Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 18: Ang Pang-aabuso ng CCP sa mga Sikiyatriyang Gamot para Pagmalupitan ang mga Kristiyano
Mula nang humawak ng kapangyarihan, hindi kailanman tumigil ang walang-habas na pagsupil at pag-uusig ng CCP, isang ateistang rebolusyonaryong partido, sa relihiyosong pananampalataya; lalo lang itong tumindi. Itinuturing ng CCP na tinik sa lalamunan nito ang mga Kristiyano, layong puksain ang mga sumusunod sa Diyos at nangangaral ng ebanghelyo. Mas gugustuhin pa nitong magkamaling pumatay ng isang libo kaysa hayaang makatakas ang kahit isa, at naglunsad ito ng digmaang bayan sa buong Tsina para tugisin at puksain ang mga Kristiyano. Sa tuwing nang-aaresto sila ng isang Kristiyano, pinapahirapan nila ito gamit ang iba't ibang uri ng brutal na pagpapahirap. Kabilang sa mga ito ay ang mas lihim na mapanira, malupit, kasuklam-suklam, at walang-hiyang pamamaraan—iyon ay ang pagpapahirap sa mga Kristiyano sa pamamagitan ng pagtuturok ng mga sikiyatriyang gamot, sapilitang pagpapainom sa kanila ng mga hindi kilalang gamot, at lihim pa ngang paglalagay ng lason sa kanilang pagkain, hinahayaang unti-unting tumalab ang lason sa kanilang mga katawan, at pagkatapos ay pagmamadaling isinasaayos na palayain sila para magpagamot o magpiyansa habang naghihintay ng paglilitis, sa takot na mapanagot sila kung mamatay ang mga ito sa kulungan. Pagkatapos mapalaya ang mga Kristiyanong ito, ang ilan ay dumaranas ng pagkasira ng isip, ang ilan ay namamatay nang hindi natutugunan ang kanilang mga hinaing, at ang ilan ay habambuhay na nagkakaroon ng permanente at hindi nagagamot na pinsala sa pag-iisip. Mula sa mga silid ng interogasyon at detention house para sa mga kriminal hanggang sa mga sentro ng pagbi-brainwash at kulungan, madalas na binibigyan ng pulis ng CCP ng iba't ibang di-kilalang gamot ang mga Kristiyano, kapwa sa pamamagitan ng pagpapainom at sapilitang pagtuturok. Gumagamit ang CCP ng mga sikiyatriyang gamot, nerve suppressant, at maging ng halo-halong mga iniksyon na hindi alam kung saan galing. Napakalinaw ng layon ng CCP sa paggamit ng gamot para usigin ang mga Kristiyano: pinsalain ang mga nervous system nila at guluhin ang isip nila, at, habang wala sila sa sarili, ipinapasiwalat sa kanila ang impormasyon ng iglesia at pinapipirma sila sa Tatlong mga Pahayag para ipagkanulo ang Diyos. Ito ang layon ng CCP. Sa pamamagitan nito, winawasak din sila ng CCP nang pisikal at mental, na nagpapahirap sa kanila na manatiling buhay, pagtatangka ito ng CCP na alisin sila sa mainland China. Ganap nilang ipinagkait sa mga Kristiyano ang karapatan ng mga ito na mabuhay. Sa episode na ito, maririnig natin ang mga kuwento ng ilang Kristiyanong inaresto ng CCP, at aalamin kung anong pinsala mula sa gamot ang dinanas nila bukod pa sa pisikal na pagpapahirap.
00:21 Mga Tampok na Bahagi
07:59 Li Gang at Dalawa Pang Brother, Malupit na Binugbog Pagkatapos Maaresto Habang Nangangaral ng Ebanghelyo
13:28 Kalusugan ni Li Gang, Lumala Pagkatapos Painumin ng Gamot ng mga Pulis ng Detention House
20:50 Li Gang, Binugbog sa Kulungan, Pinalaya sa Pamamagitan ng Medical Parole Dahil sa Sakit
23:47 Xiao Yu, Pinahirapan Dahil sa Pagtangging Pumirma sa Apat na mga Pahayag sa Kulungan
27:13 Ginamit ng mga Babaeng Guwardiya ang Medikal na Lunas Bilang Palusot para Painumin ng Gamot si Xiao Yu, na Nagdulot ng mga Guni-guni
33:50 Isinailalim ng mga Guwardiya si Xiao Yu sa Pisikal na Parusa at Pang-aabuso; Pamilya, Nadurog ang Puso sa Kondisyon Niya Pagkalaya
37:21 Lin Ping, Inaresto Pagkatapos Iulat Dahil sa Pananampalataya sa Diyos, Malupit na Binugbog Habang Iniinteroga
44:48 Ininiksyunan ng Deputy Chief si Lin Ping ng mga Hindi Kilalang Gamot para Piliting Umamin
53:08 Hindi Kailanman Tumigil ang CCP sa Paggamit ng mga Gamot para Usigin ang mga Kristiyano
55:47 Impormasyon tungkol sa mga Salarin
01:03:52 Pangwakas na Pananalita
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.