Sermon Tungkol sa Kaligtasan: Hindi Lahat ng Tumatawag sa Panginoon ay Maliligtas

Abril 21, 2020

Ni Yang Xin

Mga Nilalaman

●Hindi Lahat ng Tumatawag sa Panginoon ay Maliligtas

●Anong ibig sabihin ng maligtas na tinutukoy sa Biblya?

●Ang Napatawad ay Hindi Nangangahulugang Pagiging Banal

●Ano ang Tunay na Kaligtasan?

Hindi Lahat ng Tumatawag sa Panginoon ay Maliligtas

Maraming mga Kristiyano ang nag-iisip: “Minsang iniligtas, kung gayon tayo ay palaging ligtas, sapagkat sinasabi ng Biblia, ‘Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas’ (Roma 10:9-10). Ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tayo ay matubos, kaya hangga’t tumatawag tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, nagkukumpisal ng ating mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon ang ating mga kasalanan ay mapapatawad at tayo ay ililigtas ng Kanyang biyaya—minsang iniligtas, palaging ligtas, at pagkatapos tiyak na tayo ay dadalhin sa kaharian ng langit.” Ang pananaw ba na ito ay tama? Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoon.

Sabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko(Juan 8:31). Ang Panginoong Jesus na ang mga taong tumutupad lamang sa kalooban ng Diyos at nagsasagawa sa mga salita ng Diyos ang karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit; hindi Niya sinasabi na ang mga tao ay maliligtas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pananampalataya, o dahil lamang sa ang mga tao ay minsang iniligtas kung gayon ay palagi na silang ligtas, o ang mga tao ay kaagad na aakyat sa kaharian ng langit sa sandaling bumalik ang Panginoon. Bagamat naniniwala ako nang walang bahid ng pagdududa na tinubos tayo ng Panginoong Jesus, madalas na hindi ko naisasagawa ang mga turo ng Panginoon sa aking buhay; na parang hindi tayo ang mga taong tumutupad sa kalooban ng Diyos, paano kung gayon ako makapapasok sa kaharian ng langit? Kung gayon, hindi ang lahat na tumatawag sa Panginoon ay maliligtas.

Anong ibig sabihin ng maligtas na tinutukoy sa Biblya?

Ang ilang mga tao ay maaaring magtanong, “Dahil ang Panginoong Jesus ay naging handog para sa kasalanan para sa ating kapakanan at inako ang ating mga kasalanan, ligtas na tayo sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Ang pagiging ligtas ba sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ay hindi nangangahulugan ng walang hanggang kaligtasan?”

Kagaya ng nalalaman nating lahat, sinasabi sa kabanata 2 talatang 32 sa aklat ni Joel: “Sinomang tumawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.” Sa mga unang araw na iyon, ipinahayag ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang mga kautusan at inutusan ang mga tao ng Israel na sundin ang mga ito. Ang mga tao ay naniniwala na hangga’t pinamamalagi nila ang mga kautusan ay hindi sila hahatulan, kung gayon sila ay maliligtas, ngunit nang magwakas ang Kapanahunan ng kautusan, sapagkat ang sangkatauhan ay lalo pang mas pinasama ni Satanas, hindi mapanatili ng mga tao sa Israel ang mga kautusan at mas lalo pa silang nakagawa ng mga kasalanan; hindi na sila makagagawa pa ng handog para sa kasalanan na makasasapat upang bayaran ang kanilang mga kasalanan, at kaya sila ay nahaharap sa isang panganib ng pagiging hinatulan at sinintensyahan ng kamatayan ng mga kautusang iyon. Ang Diyos ay nahabag sa sangkatauhan, gayunpaman, at upang ang sangkatauhan ay maligtas at makatakas sa paghatol ng mga kautusan, ang Diyos ay naging tao sa pangalang Jesus at ginampanan ang gawain ng pagtubos, ipinako sa krus bilang isang tao na walang kasalanan, at malayang tinubos tayong mga tao sa mga kautusan. Mula sa sandaling iyon, hangga’t tinatanggap natin at tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, lalapit sa harap Niya at ikukumpisal ang ating mga kasalanan, kung gayon ang ating mga kasalanan ay aakuin at hindi na tayo hahatulan o parurusahan ng mga kautusang iyon—nakamit natin ang kaligtasan dahil tinubos tayo ng Panginoong Jesus.

Kung gayon, sa Kapanahunan ng Kautusan, hangga’t pinanatili ng mga tao ang mga kautusan ng Diyos na si Jehovah, kung gayon sila ay ligtas, at sa Kapanahunan ng Biyaya, hangga’t nagtitiwala ang mga tao sa Panginoong Jesus, ikinukumpisal ang kanilang mga kasalanan at nagsisisi sa Panginoon, kung gayon sila ay ligtas din.

Ang Napatawad ay Hindi Nangangahulugang Pagiging Banal

Sa tuwing ang Diyos ay gumagawa ng isang bagong yugto ng gawain, nakasasabay tayo sa bilis ng gawain ng Diyos, namamalagi sa kinakailangan ng Diyos sa bagong kapanahunan, nagsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos, at kung gayon ay maliligtas at hindi na hahatulan ng Diyos. Sa katunayan, ang pagkakaligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus sa ating pananampalataya sa Kanya ay nangangahulugan lamang na ang ating mga kasalanan ay inako, at hindi na tayo hahatulan o sisintensyahan ng kamatayan ng mga kautusan; hindi ito nangangahulugan, gayunpaman, na sinusunod natin ang landas ng Diyos at itinakwil na natin ang lahat ng kasalanan, mas lalong hindi ito nangangahulugan na ang minsang pagkakaligtas kung gayon tayo ay palagi ng ligtas. Bagamat naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, at tayo ay Kanyang tinubos at inako ang ating mga kasalanan, may kakayahan pa rin tayong madalas na magkasala at lumaban sa Diyos, at tayo ay nabubuhay sa isang malupit na paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan sa araw at pagkatapos ay pagkukumpisal ng mga ito sa gabi, hindi napapalaya ang ating mga sarili sa mga gapos at pamimilit ng kasalanan. Halimbawa, kapag nakasasagupa tayo ng isang usapin, upang protektahan ang ating katauhan at katayuan, at upang tumaas ang tingin ng mga tao sa atin o tingalain tayo, madalas tayong nagpapanggap, nagsasabi ng mga kasinungalingan at nakikibahagi sa pandaraya, gusto nating magyabang sa paggawa ng mga bagay, at nagpapakana rin tayo laban sa iba at nakikipaglaban sa kanila para sa posisyon; kapag nakikita natin ang mga kapatid na nagiging negatibo at mahina, at nawawala ang kanilang pananampalataya, maraming beses tayong nagpupunta upang tulungan at alalalayan sila ngunit nakikita nating wala itong bisa, at kaya tayo mismo ay nawawalan ng pagmamalasakit at tiyaga, at sinisimulan nating subukang iwasan ang ating mga kapatid, at hindi natin magawang ibigin ang iba kagaya ng pag-ibig natin sa ating mga sarili. Lalo na kapag dumating ang mga pagsubok sa atin, nagrereklamo tayo at sinisisi at hinahatulan ang Panginoon, kung kaya nagsisimula tayong magtaglay ng mga saloobin at mga ideya tungkol sa pagtataksil sa Panginoon; hindi natin talaga maisagawa ang mga salita ng Panginoon, at wala tayong tunay na pananampalataya sa Panginoon at hindi tayo tunay na masunurin sa Kanya. Marami ding mga kapatid ang sumusunod sa mga kalakaran ng mundo, na pinagnanasaan ang makasalanang mga kasiyahan, at isinasabuhay ang mga buhay ng pagkain, pag-inom at paglalaro, kagaya lamang ng ginagawa ng mga hindi mananampalataya. Sinabi ng Diyos: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos: Ang Diyos ay banal at ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at hindi maaaring labagin, at kung gusto ng isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon dapat nilang alisin sa kanilang mga sarili ang kanilang makasalanang kalikasan at maging malinis, at hindi na nagkakasala o lumalaban sa Diyos; tanging ang mga ganitong tao lamang ang karapat-dapat na magmana ng pangako ng Diyos. Paano tayo, na nagkakasala sa araw at nangungumpisal ng ating mga kasalanan sa gabi, at nabubuhay sa hindi matatakasang kasalanan, ay magiging karapat-dapat kailanman na pumasok sa kaharian ng langit? Kung hindi natin malulutas ang ating mga kasalanan sa pinakaugat nito, kahit na akuin pa ang ating mga kasalanan ng isanlibong beses, sampung libong beses, mapapabilang pa rin tayo kay Satanas at kakalabanin ang Diyos. Isip-isipin na lamang—kung hahayaan ng Diyos ang mga taong kagaya natin, na puno ng ating mala-satanas, masasamang disposisyon, at nagagawang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos, makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon paano pa matatawag na banal na kaharian ang kaharian ng Diyos? Magiging imposible ito!

Ano ang Tunay na Kaligtasan?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag itinapon ng tao ang marurumi, tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Nguni’t kung hindi pa rin nila aalisin sa kanilang mga sarili ang karumihan at katiwalian, kung gayon sila ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan ng mga tao, panlilinlang, at pandaraya ay lahat mga bagay ni Satanas. Ang pagliligtas sa iyo ay tinutulutan kang tumakas mula sa mga bagay na ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali; ang lahat ay upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung naniwala ka na hanggang sa isang punto at magagawang alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nakatanikala sa katiwaliang ito, ikaw ba ay hindi sana naligtas? Kung ikaw ay nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahan na maipakita ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi makatatanggap ng pamana ng Diyos. Sa sandaling ikaw ay malinis at gawing perpekto, ikaw ay magiging banal, ikaw ay magiging isang maayos na tao, at ikaw ay pagpapalain ng Diyos at kalugud-lugod sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Nilinaw nang husto ng mga salita ng Diyos kung ano ang tunay na kaligtasan! Ang tunay na kaligtasan ay nangangahulugang, sa sandaling makamit ng tao ang katotohanan at nilinis at ginawang perpekto ng Diyos, ganap nilang itatakwil ang kasalanan at itatakwil ang madilim na impluwensya ni Satanas, at hindi na sila magkakasala o lalaban sa Diyos. Ang gawain na totoong ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at hindi na tayo nabibilang pa sa kasalanan. Ngunit ang mala-satanas na kalikasan sa loob natin ay nakaugat nang malalim, at bagamat tinanggap ng ating mga kasalanan ang pagpapatawad ng Panginoon, kapag tayo ay nakasasagupa ng mga usapin, may kakayahan pa rin tayong sumailalim sa pangingibabaw ng mala-satanas na mga disposisyon, kagaya ng kayabangan at pagmamataas, kabaluktutan at panlilinlang, pagkamakasarili at kawalang-dangal, at pagiging masama at pagiging malisyoso, at madalas na hindi natin maiwasang magkasala at labanan ang Diyos, at talagang hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon. Ito ay kagaya lamang ng pagiging isang magnanakaw na nahuli ng pulis sa pagnanakaw ng mga gamit ng ibang tao. Hindi matagalan ng kanyang magulang ang pag-iisip na ang kanilang anak ay magdurusa sa kulungan, at kaya magbabayad sila ng napakalaking halaga upang hindi makulong ang kanilang anak. Ngunit ang pagiging likas na magnanakaw ay nasa loob pa rin niya, at kung ang isang magandang pagkakataon ay dumating, muli siyang pangingibabawan ng kanyang kalikasan at patuloy na magnanakaw ng mga gamit. Kung kaya, kung nauunawaan natin ang lahat ng mga aspeto ng katotohanan, sa pagiging ganap na pinalaya sa nasasakupan ni Satanas, sa paglilinis sa ating mala-satanas, masasamang disposisyon, pagwawaksi sa mga gapos ng kasalanan, at paghahangad sa kalooban ng Diyos, pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at tunay na paggalang at pagsunod sa Diyos maging anuman ang kapaligiran, kung gayon tayo ay palaging ligtas, at sa gayon lamang tayo magiging mga taong ganap na nakamit ng Diyos. Kung makakahanap tayo ng paraan upang maitakwil ang kasalanan sa ating mga sarili at malulutas ang suliranin ng ating makasalanang kalikasan, makakamit natin kung gayon ang tunay na kaligtasan at papasok sa kaharian ng langit.

Ngayon panoorin natin ang pelikula na "Kaligtasan" at mas marami tayong mauunawaan tungkol sa katotohanan patungkol sa kaligtasan. Kung nais mong malaman kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng kaligtasan sa mga huling araw at kung paano makamit ang kaligtasan ng Diyos bago ang kapighatian, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pag-click sa mga pindutan sa ibabang kanang sulok.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakamit mo Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?

Ang Diyos ang bukal kung saan dadaloy ang tubig ng buhay, at nasa Kanya ang buhay na walang hanggan. Nguni’t bilang mga mananampalataya sa Panginoon, nasa atin ba ang daan patungo buhay na walang hanggan? Magpatuloy sa pagbasa upang mas matuto…