Buhay Kristiyano: 4 na Puntos upang Turuan Kang Makipag-ugnayan sa Iba Alinsunod sa mga Layunin ng Diyos

Nobyembre 13, 2018

Ni Wang Zihan, Lalawigan ng Shanxi

Mga Nilalaman
1. Kailangan mong pakitunguhan ang iba nang patas at nang pantay-pantay. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin at mga kagustuhan.
2. Maayos na tugunan ang mga pagkukulang ng ibang tao at mga hayag na kasamaan. Huwag basta na lamang sukatin o hatulan ang iba.
3. Hindi mo dapat palabisin ni pababain ang iyong pagtingin sa ibang tao. Matuto mula sa kalakasan ng ibang tao at bumawi para sa sarili mong mga kakulangan.
4. Kapag natuklasan mong ang ginagawa ng ibang tao ay hindi kaayon sa iyong mga ideya, huwag mong ituon ang iyong pansin sa taong iyon. Sa halip, dapat mo munang kilalanin ang iyong sarili at isagawa ang katotohanan.

Ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay isang usaping nagdudulot ng sakit ng ulo para sa maraming tao. Ito ay isa ring paksa na madalas kaharapin ng isang tao sa kanyang buhay bilang Kristiyano. Hinihingi ng Panginoong Jesus na magsamahan tayo nang may pagkakasundo at magmahalan tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Maraming debotong Kristiyano ang handang isagawa ang mga aral ng Panginoon. Bagamat, sa katotohanan, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa iba, madalas ay nakasasagupa tayo ng mga salungatan, mga hindi pagkakaintindihan, na nagiging dahilan kung bakit nagiging matigas at nasisira ang ating mga kaugnayan. Ito ay nagdudulot ng pagdurusa para sa lahat. Ngayon, ano ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapamuhay nang may pagkakasundo sa isat-isa? Tayong mga Kristiyano, paano tayo dapat nakikipag-ugnayan sa iba sa ating buhay alinsunod sa mga layunin ng Panginoon? Ito rin ay naging problema ko dati. Salamat sa Panginoon para sa Kanyang patnubay! Matapos nito, nahanap ko ang kasagutan sa isang aklat na nakalutas sa aking mga paghihirap. Dito, ibabahagi ko nang kaunti ang tungkol sa aking karanasan at pagkaunawa!

1. Kailangan mong pakitunguhan ang iba nang patas at nang pantay-pantay. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin at mga kagustuhan.

Sinabi ni Jesus: "Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal "(Mateo 5:46–48). Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan ko na hinihingi ng Diyos na pakitunguhan ng mga Kristiyano ang iba batay sa salita ng Diyos sa kanilang mga buhay. Hindi nila ito gagawin ayon sa kanilang mga damdamin o kagustuhan. Nang binubulay-bulay ko kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba, napagtanto ko na kung tayo ay nakatatanggap ng pakinabang o tulong mula sa iba, tayo ay nagiging masaya at nagpapasalamat sa kabilang partidong iyon. Subalit, kapag ang iba ay nagsasalita o gumagawa ng mga bagay na nakasasama sa atin, nagagalit tayo sa ibang tao na iyon at hindi na natin sila pinapansin. Kapag nakakaharap natin ang isang taong gusto natin, lumalapit tayo sa kanila at hinihikayat natin silang gawin ang gusto natin; kapag hindi natin gusto ang nakakatagpo natin, tinatanggihan natin sila at nilalayuan. Kung sinuman ang may mas mataas na katayuan o malaking kapangyarihan, nililinlang natin sila at sinusubukang gamitin upang makahingi ng pabor. Kung sinuman ang walang katayuan o kapangyarihan, tinatanggihan natin sila o hinahamak. Kapag ang isang taong gusto natin ang magsasabi sa atin ng ating kasiraan, natatanggap natin ito. Kapag ang isang taong hindi natin gusto ang gumawa ng kaparehong bagay, hindi natin ito natatanggap, pinapangatwiranan at minsan ay nasusuklam pa tayo sa kanila, nakikipagtalo sa kanila at tinutuligsa pa sila. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng pagsunod sa mga damdamin at kagustuhan ng isang tao at hindi pantay-pantay na pagtrato sa iba. Ito rin ay isang pamamaraan kung paano tinatrato ng mga hindi mananampalataya ang iba. Kung ganito ang pagtrato sa iba ng isang Kristiyano, kung gayon, magkatulad ang landas na tinatahak nila ng isang hindi mananampalataya, hindi sila karapat-dapat tawaging mananampalataya ng Panginoon at ang kanilang mga ginagawa ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Bilang mga mananampalataya sa Panginoon, kailangang isagawa natin ang Kanyang mga aral. Dapat nating mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Hangga’t ang pagkatao ng isang tao ay mabuti, tunay silang naniniwala sa Diyos at minamahal nila ang katotohanan, hindi alintana kung pareho sila ng mga kagustuhan, pag-uugali, karakter, gusto man natin sila o hindi at kahit pa sila ay pawang karaniwang mga kapatid o mga lider sa iglesia, dapat ay ituring natin sila nang totoo at patas. Kailangan ay pakitaan natin sila ng pagtanggap, pagtitiyaga at pagmamahal. Hindi tayo dapat manlinlang at magtangi. Sa pamamagitan lamang ng mga ito tayo aayon sa mga layunin ng Diyos.

