Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 19: Isang Kristiyano, Binugbog Hanggang Mabulag—Buong Pamilya, 12 Taon Nang Nagtatago
Mula nang humawak ng kapangyarihan sa mainland China, walang habas nang sinisikil ng masamang CCP ang relihiyosong paniniwala. Nagkikimkim ang CCP ng sukdulang pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos. Hindi lang nito walang-piling inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano, kundi nilalayon din nito na ganap na lipulin ang mga Kristiyano. Pagkatapos maaresto at madetene, maraming Kristiyano ang dumaranas ng malupit na pag-uusig at di-makataong pagpapahirap sa kamay ng mga pulis ng CCP. Marahas na binubugbog ang ilan at nagiging baldado, hindi na kayang alagaan ang sarili nila; pinahihirapan ang ilan hanggang sa bingit ng kamatayan, pinalalaya lang kapag nag-aagaw-buhay na sila; at marami pang iba ang inuusig hanggang mamatay. Kahit pa nabalda ang mga Kristiyano dahil sa mga pambubugbog, o pinalaya dahil sa kawalan ng ebidensya o makatapos ng sentensya nila, humaharap pa rin sila sa pagmamanman ng mga pulis at palagiang panliligalig. Kung makakita ang mga pulis ng anumang ebidensya laban sa kanila, nahaharap sila sa ikalawa o ikatlong pag-aresto at higit pang pag-uusig. Para makatakas sa palagiang banta ng pag-aresto at pag-uusig sa kamay ng CCP, maraming Kristiyano ang napipilitang iwanan ang mga pamilya nila, tumakas mula sa mga bayan nila, at mamuhay nang nagtatago, o tumakas pa nga kasama ang buong pamilya nila. Ang pamilya ni Xue Yu, isang Kristiyano mula sa Yangzhou, Lalawigan ng Jiangsu, ay isa lang sa hindi mabilang na mga Kristiyanong pamilya na tinutugis at inuusig ng CCP. Lampas alas-8 ng umaga noong Disyembre 19, 2012, inaresto ng mga pulis si Xue Yu at ang tatay niya habang papunta sila sa isang pagtitipon. Habang iniinteroga, parehong marahas na binugbog ng mga pulis ang mag-ama. Sa kabila nito, matatag silang tumanggi na magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa iglesia, at kalauna'y ikinulong sa isang detention house para sa mga kriminal. Habang nakadetene, inutusan ng mga pulis ang mga bilanggo na bugbugin si Xue Yu, kaya nabulag ang kaliwang mata niya. Sa ibang selda, ang tatay ni Xue Yu ay nakaranas din ng malupit na pagpapahirap sa kamay ng mga pulis at ng lider ng selda, at isinailalim sa matinding pagpapahirap. Patuloy na lumala ang kondisyon ng nabulag na kaliwang mata ni Xue Yu, at dumanas siya ng walang-humpay na mataas na lagnat. Matindi ang pasakit na nadarama niya, at dahil sa takot ng mga pulis na mapanagot, napilitan silang palayain ang mag-ama. Gayumpaman, hindi sila tinantanan ng mga pulis kahit pagkatapos silang palayain. Palagi nilang minamanmanan at nililigalig ang pamilya, sinusubukang arestuhin ulit ang mga ito. Para maiwasang maaresto at mausig ulit, napilitan ang pamilyang tumakas mula sa bahay nila. Mula nang tumakas noong unang bahagi ng 2014, tinutugis na sila ng mga pulis sa loob ng buong 12 taon. Pagkatapos nilang maaresto noong Disyembre 19, 2012, anong uri ng di-makataong pagpapahirap ang aktuwal na dinanas ni Xue Yu at ng tatay niya? At paano tinugis ng mga pulis ang pamilya sa loob ng 12 taong ito? Sa nakalipas na 12 taon, gaano karaming nakatagong pagdurusa ang tiniis ng pamilyang ito?
00:23 Mga Tampok na Bahagi
02:14 Xue Yu at Kanyang Ama, Inaresto Habang Papunta sa Pagtitipon at Malupit na Binugbog sa Interogasyon
10:26 Naghanap ng Gulo ang Amo sa Selda, na Malubhang Nakapinsala sa Mata ni Xue Yu
15:20 Kinumpirma ng Doktor na Nabulag ang Kaliwang Mata ni Xue Yu, pero Ganap na Mapagsawalang-bahala ang Guwardiya
20:04 Pinalaya Lang si Xue Yu Matapos Pahirapan Hanggang sa Halos Mamatay Na
20:50 Ama ni Xue Yu, Malupit na Binugbog Pagkaaresto at Ipinadala sa Detention House Para sa mga Kriminal
23:56 Ama ni Xue Yu, Pinilit na Magsuot ng Posas at Kadena Habang Nagtatrabaho Araw-araw
29:36 Ina ni Xue Yu, Labis na Nadurog ang Puso Nang Makitang Nabulag ang Anak Niya
33:21 Dahil sa Palagiang Pagmamanman at Panliligalig ng mga Pulis, Buong Pamilya ni Xue Yu, Napilitang Tumakas
41:33 Pangwakas na Pananalita
43:35 Impormasyon tungkol sa mga Salarin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.