ang katotohanan ng gawain ng Makapangyarihang Diyos at napalakas ang aking pananampalataya. Sa mga sumunod na taon, nagpatuloy akong pumunta sa mga pagtitipon at ginampanan ang aking mga tungkulin habang nagtatrabaho rin para sa lokal na mga pangkat ng konstruksyon upang mabayaran ang mga natitira ko pang utang. Sa tuwing makakakita ako ng isang tao na may mabuting asal na nararapat na makarinig ng ebanghelyo, ipapangaral ko ito sa kanila, at dinala ko sa harapan ng Diyos ang ilang tao na kapalagayang-loob ko. Bagama’t abala pa rin ako araw-araw, iba na ang buhay ko dahil hindi na ako nabuhay sa mga pilosopiya at patakaran ni Satanas, at hindi ko na sinunod ang masasamang kalakaran ng mundo para magpayaman at mamuhay nang magarbo. Sa halip, namuhay ako sa pagpapasakop sa patakaran ng Diyos at ayon sa Kanyang mga hinihingi, kumikilos ako ayon sa katotohanan, pagiging tapat at makatao, natatakot sa Diyos at umiiwas sa masama. Ang ganitong pag-uugali ay malaya at tapat, at nagsimulang gumaan ang pakiramdam ko at mapuno ng liwanag sa kalooban. Unti-unting nabalik ang aking konsensya at maliwanag na pag-iisip, at ang iba’t ibang sakit na nadama ko noon ay nagsimulang mawala. Ngayong taong ito ay 75 taon na ako, ngunit malusog at matalas pa ring mag-isip, at nabayaran ko na ang lahat ng utang ko. Sinasabi ng lahat ng taong nakakakilala sa akin na hinahangaan nila ako at na mapalad ako. Ngunit alam ko nang walang pagdududa na lahat ng ito ay resulta ng pagliligtas at kabaitan ng Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa akin sa bingit ng kamatayan, na nagbalik ng aking buhay sa oras ng pangangailangan, at nagpakita sa akin ng tamang direksyon para sa buhay ko. Sa lahat ng karanasang ito, nadama ko nang tunay na kung wala ang pamumuno ng Diyos, tayong mga tao ay tiyak na masasaktan at malalamon ni Satanas. Tanging ang Makapangyariahng Diyos ang makapagliligtas ng mga tao; tanging ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang makapag-aakay sa mga tao palayo sa gapos ng kasalanan at makapagpapakita sa atin kung paano mamuhay bilang tunay na mga nilalang. Tanging sa pagtanggap ng mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos at pagsunod at pagsamba sa Makapangyarihang Diyos makakapamuhay ang sangkatauhan sa tunay na kaligayahan at magkakaroon ng mabuting kinabukasan at huling hantungan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pinili ng Guro

Ni Mo Wen, Tsina Habang lumulubog ang araw sa kanluran, sa oras ng takipsilim, bukas ang pinto ng isang maliit na bahay sa bukid, na may...

Ang Diyos Ay nasa Aking Tabi

Ni Guozi, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya, at noong ako ay isang taong gulang, tinanggap ng aking ina ang...