Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 454

Agosto 1, 2021

Nagawa ni Jesus na tapusin ang tagubilin ng Diyos—ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling mga plano at pagsasaayos. Kaya, ganoon din, Siya ay kaniig ng Diyos—ang Diyos Mismo, na isang bagay na nauunawaan ninyong lahat nang napakaigi. (Ang totoo, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos. Binabanggit Ko ito rito upang gamitin ang katunayan ni Jesus upang isalarawan ang usapin.) Nagawa Niyang ilagay ang plano ng pamamahala ng Diyos sa pinakasentro, at palaging nanalangin sa Ama sa langit at hinangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin Siya at nagsabi: “Diyos Ama! Ganapin yaong Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga kagustuhan kundi ayon sa Iyong plano. Maaaring mahina ang tao, nguni’t bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano magiging karapat-dapat ang tao sa Iyong pag-aalala, ang tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais Ko lamang na tuparin ang Iyong kalooban, at nais Ko na Iyong magagawa ang nais Mong gawin sa Akin ayon sa Iyong sariling mga kagustuhan.” Habang nasa daan patungong Jerusalem, si Jesus ay nagdurusa, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa Kanyang puso, subali’t Siya ay wala ni bahagya mang intensyong talikuran ang Kanyang salita; palaging mayroong isang makapangyarihang puwersang humihimok sa Kanya na sumulong kung saan Siya ay ipapako sa krus. Sa kahuli-hulihan, Siya ay ipinako sa krus at naging wangis ng makasalanang laman, tinatapos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Nakawala Siya sa mga gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, ang mortalidad, impiyerno, at Hades ay nawalan ng kapangyarihan, at nalupig Niya. Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito ay palagi Niyang ginawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at palaging iniisip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay nabautismuhan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na siya Kong lubos na kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, inilagay ng Diyos ang mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya upang tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at nararapat na tumapos sa mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masusukat na pagdurusa para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang di-mabilang na beses, nguni’t Siya ay hindi kailanman pinanghinaan ng loob. Binigyan Siya ng Diyos ng gayong napakalaking gawain dahil ang Diyos ay nagtitiwala sa Kanya, at nagmamahal sa Kanya, at kaya personal na sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na siya Kong lubos na kinalulugdan.” Sa panahong iyon, si Jesus lamang ang maaaring tumupad sa tagubilin na ito, at ito ay isang praktikal na aspeto ng pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Kung, katulad ni Jesus, may kakayahan kayo na masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikuran ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain sa inyo, upang inyong matugunan ang mga kondisyon sa paglilingkod sa Diyos. Sa gayong mga pagkakataon lamang kayo mangangahas magsabi na inyong ginagawa ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang tagubilin, at doon lamang kayo mangangahas magsabi na kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos. Kumpara sa halimbawa ni Jesus, nangangahas ka bang sabihin na ikaw ay kaniig ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ginagawa mo ang kalooban ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ikaw ay tunay na naglilingkod sa Diyos? Ngayon, hindi mo nauunawaan kung paano paglingkuran ang Diyos, ikaw ba ay nangangahas sabihin na kaniig ka ng Diyos? Kung sinasabi mong ikaw ay naglilingkod sa Diyos, hindi mo ba Siya nilalapastangan? Pag-isipan ito: Ikaw ba ay naglilingkod sa Diyos, o sa iyong sarili? Naglilingkod ka kay Satanas, nguni’t nagmamatigas kang sabihin na naglilingkod ka sa Diyos—sa ganito, hindi mo ba nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng katayuan, nagpapakasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, palaging natatakot na wala nang pag-asa para sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang nararapat na tungkulin sa iglesia, bagkus ay sinasamantala ang iglesia, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, pinaghaharian ang iba mula sa mga posisyon ng awtoridad. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos at palaging sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may tamang mga intensyon, nguni’t hindi kayang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, ikaw ay nagpapakahangal; nguni’t kung ang iyong mga intensyon ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at nararapat kang parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga ganoong tao! Sa bahay ng Diyos, nagsasamantala sila, palaging nag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos. Palagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, at hindi nila iniintindi ang kalooban ng Diyos. Hindi nila tinatanggap ang pagsusuri ng Espiritu ng Diyos sa anumang ginagawa nila. Palagi nilang minamaniobra at nililinlang ang kanilang mga kapatiran, at dalawa ang kanilang mukha, tulad ng isang soro sa ubasan, palaging nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop na tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos? Hindi ka nagdadala ng pasanin para sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop na tumanggap ng tagubilin ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na ipagkatiwala sa iyo ang mas malaking gawain? Hindi ba ito magdudulot ng mga pagkaantala sa gawain?

Sinasabi Ko ito upang inyong malaman kung anong mga kondisyon ang dapat matupad upang maglingkod nang kaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo ibinibigay ang inyong puso sa Diyos, kung hindi ninyo binibigyan ng masusing pangangalaga ang kalooban ng Diyos katulad ni Jesus, hindi kayo mapagkakatiwalaan ng Diyos, at hahantong sa paghatol ng Diyos sa huli. Marahil ngayon, sa iyong paglilingkod sa Diyos, palagi kang nagkikimkim ng intensyong linlangin ang Diyos at palagi Siyang pinakikitunguhan nang padalus-dalos. Sa madaling salita, ano’t anuman, kung dinadaya mo ang Diyos, malupit na paghatol ang darating sa iyo. Dapat ninyong samantalahin ang pagkakapasok sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos para ibigay muna ang inyong puso sa Diyos, nang walang nahahating katapatan. Ikaw man ay nasa harap ng Diyos, o nasa harap ng ibang tao, ang iyong puso ay dapat laging nakaharap sa Diyos, at dapat mong panindigan na mahalin ang Diyos katulad ni Jesus. Sa paraang ito, gagawin kang perpekto ng Diyos, upang ikaw ay maging tagapaglingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang puso. Kung tunay na nais mong magawang perpekto ng Diyos, at upang ang iyong serbisyo ay maging kaayon ng Kanyang kalooban, dapat mong baguhin ang iyong mga dating pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, at baguhin ang dating paraan ng iyong paglilingkod sa Diyos, nang sa gayon ay higit ka pang magawang perpekto ng Diyos. Sa paraang ito, hindi ka tatalikuran ng Diyos, at, katulad ni Pedro, pangungunahan mo yaong nagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay mananatiling walang-pagsisisi, makakamit mo ang katapusang katulad ng kay Judas. Ito ay dapat na maunawaan ng lahat ng naniniwala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger