Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 88

Agosto 15, 2020

Sa tradisyonal na mga pagkaunawa ng tao, ang pag-ibig ng Diyos ay ang Kanyang biyaya, awa, at simpatiya para sa kahinaan ng tao. Bagama’t ang mga bagay na ito ay pag-ibig din ng Diyos, masyadong may kinikilingan ang mga ito, at hindi ang pangunahing kaparaanan na ginagawang perpekto ng Diyos ang tao. Kapag kasisimula pa lamang maniwala ng ilang tao sa Diyos, ito ay dahil sa karamdaman. Ang karamdamang ito ay ang biyaya ng Diyos para sa iyo; kung wala ito, hindi ka maniniwala sa Diyos, at kung hindi ka naniwala sa Diyos ay hindi ka makararating nang ganito kalayo—at sa gayon ay pag-ibig ng Diyos maging ang biyayang ito. Sa panahon ng paniniwala kay Jesus, maraming ginawa ang mga tao na hindi kaibig-ibig sa Diyos dahil hindi nila naunawaan ang katotohanan, ngunit ang Diyos ay may pag-ibig at awa, at dinala na Niya ang tao nang ganito kalayo, at bagama’t walang nauunawaang anuman ang tao, hinahayaan pa rin ng Diyos ang tao na sumunod sa Kanya, at, bukod pa roon, inakay na Niya ang tao hanggang sa ngayon. Hindi ba ito ang pag-ibig ng Diyos? Yaong namamalas sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-ibig ng Diyos—tama talaga ito! Nang nasa kasukdulan na ang pagtatayo ng iglesia, ginawa ng Diyos ang hakbang ng gawain ng mga tagapagsilbi at itinapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman. Ang mga salita sa panahon ng mga tagapagsilbi ay pawang mga sumpa: mga sumpa ng iyong laman, mga sumpa ng iyong napakasamang tiwaling disposisyon, at mga sumpa ng mga bagay tungkol sa iyo na hindi nakalulugod sa kalooban ng Diyos. Ang gawaing ginawa ng Diyos sa hakbang na iyon ay ipinamalas bilang kamahalan, pagkatapos ay isinagawa kaagad ng Diyos ang hakbang ng gawain ng pagkastigo, at sumapit ang pagsubok na kamatayan. Sa gayong gawain, nakita ng tao ang poot, kamahalan, paghatol, at pagkastigo ng Diyos, ngunit nakita rin niya ang biyaya ng Diyos, ang Kanyang pag-ibig at Kanyang awa; lahat ng ginawa ng Diyos, at lahat ng ipinamalas bilang Kanyang disposisyon, ay pag-ibig sa tao, at lahat ng ginawa ng Diyos ay nagawang tuparin ang mga pangangailangan ng tao. Ginawa Niya ito upang gawing perpekto ang tao, at naglaan Siya para sa tao ayon sa tayog nito. Kung hindi ito nagawa ng Diyos, hindi sana makakaharap ang tao sa Diyos at walang paraan para malaman niya ang tunay na mukha ng Diyos. Mula nang unang simulan ng tao na maniwala sa Diyos hanggang sa ngayon, unti-unti nang naglaan ang Diyos para sa tao alinsunod sa tayog ng tao, kaya nga, sa kalooban, unti-unti na Siyang nakilala ng tao. Ngayon lamang napagtatanto ng tao kung gaano kahanga-hanga ang paghatol ng Diyos. Ang hakbang ng gawain ng mga tagapagsilbi ay ang unang pangyayari ng gawain ng pagsumpa mula sa panahon ng paglikha hanggang sa ngayon. Ang tao ay isinumpa sa walang-hanggang kalaliman. Kung hindi iyon nagawa ng Diyos, wala sanang tunay na kaalaman ang tao tungkol sa Diyos ngayon; sa pamamagitan lamang ng pagsumpa ng Diyos tunay na naranasan ng tao ang Kanyang disposisyon. Inilantad ang tao sa pamamagitan ng pagsubok sa mga tagapagsilbi. Nakita Niya na ang katapatan nito ay hindi katanggap-tanggap, na ang tayog nito ay napakaliit, na wala itong kakayahang mapalugod ang kalooban ng Diyos, at na ang sinasabi nitong pagpapalugod sa Diyos sa lahat ng oras ay puro mga salita lamang. Bagama’t sa hakbang ng gawain ng mga tagapagsilbi ay isinumpa ng Diyos ang tao, kung gugunitain ngayon, ang hakbang ng gawaing yaon ng Diyos ay kahanga-hanga: Nagdulot ito ng isang malaking pagbabago para sa tao, at nagsanhi ng isang malaking pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Bago ang panahon ng mga tagapagsilbi, walang naunawaang anuman ang tao tungkol sa paghahangad sa buhay, kung ano ang kahulugan ng maniwala sa Diyos, o ang karunungan ng gawain ng Diyos, at ni hindi niya naunawaan na maaaring subukin ng gawain ng Diyos ang tao. Mula sa panahon ng mga tagapagsilbi hanggang sa ngayon, nakikita ng tao kung gaano kamangha-mangha ang gawain ng Diyos—hindi ito maaarok ng tao—at hindi niya maisip kung paano gumagawa ang Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang utak, at nakikita rin niya kung gaano kaliit ang kanyang tayog at na napakatindi ng kanyang pagkasuwail. Nang isumpa ng Diyos ang tao, ito ay upang matamo ang isang epekto, at hindi Niya pinatay ang tao. Bagama’t isinumpa Niya ang tao, ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng mga salita, at ang Kanyang mga sumpa ay hindi totoong sumapit sa tao, sapagkat ang isinumpa ng Diyos ay ang pagkasuwail ng tao, kaya nga ang mga salita ng Kanyang mga sumpa ay sinambit din upang gawing perpekto ang tao. Hinahatulan man ng Diyos ang tao o isinusumpa siya, parehong ginagawa nitong perpekto ang tao: Parehong ginagawa ito upang gawing perpekto yaong hindi dalisay sa kalooban ng tao. Sa pamamagitan ng kaparaanang ito ang tao ay pinipino, at yaong kulang sa kalooban ng tao ay ginagawang perpekto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Bawat hakbang ng gawain ng Diyos—masasakit na salita man ito, o paghatol, o pagkastigo—ay ginagawang perpekto ang tao, at talagang angkop. Hindi kailanman nakagawa ng gawain ang Diyos sa lumipas na mga kapanahunan na kagaya nito; sa ngayon, gumagawa Siya sa inyong kalooban kaya napahalagahan ninyo ang Kanyang karunungan. Bagama’t nagtiis na kayo ng kaunting pagdurusa sa inyong kalooban, matatag at payapa ang inyong puso; inyong biyaya ang matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Anuman ang magagawa ninyong makamit sa hinaharap, lahat ng inyong nakikita sa gawain ng Diyos sa inyo sa ngayon ay pag-ibig. Kung hindi nararanasan ng tao ang paghatol at pagpipino ng Diyos, ang kanyang mga kilos at sigla ay laging mananatiling paimbabaw, at ang kanyang disposisyon ay laging mananatiling hindi nagbabago. Maibibilang ba ito na nakamit ka na ng Diyos? Sa ngayon, bagama’t matindi pa rin ang kayabangan at kapalaluan sa kalooban ng tao, mas matatag na ang disposisyon ng tao kaysa rati. Pinakikitunguhan ka ng Diyos upang iligtas ka, at bagama’t maaari kang makadama ng kaunting pasakit sa panahong iyon, darating ang araw na magkakaroon ng pagbabago sa iyong disposisyon. Sa oras na iyon, aalalahanin mo ang nakalipas at makikita mo kung gaano karunong ang gawain ng Diyos, at sa oras na iyon ay magagawa mong tunay na maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa ngayon, may ilang taong nagsasabi na nauunawaan nila ang kalooban ng Diyos, ngunit hindi iyon masyadong makatotohanan, sa katunayan walang katuturan ang sinasabi nila, dahil sa kasalukuyan ay hindi pa nila nauunawaan kung ang kalooban ng Diyos ay upang iligtas ang tao o isumpa ang tao. Marahil ay hindi mo malinaw na nakikita ito sa ngayon, ngunit darating ang araw na makikita mo na dumating na ang araw ng pagluwalhati sa Diyos, at makikita mo kung gaano kamakabuluhan ang mahalin ang Diyos, kaya mauunawaan mo ang buhay ng tao at ang iyong laman ay mabubuhay sa mundo ng pagmamahal sa Diyos, kaya ang iyong espiritu ay lalaya, ang iyong buhay ay mapupuno ng galak, at lagi kang magiging malapit sa Diyos at aasa sa Kanya. Sa oras na iyon, tunay mong malalaman kung gaano kahalaga ang gawain ng Diyos sa ngayon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin