Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 13: Kristiyanong Nasa Huling Bahagi ng Kanyang Dekada Setenta, Malupit na Pinahirapan ng mga Pulis
Taong 2023 ang huling taon ng "Tatlong-Taong Kabuuang Digmaan" ng CCP laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa mga pagtatangka nitong ganap na wasakin at ipagbawal ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gawing isang ateistang sona ang Tsina, at makamit ang masamang layon nitong humawak ng kapangyarihan magpakailanman, lalo pang walang-habas na inusig ng CCP ang mga Kristiyano. Patuloy na tumindi ang mga operasyon ng pag-aresto sa buong bansa, halos buwan-buwan at araw-araw ang nagaganap na mga pag-aresto. Wala silang pinaligtas, kahit ang matatandang Kristiyano na nasa mga edad 70 at 80. Sa loob lang ng dalawang araw, mula Agosto 25 hanggang 26, hindi bababa sa 170 Kristiyano ang inaresto sa apat na county sa Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan. Kabilang sa kanila ang isang babaeng nasa mga edad 80 at sampung tao na nasa mga edad 70. Kamakailan, kinapanayam namin ang isa sa mga Kristiyanong ito, si Xu Lan. 78 anyos siya noong inaresto siya. Para pilitin si Xu Lan na magbigay ng impormasyon tungkol sa iglesia, pinahirapan siya ng mga pulis ng CCP sa loob ng tatlong buong araw. Malupit nilang binugbog ang kanyang ulo at mukha, pinilit siyang uminom ng tubig na may mustasa, at kinuryente siya gamit ang isang de-kuryenteng batuta. Pinilit pa nila ang matandang si Xu Lan na manood ng mga pornograpikong video at niligalig siya nang sekswal, gamit ang malalaswang salita. Ang malupit na karahasan ng mga pulis ay nag-iwan ng mga hindi mabuburang sugat sa kanyang katawan at kaluluwa. Sa episode na ito, susuriin nating mabuti ang karanasan ni Xu Lan sa pag-uusig na nag-iwan ng sugat.
02:48 Si Xu Lan, na Halos 80 Anyos, ay Inaresto Pagkatapos ng Isang Pagtitipon at Sinampal sa Mukha
05:04 Ininteroga si Xu Lan nang 5-6 na Oras, Binugbog, Kinuryente, at Pinilit na Uminom ng Tubig na may Mustasa
16:22 Isinailalim ng mga Pulis si Xu Lan sa Patuloy na Pagpapahirap, Pinilit Siyang Manood ng Pornograpiya at Niligalig Siya nang Seksuwal, Gamit ang mga Nakakadiring Salita
25:39 Pinagbantaan ang Pamilya ni Xu Lan—"Walang Kahihinatnan Kung Mabugbog Hanggang Mamatay ang mga Mananampalataya sa Diyos, Kaya Huwag Kayong Pupunta sa mga Pulis"
27:26 Nag-iwan ng Maraming Pangmatagalang Sakit kay Xu Lan ang Kalupitan ng mga Pulis
30:00 Kahit Pagkatapos Siyang Palayain, Hindi pa rin Tinatantanan ng mga Pulis si Xu Lan, Nililigalig Siya sa Kanyang Bahay
31:27 Iba Pang Matatandang Kristiyano na Nasentensiyahan Kasabay Nito—Ang Isa ay Inabuso nang Sekswal, Habang ang Isa pa ay Pinahirapan Hanggang Mamatay
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.