Ang Paghahangad ba ng Isang Perpektong Pag-aasawa ay Humahantong sa Kaligayahan?
Walong taon na kaming magkakilala at nagmamahalan ng asawa ko, nang malapit na kaming ikasal, bigla akong nagkaroon ng karamdaman na naging dahilan upang mawalan ako ng kakayahang magkaanak. Noong panahong iyon, tuluyan akong nasiraan ng loob, at nawalan ng lakas para magpatuloy sa buhay. Nalaman ng pamilya ng asawa ko na wala na akong kakayahang magkaanak at sinabihan siyang makipaghiwalay sa akin, ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ng pamilya niya at desidido pa rin siyang pakasalan ako. Ang matatag na katapatan ng aking asawa ang nagbigay muli sa akin ng pag-asang mabuhay at lubos akong nagpapasalamat sa kanya, ngunit kasabay nito, nakaramdam din ako ng matinding kalungkutan dahil wala na akong kakayahang magkaanak, at palagi kong nararamdaman na may pagkakautang ako sa aking asawa. Sa puso ko, palihim kong sinabi sa aking sarili na kailangan kong pahalagahan nang wasto ang aming pinaghirapang pagsasama. Pagkatapos ikasal, inayos kong mabuti ang aming bahay para maging payapa ang isip ng asawa ko habang nasa trabaho siya. Sa parehong malalaki at maliliit na bagay, ginagawa ko ang lahat para unahin siya, at sinisiguro kong nirerespeto ko siya sa harap ng mga kamag-anak at kaibigan. Sa ikalawang taon ng aming pagsasama, dahil ayaw niyang mamuhay ako na sinisisi ang aking sarili dahil hindi ako magkaanak, nag-ampon siya ng isang bata. Matapos ampunin ang batang ito, napuno ng kaligayahan at tawanan ang aming bahay, at naramdaman kong mas sumaya ang bahay kaysa dati.
Noong Enero ng 2009, ipinalaganap sa akin ng aking pinsan ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may dakilang awtoridad at kapangyarihan, at lubha akong naakit sa mga ito. Pagkatapos noon, madalas na akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nakikipagbahaginan sa mga kapatid tungkol sa pagkakaunawa namin sa mga salita ng Diyos. Naunawaan ko na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay iligtas ang sangkatauhan, na marami nang tao ang pinahirapan ni Satanas at hindi pa humaharap sa Diyos, at responsabilidad at obligasyon nating dalhin ang mga taong ito sa harap ng Diyos para matanggap nila ang pagliligtas Niya. Gusto kong ialay ang aking kontribusyon sa gawaing ebanghelyo. Hindi nagtagal, sa awa ng Diyos, ginampanan ko ang aking tungkulin sa iglesia. Naisip ko, “Maganda kung magpapatotoo ako tungkol sa ebanghelyo ng Diyos sa aking asawa at hihikayatin ko siya sa aking pananalig sa Diyos.” Ngunit pagkatapos makinig ng aking asawa sa akin, mapanghamak niyang sinabing, “Walang Diyos sa mundong ito,” at sinabi pang materyalista siya. Nakita ng asawa ko na masigasig ako sa pananampalataya ko sa Diyos, at dahil sa kuryosidad, nag-online siya para magsaliksik. Nakita niyang puno ang internet ng negatibong propaganda na gawa-gawa ng Chinese Communist Party (CCP) para siraan ang iglesia at lapastanganin ang Diyos, at kaya tinanong niya ako nang may kaba, “Nananalig ka ba sa Makapangyarihang Diyos? Aarestuhin ka dahil diyan. Ang pananalig sa Diyos ay nangangahulugang tinatalikuran mo ang pamilya at trabaho mo. Huwag kang magpaloko rito!” Sinabi niya rin na pumunta siya sa Domestic Security Protection Bureau para magtanong at sinabihan siyang ang sinumang pamilya na may isang taong nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, ang mga anak nila ay hindi maaaring maging lingkod-bayan o sumali sa hukbo sa hinaharap, at ang iba pang miyembro ng pamilya ay madadamay. Sinabi niya na kung magpapatuloy ako sa landas na ito, bukas o sa makalawa ay aarestuhin ako. Sa pakikinig ko sa mga sinabi ng aking asawa, labis akong nagulat. Talagang ginagamit pa ng CCP ang mga miyembro ng pamilya para iulat ang mga nananampalataya sa Diyos; napakabuktot! Agad kong sinabi sa aking asawa, “Huwag kang maniwala sa mga tsismis na nakikita mo online, gawa-gawa lang ang lahat ng iyan ng CCP. At porke nananampalataya ako sa Diyos, hindi ibig sabihin na gusto kong talikuran ang pamilya at trabaho ko.” Gayunpaman, hindi siya naniwala sa akin at pumanig pa rin sa CCP. Wala akong ibang magawa kundi manalig nang palihim sa likod niya.
Makalipas ang isang taon, nalaman ng asawa ko na nananampalataya pa rin ako sa Diyos, at nag-aalala siyang maaresto ako at madamay ang aming pamilya, na makakaapekto sa kanyang reputasyon. Naaalala ko na may isang beses pa nga na lumuhod siya at nagmakaawa sa akin upang tigilan ko ang pananampalataya. Nang makita ko ang aking asawa na nakaluhod at nakikiusap sa akin, nagulat talaga ako. Karaniwan siyang kumikilos tulad ng isang lalaking sobinista, pero lumuhod siya at nagmamakaawa sa akin. Naalala ko kung paano siya magmalasakit sa pamilya namin, at naisip kong, “Kung hindi ako makikinig sa kanya, itatrato niya pa rin ba ako gaya ng dati? Madalas ba namin itong pagtatalunan? Aabot ba ito sa puntong hindi na kami magkakasundo?” Sa pag-iisip nito, medyo nanghina ako, at naisip kong, “Siguro hindi na lang ako masyadong lalabas sa hinaharap. Mananatili na lang ako sa bahay kasama siya tuwing weekend para hindi siya masyadong mag-alala.” Pero naisip ko, “Kung makikinig ako sa kanya at tatalikuran ko ang pananampalataya sa Diyos, mawawalan ako ng pagkakataong makamit ang kaligtasan. Hindi iyon maaari!” Naisip ko rin, “Siguro pansamantala lang na nalinlang ng CCP ang asawa ko. Mababaw ang mga katotohanang nauunawaan ko sa ngayon; sa hinaharap, kung maglalaan ako ng oras para kausapin siya, nananalig akong maiintindihan niya na tsismis lang ito ng Partido.” Gayunpaman, kalaunan, para talikuran ko ang aking pananalig sa Diyos, palihim siyang nag-print ng mga negatibong online propaganda ng CCP at inuwi niya sa bahay para basahin ko. Tumanggi ako, ngunit hinila niya ako at pinilit basahin ito. Hindi ko sinasadya, natalikuran ko siya, at sa gulat ko, ikinagalit ito ng aking asawa. Hinawakan niya ako sa kuwelyo, itinulak ako sa sulok, at, galit na galit, marahas niyang nilagay ang mga kamay niya sa leeg ko. Nanlilisik ang mga mata niya. At galit niyang sinabi sa akin, “Malalaman mo na ngayon ang totoo! Kailangan mo nang magising sa katotohanan!” Sinasakal niya ako nang mahigpit kaya’t nahihirapan akong huminga, at makalipas ang ilang saglit, inalis na niya ang pagkakahawak sa akin. Nang makita ko ang ginawa ng asawa ko, natigilan ako. Sa buong panahon na nakilala ko ang aking asawa, ni minsan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Ngayon, naging mapanakit siya sa akin dahil sa pananampalataya ko sa Diyos. Pakiramdam ko ay ginawan ako ng mali, at tumulo ang mga luha ko sa aking mukha. Naisip ko, “Ano ang gagawin ko sa hinaharap? Kung patuloy akong mananampalataya sa Diyos at gagampanan ang tungkulin ko, siguradong hindi na ako itatrato nang mabuti ng aking asawa gaya ng ginagawa niya sa akin noon. Kung ganoon, hanggang kailangan kaya magtatagal ang aming pamilya? Ngunit kung tatalikuran ko ang pananalig ko sa Diyos, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Ang pagkakatawang tao ng Diyos upang magpahayag ng mga katotohanan at iligtas ang sangkatuhan ay isang bibihirang pagkakataon na hindi ko puwedeng palagpasin.” Naguguluhan ako at nasasaktan, at hindi ko alam ang gagawin ko. Humarap ako sa Diyos at nanalangin sa Kanya: “Diyos ko, napakababa ng aking tayog. Mangyaring bigyang-liwanag at gabayan Mo ako na tumayo nang matatag sa gitna ng mga pangyayaring ito.” Pagkatapos noon, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Simula nang likhain ang mundo, nasimulan Ko nang paunang itadhana at piliin ang grupong ito ng mga tao, na ngayon nga ay kayo. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, pamilya kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at pag-aasawa—ang kabuuan mo, maging ang kulay ng iyong buhok at balat, at ang oras ng iyong kapanganakan—ay isinaayos lahat ng Aking mga kamay. Maging ang mga bagay na ginagawa mo at ang mga taong nasasalubong mo bawat araw ay isinaayos ng Aking mga kamay, pati na rin ang katunayang ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya ngayon sa totoo lang ay Aking pagsasaayos. Huwag mong guluhin ang iyong sarili; dapat magpatuloy ka nang mahinahon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 74). Napagtanto ko sa mga salita ng Diyos na ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang trabaho, pag-aasawa, at pamilya ng isang tao ay itinalaga na ng Diyos noon pa man. Kung masisira ba o hindi ang aking pamilya ay nasa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos na ng Diyos, at wala akong kontrol sa kung hihiwalayan ako o hindi ng aking asawa. Dapat akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at dapat kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin bilang isang nilikha. Nang maunawaan ko ang mga layunin ng Diyos, medyo kumalma ang puso ko.
Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala. Gayunman, para sa Aking kapakanan, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Manalig ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Ibuhos ang lahat ng iyong pagsisikap sa paglalagay ng iyong puso sa Aking harapan, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kaligayahan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Nang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na, dahil sa aking pagmamahal, muntik na akong mabiktima ng tusong pakana ni Satanas. Ipinakalat ng CCP ang mga tsismis na ito online para siraan ang iglesia, nililinlang ang mga walang pananampalataya nating kamag-anak at ginagamit sila para hadlangan at usigin tayo, upang layuan at ipagkanulo natin ang Diyos. Noong una, hindi ako inuusig ng aking asawa, ngunit nang makita niya ang mga tsismis na ito online, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para sumalungat at mang-usig, ginagamit ang lahat ng uri ng taktika para talikuran ko ang aking pananalig sa Diyos at kumikilos bilang instrumento ni Satanas. Hindi ako puwedeng tumigil sa pagganap sa aking tungkulin dahil sa pag-uusig sa akin ng aking asawa; hindi ba’t ibig sabihin noon ay nahulog na ako sa pakana ni Satanas? Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi naniniwala.” Pagdating sa mga pang-araw-araw na bagay, puwede akong makinig sa aking asawa, ngunit kapag tungkol sa aking pananalig sa Diyos, kailangan kong magkaroon ng sariling paninindigan at mga prinsipyo. Hindi ko maaaring talikuran ang pananampalataya ko sa Diyos dahil sa pang-uusig ng asawa ko; kailangan kong labanan ito nang may karunungan. Pagkatapos noon, nagsimula na akong gampanan ang aking tungkulin tuwing gabi, sinasabi ko sa aking asawa na nag-aaral ako, habang normal na pumapasok sa trabaho tuwing umaga. Matagal-tagal na tahimik na nagpatuloy nang ganito ang mga bagay, at hindi nakipagtalo sa akin ang asawa ko tungkol sa pananalig ko sa Diyos. Nang lumipas ang panahon, naghinala na ang aking asawa. Sinimulan na niya akong manmanan nang palihim, madalas niyang tinitingnan ang bag ko. Natagpuan niya ang mga libro ng mga salita ng Diyos at ang mga tala mula sa aking espirituwal na debosyon na itinago ko sa aking aparador, at galit niya akong dinuro, at sinabihang, “Ang tigas talaga ng ulo mo! Susunugin ko ang lahat ng libro mong ito; tingnan natin kung paano ka pa patuloy na mananampalataya!” Noong oras na iyon, natakot talaga ako, natatakot na baka sunugin niya talaga ang mga iyon, kaya noong wala siya sa bahay, palihim kong dinala ang mga ito sa bahay ng isang kapatid para itago. Dahil sa pang-uusig ng aking asawa, hindi ako makasali sa mga espirituwal na debosyon at makapagbasa nang normal ng mga salita ng Diyos sa bahay, kaya wala akong magawa kundi magrenta ng sarili kong bahay. Araw-araw, nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos sa nirentahan kong bahay bago umuwi.
Noong Mayo ng 2012, dahil nagpunta ang asawa ko sa Protection Bureau para magtanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos, isang tao mula sa bureau ang simulang sumubaybay sa kanya. Karaniwan nila siyang kokontakin sa WeChat sa pagkukunwaring kinukumusta siya dahil sa pag-aalala, at tinanong nila siya kung saan ako nagtatrabaho. Bilang resulta, mahigit sa dalawang buwan akong sinundan ng CCP, at naaresto ako sa isang pagtitipon. Pagkatapos kong makalaya, natakot akong kapag sinundan nila ako ay madamay ang mga kapatid, kaya tumigil muna ako sa pagdalo sa mga pagtitipon at kadalasan ay palihim na lang akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos tuwing wala ang aking asawa sa bahay. Isang araw, nalaman ng asawa ko na nananampalataya pa rin ako sa Diyos, at tinanong niya ako nang seryoso, “Puwede bang tumigil ka na sa pananampalataya? Kapag patuloy kang nanampalataya at naaresto ulit, alam mo ba ang magiging epekto niyon sa reputasyon ko? Inisip mo ba ang mararamdaman ko o ang hinaharap ng anak natin? Hindi ba’t maayos ang pamumuhay nating tatlo? Kung hindi ka masaya, puwede tayong maglakbay. Maaari din kitang bilhan ng maliit na sasakyan. Kung may gusto ka, gagawin ko. Bakit ba pinipilit mong tahakin ang landas na ito?” Noong oras na iyon, medyo natukso ako at nanghina. Naisip kong mukhang maganda ang maging masaya kasama ang aking pamilya, at gusto kong sumang-ayon sa alok ng aking asawa. Ngunit sa pag-iisip na hindi ako mananampalataya sa Diyos, sobra akong nalungkot. At agad akong nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Gusto kong manampalataya sa Iyo at gampanan ang tungkulin ko, ngunit ayokong magkahiwalay ang aking pamilya. Mangyaring bigyan Mo ako ng pananalig at determinasyon na magtiis ng pagdurusa upang madaig ko ang tuksong ito mula kay Satanas.” Pagkatapos noon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung, sa landas tungo sa pagmamahal sa Diyos, nagagawa mong tumayo sa panig ng Diyos kapag nakikipaglaban Siya kay Satanas, at hindi ka bumabalik kay Satanas, nakamit mo na ang pagmamahal sa Diyos, at nakapanindigan ka na sa iyong patotoo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananalig at lakas. Sa mga kinakaharap kong sitwasyon, kailangan kong tumayo sa panig ng Diyos at ipahiya si Satanas. Natatakot ang asawa ko na kapag naaresto ulit ako, maaapektuhan nito ang reputasyon niya at mahihiya siyang harapin ang mga kamag-anak at kaibigan niya, kaya ginamit niya ang mga materyal na kasiyahan upang akitin ako sa isang kompromiso. Ngunit hindi ko ito nakilatis, at nang matugunan ng aking asawa ang mga materyal kong kasiyahan, natukso ako, at gusto ko pa ngang mapalugod ang aking asawa at hangarin ang mga kasiyahan ng laman at ng pamilya. Napakababa talaga ng tayog ko. At, bago ako maaresto, para talikuran ko ang aking pananalig sa Diyos, ginawa ng asawa ko ang lahat ng paraan para subaybayan at sundan ako, at siyasatin ang bag ko, gusto niya ring sunugin ang mga libro ko ng mga salita ng Diyos. Hindi talaga naging mabuti sa akin ang asawa ko, inaalok niya lang sa akin ang mga benepisyong ito upang talikuran ko ang aking pananalig. Hindi ako maaaring magpadala sa tuksong pakana ni Satanas. Kaya, sinabi ko sa aking asawa, “Nilikha ng Diyos ang tao, at ang pagsamba sa Diyos ang tama at nararapat.” Mapanghamak na sumagot ang asawa ko, “Ang ideya na ginawa ng Diyos ang tao ay galing sa Bibliya na isinulat lamang ng tao, ngunit pinaniniwalaan mo pa rin. Ang hina talaga ng utak mo!” Nang marinig ko ang mga sinabi niya, napagtanto kong ang magkasalungat naming pananaw sa pananampalataya sa Diyos ay hindi magkakasundo. Naglalakad kami sa dalawang magkaibang landas, at hindi magtatagal, magwawakas na ang pagsasama namin. Pero sa loob-loob ko, nasasaktan talaga ako, at naisip kong, “Marami na kaming pinagdaanan sa panahon na kasal kami. Noong umpisa, ang matatag na katapatan ng aking asawa ang tumulong sa akin upang malagpasan ang pinakamahirap na panahon ng buhay ko. Kapag nasira ang pagsasama namin, paano na ako magpapatuloy sa buhay?” Medyo nakakaramdam pa rin ako ng pagkakautang sa aking asawa at anak. Pero naisip ko, “Ang Diyos ang pinagmulan ng buhay ng tao, at ang hindi pagkakaroon ng Diyos ay katumbas ng hindi pagkakaroon ng buhay. Kung makikinig ako sa aking asawa at hindi mananampalataya sa Diyos, hindi kakain at iinom ng Kanyang mga salita, kung ganoon, tinalikuran ko na ang pagliligtas ng Diyos at patuloy akong mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Hindi ba’t mabubuhay ako na tila bangkay na naglalakad? Hindi ko puwedeng talikuran ang pananalig ko sa Diyos.” Kaya’t nagdasal ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na gabayan ako sa landas na tinatahak ko.
Pagkatapos noon, binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga mapanirang impluwensya ng libu-libong taon na ‘matayog na diwa ng pagiging makabayan’ ay malalim na tumimo sa puso ng tao, at pati na rin ang pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, wala ni gatuldok na kalayaan, walang kagustuhang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, at sa halip ay nananatiling negatibo at paurong, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin, at iba pa—ang obhetibong mga salik na ito ay nag-iwan ng di-mabuburang bakas ng karumihan at kapangitan sa ideolohikal na pananaw, mga huwaran, moralidad, at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang madilim na mundo ng terorismo, na hindi hinahangad na malampasan ng sinuman sa kanila, at hindi iniisip na iwan ng sinuman sa kanila para sa isang huwarang mundo; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay, sa paggugol ng kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, pagsusumikap, pagpapapawis, sa pagtapos ng mga gawain, pangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na namumuhay…. Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang perpektong buhay, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at nang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang naghanap na sa mga layunin ng Diyos? Mayroon na bang nagbigay-pansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng bahagi ng sangkatauhan na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging kalikasan ng tao, kaya napakahirap na isakatuparan ang gawain ng Diyos, at lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 3). Mula sa inilantad ng mga salita ng Diyos, nalaman ko ang pinakadahilan ng aking pasakit. Dahil nagagapos at nalilimitahan ako ng mga tradisyonal na kuru-kuro gaya ng, “Kapag ang isang lalaki at babae ay ikinasal, ang kanilang pagmamahalan ay malalim,” “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama,” at “magiging isang mabuting asawa at mapagmahal na ina,” naniwala akong ang pagmamahalan ng mag-asawa at pagiging mabuting anak at pamumuhay nang payapa ang kahulugan ng kaligayahan. Nang tumanggi ang asawa kong manampalataya sa Diyos at sinalungat at inusig pa nga niya ako, at lagi akong inaaway tungkol sa usaping ito, natakot akong masira ang aming pag-iibigan at mawala ang maganda naming pagsasama, at gusto kong gawin ang lahat ng aking makakaya para mapanatili ito. Ngunit bago ako manampalataya sa Diyos, kahit na mabuti ang asawa ko sa akin, at kahit na medyo malapit ang aming pamilya at ang pagsasama namin ay maayos sa panlabas, walang nangyayari araw-araw kundi ang maliliit na usaping pampamilya lang, na kadalasang nagbibigay sa akin ng isang uri ng pagkaramdam ng kahungkagan ng kalooban. Ang totoo, hindi iyon ang tunay na kaligayahan. Ngayon, kung papanatilihin ko ang aming pamilya, matutugunan ang laman ko, ngunit hindi nananampalataya sa Diyos ang asawa ko, hinahangad niya ang mga makamundong kalakaran at sinusunod ang landas ng isang tao sa mundo. Mukhang nagkakaisa kami, ngunit magkalayo ang puso namin; hindi kami nagkakasundo, at lalong hindi kami maligaya. Kung titingnan ang mga pamilyang kilala ko, marami sa kanila ang tila masaya at maligaya sa panlabas, ngunit hindi sila makalaya sa kahungkagang nararamdaman ng kalooban nila. Katulad ng kasamahan ko na, sa kabila ng pagkakaroon ng isang kotse, bahay, magandang anak, tila komportableng magarang buhay, at magandang pagsasama ng mag-asawa, ay hindi man lang masaya at madalas nag-aalala na ang kanyang asawa ay mangangaliwa habang may dinadaluhan na malayo sa bahay. Para manatiling mukhang bata, maraming oras ang ginugugol niya para mapanatili ang kanyang kalusugan at kagandahan, at sinusundan pa niya ang kanyang asawa. Madalas niyang hinaing sa akin na nakakapagod ang kanyang buhay. Napagtanto ko rito na gaano man kasaya ang mga tao sa kanilang materyal na buhay, hindi nito matutugunan ang kahungkagan sa kanilang