Isang Espirituwal na Labanan sa Tahanan

Enero 11, 2021

Ni Ruth, Estados Unidos

Noong August 2018, isang kaibigan ang nagsabing nagbalik na’t nagpapahayag ng katotohanan ang Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Binasa ko’ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita ko na ito ang katotohanan at tinig ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik, kaya tinanggap ko ang Kanyang gawain sa mga huling araw at nagsimulang dumalo sa mga online na pagtitipon. Ako’y punung-puno ng kasiyahan ng pagsalubong sa Panginoon nang nangyari ang isang hindi inaasahang espirituwal na labanan sa tahanan.

Isang araw ng Oktubre 2018, nagpadala sa akin ang asawa ko ng isang mensahe na nagsabing: “Hindi ka na pumupunta sa iglesia nitong nakaraan, at ano ‘yang librong palagi mong binabasa? Ano’ng pinag-uusapan niyo sa mga online na pagtitipong ‘yon?” Katatanggap ko lang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw kaya ‘di ko maipapaliwanag iyon nang malinaw. Pero mananampalataya na ang asawa ko mula pagkabata at manggagawa siya sa iglesia, kaya dapat kong ibahagi sa kanya ang pagbabalik ng Panginoon. Kaya sinabi ko sa kanya, “Nasa mga huling araw na tayo’t ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Bumalik Siya’ng nasa katawang-tao, Siya ang Makapangyarihang Diyos. Ginagawa’ng paghatol gamit ang salita upang linisin ang sangkatauhan. Ang aklat na ‘yon ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ibinubunyag nito ang maraming mga misteryo tungkol sa Biblia. Nasundan ko na ang bagong gawain ng Diyos at kinakatagpo’ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, syempre ‘di na’ko pupunta sa mga serbisyo ng dating iglesia. basahin mo’ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tingnan ito.” Ipinadala ko rin sa kanya ang link ng website ng Iglesia. Sa gulat ko, pinadalhan niya ako ng napakaraming mga kasinungalingan at usap-usapang ipinakalat ng CCP online para siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kasama na ang pekeng Zhaoyuan case na itinanim ng Partido Komunista sa Iglesia. Naisip ko na dahil Pilipino ang asawa ko, ‘di niya alam kung gaano karami’ng mga pekeng balitang mayroon sa China, kaya madali siyang napaniwala nito. Kaya sinabi kong, “Ang Zhaoyuan case ay nilitis sa isang korte ng CCP lahat ng korte ng CCP ay mga kasangkapan ng gobyerno para mapanatili ang diktadura. Ang kanilang paglilitis ay walang kredibilidad. Andaming gawa-gawa ng CCP na di-makatarungang kaso sa mga nakaraang taon, tulad ng protesta sa Tiananmen Square na gumulantang sa mundo at ang pagsupil sa protesta sa Tibet. Una, lumilikha sila ng mga kasinungalingan at maling paratang, binabaluktot ang mga katotohanan, tapos gumagamit ng marahas na pagsugpo. Yan ang taktika nila palagi para alisin ang pagtutol. Isa pa, isa iyong ateistang partido na brutal nang inusig ang paniniwala sa relihiyon mula nang magkaro’n ng kapangyarihan. Papaano natin mapaniniwalaan ang kanilang pagkondena sa iglesia? Ang mga mananaliksik sa Kanluran ay gumawa ng sariling pagsisiyasat na nagsiwalat sa mga kasinungalingan ng CCP.” Pagkatapos, nagpadala ako sa kanya ng video ng Italyanong eksperto sa relihiyon na si Propesor Massimo Introvigne na nagtatalumpati sa isang pagpupulong. Sinabi ko, “Maiintindihan mo ang katotohanan pagkanood mo ng video. Sinabi sa korte ng isang akusado sa Zhaoyuan case, ‘Wala akong naging ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.’ Sinabi nila mismo na hindi sila kabilang sa Iglesia. Hindi rin sila kinikilala ng Iglesia. Malinaw na wala silang kaugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pero ‘yung korte ang nagpumilit na mayroon. Sinadyang baluktutin ang mga katotohanan at i-frame ang kaso para siraan ang Iglesia! Ipinapakita nito na ang kaso sa Zhaoyuan ay ginawa ng CCP bilang palusot para pagmalupitan ang mga Kristiyano. Karaniwang taktika nila ito para alisin ang mga relihiyosong paniniwala.” Pero ang asawa ko’y kumbinsido sa kasinungalingan ng CCP at ayaw niyang makinig sa ‘kin.

Tapos, sinimulan niyang hadlangan ang aking pananampalataya, nagpakabit siya ng anim na security camera sa bahay para makita niya ang bawat galaw ko. Isang gabi, nakita niya ako sa isa sa mga camera na nakikipagtipon at biglang sumugod sa kuwarto ko na sumisigaw, tinatanong kung bakit dumadalo pa rin ako sa mga pagtitipong iyon. Sinabi ko, “US ito, isang bansang may kalayaan sa paniniwala. Ito’y pinoprotektahan ng batas. Ang aking pananampalataya ay isang wastong bagay. Bakit mo ako hahadlangan? Ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kumalat na sa Kanluran. May mga taong tulad nina Ginoo at Gng. Schmidt mula Arizona, Tina at Charlie, na nakunan ng panayam tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. May mga patotoo mula Canada, Cuba, Japan, France, Russia, Thailand, at marami pang ibang bansa. Ang mga tao mula sa buong mundo na nasasabik sa pagbabalik ng Panginoon ay lumapit sa harap ng Makapangyarihang Diyos at tinanggap ang Kanyang gawain. Tingnan mo kung ano’ng nakakamit ng Kanyang gawain at kung ito’y tinig ng Diyos sa halip na bulag na naniniwala sa mga kasinungalingan ng ateistang gobyernong CCP.” Hindi siya nakinig sa akin, kundi kinuha pa ang telepono ko. Hinampas ko ang braso niya, upang subukang harangan siya. Sa gulat ko, ginamit niya iyon bilang dahilan para isuplong ako sa pulis. At malamig niyang sinabing, “Hindi ba’t meron kang Diyos mo? Sa Kanya ka humingi ng tulong. Darating dito ang mga pulis. Tingnan natin kung sinong makakapagligtas sa’yo.” Galit na galit ako at bahagyang takot din. takot akong hulihin ng pulis tulad ng napakaraming mga kapatid sa China. At naalala ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Ang lahat ng bagay ay talagang nasa mga kamay ng Diyos at Siya ang nagdedesisyon ng lahat. Nasa sa Diyos na kung huhulihin ako ng mga pulis no’ng araw na iyon. Kung pinahintulutan iyon ng Diyos, kalooban Niya ‘yon at magpapasakop ako. Hindi na ako gaanong natakot matapos kong magdasal. Dumating ang mga pulis tapos ng limang minuto, at nang maintindihan nila ang sitwasyon, naging maunawain sila sa’kin. Isa sa mga pulis, na puting lalaki, ang nagsabing, nanalagi siya sa China at alam niya ang pag-uusig ng gobyerno do’n sa mga paniniwala sa relihiyon. Matapos ang aming pag-uusap, binalaan ng opisyal ang asawa ko, “Mayroon tayong kalayaan sa relihiyon sa US. Wala kang karapatang makialam sa pananampalataya ng ‘yong asawa.” Dito, sumagot siya, “Pwede siyang manampalataya, pero ‘di pwedeng makipagtipon online pag nasa bahay.” Binalaan ulit siya ng opisyal: “Asawa mo siya at miyembro ng inyong sambahayan. Karapatan niyang dumalo sa mga pagtitipon pag nasa bahay—ito’y protektado ng batas. Di mo siya maaaring pigilan sa pagdalo sa mga pagtitipon at ito’y paglabag sa batas ng US.” Nang makaalis ang mga pulis, inisip kong muli ang nangyari, at ‘di ko ‘to mapaniwalaan. Marami na kaming pinagdaanan sa paglipas ng mga taon, pero ginamit niya ang pananampalataya ko bilang dahilan para tawagin ang mga pulis. Nasa’n na ang asawang nakilala ko? Wala siyang pagkamakatao. Alam ko rin na sa kabila ng pinagdaanan ko, nasa tabi ko ang Diyos, pinoprotektahan ako. Nagpasalamat ako sa Diyos at ang kapasyahan kong sundin Siya ay mas tumibay.

Dahil desidido akong manampalataya, kinuha ng asawa ko lahat ng aming shared bank cards, mga susi ng kotse, mga susi sa tindahan, at ang perang mayroon ako. Sa buong panahon ng aming buhay mag-asawa, ako ang namamahala sa’ming pananalapi at mga negosyo pero ngayon, kinukuha niyang lahat ito sa akin. Pinutol niya’ng aming internet service kaya di ako makadalo ng mga pagtitipon ikinandado ang pinto ng kuwarto para ‘di ako makapasok. Naging mas malamig din siya sa akin. Minsan tatanungin ko kung saan siya pupunta at sasagutin lang niya ako na, “’Huwag kang makialam sa buhay ko—wala kang karapatang magtanong. Kung gusto mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, makakaalis ka na sa pamamahay na ‘to. Hindi ka na pwedeng magtrabaho sa tindahan. Kapag pumunta ka sa saan mang kalapit nito, tatawag ako ng pulis.” Pinagsasabi niya rin sa mga kaibigan namin ang mga kasinungalingang iyon na online at ang iba’y punta nang punta sa ‘min, pinipilit na isuko ko’ng pananampalataya ko. Ang dati naming payapang buhay ay nasira. Inisip ko kung pa’nong, sa ‘ming buhay na magkasama, tinalikuran ko’ng karera ko para magnegosyo kasama’ng asawa ko, na nagbigay-daan sa amin na magkaroon ng sarili naming tindahan sa siyudad na ito. Ngunit nahaharap sa pagpili sa pananampalataya’t pamilya, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Talagang nanghina ako. Di ko maintindihan. Di ba lahat tayo’y nananabik sa pagbabalik ng Panginoon? Sinalubong ko ang Panginoon at nasa tamang landas sa pananampalataya, kaya bakit walang nakakaintindi? Habang pinag-iisipan kong lahat ito, ‘di ko mapigilan ang mga luha ko. Tapos naalala ko ang ilang salita ng Diyos. “Ang namana ninyo sa araw na ito ay higit pa sa namana ng mga apostol at propeta sa lahat ng panahon at higit pa sa namana nina Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi matatanggap sa loob ng isa o dalawang araw; ang mga iyon ay kailangang makamtan sa pamamagitan ng malaking sakripisyo. Ibig sabihin, kailangan kayong magtaglay ng pagmamahal na nagdaan na sa pagpipino, kailangan kayong magkaroon ng malaking pananampalataya, at kailangan kayong magkaroon ng maraming katotohanang hinihingi ng Diyos na inyong matamo; bukod pa rito, kailangang bumaling kayo sa katarungan, nang hindi tinatakot o umiiwas, at kailangang magkaroon kayo ng pagmamahal sa Diyos na tuluy-tuloy hanggang kamatayan. Kailangang magkaroon kayo ng pagpapasya, kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa inyong disposisyon sa buhay, kailangang malunasan ang inyong katiwalian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Binigyan ako ng lakas ng mga salita ng Diyos at nakita ko na ang gusto Niya’y ang totoong pananampalataya at pagmamahal ng mga tao, at na ‘di tayo lumayo sa Kanya anumang mga paghihirap ang kaharapin natin. Ang pagiging mapalad na marinig ang Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagmamahal ng Diyos. Ang paghihirap para sundan si Cristo ay may halaga at kahulugan, at ito ay para sa isang matuwid na hangarin. Naisip ko ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus. Malupit silang inusig ng mga Romano at kinundena ng mga pinuno ng relihiyon, at pinatay pa nga ang ilan dahil sa Panginoon. Matindi ang naging paghihirap nila pero naalala sila ng Panginoon. Naisip kong ‘di ako dapat madismaya tungkol sa pag-usig sa pagsunod sa totoong Diyos kundi dapat matuto sa henerasyon ng mga banal, at sundan ang Diyos hanggang sa huli sa harap ng anumang paghihirap.

May nabasa akong ilan pang mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos tanggapin ang tunay na daan at sundan ang bagong gawain ng Diyos, mukhang ang asawa ko ay hinahadlangan ako at nagiging mapang-api, pero sa likod n’on isang labanan ang isinasagawa sa espirituwal na mundo. Ginagamit ni Satanas ang aking asawa para gambalain ako, sinasamantala ang aking damdamin para sa ‘king asawa at mga personal na interes ko para takutin ako upang talikuran ang tunay na daan at magpatalo kay Satanas, para sa wakas ay pagtataksilan ko ang Diyos. Panlilinlang ito ni Satanas. ginagamit ng Diyos ang sitwasyong ito para ipakita ang masamang panig ng asawa ko sa pagtutol sa Diyos. Nang magbigay siya ng sermon sa iglesia, ipinangaral niya ang pagpapaubaya at sinabing patuloy na abangan ang Panginoon. Pero sa gawain ng pagbabalik ng Panginoon, hindi niya ito tiningnan man lang at tinrato pa akong isang kaaway. Hindi ako ang kinamumuhian niya—Diyos ang kinamumuhian niya. Lubos siyang hindi mananampalataya, Sa pag-iisip tungkol sa kanyang mga kilos, hindi na ako nasasaktan. Talagang galit na galit lang ako. Mag-asawa kami, pero nasa magkaiba kaming mga landas. Hindi na ako magpapapigil sa kanya. Mas lalo siyang mapang-api, mas gusto kong sundan ang Diyos, magpatotoo, at ipahiya si Satanas. ‘Di ko lang gustong sundan ang Diyos mismo, gusto ko ring ibahagi ang ebanghelyo ng mga huling araw sa mas maraming tunay na mananampalataya. Ang isiping ito ay nagbigay sa akin ng lakas na kailangan ko para malagpasan ito. Nakahanap agad ako ng bagong trabaho sa isang palengkeng malapit sa bahay, kaya nagbahagi ako ng ebanghelyo roon. Mahirap na trabaho iyon, pero dahil sa mga salita ng Diyos na gumagabay sa akin, gumaan ang pakiramdam ko.

Pero hindi pa rin tumitigil ang asawa ko. Para pigilan ako sa paniniwala, ninakaw niya ang bisekletang ginagamit ko papunta sa trabaho, at binawalan akong magtrabaho ro’n. Pinapunta nya rin ang ilang kustomer sa pinapasukan ko para udyukan akong talikuran ang pananampalataya ko. Nagpakalat pa siya ng mga kasinungalingan tungkol sa ‘kin sa iglesia, na inaabandona ko raw ang aming pamilya para sa ‘king pananampalataya. Nang malaman ‘yon ng boss ko, nagsimula siyang magbago ng pagtrato sa ‘kin at sinisante ako. Noon din hindi inaasahang namatay ang biyenan ko sa Pilipinas, kinailangang umuwi ng asawa ko. Napilitan siyang iwan sa ‘kin ang telepono ko’t mga susi ng tindahan. Nang makabalik siya ng US, ang pag-uugali niya sa akin ay lumambot nang husto. Hindi na siya gano’n katutol sa pagsama ko sa mga online na pagtitipon. Naisip ko na baka talagang nagbago na siya.

Pero isang araw, nalaman niyang nagbahagi ako ng ebanghelyo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw sa isang sister sa kanyang iglesia, at palihim siyang nakipag-ugnayan dito sa pamamagitan ng pastor. Sinabihan niya ito ng mga kasinungalingan, naniwala ito kaya ayaw na nitong magkaroon ng anumang ugnayan ulit sa ‘kin. Binalaan niya ako, “’Di kita pipigilang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, pero hindi kita papayagan na kunin ang mga tao mula sa iglesia ko. Hindi ka na rin maaaring pumunta roon at di mo pwedeng dalhin ang telepono mo sa ‘ting tindahan. Kapag binasa mo ulit ang kanilang mga mensahe o sinagot ang kanilang mga tawag, palalayasin na kita.” Ang kanyang pag-uugali ay nakakagulat at nakakagalit. Sa loob ng ilang buwang iyon, pinagpasensyahan ko siya at sinubukang antigin siya ng paraan ng pamumuhay ko. Dapat ay mayroon iyong epekto sa kanya para baguhin ang kanyang pag-uugali sa akin at sa gawain ng Diyos. Hindi ko naisip na ang aking asawa ay magiging napakatigas ng ulo at malisyoso. Nagpakita siya sa iba ng lubos na huwad na mukha. ‘Di nakisama sa ‘king pananampalataya’t pinigilan akong ibahagi iyon sa iba, walang kahihiyang inaangkin ang pagmamay-ari sa mga kapatid. Di ba’t pagtatangka iyon na agawin ang mga tupa ng Diyos? Ang tupa ng Diyos ay naririnig ang Diyos at bumabalik sa Kanyang bahay. ‘Yan ang tama at likas. Ang pananampalataya ay isang malayang bagay, pero nakikipagtulungan siya sa pastor upang gambalain ang mga kapatid. Nagpapakalat ng mga kasinungalingan para iligaw ang mga tao para di sila makinig sa ebanghelyo ng Diyos. Sinasakal niya, ginugutom ang iglesia, at sinisira ang pagkakataon ng mga tao sa kaligtasan! Naisip ko ang Panginoong Jesus nang sinasaway ang mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Sabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Kung hindi ko mismo nakita ang mga salita at gawa niya, hindi ko kailanman maiisip na ang isang taong nag-ayos ng mga charitable event, na mukhang sobrang relihiyoso at tinitingala ay hindi lang tatanggi na tingnan o tanggapin ang gawain ng pagdating ng Panginoon, magkakalat pa ng mga kasinungalingan sa iglesia, nililinlang ang iba at pinipigilan silang bumaling sa Diyos. Paano siya naiba mula sa mga Fariseo na ipinako ang Panginoong Jesus sa krus 2,000 taon na’ng nakararaan? Sila’y mga tunay na anticristo, mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao. Nakita ko ang katotohanan ng diwa ng asawa ko, na isa siyang demonyong ‘di na magbabago. Ang mga mananampalataya at hindi, ay ‘di magkasundo. Hindi na niya ako maaaring pigilan. Habang iniisip ko ito, nagpasya akong mas maglaan ng oras sa ‘king pananampalataya’t paghahanap ng katotohanan at sundan ang Makapangyarihang Diyos kahit pa’no pa ‘ko tratuhin ng asawa ko.

Isang araw, kumuha siya ng abogado sa diborsyo para simulan ang paglilitis sa hiwalayan at hiniling niyang umalis ako sa loob ng isang buwan. Pakiramdam ko talaga’y wala akong lakas. Paano ako? Saan ako titira? Magiging palaboy ba ako? Pinaputol niya rin ulit ang aming internet connection sa bahay sa pagsisikap na putulin ang ugnayan ko sa mga kapatid. Wala akong magawa kundi ang lumabas para gumamit ng pampublikong koneksyon para makadalo ng mga pagtitipon. Nasa krisis ang buhay ko. Kung walang kita, ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at tirahan ay magiging isyu. Hindi ako kailanman dumaan sa mga ganitong uri ng matitinding kagipitan at wala akong ideya kung paano ko ito malalampasan. Naiwan akong litong-lito at nasasaktan. Nang malaman ito ng isang kapatid, pinadalhan niya ‘ko ng sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. … Sa iyong karanasan, anumang pagpipino ang pinagdaraanan mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, sa madaling salita, ay ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Matapos kong basahin ito, napagtanto kong ang pananakot sa ‘kin ng asawa ko ng diborsyo’y bagay na hinahayaan ng Diyos na mangyari. Nang pagdaanan ni Job ang kanyang mga pagsubok, kinuha ng mga magnanakaw ang lahat ng mayroon siya at ang kanyang mga anak ay nawalan ng buhay. Balot din siya ng mga pigsa at naupo sa isang tumpok ng abo. Tinanggihan siya ng kanyang asawa’t sinabihang talikuran ang kanyang pananampalataya’t mamatay. Hinusgahan siya ng kanyang mga kaibigan. Sa harap ng mga pagsubok at paghihirap na ‘to, pinuri pa rin ni Job ang Diyos: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). ‘Yan ang tunay na pananampalataya. Minsan akong gumawa ng isang taimtim na panata sa harap ng Diyos na kahit anong mangyari, patuloy kong susundan ang Diyos. Ngunit nahaharap sa mga banta ng aking asawa na inilalagay sa panganib ang aking sariling pamumuhay, nanatili ako sa pagiging negatibo’t pagdurusa. Wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos. Tinatakot ako ng asawa ko ng diborsyo upang ipagkanulo at talikuran ko ang Diyos. ‘Di ako ma’aring mabiktima ng pakana ni Satanas. Anumang mga pagsubok ang harapin ko, kailangan kong sundan ang Diyos, magpatotoo, at bigyang kahihiyan si Satanas.

Nakahanap ako ng bagong trabaho makalipas ang ilang araw kaya nakabili ako ng internet card para sa mga pagtitipon at paggawa ng aking tungkulin. Napakagaan ng pakiramdam ko. Kalaunan, kalmado kong pinirmahan ang mga papeles ng diborsyo at nakamit ang kalayaan mula sa paghihigpit ng asawa ko. Naisasagawa ko na’ng pananampalataya ko. Ipinagpatuloy ko’ng paggawa ng tungkuli’t pagbahagi ng ebanghelyo at kahit na mas kaunti ang pera ko ngayon kaysa noong nakaraan, nagagawa ko na ang tungkulin ko nang walang pag-aalala. Mayroon akong kagalakan at kapayapaan, naramdaman ko na ang pagsunod sa Diyos at pagtahak sa tamang landas, ang pinakamakahulugang paraan para mabuhay! Salamat sa Diyos sa pagpapahintulot sa ‘king magpatotoo sa pamamagitan ng espirituwal na labanang ito sa loob ng tahanan!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...