Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 6: Isang Tampok na Panayam kay Norma Perez, MD, Cuban na Residente sa US at Nakatataas na Sikiyatra

Hunyo 19, 2026

Si Norma Perez, MD, ay isang nakatataas na espesyalista sa sikiyatriya ng mga bata at kabataan. Isa rin siyang iskolar na matagal nang nasa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa medisina. Sa nakalipas na mga dekada, marami siyang natulungang kabataan na malampasan ang mga sikolohikal na paghihirap nila. Subalit, habang tumutulong sa iba, nakaranas siya ng sunod-sunod na mabibigat na dagok sa sarili niyang buhay. Maaga siyang namatayan ng anak, pumanaw ang mga magulang niya noong siya ay nasa mahigit 30 taong gulang, at nawalan siya ng asawa sa kanyang katanghaliang-gulang. Dahil sa magkakasunod at mabibigat na pagkawalang ito, matagal siyang namuhay sa pagdadalamhati at depresyon. Kahit na isa siyang eksperto sa sikiyatriya na nakakaunawa sa sikolohiya, medisina, at sa iba't ibang paraan ng paggagamot, hindi pa rin siya tuluyang nakawala mula sa kanyang panloob na pasakit at depresyon. Ilang dekada siyang nakipaglaban sa depresyon. Pagkatapos, sumapit ang kanyang buhay sa isang ganap na pagbabago. Hindi lang siya unti-unting nakaahon sa depresyong matagal nang nagpahirap sa kanya, kundi muli pa niyang natuklasan ang tunay na panloob na kapayapaan, kagalakan, at pag-asa. Ngayon, sa edad na 81, puno pa rin siya ng sigla at madalas na may ngiti sa kanyang mga labi. Mahirap isipin na ang optimistiko at payapang nakatatandang ito ay minsan nang namuhay sa depresyon at pasakit nang ganoon katagal. Ano ba talaga ang nakatulong sa isang sikiyatra, na matagal nang pinahirapan ng depresyon, na tuluyang makawala mula sa anino nito, nang hakbang-hakbang? Sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, ihahatid namin sa inyo ang tunay at malalim na kuwento ng buhay ni Dr. Norma.

03:12 Ang Karera ng Isang Sikiyatra, MD

07:15 Sa Edad na 21, Binago ng Pagpanaw ng Kanyang Anak ang Karera Niya

15:17 Mga Sintomas at Lunas sa Depresyon

30:56 Muling Nagsadlak sa Kanya sa Pasakit ang Pagpanaw ng Kanyang Asawa

37:47 Kalungkutan at Pagkalito Pagkatapos Magretiro

41:33 Isang Sinag ng Liwanag ang Tumanglaw sa Buhay Niya

46:39 Isang Bagong Pagkaunawa sa Buhay at Kamatayan

54:12 Pagkaunawa sa Wakas na Hindi Maaaring Magpasya ang mga Magulang Para sa Buhay ng Kanilang mga Anak

58:06 Pagkabalisa at Kapayapaan sa Isang Kapaligirang Pagano

01:13:45 7 Kabatiran Para Malampasan ang Depresyon

01:24:17 Hindi Tunay na Nalulutas ng Medisina ang Panloob na Pasakit

01:45:01 Sa Edad na 81, Tuluyan Siyang Nakaahon sa Depresyon at Muling Nagkamit ng Kapayapaan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.