Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 8: Isang Tampok na Panayam kay Wilma Rubino, Isang Dating Ebanghelista Mula sa Italya

Hulyo 24, 2026

Dating ebanghelista si Wilma Rubino para sa isang simbahang Kristiyano sa Italya. Sa loob ng maraming taon, inakala niyang naglilingkod siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pangangaral niya, pero unti-unti niyang napagtanto na hindi nakaayon sa Bibliya ang ilan sa mga doktrina ng denominasyon niya. Ikinagulat niya ang pagkatantong iyon at lalo siyang nakaramdam ng pagkaligaw kaysa dati. Pagkatapos iwan ang dati niyang denominasyon, umasa siyang makakahanap siya ng iglesia na tunay na may gawain ng Banal na Espiritu at presensya ng Diyos—isang lugar na talagang makakapagtustos sa buhay ng mga tao. Puno ng pag-asa, binisita niya ang iba't ibang denominasyon sa buong Italya, para lang umalis nang dismayado sa bawat pagkakataon. Dahil sa pagharap sa lahat ng kalungkutan, kahinaan, at kalituhang iyon nang napakatagal, naisip na lang niyang sumuko. Pero hindi siya kailanman tumigil sa pagdarasal sa Panginoon, nagmamakaawa sa Kanya na gabayan ang landas niya na nasa unahan. Pagkatapos, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, labis na inantig ng isang pelikula ang puso niya. Dinala siya nito sa wakas sa iglesiang may presensya ng Diyos na hinahanap niya sa lahat ng taon na iyon. Pero kung kailan inakala niyang nakauwi na siya sa wakas, nagulo siya at muntik na siyang mailigaw ng iba't ibang uri ng negatibong impormasyon. Higit pa roon, itinakwil siya ng denominasyon niya, kaya napilitan siyang gumawa ng isa pang mahirap na pagpili. Maligayang pagdating sa panayam na ito. Samahan ninyo kami habang ibinabahagi ni Wilma Rubino ang totoong paglalakbay niya sa pagharap sa lahat ng kalituhan, pagdurusa, at pagsubok na iyon, para mahanap sa wakas ang iglesiang tunay na may presensya ng Diyos at makabalik sa harap ng Diyos.

05:15 Mula sa Katolisismo Patungong mga Saksi ni Jehova

09:06 Kung Bakit Iniwan Ko ang mga Saksi ni Jehova

18:37 Apat na Taon ng Paghahanap sa Tunay na Iglesia

26:10 Sinagot ng Diyos ang mga Panalangin Ko

39:08 Nahirapan Ako Dahil sa mga Walang Batayang Tsismis Online

48:03 Natutuhan Kong Kilatisin ang Tunay na Daan Mula sa mga Maling Daan

01:07:58 Ano ang Tunay na Iglesia?

01:14:23 Sa Isang Iglap, Itinakwil Ako ng Aking Denominasyon

01:25:23 Binago Ako ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply