Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 571

Kung nais mong maunawaan ang katotohanan, mahalagang malaman mo kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Kung kakaunti ang binabasa mong mga salita ng Diyos, hindi binabasa nang taimtim ang mga iyon, at hindi pinagninilayan ang mga iyon sa puso mo, hindi mo mauunawaan ang katotohanan. Ang tangi mong mauunawaan ay kaunting doktrina, kaya mahihirapan ka nang husto na maunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang mga layon ng Diyos sa Kanyang mga salita. Kung hindi mo nauunawaan ang mga mithiin at resultang hinahangad na makamit ng mga salita ng Diyos, kung hindi mo nauunawaan ang hinahanap na maisakatuparan at maperpekto ng Kanyang mga salita sa tao, pinatutunayan nito na hindi mo pa naiintindihan ang katotohanan. Bakit sinasabi ng Diyos ang Kanyang sinasabi? Bakit Siya nagsasalita sa ganoong tono? Bakit Siya ay napakamasigasig at taos sa bawat salitang Kanyang sinasambit? Bakit Niya pinipiling gamitin ang ilang salita? Alam mo ba? Kung hindi mo masabi nang may katiyakan, ibig sabihin nito ay hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos o ang Kanyang mga layon. Kung hindi mo nauunawaan ang konteksto sa likod ng Kanyang mga salita, paano mo mauunawaan o maisasagawa ang katotohanan? Upang makamit ang katotohanan, dapat mo munang maunawaan ang ibig sabihin ng Diyos sa bawat salitang Kanyang binibigkas, at pagkatapos mong maunawaan ang mga salitang ito ay isagawa mo ang mga ito, na nagiging dahilan upang maisabuhay sa loob mo ang mga salita ng Diyos, at upang maging realidad mo. Sa paggawa nito ay papasok ka sa katotohanang realidad. Kapag mayroon ka nang lubos na pagkaunawa sa salita ng Diyos, saka mo lamang tunay na mauunawaan ang katotohanan. Matapos maunawaan lamang ang ilang salita at doktrina, iniisip mo na nauunawaan mo ang katotohanan at taglay mo ang realidad. Ito ay panlilinlang sa sarili. Ni hindi mo nauunawaan kung bakit hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan. Pinatutunayan nito na hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at na hindi mo pa rin nauunawaan ang katotohanan. Sa katunayan, ipinapagawa ito ng Diyos sa mga tao para dalisayin at iligtas sila, upang maiwaksi ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at maging mga taong nagpapasakop at nakakakilala sa Diyos. Ito ang mithiing nais makamtan ng Diyos sa pag-uutos sa mga tao na isagawa ang katotohanan.

Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para sa mga taong nagmamahal sa katotohanan, nauuhaw sa katotohanan, at naghahanap sa katotohanan. Para naman sa mga taong ang pagpapahalaga ay nasa mga salita at doktrina at gustong magbigay ng mahahaba at matatayog na mga pananalita, hindi nila matatamo ang katotohanan kailanman; niloloko nila ang kanilang mga sarili. Ang pananaw nila tungkol sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos ay mali, binabaligtad nila ang pagbasa roon sa matuwid—maling-mali ang kanilang pananaw. Mas gusto ng ilang tao na pag-aralan ang mga salita ng Diyos. Lagi nilang pinag-aaralan kung paano tinatalakay ng mga salita ng Diyos ang tungkol sa hantungan o kung paano pagpapalain. Lubha silang interesado sa ganitong mga uri ng mga salita. Kung hindi umaayon ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga kuru-kuro at hindi nabibigyang-kasiyahan ang pagnanasa nila para sa mga pagpapala, magiging negatibo sila, hindi na nila hahangarin ang katotohanan, at aayawan nilang igugol ang kanilang sarili para sa Diyos. Ipinapakita nito na hindi sila interesado sa katotohanan. Dahil dito, hindi sila masigasig sa katotohanan; kaya lang nilang tanggapin ang katotohanan na umaayon sa kanilang mga kuru-kuro at mga imahinasyon. Bagama’t marubdob ang gayong mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos at sinusubukan ang lahat ng paraang kaya nila upang gumawa ng ilang mabubuting gawa at maipakita na mabuting tao sila, ginagawa lamang nila ito para magkaroon ng magandang hantungan sa hinaharap. Sa kabila ng katunayang sumasali rin sila sa buhay-iglesia, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi nila isasagawa ang katotohanan o kakamtin ito. May ilang tao na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ngunit sumasama lamang sa agos; iniisip nila na natamo na nila ang katotohanan sa pamamagitan lamang ng pagkaunawa sa ilang salita at doktrina. Mga hangal sila! Ang salita ng Diyos ang katotohanan. Gayunpaman, hindi nangangahulugan na mauunawaan at matatamo ng isang tao ang katotohanan matapos niyang mabasa ang mga salita ng Diyos. Kung nabibigo kang matamo ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ang matatamo mo ay mga salita at doktrina. Kung hindi mo alam kung paano isagawa ang katotohanan o kung paano kumilos ayon sa mga prinsipyo, mananatili kang walang katotohanang realidad. Maaaring madalas mong binabasa ang mga salita ng Diyos, ngunit pagkatapos, nabibigo kang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at ang nakukuha mo lamang ay ilang salita at doktrina. Paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos upang maunawaan ang katotohanan? Una sa lahat, dapat mong matanto na ang salita ng Diyos ay hindi madaling maunawaan; ang salita ng Diyos ay napakalalim. Kahit isang pangungusap ng mga salita ng Diyos ay nangangailangan ng isang habambuhay upang maranasan. Kung wala kang ilang taon ng karanasan, paano mo posibleng maunawaan ang salita ng Diyos? Kung, kapag nagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, at hindi nauunawaan ang mga layon ng Kanyang mga salita, ang pinagmulan ng mga ito, ang epektong hinahanap na makamit ng mga ito, o kung ano ang hinahanap na maisakatuparan ng mga ito, ibig sabihin ba nito ay nauunawaan mo ang katotohanan? Maaaring maraming beses mo nang nabasa ang mga salita ng Diyos at marahil ay kabisado mo na ang maraming sipi, ngunit hindi mo maisagawa ang katotohanan at hindi ka talaga nagbago, at ang iyong kaugnayan sa Diyos ay malayo at hiwalay pa rin tulad ng dati. Kapag nahaharap sa isang bagay na salungat sa iyong mga kuru-kuro, nagdududa ka pa rin sa Kanya, at hindi mo Siya nauunawaan, kundi nangangatwiran ka pa sa Kanya at nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya at nagkakamali ng pagkaunawa sa Kanya, nilalabanan Siya at nilalapastangan pa Siya. Anong klaseng disposisyon ito? Ang disposisyong ito ay ang disposisyon ng kayabangan, ng pagiging tutol sa katotohanan. Paano ito matatanggap o maisasagawa ng mga taong napakayabang at tutol na tutol sa katotohanan? Talagang hinding-hindi matatamo ng gayong mga tao ang katotohanan o ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kaugnay na Nilalaman