Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 17: Ang Pang-aabuso ng CCP sa mga Sikiyatriyang Gamot para Pagmalupitan ang mga Kristiyano

Hunyo 4, 2026

Mula nang humawak ng kapangyarihan, walang-habas nang kinalaban ng masama at ateistang CCP ang Diyos. Dahil itinuturing na tinik sa lalamunan nito ang mga Kristiyano, sabik itong puksain silang lahat. Para pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang pananalig nila, walang-tigil at walang habas silang sinusupil at inaaresto ng CCP, gamit ang lahat ng maiisip na anyo ng pagpapahirap para pagmalupitan sila. Bukod sa mga nakikita at malulupit na pamamaraang karaniwang ginagamit nila—tulad ng tiger bench, pagbibitin nang nakaposas, pagpapahirap gamit ang "heart-piercing pole," pamamaso gamit ang kumukulong tubig, pagkuryente sa buong katawan, pagtusok ng mga kawayang pantuhog sa ari, pagkakait ng tulog at pagkain, pagbababad sa lamig, pagpapahirap gamit ang usok, at seksuwal na pang-aabuso— mayroong mas lihim, mas malagim, at mas mahirap matukoy na taktika: ang pagmamalupit sa mga Kristiyano gamit ang mga sikiyatriyang gamot. Hindi tulad ng nakikitang pisikal na trauma, madalas na walang iniiwang sugat ang pag-uusig gamit ang gamot. Sa halip, direkta nitong inaatake ang utak at nervous system, pinipinsala ang kamalayan, memorya, at mga kognitibong abilidad ng isang tao. Ang mga Kristiyanong sapilitang pinaiinom at tinuturukan ng mga gamot na ito sa loob ng mahabang panahon ay dumaranas ng matinding paghina ng memorya, kognitibong panghihina, at pagbagal ng reaksyon. May ilan pang nawawalan ng katinuan at abilidad na alagaan ang sarili. Mula sa mga silid ng interogasyon at detention house para sa mga kriminal hanggang sa mga sentro ng pagbi-brainwash at kulungan, kahit saan ay makikita na gumagawa ang mga pulis ng CCP ng masamang gawain ng sapilitang pagpapainom at pagtuturok ng mga gamot sa mga Kristiyano. …

Sa episode na ito, maririnig natin ang mga kuwento ng ilang Kristiyanong inaresto ng CCP, at aalamin kung anong pinsala mula sa gamot ang dinanas nila bukod pa sa pisikal na pagpapahirap.

00:21 Mga Tampok na Bahagi

05:01 Li Gang at Dalawa Pang Brother, Malupit na Binugbog Pagkatapos Maaresto Habang Nangangaral ng Ebanghelyo

10:18 Kalusugan ni Li Gang, Lumala Pagkatapos Painumin ng Gamot ng mga Pulis ng Detention House

16:05 Li Gang, Binugbog sa Kulungan, Pinalaya sa Pamamagitan ng Medical Parole Dahil sa Sakit

19:20 Xiao Yu, Pinahirapan Dahil sa Pagtangging Pumirma sa Apat na mga Pahayag sa Kulungan

21:30 Ginamit ng mga Babaeng Guwardiya ang Medikal na Lunas Bilang Palusot para Painumin ng Gamot si Xiao Yu, na Nagdulot ng mga Guni-guni

27:18 Isinailalim ng mga Guwardiya si Xiao Yu sa Pisikal na Parusa at Pang-aabuso; Pamilya, Nadurog ang Puso sa Kondisyon Niya Pagkalaya

31:31 Lin Ping, Inaresto Pagkatapos Iulat Dahil sa Pananampalataya sa Diyos, Malupit na Binugbog Habang Iniinteroga

38:28 Ininiksyunan ng Deputy Chief si Lin Ping ng mga Hindi Kilalang Gamot para Piliting Umamin

45:06 Madalas na Gumagamit ang CCP ng Gamot para Usigin ang mga Kristiyano

47:24 Pangwakas na Pananalita

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply