Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 7: Isang Tampok na Panayam kay Jesús David, Dating Direktor ng Konseho ng Lehislatibo ng Sucre State, Venezuela

Hulyo 12, 2026

Naging aktibo si Jesús David sa mga pampublikong usapin sa Venezuela sa loob ng maraming taon. Mula sa mataas na pamunuan ng gobyerno ng estado hanggang sa pagtakbo bilang kandidato sa pagka-alkalde, at mula sa pagiging lider ng unyon hanggang sa pagiging aktibistang panlipunan, gumugol siya ng mahigit dalawang dekada sa larangan ng pulitika at lipunan, patuloy na nagsusumikap para sa kanyang mga mithiin at adhikain. Dati siyang nagkaroon ng kainggit-inggit na karera at impluwensiya, hawak ang partikular na katayuan sa mga lokal na panlipunan at pulitikal na sirkulo. Gayumpaman, isang hindi inaasahang pagbabago sa mga pangyayari ang nagtulak sa kanya na muling suriin ang mga layon sa buhay na palagi niyang hinahangad. Sa pagbabalik-tanaw sa landas na tinahak niya sa buhay, hindi maiwasang napaisip siya: Pagkatapos ng habambuhay na paghahabol sa kasikatan at kayamanan, ano ba ang tunay na nakakamit ng isang tao? Ano ang tunay na kabuluhan ng buhay?

Sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, ibabahagi ni Jesús David ang kanyang mga karanasan sa buhay at kung paano niya sinimulan ang isang ganap na bagong paglalakbay matapos harapin ang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

00:28 Karera ni Jesús David

03:20 Dahil sa Kahirapan ay Naging Determinado Akong Baguhin ang Kapalaran Ko

08:28 Pagsali sa Gobyerno ng Estado at Pagkakamit sa Pagkilala ng Gobernador

18:11 Pagiging Lubos na Iginagalang at Kinikilala sa Bayan Ko

23:12 Ang Karanasan Ko sa Pagtakbo Bilang Alkalde

33:01 Mga Pagninilay Pagkatapos Matalo sa Eleksyon sa Pagka-Alkalde

40:36 Ang Epekto ng Pandemya at Isang Pagbabago sa Buhay

49:51 Ang Pagdarasal sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa at ang Paggabay ng Diyos

54:02 Ang Tunay na Buhay sa Likod ng Kasikatan at Pakinabang

01:12:12 Pagbabalik-tanaw sa Buhay: Hindi Makokontrol ng Tao ang Sarili Niyang Kapalaran

01:28:58 Nagsisimula ang Isang Bagong Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.