Pagkatapos ng Pagpanaw ng Aking Asawa

Pebrero 24, 2024

Ni Zhanqi, Tsina

Magkasunod naming tinanggap ng asawa ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong taglagas ng 2007. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, na nagkatawang-tao upang iligtas ang sangkatauhan mula sa mga sakuna. Naisip kong isang napakagandang pagpapala ang makatanggap ng pagliligtas ng Diyos sa aming pagtanda, at na ito ay pambihirang oportunidad sa buhay na hindi namin pwedeng palampasin. Pareho kaming umako agad ng tungkulin matapos tanggapin ang ebanghelyo. Ibinabahagi ko ang ebanghelyo at dinidiligan ang mga baguhan, at nagho-host ang asawa ko sa bahay. Masayang lumipas ang mga araw namin. Hindi nagtagal, kusang gumaling ang kondisyon sa tiyan ng asawa ko, ang kanyang bronchitis, at ang iba pa niyang karamdaman. Biniyayaan at pinagpala kami ng Diyos. Tumibay ang pananalig namin sa Diyos, at mas nagkaroon ako ng motibasyon sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Noong 2012, inaresto ako at dinala sa istasyon ng pulis sa bayan noong ibinabahagi ko ang ebanghelyo. Nang makalaya na ako, maya’t maya pa rin kaming nililigalig ng mga pulis dahil sa aming pananalig. Binantaan din nila kami na kung patuloy kaming mananalig, maaapektuhan ang mga oportunidad ng aming mga anak at apo sa hinaharap. Naniwala ang manugang namin sa mga kasinungalingan ng CCP tungkol sa aming pananalig, at pinalayas niya kami ng asawa ko noong pagdiriwang ng Chinese New Year. Wala kaming mapuntahan, at naging miserable at mahina kami. Inalo at pinalakas namin ang loob ng isa’t isa, sinasabing: “Ito ay pagpipino ng Diyos, at ito ay paghihirap na dapat nating tiisin. Hindi tayo pwedeng masiraan ng loob. Kaya natin kahit wala ang anumang bagay, pero hindi tayo mabubuhay kung wala ang Diyos.” Pagkatapos niyon, tumira kami sa isang abandonadong bahay, kung saan gumampan kami ng tungkulin ng pagho-host. Walong taon kaming nanatili roon, at bagamat sira-sirang lugar na iyon, hindi kami kailanman naabala sa aming pananampalataya at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, malaya ang puso namin.

Noong Setyembre 2022, umatake ang pananakit sa dibdib ng asawa ko nang mga ilang beses sa isang araw. Padalas din nang padalas ang sakit. Sa mga pagtitipon, hindi man lang siya makaluhod para magdasal. Minsan, sumasakit ang dibdib niya habang naghihilamos siya. Kapag sumasakit talaga, tumatayo lang siya sa isang lugar, at saka niya tinatapos ang paghihilamos kapag wala na ang sakit. Nakakabalisa para sa akin na makitang lumalala araw-araw ang kondisyon ng asawa ko, pero naisip ko na mananampalataya kami, kaya’t taglay namin ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Makapangyarihan ang Diyos, kaya Niyang buhayin ang patay, at walang bagay na hindi Niya magagawa. Dati nang maraming karamdaman ang asawa ko, pero matapos manalig, tuluyan siyang gumaling, kaya, hindi dapat ikabahala ang maliit na problemang ito sa kalusugan. Hindi ko ito masyadong inisip at inalo ko siya, sinabi kong: “Huwag kang matakot—may Diyos tayo. Poprotektahan Niya tayo.” Napansin ko kalaunan na mas tumindi ang sakit na nararamdaman ng asawa ko, at hindi na nakakatulong ang pag-inom ng mas maraming gamot. Naisip ko kung paanong praktikal na gumagawa ang Diyos, at pinoprotektahan Niya ang mga tao, ngunit kailangan nating praktikal na makipagtulungan. Dinala ko ang asawa ko sa ospital. Nakita sa mga test na may damage lahat ang kanyang atay, kidney, at baga. Dinala siya agad ng doktor sa ICU, sinasabi nitong nanganganib ang buhay niya, at na dapat akong pumirma sa notice of critical condition. Natigilan ako nang makita ko ang notice na iyon, at muntik na akong mag-collapse. Hindi ko lang talaga matanggap ang realidad na iyon. Hindi ako naglakas-loob na maniwala. Paanong nangyari ang ganoong bagay? Mananampalataya kami na may proteksyon ng Diyos, kaya hindi iyon dapat mangyari sa amin. Nakiusap ako sa doktor, hinihimok siyang mag-isip ng paraan para magamot ang sakit ng asawa ko, na gumamit ng anumang gamot na maaaring gumana. Sinabi ng doktor na wala siyang anumang magagarantiya. Lalo akong nasaktan nang marinig ko iyon sa kanya. Naisip kong hindi ako makakaasa sa doktor, kaya’t sumandal ako sa Diyos. Pagbalik ko sa ward, tumawag ako sa Diyos sa panalangin: “Diyos ko! May malubhang sakit ang asawa ko at hindi alam ng doktor ang gagawin. Ikaw na po ang bahala sa kanya. Ikaw ang makapangyarihang doktor na kaya pa ngang buhayin ang mga patay. Walang imposible sa Iyo. Hindi Kita sisisihin kahit pa hindi siya gumaling.” Alam kong hindi gumagawa ngayon ng supernatural na gawain ang Diyos, pero naisip ko ang mga patotoo ng ilang kapatid na batay sa karanasan. Nagkasakit sila nang malubha, pagkatapos ay sumandal sila sa Diyos, at mahimala silang gumaling. Umaasa pa rin ako na may himalang mangyayari sa asawa ko, na bubuti ang kanyang kondisyon. Pero sa gulat ko, noong umaga ng ikatlong araw, hindi na siya makapagsalita man lang, at hindi niya maimulat ang mga mata niya. Nakita ko na bukod sa hindi bumuti ang kondisyon niya, palala pa ito nang palala. Lubhang nadurog ang puso ko, at paulit-ulit akong tumawag sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko! Talagang hindi maayos ang lagay ng asawa ko. Isa siyang tunay na mananampalataya na sumusunod sa Iyo nang mahigit 10 taon na. Nagdusa siya at inapi dahil sa kanyang pananalig, kaya’t pakiusap, maghimala Ka at pagalingin siya. Kaya Mo siyang pagalingin, sa gayon ay magiging mas kapani-paniwala ang aming pag-eebanghelyo at pagpapatotoo.” Pero nagulat ako nang, sa ikaapat na araw, nalagutan siya ng hininga. Tuluyan akong nawalan ng pag-asa. Hindi ko mailarawan ang sakit na naramdaman ko; napaluha ako, at hindi ko maiwasang sisihin ang Diyos: “Diyos ko, ano’t anuman, isang mananampalataya ang asawa ko. Nagdusa at nagsikap siya para sundin Ka, at ni minsan ay hindi Ka niya sinisi kahit gaano kalubha ang kanyang sakit. Bakit hindi Mo siya prinotektahan? Ngayong wala na siya, mag-isa na lang ako at walang malalapitan. Paano ako magpapatuloy sa buhay? Pare-pareho lang kaming namamatay, mananampalataya man kami o hindi, tama? Tumatanda na rin ako, at darating din ang araw ko sa malao’t madali. May pag-asa ba ang isang mananampalataya?” Pagkatapos niyon, inisip ko na wala na itong pag-asa, at ni ayaw ko nang magbasa ng mga salita ng Diyos. Kakaunting salita lamang ang mga panalangin ko—wala akong gaanong masabi. Sa tuwing naiisip ko kung paano kami umasa sa isa’t isa, at iyong mga nakakaantig na sandali namin sa mahihirap na panahon, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nagbabahaginan, at pinapalakas ang loob ng isa’t isa, hindi ko talaga mapigilan ang mga luha ko. Ang asawa ko ang madalas na nag-aalaga sa akin, at ngayong wala na siya, walang sinuman ang nag-aaruga sa akin. Kinakaharap ko ang lahat ng uri ng suliranin, at pakiramdam ko ay nag-iisa lang talaga ako. Ano pa ang saysay ng buhay kung napakasakit naman nito? Ginusto kong mamatay at nang matapos na ito. Puno ng pasakit at paghihirap ang buhay ko sa mga araw na iyon. Hindi ako makakain o makatulog. Parang may mabigat na bato sa dibdib ko. Pahina nang pahina ang kalusugan ko. Tumaas ang presyon ng dugo ko at talagang bumagal ang tibok ng puso ko; dinala ako sa ospital. Saka ko lang napagtanto na magiging napakamapanganib na magpatuloy nang ganoon, kaya’t nagdasal ako: “Diyos ko! Nahihirapan at nalulungkot ako dahil wala na ang asawa ko. Wala na akong lakas para magpatuloy, at nais kong mamatay. Alam kong hindi naaayon sa kalooban Mo ang mga iniisip ko, pero hindi ko pa rin matalikdan ang sarili ko. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig, para makapanindigan ako at hindi malugmok sa pagsubok na ito.”

Isang gabi, matutulog na sana ako nang biglang pumasok sa isip ko ang ilang salita ng Diyos. “Ano ang diwa ng iyong pagmamahal sa Diyos? Kung mahal mo Ako, hindi mo Ako ipagkakanulo.” Napagtanto ko na ito ang pagbibigay ng liwanag at patnubay ng Diyos, kaya mabilis akong naghanap sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tulad ng Aking sinabi, marami ang sumusunod sa Akin ngunit kakaunti ang tunay na nagmamahal sa Akin. Marahil ay sasabihin ng ilan, ‘Magsasakripisyo ba ako nang malaki kung hindi Kita mahal? Susunod ba ako sa Iyo hanggang sa puntong ito kung hindi Kita mahal?’ Tiyak na marami kang dahilan, at tiyak na napakalaki ng iyong pagmamahal, ngunit ano ang pinakadiwa ng iyong pagmamahal para sa Akin? Ang ‘pagmamahal,’ ayon sa tawag dito, ay tumutukoy sa isang damdaming dalisay at walang dungis, kung saan ginagamit mo ang iyong puso para magmahal, makaramdam, at maging maalalahanin. Sa pagmamahal walang mga kundisyon, walang mga balakid, at walang distansya. Sa pagmamahal walang paghihinala, walang panlilinlang, at walang katusuhan. Sa pagmamahal walang humihingi ng kapalit at walang karumihan. Kung nagmamahal ka, hindi ka manlilinlang, magrereklamo, magtataksil, susuway, maniningil, o maghahangad na magtamo ng isang bagay o ng isang partikular na halaga. Kung nagmamahal ka, masaya mong ilalaan ang iyong sarili, masaya mong titiisin ang hirap, makakasundo mo Ako, tatalikdan mo ang lahat ng mayroon ka para sa Akin, tatalikdan mo ang iyong pamilya, ang iyong kinabukasan, ang iyong kabataan, at ang iyong pag-aasawa. Kung hindi, ang iyong pagmamahal ay hindi talaga pagmamahal, kundi panlilinlang at pagtataksil! Anong klaseng pagmamahal ang sa iyo? Tunay na pagmamahal ba iyon? O huwad? Gaano na ang natalikdan mo? Gaano na ang iyong naisakripisyo? Gaanong pagmamahal na ang natanggap Ko mula sa iyo? Alam mo ba? Ang inyong puso ay puno ng kasamaan, pagtataksil, at panlilinlang—at yamang ganoon, gaano sa pagmamahal ninyo ang marumi? Iniisip ninyo na sapat na ang natalikdan ninyo para sa Akin; iniisip ninyo na sapat na ang pagmamahal ninyo sa Akin. Kung gayo’y bakit palaging suwail at mapanlinlang ang inyong mga salita at kilos? Sumusunod kayo sa Akin, subalit hindi ninyo kinikilala ang Aking salita. Itinuturing bang pagmamahal ito? Sumusunod kayo sa Akin, subalit isinasantabi naman ninyo Ako. Itinuturing bang pagmamahal ito? Sumusunod kayo sa Akin, subalit hindi kayo nagtitiwala sa Akin. Itinuturing bang pagmamahal ito? Sumusunod kayo sa Akin, subalit hindi ninyo tinatanggap ang Aking pag-iral. Itinuturing ba ng pagmamahal ito? Sumusunod kayo sa Akin, subalit hindi ninyo Ako tinatrato nang angkop sa Akin, at pinahihirapan ninyo Ako palagi. Itinuturing bang pagmamahal ito? Sumusunod kayo sa Akin, subalit sinusubukan ninyong lokohin at linlangin Ako sa lahat ng bagay. Itinuturing bang pagmamahal ito? Pinaglilingkuran ninyo Ako, subalit hindi kayo nangangamba sa Akin. Itinuturing bang pagmamahal ito? Sinasalungat ninyo Ako sa lahat ng aspeto at sa lahat ng bagay. Itinuturing bang pagmamahal ang lahat ng ito? Totoo, malaki na ang naialay ninyo, subalit hindi ninyo naisagawa kailanman ang ipinagagawa Ko sa inyo. Maituturing bang pagmamahal ito? Ang maingat na pagbubuod ay nagpapakita na wala ni katiting na pahiwatig ng pagmamahal sa Akin sa inyong kalooban. Pagkaraan ng napakaraming taon ng gawain at lahat ng maraming salitang naibigay Ko, gaano karami ba talaga ang inyong natamo? Hindi ba ito karapat-dapat sa isang maingat na pagbabalik-tanaw? Pinapayuhan Ko kayo: Ang mga tinatawag Ko ay hindi ang mga hindi naging tiwali kailanman; bagkus, ang mga hinihirang Ko ay ang mga tunay na nagmamahal sa Akin. Samakatuwid, kailangan kayong maging maingat sa inyong mga salita at gawa, at suriin ang inyong mga intensyon at saloobin upang ang mga iyon ay hindi umabot sa paglabag. Sa panahon ng mga huling araw, gawin ang lahat ng inyong makakaya para ialay ang inyong pagmamahal sa Aking harapan, kung hindi ay hindi mawawala ang galit Ko sa inyo!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang). Hinuhusgahan ng Diyos ang puso ko sa bawat katanungan, nahiya ako sa sarili ko at hindi ako makasagot. Habang nagbabasa, hindi ko mapigilang mapaluha sa pagsisisi. Hiningi iyon lahat sa akin ng Diyos, pero wala akong tinupad kahit isa. Hindi tunay ang pagmamahal ko sa Diyos, huwad ito, hindi dalisay at may hinihinging kapalit. Pero inakala ko pa rin na mahal ko ang Diyos. Wala talaga akong katiting na pagkakilala sa sarili. Kadalasan, kapag nahaharap ako sa paghihirap o sakit at taglay ko ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, o kapag pakiramdam ko ay may pag-asa akong maligtas at makapasok sa kaharian, nagpapasalamat ako sa Diyos, at masiglang-masigla ako. Kapag mahirap at masakit ang manalig, tulad ng maaresto ng malaking pulang dragon, maapi at matanggihan ng mga anak ko, makutya at masiraan ng mga kamag-anak at kapitbahay, kinakaya ko ang lahat ng paghihirap na iyon. Mas gugustuhin ko pang lisanin ang aking tahanan at manlimos, at magpalaboy-laboy kaysa ipagkanulo ang Diyos. Inakala kong ibig sabihin nito ay may tunay akong pagmamahal at pagpapasakop sa Diyos, at sa huli ay maliligtas ako ng Diyos at mananatili. Pero nang may totoong mangyari at nang labis akong masaktan sa pagkamatay ng asawa ko, at ako ay naging mag-isa, malungkot, nasasaktan, at walang maaasahan, at nang masira din ang pangarap kong makapasok sa kaharian kasama ang aking asawa, lubusan akong nalantad. Bukod sa sinisi ko ang Diyos sa hindi pagprotekta sa asawa ko, kinuwestiyon ko rin Siya, at ginusto kong mamatay para komprontahin Siya. Wala akong pagsunod. Wala akong katiting na pagmamahal sa Diyos. Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, nagdurusa ng lahat ng uri ng pasakit, nagpapahayag ng katotohanan para diligan at akayin tayo nang ilang taon, nagbabayad ng malaking halaga para maunawaan natin ang katotohanan. Gaano man ako naging suwail at mapanlaban, naging matiyaga, mapagparaya, at maawain sa akin ang Diyos nang paulit-ulit, binibigyan ako ng pagkakataong magsisi. Sa gitna ng panganib at paghihirap, maraming beses kaming binantayan ng Diyos, inilalayo kami sa panganib. Kapag nagiging mahina at negatibo ako, sinusuportahan at tinutustusan ako ng mga salita ng Diyos, binibigyan ako ng lakas, at pinatitibay ang loob ko. Hakbang-hakbang Niya akong sinusuportahan hanggang ngayon. Napakapraktikal ng pagmamahal ng Diyos, at napakatotoo. Wala itong dungis at walang mga kondisyon. Pero ang pagmamahal ko sa Diyos ay napakarumi at may hinihinging kapalit. Palagi kong ipinagsisigawan kung paanong dapat maghari ang mga salita ng Diyos sa puso ko, pero sa sandaling namatay ang asawa ko, ang tanging inisip ko ay ang asawa ko. Hinigitan ng pagmamahal ko sa aking asawa ang pagmamahal ko sa Diyos—walang naging puwang ang Diyos sa puso ko. Nakita ko na ang diumano’y pagmamahal ko ay isang bukambibig lamang, isang doktrina. Niloloko at nililinlang ko ang Diyos. Hindi nito makayanan ang isang pagsubok—ganap itong huwad! Nang matanto ito, pinagsisihan ko ang pagiging sobrang suwail at walang konsiyensiya. Lumapit ako sa Diyos para magdasal at magsisi. “Diyos ko! Pagkatapos mabasa ang mga salita Mo, pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa Iyo. Sa loob ng ilang taon na sinundan Kita, diniligan, inakay, sinuportahan at tinustusan Mo ako, nagbabayad ng napakalaking halaga. Ang pagmamahal Mo sa akin ay tunay na tunay, pero ang pagmamahal ko sa Iyo ay kasabihan lamang, sa salita lamang. Huwad lahat ito; ito ay panlilinlang. Hindi ako karapat-dapat na humarap sa Iyo. Ayaw ko nang saktan Ka. Anumang paghihirap o sitwasyon ang maranasan ko sa hinaharap, gaano man maging kahirap ang mga bagay-bagay, hindi na Kita sisisihin. Handa na akong magpasakop sa Iyong mga pangangasiwa at pagsasaayos.” Sa mga sumunod na araw, huminahon ako, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, nanood ng mga video, at nakinig ng mga himno, at pagkatapos, hindi na ako gaanong nasasaktan gaya ng dati.

Isang araw, nakahanap ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at noon ko lang napagtanto na ang dahilan kung bakit hindi ko mabitiwan ang pagkamatay ng asawa ko at nagkimkim ako ng paninisi at mga maling pagkaunawa sa Diyos, ay dahil mali ang mga pananaw ko tungkol sa paghahangad. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Napagtanto ko sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos na ang pananalig ko ay hindi para maghangad ng katotohanan, kundi ito ay para mapagpala, para makinabang, at maging payapa. Nakikipagtransaksyon ako sa Diyos. Simula nang tanggapin namin ng asawa ko ang bagong gawain ng Diyos, inakala ko na may pananalig kami, sumusunod sa Diyos, at kaya naming magdusa at magbayad ng halaga para sa Kanya, kaya sisiguraduhin Niya ang aming kapayapaan at kalusugan, at kapag natapos na ang gawain Niya, magkasama kaming makakapasok sa kaharian at magtatamasa ng mga pagpapala. Naging aktibo kami agad sa tungkulin nang maging mananampalataya kami, para makapagtamo ng magandang hantungan. Nakita ko na di-inaasahang gumaling ang mangilan-ngilang malubhang problema sa kalusugan ng asawa ko. Pinagpala at biniyayaan kami ng Diyos. Mas lalo akong nagkaroon ng motibasyon, at kahit nagdusa kami sa pag-aresto ng malaking pulang dragon at sa pang-aapi ng aming pamilya, at pinalayas sa bahay ng mga anak namin, ni minsan ay hindi namin tinalikdan ang aming pananampalataya kahit gaano pa ito kahirap, determinado kaming sundin ang Diyos hanggang sa wakas. Inakala ko na paninindigan ito sa patotoo namin at pagiging tapat sa Diyos, at na sa huli, maliligtas kami at mananatili. Ang pagkakasakit ng asawa ko ay hindi umayon sa aking mga kuru-kuro, at iginiit ko sa Diyos na maghimala at pagalingin ang aking asawa. Ginamit ko ang dati kong pagdurusa at pagkaapi bilang kapital para makipagkasundo sa Diyos, para maghain ng mga kondisyon. Sa pagkamatay ng asawa ko, nasira ang pangarap ko na magkasama kaming papasok sa kaharian at magtatamasa ng mga pagpapala. Agad na nagbago ang saloobin ko, iginigiit na malaman kung bakit hindi pinrotektahan ng Diyos ang asawa ko. Ginusto ko pa ngang mamatay para komprontahin ang Diyos, kuwestiyunin ang Kanyang katuwiran, at naramdaman kong wala namang kabuluhan ang manalig. Nakita ko na sa aking pananampalataya, katulad lang ako ng mga nasa relihiyon, iginigiit na ganap na ibigay ang kanilang mga kahilingan. Lahat ito ay para magkamit ng mga pagpapala at kapayapaan. Kapag pinagpapala ako, nagpapasalamat ako at pinupuri ko ang Diyos at ang Kanyang katuwiran. Kapag hindi ako pinagpapala, sinisisi ko ang Diyos, nakikipagtalo sa Kanya at nagrereklamo. Sa pananalig ko, ang tanging gusto ko ay magkamit ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos, habang sinasabing mahal ko ang Diyos at nagpapasakop ako sa Kanya. Hindi ba’t panlilinlang at pakikipaglaro iyon sa Kanya? Ipinagkaloob ng Diyos ang buhay ko at ang lahat ng mayroon ako. Isinaayos din ng Diyos ang pag-aasawa ko. Binigyan ako ng Diyos ng napakalaking biyaya at mga pagpapala, ngunit hindi pa rin ako nasiyahan. Ganap akong nagbago at nagreklamo nang may nangyaring hindi ko gusto. Nasaan ang konsiyensiya ko? Tao pa ba ako? Masahol pa ako kaysa sa aso! Kayang bantayan ng aso ang bahay ng amo nito at maging tapat dito, pero bilang mananampalataya at tagasunod ng Diyos, tinanggap ko ang labis na pagdidilig at pagpapastol ng Diyos, tinamasa ang sagana Niyang biyaya, ngunit ayaw kong suklian ang pagmamahal ng Diyos, nanlilinlang at nakikipagtawaran pa nga ako sa Kanya. Wala man lang akong pagkatao! Nakita kong nananalig lamang ako para sa mga pagpapala, hindi para makamit ang katotohanan, mabago ang buhay disposisyon ko, o mamuhay nang makabuluhan. Matapos ang lahat ng taong iyon ng pananalig, hindi ko pa rin taglay ang kahit katiting na katotohanang realidad. Sa bawat pagkakataon, nangangatwiran ako sa Diyos at naglalatag ng mga kondisyon, puno ng labis na hangarin. Pero umasa pa rin ako na makakapasok ako sa kaharian at magtatamasa ng mga pagpapala nito. Nangangarap ako nang gising! Nag-iilusyon ako! Kung hindi dahil sa paglalantad ng sitwasyong iyon, hindi ko pa rin makikilala ang sarili ko, at hindi ko makikita kung gaano ako kawalang konsiyensiya at katwiran. Noon, lagi kong inaakala na bilang isang matagal nang mananampalataya, nagdarasal at nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, hindi kailanman umaatras sa harap ng pang-aapi, ay isa akong taong may tayog, at tapat ako sa Diyos, kaya kapag dumating na ang oras, siguradong maliligtas ako at makakapasok sa kaharian. Subalit natutunan ko na kung gusto kong maligtas, ang susi ay isagawa ang katotohanan at isabuhay ang katotohanang realidad. Kung hindi ko binago ang paghahangad ko ng pagkamit ng mga pagpapala, pwede akong maniwala hanggang sa huli, pero kung walang disposisyonal na pagbabago, mapapalayas ako, wawasakin ako ng Diyos.

Nang makita ko ang mga kapatid kalaunan, nagbahagi sila ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos na tumukoy sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang kapanganakan ng isang tao ay itinadhana ng nakaraan niyang buhay, samakatuwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng tadhanang iyon. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay simula ng kanyang misyon sa buhay na ito, samakatuwid ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong iyon. Yamang ang Lumikha ang nagtadhana ng isang itinakdang hanay ng mga pangyayari para sa kapanganakan ng isang tao, hindi man sabihin ay Siya rin ang nagsaayos ng isang itinakdang hanay ng mga pangyayari para sa kamatayan nito. Sa madaling salita, walang sinuman ang ipinanganak na nagkataon lang, walang kamatayan ang biglaan, at kapwa ang kapanganakan at kamatayan ay marapat na konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao. Ang mga pangyayari sa kapanganakan at kamatayan niya ay kapwa itinadhana ng Lumikha; ito ang tadhana ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Dahil marami ang paliwanag tungkol sa kapanganakan ng isang tao, totoo rin na likas na magaganap ang kamatayan ng tao sa ilalim ng espesyal na hanay ng magkakaibang pangyayari. Ito ang dahilan kaya may magkakaibang haba ng buhay ang mga tao at magkakaibang paraan at mga oras ang kanilang mga kamatayan. May ilang tao na malakas at malusog ngunit namamatay nang maaga; ang mga iba ay mahina at sakitin ngunit nabubuhay hanggang sa tumanda at namamatay nang mapayapa. Ang ilan ay namamatay sa di-natural na mga sanhi, ang iba ay sa natural na paraan. Natatapos ng ilan ang kanilang mga buhay nang malayo sa tahanan, ang iba ay ipinipikit ang kanilang mga mata sa huling pagkakataon sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang ilang tao ay namamatay sa himpapawid, ang iba ay sa ilalim ng lupa. Ang ilan ay lumulubog sa ilalim ng tubig, ang iba ay namamatay sa mga sakuna. Ang ilan ay namamatay sa umaga, ang iba ay sa gabi. … Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakawala sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Ito ang kapalaran ng tao. Maaaring gawin ng tao ang lahat ng uri ng mga plano para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang maaaring makapagplano ng paraan at panahon ng kanyang kapanganakan at ng kanyang pag-alis mula sa mundo. Bagaman ginagawa ng mga tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at pigilan ang pagdating ng kamatayan, gayunpaman, tahimik na lumalapit ang kamatayan nang hindi nila nalalaman. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan o kung paano sila mamamatay, lalong hindi nila alam kung saan ito magaganap. Malinaw na hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Lumikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, ngunit bunga ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). “Sa buhay na ito, limitado lang ang oras ng mga tao mula sa pagkaunawa sa mga bagay-bagay hanggang sa pagkakaroon ng ganitong oportunidad, pagtaglay ng ganitong kakayahan, at pagtugon sa mga kondisyon na makipagdiyalogo sa Lumikha, nang sa gayon ay marating ang tunay na pagkaunawa, pagkakilala, at pagkatakot sa Lumikha, at matahak ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kung gusto mo ngayon na kuhanin ka kaagad ng Diyos, hindi ka nagiging responsable sa sarili mong buhay. Para maging responsable, dapat pagsikapan mo pang sangkapan ang iyong sarili ng katotohanan, lalo pang magnilay-nilay sa iyong sarili kapag may mga nangyayari sa iyo, at bumawi agad sa sarili mong mga pagkukulang. Dapat isagawa mo ang katotohanan, kumilos nang alinsunod sa mga prinsipyo, pumasok sa katotohanang realidad, kilalanin pa ang Diyos, magawang alamin at unawain ang kalooban ng Diyos, at huwag mamuhay nang walang kabuluhan. Dapat mong malaman kung nasaan ang Lumikha, kung ano ba ang kalooban ng Lumikha, at kung paano ipinapahayag ng Lumikha ang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan—kahit na hindi mo kayang magtamo ng mas malalim na kamalayan o kompletong kaalaman, dapat magtaglay ka man lang ng saligang pagkaunawa ukol sa Diyos, huwag pagtaksilan ang Diyos kailanman, maging kaayon man lang ng Diyos, magpakita ng pagsaalang-alang sa Diyos, maghandog man lang ng kaaliwan sa Diyos, at gawin kung ano ang nararapat at kung ano ang kaya ng isang nilikha. Hindi madaling bagay ang mga ito. Sa proseso ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin, unti-unting makikilala ng mga tao ang kanilang sarili, at sa gayon ay makikilala rin nila ang Diyos. Ang prosesong ito ay isa talagang interaksyon sa pagitan ng Lumikha at ng mga nilikha, at isa itong prosesong dapat gunitain sa buong buhay ng isang tao. Ang prosesong ito ay isang bagay na dapat maging kasiya-siya sa mga tao, sa halip na maging isang masakit at mahirap na proseso. Samakatuwid, dapat pahalagahan ng mga tao ang mga araw at gabi, mga taon at buwan na ginugol nila sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Dapat nilang pahalagahan ang yugtong ito ng buhay, at hindi dapat ituring ito bilang isang pasakit o pabigat. Dapat nilang pakanamnamin at tamuhin ang mga kaalamang matututunan nila mula sa pagdanas sa yugtong ito ng kanilang buhay. Pagkatapos, magtatamo sila ng pagkaunawa sa katotohanan at maisasabuhay nila ang wangis ng isang tao, magtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso, at mababawasan nang mababawasan ang kasamaang ginagawa nila. Marami-rami ka nang nauunawaan sa katotohanan, hindi ka gumagawa ng mga bagay na nagdudulot ng hinagpis o pagkayamot sa Diyos. Kapag humaharap ka sa Diyos, nararamdaman mong hindi na napopoot ang Diyos sa iyo. Napakaganda nito! Sa sandaling matamo na ito ng isang tao, hindi ba’t magiging payapa siya kahit na mamatay pa siya? Kaya, ano ang problema sa mga taong iyon na nagmamakaawa nang mamatay ngayon? Gusto lang nilang makatakas at ayaw nilang magdusa. Gusto na lang nilang matapos na kaagad ang buhay na ito, para makaparoon na sila at makapag-ulat sa Diyos. Gusto mo nang mag-ulat sa Diyos, pero ayaw pa ng Diyos sa iyo. Bakit ka mag-uulat sa Diyos nang hindi ka pa Niya ipinapatawag? Huwag kang mag-uulat sa Kanya nang hindi mo pa oras. Hindi ito isang mabuting bagay. Kung isasabuhay mo ang isang makahulugan at makabuluhang buhay at kinuha ka ng Diyos, napakagandang bagay niyon!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Matapos basahin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, lubos na sumigla ang puso ko. Dati, inakala ko na dahil matagal nang mananampalataya ang asawa ko, at hindi niya sinisi ang Diyos kahit hanggang sa kamatayan, hindi siya dapat hinayaan ng Diyos na mamatay nang masyadong maaga. Dapat hinayaan siya ng Diyos na mabuhay para magkasama kaming makapasok sa kaharian at magkaroon ng magandang hantungan at kalalabasan. Ito ang dahilan kaya hindi ko matanggap ang pagkamatay niya at ang puso ko ay puno ng paninisi at maling pagkaunawa sa Diyos. Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi ginagarantiya ng pananalig na hindi mamamatay ang isang tao. Ang pagkasilang, pagtanda, sakit at kamatayan ay mga bagay na hindi maiiwasan ng sinuman. Pauna nang itinakda ng Diyos kung hanggang kailan mabubuhay ang mga tao. Ang pagkasilang at pagkamatay ng asawa ko ay naapektuhan ng kanyang mga nakaraan at kasalukuyang buhay, at isinaayos ng Diyos ang lahat ng iyon bago pa man siya isinilang. Ang oras ng kanyang kapanganakan, ang takbo ng kanyang buhay, ang misyon niya sa buhay, hanggang kailan siya mabubuhay, at kailan siya mamamatay—wala sa mga ito ang nagkataon lamang. Madalas sabihin ng mga tao na itinatakda ng Langit ang kapalaran natin. Isa itong panuntunan ng langit, at walang makakasira nito. Nang magtapos na ang buhay ng asawa ko, natural siyang pumanaw, at walang makapagbabago niyon. Inakala ko dati na dahil namatay ang asawa ko, hindi na siya maliligtas. Pero ngayon, alam ko na kung mamamatay man ang isang tao, wala itong kinalaman sa kanyang kaligtasan. Ang susi sa kanyang kaligtasan ay kung hinahangad niya ang katotohanan, kung isinasabuhay niya ang realidad ng mga salita ng Diyos. Ang mga sumusunod sa Diyos, at naghahangad at nagkakamit sa katotohanan ang maliligtas ang kaluluwa pagkatapos ng kamatayan. Tulad na lamang nina Abraham, Job, at Pedro—namatay ang katawan nilang lahat, pero naligtas ang kaluluwa nila pagkatapos nilang mamatay, at nagkaroon sila ng magandang kinalabasan at hantungan. Ang ilang mananampalataya ay walang tunay na pananalig at katulad lang ng mga walang pananampalataya. Kahit nabubuhay sila, hindi sila maliligtas. Matagal na panahong nanampalataya sa Diyos ang asawa ko, at hindi ko alam kung totoo o huwad ang pananalig niya. Paano man isinaayos ng Diyos ang kinalabasan ng asawa ko, ipadala man siya ng Diyos sa impiyerno o sa langit, ang Diyos ay matuwid, at hindi gagawa ang Diyos ng anumang mali. Bilang nilikha, dapat akong magpasakop sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Kailangan kong magkaroon ng ganoong uri ng katwiran. Wala akong kalinawan noon at hindi ako handang magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Nang mamatay ang asawa ko, ginusto kong mamatay rin at tapusin na ito. Pero napagtanto ko ngayon na inorden ng Diyos ang pagkamatay ng asawa ko, at pinahintulutan Niya ito. Isa pa, ang kagustuhang mamatay ay pagsuway sa Diyos, hindi ito pagpapasakop sa Kanya; ito ay paghihimagsik laban sa Kanya. Nasaktan at naging miserable ako sa pagkamatay ng asawa ko, pero nasa likod nito ang mabuting kalooban ng Diyos. Inilantad nito ang aking katiwalian, at nagawang linisin ang motibasyon kong makipagtawaran sa Diyos para sa mga pagpapala. Tinulungan din ako nitong malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Iyon ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos. Tinulutan ako ng Diyos na tumanda nang ganito. Dapat pahalagahan ko ang oras na ito at masigasig na hangarin ang katotohanan sa kapaligirang isinaayos ng Diyos, para maunawaan ang aking katiwalian at ang gawain ng Diyos, para magpasakop at sumamba sa Diyos, at huminto sa paghihimagsik at pananakit sa Kanya. Anumang gawin ng Diyos sa hinaharap, anumang kapaligiran ang isaayos Niya, dapat akong makinig sa Kanya, mamuhay nang tama, ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, mamuhay para gawin ang tungkulin ng isang nilikha, at magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi ko pwedeng biguin ang Kanyang mabubuting layunin. Kailangan ko nang iwaksi ang pag-iisip na tapusin na ang buhay ko. Kaya taimtim akong nagdasal sa Diyos, “Diyos ko! Ayaw ko ng biyaya o mga pagpapala. Wala akong katotohanan, kaya wala na akong ibang hinihingi kundi ang katotohanan lamang. Mayroon akong tiwaling, satanikong disposisyon at kailangan ko ang Iyong paghatol at pagkastigo sa akin para maituwid ako at hindi mapariwara.” Sa pagkaunawang ito, naging mas magaan ang pakiramdam ng buong katawan ko. Nakakakain at nakakatulog ulit ako nang mabuti. Dahil sa masasamang sitwasyon, hindi ako makapagtipon kasama ang mga kapatid, pero regular pa rin akong nagdedebosyonal at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Diniligan at tinustusan ako ng mga salita ng Diyos, at naging mahinahon, payapa, at malaya ang pakiramdam ko. Unti-unti ring nakabawi ang kalusugan ko. Sinabi ng ibang taga-nayon na mukha raw akong masigla, hindi tulad ng isang lalaking nasa edad 70 na. Pinasalamatan at pinuri ko ang Diyos sa puso ko!

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan na tumulong sa akin na mas maunawaan ang katiwalian ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit gaano pa karaming bagay ang mangyari sa kanya, ang uri ng tao na isang anticristo ay hindi kailanman sumusubok na harapin ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan na nasa mga salita ng Diyos, lalong hindi nila sinusubukang makita ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ito ay dahil ganap silang hindi naniniwala na ang bawat linya ng mga salita ng Diyos ay katotohanan. Paano man ibinabahagi ng sambahayan ng Diyos ang katotohanan, nananatiling hindi nakikinig ang mga anticristo, at bunga nito ay wala silang tamang pag-iisip anuman ang sitwasyong kinakaharap nila; partikular na, pagdating sa kung paano nila hinaharap ang Diyos at ang katotohanan, matigas na tumatanggi ang mga anticristo na isantabi ang kanilang mga kuru-kuro. Ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan ay ang Diyos na nagsasagawa ng mga tanda at kababalaghan, ang Diyos na higit sa karaniwan. Sinumang nakakagawa ng mga tanda at kababalaghan—si Bodhisattva man, si Buddha, o si Mazu—tinatawag nilang Diyos. … Sa isipan ng mga anticristo, dapat sambahin ang Diyos habang nagtatago sa likod ng isang altar, kinakain ang mga pagkaing inihahandog ng mga tao, nilalanghap ang insensong sinusunog nila, tumutulong kapag nasa kaguluhan sila, ipinapakitang walang hanggan ang kapangyarihan Niya at nagbibigay ng agarang tulong sa kanila sa saklaw ng kung ano ang naiintindihan nila, at tinutugunan ang kanilang mga pangangailangan, kapag humihingi ng tulong ang mga tao at taimtim sila sa kanilang mga pagdalangin. Para sa mga anticristo, ang diyos lamang na kagaya nito ang tunay na Diyos. Samantalang hinahamak naman ng mga anticristo ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan. At bakit ganoon? Kung pagbabatayan ang kalikasang diwa ng mga anticristo, ang kinakailangan nila ay hindi ang gawain ng pagdidilig, pagpapastol, at pagliligtas na ginagawa ng Lumikha sa mga nilalang ng Diyos, kundi ang kasaganaan at tagumpay sa lahat ng bagay, upang huwag maparusahan sa buhay na ito, at mapunta sa langit kapag namatay sila. Kinukumpirma ng kanilang pananaw at mga pangangailangan ang kanilang diwa ng paglaban sa katotohanan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabinlimang Aytem (Unang Bahagi)). Inilalantad ng Diyos ang pagkapoot ng mga anticristo sa katotohanan. Gaano man katagal na silang kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi nila kailanman tinitingnan ang anumang bagay nang ayon sa mga salita ng Diyos. Nananalig sila sa Diyos pero hindi nila hinahangad ang katotohanan; gusto lang nila ng mga himala. Palagi nilang hinihingi na lutasin ng Diyos sa puso nila ang kanilang mga problema at ibigay ang gusto nila, na umayon ang lahat sa gusto nila sa buhay na ito at na mamuhay sila magpakailanman sa susunod na buhay. Ang pananalig nila ay ganap na para sa mga pagpapala. Ang perspektiba ko sa pananalig ay kapareho mismo ng sa mga anticristo. Sinasamba ko ang Diyos na para bang isa Siyang idolo. Kadalasan, kapag nahihirapan kami o may problema sa kalusugan, nagdarasal ako, hinihiling sa Diyos na bantayan kami at lutasin ang aming mga problema. Inakala ko na dapat ibigay ng Diyos ang anumang kailangan namin, na dapat Niyang tugunan ang bawat hinihingi namin. Ito ang Diyos sa isipan ko noon. Sa pagsasamantala sa Diyos para matugunan ang aking mga hinihingi, hindi ba’t panlilinlang at paglalapastangan iyon sa Kanya? At hindi na ito ang Kapanahunan ng Biyaya, kaya hindi ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpapagaling ng mga may sakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Ang gawain Niya ngayon ay paghatol at pagkastigo. Ito ay para lutasin ang mga tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, para iligtas tayo mula sa impluwensiya ni Satanas. Pero hindi ko minahal ang katotohanan o pinahalagahan ang gawain ng Diyos. Palagi lang akong humihingi ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos. Sa diwa, isa akong walang pananampalataya. Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, tinatamasa ang pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos, at ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos, pero hindi ko hinangad ang katotohanan o sinubukang suklian ang pagmamahal ng Diyos. May mga hinihingi pa nga ako sa Diyos na hindi makatwiran. Ang paghahangad kong iyon ay pagiging isang kaaway ng Diyos, at tiyak na mapaparusahan ako ng Diyos. Natakot ako nang mapagtanto ito. Ayaw kong magpatuloy sa maling landas na iyon, bagkus ay nais kong magtapat at magsisi.

Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa karanasan ni Job, mas marami akong nakamit. Natutunan ko kung paano harapin at pagdaanan ang mga pagsubok. Marami pa akong nabasa sa mga salita ng Diyos: “Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o hinagupit ng kalamidad. Naniwala siya na kung magbibigay man ng pagpapala ang Diyos sa mga tao o kaya ay magdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at dahil dito, anuman ang kalagayan ng isang tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, pinagpala ang tao, at kapag dumating ang sakuna sa tao, ito ay dahil din sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at nagsasaayos ng lahat tungkol sa tao; ang pabago-bagong kapalaran ng tao ay pagpapamalas ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at kung anuman ang pananaw ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan at nalaman ni Job sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga inisip at ikinilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan Niya si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Ang pusong ito ay palaging naghihintay sa utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit ano pa ang oras o lugar, tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang hiniling si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, humarap at sumunod sa lahat ng pagsasaayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, at hindi rin niya narinig ang Diyos na nagsalita ng anumang salita, nagbigay ng anumang utos, nagbigay ng anumang aral, o nagbigay ng tagubilin sa kanya tungkol sa kahit na ano. Sa kasalukuyang pananalita, upang magtaglay siya ng ganoong kaalaman at saloobin sa Diyos kahit na ang Diyos ay walang naibigay sa kanya na kaliwanagan, patnubay, o anumang kaloob patungkol sa katotohanan—ito ay mahalaga, at ang pagpapakita niya ng mga ganitong bagay ay sapat na para sa Diyos, at ang kanyang patotoo ay pinuri at itinangi ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos o kaya ay narinig Siya na personal na nagbigay ng anumang aral sa kanya, ngunit sa Diyos, ang kanyang puso at siya mismo ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga tao, na nasa harap ng Diyos, ay kaya lamang magsalita ng malalalim na teorya, na kaya lamang magmalaki, at magsalita tungkol sa pag-aalay ng mga handog, ngunit hindi kailanman nagkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, at hindi kailanman tunay na natakot sa Diyos. Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at mahal niya ang katarungan at ang lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na may taglay na ganitong uri ng puso at pagkatao ang nakasunod sa daan ng Diyos, at kayang magkaroon ng takot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang ganitong tao ay maaaring makakita sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makakita sa Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nagawang makamit ang pagsunod sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Tanging ang taong ganito lamang ang maaaring tunay na makapagbigay ng papuri sa pangalan ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya man ay pagpapalain ng Diyos o padadalhan ng kapahamakan, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at para sa tao, ang pag-aalala ay isang tanda ng kahangalan, kamangmangan, at kawalan sa katwiran, ng pag-aalinlangan sa katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng kawalan ng takot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ang siya mismong ninais ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na naniwala si Job na ang lahat ng bagay, lahat ng usapin ay pinamumunuan ng Diyos. Pinagpala man siya o nagdusa sa kalamidad, lahat ay nagmula sa Diyos. Noong siya ay sinubok, kinuha ang kayamanan ng kanyang pamilya at ang lahat ng kanyang anak, at napuno siya ng pigsa, hindi pa rin siya nagreklamo, kundi pinuri ang ngalan ng Diyos, sinasabing, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Walang mga transaksyon o hinihingi sa pananalig ni Job. Pinuri niya ang kapangyarihan ng Diyos dahil naniwala siya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Naniniwala siya na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti. Likas na matapat at mabait si Job, kaya’t napahiya ako at nakonsiyensiya. Kung ikukumpara kay Job, napakalaki ng kakulangan ko. Nalaman lamang ni Job ang tungkol sa Diyos mula sa kanyang narinig; hindi niya naranasan ang pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos, pero sa harap ng mga pagsubok, hindi niya sinisi ang Diyos. Pinagpala man siya o nahaharap sa sakuna, kaya niyang tanggapin ito mula sa Diyos at magpasakop. Kung ikukumpara ko ang sarili ko roon, kumain at uminom ako ng maraming salita ng Diyos pero hindi ko sinuklian ang pagmamahal ng Diyos. Nang makuha ko ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, naniwala ako sa Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Nang magkasakit ang asawa ko at mamatay, pinagdudahan ko ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Hindi ako nagpapasakop sa Diyos. Nakikipagtalo rin ako sa Kanya. Walang puwang ang Diyos sa puso ko, at hindi ako naniwala sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos. Nakita ko na ang pagpuri ko sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay batay sa pagsusuri ko sa sarili kong mga pagpapala at mga kalamidad. Hindi ko magawang magpasakop sa pamumuno at mga pagsasaayos ng Diyos nang walang kondisyon. Kapag mayroong paghihirap, nakikipagtalo ako sa Diyos, lumalaban at nagrereklamo pa nga. Kung ikukumpara kay Job, wala akong kahit katiting na pagkatao o katwiran. Kasuklam-suklam at kamuhi-muhi ito sa Diyos. Ayaw ko nang saktan Siya. Nanumpa ako na kahit anong sitwasyon ang isaayos ng Diyos kalaunan, pagpalain man ako o dumanas ng kasawian, susundin ko ang halimbawa ni Job at hinding-hindi na ako makikipagkasundo sa Diyos, ganap na magpapasakop sa Kanyang pamumuno at mga pagsasaayos. Kahit na hindi ko makakamit ang katotohanan at mapapalayas ako sa huli, hindi ako magrereklamo. Pagkaraan ng ilang panahon, hindi na gaanong mapanganib ang sitwasyon ko at nakakadalo na akong muli sa mga pagtitipon. Nakakakain at nakakainom ako ng mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid at namumuhay ng buhay-iglesia. Nagsaayos din ang iglesia ng tungkulin para sa akin. Talagang masaya ako ngayon.

Ibinunyag ng pagkamatay ng asawa ko ang sarili kong paghihimagsik. Ipinakita sa akin ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos ang kasuklam-suklam kong paghahangad sa mga pagpapala sa aking pananalig. Itinigil ko na ang pagsisikap sa maling landas na iyon. Isa pa, naunawaan ko na namatay ang asawa ko dahil hanggang doon na lang ang buhay niya. Napawi ang kirot na nararamdaman ko sa pagharap nang tama sa usaping iyon. Ang kailangan kong gawin ngayon ay masigasig na hangarin ang katotohanan at baguhin ang disposisyon ko. Pagpalain man ako o dumanas ng kasawian, dapat akong makinig sa mga salita ng Diyos, at magpasakop sa Kanyang pamumuno at mga pagsasaayos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply