Pagbangon mula sa Hinagpis sa Pagpanaw ng Ina

Mayo 11, 2024

Ni Cheng Xin, Tsina

Noong 2012, inaresto ako ng mga pulis dahil sa paggawa ko sa aking tungkulin at sinentensiyahan akong makulong nang limang taon. Noong panahong iyon, higit 60 taong gulang na ang aking ina. Nahihirapan siya dahil sa kanyang hemiplegia, pero dinalaw niya pa rin ako sa bilangguan. Nang makita kong nahihirapang kumilos o tumayo nang maayos ang nanay ko, nalungkot ako nang sobra. Pinalaki niya ako sa loob ng maraming taon, pero bukod sa hindi niya natamasa ang pagkalinga ko, nag-aalala pa siya sa akin kahit matanda na siya. Pagkatapos kong makalaya, nalaman kong habang nasa bilangguan ako, pumunta sa bahay ko ang mga pulis para magtanong tungkol sa akin. Ni-rekord at tinakot nila ang nanay ko. Natakot siya, at lumubha ang lagay niya. Nadama kong talagang pinagkakautangan ko siya, at naisip ko, “Mula ngayon, kailangang alagaan ko ang nanay ko at pagaanin ang paghihirap niya.” Pero hindi natupad ang hiling ko. Nag-iimbestiga pa rin ang mga pulis at walang tigil nila akong minamanmanan, at para sa kaligtasan ko, kinailangan kong umalis ng bahay para magawa ang tungkulin ko.

Makalipas ang dalawang taon, nabalitaan kong nasa bahay ng kapatid kong babae ang aking nanay, kaya patago ko siyang dinalaw. Lumala na ang lagay ng paningin ng nanay ko at hindi na siya makakita nang malinaw; paika-ika siya, habang nakahawak sa tungkod. Nahihirapan talaga siyang kumilos at magsalita. Napakahirap na makita siyang ganoon. Lalo na nang tinanong niya ako, “Kailan ka sunod na babalik?” Hindi ko alam kung paano sasagot. Dahil pinaghahahanap pa rin ako ng mga pulis, sumugal lang ako para makadalaw sa pagkakataong ito. Kapag umalis na ako, hindi ko na alam kung kailan ako makakabalik. Tiningnan ako ng aking nanay, naghihintay sa sagot ko, pero hindi ko talaga alam, kaya hinaplos ko lang siya sa balikat at wala akong sinabi. Pagkaalis ko, pabalik-balik sa isipan ko ang tanong ng nanay ko. Habang mas iniisip ko ito, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi man lang ako makapagbigay ng simpleng pangako sa kanya, at pakiramdam ko ay binigo ko siya. Hindi nagtagal, nabalitaan kong inaresto ang kapatid kong babae. Hindi na ako nangahas na pumunta sa bahay niya. Parang sinasaksak ng kutsilyo ang puso ko. Napakatanda na ng aking nanay, nakaratay na siya sa kama, hindi na nakakakilos. Maaari siyang pumanaw anumang araw. Bilang anak niya, hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong tuparin ang responsabilidad ko sa kanya. Hindi nagtagal, nagkaroon ng outbreak ng coronavirus, at napakarami ng namamatay kahit saan. Hindi ko maiwasang mag-alalang muli, iniisip ko, “Magkaka-virus kaya ang nanay ko? Maiiwasan kaya niya ang sakunang ito? Kung mamamatay siya, hindi ko man lang siya makikita sa huling pagkakataon.” Kalaunan, nakahanap ako ng paraan para makaugnayan ang pamilya ko. Nalaman kong namatay na pala ang nanay ko halos isang buwan na ang nakalilipas. Nang mabalitaan ko ito, napaupo ako, nablangko ang isipan ko, pinipilit kong huwag maiyak. Hindi ko nakita sa huling pagkakataon ang aking nanaya bago siya pumanaw. Inisip niya kayang wala akong konsensiya? Sinabi niya kayang malupit ako? Nang makauwi ako, umiyak ako nang sobra. Pinalaki ako ng nanay ko sa loob ng maraming taon, pero noong buhay pa siya, hindi ko siya naalagaan, at nang mamatay na siya, hindi ko siya nakita sa huling pagkakataon. Pinahihirapan at inuusig ako, nang husto ng konsensiya ko. Nang panahong iyon, nakakita ako ng matatanda na nagpapaaraw sa may pintuan nila, katabi ang kanilang mga anak na nag-aalaga sa kanila, at naisip ko, “Hindi ko nasamahan ang nanay ko noong nagpapaaraw siya sa may pintuan. Hindi ko nagupitan ang kanyang kuko o ang kanyang buhok.” Kapag nagluluto ng masarap na pagkain ang sister na nagpatuloy sa akin, naisip ko rin, “Hindi ko nalutuan ng ganito ang nanay ko, at hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataon.” Noong Spring Festival, nakita ko na ang lahat ng tao ay nagmamadaling makauwi sa mga bayang kinalakhan nila. Kasama pa nilang lumuwas ang mga anak nila para dalawin ang mga matanda. Binilang ko kung ilang taon na simula noong huling samahan ko ang nanay ko. Noong panahong iyon, wala akong gana at direksyon. Kahit na ginagawa ko ang tungkulin ko, tuwing may libre akong oras, iniisip ko ang nanay ko at nadarama ko ang pagkakautang ko sa kanya. Hindi matahimik ang puso ko kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, at lagi akong inaantok. Naging pabaya na ako at iniraraos ko na lang ang tungkulin ko, at ayaw kong makipag-usap sa mga kapatid na katuwang ko. Kapag pinag-aaralan namin ang mga propesyonal na kasanayan, lumilipad ang utak ko. Kapag kinukumusta ng lider ang gawain, ni ayaw kong sumagot, at kahit na sumagot ako, pabasta-basta na lang akong nagsasalita. Hindi ko masyadong pinagtuunan ang tungkulin ko. Nagpakalugmok ako, at walang naging mga resulta sa tungkulin ko. Ginusto ko pa ngang maghanap ng trabaho kahit na may tungkulin ako, dahil ayaw kong ubusin ang oras ko sa pagugol ng sarili ko.

Kalaunan, napagtanto kong mapanganib na magpatuloy ako nang ganito, at dali-dali akong nagdasal at nagbasa ng mga salita ng Diyos. Binasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Ang pagkakasakit ng iyong mga magulang ay isang malaking dagok na para sa iyo, kaya’t ang pagpanaw ng iyong mga magulang ay magiging mas higit na malaking dagok. Kung gayon, bago pa ito mangyari, paano mo dapat lutasin ang hindi inaasahang dagok na idinudulot nito sa iyo, upang hindi ito makaapekto o makasagabal sa paggampan mo sa iyong tungkulin o sa landas na iyong tinatahak? Una, tingnan natin kung tungkol saan nga ba ang kamatayan, at kung tungkol saan ang pagpanaw—hindi ba’t ibig sabihin nito ay lilisan na ang isang tao sa mundong ito? (Oo.) Nangangahulugan ito na ang buhay na taglay ng isang tao, na mayroong pisikal na presensiya, ay hiwalay sa materyal na mundo na nakikita ng mga tao, at naglalaho ito. Ang taong iyon ay nagpapatuloy na mabuhay sa ibang mundo, nang may ibang anyo. Ang paglisan ng buhay ng iyong mga magulang ay nangangahulugan na ang relasyon mo sa kanila sa mundong ito ay natunaw, naglaho, at nagwakas na. Nabubuhay na sila sa ibang mundo, nang may ibang anyo. Kung ano ang magiging takbo ng kanilang buhay sa kabilang mundo, kung babalik man sila sa mundong ito, muli kang makakatagpo, o magkakaroon ng anumang uri ng ugnayan sa laman o emosyonal na koneksiyon sa iyo, ito ay inorden ng Diyos, at wala itong kinalaman sa iyo. Sa kabuuan, ang pagpanaw nila ay nangangahulugan na ang kanilang mga misyon sa mundong ito ay tapos na, at ganap na itong nagwakas. Ang kanilang mga misyon sa buhay na ito at sa mundong ito ay natapos na, kaya ang relasyon mo sa kanila ay natapos na rin. … Ang pagpanaw ng iyong mga magulang ay ang magiging huling balitang maririnig mo tungkol sa kanila sa mundong ito, at ang mga huling pagsubok na makikita o maririnig mo tungkol sa kanilang mga karanasan ng pagkasilang, pagtanda, pagkakasakit, at pagkamatay sa buhay nila, iyon na ang lahat. Ang pagkamatay nila ay walang kukunin o ibibigay na anuman sa iyo, sila ay simpleng mamamatay, ang kanilang mga paglalakbay bilang tao ay matatapos na. Kaya, pagdating sa kanilang pagpanaw, hindi mahalaga kung ito ay aksidenteng pagkamatay, normal na pagkamatay, pagkamatay dahil sa sakit, at iba pa, sa ano’t anuman, kung hindi dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, walang tao o puwersa ang maaaring bumawi sa buhay nila. Ang kanilang pagpanaw ay nangangahulugan lamang ng katapusan ng kanilang pisikal na buhay. Kung nangungulila at nananabik ka sa kanila, o nahihiya ka sa iyong sarili dahil sa iyong mga damdamin, hindi mo dapat maramdaman ang alinman sa mga bagay na ito, at hindi kinakailangang maramdaman mo ang mga ito. Nilisan na nila ang mundong ito, kaya ang mangulila sa kanila ay hindi na kinakailangan, hindi ba? Kung iniisip mo na: ‘Nangulila ba sa akin ang mga magulang ko sa lahat ng taong iyon? Gaano pa ba sila nagdusa dahil wala ako sa kanilang tabi para magpakita ng pagiging mabuting anak sa kanila sa loob ng napakaraming taon? Sa lahat ng taong ito, palagi kong ninanais na sana ay makasama ko sila nang ilang araw, hindi ko akalain na napakaaga nilang mamamatay. Nalulungkot at nakokonsensiya ako.’ Hindi mo kinakailangang mag-isip nang ganito, walang kinalaman sa iyo ang kanilang pagkamatay. Bakit walang kinalaman sa iyo ang mga ito? Dahil, kahit na ipinakita mo sa kanila ang pagiging mabuting anak o sinamahan mo sila, hindi ito ang obligasyon o gampanin na ibinigay sa iyo ng Diyos. Inorden na ng Diyos kung gaano kaganda ang kapalaran at kung gaano karami ang pagdurusa na mararanasan ng iyong mga magulang mula sa iyo—wala itong anumang kinalaman sa iyo. Hindi sila mabubuhay nang mas matagal dahil lang sa kasama mo sila, at hindi sila mabubuhay nang mas maikli dahil lang sa malayo ka sa kanila at hindi mo sila madalas na nakakasama. Inorden na ng Diyos kung gaano katagal sila mabubuhay, at wala itong kinalaman