2. Maayos na tugunan ang mga pagkukulang ng ibang tao at mga hayag na kasamaan. Huwag basta na lamang sukatin o hatulan ang iba.

Sinabi ni Jesus: “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na iyong ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo(Mateo 7:1-2). Ang mga aral ng Panginoon ang nakatulong sa akin na maunawaan na lahat tayo ay mga taong pinasama ni Satanas. Magkakatulad ang ating masamang disposisyon. Kung ipinapahayag ng iba ang kanilang mayabang, mapagmataas, makasarili at kasuklam-suklam na mala-satanas na disposisyon, maihahayag din natin ang kaparehong disposisyon. May mga pagkukulang din tayong kagaya sa iba. Hindi tayo iba sa kanila. Kung hinahatulan at sinusukat natin ang iba dahil sa kanilang mga pagkukulang at kasamaan, unay tayong mayayabang kung gayon at tunay na maliit ang ating pagkakilala sa ating mga sarili! Samakatuwid, anumang ihayag na kasamaan at pagsalangsang ng iba, dapat nating pakitunguhang mabuti ang mga ito at hindi natin sila dapat basta na lamang hahatulan at susukatin. Alalahanin ang saloobin ni Jesus nang nagsalita siya tungkol sa mga makasalanan na naitala sa Biblia: Hinablot ng mga Fariseo ang isang babaeng nahuli sa pangangalunya at dinala siya sa harap ni Jesus. Itinanong nila kay Jesus kung paano dapat pakitunguhan ang babaeng ito. Ayon sa mga batas noong panahong iyon, ang babaeng iyon ay dapat na batuhin hanggang sa mamatay. Gayunpaman, hindi siya hinatulan ni Jesus para sa kanyang mga kasalanan. Ang tanging ginawa Niya ay ang sabihin sa kanya na huwag nang magkasala sa hinaharap. (Tingnan ang Juan 8:3-11.) Mula sa siping ito, makikita natin na naiintindihan ni Jesus ang nararamdamang pasakit at kawalan ng kakayahan ng mga taong pinasama ni Satanas at namumuhay sa kasalanan. Nahabag siya sa kahinaan ng tao. Kapag nahayag ang ating kasamaan o nakagawa ng kasalanan, hangga’t tayo ay tunay na nagsisisi, binibigyan tayo ng Diyos ng sapat na oras upang magsisi at magbago. Dapat rin nating sundin ang halimbawa ni Jesus at maayos na tugunan ang mga pagkukulang at hayag na kasamaan ng ibang tao. Dapat ay tingnan natin ang iba mula sa isang pananaw ng pag-unlad. Ito rin ang prinsiyo ng pakikitungo sa ibang tao na dapat taglayin ng ibang Kristiyano sa kanilang mga buhay. Kung mayroong tayong mabibigat na mga inaasahan mula sa ibang tao, kung nakikipag-away tayo sa kanila, at kahit basta na lamang hinahatulan ang iba, kung sinusukat natin sila at pinagpapasyahang sila ay wala nang pag-asa kapag nalaman natin ang kanilang mga pagkukulang, ito ay isang halimbawa ng paggamit ng mayabang at mapagmataas na masamang disposisyon upang makitungo sa iba. Kung gagawin mo ito, hindi ito alinsunod sa mga layunin ng Diyos at lubos kang hindi magkakaroon ng normal na kaugnayan sa ibang mga tao.

Hayaan ninyo akong ibahagi sa lahat ang ilan sa aking mga karanasan. Sa aming iglesia, mayroon kaming isang kapatid na babae na hindi nakakadalo sa aming mga pagtitipon sa tamang oras dahil sa kanyang asawang hindi mananampalataya. Maraming beses na kaming nag-usap ng kapatid na babaeng ito, ngunit namumuhay pa rin siya sa pagiging negatibo at kahinaan. Nagalit ako nang husto tungkol dito kaya siya ay itinuring ko bilang isang tao na hindi tunay na naniniwala sa Diyos. Hindi ko na siya gustong tulungan o gabayan pa. Matapos iyon, binasa ko ang mga sumusunod sa Biblia: “Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka’t siya’y tinanggap ng Dios. Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka’t makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo” (Roma 14:3-4). Nahiya ako nang husto. Naisip ko ang mga pagkakataong nakaramdam ako ng pagkatalo, negatibo, at panghihina. Inantig ng Diyos ang aking mga kapatid upang ako ay lapitan at basahan ng mga salita ng Diyos nang maraming beses. Makikipag-usap sila at magbabahagi ng kanilang mga karanasan upang tulungan at gabayan ako. Sa ilalim lamang ng patnubay ng mga salita ng Diyos ako nakapanindigan. Wala akong anumang bagay na maaari kong ipagmalaki. Ngayon, hindi nakakadalo ang kapatid na ito sa tamang oras ng mga pagtitipon dahil sa mga paghadlang ng kanyang asawa. Dapat ay tinulungan ko siya gamit ang isang pusong mapagmahal, subalit hindi ako nag-aalala sa buhay ng kapatid na ito. Iniwasan ko pa siya at ibinilang na isang hindi tunay na nananampalataya sa Diyos. Nang tingnan ko ang aking sarili, naramdaman kong napakayabang ko. Hindi ko pinakitunguhan ang kapatid kong iyon nang may mapagmahal na puso o pagtitiyaga man lang. Wala man lang ni isa sa mga nagawa ko ang alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, ikinumpisal ko ang aking mga kasalanan sa Diyos at nagsisi: Handa na akong patuloy na tulungan at gabayan ang kapatid na ito. Pagkatapos, ipinabatid ko ang mga salita ng Diyos sa kapatid na ito nang may mapagmahal na puso at ibinahagi ko rin ang ilan sa aking mga karanasan at kaalaman. Pagkatapos ng aking pakikipag-usap sa kanya nang ilang beses, hindi na siya nagpapailalim sa kontrol ng kanyang asawa at unti-unti ay bumuti ang kanyang kalagayan. Natutunan ko sa karanasang ito na anumang pagkukulang at kahinaang mayroon ang ating kapatid na lalaki o babae, o anuman ang katiwalian na kanilang inihahayag, hangga't tunay silang naniniwala sa Diyos at nakapagsisisi sa harap ng Diyos kapag sila ay nagkamali, bibigyan sila ng Diyos ng pagkakataon upang magbago. Kung kaya’t dapat rin natin silang tulungan nang may mapagmahal na puso, patawarin at tratuhin ang bawat isa alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Hindi talaga natin dapat basta na lamang sukatin at hatulan ang ibang tao. Ganito ang paraan kung paano pinakikutunguhan ng isang tao nang pantay-pantay ang mga tao at alinsunod sa mga layunin ng Diyos.

3. Hindi mo dapat palabisin ni pababain ang iyong pagtingin sa ibang tao. Matuto mula sa kalakasan ng ibang tao at bumawi para sa sarili mong mga kakulangan.

Sabi ng Biblia: “Huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababa ng pagiisip, na ipalagay ng bawa’t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili” (Filipos 2:3). Binigyan ng Diyos ang bawat isa sa atin ng kakaibang kakayahan, talento, at mga kalakasan. Dahil rito, dapat tayong magkaroon ng mapagkumbabang puso kapag nakikipag-ugnayan sa ating mga kapatid at dapat ay maayos nating harapin ang kalakasan o kahinaan ng ibang tao. Hindi natin dapat palabisin o pababain ang ating tingin sa iba o hamakin ang iba. Dapat nating tanggapin ang kalakasan ng iba upang makabawi sa ating mga pagkukulang. Kung dahil sa ating sariling mga kalakasan, kakayahan at talento ay nauuwi tayo sa paghamak sa iba at pinalalabis ang ating mga kalakasan nang walang limitasyon, kung saan ay nagpapasikat tayo at nagyayabang, gayundin ay humahatol, nanghihiya at nagdudulot ng kapinsalaan sa iba, ito ang paraan kung paano tayo kinokontrol ng ating sariling kayabangan at mapagmataas na masamang kalikasan. Hindi ito ang paraan ng pamumuhay ng isang Kristiyano. Halimbawa, dati, palagi kong iniisip na mas mahusay ang kakayahan ko kaysa sa kapatid na babae na nakatrabaho ko, kaya minaliit ko siya. Sa aming pagtatrabaho, sinadya at hindi ko sinadyang magpakitang-gilas at napuno ang aking puso ng kapalaluan. Naging daan ang aking masamang disposisyon upang kamuhian ako ng Diyos at naging dahilan upang itago ng Diyos ang kanyang mukha sa akin. Ang aking espiritu ay naging madilim at malungkot. Napakaraming malinaw na suliranin sa aking trabaho ang hindi ko makita, habang ang trabaho ng kapatid ay unti-unting bumuti. Naalala ko ang sinabi ni Jesus: “At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas(Mateo 23:12). Sa ganitong paraan ko nakita kung gaano ako kayabang. Hindi ko kilala ang aking sarili. Sa totoo lang, dahil sa Banal na Espiritu kaya nagbunga ng ilang resulta ang aking trabaho o kaya natuklasan ko ang ilan sa mga problema. Gayunpaman, ninakaw ko pa rin ang karangalan ng Diyos at walang hanggan akong nasiyahan sa aking sarili at hinangaan ko ang aking sariling kayabangan. Minaliit ko ang aking mga kapatid. Sa katotohanan, sobrang wala ako sa katwiran! Kasabay nito, alam kong kailangan kong matutunan na palayain ang aking sarili. Kinailangan kong tanggapin ang mga kalakasan ng kapatid upang makabawi ako para sa aking mga kakulangan. Sa ganitong paraan ko lamang mapapasaya ang Diyos at patuloy na lalago ang aking buhay. Bilang resulta, sinimulan ko itong gawin. Kapag may mga suliranin akong hindi maintindihan, humihingi ako sa kapatid ng payo. Kung makaharap man ako ng mga usapin, pinag-uusapan namin ito. Sa panahong iyon ko napagtanto na marami siyang kalakasan na wala ako. Sobrang nahiya ang aking puso. Naunawaan kong inayos ng Diyos ang pagkakataong iyon na makatrabaho ko ang kapatid upang makabawi ako sa aking mga pagkukulang. Ninais Niyang magtulungan kami sa gawaing iniatas Niya sa amin. Unti-unti, naging normal ang aking kaugnayan sa kapatid at muli ay natanggap ko ang gawain ng Banal na Espiritu.

4. Kapag natuklasan mong ang ginagawa ng ibang tao ay hindi kaayon sa iyong mga ideya, huwag mong ituon ang iyong pansin sa taong iyon. Sa halip, dapat mo munang kilalanin ang iyong sarili at isagawa ang katotohanan.

Sinabi ni Jesus: “At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng inyong kapatid, nguni't hindi mo pinapansin ang tahilan na nasa iyong sariling mata? O paanong sasabihin mo sa iyong kapatid, Pabayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo; at narito, ang tahilan sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan sa iyong sariling mata; at kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pag-aalis mo ng puwing sa mata ng iyong kapatid(Mateo 7:3-5). Kapag tayo ay nakikipag-ugnayan sa iba, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga alitan at pagkiling. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi tayo dapat maging bulag sa mga kamaliang ginagawa ng kabilang partido at palagiang maniwala na ang kasalanan ay nasa kanila. Sa halip, dapat nating matutunan na humarap sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos upang mahanap natin kung saan nagmumula ang problema. Sa sandaling maintindihan natin ang mga layunin ng Diyos at magkaroon ng pang-unawa sa ating sariling masamang disposisyon, maaari nating ilagay ang ating mga sarili sa kalagayan ng iba at tingnan ang mga bagay mula sa kanilang pananaw. Maiintindihan natin sila, mauunawaan at matatanggap. Sa puntong ito, ang ating mga pagkiling ay kusang mababawasan ang lubusan.

Mayroon akong mga malalim na karanasan tungkol sa aspetong ito. Naalala ko ang isa sa mga nakatrabaho kong kapatid na babae na ilang beses nagsabi na hindi ko ginagawa nang tama ang aking responsibilidad pagdating sa gawain ng iglesia. Gayunpaman, hindi lamang sa hindi ko ito natanggap mula sa Diyos, sa katunayan, pinaghinalaan ko na sinasadya ng kapatid na ito na hanapan ako ng kamalian at pahirapan ang aking buhay. Nagsimulang magkaroon ang puso ko ng mga pagkiling sa kapatid na ito at hindi ko na siya ginustong makatrabaho. Matapos kong basahin at hanapin ang mga layunin ng Diyos, naunawaan ko na ang aking sariling kayabangan at mapagmataas na mala-satanas na disposisyon ang kumokontrol at pumipigil sa akin na tanggapin ang mga mungkahi ng kapatid na ito. Nagdulot pa nga ito ng kawalan ng kakayahan kong magkaroon ng normal na pakikipag-ugnayan sa kanya. Kasabay nito, alam ko na ang mga tao, mga pangyayari at mga bagay na aking nasasagupa sa bawat araw ay idinikta at isinaayos lahat ng Diyos. Ang Diyos ang metikulosong nagsaayos ng lahat nga mga ito upang baguhin at iligtas ako at hindi ang kapatid na iyon na sinasadyang pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin. Dapat akong magpasakop sa Diyos, matutunang palayain ang aking sarili at tanggapin ang kanyang mga wastong mungkahi. Pagkatapos, humarap ako sa Diyos at nagnilay sa aking sarili. Mula sa mga mungkahi ng kapatid na iyon, nakita ko na hindi ko tunay na ginagawa ang aking mga pananagutang may kinalaman sa gawain ng iglesia. Ginawa ko ang anumang isinaayos na gawin ko ng aming pinuno, ngunit hindi ko inisip kung paanong mas mapagbubuti pa ang gawain sa iglesia. Nang maintindihan ko ang mga layunin ng Diyos, ginawa ko ang mga bagay alinsunod sa mga kahilingan ng Diyos. Pinangunahan at malaya kong ipinahayag ang aking kasamaan sa kapatid na ito at hiniling sa Diyos na bigyan pa ako ng mas marami pang pananagutan. Kapag nakasagupa ako ng mga sitwasyon, inisip ko kung paano ako mas makakatulong sa iglesia. Kapag ganito ang paraan na ginawa ko, nawawala ang mga hindi namin pagkakaunawaan ng kapatid na iyon. Kami ay nagkakaintindihan sa espirituwal at ang aming dating pagkakaisa ay naibalik.

Ang apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa ang aking mga natutunan mula sa aking mga karanasan. Tunay kong naranasan na ang salita ng Diyos ang ilaw na gabay sa isang buhay Kristiyano. Ito ang nagtuturo ng direksyon para sa ating landas. Kung wala ang gabay ng salita ng Diyos, wala tayong landas na lalakaran. Ang kailangan lamang nating gawin ay isagawa ang mga aral ng Diyos at pakitunguhan ang lahat nang pantay-pantay. Sa gayon lamang tayo maaaring makapamuhay sa wangis ng totoong tao, mabuhay nang sama-sama sa pagkakaisa, makapagpahintulot sa iba na makatulong at magdulot sa Diyos ng kasiyahan at purihin tayo.

Salamat sa Diyos para sa Kanyang patnubay. Ang lahat nawa ng karangalan ay maging sa Diyos!

Pansin ng Patnugot: Salamat sa pagpapaliwanag at patnubay ng Diyos, hangga’t isinasagawa ng isang tao ang apat na prinsipyong nabanggit sa sanaysay na ito, ang mga usapin na kinakaharap ng isang tao patungkol sa mga pantaong kaugnayan ay parang salamangkang mawawala. Isipin kung gaano bubuti ang ating mga buhay kung maisasabuhay natin bilang mga Kristiyano ang mga salita ng Diyos at magkakasamang mabuhay nang may pagkakaisa! Saan kaya masusumpungan ng isang tao ang ganitong uri ng buhay? Patuloy na imimumungkahi ng patnguot ang isang Kristiyanong himno: “Pinaglalapit Tayo ng Pag-ibig ng Diyos.” Pagkatapos mong pakinggan ang himnong ito, mahahanap mo ang iyong kasagutan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?

Ano ang Matalinong Dalaga?

Mga Nilalaman 1. Ang lahat ng binigkas ng Diyos ay katotohanan. Makapagbibigay ito ng kinakailangang kabuhayan sa mga tao, at...