Pagtakas sa Pangil ng Kamatayan

Nobyembre 27, 2019

Ni Wang Cheng, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi kailanman nawawala ang Diyos sa puso ng tao, at naninirahan Siyang kasama ng tao sa lahat ng oras. Siya ang puwersang nag-uudyok sa pamumuhay ng tao, ang ugat ng pag-iral ng tao, at isang mayamang mapagkukunan para sa pag-iral ng tao pagkatapos ng kapanganakan. Siya ang sanhi upang muling isilang ang tao, at binibigyang-kakayahan Niya itong isabuhay nang masigasig ang bawat papel nito. Salamat sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang di-mapapawing puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa sunud-sunod na mga salinlahi, at sa lahat ng ito’y ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ang pangunang sandigan sa pag-iral ng tao, at binayaran ng Diyos ang halagang hindi pa kailanman nabayaran ng isang karaniwang tao. Kayang manaig ang puwersa ng buhay ng Diyos sa anumang kapangyarihan; higit pa rito, higit ito sa alinmang kapangyarihan. Walang hanggan ang Kanyang buhay, higit sa karaniwan ang Kanyang kapangyarihan, at hindi magagapi ng anumang nilikha o puwersa ng kaaway ang Kanyang puwersa ng buhay. Umiiral ang puwersa ng buhay ng Diyos at pinagniningning ang makinang nitong liwanag anuman ang oras o lugar. Maaaring sumasailalim sa malalaking pagbabago ang langit at lupa, ngunit ang buhay ng Diyos ay ganoon pa rin magpakailanman. Maaaring lumilipas ang lahat ng bagay, ngunit mananatili pa rin ang buhay ng Diyos, sapagkat ang Diyos ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay at ang ugat ng kanilang pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Nung binasa ko ito dati, naintindihan ko lang sa teorya pero ‘di ko talaga naintindihan o napahalagahan. Tapos inaresto ako, inusig at walang-awang pinahirapan ng CCP at ang salita ng Diyos ang gumabay sa akin para makatakas sa pangil ng kamatayan. Nakita ko ang mga gawain ng Diyos at ang paglampas ng awtoridad ng salita Niya sa lahat. Naintindihan ko na ang Diyos at lumago na rin ang pananalig ko.

Taong 2006 yon, paglilimbag ng mga libro ng mga salita ng Diyos ang trabaho ko sa iglesia. Habang nagde-deliver ako noon ilan sa mga kapatid na nagde-deliver ng libro at yung kinuha naming driver na taga-printing press ang inaresto ng mga pulis ng CCP. Sampung libong kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ang kinumpiska nila. Ikinanta kami nung driver, kaya marami pang mga kapatid ang inaresto. Nagimbal no’n ang dalawang probinsya at nangasiwa ro’n ang Sentrong Komite. Nalaman ng CCP na lider ako ng iglesia kaya inutusan nila ang mga pulis na imbestigahan ang saklaw ng aking trabaho. Tapos nung panahong yon, kinumpiska ng mga pulis ang dalawang kotse at isang trak mula sa printing press, kinuha rin nila sa kanila ang sixty five thousand five hundred yuan. Lampas 3,000 yuan din ang kinuha sa mga kapatid na tumutulong sa delivery. Tapos, hinalughog ng mga pulis ang bahay ko, marahas nilang binuksan ang pinto. Sinira nila at binasag ang bawat mahawakan, iniwan nila ang bahay na sobrang gulo. Hindi ako nahuli ng CCP pero ikinulong nila ang mga kapitbahay ko at yung ibang may kaugnayan sa’kin at pinilit silang umamin kung nasa’n ako.

Nagtago ako sa isang kamag-anak para hindi maaresto at mapahirapan ng CCP. Nagulat ako nung, pangatlong araw ko sa bahay ng kamag-anak ko, yung mga pulis sa lugar ko nakipag-ugnayan sa mga local police pati na rin sa criminal police, may isandaang tao ang pumalibot sa bahay ng kamag-anak ko. Tapos, sumugod sa bahay ang mga pulis. Lampas isang dosena ang tumutok ng baril sa ulo ko at sumigaw yung isa: “Isang galaw mo lang, patay ka!” Nagkandarapa silang lahat para posasan ako, pinilipit nila ang kanang kamay ko sa may batok ko at hinatak patalikod ang kaliwa. Hindi ako maposasan kaya tinukuran nila ang kamay ko para tumaas, tapos pilit nilang inilagay ang posas sa mga kamay ko. Napakasakit ng ginawa nilang yon. Kinuha nila ang 650 yuan na nakita nila sa’kin at tinanong nila ang pera ng iglesia, ibigay ko raw sa kanila. Du’n ako nagalit. Anong klase silang mga “tagapagtanggol ng mga tao”? Nagbasa ako ng salita ng Diyos at ginawa ang tungkulin pero bumuo sila ng pwersa at pinuntahan ako para hulihin, ngayon, gusto nilang nakawin ang pera ng iglesia. Napakasama nila! Napansin nilang tahimik ako, kaya sinapak ako ng isang opisyal at sinipa nang malakas. Pinagpasa-pasahan na parang bola ng soccer. Hinimatay ako sa sobrang sakit. Nung nagkamalay na ako, nasa patrol car ako, at iuuwi na sa lugar ko. Nilagyan ako ng mabigat na kadena ng mga pulis, kinadena nila ang leeg ko sa isang dulo at sa kabila naman ang mga paa. Bumaluktot ako na parang bola at nakatingin sa ibaba, mahigpit kong niyakap ang tuhod ko para di mahulog. Nakita ng mga pulis ang paghihirap ko, kaya pinagtawanan nila ako at sinabihan pa ng masasakit na salita. Alam na alam ko na gano’n sila sa akin dahil sa pananalig ko sa Makapagyarihang Diyos. Naalala ko ang talatang winika ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo(Juan 15:18). Sa pagtindi ng ginagawa nila sa’kin, mas nakita ko ang kapangitan nila at ang masama nilang kalikasan ng pagkapoot sa Diyos. Mas lalo akong nagalit sa kanila. Walang-tigil akong nagdasal nang taimtim sa Diyos na protektahan Niya ang puso ko, nang sa gano’n, kahit ano pang pagpapahirap ang harapin ko, makapagpapatotoo ako at maipapahiya si Satanas. Pagkadasal ko, naalala ko ang salita ng Diyos: “Manahimik sa loob Ko, sapagkat Ako ang inyong Diyos, ang inyong tanging Manunubos. Dapat ninyong payapain ang inyong mga puso sa lahat ng sandali at mabuhay sa loob Ko; Ako ang inyong bato, ang inyong tagapagtaguyod(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Totoo yon. Ang lahat sa tao ay nasa kamay at pagsasaayos ng Diyos, at Siya ang magpapasya kung mabubuhay tayo o mamamatay. Kasama ang Makapangyarihang Diyos, anong kailangan kong katakutan? Ang bagay na yon ang nagpanibago sa pananalig ko, sumandig ako sa Diyos para maharap ko ang pagpapahirap nila.

’Di ko alam kung ilang beses akong hinimatay sa sakit sa labing-walong oras naming paglalakbay. Ang naaalala ko lang pasado alas dos na ng umaga nang dumating kami sa kulungan sa lugar ko. Pakiramdam ko namuo na ang dugo ko sa buong katawan. Namaga ang mga kamay at paa ko, manhid at walang maramdaman, hindi ko maigalaw. Narinig ko yung dalawang pulis na nag-uusap, sabi, “Patay na ba yan?” Tapos no’n, hinatak nila yung kadena sa katawan ko at kinaladkad ako. Naramdaman ko ang ngipin ng posas na bumabaon sa kalamnan ko, tapos walang-awa nila akong kinaladkad palabas ng kotse at itinapon sa lupa. Hinimatay ako sa sakit. Tapos ginising ako sa sipa ng isang pulis at kinaladkad papasok ng isang selda. Kinabukasan, mga isang dosenang armadong pulis ang kumuha sa’kin sa bilangguan at dinala ako sa isang liblib na lugar sa labas ng syudad. May patyo na may matataas na pader. Mukhang mahigpit ‘yung binabantayan. Maraming armadong pulis, at sa pinto, may nakasulat na “Police Dog Training Base”. Pagpasok ko sa kwarto, nandun ang mga gamit sa pag-torture. Pagkakita ko, nanlamig ang dugo ko. Pinatayo muna ako sa gitna ng patyo, wag daw akong gumalaw. Binuksan nila ang hawla, pinalabas ang apat na aso, tapos tinuro ako at sinabi sa mga aso na “Sige, sugod! Patayin s’ya!” Nagkukumahog na sumugod sa’kin ang apat na aso ng mga pulis, napapikit na lang ako sa sobrang takot. Hindi ako makagalaw at isa lang ang sinasabi ko sa utak ko: “Diyos ko! Iligtas Mo ako! Iligtas Mo ako!” Paulit-ulit ko Siyang tinawag sa puso ko. Ilang saglit lang, bigla kong nakita ang mga aso yung damit ko lang ang kinakagat nila. Hindi nila ako kinagat. May isa pang aso na nakahilig sa may balikat ko, inaamoy n’ya ako at dinidilaan ang mukha ko. Hindi rin n’ya ako sinasaktan. Nung sandaling yon bigla kong naisip si Propetang Daniel sa Biblia. Itinapon s’ya sa mga leon dahil nanalig s’ya sa Diyos, pero kasama n’ya ang Diyos. Nagpadala Siya ng mga anghel para takpan ang bibig ng leon para hindi nila masaktan si Daniel. Dahil do’n mas tumindi ang pananalig ko. Naramdaman ko talaga na, nasa mga kamay ng Diyos ang lahat, bahala Siya kung mabubuhay ako o mamamatay. Naisip ko, “Kung magiging martir ako ngayon, isa ‘yung karangalan at hindi ako magrereklamo.” Di ako napigil ng pag-iisip sa kamatayan at nung ibibigay ko na ang buhay ko para magpatotoo sa Diyos, meron pa akong nakitang gawain ng Diyos. Narinig ko ang mga pulis na sumisigaw ng “Patayin s’ya, patayin s’ya!” Pero yung mga aso lumapit lang at kinagat ang damit ko, inamoy at dinilaan ako, tapos umalis na. Pinigilan nila ang mga aso, at inutusang kagatin ako, pero tuluyang umalis ang mga aso at hindi ako kinagat. Naguluhan ang mga pulis, sabi nila, “Nakapagtataka, ayaw s’yang kagatin ng mga aso!” Sa narinig kong yon naisip ko ang salita ng Diyos: “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Ligtas at walang nangyari sa’kin sa gitna ng mga aso dahil prinotektahan ako ng Diyos. Pinakita Niya ang kapangyarihan Niya at ang nakamamangha Niyang gawain. Mas tumindi ang pananalig ko sa Diyos.

Hindi nangyari ang gusto nilang mangyari, kaya dinala ako ng mga pulis sa torture room at ibinitin nila ako nang naka-posas. Nakadama agad ako ng sakit sa pulso ko, para bang napatid na ang pulso ko sa sakit. Hindi pa rin sila tumigil, binugbog nila ako at pinagsisipa. Pag pagod na yung isa may bago namang papalit sa kanya. Punung-puno ako ng pasa, ang daming nawalang dugo sa’kin. Gumabi na pero hindi pa rin nila ako pinapakawalan. Tuwing pumipikit ang mga mata ko, tine-taser nila ako ng baton nila, habang hinahataw ako nung isa, sabi n’ya, “Pag nahimatay ka dahil sa hataw sa’yo, hahatawin din kita para magising!” Pagkarinig ko sa sinabi n’ya, alam ko nang ginagawa ni Satanas ang lahat ng pagpapahirap para bumagsak ako, nang sa gano’n ‘pag hirap na ako, mahina na at di na makapag-isip nang derecho, makakakuha na sila ng impormasyon tungkol sa iglesia. Maaaresto na ang mga kapatid at makukuha ang pera ng iglesia. Nagngalit ako, tiniis ang sakit, binalaan ko ang sarili ko: “Kahit nakabitin ako, hindi ako magpapadala kay Satanas!” Tuloy sila sa pag-torture sa’kin hanggang madaling-araw. Naramdaman ko na parang unti-unti nang nauubos ang lakas ko, na mamamatay na ako, at wala na akong lakas para lumaban. Walang tigil kong tinawag ang Diyos sa puso ko: “Diyos ko! Mahina na ang katawan ko, at hindi ko na kayang lumaban. Habang may natitira pa akong hininga at habang may natitira pa akong ulirat, kunin Mo na sana ang kaluluwa ko. ‘Di kita ipagkakanulo gaya ni Judas.” Pagkatapos kong magdasal, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay dumarating ang Diyos sa katawang-tao at bukod pa riyan ay isinisilang sa tirahan ng malaking pulang dragon, higit kaysa rati, nahaharap Siya sa matinding panganib sa pagparito sa lupa sa panahong ito. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote at mga panghampas; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay ang maraming tao na may mga mukhang naglalayong pumatay. Nakalantad Siya sa panganib na mapatay anumang sandali(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 4). Ang Diyos ang Lumikha. Napakataas Niya at kagalang-galang. Dalawang beses nang nagkatawang-tao ang Diyos, tiniis Niya ang kahihiyan para maihayag ang katotohanan, patuloy na tinugis at pinahirapan ni Satanas, kinondena’t tinanggihan ng mundo ng relihiyon at ng parehong henerasyon. Ang laki ng paghihirap Niya. Iniisip ang pag-ibig Niya, naantig talaga ako, at sinumpa ko na “Hangga’t may natitira akong hininga, magpapatotoo ako’t ipapahiya si Satanas!” Napansin ng mga pulis na tahimik ako kaya natakot sila na mamatay ako sa bugbog at hindi sila makapag-report, kaya tumigil sila, pero iniwan nila ako sa pader na nakasabit ng dalawa pang araw at gabi.

Sobrang lamig ng panahon noon. Manipis lang ang suot ko at basang-basa ang katawan. Hindi pa rin ako kumakain. Dama ko na parang hindi na ako tatagal. Sa puntong yon may isa pang ginawa ang mga pulis, tumawag sila ng isang psychologist. Susubukan nila na impluwensyahan ang pag-iisip ko, at i-brainwash ako. Sabi nung psychologist, “Bata ka pa, may mga magulang pa at anak. Mula nang arestuhin ka, yung ibang nananalig, pati na ang lider mo, ay hindi man lang nag-aalala sa’yo. Hindi ba kabaliwan na naghihirap ka para sa kanilang lahat?” Pagkarinig ng kasinungaling yon, naisip ko, “Kung dadalawin ako ng mga kapatid, parang lalakad sila sa patibong di ba? Nililinlang mo ako at gusto mong mahulog ako sa pakanang ito, Ginugulo mo ang relasyon namin ng mga kapatid, nang sa gano’n ay sisihin ko at tanggihan ang Diyos. Hindi ka magtatagumpay.” Salamat sa proteksyon ng Diyos, nakita ko ang pakana ni Satanas, at hindi ako nagpadala. Natalo, umiling ang psychologist at sabi n’ya, “Wala na s’yang pag-asa. Wala na tayong magagawa. Wala tayong makukuha sa kanya. Hindi s’ya magsasalita.” Umiiling s’ya nang sinabi yon, at umalis na talunan.

Di umubra ang hinahon kaya pinakita ng mga pulis ang kulay nila, binitin ako ng isa pang araw. Nang sumapit na ang gabi, nilamig ako nanginig ang katawan, ang mga kamay ko parang matatanggal. Ang sakit talaga. Naging malabo ang pag-iisip ko, naramdaman ko na parang hindi ko na kaya. Tapos no’n, may dumating na isang pulutong ng mga opisyal, bawat isa ay may hawak na pamalo na isang metro ang haba. Pinagpapalo nila ako sa tuhod at bukung-bukong, at yung iba namang mga opisyal, pinagkukurot ako. Sa sobrang sakit, gusto ko nang mamatay. Nung oras na yon, bagsak na ako. Hindi ko na kaya ang sakit, kaya napaiyak ako. Naisip ko nang ipagkanulo ang Diyos. Baka pwede kong talakayin ang aking pananampalataya basta hindi ko idadamay ang mga kapatid Nang makitang umiiyak ako, ibinaba ako ng pulis sa sahig ng selda. Hinayaan akong humiga binuhusan ng tubig, at pinagpahinga. Kinuha nila yung inihanda nilang papel at panulat para gumawa ng report. Nung nalulubog na ‘ko sa tukso ni Satanas at ipagkakanulo ko na ang Diyos, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos: “Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko…. Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Naisip kong walang pinapayagang pagkakasala ang disposisyon ng Diyos at sinumang nagkakanulo sa Diyos ay hindi makatatanggap ng awa Niya. Nagliwanag ang isipan ko at naisip ko si Judas nung ipinagkanulo n’ya ang Panginoong Jesus. Ipagkakanulo ko ba talaga ang Diyos para hindi na masaktan? Kung ‘di agad ako ginabayan ng salita ng Diyos, baka pinag kanulo ko na Siya at isinumpa na habangbuhay. Tapos naisip ko ang linya sa isang himno: “Utak ko’y sasabog, dugo’y dadaloy, ngunit ‘di mawawala tapang ng mga tao. Ang payo ng Diyos ay nasa puso, determinado akong pahiyain si Satanas” (“Nais Kong Makita ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Tahimik ko ‘yong inawit sa puso ko at lumago ang pananalig ko. Nasa Diyos ang buhay at kamatayan ko, alam kong dapat kong sundin ang pag-aayos Niya. Hangga’t may natitira akong hininga, dapat akong magpatotoo at wag magpadala sa mga demonyo ng CCP!

Nung nakitang hindi ako gumagalaw sa sahig, pinilit pa rin nila akong magsalita. Sabi nung isa, “Sulit ba ang paghihirap na ito? Ayusin mo na ang pagkakamali mo, kaya sabihin mo na kung anong alam mo. Alam na namin lahat, magsalita ka man o hindi. Marami kaming testigo’t ebidensya para parusahan at sentensyahan ka.” Nang makita ko silang ginagawa ang lahat para ipagkanulo ko ang Diyos at ang ibang nananalig, hindi ko na nagawang itago ang galit ko at sinigawan ko sila, “Alam n’yo na naman pala lahat, wag n’yo na akong tanungin. Kahit alam ko lahat, hindi ko sasabihin sa inyo!” Galit na sinabi ng isang opisyal, “Kung hindi ka magsasalita, katapusan mo na. Hindi ka makakalabas dito nang buhay!” Sinagot ko s’ya ng “Simula nang mapunta ako sa inyo, hindi na ako umasang mabubuhay!” Nagalit ang isang opisyal at sinipa ako sa may bituka. Pakiramdam ko tinanggalan ako ng lamang-loob. Pinalibutan na naman nila ako, sinipa ako at pinagsusuntok. Nahimatay na naman ako sa sobrang sakit. Nung nagkamalay-tao ako, nakabitin na naman ako gaya ng dati, pero mas mataas na. Dama kong namamaga na ang katawan ko at hindi ako makapagsalita. Pero salamat sa Diyos, wala akong naramdamang kahit na anong sakit. Nung gumabi na, apat na pulis ang nagbantay sa akin at sa bandang huli nakatulog sila. Tapos, kusa na lang bumukas ang posas ko at marahan akong nahulog na para bang may sumusuporta sa’kin. Kung hindi ko naranasan yon, hindi ako maniniwala kailanman! Naisip ko si Pedro nung nasa loob s’ya ng kulungan at iniligtas s’ya ng anghel ng Panginoon. Nung sandaling yon, bigla na lang natanggal ang kadena n’ya at kusang bumukas ang pinto ng selda. Ayaw kong paniwalaang dinaranas ko rin ang gawain ng Diyos gaya ni Pedro. Noong sandaling yon naramdaman ko na pinagpala ako ng Diyos! Naantig talaga ako, kaya lumuhod agad ako sa Diyos at nagpasalamat sa Kanya: “Oh Diyos ko! Salamat sa awa Mo. Pinahirapan ako ni Satanas at nanganib ang buhay ko, pero tahimik Mo akong prinotektahan. Ipinakita Mo ang kadakilaan Mo at ang kamangha-mangha Mong gawain.” Dahil sa dasal na yon uminit ang pakiramdam ko, naantig talaga ako. Gusto kong tumayo at umalis, pero hindi ako makagalaw no’n, kaya hindi ako umalis. Natulog na lang ako sa sahig, kinabukasan, ginising ako sa sipa ng mga pulis. Bagong pagpapahirap ang ginawa sa’kin ng mga walang-pusong pulis. Nilipat nila ako sa isa pang kwarto at pinaupo sa isang tiger chair na may kuryente. Nilagyan nila ng pang-ipit na bakal ang leeg at ulo ko at kinandado nila ang mga kamay ko para hindi ko maigalaw. Ang kaya ko lang gawin ay tahimik na magdasal. Itinaas ng isang opisyal ang switch ng kuryente at yung iba namang mga pulis, tumingin sa’kin nang matalim, para makita nila ako habang kinukuryente. Nagulat silang lahat dahil wala man lang akong reaksyon. Tiningnan nila ang lahat ng mga kable, at pagkatapos nung wala pa rin akong reaksyon, sinabi nung isa na “Sira ba ang tiger chair na ‘to? Ba’t walang kuryente?” Nang di nag-iisip, tinapik n’ya ako ng kamay, kasabay ng isang kislap tumilapon patalikod ng may isang metro yung pulis, bumagsak s’ya at nagsisigaw sa sakit. Natakot yung ibang opisyal kaya umalis sila, at may isa na nadapa sa pagmamadali. Mga ilang sandali pa may dumating na dalawang opisyal para pakawalan ako. Takot na takot silang makuryente. Ako naman inabot ng kalahating oras nang nakaupo sa tiger chair na iyon pero hindi ko naramdaman ang kuryente. Para lang akong nakaupo sa ordinaryong upuan. Isa ito sa mga gawain ng Diyos. Naantig talaga ako. Nung oras na yun ay handa na akong mawala ang lahat, kahit ang buhay ko. Hangga’t kasama ko ang Diyos, sapat na yon sa akin.

Pagkatapos binalik na nila ako sa detention house. Talagang punung-puno ako ng sugat, sobrang sakit ng kamay at paa ko. Hinang-hina na ang katawan ko. Ni hindi ako makaupo o makatayo, hindi rin makakain. Ang kaya ko lang mahiga nang nakadapa. Nung nalaman ng isa kong kasama sa selda na, wala akong ipinagkanulo, hinangaan n’ya ako. Sabi n’ya, “Bayani talaga kayong mga nananalig!” Sa puso ko, nagdasal ako’t pinuri ang Diyos. Inutusan ng mga pulis ang ibang bilanggo na bugbugin ako at pahirapan, pero ang nakakagulat, ipinagtanggol nila ako, ‘di nila ako sinaktan, kinampihan pa nila ako. Sabi nila, “Naniniwala sa Diyos ang lalaking ito. Papatayin n’yo ang walang kasalanan!” Takot na lumala ang sitawasyon, hindi nagsalita ang mga pulis, umalis na lang na talunan.

Palpak ang plano nila, kaya nagbago ng taktika ang mga pulis, kinausap nila ang mga gwardya sa detention house para tambakan ako ng trabaho sa loob ng kulungan. Araw-araw, pinagawa ako ng dalawang taling joss paper, bawat tali ay may one thousand six hundred na piraso ng palara’t flash paper. Yung ganun karami, doble yon, kumpara sa ginagawa ng ibang bilanggo. Napakasakit ng mga kamay ko, wala akong mahawakan, at kahit magdamag akong magtrabaho, ‘di ako matatapos. Ginamit ‘yung dahilan ng mga pulis para parusahan ako. Pinilit nila akong maligo ng malamig na may temperaturang 20 below zero, o magdamag na magtrabaho, o kaya ay magbantay nang matagal. Bawat gabi wala pang tatlong oras ang tulog ko. Isang taon at walong buwan akong naghirap nang gano’n sa loob ng detention house. Sinampahan ako ng CCP ng demandang “paggamit ng xie jiao organization para pahinain ang pagpapatupad ng batas”. Ang sentensya, tatlong taon sa kulungan. Pagkalaya ko binantayan pa rin ako ng local police station. Dapat handa akong magpakita sa tuwing tatawag sila. Wala akong personal na kalayaan. ‘Di ko magawa ang tungkulin ko sa iglesia. Napakahirap talaga nito sa’kin. Naisip ko kung patuloy akong babantayan ng CCP at hindi ko magagawa ang tungkulin ko, para na rin akong nabuhay sa kamatayan di ba? Kaya umalis ako sa lugar namin at nagpunta sa ibang rehiyon para magawa ang tungkulin ko.

Ang karanasang ito ng brutal na pang-uusig ng CCP ay nakaukit sa alaala ko. Nakita ko ang kasuklam-suklam nitong mukha at ang pagkalaban nito sa Diyos, kaya tagos hanggang buto ang galit ko. Nasaksihan ko rin ang gawain ng Diyos at ang kadakilaan Niya. Prinotektahan ako ng gawain ng Diyos para makawala kay Satanas at sa pangil ng kamatayan. Sa brutal na pagpapahirap ng CCP, ginabayan ako ng salita ng Diyos, at sinuportahan ng pwersa ng buhay Niya para manatiling buhay, ito ang nagpatatag sa pananalig ko. Salamat sa Diyos! Luwalhati sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Buhay na nasa Bingit

Ni Wang Fang, TsinaNoong 2008, ako ang responsable sa pagbibiyahe ng mga lathalain ng iglesia. Isa itong napakapangkaraniwang uri ng...

Leave a Reply