Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 7: Isang Eksklusibong Panayam sa Isang Kristiyanong Nakalaya mula sa Bilangguan: Paninindigan sa Kanyang Pananalig sa Kabila ng mga Pagtatangka sa Sapilitang Pagpapalit ng Paniniwala
Pebrero 25, 2026
Noong Setyembre 2020, inilunsad ng CCP ang tatlong-taong "Kabuuang Digmaan" upang puksain Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa ang Lalawigan ng Shandong sa mga probinsyang naging partikular na matindi ang pag-aresto at pag-uusig sa mga Kristiyano. Kasunod ng pagpapatupad ng "Kabuuang Digmaan," naglunsad ang mga lokal na awtoridad ng sunod-sunod na koordinadong pag-aresto. Bandang Disyembre 26, sa lungsod ng Jinan, Lalawigan ng Shandong, mahigit 100 Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang inaresto sa isang koordinadong operasyon. Pagkatapos ay idinetene sila sa isang drug rehabilitation center sa lungsod, kung saan mahigit 70 pulis at tauhang espesyalista sa pagbi-brainwash ang nagsailalim sa kanila sa detensyon, interogasyon sa pamamagitan ng tortyur, at marahas na pagbi-brainwash. Isinailalim sila sa sapilitang ideolohikal na pagbabago sa pagtatangkang pilitin silang talikuran ang kanilang pananalig. Sinentensyahan ng pagkakakulong ang ilan sa mga Kristiyano dahil sa paninindigan sa kanilang pananalig. Ngayon, mahigit limang taon na ang nakalipas, at nakalaya na sa bilangguan ang lahat ng Kristiyanong ito. Sa ulat na ito, nakapanayam namin si Chen Hui, isa sa mga nakalaya sa bilangguan ilang panahon pa lang ang nakalilipas, pagkatapos tapusin ang kanyang sentensya. Sa pamamagitan ng kanyang salaysay, nalaman namin ang tungkol sa pag-uusig sa pamamagitan ng mga pagtatangkang sapilitang pagpapalit ng paniniwala na nangyari ilang taon na ang nakararaan.
00:22 Mga Tampok na Bahagi
02:23 Pagpapakilala sa Kinapanayam na Kristiyano
03:02 Pag-alaala sa Kanyang Pagkaaresto, Interogasyon, at Detensyon Limang Taon na ang Nakalipas
07:59 Marahas na Pagbi-brainwash at Sapilitang Pagpapalit ng Paniniwala
11:13 Malupit na Pinipilit ng mga Pulis ang mga Kristiyano na Itatwa ang Kanilang Pananalig at Pumirma sa "Tatlong mga Pahayag"
31:55 Ang mga Kristiyano na Umaasa sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos para Manatiling Matatag
34:52 Sinentensyahan ng CCP ng Apat na Taon at Anim na Buwan dahil sa Paninindigan sa Kanyang Pananalig
37:59 Malupit na Pinahirapan, Nakalaya sa Bilangguan, at Nasa Ilalim Pa Rin ng Pagmamanman ng CCP
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.