sa iyo. Kaya, kung mabalitaan mo na pumanaw na ang iyong mga magulang habang ikaw ay buhay pa, hindi mo kailangang makonsensiya. Dapat mong harapin ang bagay na ito sa tamang paraan at tanggapin ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Nang binasa ko ang mga salita ng Diyos, lubos akong naantig, lalo na nang mabasa ko na “Inorden na ng Diyos kung gaano kaganda ang kapalaran at kung gaano karami ang pagdurusa na mararanasan ng iyong mga magulang mula sa iyo—wala itong anumang kinalaman sa iyo.” Kahit ano pa mang pagdurusa ang tiniis ng nanay ko sa buhay niya, at kahit paano pa siya namatay sa huli, lahat iyon ay inorden ng Diyos. Kahit pa malapit ako sa kanya at naalagaan ko siya araw-araw, hindi ko siya matutulungang maibsan ang pisikal niyang karamdaman, lalong hindi ko siya mapapanatiling buhay. Ang kapanganakan, pagtanda, karamdaman, at kamatayan ay mga kautusan ng pag-iral na inorden ng Diyos para sa tao; kailangan harapin iyon ng bawat tao at walang makalalabag sa mga iyon. Alam kong hindi ako dapat mamuhay nang inuusig ng aking konsensiya. Dapat kong panatilihin ang isang makatwirang saloobin at tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at dapat akong magpasakop sa mga ito. Napakatanda na ng nanay ko, at normal ang pagpanaw niya. Ang pagpanaw niya ay nangangahulugang tapos na ang misyon niya sa mundong ito. Higit 20 taon na siyang may sakit, at maraming tao na may gayunding karamdaman ang namatay pagkatapos lang ng ilang taon. Ang mabuhay siya nang gayon katagal at marinig niya ang mga salitang binigkas ng Diyos ay biyaya at pagpapala na ng Diyos. Nang tanggapin ko ito, medyo gumaan ang puso ko, at hindi ko na nararamdaman ang paninisi sa sarili at panunupil dahil sa pagpanaw ng nanay ko.

Isang araw sa isang pagtitipon, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Tinatalikuran ng ilang tao ang kanilang mga pamilya dahil sumasampalataya sila sa Diyos at gumaganap ng kanilang mga tungkulin. Nagiging tanyag sila dahil dito at madalas na hinahalughog ng pamahalaan ang mga bahay nila, nililigalig ang kanilang mga magulang, at pinagbabantaan pa nga ang mga ito upang isuko sila. Pinag-uusapan sila ng lahat ng kapitbahay nila, sinasabing, ‘Walang konsensiya ang taong ito. Wala siyang pakialam sa kanyang matatandang magulang. Bukod sa hindi siya mabuting anak sa kanyang mga magulang, nagdudulot pa siya ng napakaraming problema sa mga mga ito. Isa siyang hindi mabuting anak!’ Naaayon ba sa katotohanan ang alinman sa mga salitang ito? (Hindi.) Ngunit hindi ba’t itinuturing na tama ang mga salitang ito sa mga mata ng mga walang pananampalataya? Sa mga walang pananampalataya, iniisip nilang ito ang pinakalehitimo at pinakamakatwirang paraan ng pagtingin dito, at na naaayon ito sa etika ng tao, at alinsunod sa mga pamantayan ng pag-asal ng tao. Gaano man karaming paksa ang kalakip ng mga pamantayang ito, katulad ng kung paano magpakita ng pagkamabuting anak sa mga magulang, kung paano sila aalagaan sa kanilang pagtanda at isasaayos ang kanilang mga libing, o kung gaano kalaki ang isusukli sa kanila, at naaayon man ang mga pamantayang ito sa katotohanan o hindi, sa mga mata ng mga walang pananampalataya, mga positibong bagay ang mga ito, positibong enerhiya ang mga ito, tama ang mga ito, at itinuturing ang mga ito na hindi mapipintasan sa lahat ng grupo ng mga tao. Sa mga walang pananampalataya, ang mga ito ang mga pamantayang dapat ipamuhay ng mga tao, at kailangan mong gawin ang mga bagay na ito upang maging isang sapat na mabuting tao sa kanilang mga puso. Bago mo sampalatayanan ang Diyos at maunawaan ang katotohanan, hindi ba’t matibay mo ring pinaniwalaan na ang gayong asal ay pagiging isang mabuting tao? (Oo.) Dagdag pa, ginamit mo rin ang mga bagay na ito upang suriin at pigilan ang sarili mo, at hiningi mo sa sarili mong maging ganitong uri ng tao. Kung ninais mong maging isang mabuting tao, tiyak na isinama mo ang mga bagay na ito sa mga pamantayan mo ng pag-asal: kung paano maging mabuting anak sa iyong mga magulang, kung paano mabawasan ang pag-aalala nila, kung paano sila bibigyan ng karangalan at papuri, at kung paano bibigyan ng kaluwalhatian ang iyong mga ninuno. Ang mga ito ang mga pamantayan ng pag-asal sa iyong puso at ang direksyon ng iyong pag-asal. Gayunpaman, pagkatapos mong pakinggan ang mga salita ng Diyos at ang Kanyang mga sermon, nagsimulang magbago ang iyong pananaw, at naunawaan mong kailangang mong talikdan ang lahat ng bagay upang gampanan ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at na hinihingi ng Diyos sa mga taong umasal sa ganitong paraan. Bago ka nakatiyak na ang pagganap sa iyong tungkulin bilang isang nilikha ang katotohanan, inakala mong dapat kang maging mabuting anak sa iyong mga magulang, ngunit pakiramdam mo rin ay dapat mong gampanan ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at nagtalo ang kalooban mo. Sa pamamagitan ng patuloy na pagdidilig at pagpapastol ng mga salita ng Diyos, unti-unti mong naunawaan ang katotohanan, at saka mo napagtantong ang pagganap sa iyong tungkulin bilang isang nililkha ay ganap na likas at may katwiran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Talagang inilantad ng Diyos ang mga kaisipang nasa utak ko. Inakala ko na kung mabuting anak ang mga tao sa kanilang mga magulang, inaalagaan ang mga ito kapag matanda na, at inaasikaso ang libing ng mga ito, kung gayon ay mapagpahalaga sila sa kanilang obligasyon; mabubuti silang tao. Kung hindi mabuting anak ang isang tao, wala siyang konsensiya at hindi siya mabuting tao. Hinuhusgahan ko kung mabuti o masama ang isang tao batay sa mga etika, katangian, at moralidad. Hinding-hindi ito naaayon sa mga salita ng Diyos, ni sa katotohanan. Itinuring kong positibong bagay ang tradisyonal na kultura, iniisip ko na dahil pinalaki ako ng nanay ko, dapat ko siyang alagaan sa pagtanda niya. Dahil hindi ko naalagaan ang mga magulang ko habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, at dahil nadamay ang nanay ko sa problema ko nang maaresto at mabilanggo ako, inisip kong wala akong konsensiya, walang pagkatao. Nakikita ko na ngayon na kapareho sa mga hindi mananampalataya ang pananaw ko; pananaw ito ng mga walang pananampalataya. Inisip ko ang mga disipulong sumunod sa Panginoong Jesus, pati na rin ang mga misyonaryo. Naglakbay sila sa malalayong lugar para ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos. Sa paningin ng mga tao, walang-awa at walang pagkatao ang pagsasantabi nila sa kanilang mga magulang at pamilya. Subalit silang nagpapalaganap sa ebanghelyo at nagsasakatuparan sa kanilang mga tungkulin, ang mga taong totoong may konsensiya at pagkatao. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Maaaring napakabait mo at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi ka nagsasamantala sa iba kailanman, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makihalubilo sa Kanya nang maayos, kahit gugulin mo pa ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng inyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa ring tao, at bukod dito ay puno ka ng mga tusong panlilinlang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na gaano man alagaan ng isang tao ang kanyang mga kapamilya, kung hindi niya maisasagawa ang katotohanan, magagawa nang maayos ang tungkulin niya, o kung hindi siya magiging kaayon ni Cristo, kung gayon ay masama siyang tao. Matapos pumanaw ang nanay ko, lagi akong nagdadalamhati, at hindi ko inisip kung paano gawin nang maayos ang tungkulin ko, pinagsisihan ko pa ngang ginugol ko ang lahat ng oras ko sa paggawa nito. Napakaraming taon ko nang nananampalataya sa Diyos, pero ang pananaw ko sa mga bagay-bagay ay pareho pa rin sa mga hindi mananampalataya. Ako ay isang walang pananampalataya. Napakalungkot ko, at, umiiyak akong nanalangin at nagsisi sa Diyos, ipinahayag ko ang kahandaan kong baligtarin ang mga pananaw ko at huwag nang mamuhay sa negatibong kalagayang ito.

Isang araw, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Pagdating sa pangangasiwa sa mga ekspektasyon ng mga magulang, malinaw ba kung anong mga prinsipyo ang dapat sundin at anong mga pasanin ang dapat bitiwan? (Oo.) Kung gayon, ano ba mismo ang mga pasanin na dinadala ng mga tao rito? Dapat silang makinig sa kanilang mga magulang at hayaan ang kanilang mga magulang na magkaroon ng magandang pamumuhay; lahat ng ginagawa ng kanilang mga magulang ay para sa kanilang sariling kabutihan; at dapat nilang gawin ang sinasabi ng kanilang mga magulang upang maging mabuting anak. Dagdag pa rito, bilang mga taong nasa hustong gulang, dapat nilang gawin ang mga bagay-bagay para sa kanilang mga magulang, suklian ang kabutihan ng kanilang mga magulang, maging mabuting anak sa mga ito, samahan ang mga ito, huwag iparamdam ang lungkot o pagkabigo sa mga ito, huwag biguin ang mga ito, at gawin ang lahat ng kanilang makakaya para bawasan ang paghihirap ng kanilang mga magulang o tuluyang alisin ito. Kung hindi mo ito makakamit, ikaw ay walang utang na loob, hindi mabuting anak, karapat-dapat kang tamaan ng kidlat at itaboy ng iba, at isa kang masamang tao. Ito ba ang iyong mga pasanin? (Oo.) Dahil ang mga bagay na ito ay ang mga pasanin ng mga tao, dapat tanggapin ng mga tao ang katotohanan at harapin nang maayos ang mga ito. Tanging sa pagtanggap sa katotohanan mabibitiwan at mababago ang mga pasanin at maling kaisipan at pananaw na ito. Kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, may iba pa bang landas para sa iyo? (Wala.) Kaya, ito man ay pagbitiw sa mga pasanin ng pamilya o ng laman, lahat ay nagsisimula sa pagtanggap sa tamang kaisipan at pananaw at sa pagtanggap ng katotohanan. Habang sinisimulan mong tanggapin ang katotohanan, itong mga maling kaisipan at pananaw sa loob mo ay unti-unting matitibag, makikilatis, at malinaw na mauunawaan, at pagkatapos ay unti-unting maitatakwil ang mga ito. Sa proseso ng pagtitibag, pagkikilatis, at pagkatapos ay pagbibitiw at pagtatakwil sa mga maling kaisipan at pananaw na ito, unti-unti mong babaguhin ang iyong saloobin at pagharap sa mga bagay na ito. Unti-unting hihina ang mga kaisipan na nagmumula sa iyong konsensiya at mga damdamin bilang tao; hindi ka na guguluhin o gagapusin ng mga ito sa kailaliman ng iyong isipan, hindi na kokontrolin o iimpluwensiyahan ang iyong buhay, o panghihimasukan ang paggampan mo sa tungkulin. Halimbawa, kung tinanggap mo ang mga tamang kaisipan at pananaw at tinanggap ang aspektong ito ng katotohanan, kapag narinig mo ang balita ng pagkamatay ng iyong mga magulang, iiyak ka lamang para sa kanila nang hindi iniisip ang tungkol sa kung paanong sa mga taong ito ay hindi mo nasuklian ang kanilang kabutihan sa pagpapalaki sa iyo, kung paanong pinahirapan mo sila nang husto, kung paano mo sila hindi binayaran ni katiting, o kung paanong hindi mo sila hinayaang magkaroon ng magandang pamumuhay. Hindi mo na sisisihin ang iyong sarili sa mga bagay na ito—sa halip, magpapakita ka ng normal na mga ekspresyon na nagmumula sa mga pangangailangan ng normal na damdamin ng tao; iiyak ka at dadanas ng kaunting pangungulila sa kanila. Hindi magtatagal, magiging natural at normal ang mga bagay na ito, at agad na isusubsob ang iyong sarili sa isang normal na buhay at paggampan ng iyong mga tungkulin; hindi ka na mababagabag sa bagay na ito. Ngunit kung hindi mo tatanggapin ang mga katotohanang ito, kapag nabalitaan mong namatay ang iyong mga magulang, walang humpay kang iiyak. Makakaramdam ka ng awa para sa iyong mga magulang, na hindi naging madali ang buong buhay nila, at na nagpalaki sila ng isang hindi mabuting anak katulad mo; nang magkasakit sila, hindi mo sila pinaglingkuran sa tabi ng kanilang higaan, at nang mamatay sila, hindi ka umiyak sa kanilang libing o nagluksa; binigo mo sila, nadismaya sila sa iyo, at hindi mo sila binigyan ng magandang buhay. Mamumuhay ka nang matagal nang may ganitong pakiramdam ng pagkakonsensiya, at sa tuwing naiisip mo ito, iiyak ka at makakaramdam ng kirot sa puso mo. Sa tuwing nahaharap ka sa mga kaugnay na sitwasyon o mga tao, pangyayari, at bagay, magkakaroon ka ng emosyonal na reaksiyon; maaaring kasama-kasama mo ang pakiramdam na ito ng pagkakonsensiya sa buong buhay mo. Ano ang dahilan nito? Ito ay dahil hindi mo kailanman tinanggap ang katotohanan o ang mga tamang kaisipan at pananaw bilang buhay mo; sa halip, patuloy na nangingibabaw sa iyo ang iyong mga dating kaisipan at pananaw, naiimpluwensiyahan ang iyong buhay. Kaya, sa natitirang bahagi ng iyong buhay ay mamumuhay ka sa pasakit dahil sa pagpanaw ng iyong mga magulang. Ang tuloy-tuloy na pagdurusang ito ay magkakaroon ng mga kahihinatnan na higit pa sa kaunting pisikal na pagkabahala; maaapektuhan nito ang iyong buhay, ang iyong saloobin sa paggampan sa iyong mga tungkulin, ang iyong saloobin sa gawain ng iglesia, ang iyong saloobin sa Diyos, pati na ang iyong saloobin sa sinumang tao o bagay na nakakaapekto sa iyong kaluluwa. Maaaring masiraan at panghinaan ka rin ng loob tungkol sa mas maraming bagay-bagay, maging malungkot at walang gana, mawalan ng pananalig sa buhay, mawalan ng sigasig at motibasyon sa anumang bagay, at iba pa. Sa kalaunan, hindi lamang nito maaapektuhan ang iyong simpleng pang-araw-araw na buhay; maaapektuhan din nito ang iyong saloobin sa paggampan ng iyong mga tungkulin at ang landas na tinatahak mo sa buhay. Ito ay lubhang mapanganib. Ang kahihinatnan ng panganib na ito ay maaari na hindi mo magagampanan nang sapat ang iyong mga tungkulin bilang isang nilikha, at maaaring titigil ka pa nga sa kalagitnaan ng paggampan ng iyong mga tungkulin o magkikimkim ng isang mapanlaban na lagay ng loob at saloobin tungo sa mga tungkuling ginagampanan mo. Sa madaling salita, hindi maiiwasang lalala ang ganitong sitwasyon sa paglipas ng panahon at magdudulot ng pagbabago sa iyong lagay ng loob, mga emosyon, at mentalidad tungo sa masamang direksiyon(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 16). Naisip ko kung paanong sa loob ng maraming taong ito na nananalig ako sa Diyos, palagi kong itinuring ang mga tradisyonal na kasabihang “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Huwag maglakbay nang malayo habang nabubuhay pa ang iyong mga magulang” bilang mga positibong bagay, bilang mga pamantayan sa aking pag-asal. Kapag hindi ko maalagaan ang nanay ko dahil ginagawa ko ang tungkulin ko, kahit na umalis ako ng bahay para gawin ang tungkulin ko, lagi ko siyang inaalala, at nakadarama ako ng pagkakautang sa kanya dahil hindi ko siya naaalagaan. Pagkatapos kong mabalitaang pumanaw na ang nanay ko, namuhay ako nang sinisisi ang sarili at nang nasasaktan dahil hindi ko siya naalagaan sa kanyang pagtanda at hindi ko naasikaso ang libing niya. Pinalaki ako ng nanay ko, pero bukod sa hindi ko siya naalagaan, hindi ko pa siya nakita sa huling pagkakataon bago siya mamatay. Pakiramdam ko ay wala akong konsensiya at pagkatao, at naisip kong susumpain at pupulaan ako ng iba. Ang dahilan kung bakit labis akong nasasaktan sa pagkawala ng aking ina ay dahil itinuring ko ang mga kasabihang “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Alagaan mo ang iyong mga magulang sa kanilang pagtanda at asikasuhin mo ang kanilang libing” bilang mga katotohanang dapat kong sundin. Dahil hindi ko nasunod ang mga kasabihang ito, labis akong nakonsensiya, hindi ko mapatawad ang sarili ko, at naging pasibo ako sa tungkulin ko. Iniligaw ako ng mga tradisyonal na kuru-kurong ito. Nang nabalitaan ko ang pagpanaw ng nanay ko, hindi ako makapagpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, namumuhay ako sa kalagayan ng kalungkutan, panghihinayang at paninisi sa sarili, naging negatibo at pabaya na ako sa tungkulin ko. Nang hindi ko namamalayan, sumasalungat na pala ako sa Diyos at naging kaaway na Niya. Pagkatapos nito, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at natutuhan ko kung paano dapat ituring ang mga magulang ko. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “May ilang taong gustong gampanan ang kanilang mga tungkulin ngunit pakiramdam din nila ay dapat nilang igalang ang kanilang mga magulang, na may kaakibat na mga damdamin. Kung patuloy mo lang na pupungusan ang iyong mga damdamin, sasabihin sa sarili mong huwag isipin ang mga magulang at pamilya mo, at isipin lang ang Diyos at tumuon sa katotohanan, ngunit hindi mo pa rin mapigilang isipin ang iyong mga magulang, hindi nito malulutas ang pundamental na problema. Upang malutas ang problemang ito, kailangan mong suriin ang mga bagay na inakala mong tama, pati na ang mga kasabihan, kaalaman, at teoryang minana mo at na naaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Dagdag pa rito, kapag nakikitungo sa iyong mga magulang, tinutupad mo man ang iyong mga obligasyon bilang isang anak na alagaan sila, dapat ay ganap itong nakabatay sa iyong mga personal na kalagayan at sa mga pamamatnugot ng Diyos. Hindi ba’t lubos nitong naipaliliwanag ang usapin? Kapag iniiwanan ng ilang tao ang kanilang mga magulang, pakiramdam nila ay malaki ang utang na loob nila sa kanilang mga magulang at na wala silang ginagawa para sa mga ito. Ngunit kapag kasama naman nila ito sa bahay, hindi talaga sila mabubuting anak sa kanilang mga magulang, at hindi nila tinutupad ang alinman sa kanilang mga obligasyon. Isa ba itong tunay na mabuting anak? Pagsasabi ito ng mga walang kabuluhang salita. Anuman ang gawin, isipin, o planuhin mo, hindi mahalaga ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay kung kaya mong unawain at tunay na paniwalaan na ang lahat ng nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Taglay ng ilang magulang ang pagpapala at tadhanang makapagtamasa ng kaligayahan sa tahanan at ng saya ng isang malaki at masaganang pamilya. Kataas-taasang kapangyarihan ito ng Diyos, at isa itong pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa kanila. May ilang magulang na walang ganitong kapalaran; hindi ito isinaayos ng Diyos para sa kanila. Hindi sila pinagpalang matamasa ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya, o matamasa ang pananatili ng kanilang mga anak sa piling nila. Pamamatnugot ito ng Diyos at hindi ito maipipilit ng mga tao. Anuman ang mangyari, sa huli, pagdating sa pagiging mabuting anak, kahit papaano ay dapat na magkaroon ang mga tao ng mentalidad ng pagpapasakop. Kung pinahihintulutan ng kapaligiran at may paraan ka upang gawin ito, maaari mong pakitaan ng pagiging mabuting anak ang iyong mga magulang. Kung hindi pinahihintulutan ng kapaligiran at wala kang paraan, huwag mong subukang ipilit ito—ano ang tawag dito? (Pagpapasakop.) Pagpapasakop ang tawag dito. Paano ba nagkakaroon ng ganitong pagpapasakop? Ano ba ang batayan ng pagpapasakop? Ito ay nakabatay sa lahat ng bagay na ito na isinasaayos ng Diyos at pinamamahalaan ng Diyos. Bagama’t maaaring naisin ng mga taong pumili, hindi nila magagawa iyon, wala silang karapatang pumili, at dapat silang magpasakop. Kapag nararamdaman mong dapat magpasakop ang mga tao at na ang lahat ng bagay ay pinamamatnugutan ng Diyos, hindi ba’t mas nagiging kalmado ang iyong puso? (Oo.) Kung gayon ay makararamdam pa rin ba ng pang-uusig ang iyong konsensiya? Hindi na ito palaging makararamdam ng pang-uusig, at hindi na mangingibabaw sa iyo ang ideya ng hindi pagiging mabuting anak sa iyong mga magulang. Paminsan-minsan, maaari mo pa rin itong maisip dahil ang mga ito ay normal na kaisipan o likas na damdaming nakapaloob sa pagkatao, at walang sinumang makaiiwas sa mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Napakalinaw ng pagkakasabi ng Diyos tungkol sa mga prinsipyo ng pagsasagawa ng pagturing sa mga magulang. Dapat ay pangunahin iyong nakabatay sa mga kalagayan at abilidad ng isang tao. Kung tinutulutan ng mga kalagayan at sapat ang mga abilidad ng isang tao, maaari niyang tuparin ang kanyang responsabilidad at maging mabuting anak sa kanyang mga magulang. Gayunpaman, dapat pa ring magpasakop ang isang tao sa pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa mga nakalipas na taon, hindi ko man naalagaan ang nanay ko ay hindi ibig sabihing ayaw kong alagaan siya o ayaw kong tuparin ang responsabilidad ko. Dahil ito sa palagi akong pinaghahahanap ng mga pulis. Hindi ko nga matiyak ang sarili kong kaligtasan, kaya paano ko pa maaalagaan ang nanay ko? Hindi ako nagalit sa Partido Komunista, bagkus ay sinisi ko pa ang Diyos. Nakita kong talagang nalito ako sa mga bagay-bagay at hindi ko masabi kung alin ang tama sa mali; hindi ako mapaliwanagan! Madalas kong nadarama na hindi ko naalagaan ang nanay ko, at hindi ko siya natulungang mamuhay nang masaya at hindi ko siya nakalinga sa pagtanda niya at hindi ko naasikaso ang libing niya, kaya pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa kanya. Inisip ko na kung naalagaan ko ang nanay ko, namuhay sana siya nang masaya. Sa realidad, maling pananaw ito. Nagmumula ang kasiyahan ng tao sa pag-aalaga, pagprotekta, at pagpapala ng Diyos. Hindi masaya ang isang tao dahil lamang sa inaalagaan siya ng kanyang mga anak sa pagtanda niya. Nagdusa nang maraming taon ang nanay ko dahil sa hemiplegia, at masakit ang buong katawan niya. Dati, kapag nasa bahay ako para alagaan siya, ako ang kumakausap sa doktor at bumibili ng gamot ng nanay ko. Kahit na sinusubukan kong mapagamot siya at inaalagaan ko siya, hindi nito naibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman niya. Inorden ng Diyos kung gaano katinding pagdurusa ang dapat tiisin ng nanay ko. Ngayon, pumanaw na ang nanay ko, na ibig sabihin ay dumating na ang oras niya. Hindi na siya nagdurusa dahil sa pisikal na karamdaman. Mabuting bagay ito, at dapat akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos Gayunpaman, hindi ko hinanap ang katotohanan sa usaping ito o hindi ako nagpasakop sa mga pagtatakda ng Diyos. Negatibo at pabaya ako sa tungkulin ko, at salungat sa Diyos ang diwa ng pag-uugali ko; wala man lang akong pagkatao o katwiran!

Binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na mas nagbigay linaw pa sa kung paano ituring ang mga magulang. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sa panlabas, tila ang iyong mga magulang ang nagluwal ng iyong pisikal na buhay, at na ang iyong mga magulang ang nagbigay sa iyo ng buhay. Ngunit, kung titingnan natin ito mula sa perspektiba ng Diyos, at mula sa ugat ng usaping ito, ang iyong pisikal na buhay ay hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang, dahil hindi kayang lumikha ng mga tao ng buhay. Sa simpleng pananalita, walang tao ang makakalikha ng hininga ng tao. Ang dahilan kung bakit nagiging tao ang laman ng bawat tao ay dahil taglay nila ang hiningang iyon. Ang buhay ng tao ay nakasalalay sa hiningang ito, at ito ang tanda ng isang buhay na tao. Ang mga tao ay may ganitong hininga at buhay, at ang pinagmulan at ugat ng mga bagay na ito ay hindi ang kanilang mga magulang. Sadyang nilikha ang mga tao sa pamamagitan ng pagsilang sa kanila ng kanilang mga magulang—sa pinaka-ugat, ang Diyos ang nagbibigay sa mga tao ng mga bagay na ito. Samakatuwid, hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran, ang Tagapamahala ng iyong buhay ay ang Diyos. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya ang buhay ng sangkatauhan, at binigyan Niya ng hininga ng buhay ang sangkatauhan, na siyang pinagmulan ng buhay ng tao. Samakatuwid, hindi ba’t ang linyang ‘Hindi ang mga magulang mo ang mga tagapamahala ng iyong buhay o ng iyong kapalaran’ ay madaling unawain? Ang hininga mo ay hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang, at lalong hindi binigay sa iyo ng iyong mga magulang ang karugtong nito. Ang Diyos ang nangangasiwa at namumuno sa bawat araw ng iyong buhay. Ang iyong mga magulang ay hindi makapagpapasya kung ano ang magiging takbo ng bawat araw sa iyong buhay, kung ang bawat araw ay magiging masaya at maayos, kung sino ang makakasalamuha mo araw-araw, o kung sa anong kapaligiran ka mamumuhay sa bawat araw. Sadya lamang na pinangangasiwaan ka ng Diyos sa pamamagitan ng iyong mga magulang—ang iyong mga magulang ang mga taong ipinadala ng Diyos para mag-alaga sa iyo. Nang ipinanganak ka, hindi ang iyong mga magulang ang nagbigay sa iyo ng buhay, kaya’t sila ba ang nagbigay sa iyo ng buhay na nagpapahintulot sa iyo na mabuhay hanggang ngayon? Hindi rin. Ang pinagmulan ng iyong buhay ay ang Diyos pa rin, at hindi ang iyong mga magulang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 17). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos—ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Kahit na ang nanay ko ang nagsilang sa akin, ang Diyos ang nagkaloob sa akin ng buhay ko. Kung walang pagpapala at pagtutustos ng Diyos, hindi ako mapapalaki ng nanay ko. Ginamit ng Diyos ang nanay ko para palakihin ako, para dalhin ako sa harap ng Diyos, at para alisin ang pagkabalisa ko sa problema sa bahay. Gaano man karami ang ginugol ng nanay ko para sa akin, nagmula ang lahat ng ito sa ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Pero, pinagbaligtad ko ang mga bagay-bagay, naniwala akong masyadong gumugol para sa akin ang nanay ko at lagi kong gustong suklian ang mga magulang ko, kaya binalewala ko ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagtatakda ng Diyos. Sa realidad, kahit gaano man ang ginugol ng nanay ko, tinutupad lang niya ang responsabilidad niya bilang isang ina, na siyang pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan din ng Diyos. Ang Diyos ang Siyang dapat kong pasalamatan. Naunawaan ko rin na mayroon akong sariling misyon sa mundong ito, iyon ay ang gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha, hindi ang suklian ang kabaitan ng nanay ko. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ko nakonsensiya, hindi ko na sinisi ang sarili ko at hindi na ako nakadama ng pagkakautang. Napatahimik ko na ang aking puso at nagawa ko na ang aking tungkulin. Gabay ng liwanag ang mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa maagap na kaliwanagan at paggabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa rin makikilatis ang mga kasabihang “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat” at “Huwag maglakbay nang malayo habang nabubuhay pa ang iyong mga magulang” na itinanim sa akin ni Satanas, at makadarama pa rin ako ng pagkakautang sa aking ina, pagdurusahan ko ang pinsala ni Satanas. Ngayon, nakikita ko na nang malinaw sa wakas, na ang tradisyonal na kultura ay isang reaksyonaryong panlilinlang na lumalaban sa Diyos, at na ang mga kaisipan at pananaw na ito ay sobrang nakakaligaw. Ang mga salita ng Diyos ang naglayo sa akin mula sa mga satanikong panlilinlang na ito, at nagsanhi na ituring ko nang tama ang pagpanaw ng aking nanay. Gumaan at malaya na ang puso ko! Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply