Ang mga Pagbabago sa Tungkulin ay Naglantad sa Akin

Pebrero 13, 2023

Ni Daisy, USA

Gumagawa ako ng mga video sa iglesia, pero dahil wala masyadong gagawin, inilipat ako ng lider sa pagdidilig ng mga baguhan. Pagkatapos ay inilipat akong muli para matugunan ang mga pangangailangan ng gawain. Sa hindi inaasahan, naging kaunti ang trabaho namin pagkalipas ng ilang buwan, at bumalik ako sa pagdidilig. Pagkatapos ay inilipat na naman ako, at sinabi sa akin ng isang sister, “Pumupunta ka na lang kahit saan ka nila kailangan!” Hindi ko ito gaanong pinag-isipan noong panahong iyon. Pero wala pang isang buwan ang nakalilipas, nabawasang muli ang gawain ng video at hindi ko maiwasang mag-alala na hindi magtatagal ay hindi na kami mangangailangan ng ganoon karaming tao, at ibabalik ako sa pagdidilig ng mga baguhan. Nanuyo ang lamunan ko nang maisip iyon. Bakit napakainutil ko? Sa sandaling mabawasan nang kaunti ang gawain at mas kaunting tao na lang ang kailangan, ako ang inililipat. Hindi ako kinakailangan sa grupo! Kung talagang ililipat ako ulit, ano na lang ang iisipin sa akin ng iba? Magtataka ba sila kung bakit palagi akong pinapalipat-lipat, at ang ibang tao ay hindi? Iisipin nila na dahil ito sa hindi ako magaling, at wala akong mahalagang papel. Talagang sumama ang loob ko sa mga isiping ito, at ayaw kong harapin ang sitwasyong iyon.

May ilang bagay na nangyari kalaunan na mas nagpalala sa kalagayan ko. Minsan, tinatalakay namin ang ilang isyu sa isang video, at nagpapalitan ng mga pananaw ang lahat—isa iyong masiglang talakayan. Pero kahit ang tagal-tagal ko nang nag-iisip, wala pa rin akong magagandang ideya, o anumang masasabi. Dahil hindi alam ang gagawin, nanahimik na lang ako. Nakikilahok ang lahat, pero wala man lang akong iniaambag. Parang wala ako roon. Iniisip ko na kailangang may sabihin ako. Kailangan kong magbahagi ng malalim na pagkaunawa para hindi nila ako makalimutan. Piniga ko talaga ang utak ko at sa wakas ay nakapagpahayag ako ng ideya, pero walang sumang-ayon sa akin. Napahiya ako. Sobrang nakakahiya—ano na lang ang iisipin nila sa akin? Walong buwan na ang nakalipas mula noong huli akong gumawa ng gawaing video, kaya ang mga propesyonal na kasanayan at pagkaunawa ko sa mga prinsipyo ay mas malala pa kaysa noong umalis ako sa grupo. Masyado na akong napag-iwanan ng iba. Kailangan mong patuloy na mag-aral para mapabuti ang mga ganoong kasanayan, at ang iba ay gumagawa na ng gawaing video sa buong panahong iyon. Patuloy na napapabuti ang kanilang pagkaunawa sa mga kasanayan at mga prinsipyo, samantalang ako, gumugugol ako ng kaunting oras dito, kaunting oras naman doon. Hindi talaga ako nakapagsagawa nang matagal sa isang lugar, kaya hindi ako lubusang bihasa sa anumang larangan. Sa sandaling nababawasan ang gawain, ako ang unang pinapaalis. Ayos lang sa kanila kung kasama man ako o hindi. Batay sa dami ng trabaho, naisip ko na baka pabalikin ako ng superbisor sa pagdidilig ng mga baguhan anumang oras. Talagang sumama ang loob ko sa ideyang iyon, at hindi ko napigilang umiyak. Napaisip ako, “Bakit ba palagi itong nangyayari sa akin?” May may mga propesyonal na kasanayan ang ilang tao sa grupo, ang ilan ay may kakayahan, ang iba ay may karanasan at matagal-tagal nang nagawa ang tungkuling ito, ang ilan ay talagang mahusay…. Talagang lahat sila ay pambihira, pero hindi kasinghusay ng sa kanila ang kakayahan ko, hindi ako kasingbihasa nila, at lagi nila akong nahihigitan. Kaya kapag gumagaan ang trabaho at mas kaunting tao ang kinakailangan, natural, ako ang pinapaalis. Kung mayroon akong mahusay na kakayahan at mga propesyonal na kasanayan tulad nila, hindi ako palaging ililipat, pero sa kasamaang palad, wala ako niyon. Bakit hindi ako kasinggaling ng iba? Habang mas naiisip ko ito, mas lalo akong nalulungkot, at naging mali na ang pagkaunawa ko sa Diyos.