puso, at hindi malulutas ng pagkakasundo ng pamilya ang kanilang mga espirituwal na pangangailangan. Kung hindi nananampalataya ang mga tao sa Diyos, gaano man karaming kasiyahan ng laman ang mayroon sila, pansamantala lang ang lahat ng ito. Pagdating ng malaking kapighatian, ang mga taong iyon ay walang proteksiyon ng Diyos at lahat sila ay lilipulin. Kung pipiliin kong tahakin ang landas ng isang walang pananampalataya, ang pag-abandona sa aking pananalig sa Diyos upang hangarin ang pag-iibigan ng mag-asawa at kasiyahan ng pamilya at tugunan ang panandaliang kasiyahan ng laman, siguradong mahuhulog ako sa kapahamakan at mapaparusahan. Ginawa ng Diyos ang tao, at kung ang isang tao ay babalik sa Lumikha at gagampanan ang kanyang tungkulin ay saka lang puwedeng magkaroon ng halaga at kabuluhan ang kanyang buhay. Gaya ni Pedro, na nakarinig ng tawag ng Panginoong Jesus at iniwan ang lahat upang sumunod sa Kanya. Sa huli, nagkaroon siya ng tunay na pag-unawa sa Diyos at natanggap niya ang pagpeperpekto at mga pagpapala ng Diyos. Ang kanyang buhay ang pinakamahalaga at makabuluhan sa lahat. Magmula ngayon, dapat kong hangarin nang maayos ang katotohanan at makabuluhang buhay. Nang maglaon, dahil sa pagbabawas ng trabaho sa aking kompanya, natalaga akong magtrabaho bilang tagabenta, ibig sabihin, hindi ko na kailangang manatili sa opisina buong araw at magagampanan ko na ang tungkulin ko sa umaga. Ito ay pagpapakita sa akin ng Diyos ng daan. Hindi nagtagal, naaresto ulit ako.
Noong Disyembre ng 2012, inaresto ako habang nagpapalaganap ako ng ebanghelyo at nakulong ako nang labinlimang araw. Nang makauwi ako, malungkot na sinabi sa akin ng asawa ko, “Alam mo, may kriminal rekord ka na ngayon. Sa pagkakataong ito, sinubukan kong gamitin ang mga koneksyon ko at sinabihan ko ang kapitan ng Protection Bureau na huwag kang ilagay sa rekord nila, pero sabi niya, ‘Mahahalagang kaso ang mga nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos! Isa itong utos mula sa mga sentral na awtoridad; wala ka nang magagawa!’ Ngayon, nadamay na ang anak natin sa problema mo at hindi na siya makakapagtrabaho bilang lingkod-bayan o makakasali sa hukbo sa hinaharap. Dinamay mo na ang buong pamilya ngayon; isipin mo ang ginawa mo sa reputasyon ko!” Nang marinig ko ito, nagalit ako, naisip kong, “Hindi naman krimen ang pananampalataya sa Diyos, kaya bakit ito mangangahulugan ng problema para sa buong pamilya ko? Kasuklam-suklam ang CCP!” Nagpatuloy ang asawa ko at sinabing, “Ayokong patuloy na mamuhay na nakaabang sa masamang mangyayari gaya nito. Ngayon, may dalawang landas kang pagpipilian: Ang isa ay talikuran ang pananalig mo sa Diyos, at ituloy ang buhay na ito kasama ako. Ang isa naman ay diborsiyo, at maghiwalay na tayo ng landas at huwag nang makialam pa sa isa’t isa. Ikaw ang bahala.” Nang marinig kong banggitin ng asawa ko ang diborsiyo, parang madudurog ang puso ko. Naisip ko, “Bata pa ang anak natin, ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng diborsiyo?” Ang masama pa nito, hindi ko makausap ang mga kapatid noong panahong iyon dahil sa pagkakaaresto. Pakiramdam ko talaga ay nag-iisa lang ako at walang magawa, at nangulila ako sa mga araw na kasama ko ang mga kapatid. Noong panahong iyon, laging gabing-gabi na umuuwi ang asawa ko, at madalas siyang lasing. Kahit na nakatira pa kami sa iisang bubong, hindi na kami nagpapansinan, at ang dating saya na mayroon ang bahay namin ay matagal nang nawala. Naging miserable ako, at lalong lumaki ang galit ko sa CCP. Ang mga gawa-gawa nilang tsismis ang nagdulot nito sa aking pamilya. Naisip ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinututulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pangrelihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga panlalansing lahat para pagtakpan ang kasalanan!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 8). “Talaga bang namumuhi kayo sa malaking pulang dragon? Talaga bang tunay ninyong kinamumuhian ito? Bakit ba napakaraming beses Ko na kayong natanong? Bakit Ko ba palaging itinatanong sa inyo ang bagay na ito, nang paulit-ulit? Anong imahe ng malaking pulang dragon ang nasa inyong puso? Talaga bang naalis na ito? Talaga bang hindi ninyo ito itinuturing na inyong ama? Dapat mahiwatigan ng lahat ng tao ang layunin Ko sa Aking mga tanong. Hindi ito para pukawin ang galit ng mga tao, ni hindi para mag-udyok ng paghihimagsik sa tao, ni hindi para matagpuan ng tao ang kanyang sariling daan palabas, kundi para tulutan ang lahat ng tao na palayain ang kanilang sarili mula sa pagkaalipin sa malaking pulang dragon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). Sa tulong ng mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita na ang CCP ay isang diyablo na kinamumuhian at nilalabanan ang Diyos. Iwinawagayway nito ang bandila ng “relihiyosong kalayaan” habang hinuhuli at inuusig ang mga mananampalataya ng Diyos sa lahat ng dako. Gumagamit ito ng lahat ng uri ng tsismis para iligaw ang mga tao, ginagawa nitong maniwala ang mga tao sa mga makadiyablong salita nito at labanan ang Diyos kasama nito. Naisip ko ang napakaraming mananampalataya na inaresto at inusig ng CCP at pinilit na umalis sa kanilang tahanan, at napakaraming mapapayapang pamilya na nawasak dahil sa mga tsismis at lason nito. Gayunpaman, sinisisi pa rin ng CCP ang mga biktima, at sinasabing tinatalikuran ng mga mananampalataya ng Diyos ang kanilang mga tahanan. Palagi nitong sinisisi ang iba! Ang malinaw kong pagkakita sa buktot at pangit na diwa ng CCP ay nagpataas ng aking determinasyon na hangarin ang katotohanan at sundin ang Diyos hanggang sa dulo. Gaano man ako inuusig ng CCP, susundin ko ang Diyos.
Isang gabi, mag-isa akong nakatayo sa balkonahe, iniisip mabuti ang panahong nananampalataya ako sa Diyos. Tinamasa ko ang labis na biyaya ng Diyos at labis na pagdidilig at probisyon mula sa mga salita ng Diyos, at ang Kanyang mga salita ay nakatulong din sa akin na maunawaan ang ilang katotohanan at nagbigay ng tulong sa aking puso. Alam ko na kung mananalig at susunod ako sa Diyos ay saka lang magkakaroon ng halaga ang buhay ko, pero nang maisip ko kung paanong ang pinaghirapan kong pagsasama bilang mag-asawa ay mawawasak lamang nang ganito, nakaramdam pa rin ako ng pag-aalinlangan sa puso ko. Nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, gusto kong sumunod sa Iyo, pero hindi ko kayang bitiwan ang pamilya ko. Mangyaring bigyan Mo ako ng pananalig at lakas upang makawala ako sa mga pagkakagapos na ito ng laman.” Pagkatapos, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung hindi dahil sa panlilihis at pagkontrol ni Satanas sa mga tao, sisiyasatin ng tao ang gawain ng Diyos at babasahin ang Kanyang mga salita, at malalaman nilang sila ay nilikha ng Diyos, na ang buhay nila ay ibinigay ng Diyos; malalaman nila na ang lahat ng mayroon sila ay ibinigay ng Diyos, at na ang Diyos ang dapat nilang pasalamatan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Noon pa man, ang tingin ko na sa aking asawa ay tagasuporta ko, pinaniniwalaan kong siya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para magpatuloy sa buhay at ang nagbigay sa akin ng magandang buhay may-asawa, hanggang sa puntong kahit na inusig at nilabanan niya ako matapos kong simulang manampalataya sa Diyos ay hindi ko siya kinamuhian. Kapag hindi ako gumagawa ng tungkulin ko, sinusubukan ko pa ngang maglaan ng oras para ipagluto siya ng masasarap na pagkain, sa kagustuhang mabayaran ko ang pagkakautang ko sa kanya. Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang lahat ng mayroon ako ay ipinagkaloob sa akin ng Diyos, at ang pagsasamang ito ay galing sa kataas-taasang kapangyarihan at pagtatalaga ng Diyos. Ang dapat kong pasalamatan ay ang Diyos! Sa pag-iisip nito, mas nakahinga ako nang maluwag, at ang pasanin na nagpabigat sa puso ko nang ilang taon ay nawala na rin sa wakas. Nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!
Pagkatapos nito, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ng kaunting pagkilatis tungkol sa diwa ng aking asawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananampalataya, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang kunin bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng budhi at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung bumabagay ka sa mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Nagtataglay ba ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng budhi ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon? … Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang hatulan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang asal ay mabuti, habang masama yaong ang asal ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Inilantad ng Diyos na ang lahat ng hindi kumikilala sa Kanya ay mga diyablo at Satanas; sila ay mga kaaway ng Diyos. Nakikita ng Diyos ang diwa ng mga tao, samantalang tumingin lamang ako sa kanilang panlabas na anyo. Nakita ko na ginawa nang mabuti ng asawa ko ang lahat ng bagay sa loob man o labas ng bahay, na mabait siya sa pamilya at mga kaibigan niya, na tutulong siya kapag kailangan ng mga tao ang kanyang tulong, at na hindi niya ako tinalikuran kahit na wala na akong kakayahang magkaanak, kaya naisip ko na isang mabuti at bibihirang tao lamang siya sa mundo. Gayunpaman, matapos niyang malaman na nananampalataya ako sa Diyos, nabunyag ang malupit niyang pagkatao; para siyang naging ibang tao. Para talikuran ko ang aking pananalig, ginamit niya ang lahat ng uri ng paraan para takutin at suhulan ako, maging ang pilitin ako gamit ang pagbabanta ng hiwalayan. Nakita ko na ang diwa ng aking asawa ay sa isang diyablong kinamumuhian ang katotohanan at kinamumuhian ang Diyos. Napagtanto ko rin na mabait lang siya sa akin noon dahil handa akong igugol ang aking sarili para sa aming pamilya nang walang reklamo at nakikinig ako sa anumang sinasabi niya, na ikinalugod ng kanyang banidad bilang isang lalaking sobenista. Noong magsimula akong manampalataya sa Diyos, maunawaan ang ilang katotohanan, at makabuo ng mga sarili kong ideya, sinimulan niyang usigin at salungatin ako. Nang maaresto ako na nakaapekto sa kanyang reputasyon at mga interes, nagbanta siya na hihiwalayan niya ako. Ang totoo, hindi talaga siya naging mabuti sa akin, na nagturo sa akin na ang tunay na pag-ibig ay hindi umiiral sa pagitan ng mga tao, at ang lahat ay tungkol sa mga interes at transaksyon. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Napagtanto ko na, sa landas ng pananalig sa Diyos, nakatadhana akong mahiwalay sa aking asawa. Kahit na pilitin naming magsama, hindi kami magiging masaya, at maaapektuhan nito ang pananalig ko sa Diyos at ang pagganap ko ng tungkulin. Hindi ako handang makipagkompromiso pagdating sa aking pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanong ako ng aking asawa kung nakapagdesisyon na ba ako, at sinabi kong, “Pinipili kong manampalataya sa Diyos.” Nang marinig niya ito, umiling ang aking asawa at sinabi nang may kawalan ng pag-asa, “Nagawa ko na lahat ng magagawa ko; hindi talaga ako papantay sa Diyos mo. Hangad ko ang lahat ng makakabuti para sa iyo.” Sa puso ko, tahimik akong nagpasalamat sa Diyos.
Pagkatapos noon, mabilis naming natapos ang mga hakbang sa diborsiyo. Nang lumabas ako sa Civil Affairs Bureau, nakahinga ako nang maluwag. Mula sa araw na iyon, sa wakas ay maaari na akong manampalataya sa Diyos nang malaya. Tinulungan ako ng karanasan kong ito na makita ang tunay kong tayog. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa paglayo sa akin sa aking pamilya, sa pagpapalaya sa akin sa pagkakatali sa pamilya upang buong puso kong maigugol ang sarili ko para sa Kanya, mahangad ang katotohanan, at magampanan nang maayos ang tungkulin ko bilang isang nilikha.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.