Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 17: Isang Tampok na Panayam sa Indianong Kristiyanong Pastor na si Probin Boro
Si Probin Boro ay ipinanganak sa Assam, India. Noong 1996, pumasok siya sa seminaryo para mag-aral ng teolohiya, pero natuklasan niya na hindi kayang lutasin ng mga teorya sa teolohiya ang mga kalituhan na mayroon siya sa pananalig niya. Sa mahigit 20 taon ng paglilingkod sa Diyos, nakita niyang unti-unting nasadlak sa kapanglawan ang simbahan niya—nagpapakana ang mga pastor at elder sa isa't isa, at naghahabol ang mga mananampalataya sa mga makamundong kalakaran, pero wala talaga siyang magawa tungkol dito. Patuloy siyang naghanap nang masigasig: Bakit hindi niya masuportahan ang simbahan kahit nakakaunawa siya ng teolohiya? Bakit hindi pa rin makalaya ang mga tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan kahit napakaraming taon na nilang nananampalataya sa Panginoon? Sa gitna mismo ng kanyang pagkasadlak sa kadiliman at desperadong paghahanap ng mga sagot, tinanggap niya ang isang imbitasyon sa Facebook upang makibahagi sa isang pagtitipon noong 2019. Ito ay naging tanda ng isang malaking pagbabago sa kanyang paglalakbay sa pananalig.
02:46 Hindi Malutas ng Teolohikal na Kaalaman ang Kalituhan sa Puso Ko
13:54 Kaya Bang Lutasin ng Teolohikal na Kaalaman ang Kapanglawan ng Simbahan?
31:22 Nasalubong Ko Na sa Wakas ang Pagbabalik ng Panginoon!
55:05 Itinakwil ng Dati Kong Simbahan Matapos Kong Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon
01:06:29 Ang mga Pagninilay at Pagkaunawa Ko Tungkol sa Teolohiya
01:22:04 Sa Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, Nahanap Ko ang Landas Upang Malinis Mula sa Kasalanan