Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 33: Mga Kristiyanong May Malubhang Sakit, Inaresto ng CCP at Nalagay sa Kritikal na Kondisyon Matapos Pahirapan Habang Iniinteroga

November 26, 2026

Iuulat sa programa ngayong araw ang tungkol sa dalawang Kristiyanong may malubhang sakit sa Guangxi Zhuang Autonomous Region, Tsina—sina Xu Haiyan at Zhang Tong—na muntik nang mamatay matapos arestuhin at pahirapan ng mga pulis ng CCP. Noong Setyembre 19, 2023, ang Kristiyanong si Xu Haiyan at ang kamanggagawa niyang si Zhou Qi sa Lungsod ng Guigang, Guangxi, ay inaresto ng mga pulis habang nagtatalakay ng gawain ng iglesia. Habang iniinteroga, tahasang sinabi ni Xu Haiyan sa mga pulis na malubha ang sakit niya sa bato at kailangan niyang maoperahan. Pero pinagbawalan siya ng mga pulis na magpagamot at isinailalim siya sa pagpapahirap, na naging dahilan para lumala ang kondisyon niya. Nag-atrophy ang kaliwang bato niya, at ang nodyul niya sa baga ay naging lung adenocarcinoma. Noong Hunyo 5, 2022, inaresto ng mga pulis si Zhang Tong sa bahay niya. Noong Hunyo 26, sa isang regular na checkup bago siya ilipat sa isang detention house para sa mga kriminal, nakita ng doktor ang matinding kabag at napakaraming naipong tubig sa tiyan niya, at nagbabala na manganganib ang buhay niya kung hindi siya maoospital at maooperahan, pero ibinalik pa rin siya ng mga pulis sa sentro ng administratibong detensyon. Makalipas ang tatlong araw, ikinulong ng mga pulis si Zhang Tong sa detention house para sa mga kriminal at itinigil ang kailangang-kailangan niyang pang-araw-araw na gamot, kaya patuloy na lumala ang kondisyon niya. Nagkaroon siya ng malubhang ascites, at nasa bingit na siya ng kamatayan.

00:22 Mga Tampok na Bahagi

05:40 Pinahirapan at Inabuso si Xu Haiyan sa Kabila ng Malubhang Sakit

20:15 Hindi Pinainom ng Gamot ng mga Pulis si Zhang Tong at Inabuso Siya, Kaya Lumala ang Sakit Niya sa Atay, at Ikinulong Siya sa Kabila ng Huling Yugto ng Kanser sa Atay

33:40 Pangwakas na Pananalita at Impormasyon tungkol sa mga Salarin