Isang Live na Ulat sa Buhay Iglesia, Ep. 6: Mga Karanasan ng mga Kristiyano sa Iglesia sa France: Ang mga Kundisyon sa Pagpasok sa Kaharian ng Langit
Disyembre 15, 2025
Ang mga Kristiyano ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa France ay nakahanap ng landas ng pagsasagawa para maging matapat na tao batay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kahit na humaharap sila sa mga balakid at kabiguan sa proseso ng pagsasagawa ng pagiging matapat na tao, hindi sila sumusuko. Sa halip, aktibo nilang hinahanap ang katotohanan. Sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, nakikilala nila ang kanilang sarili, nagsisisi sa Diyos, at kumikilos ayon sa Kanyang mga hinihingi. Nagsisimula sila sa isang pangungusap, at isang maliit na gawa, at sa huli ay nagagawang maging bukas at magsalita mula sa puso. Mas dumadalang ang kanilang pagsisinungaling at panlilinlang, at lalo silang nagkakaroon ng wangis ng isang matapat na tao. Natikman din nila ang kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa pagiging matapat na tao, at puspos ng pananalig at pag-asa na maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit.
00:36 Mga Tampok na Bahagi
01:33 Panimula ng Host
09:42 Tagapagbalita sa Lugar
11:15 Awit at Sayaw ng Papuri
13:14 Panonood ng Malakihang Musikal na Dokumentaryo: Siya Na May Kapangyarihan sa Lahat
15:37 Pagbabasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
23:20 Ibinabahagi ni Brother Mathieu ang Kanyang Karanasan: Apat na Landas ng Pagsasagawa para sa Pagwawaksi ng Pagpapaimbabaw at Pagiging Isang Matapat na Tao
38:37 Ibinabahagi ni Sister Jessie ang Kanyang Karanasan: Inakay Ako ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos na Mahanap ang Aking Direksyon sa Buhay
47:50 Ibinabahagi ni Sister Elina ang Kanyang Karanasan: Matatapat na Tao Lang ang Kalugod-lugod sa Diyos
57:33 Pag-awit ng Himno ng mga Salita ng Diyos: "Nais ng Diyos na Hangarin ng Sangkatauhan ang Katotohanan at Mabuhay"
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.