Ang Diwa ng Pag-aabuso sa Kapangyarihan para sa Personal na Paghihiganti
Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong ihalal siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong matindi, at sa isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang ihalal siya bilang pinuno ng distrito.
Sa pagbalik ko sa pamilyang tinutuluyan ko, nanggalaiti pa rin ako at hindi ko magagawang kumalma. Sa oras na iyon, naisip ko ang isang sipi mula sa isang sermon: “Kung paano tinatrato ng mga nagsisilbi bilang mga pinuno ang mga kapatid na sa tingin nila ay mahirap kasamahin, na kumokontra sa kanila, at ganap na naiiba ang pinanghahawakang mga pananaw kaysa sa kanila—ay isang napakaseryosong isyu at dapat pangasiwaan nang may pag-iingat. Kung hindi sila pumasok sa katotohanan, tiyak na itatangi nila at pipintasan ang mga taong kagaya nito kapag kinaharap ang ganitong uri ng isyu. Ang ganitong uri ng pagkilos ay tiyak na isang pagpapahayag ng kalikasan ng malaking pulang dragon na lumalaban at nagtataksil sa Diyos. Kung ang mga nagsisilbi bilang mga pinuno ay naghahangad ng katotohanan, at nagtataglay ng konsiyensiya, at katwiran, hahanapin nila ang katotohanan at pamamahalaan ang bagay na ito nang tama. … Bilang mga tao, kailangan natin maging makatarungan at patas. Bilang mga pinuno, dapat nating pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos upang maging saksi. Kung gagawin natin ang mga bagay ayon sa ating sariling kalooban, binibigyan ng malayang kapangyarihan ang ating sariling tiwaling disposisyon, kung gayon iyon ay magiging isang kakila-kilabot na kabiguan” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Hindi ko mapipigilan kundi ihambing ang aking dalawang ganap na magkaibang mga saloobin mula sa bago ako makipag-usap at pagkatapos kong makipag-usap sa kapatid na lalaking iyon. Noong una’y nakahanda akong ihalal siya bilang pinuno ng distrito, ngunit may nasabi siyang ilang bagay na naging sanhi ng pagkapahiya ko noong kausap ko siya, kaya agad kong binago ang opinyon ko tungkol sa kanya at hindi na binalak pang ihalal siya. Hindi ba ito pagsasamantala sa aking kapangyarihan upang personal na makapaghiganti? Ano ang pagkakaiba sa pagitan nito sa pagtatangi at pananakit ng malaking pulang dragon laban sa mga taong sumasalungat? Hindi ba kasuklam-suklam ang uri ng pagkilos na ito? Ang iglesia ay hindi katulad ng lipunan. Kailangan ng iglesia na ang bawat antas ng mga pinuno nito ay mga taong may pagkatao, may pagmamahal sa katotohanan, at kayang tanggapin ang katotohanan. Hindi nito kailangan ang mga taong mga sumisipsip, na hindi taglay ang realidad ng katotohanan. Ngunit ang ginawa ko ay lubhang salungat sa kalooban ng Diyos. Habang pumipili ng isang kandidato inisip ko lamang ang aking sariling interes at sa sandaling ang taong iyon ay hindi sumuporta sa akin, kapag nagsabi siya ng isang bagay na hindi kanais-nais sa akin, pinakitunguhan ko nang masama at nagalit ako sa kanya. Hindi ba ang pagkilos ko gaya nito ay tiyak na ibinubunyag ang kalikasan ng malaking pulang dragon na lumalaban at pinagtataksilan ang Diyos? Hindi ba ito tiyak na paglalantad ng disposisyon ni Satanas, “Magpasakop at uunlad; lumaban at malilipol”? Hindi ba ang pagkilos sa ganitong paraan ay pagiging isang lingkod ni Satanas, nakakasagabal sa gawain ng Diyos at pagiging kaaway Niya? Hindi ba napakasama ng aking puso? Ang iglesia ay malapit nang pumili ng isang tao para sa isang posisyon, at ang kapatid na lalaking iyon ay nababagay na kandidato para maging pinuno ng distrito. Ang kanyang pagtatasa sa akin ay hindi kanais-nais sa akin; marapat sana’y hinanap ko ang katotohanan sa bagay na ito at tinanggap ang kanyang opinyon. Marapat sana’y siniyasat ko ang aking sarili at kinilala ang aking sarili, at bumawi sa mga kakulangan sa aking trabaho. Ngunit, hindi lamang sa hindi ko hinanap ang dahilan sa loob ng aking sarili, kundi binigyan ko pa ng kalayaan ang kalikasan ni Satanas sa akin upang siya’y pakitunguhan nang masama at maghiganti sa kanya. Masyado akong mapagmataas, lubhang kulang sa pagkatao! Ang disposisyon kong ito ay talagang kasuklam-suklam sa Diyos! Kung ipinagpatuloy ko ang pagbibigay ng kalayaan sa ganitong uri ng tiwaling kalikasan, kalaunan ako’y masisira bilang isang mapagmataas na lingkod ng kasamaan na bulag sa Diyos. Tunay nga akong nasa panganib. Sa oras na iyon hindi ko mapipigilan kundi ang manginig sa aking mga saloobin at aksyon, nakikita ang sarili kong puno ng lason ng malaking pulang dragon, na ang nakalantad ay ang lahat ng pagkapoot laban sa Diyos. Tunay na kinamumuhian ito ng Diyos, at naiinis dito.
O Diyos, salamat sa Iyong mabilis na kaliwanagan, sa pagpigil sa ugali kong nagpapakita ng pagtatangi, sa pagpapahintulot sa akin upang makita nang mas mabuti ang aking mukha ni Satanas na kumikilos bilang Iyong kaaway. Mula sa araw na ito, nais kong ipagpatuloy ang pagbabago ng disposisyon, at kapag nakatagpo ako ng mga tao o bagay na hindi kanais-nais sa akin, matututuhan kong isantabi ang aking sarili, talikuran ang laman, at sa lahat ng bagay ay pangalagaan ang mga interes ng iglesia, at magawa sa abot ng aking makakaya na tuparin ang aking mga tungkulin.