Isang Live na Ulat sa Buhay Iglesia, Ep. 1: Umuunlad ang Ebanghelyo ng Kaharian: Lumaganap na sa Mahigit 120 Bansa ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Nobyembre 2, 2025
Noong 1991, opisyal na sinimulan ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian at itinatag ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mula nang pormal na lumaganap ang ebanghelyo ng kaharian sa mainland China noong 1995, ang mga tao mula sa lahat ng relihiyon at denominasyon na nanabik sa pagpapakita ng Diyos ay narinig ang Kanyang tinig, tinanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw, at dumagsa pabalik sa sambahayan ng Diyos. Sa iba't ibang dako, lumitaw ang tanawin ng pagsasanib ng lahat ng relihiyon, at lahat ng tao na dumadaloy patungo sa bundok ng sambahayan ng Diyos. Ang mundo ng relihiyon ay nasa bingit ng ganap na pagguho. Kasunod nito, umani ng pagkondena at mga pag-atake mula sa mundo ng relihiyon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at naglunsad ang gobyerno ng CCP ng mas malupit pang kampanya ng panunupil at pag-uusig laban dito. Sa kabila nito, sa ilalim ng paggabay ng Diyos, marami sa hinirang na mga tao ng Diyos ang nagtiis ng hindi mabilang na paghihirap at nalampasan ang napakaraming hadlang. Noong 2007, sa wakas ay naipalaganap nila sa ibang bansa ang Kanyang ebanghelyo ng kaharian, at itinatag ang unang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Taiwan. Sa mabilis na paglaganap ng ebanghelyo ng kaharian mula Asya hanggang Europa, at pagkatapos ay sa Amerika, Africa, at Oceania, nakapagtatag na ngayon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mga iglesia sa mahigit 120 bansa sa buong mundo. Patuloy na lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian na parang naglalagablab na apoy sa bawat kontinente.
Sa episode na ito, dadalhin namin kayo sa buhay iglesia ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Italya.
00:10 Panimula ng Host
02:45 Umuunlad ang Ebanghelyo ng Kaharian sa Europa, na ang Unang Destinasyon ay sa Italya
04:00 Malawakang Lumalaganap ang Ebanghelyo ng Kaharian sa Amerika, at Nagtatag ng mga Iglesia ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Sunod-sunod na Bansa
04:55 Ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Nagkaugat sa Africa: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Lumalago sa Buong Kontinente
06:37 Nakarating na sa Oceania ang Ebanghelyo ng Kaharian, at ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagtatag ng mga iglesia sa sunod-sunod na bansa
08:17 Tagapagbalita sa Lugar (Italy)
10:58 Panonood ng Video ng Sayaw ng mga Kristiyano: Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo
11:30 Patotoong Batay sa Karanasan ni Cristian's
15:04 Patotoong Batay sa Karanasan ni Enrico's
17:18 Patotoong Batay sa Karanasan ni Enzo's
22:26 Pag-awit ng Himno ng mga Salita ng Diyos: "Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay"
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.