Pagkatapos niyon, kahit na ginagawa ko ang tungkulin ko, wala akong gana. Sinusunod ko lang ang karaniwang gawain sa lahat ng bagay, kuntento na sa kung ano man ang natapos ko. Hindi ko na inisip kung paano maging mas mahusay magtrabaho para mas maraming magawa. Hindi ko ginawa ang makakaya ko para malutas ang mga problemang nakakaharap ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal mananatili sa grupo, kaya hahayaan ko na lang ang mga bagay-bagay. Noong panahong iyon, talagang nababalisa ako sa tuwing lumalapit ang lider ng grupo para kausapin ako, iniisip na baka magsasabi siya tungkol sa pagbabago ng tungkulin ko. Kumakabog ang dibdib ko hanggang sa nalalaman kong isa lang itong normal na usapan sa gawain. Paulit-ulit itong nangyari, kaya naging sobrang nakakapagod ang araw-araw. Nakakatulog ako nang sapat, pero palagi akong naiidlip sa mga debosyonal ko, at hindi ako nakakakuha ng kabatiran mula sa mga salita ng Diyos. Alam kong mali ang kalagayan ko, kaya nagmadali akong humarap sa Diyos para magdasal at maghanap, at magnilay sa problema ko. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang sarili ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang inyong mga prinsipyo sa inyong pag-uugali? Dapat kayong umasal ayon sa inyong puwesto, hanapin ang tamang puwesto para sa inyo, at gampanan ang tungkulin na nararapat ninyong gampanan; ito lamang ang taong may katuturan. Bilang halimbawa, may mga taong mahuhusay sa mga partikular na propesyunal na kasanayan at may pagkaunawa sa mga prinsipyo, at dapat nilang tanggapin ang responsibilidad na iyon at gawin ang panghuling pagsisiyasat sa larangang iyon; may mga taong makapagbibigay ng mga ideya at malilinaw na pagkaunawa, nagiging inspirasyon sa iba at tinutulungan silang mapabuti ang kanilang mga tungkulin—dapat silang magbigay sa gayon ng mga ideya. Kung matatagpuan mo ang tamang puwesto para sa iyo at makagagawa nang tugma sa iyong mga kapatid, tinutupad mo ang iyong tungkulin, at umaasal ka ayon sa iyong puwesto. Kung kaya mong makapagbigay ng ilan lamang sa iyong mga kaisipan, ngunit nais mong makapagbigay ng iba pang mga bagay, at sa huli ay nagsisikap nang mabuti na gawin ito, ngunit hindi pa rin magawa; at pagkaraan, kapag ibinibigay ng iba ang ibang mga bagay na iyon, hindi ka maginhawa, at hindi nais makinig, at ang iyong puso ay nasasaktan at napipigilan, at sinisisi mo ang Diyos at sinasabing ang Diyos ay hindi makatarungan—ito ay ambisyon. Anong disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon sa isang tao? Ang mapagmataas na disposisyon ang nagiging sanhi ng ambisyon. Ang mga kalagayang ito ay tiyak na maaaring lumitaw sa inyo sa anumang sandali, at kung hindi ninyo hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang mga ito, at walang pagpasok sa buhay, at hindi kayang magbago ukol dito, ang antas ng kuwalipikasyon at kadalisayan ng inyong pagtupad sa inyong mga tungkulin ay magiging mababa, at ang mga resulta ay hindi rin magiging masyadong maganda. Hindi ito pagsasagawa ng inyong tungkulin nang kasiya-siya at nangangahulugan na hindi nagtamo ang Diyos ng kaluwalhatian mula sa inyo. Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang talento at kaloob. Ang ilang tao ay may talento sa dalawa o tatlong larangan, ang ilan ay may talento sa isang larangan, at ang ilan ay walang anumang talento—kung makadudulog kayo nang wasto sa mga bagay na ito, natagpuan na ninyo ang inyong katwiran. Ang mga taong may katwiran ay mahahanap na ang kanilang mga puwesto, kayang umasal ayon sa kanilang mga puwesto at gampanan nang mahusay ang kanilang mga tungkulin. Ang isang taong hindi kailanman matagpuan ang kanyang puwesto ay isang taong laging may ambisyon. Lagi siyang naghahangad ng puwesto at pakinabang. Hindi siya kailanman nasisiyahan sa kung ano ang mayroon siya. Para makinabang pa, sinusubukan niyang kumuha ng mas marami pa hangga’t kaya niya; lagi siyang umaasang masiyahan ang kanyang maluluhong pagnanais. Iniisip niya na kung mayroon siyang mga kaloob at mahusay ang kanyang kakayahan, dapat siyang higit na magtamasa ng biyaya ng Diyos, at na ang pagkakaroon ng ilang maluluhong pagnanais ay hindi isang pagkakamali. May pagkaunawa ba ang ganitong klaseng tao? Hindi ba’t kawalanghiyaan ang laging magkaroon ng maluluhong pagnanais? Nadarama ng mga taong may konsiyensiya at pagkaunawa na kawalanghiyaan ito. Hindi gagawin ng mga taong nakakaunawa sa katotohanan ang mga kahangalang ito. Kung inaasam mong matupad ang iyong tungkulin nang tapat upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos, hindi ito isang maluhong pagnanais. Ito ay naaayon sa konsiyensiya at katwiran ng normal na tao. Pinasasaya nito ang Diyos. Kung talagang nais mong isagawa nang maayos ang iyong tungkulin, kailangan mo munang makita ang tamang puwesto para sa iyo, at gawin pagkaraan ang iyong makakaya nang buong puso, nang buong pag-iisip, nang buong lakas, at gawin ang lahat ng makakaya mo. Ito ay katanggap-tanggap, at ang gayong pagtupad sa tungkulin ay may antas ng kadalisayan. Ito ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na nalulungkot ako dahil hindi natutugunan ang matitinding hangarin ko. Hindi ako hinahangaan o pinahahalagahan ng iba, at hindi ko nagagawang baguhin ang sitwasyon ko, kaya nagkamali ako ng pagkaunawa sa Diyos at sinisi Siya, pakiramdam ko ay hindi sapat ang ibinigay Niya sa akin. Dalawang beses na binago ang tungkulin ko dahil naging kaunti ang trabaho, at posibleng nahaharap ako sa ikatlong pagkalipat nang wala pang isang buwan pagkatapos bumalik. Sa sitwasyong ito, pakiramdam ko ako ang pinakamahina sa grupo, ang hindi kinakailangan, at na walang halaga ang presensya ko. Hindi ko talaga matanggap ang katunayang ito, at naging miserable ako. Sa talakayan ng gawain, ayaw kong magmukhang masyadong mahina, kaya piniga ko ang utak ko, at sinubukang magpahayag ng ilang mahahalaga at matatalinong opinyon, pero binalewala ang mga mungkahi ko at lubos akong napahiya. At nang makita ko kung gaano napag-iiwanan ang mga kasanayan ko kaysa sa iba, nayayamot ako at sumasama ang loob. Inisip ko na hindi ako gaanong mahusay sa anumang bagay dahil palaging nagbabago ang tungkulin ko, at na palagi akong nasa pinakaibaba saanman ako magpunta, at maaaring ilipat anumang oras. Palihim kong ikinumpara ang sarili ko sa iba. Pakiramdam ko, lahat sila ay may mga kalakasan at napakahusay sa isang aspeto, at na mahina ako sa lahat ng bagay at mayroon ding malubhang kapintasan—ang pagiging mabagal sa lahat ng bagay. Dahil hindi ko kayang harapin ang katunayang iyon, sinisi ko ang Diyos dahil hindi Niya ako binigyan ng mahusay na kakayahan. Nanlumo ako at pakiramdam ko ay naagrabyado ako, at walang motibasyon sa tungkulin ko. Pero sa totoo lang, binibigyan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kaloob, kalakasan, at kakayahan. Tayo ay inorden na gumawa ng iba’t ibang tungkulin—lahat ito ay pinangangasiwaan ng Diyos. Ang taong may katwiran ay may pusong nagpapasakop. Ginagampanan nila ang kanilang tungkulin ayon sa kanilang mga kalakasan, at ginagawang kapaki-pakinabang ang mga sarili nila. Pero hindi man lang ako nagpasakop—hindi ako handang maging pinakamababa. Naghangad ako ng puwang sa puso ng iba, at ng kanilang respeto at paghanga, at nagpakatamad ako nang hindi ko ito makuha. Wala akong katwiran. Hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan, pero hindi rin Siya humingi ng labis sa akin. Gusto lang Niya na mahanap ko ang tamang posisyon, at ibigay ang lahat ko sa tungkulin ko. Sapat na ang gawin ko lang ang makakaya ko. Pero napakayabang ko at walang katwiran. Hindi ako magaling sa anumang bagay, at ayaw kong harapin ang katunayan. Nagkimkim ako ng masisidhing ambisyon na magtagumpay nang mabilis at makuha ang paghanga ng iba. Bilang resulta, marami akong naubos na lakas pero hindi ko nakamit iyon, at naging negatibo ako. Pinahihirapan ko ang sarili ko.

Kalaunan, napaisip ako: Bakit lagi akong naiinggit sa mga kaloob at kalakasan ng iba? Bakit palagi kong sinisikap na magkaroon ng puwang sa puso ng mga tao, at ayaw mapag-iwanan? Ano ang ugat nito? Sa aking paghahanap, natagpuan ko ito sa mga salita ng Diyos: “Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanyang buhay, at ang kanyang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanyang ginagawa, ang una niyang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanyang iniisip, na sapat na patunay na mayroon siyang disposisyon at diwa ng mga anticristo; kung hindi, hindi niya isasaalang-alang ang mga problemang ito. Maaaring sabihin na para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ay hindi ilang karagdagang pangangailangan, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng katayuan o reputasyon; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang katayuan at reputasyon ay malapit na konektado sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. … Kung nararamdaman nila na wala silang karangalan o katayuan, na walang humahanga sa kanila, o gumagalang sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananampalataya sa Diyos? Wala na ba itong pag-asa?’ Madalas na tinitimbang nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso, pinag-iisipan nila kung paano sila magkakapuwesto sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng mataas na reputasyon sa iglesia, nang sa gayon ay makinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at suportahan sila kapag kumikilos sila, at sumunod sa kanila saanman sila magpunta; nang sa gayon magkaroon sila ng tinig sa iglesia, ng reputasyon, upang makinabang sila, at magkaroon ng katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inihahayag ng Diyos na talagang pinahahalagahan ng mga anticristo ang katanyagan at katayuan. Sa lahat ng kanilang ginagawa, lagi nilang iniisip ang kanilang puwang sa gitna ng ibang tao. Ginagawa nilang buhay nila at layon ng kanilang paghahangad ang katanyagan at katayuan. Kung wala silang katanyagan o paghanga ng mga tao, nalulumbay sila, hanggang sa mawalan sila ng gana sa mga bagay-bagay. Hindi ba’t ganoong-ganoon din ang kinikilos ko? Nang pinalipat-lipat ako, pakiramdam ko ay hindi na ako kinakailangan, hindi na mahalaga walang anumang katayuan, tila hindi importante, kaya sumama talaga ang loob ko. Kapag tinatalakay ang mga isyu, wala akong anumang mahalagang ideya na naiaambag, at walang tumatanggap sa mga pananaw na ipinapahayag ko. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamababa sa grupo, na walang tumitingala sa akin, at parang walang halaga ang buhay ko. Naging mahina at negatibo ako, mali ang pagkaunawa sa Diyos at sinisisi ko Siya. Ginawa kong buhay ko ang katanyagan at katayuan, at nagpapakatamad at nawawalan ng motibasyon kapag hindi ko nakukuha ang mga ito. Masyado kong inaalala ang mga bagay na ito. Nagnilay ako kung bakit palagi akong naghahabol sa mga ito. Ito ay dahil nabiktima ako ng impluwensya ng mga satanikong lason tulad ng: “Manguna sa karera,” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan kahit saan man siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad,” at “Dapat laging magsikap ang mga kalalakihan para maging mas mabuti kaysa sa kanilang mga kapanahon.” Inakala ko na ang mga ito ang pinakalehitimong mga mithiin sa buhay, at na ang paghahangad dito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng hangarin. Nagsikap talaga ako nang husto sa paaralan. Nanguna ako sa klase ko sa halos lahat ng pagsusulit sa middle school at high school. Talagang kilala ako noon at madalas na pinupuri ng mga kaklase at mga guro ko. Pakiramdam ko, ang ganoong klase lang ng buhay ang makabuluhan. Pagkatapos sumapi sa iglesia at tumanggap ng tungkulin, patuloy akong namumuhay ayon sa mga satanikong lasong iyon, at talagang inaalala ang puwang ko sa puso ng iba, palaging sinusubukang ipakita ang aking halaga at pahangain ang mga tao. Kahit hindi ako lider ng grupo o superbisor, kailangan kong maging mahalagang tao, na sasang-ayunan ng iba. Nang hindi ko makuha iyon at hindi natugunan ang mga ambisyon ko, nagreklamo ako at hindi ako nasiyahan sa mga kataas-taasang pagsasaayos ng Diyos. Hindi ako nangahas na magsalita ng anuman, pero sa puso ko, sumasalungat ako sa Diyos, at nagpapakatamad sa tungkulin ko. Binigyan ko lang ng paghihirap at pagdurusa ang sarili ko dahil sa pamumuhay ayon sa mga satanikong lasong iyon, at pinupukaw ko ang galit ng Diyos, nangangatwiran at nakikipagkasundo sa Kanya, pinagdududahan pa ang Kanyang pagiging matuwid at sinasalungat Siya. Dahil doon, malalabag ko ang disposisyon ng Diyos at mapalalayas Niya. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat siguruhin ng mga tao na huwag mag-ambisyon o mag-isip ng mga walang-saysay na pangarap, huwag maghangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan o mamukod-tangi sa karamihan. Bukod pa roon, hindi nila dapat subukang maging isang dakilang tao o superman, na nakalalamang sa mga tao at ginagawa ang iba na sambahin sila. Iyan ang hangarin ng tiwaling sangkatauhan, at ito ang landas ni Satanas; hindi nililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Kung ang mga tao ay patuloy na naghahangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan at tumatangging magsisi, wala nang lunas para sa kanila, at mayroon lang isang kalalabasan para sa kanila: ang itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). Dati, hindi ko napagtanto kung gaano kalubha ang mga kahihinatnan na iyon. Inakala ko na hindi ako gagawa ng malaking kasamaan tulad ng isang anticristo o makakagambala sa gawain ng iglesia, na ang pinakamalala na ay magiging negatibo at masama ang loob ko kapag hindi ko makuha ang paghanga ng iba. Pero nakita ko na hindi talaga iyon ang nangyari. Kung titingnan, parang wala akong nagawang anumang masama, pero hindi ako nasiyahan sa sitwasyong isinaayos ng Diyos, at palagi akong nagrereklamo. Sinasalungat ko ang Diyos sa puso ko. Nilalabanan ko ang Diyos! Paanong ililigtas ng Diyos ang isang katulad ko? Naisip ko ang isang sister na nakatrabaho ko noon. Masigasig siya sa kanyang tungkulin noong una, at nahalal bilang lider, pero kalaunan ay natanggal siya at nawala ang kanyang katanyagan at katayuan. Palagi siyang negatibo dahil hindi niya makuha ang paghanga ng iba, at sa huli ay tinalikuran niya ang Diyos at umalis. Kung palaging hinahabol ng mga tao ang katanyagan at katayuan, kapag hindi natutugunan ang kanilang mga ambisyon, nagiging negatibo sila, nagiging mali ang pagkaunawa sa Diyos at sinisisi Siya. Nakikipaglaban sila sa Diyos, o tinatalikuran pa nga Siya. Sa puntong ito, napagtanto ko na nasa mapanganib na kalagayan ako. Ayaw kong patuloy na labanan ang Diyos, gusto kong alisin ang mga hadlang ng katanyagan at katayuan.

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang ilang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kapag hinihingi ng Diyos na tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin nang maayos, hindi Niya hinihingi sa kanila na tapusin ang ilang partikular na gawain, o isakatuparan ang anumang matinding pagsusumikap, ni ang gampanan ang anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, at hindi rin Niya kailangan na magsagawa ka ng anumang mga himala, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang matimtiman kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, gawin mo ang naunawaan mo, isakatuparan mo ang naintindihan mo, tandaan mo ang narinig mo, at pagkatapos, kapag dumating na ang oras para magsagawa, magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, upang ang mga salita ng Diyos ay maaaring maging ang buhay mo, ang mga realidad mo, at ang isinasabuhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Nagkakaisang Pakikipagtulungan). “Kung ginawa kang hangal ng Diyos, kung gayon ay may katuturan sa iyong kahangalan; kung ginawa ka Niyang matalino, kung gayon ay may katuturan sa iyong katalinuhan. Anumang kadalubhasaan ang ibinibigay ng Diyos sa iyo, anuman ang iyong mga kalakasan, gaano man kataas ang iyong IQ, lahat ng ito ay may layon para sa Diyos. Ang lahat ng bagay na ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos. Ang papel na ginagampanan mo sa iyong buhay at ang tungkuling tinutupad mo ay matagal na panahon nang paunang itinalaga ng Diyos. Ang ilang tao ay nakikita na ang iba ay nagtataglay ng kadalubhasaan na wala sila at hindi sila kontento. Gusto nilang baguhin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng ibayong pag-aaral, ibayong pagtuklas, at pagiging mas masikap. Ngunit may limitasyon ang maaaring matamo ng kanilang sigasig, at hindi nila mahihigitan ang mga may kaloob at kadalubhasaan. Gaano ka man lumaban, wala itong saysay. Inorden ng Diyos kung magiging ano ka, at walang magagawa ang sinuman para baguhin ito. Saan ka man magaling, doon ka dapat magsumikap. Anuman ang tungkuling nababagay sa iyo ay ang tungkulin na dapat mong gampanan. Huwag mong subukang ipilit ang iyong sarili sa mga larangang hindi saklaw ng iyong mga kasanayan at huwag mainggit sa iba. May kanya-kanyang tungkulin ang bawat tao. Huwag mong isiping magagawa mo ang lahat nang mabuti, o na mas perpekto ka o mas mahusay kaysa sa iba, na laging gustong palitan ang iba at ibida ang sarili. Isa itong tiwaling disposisyon. May mga nag-iisip na hindi sila mahusay sa anumang bagay, at na wala talaga silang mga kasanayan. Kung ganoon ang kaso, kailangan mo lamang maging isang taong nakikinig at sumusunod sa isang praktikal na paraan. Gawin mo ang makakaya mo at gawin ito nang maayos, nang buong lakas mo. Sapat na iyon. Malulugod na ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na hindi Niya kalooban na maging mga dakilang tao tayo. Umaasa siya na magiging praktikal tayo at kikilos ayon sa ating mga posisyon, gagawin ang ating mga tungkulin, tutuon sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, at magiging mga masunuring nilikha. Anumang kakayahan o mga propesyonal na abilidad ang mayroon tayo, ito ay dahil sa kataas-taasang pagsasaayos ng Diyos. Kailangan kong matutong tumanggap at magpasakop, at gamitin ang lahat ng ibinigay sa akin ng Diyos batay sa aking mga kalakasan, at gawin ang aking makakaya. Hindi kasinghusay ng iba ang mga kasanayan ko, pero kaya kong gawin ang gawain. Sapagkat isinaayos ng iglesia na gawin ko ang tungkuling iyon, kailangan kong matatag na ibigay ang lahat ko, at gawin ang lahat ng aking makakaya. Kapag tinatalakay ang gawain, kailangan ko lang magsalita tungkol sa mga bagay na naiintindihan ko. Kung wala akong kabatiran o hindi alam ang mga prinsipyo, kailangan kong maghanap at makipagbahaginan sa iba, makinig sa kanilang mga ideya, at matuto mula sa kanilang mga kalakasan para mapunan ang mga kahinaan ko. Sa isiping ito, sumigla ang puso ko, at nagkaroon ako ng landas at direksyon para magsagawa. Akala ko dati na nakakahiya ang pagkakalipat ko. Nang mangyari ito, pakiramdam ko ay pinatunayan nito na ako ang pinakamahina, kaya hindi ko ito hinarap nang tama. Kung iisipin ito ngayon, isa iyong problema sa perspektibo ko. Binibigyan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kaloob, kalakasan, at kakayahan, at may iba’t ibang hinihingi sa bawat isa. Totoong hindi gaanong mahusay ang mga kasanayan ko, kaya noong walang gaanong trabaho ang grupo, binago ng iglesia ang tungkulin ko batay sa mga kalakasan ko. Iyon ay naaayon sa mga prinsipyo at nakakabuti sa gawain ng iglesia. Bukod dito, kapag sinusukat ng Diyos ang isang tao, hindi lang ito nakabatay sa kung kaya ba niyang gawin nang maayos ang trabaho, bagkus ay kung hinahangad niya ang katotohanan, tunay na nagpapasakop sa Diyos, at tapat sa kanyang tungkulin. Sumigla ang puso ko sa pag-iisip nito, at hindi na ako napipigilan ng mga pagbabago sa tungkulin ko. Alam ko na rin kung ano mismo ang dapat kong hangarin. Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, salamat sa pagbibigay-liwanag sa akin at pagtulong sa akin na maunawaan ang kalooban Mo. Hindi ko alam kung kailan ako ililipat, pero handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos Mo. Kahit saan ko man gawin ang tungkulin ko, gusto ko lang ibigay ang lahat ko at palugurin Ka. Pakiusap, gabayan Mo po ako!”

Matapos baguhin ang pananaw ko, nagbago rin ang estado ng tungkulin ko. Lagi kong iniisip na hindi ako katulad ng iba, na isa lang akong pansamantalang miyembro ng grupo na maaaring alisin anumang oras. Pakiramdam ko ay nasa pinakaibaba ako at hindi nabibilang. Naging mali ang pagkaunawa ko sa Diyos at nalayo ako sa Kanya, at hindi ko ibinigay ang lahat ko sa tungkulin ko. Pero hindi na ganoon ang nararamdaman ko. Saanman ako gumawa ng tungkulin o gaano man katagal ito, nasa likod nito ang mabuting kalooban ng Diyos, kaya dapat akong matutong magpasakop. Kahit na kailangan kong umalis kalaunan, gumagawa ako ng mga video ngayon, at kailangan kong gawin ang makakaya ko araw-araw, at isapuso ang tungkulin ko at bawat sitwasyong nararanasan ko. Kapag ginagawa ko ang tungkulin ko, madalas akong nagdarasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para maging mas mahusay. Pinag-iisipan ko rin kung ano ang mga isyu sa gawain ko, para mabilis kong maibuod at maituwid ang mga ito. Kapag nakakakita ako ng mga prinsipyong hindi ko maintindihan, nakikipagbahaginan ako sa iba. Magaan ang pakiramdam ko sa pagganap ng tungkulin ko sa ganitong paraan, at dama kong mas malapit ako sa Diyos.

Sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ano ang dapat gawin ng mga tao bilang tugon sa mga pagsasaayos at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kanilang kapalaran? (Magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos.) Una, dapat mong alamin kung bakit isinaayos ng Lumikha ang ganitong uri ng kapalaran at sitwasyon para sa iyo, kung bakit ka Niya pinahaharap sa ilang bagay at pinararanas sa iyo ang mga ito, at kung bakit gayon ang kapalaran mo. Mula rito, dapat mong maunawaan ang sarili mong mga pangangailangan at ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Matapos mong maunawaan at malaman ang mga bagay na ito, hindi ka dapat lumaban, gawin ang sarili mong mga pagpapasya tungkol sa iyong sariling kapalaran, tanggihan, kontrahin, o iwasan ito. Siyempre pa, hindi mo rin dapat subukang makipagtawaran sa Diyos. Sa halip, dapat kang magpasakop. Bakit ka dapat magpasakop? Dahil hindi mo mapapangasiwaan ang iyong kapalaran at wala kang kapangyarihan doon. Ang Diyos ang nagpapasya sa iyong kapalaran. Isa kang nilikha, at, pagdating sa iyong kapalaran, wala kang magagawa at wala kang pagpipilian. Ang dapat mo lamang gawin ay ang magpasakop. Hindi ka dapat gumawa ng sarili mong mga pagpapasya sa iyong kapalaran o umiwas dito, hindi ka dapat makipagtawaran sa Diyos, at hindi ka dapat kumontra sa Diyos o magreklamo. Siyempre pa, lalong hindi ka dapat magsabi ng mga bagay na gaya ng, ‘Ang sama ng kapalarang isinaayos ng Diyos para sa akin. Miserable ito at mas masahol kaysa sa kapalaran ng iba,’ o ‘Ang sama ng kapalaran ko at hindi ako makapagtamasa ng anumang kaligayahan o kasaganahan. Ang sama ng pagsasaayos ng Diyos sa mga bagay-bagay para sa akin.’ Ang mga salitang ito ay panghuhusga at sa pagsambit ng mga ito, lumalagpas ka sa iyong awtoridad. Ang mga ito ay hindi mga salita na dapat sambitin ng isang nilikha at hindi mga pananaw o saloobin na dapat taglayin ng isang nilikha. Sa halip, dapat mong kalimutan ang iba’t ibang huwad na pagkaunawa, pakahulugan, pananaw, at pagkaintinding ito sa kapalaran. Kasabay nito, dapat magawa mong taglayin ang isang tamang saloobin at paninindigan upang makapagpasakop sa lahat ng bagay na mangyayari bilang bahagi ng kapalarang isinaayos ng Diyos para sa iyo. Hindi ka dapat lumaban, at lalong hindi ka dapat malungkot at magreklamo na hindi patas ang Langit, na ang sama ng pagsasaayos ng Diyos sa mga bagay-bagay para sa iyo, at hindi ibinigay sa iyo ang pinakamainam. Ang mga nilikha ay walang karapatang piliin ang kanilang kapalaran. Hindi ka binigyan ng Diyos ng ganitong uri ng obligasyon at hindi Niya ipinagkaloob ang karapatang ito sa iyo. Kaya, hindi mo dapat subukang gumawa ng mga pagpapasya, mangatwiran sa Diyos, o humingi ng mga karagdagang kahilingan sa Kanya. Dapat kang umayon at humarap sa mga pagsasaayos ng Diyos, anuman ang mga iyon. Dapat mong harapin at subuking maranasan at mapasalamatan ang anumang isinaayos ng Diyos. Dapat kang ganap na magpasakop sa lahat ng dapat mong maranasan sa pamamagitan ng mga pagsasaayos ng Diyos. Dapat kang sumunod sa kapalarang isinaayos ng Diyos para sa iyo. Kahit ayaw mo sa isang bagay, o kung nagdurusa ka dahil dito, kahit nilalagay nito sa panganib at pinipigilan ang iyong kapalaluan at dignidad, basta’t ito ay isang bagay na dapat mong maranasan, isang bagay na pinangasiwaan at isinaayos ng Diyos para sa iyo, dapat kang magpasakop dito at wala kang magagawa tungkol dito. Dahil isinasaayos ng Diyos ang mga kapalaran ng mga tao at ang may kapangyarihan sa mga ito, hindi maaaring makipagnegosasyon sa Kanya tungkol sa mga ito. Kaya, kung matitino ang mga tao at may katwiran ng normal na mga tao, hindi sila dapat magreklamo na masama ang kanilang kapalaran o na ang bagay-bagay ay hindi mabuti para sa kanila. Hindi nila dapat harapin ang kanilang tungkulin, ang kanilang buhay, ang landas na sinusundan nila sa kanilang pagsampalataya, ang mga sitwasyong isinaayos ng Diyos, o ang Kanyang mga hinihingi sa kanila nang nanlulumo dahil lamang sa nadarama nila na masama ang kanilang kapalaran(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (2)). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, mas malinaw nitong ipinakita sa akin kung paano harapin ang mga kataas-taasang pagsasaayos ng Diyos. Ang lahat ng kapalaran natin ay nasa mga kamay ng Diyos. Sa anong uri ng pamilya ipinanganak ang isang tao, anong uri ng edukasyon ang nakukuha niya, ang kanyang mga kaloob at kalakasan, kailan siya papasok sa iglesia at aako ng tungkulin, at anong tungkulin ang gawin niya, lahat ito ay isinasaayos ng Diyos, at nasa likod ng mga ito ang mabuting kalooban ng Diyos. Noon, hindi ko kailanman naintindihan kung bakit palagi akong inililipat, pero pagkatapos itong pag-isipang mabuti, nakita ko na ito talaga ang kailangan ko. Kung wala ang mga karanasang ito, hindi ko sana nakita kung gaano kalala ang pagnanais ko sa katanyagan at katayuan. Iisipin ko pa rin na medyo nagbago na ako, at hindi ko malalaman kung gaano kalalim na nakaugat sa akin ang mga pilosopiya ni Satanas, at na dahil dito, mawawalan ako ng katwiran ng normal na pagkatao at sasalungatin ko ang Diyos, at hindi ko makikita na mapapalayas ako kung patuloy kong hahangarin ang mga ito. Sa pagdanas nito, nagkaroon ako ng kaunting kalinawan sa mga mali kong pananaw tungkol sa paghahangad ng katanyagan at katayuan, at napagtanto ko na hindi ito ang tamang landas, isa itong paraan para gawing tiwali at pinsalain ni Satanas ang mga tao. Natutunan ko rin na dapat kong gamitin nang tama ang sarili kong kakayahan, tanggapin ang mga pagsasaayos ng Diyos at magpasakop sa mga ito, magawang tumayo sa posisyon ko, at maging isang nilikhang may katwiran. Kahit ilipat ako sa hinaharap, anuman ang tungkuling gawin ko, kailangan kong magpasakop sa kataas-taasang pagsasaayos ng Diyos, hanapin ang kalooban Niya, makibagay, dumanas, at makilahok sa bawat sitwasyong isinasaayos Niya para sa akin, at magsikap na magkamit at kilalanin ang sarili ko sa pamamagitan ng mga ito.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman