Ang Muling Pagsilang

Mayo 17, 2018

Yang Zheng Lalawigan ng Heilongjiang

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na makaluma sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula pa sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para mabuhay. Ang lahat ng uri ng mga kamalian ang nagpalala sa aking pagnanais sa reputasyon at katayuan, tulad ng pagtatayo ng magandang tahanan sa iyong mga sariling kamay, gagawin kang imortal ng katanyagan, kailangan ng mga tao ng mukha tulad ng puno na kailangan ng balat, pangunguna at pagiging nasa ibabaw, dapat magbigay ng karangalan sa kanyang mga ninuno, atbp. Dahan-dahang naging ganito ang buhay ko at matatag akong pinaniwala na hangga’t nabubuhay tayo sa mundong ito, kailangan nating magtrabaho upang umangat ang tingin sa atin ng iba. Kaninumang grupo ng tao tayo nabibilang, kailangan nating magkaroon ng katayuan, dapat tayong maging pinakatanyag. Sa pamamagitan lamang ng pamumuhay sa ganitong paraan tayo magkakaroon ng integridad at dignidad. Sa ganitong paraan lamang may halaga ang buhay. Upang makamit ang aking pangarap, nag-aral ako nang masigasig sa elementarya; kahit na may bagyo at karamdaman, hindi ako kailanman lumiban. Unti-unti, nagawa kong tumuntong sa wakas sa middle school sa paraang iyon. Nang makita kong papalapit na ako sa aking pangarap, hindi ako nagpabaya. Madalas kong sinasabi sa aking sarili na magsumikap, na dapat kong ipakita nang mahusay ang aking sarili sa aking mga guro at kaklase. Gayunpaman, noon lamang, isang hindi inaasahang bagay ang nangyari. Nagkaroon ng isang iskandalo tungkol sa aming pinunong guro at sa punong-guro ng paaralan na naging sanhi ng kaguluhan. Alam ng lahat ng mga guro at mag-aaral ang tungkol dito. Isang araw sa klase, ang gurong iyon ay nagtanong sa amin kung narinig namin ang tungkol dito at sinabi ng lahat ng iba pang mag-aaral na “Hindi.” Ako lamang ang taong tapat na sumagot ng “Narinig ko.” Magmula noon, nakita ako ng gurong iyon bilang isang tinik sa kanyang tagiliran at madalas maghahanap ng mga dahilan upang gumawa ng mga bagay na mahirap para sa akin, upang pigilan ako. Nagsimulang lumayo sa akin ang aking mga kaklase at ibinukod ako. Pinagtawanan at pinahiya nila ako. Sa huli, hindi ko na nagawang matagalan ang ganoong uri ng pagdurusa at huminto ako sa pag-aaral. Ganoon nawasak ang aking pangarap na manguna at mangibabaw. Iniisip ang aking mga araw sa hinaharap nang nakayuko ang aking ulo at nakatingala sa langit, nadama ko ang isang hindi maipahayag na kalungkutan at lumbay. Naisip ko: Maaari kayang lilipas na lamang ang aking buhay nang walang kabuluhan? Walang katayuan, walang katanyagan, walang hinaharap. Ano ang punto ng mamuhay nang ganito? Hindi ko talagang gustong tanggapin ang katotohanan sa oras na iyon, ngunit wala akong magawa upang baguhin ang aking kalagayan. Gaya lamang ng ako’y namumuhay sa sakit at kawalan ng pag-asa na hindi ko magawang kalasin ang aking sarili mula roon, iniligtas ako ng Makapangyarihan Diyos at muling binuhay ang pag-asa sa aking puso na namatay na. Mula noon, nagsimula ako ng isang buong bagong buhay.

Noon ay Marso 1999, at mula sa isang pagkakataon ay narinig ko ang ebanghelyo ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos. Natutuhan ko na ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating sa lupa at Siya Mismo ay nakipag-usap at pinamunuan ang sangkatauhan upang iligtas tayo mula sa sakop ni Satanas, upang pahintulutan tayong itakwil ang ating buhay ng kasakitan, ng pagkahulog, upang mamuhay sa isang bagong langit at lupa. At mula sa matiyaga at maingat na pagsasamahan mula sa aking mga kapatid, narinig ko ang maraming katotohanan na hindi ko pa narinig kailanman, tulad ng: Ang anim na libong taon na plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng Diyos na nagkatawang-tao, na ang mga taong masama ay nangangailangan ng kaligtasan ng Diyos na nagkatawang-tao, anong uri ng diwa ang dapat taglayin ng mga nilikha, paano sambahin ang Panginoon ng lahat ng nilikha, paano isabuhay ang iyong tamang pagkatao, kung ano ang tunay na buhay ng tao…. Lubos akong hinila ng mga katotohanang ito at pinatatag ng mga ito ang aking paniniwala na ito ang gawain ng tunay na Diyos. Sa araw na iyon ang aking mga kapatid ay kumanta rin ng isang awit ng karanasan sa buhay, “Mahal na Mahal Tayo ng Diyos”: “Makapangyarihang Diyos, nagtitiwala ako sa Iyo. Iniisip kung paano ako gumala sa buong mundo, Damang-dama ko ang pagiging salawahan at walang malasakit ng mga tao. Nagpunyagi at nangapa ako sa dilim. Walang hanggan ang pagdurusa sa buhay; habang hinihilamusan ng mga luha ang aking mukha, nanghina ako sa pagdaan ng mga taon. Walang-walang pag-asa, nabubuhay lamang ako na walang nagagawa, nang malungkot. Makapangyarihang Diyos, mahal na mahal Mo kami. Pinupukaw ako ng Iyong mga salita. Sa wakas ay nagbabalik ako sa Iyo at iwinawaksi ko ang aking masaklap na buhay. Nililiwanagan ako ng Iyong mga salita, maliwanag ang buhay na nakikita ko. Nagtatamasa ako ng Iyong mga salita at nabubuhay sa Iyong presensya, puso ko’y puspos ng kapayapaan at galak” (Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Niliwanagan nito tulad ng isang sinag ng liwanag ang aking kaluluwa na matagal nang nasa kadiliman, at hindi ko napigilang lumuha nang lumuha. Maraming mga taon ng panunupil, kawalang-katarungan, at kalungkutan ang tila biglang nagsilabas. Mas gumaan ang aking puso. Bukod sa kagalakang ito, higit akong nagpasalamat sa Diyos sa pagpili sa akin mula sa milyun-milyong tao, na pinahihintulutan ang aking pagod at malungkot na kaluluwa na makahanap ng isang masayang kanlungan. Mula noon ay nagbago nang lubusan ang aking buhay. Hindi na ako nalulumbay at naguguluhan, ngunit itinuon ko ang aking buong isip sa pagbabasa ng salita ng Diyos, pagdalo sa mga pagpupulong, at pakikibahagi sa katotohanan. Araw-araw ay buo at masaya. Nang maglaon ay nagsimula kong tuparin ang tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo. Sapagkat ako ay masigasig at positibo, pati na rin ang katotohanang ako’y tiyak na matalino, matapos ang isang panahon ang aking trabaho ay tunay na namunga. Nakamit ko ang papuri ng aking lider ng pangkat ebanghelikal, at ang mga kapatid sa iglesia ay tumingala rin sa akin. Lagi silang lalapit sa akin upang magtanong sa mga bagay na hindi nila naunawaan tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo. Nang hindi ko namamalayan, nagsimulang nasiyahan nang kaunti ang aking sarili, at naisip ko: Napakabilis kong nakamit sa iglesia ang reputasyon at katayuang inaasahan ko sa mundo sa loob ng maraming taon. Ang “bayani” sa aking panig ay natagpuan sa wakas ang lugar nito! Nang makita ko ang aking mga nagawa, naging napakasaya ko at nagtrabaho ako nang mas maigi upang matupad ang aking tungkulin. Di alintana ang laki ng kahirapang kinakaharap ko, gagawin ko ang aking buong makakaya upang madaig ito. Anuman ang nais ipagawa sa akin ng iglesia ay kusang-loob kong sinunod at ginawa ang aking makakaya upang makumpleto ito. Kung minsan ang lider ng iglesia ay nakitungo sa akin at pinungos ang mga aspeto sa akin dahil hindi ko nagawa nang mabuti ang aking tungkulin. Gaano man kasakit ang kalooban ko, sa labas ay hindi ako gagawa ng dahilan para sa aking sarili. Bagaman medyo naghirap ako sa loob ng panahong ito, hangga’t mayroon akong katayuan sa mga kapatid ko at tinitingala nila ako, nadama kong lubos na may halagang magsakripisyo para rito. Ngunit makikita ng Diyos ang bawat kalooban ng mga tao. Upang baguhin ang aking mga maling pananaw sa buhay ng tao at mga pagpapahalaga, upang linisin ang mga karumihan sa aking paniniwala sa Diyos at sa pagsasagawa ng aking tungkulin, isinasaayos ng Diyos ang mga kapaligiran nang paulit-ulit.

Noon ay 2003, nang ako’y itinaas para magsilbing lider ng pangkat ebanghelikal. Kasama sa pag-angat na ito sa aking katayuan, lumawak din ang saklaw ng aking trabaho, at mas nasiyahan ako sa aking sarili: Kumikinang ang ginto kahit saan. Determinado akong gawin ang aking trabaho nang mahusay at dahan-dahang aangat upang higit akong kainggitan at hangaan ng aking mga kapatid. Napakaganda niyon! Nang dumating ako sa lugar para gampanan ko ang aking tungkulin, isinaalang-alang ng pinuno na bago lamang ako sa ganitong uri ng trabaho at pareho akong kulang sa karanasan at metodolohiya, kaya sama-samang tinawag ang iba’t ibang lider ng pangkat ebanghelikal mula sa malalapit na lugar upang matuto kami mula sa isa’t isa. Ngunit sa panahon ng pakikibahagi, nakita kong silang lahat ay mas matanda kaysa sa akin at mas mababa ang kanilang kalibre. Sa pagbabahagi ng mga salita ng Diyos, hindi rin nila ipinaliwanag nang kasing linaw gaya ng ginawa ko. Hindi ko kayang pigilan ang aking sariling maging arogante at hindi ko sila talagang isinaalang-alang. Nadama ko na tiyak na magagawa ko ang isang mahusay na trabaho na umaasa sa sarili kong lakas. Pagkatapos ng pulong, agad kong pinuntahan ang bawat pangkat upang maunawaan ang kanilang gawain. Nang natuklasan ko ang ilang mga pagkakamali at kakulangan sa kanilang gawain at ang ilan sa mga kapatid na lalaki at babae ay hindi nakayang ipangaral ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos, pareho akong nabalisa at nagalit. Hindi ko napigilang pagalitan ang aking mga kapatid: “Ang inyong pagtupad sa tungkulin sa ganitong paraan ay naaayon ba talaga sa kalooban ng Diyos? Ayaw ninyong magsakripisyo ngunit gusto ninyong maligtas ng Diyos. May kabuluhan ba ang ganitong uri ng tao? …” At magyayabang ako paminsan-minsan sa pagbabahagi, sinasabi sa lahat kung paano ako sumali sa gawaing ebanghelikal, tungkol lahat sa mga resulta ng nagawa ko. Nang nakita ko ang inggit sa mga mukha ng aking mga kapatid, napakahambog ko at nadamang mas responsable ako kaysa iba. Sa paglipas ng panahon, lagi akong nilalapitan ng aking mga kapatid upang magsabi ng anumang mga problema at hindi na nakatuon sa pagdarasal sa Diyos o pagtitiwala sa Kanya. At di lamang ako nawalan ng takot, kundi natuwa rin dito. Sa huli, lubos kong nawala ang gawain ng Banal na Espiritu at talagang hindi na ako makapagtrabaho pa. Noong unang bahagi ng 2004, inalis ako ng iglesia mula sa aking mga tungkulin at pinauwi ako para sa espirituwal na pagmumuni-muni. Nakaharap sa kinahinatnang ito, para bang napakabilis kong nahulog sa isang napakalalim na hukay. Ang aking buong katawan ay naging malata at mahina mula sa isang matinding pakiramdam ng kabiguan, at hindi ko mapigilang isipin: Napakaganda noong una kong sinimulang gampanan ang aking tungkulin. At ngayon, bumabalik sa gayong kahihiyan, paano ko mahaharap ang aking pamilya at mga kapatid sa aking bayang kinalakhan? Ano ang iisipin nila sa akin? Pagtatawanan ba nila ako, bababa ang tingin sa akin? Sa sandaling naisip ko ang pagkawala ng aking imahe at katayuan sa isip ng ibang tao ay naramdaman kong gusto kong mahulog. Ako ay nabuhay sa pagka-negatibo na hindi ko kayang palayain ang aking sarili at hindi ko kayang maipagpatuloy man lang ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa gitna ng paghihirap na ito, hindi ko magawang manalangin sa Diyos: “Oh Diyos! Ako’y masyadong mahina ngayon at nasa kadiliman ang aking espiritu dahil hindi ko kayang matanggap ang katotohanang ako ay pinalitan. Hindi ko rin nais na sundin ang mga pagsasaayos ng iglesia ngunit alam ko na ang lahat ng ginagawa Mo ay mabuti at naglalaman ng Iyong mabait na kalooban. Nais kong liwanagan Mo ako at unawain ang Iyong kalooban.” Pagkatapos manalangin, nagdulot sa akin ng kaliwanagan ang mga salita ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibiduwal na mga pagkaunawa, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pakitunguhan ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at pagkaunawa ay pawang mga halimbawang kumakatawan sa napakasamang disposisyon. … Bagama’t nakarating ka na sa hakbang na ito ngayon, hindi ka pa rin bumibitiw sa katayuan kundi palagi mong pinipilit na alamin ang tungkol dito, at inoobserbahan ito araw-araw, nang may malaking takot na balang araw ay mawala ang iyong katayuan at masira ang iyong pangalan. … Kayo ngayon ay mga alagad, at nagtamo na kayo ng kaunting pagkaunawa tungkol sa yugtong ito ng gawain. Gayunman, hindi pa rin ninyo naisasantabi ang inyong pagnanasa sa katayuan. Kapag mataas ang inyong katayuan naghahanap kayong mabuti, ngunit kapag mababa ang inyong katayuan hindi na kayo naghahanap. Palagi ninyong iniisip ang mga pagpapala ng katayuan. Bakit hindi maialis ng karamihan sa mga tao ang pagiging negatibo? Hindi kaya dahil palaging malabo ang mga maaasahan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Ang ipinahayag na paghatol ng mga salita ng Diyos ay nagdulot sa akin ng malupit na pagkamulat, at ipinaunawa sa akin na ang gawain ng Diyos sa panahong iyon ay ang pakikitungo sa aking pagnanais sa katayuan, upang magkaroon ako ng hakbang sa tamang landas sa buhay. Sa pag-alala sa panahon mula nang sinimulan kong gawin ang tungkulin ko, napaka-positibo ko sa mga panahong nagkaroon ako ng katayuan. Lubos akong nagtiwala at hindi natakot sa pagdurusa o mga kahirapan. Kapag humarap ako sa isang taong nakikitungo sa akin o pinupungos ang mga aspeto tungkol sa akin, hindi ko nilabanan ito. Ngunit pagkatapos akong bitawan at kinailangan ko nang umuwi, hindi ko na magawang takasan ang aking pagka-negatibo. Nakita ko na mula sa labas tila tinupad ko ang aking tungkulin, ngunit sa katunayan ay iwinagayway ko ang bandila ng pagtupad sa aking tungkulin habang pinamahalaan ko ang mga bagay. Lubusang ginagamit ang Diyos upang bigyang lugod ang aking mga sariling pagnanais na natago sa loob ng maraming taon—upang manguna at makitang nakakaangat. At hindi para hanapin ang katotohanan at mas lalong hindi para tuparin ang tungkulin ng isang nilikha upang bigyang lugod ang Diyos. Noong ginawa ko ang aking tungkulin at nakita ko ang mga kakulangan ng aking mga kapatid, tinulungan ko sila di lamang dahil sa pagmamahal, ngunit umasa ako sa aking katayuan upang pagalitan sila. Sinadya kong inangat ang aking sarili, tumayo bilang isang saksi para sa aking sarili, at nasabik akong tingalain at hangaan ng lahat. Mula umpisa hanggang katapusan, mayroon lamang akong isang layunin sa aking mga kaisipan at pagkilos—hindi ba ito tahasang pakikipaglaban sa Diyos? Ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, kaya dapat natin Siyang sambahin at hangaan. Dapat lamang maglaman ang ating mga puso ng katayuan ng Diyos, ngunit ako ay isang marumi, tiwali at mababang tao na nais magkaroon ng lugar sa mga puso ng iba. Hindi ba’t masyadong mapagmataas ito? Hindi ba ito mapangahas at salungat sa Diyos? Hindi ba’t isang malubhang pagkakasala ang pag-uugaling ito sa disposisyon ng Diyos? Nang naisip ko iyon, hindi ko mapigilang manginig sa takot sa sarili kong mapagmataas na kalikasan. Lumabas na naroon na ako sa mapanganib na sitwasyong iyon na sumasailalim sa kaparusahan ng Diyos! Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal at hindi pinahihintulutan ang mga pagkakasala ng sangkatauhan. Paano Niya mahahayaang pahintulutan ako, ang mapaghimagsik na anak na ito, na walang-pakundangang gambalain at ipahamak ang Kanyang gawain? Noon ko lamang napagtanto na ang pagbitaw sa akin ay ang dakilang pagpapaubaya at dakilang pagmamahal ng Diyos. Kung hindi man, mas higit pa at mas malaki ang magagawa kong kasamaan sa puntong hindi na Niya ako mapapatawad. At pagkatapos noon ay huli na. Habang mas inisip ko ang tungkol dito ay mas natakot ako, at higit kong nadama na marami akong pagkakautang sa Diyos. Wala akong magagawa kundi magpatirapa sa harapan Niya at manalangin: “O Diyos! Masyadong mapagmataas ang aking kalikasan, masyadong mababaw. Hindi ko hinangad ang katotohanan habang tinutupad ang aking tungkulin, at hindi ko naisip suklian ang Iyong pagmamahal. Abala akong pumarito at pumaroon alang-alang sa reputasyon at katayuan, at itinakda ko ang aking puso na pangunahan ang iglesia, kaya paanong hindi ako matitisod at mahuhulog sa panahon ng pagtupad sa aking tungkulin sa ganoong uri ng intensyon? Kung ang Iyong paghatol at pagkastigo, at ang Iyong pakikitungo at pagpupungos ay hindi dumating sa akin sa takdang panahon, tiyak akong magpapatuloy sa landas ng pagiging kaaway ni Cristo. Sa huli ay masisira ko ang aking pagkakataon para sa kaligtasan. O Diyos! Nagpapasalamat ako sa Iyong awa at sa Iyong pagliligtas sa akin. Mula sa araw na ito pasulong, handa kong bitawan ang aking ambisyosong hangarin at hanapin ang katotohanan, at higit pang tanggapin ang Iyong paghatol at pagkastigo, upang makamit ang pagbabago sa aking masamang disposisyon sa lalong madaling panahon.” Pinalaya ako ng kaliwanagan at gabay ng Diyos sa aking pagka-negatibo at pinahintulutan akong magkaroon ng ilang pagkilala sa aking sariling mapagmataas na kalikasan at diwa ng paglaban sa Diyos. Nagkamit din ako ng ilang kaunawaan sa matuwid na disposisyon ng Diyos, at nadama ko ang isang mahusay na pagpapalaya sa aking puso. Handa rin akong patuloy na hanapin ang katotohanan sa kahit anong kapaligiran na itinatakda ng Diyos para sa akin, at para higit na maunawaan nang malalim ang Kanyang kalooban.

Sa aking mga hangarin matapos noon, nakita ko ang mga salita mula sa Diyos na nagsabing: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung angkin niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). “Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat hangaring gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Sinabi na ng mga salita ng Diyos sa mga tao nang ganap na malinaw at nauunawaan kung ano ang Kanyang kalooban at mga kinakailangan upang maunawaan ng sangkatauhan ang wastong paraan ng paghahangad at kung ano ang maling landas. Sa panahong iyon ay inilagay ko ang reputasyon at katayuan nang higit sa lahat, ngunit sa katotohanan, hindi tiningnan ng Diyos kung gaano kataas ang katayuan ng isang tao, kung gaano na sila katagal sa tungkulin, o kung gaano sila naghirap dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos. Tiningnan Niya kung hinangad nila o hindi ang katotohanan at kung may tunay na pag-unawa sa Diyos. Ang mga nasa katotohanan ngunit walang mataas na katayuan ay kaya ring makamit ang Kanyang papuri, ngunit ang mga walang katotohanan at may mataas na katayuan ay yaong kinasusuklaman at tinatanggihan ng Diyos. Ito ang disposisyon ng katuwiran at kabanalan ng Diyos. Hindi matutukoy ng katayuan ang kapalaran ng isang tao, ni hindi simbolo ito ng kaligtasan ng isang tao sa kanilang paniniwala sa Diyos. Hindi ito partikular na tanda ng isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Ngunit lagi kong ginamit ang aking katayuan upang masukat ang sarili kong halaga at ang pagtingala at paghanga ng iba ang aking lubos na kasiyahan. Hindi ba ito ganap na salungat sa mga kinakailangan ng Diyos? Hindi ba’t ang paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan ay ganap na walang saysay? Hindi lamang na di ako magagawang iligtas ng Diyos, ngunit pagdurusahan ko sa huli ang kapasurahan ng Diyos dahil sa aking masasamang paraan. Sa panahong iyon, ang ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ay mapahintulutan akong pumasok sa katotohanan, upang maitaguyod ang pagbabago sa disposisyon, hangarin ang pagsunod at pagmamahal sa Diyos, at sa huli ay maligtas at gawin Niyang perpekto. Tanging ito ang tamang landas. Matapos maunawaan ang lahat ng ito, ang aking puso ay puspos ng pasasalamat sa Diyos. Salamat sa Kanyang paghatol at pagkastigo na humila sa akin mula sa maling landas at niliwanagan ako upang maunawaan ko ang Kanyang kalooban, na pinahihintulutan akong makita nang malinaw sa huli ang panganib at mga kahihinatnan ng paghangad sa reputasyon at katayuan. Sa gayon lamang ako nagising at nakabalik sa takdang panahon. Sa pamamagitan ng karanasang iyon nagkaroon ako ng ilang kaalaman sa aking mga maling pananaw sa paghahangad, naunawaan ko ang ilang mga katotohanan pati na rin ang mabait na intensiyon ng Diyos, at muli na namang gumaling ang estado ng aking isip. Inilaan ko ang aking sarili sa muling pagtupad ng aking tungkulin.

Noong Hulyo ng 2004 nagpunta ako sa isang malayong lugar sa kabundukan at nakipagtulungan sa isang kapatid na lalaki doon sa gawain ng ebanghelyo. Nang sinimulan ko ang gawaing iyon, inalala ko ang aking mga nakaraang kabiguan bilang leksyon. Madalas kong pinaalalahanan ang aking sarili na huwag maghangad ng reputasyon o katayuan kundi tapat na tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha, kaya kapag may mga problemang hindi ko naunawaan o hindi malinaw, isasantabi ko ang aking sarili at aktibong hahanapin ang aking kapatid para sa pagbabahagi, upang talakayin at lutasin ito. Ngunit habang nagbunga ng mas marami ang aking gawain, ang aking mapagmataas na kalikasan ay muli na namang lumabas at nagsimula akong tumuong muli sa sarili kong imahe at katayuan. Minsan sa isang pagpupulong, isang miyembro ng lokal na pangkat ebanghelikal ang nagsabi sa akin nang masaya: “Salamat sa iyong pagparito nagawa naming magbalik-loob ang higit pang mga mananampalataya….” Sinabi ng aking bibig na ito ang resulta ng gawain ng Banal na Espiritu, ngunit sa aking puso ay nalugod ako sa aking sarili. Nang matapos ang pulong at bumalik ako sa tahanan ng pamilyang kumupkop sa akin, umupo ako sa aking kama at binalik-tanaw sa aking isip ang bawat eksena ng aking gawain sa panahong iyon. Hindi ko napigilang purihin ang aking sarili, na iniisip: Tila mayroon akong tunay na kakayahan sa gawaing ito. Hangga’t patuloy akong nagtatrabaho nang maigi, tiyak na tataas muli ang aking ranggo. Sa gayon, nakita ko ang aking sarili bilang isang bayani, at nawala na sa aking puso ang katayuan ng Diyos. Nang magampanan ko ang aking tungkulin pagkatapos noon, nagsimula akong makipagkumpetensya para sa katayuan at inihambing ang mga posisyon sa aking mga katrabaho. Tahasan kong sinimulang magyabang sa harapan ng aking mga kapatid na para bang ang pagsisikap ko ang dahilan ng anumang resulta mula sa aming gawain. Nang muli na naman akong bumalik sa kalaliman nang paunti-unti, muli na namang inabot ng Diyos ang kamay ng kaligtasan sa akin. Isang gabi ay bigla akong nagkaroon ng malubhang trangkaso. Umabot ng 102 digri ang aking temperatura at kahit na matapos uminom ng gamot sa loob ng ilang araw ay hindi pa rin ako gumaling. Nagpunta ako sa ospital upang kumuha ng infusion, ngunit hindi bumuti ang aking kalagayan bagkus ay mas lumubha pa. Hindi ko magawang kumain kahit na ang uminom ng tubig. Sa huli, naratay ako sa higaan at nadamang tila nasa bingit na ako ng kamatayan. Sa ilalim ng labis na pagpapahirap ng sakit na iyon, hindi ko na inisip kung anong uri ng katayuan ang tataglayin ko sa susunod na araw. Mabilis akong lumuhod at nanalangin sa Diyos: “O Diyos! Ang sakit na dumating sa akin ay ang Iyong mabait na kalooban pati na rin ang Iyong matuwid na disposisyon. Hindi ko nais unawain Ka nang mali o sisihin Ka; hinihiling ko lamang na liwanagan at paliwanagin Mo akong muli upang pahintulutan akong maunawaan ang Iyong kalooban nang mas lubos kong maunawaan ang sarili kong katiwalian.” Pagkatapos manalangin, higit na mas napayapa ang aking puso. Nang maglaon, ang mga salitang ito ng Diyos ay biglang dumating sa akin: “Ang mapagmataas at palalong mga kalikasan ninyo ang nagtutulak sa inyo na ipagkanulo ang sarili ninyong mga konsensya, na maghimagsik at lumaban kay Cristo, at upang ibunyag ang kapangitan ninyo, sa gayon inilalantad sa liwanag ang mga balak ninyo, mga kuro-kuro, mga kapalaluang pagnanais, at mga matang puno ng kasakiman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isa Ka bang Tunay na Mananampalataya sa Diyos?). Ang bawat isa sa mga salitang ito mula sa Diyos ay tumagos sa aking puso tulad ng isang espada; tinamaan ng mga ito ang mortal kong bahagi. Ang bawat isang uri ng kapangitan ng pagmamataas na ipinahayag ko ay dumating sa aking isip na may mahusay na kalinawan. Nasaktan ang aking puso at walang sukat ang aking pagkapahiya. Noon ko lamang malinaw na nakita na ang aking sariling mapagmataas na kalikasan ang nagdulot sa aking budhi na mawala ang orihinal na tungkulin nito kaya hindi ako palaging tapat na sumusunod at sumasamba sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ako palaging nagkikimkim ng ambisyon at pagnanais, at sa sandaling nakakuha ako ng ilang pagkakataon ay makikipagkumpetensya ako para sa katayuan, at nais kong ipagyabang ang aking sarili at supilin ang iba. Hindi lamang ako maaaring maging isang mabuting tao. Maliwanag na ang anumang bunga ng aking trabaho ay nakasalalay sa gawain ng Banal na Espiritu; ito ay pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, wala akong hiyang inagaw ang luwalhati sa Diyos, samantalahin ang pagkakataong itaas ang aking sarili, at nasiyahan sa pagtingala at paghanga ng aking mga kapatid na lalaki at babae; naging masyado akong mapagmataas na nawala ako sa aking pag-unawa. Noon ko lamang napagtanto na ang mapagmataas na kalikasan kong ito ay ang mismong ugat ng aking pagtutol sa Diyos. Kung hindi ko ito nalutas, hindi ko kailanman makakamit ang pagsunod sa Diyos o debosyon sa pagtupad sa aking tungkulin.

Sa ilalim ng gabay ng Diyos, muli kong naisip ang Kanyang mga salita: “Kapag kinikilala ng isa kung ano ang tunay niyang kalikasan—gaano kapangit, gaano kasuklam-suklam, at gaano kaawa-awa—hindi na niya ipinagmamalaki nang labis ang kaniyang sarili, hindi na masyadong mapagmataas, at hindi na gaanong nasisiyahan sa kaniyang sarili tulad ng dati. Nararamdaman ng gayong tao, ‘Kailangan kong maging masigasig at makatotohanan, at isagawa ang ilan sa mga salita ng Diyos. Kung hindi, ako ay hindi aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiyang mamuhay sa harapan ng Diyos.’ Nakikita niyang tunay ang sarili bilang napakahamak, bilang totoong walang halaga. Sa pagkakataong ito ay nagiging madali para sa isa na isakatuparan ang katotohanan, at ang isa ay mas magmumukhang katulad ng kung ano dapat ang isang tao(“Ang Kilalanin ang Sarili ay Pangunahing Tungkol sa Pagkilala sa Pantaong Kalikasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa at pagpasok, at kung nais kong lubusang bitawan ang aking mga saloobin ng reputasyon at katayuan, kailangan kong magsikap na alamin ang sarili kong kalikasan. Kapag tunay kong nakita kung gaano ako kababa, kung gaano ako naging walang silbi, magagawa kong maging isang mapagkumbabang tao at hindi na maging mapagmataas. Pagkatapos, maaari ko nang hangarin ang katotohanan nang matatag. Sa katunayan, para sa akin ang pagpapatupad na ito ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang hagupit at disiplinang ito, upang magkaroon ng tunay na pag-unawa sa sarili kong diwa at sa aking likas na pagkakakilanlan at katayuan. Ito ay upang pahintulutan akong magkaroon ng kaalaman sa sarili sa harapan ng Diyos, upang makilala ang aking sariling kahirapan sa espiritu, ang aking sariling kawalan. Ito ay upang pahintulutan akong malaman na ang kailangan ko ay ang katotohanan, ang kaligtasan ng Diyos, mula sa kung saan maaari akong magpatirapa sa harap ng Diyos at maging isang mabuting tao. Ito ay upang maaari kong matupad ang aking tungkulin upang masiyahan ang Diyos at hindi na hangarin ang katayuan na nagpapasakit sa Kanyang puso. Sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita, nagkaroon ako ng daan pasulong pati na rin ang kumpiyansang hangarin ang katotohanan. Kahit na ako ay labis na pinasama ni Satanas at ang aking mapagmataas na kalikasan ay lubos na nakabaon, hangga’t nakaya kong tanggapin at sundin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at Kanyang pagsubok at kadalisayan, nakikilala ko mula roon ang aking sariling kalikasan at diwa, at pagkatapos ay walang kapagurang hinahangad ang katotohanan, tiyak na itatakwil ko ang mga tanikala at ang pagpapahirap ng reputasyon at katayuan, at papasukin ang landas ng pagiging ligtas, ng pagiging perpekto. Pagkatapos kong bumalik sa Diyos, gumaling ako sa aking sakit sa loob ng dalawang araw. Mas lalo pa nitong pinatanto sa akin na ginamit Niya ang sakit na iyon bilang paraan upang disiplinahin ako. Hindi upang sinadya akong pahirapan, ni wala ring kaparusahan dito—iyon ay upang pukawin ang aking manhid na puso, upang bitiwan ko ang aking mga maling gawain sa lalong madaling panahon at pasukin ang tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Lubos akong naantig at pinalakas ng pagmamahal ng Diyos. Taos-puso kong inalay ang aking pasasalamat at papuri sa Diyos.

Pagkaraang gumaling ako mula sa aking sakit, muli akong nagbalik sa trabaho. Tahimik akong nagpasiya sa aking puso na kapag nakatagpo ako ng isang bagay na may kinalaman sa reputasyon o katayuan, tiyak akong magiging saksi para sa Diyos. Makalipas ang ilang buwan, nalaman kong may isa pang pangkat ebanghelikal ang nakakuha ng napakahusay na mga resulta at nakaranas ng ilang kamangha-manghang pagkilos ng Diyos, at binuod ang ilan sa kanilang matagumpay na mga karanasan at kanilang landas ng pagsasagawa. Gayunman, ang aking nilahukang gawain ay lumulubog. Nang makita ko ang kabiguan sa mga mukha ng aking mga kapatid, lalo na nang marinig ko ang isang kapatid na babae na nagsasabing “Nasisiyahan na kami ngayon sa naturang dakilang kaligtasan mula sa Diyos ngunit hindi namin nagagawang sumaksi sa Kanyang gawain. Tunay kaming may utang na loob sa Kanya,” at hindi magawang huminto ng lahat sa kanilang pag-iyak, nasaktan nang lubos ang aking puso. Hindi ko alam kung paano makakalabas sa mabigat na suliraning iyon, at paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos! Lahat kami ay mahina kapag naharap sa mga praktikal na kahirapan, ngunit alam kong Ikaw itong sumusubok sa aming pagtitiwala, sinusubukan ang aming debosyon. Ngunit napakaliit ng aking kinatatayuan at hindi ko talaga kayang dalhin ang bigat na iyon. Nakikiusap ako sa Iyong liwanagan ako upang maunawaan ang Iyong kalooban. Handa akong kumilos ayon sa Iyong patnubay.” Pagkatapos ng pagdarasal, biglang sumagi sa akin ang isang ideya: Dapat kong hingin sa katrabaho doon na makipagkita sa amin sa pagbabahagi upang makakuha kami ng ilan sa kanyang mga lakas at karanasan. Sa ganoong paraan ang mga kapatid ay magagawang matamasa ang kaliwanagan at ang pangunguna ng Banal na Espiritu at malaman kung paano gagawin ang kanilang gawain ng ebanghelyo. Alam kong ang ideyang ito ay nagmula sa gabay ng Banal na Espiritu, ngunit mayroon akong ilang mga pagdududa sa aking puso. Naisip ko: Dati akong mas may kakayahan kaysa sa kapatid na iyon sa lahat ng paraan at kapag magkakasama kami sa mga pulong, laging mababa ang tingin ko sa kanya, ngunit ngayon, mas mahusay ang pagganap niya kaysa sa akin. Kapag nakita niya akong mukhang desperado at napahiya ngayon, tatawanan kaya niya ako? Bababa ba ang tingin sa akin ng aking mga kapatid? Paano ang pagsasalba sa aking kahihiyan? … Nag-isip ako nang nag-isip, at hindi ko pa rin maalis ang ideya ng sarili kong mukha at katayuan, ngunit sa sandaling naisip ko ang kagyat na kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan at ang aking mga kapatid ay walang gabay at pamumuno ng Banal na Espiritu, kinastigo ako sa loob ng aking puso. Sa aking pag-aalinlangan, niliwanagan ako ng mga salitang ito mula sa Diyos: “Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang mga taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, mas higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Kunin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uusad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at paraan kung saan lalago ang buhay. Ang landas ng pagiging perpekto ay naaabot sa pamamagitan ng pagsunod mo sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay na hahayaan ka Niyang makamit o makita ang mga bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Sa ilalim ng pamumuno mula sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko ang Kanyang kalooban at nagkamit ng ilang pag-unawa sa kung paano pamumunuan at gawing perpekto ang mga tao sa gawain ng Banal na Espiritu. Napagtanto ko: Ang gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos ay kamangha-mangha at mahiwaga. Hindi ko alam kung anong uri ng tao o bagay ang Kanyang gagamitin upang liwanagan at gabayan ako upang maunawaan ang Kanyang kalooban, ni hindi ko alam kung anong uri ng kapaligiran Siya makikitungo sa aking masamang disposisyon. Dapat kong matutuhang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu, at kahit gaano kataas o kababa ang katayuan ng isang tao, anuman ang kanilang edad, o kung gaano katagal sila naniwala sa Diyos, hangga’t ang kanilang pagbabahagi ay naaayon sa katotohanan, ito ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, at maaari nitong ituro ang praktikal na landas, na nagmumula sa gawain at kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Dapat kong tanggapin, sundin, at isagawa—ito ang makataong dahilan na dapat kong taglayin. Kung hindi ko susundin ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon, handa kong hayaang makompromiso ang aking gawain upang mapanatili ang aking sariling kayabangan. Handa kong hayaan ang aking mga kapatid na manahan sa kadiliman upang mapanatili ang sarili kong imahe at katayuan. Kung gayon, isa akong tunay na masamang lingkod at isang anticristo! Nang matanto ko iyon, hindi ko mapigilang maramdaman ang takot at hindi ako nangahas na muling magmatigas at kalabanin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Handa kong talikuran ang sarili kong satanikong kalikasan at aliwin ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos. Kaya, agad kong tinawagan ang katrabahong iyon at hiniling sa kanyang makipag-usap sa amin. Ang nagdulot ng hiya sa akin ay pagkatapos naming magkita nang personal, ang kapatid na iyon ay hindi ako tiningnan nang mababa ni hindi ako tinawanan. Tunay siyang nagbahagi kung paano sila nagtrabaho nang sama-sama habang ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa gitna nila, at kung paano sila umasa sa Diyos at nanalangin sa Diyos nang humarap sila sa mga kabiguan at kakulangan, anong mga pagkilos ang nakita nila mula sa Diyos pagkatapos nito, anong uri ng tunay na pag-unawa ang nakamit nila tungkol sa Diyos, at marami pa. Nang nakikitang maluwag at nagagalak ang hitsura ng aking kapatid, at nakikitang nakikinig nang taimtim at maginhawa ang aking mga kapatid, at nakikita pagkatapos ang mga ngiting unti-unting lumilitaw sa kanilang mga mukha, nadama ko ang matinding sakit na tila namighati ako. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay hindi para sa kasiyahan ng aking sariling mukha o katayuan, kundi ako ay sinaway sa aking puso dahil sa aking pagkakautang sa Diyos. Dahil dito, taos-puso kong naranasan ang responsibilidad at ang tungkuling inako ng isang mahusay na pinuno. Kung ang daan na personal kong kinuha ay hindi tama, pipinsalain at sisirain nito ang buhay ng napakaraming tao. Magdudulot ito ng espirituwal na pagdurusa sa napakaraming tao. Kung gayon, hindi ba ako naging pangunahing salarin sa paglaban sa Diyos? Nang makumpleto ang gawain ng Diyos, paano ko Siya bibigyang halaga? Iyon ang panahong tunay kong kinamuhian sa wakas ang aking sarili mula sa kaibuturan ng aking puso. Kinamumuhian ko na noong habang ginagawa ko ang aking tungkulin, hindi ako tunay nakibahagi sa aking gawain ngunit naisip ko lamang hangarin ang reputasyon at katayuan at masayang-masaya sa mga pagpapala ng katayuan. Hindi lamang ito nakagambala sa mga pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid, ngunit lalo pa itong nakagambala sa pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos. Madalas ko ring nawala ang gawain ng Banal na Espiritu at nahulog sa kadiliman. Nakita ko na ang paghangad sa reputasyon at katayuan ay mas higit na gumawa ng pinsala kaysa ng kabutihan. Ngunit habang nararamdaman ko ang pagkakasala at pagsisisi, nadama ko rin ang isang piraso ng lunas. Ito ay sapagkat, sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, sa wakas ay binitiwan ko ang pansariling kapakinabangan upang isagawa ang katotohanan sa sandaling ito. Nakagawa ako ng isang bagay na kapaki-pakinabang para sa gawain, para sa aking mga kapatid, at para sa aking sarili. Pinahiya ko si Satanas sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos at tumayong saksi para sa Diyos sa panahong ito.

Sa aking karanasan sa gawain ng Diyos at dahil sa aking paghabol sa reputasyon at katayuan, naranasan ko ang maraming mga kabiguan at kakulangan. Lumiko ako ng landas nang napakaraming beses, at dahil sa nangyari ito, ako’y pinakitunguhan at dinalisay. Unti-unti, nakita kong mas higit na di mahalaga ang katayuan, at kung ano ang pinaniniwalaan ko noon—kung walang katayuan ay walang kinabukasan at walang titingala sa iyo—ang nasayang na pananaw na ito ay binaliktad. Labinlimang taon ko nang sinusunod ang Diyos. Sa tuwing iniisip ko ang gawain ng Diyos sa akin, palaging may matamis na damdaming dumarating sa akin. Hindi ko kailanman magagawang kalimutan ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa akin. Kung hindi idinisenyo ng Diyos ang aking kapaligiran at pinakitunguhan ang aking mga mapaghangad na pagnanais para sa katanyagan, pakinabang at katayuan sa maagang yugto ng aking buhay, paano ako magiging handang bitawan ang pananampalatayang ikinabubuhay ko nang maraming taon at naging buhay ko na? Kung hindi dahil sa kaligtasan ng Diyos na dumarating sa akin sa takdang panahon, mabubuhay pa rin ako ayon sa mga lason ni Satanas, at ibinubugaw ang aking buhay para sa isang panaginip na hindi maisasakatuparan. At kung hindi dahil sa paulit-ulit na mga pahayag at kadalisayan ng Diyos, sisikapin ko pa ring tahakin ang maling landas at hindi ko malalaman kailanman kung gaano kalubha ang aking sariling kayabangan at kung gaano kalakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Talagang hindi ko mapagtatantong ako ang kaaway ng Diyos. Iyon ang pambihirang gawain ng Diyos na gumawa sa aking makita ang karamihan ng diwa at pinsala ng paghahangad ng katanyagan, pakinabang at katayuan. Pinahintulutan nito ang aking mga maling pagpapahalaga at pananaw sa buhay na dumanas ng makabuluhang pagbabago, at pinayagan nito na maunawaan ko na ang paghangad lamang sa katotohanan at pagtupad sa tungkulin ng paglikha ay ang tunay na buhay ng tao, at tanging sa pamamagitan ng pagtalikod sa madilim na impluwensya ni Satanas at pamumuhay batay sa mga salita ng Diyos ay maaari akong mabuhay na may kahulugan at halaga. Lubos na bunga ito ng paghatol at pagkastigo ng Diyos kung saan nagawa kong magkaroon ngayon ng pag-unawa at pagbabago. Bagaman ang pagsasailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nangailangan sa aking sumailalim sa sakit ng kadalisayan, nakamit ko ang ilang pag-unawa sa praktikal na gawain ng Diyos, sa Kanyang mabait na diwa, at sa Kanyang disposisyon ng katuwiran at kabanalan. Malinaw ko nang nakikita, kinasusuklaman at itinatakwil ngayon ang mga lason ni Satanas na pininsala ako nang maraming taon, at nagawa kong magkaroon ng tunay na buhay ng tao. Wala sa mga ito ang nagdusa nang walang kabuluhan. Ito ang pinaka-makabuluhan, ang pinakamahalagang bagay. Mula ngayon at pasulong, handa ko nang tanggapin ang higit pa sa paghatol at pagkastigo, pati na ang mga pagsubok at kadalisayan mula sa Diyos upang ang bawat uri ng aking masamang disposisyon ay linisin sa lalong madaling panahon, at maaari akong maging isang tao na nakahanay sa kalooban ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakalaya Mula Sa Inggit

Ni Claude, France Sa simula ng 2021, naglilingkod ako bilang tagapangaral at ipinareha kay Brother Matthew upang mamuno sa gawain ng...