Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 18: Isang Tampok na Panayam kay Sylvia Díaz, Dating Senior Warrant Officer ng Peruvian National Police

November 17, 2026

Si Sylvia Díaz ay isang dating senior warrant officer na may 27 taon ng karanasan sa pagpapatupad ng batas, nakibahagi sa imbestigasyon ng maraming malaking krimen sa droga. Gayumpaman, sa kabila ng pagharap sa mga krimen sa droga sa loob ng maraming taon, hindi niya kailanman inasahan na ang kaisa-isa niyang anak na lalaki ay malulugmok nang husto sa adiksiyon sa droga. Para iligtas ang anak niya, sinubukan niya ang lahat at nagbayad siya ng malaking halaga, ngunit hindi niya pa rin ito magawang palayain mula sa pagkakasakmal ng droga. Minsan siyang naniwala nang matibay na mapoprotektahan niya ang kanyang anak at mabubuksan ang daan para sa magandang kinabukasan nito. Pero kalaunan, wala siyang magawa kundi panoorin itong lumapit nang lumapit sa bangin, habang siya mismo ay nalulugmok sa walang-katapusang paninisi sa sarili at kawalan ng pag-asa. Noong malapit na siyang mawalan ng lahat ng pag-asa, isang di-inaasahang pagtatagpo ang nagdala ng isang di-inaasahang tanda ng malaking pagbabago sa buhay niya. Ano nga ba ang naging dahilan kung bakit nakaramdam ng labis na kawalan ng magagawa ang bihasang narcotics officer na ito? At paano niya nalampasan ang pasakit at kawalan ng pag-asang ito? Mangyaring panoorin ang episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian upang mapakinggan ang tunay na kuwento ng buhay ni Sylvia.

00:30 Mula sa Pagiging Isang Frontline na Babaeng Pulis Tungo sa Pagiging Isang Nakatataas na Warrant Officer

03:53 Isang Ina sa Loob ng Maraming Taon ng Kahirapan

09:28 Bakit Niya Piniling Maging Isang Narcotics Officer?

15:37 Pagsasakripisyo sa Magagandang Kondisyon sa Trabaho Para sa Anak Niya

21:30 Ang Sandaling Pinosasan ang Kanyang Anak

29:31 Tuluyang Nawasak ang Loob ng Isang Ina Matapos Matuklasan ang Paggamit ng Droga ng Kanyang Anak

39:40 Pagbayad ng Malaking Halaga Para Mapalayo sa Droga ang Kanyang Anak

55:44 Ang Pagbalik sa Adiksiyon sa Droga ng Kanyang Anak ay Nagtulak sa Kanya sa Kawalan ng Pag-asa

01:02:15 Pagdinig sa Tinig ng Diyos sa Gitna ng Kanyang Kawalan ng Pag-asa

01:08:19 May Makakapagkontrol Ba sa Kapalaran ng Kanilang mga Anak?

01:15:00 Ang Pagmamahal ng Isang Ina ay Hindi Nangangahulugan ng Hindi Pagbitiw Kailanman

01:31:23 Ina at Anak: Mula sa Walang-katapusang Pagtatalo Hanggang sa Muling Pagkakasundo

01:35:24 Napagtagumpayan ng Kanyang Anak ang Adiksiyon Nito at Nagsimula Ito ng Bagong Buhay